Nang makapasok ako sa opisina, roon ko lang naramdaman lahat ng pagod. Kagagaling ko lang sa opisina ni Jai, para humingi ng pasensya. Gladly, he accepted my apology. We're okay. Nabalitaan ko rin na nagtanong si tito kung anong nangyari sa mansyon and thanks to my sister, sinabihan niya na ang iba na walang magkukwento. I didn't meant it after all. Nauunahan ako ng utak ko at emosyon, madalas akong wala sa sarili.
Nagsimula muli akong buklatin ang iba sa mga folder doon, ilang araw na rin akong hindi nakakapasok dahil labas-masok ako sa hospital, hangga't maaari, ayokong malaman ito ni tito at binayaran ng mas malaki ang ibang mga staff doon.
Mabuti na lang at walang meeting na mangyayari dahil nasa ibang lugar ang iba at hindi makakauwi dahil sa sama pa rin ng panahon. My doctor told me to work at least six hours a day, usually, twelve hours akong nandito para matapos lahat. Bihira lang din kumakain dahil nakakapagod ang akyat-baba. Matapos ang tatlong oras na pananatili sa upuan ay kumain na ako nang mas maaga kaysa sa nakagawian. Mas gusto ko ang mga prutas kumpara sa kanin. Palihim kong kinuha sa drawer ang aking gamot at saka ininom iyon.
Bumalik ulit ako sa trabaho, hapon na naman at mukhang okay naman ang panahon, himala lang na hindi umulan ngayon. Sa gitna ng aking ginagawa ay may mahinang katok ang nanggagaling sa pinto. Wala naman akong pinapapunta rito.
"Come in," sagot ko saka hinintay ang pagpasok.
Bumungad sa akin si tito, normal lamang itong tumingin sa akin. Sinipat nito ang buong mesa ko saka naupo sa gilid. Mabigat ang bawat paghinga nito, isabay pa ang nakakaduda niyang kilos.
"May problema po ba?" magalang kong tanong habang nagtitipa.
Ramdam na ramdam ko ang titig na titig niyang mga mata sa akin. Nakapatong ang mga siko nito sa kaniyang tuhod at minsan pang napapalingon sa bintana.
"I'm supposed to be asked you that." Natigil ako sa seryosong boses nito saka siya nilingon. "May problema ba, Zeren?" tanong nito na hindi pa rin ngumiti.
Wala akong balak na magpanggap ngayon.
Nakakapagod palang ngumiti nang ngumiti. Nakakangalay.
"I can handle those problems," seryosong sagot ko.
"Kung pagod ka, puwede kang mag-leave. Umalis ka rin sa mansyon nang hindi man lang nagpapaalam, masyadong delikado, tapos mag-isa ka lang sa bahay na iyon," sabi nitong nakatingin ng diretso sa akin.
This time, pakiramdam ko kaya kong labanan ang mga tingin niya. Hindi ko siya maintindihan, masyado siyang nag-aalala sa akin, sa amin. Nasa tamang edad na ako, may mga desisyon aking gustong gawin na hindi ko magawa dahil ayokong bumaba ang tingin niya sa akin. Masaya ako sa mansyon, pero kung ganito lang din na nalulunod na ang sarili ko, bakit pa? Too toxic.
"I can handle myself, tito." Binigyan ko lang ito ng isang ngiti at saka muling bumalik sa trabaho.
"I'll go. Bumisita ka na lang sa mansyon," mahinang sabi nito saka ako iniwan sa opisina.
Gumaan ang kalooban ko. Inaamin ko na medyo nabawasan ang bigat sa dibdib ko dahil sa pagkawala sa presenya ni tito. Pressure. Natataranta ako kapag nandito si tito, gusto ko laging maayos, laging perpekto ang gawa, at kailangan kong maangatan ang dalawa kong kambal dahil ako lang ang maaasahan niya. Matigas ang ulo ni Veron but I knew her, kayang-kaya niyang tumayo sa sarili niyang paa, while Nikasha, she has a one word. Kahit mali, paninindigan niya, wala siyang pakialam kung masasaktan ang ibang mga tao sa ginagawa niya.
I, myself, I have to double my effort. Kailangan kong maging magaling at propesyonal. Kailangan kong makipagsabayan sa iba. Nakakapagod, oo, pero ayokong masira ang pangalan ni tito. Pinaghirapan niya ang kumpanyang lumago.
Ala-sais na ng gabi nang magpasya akong ayusin ang mga gamit ko, kahit papaano ay hindi sumakit ang aking ulo sa trabaho, normally, umuuwi ako ng alas-dyes, depende kung gusto kong sumabay kay tito. Nang maayos ko na ang mga gamit ay doon ko naman napansin ang glass wall na may mga patak ng tubig.
"Uulan ba?" bulong ko.
Wala namang problema kung umulan, malapit lang naman dito ang tinitirhan ko, traffic lang kaya natatagalan. I was about to hold my bag when the door suddenly opened. Muntik pa akong mapatalon dahil sa bumungad sa akin.
"Ma'am!"
"Oh my god! Faith? Why are you shouting?" natatarantang tanong ko at bigla nitong ni-lock ang pinto. Lumapit ito sa akin at saka ako tinitigan nang mabuti.
"Uuwi ka na po ba?" tanong nito na tinanguan ko. "Kasi Ma'am, kanina, may nakita ako, kamukha ni Engr. Suarez," sabi nitong tumingin sa bintana.
Gusto kong maniwala. Gusto kong matuwa, pero paano? Naaalala ko lang ang mga balitang naririnig ko noon, ang pagkalubog ng islang iyon at ang ilang daang tao na namatay, dahil sa pagkalunod at nadagan ng kung ano-anong gamit. Wala rin akong balita sa kaniya. Karamihan sa mga nasawi, ay hindi na makilala ang itsura dahil sa nalagas na ito sa tagal nang pagkakababad sa tubig alat.
"Faith, you already told, kamukha niya lang iyon. I have to go, magpapahinga pa ako, pakipasa na lang kay director and lahat ng iyan. Bye," mahina kong saad saka nagpasiyang iwananan siya.
Ayoko siyang pag-usapan. Wala rin namang saysay ang lahat. Wala rin akong narinig sa mga tao sa mansyon kahit na alam nilang nandoon si Fred, hindi naman pala-kwento si tito sa mansyon kaya hindi na rin ako mag-e-expect na nasabi niya ang tungkol kay Fred sa Agustin. At isa pa, kung hindi ako nagkakamali, ayaw ipaaalam ni Fred noon na nandoon siya, sa mismong bibig na rin ni Jairo nanggaling kaya matagal itong naging tikom.
Wala na siyang pamilya. Walang mag-aalala sa kaniya. Patay na si Fred sa paningin ng marami. He's gone for almost two years at marami na ang nagbago sa paligid, marami na ang problema nila.
Nagsimula akong magmaneho, pinilit kong idilat ang mata ko dahil sa antok at delikado dahil baka madisgrasya ako. Baka matulog na lang ako pagdating ng bahay. Sinimulan ko nang magmaneho, mabagal lang at diretso lang sa kalsada ang tingin. Pinipigilan ko ang sarili kong sabayan ang kanta dahil baka makatulog ako.
Maya-maya pa ay aksidente akong napatingin sa isang lalaking pamilyar ang suot sa akin. Parang nakita ko na pero hindi ko maalala. Dahil may sasakyan sa harapan ko ay bumagal ito, napansin ko na naglakad ito papunta sa gilid dahilan para masilawan ito ng ilaw galing sa ibang sasakyan. Agad kong p-um-reno, at mahigpit na nakahawak sa akin manibela. Hindi ako puwedeng magkamali, totoo yong nakita ko. Siya yon.
Mabilis kong inihinto ang kotse sa gilid at saka bumaba. Lumalakas na ang ambon kaya minabuti kong takbuhin ang kinalalagyan niya. Mabagal ang lakad nito at magulo ang buhok, pero hindi ako puwedeng magkamali.
"F-Fred," hinihingal kong tawag saka ako huminto.
Napapagod na ako.
Huminto siya. Nakatalikod ito sa akin ngunit huminto siya.
Habang tumatagal ay lumalakas na ang ulan, kaunti na lang, haharap na siya.
"Fred," malakas kong tawag at sa muling pagkakataon, ay tuluyan itong humarap sa akin.
Mas naging mabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa pagtama ng ilaw sa kaniyang mukha galing sa ibang sasakyan, tuluyan ko itong nakilala.
Gulat ang namayani sa kaniyang mga mata, hindi ko na namalayan ang tuluyan naming paglalapit. Wala na akong magawa kundi ang yakapin siya nang mahigpit. Naririnig ko ang malakas na kalabog ng puso ni Fred, ang mga bisig niyang unti-unting sumakop sa akin. Ang mainit nitong hininga sa aking tenga. Buhay siya.
"Z-Zeren—"
Sa gitna nang malakas na pagbagsak ng ulan, inangkin ko nang tuluyan ang labi nito. Ayoko sa mundo, wala akong paki-alam kung may nakakakita o kilala ako. Siya lang ang gusto ko. Nauubusan na ako ng hangin nang maramdaman ko ang pagsabay sa akin ni Fred.
"You came, nag-alala ako sa 'yo," hinihingal kong saad habang hinihila niya ako sa isang silong.
"Magkakasakit ka, Ren," bulong nito sa akin.
"Don't care. At least, you here. Sumama ka sa akin," bulong ko at saka niya hinawakan nang mahigpit ang aking kamay.