In Love With The Rain Chapter 47

"Hindi mo na dapat ako pinansin," mahinang saad nito sa loob ng kotse habang nagmamaneho ako.

"For what? Para hindi na naman ako makatulog nang maayos? Look, ang lugar niyo ang madalas na laman ng balita, walang pakialam ang iba dahil wala ng nakakakilala sa 'yo rito," mahina kong saad saka sumilip sa bintana upang makasigurado na bukas pa ang store

"Alam ko, Ren, alam ko."

Lumingon ako rito, blangko ang mga mata nito na para bang walang lakas, pagod na pagod at gusto ko man magtanong sa kaniya, ayoko ring marinig ang kuwento. Kinumbinsi ko itong samahan ako sa loob ng store para naman makapamili ng mga damit niya. I used my credit, ayokong gamitin ang pera ni tito, dahil habang tumatagal, nangyayari na ang ayaw ko.

"Too much for these, Ren," sabi nitong nakatingin sa mga hawak niya.

Hindi ko maiwasang mapatingin at mamangha sa taong nagawa pang magsalita ng lengwaheng iisipin ng iba na hindi angkop sa kaniya. He looks like a farmer then they actually heard him using that language, so cool. Muntik ko nang makalimutan na kasama ko siya noon lagi sa tuwing humaharap sa mga kliyenteng foreigners. Not a big deal anymore, nakakapanibago lang.

"May tutuluyan ka ba rito?" tanong ko nang makapagbayad na ako.

Umiling siya at saka tumingin sa malayo. "W-Wala, napadaan lang ako tapos—"

"Sa bahay ka na muna tumuloy, ako lang naman ang mag-isa roon, ayokong umuwi sa mansyon dahil sobrang sasabog na ang utak ko. Just accept my offer, okay? Baka mapagtripan ka ng mga tao rito sa syudad," sabi ko rito saka siya niyaya sa grocery.

Somehow, gumaan ang pakiramdam ko. Hindi na siya nagsalita sa mga gusto ko at binili ang mga kailangan, panay siya pagpapaalala sa akin na bilhin lang ang mga kailangan, but then, it's my money. Nang matapos kami sa pamimili ay dumiretso na kami sa bahay. Parehas na natuyo ang mga suot namin kaya kailangan na naming magmadali.

Nang makarating kami sa bahay ay parang ayaw pa nitong pumasok, ramdam ko ang mabigat nitong paghinga.

"C'mon, baka umulan na naman," pangungumbinsi ko rito.

Umiling lang ito sa akin bago siya nakapasok sa loob, kitang-kita ko ang paglibot ng paningin niya, malawak naman iyon pero walang second floor. Hindi naman siya maarte base sa pagkakakilala ko.

Matapos kong ilagay ang mga bitbit namin ay hinila ko agad ito sa magiging kuwarto niya, dalawang kwarto naman ang meron dito, ramdam na ramdam ko ang pag-init ng kamay niya at tumingin sa akin na nagtataka.

"Don't give me a look na parang may gagawin ako sa 'yo, okay? Maligo ka na riyan, then, here." Pag-abot ko sa kaniya ng mga binili namin. "Feel free to wear your boxer here. Feel at home," kindat na sabi ko rito na nilakihan niya ng mata.

Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero sinara ko na agad ang pinto. Dumiretso agad ako sa kwarto saka binilisan ang pagligo, aayusin ko pa ang mga grocery at kailangan ko pang magluto. It's already nine o'clock!

Nang matapos ay dumiretso na ako sa kusina. Hindi ko alam kung bakit mas ganado ako ngayon, ayoko nang isipin ang iba dahil okay na ako... sa ngayon. Sa gitna ng pagluluto ko ay doon ko lang napansin na may isang lalaking titig na titig sa akin, suot ang mga binili namin. White shirt and his pajama. Naikagat ko pa ang labi ko saka nagpatuloy sa paghiwa ng sayote.

"Tinola?" sabi nito nang tumabi sa akin.

"Yep, ayaw mo ba?"

"Gusto. Ako na."

Ibinigay ko sa kaniya iyong kutsilyo at saka inayos ang ibang bagay. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya dahil ang tahimik niya lang, tipid pang magsalita kung hindi mo dadaldalin. Nang maluto na ay sabay na kaming kumain, hindi ko lang maintindihan kung bakit niya pa ako pinaglagyan, parang Veron.

"Pasensya na sa abala, Ren, aalis din naman ako rito kapag okay na," sabi nito sa gitna ng pag-kain namin.

"That's nothing. Just stay here, wala rin naman akong kasama," saad ko na ikinakunot niya.

"Ang tito mo?"

"Ayoko muna silang pag-usapan." Pinilit kong ngumiti na tinanguan niya.

Natapos ang gabing iyon na hindi na kami nakapag-usap, parehas kaming dalawang pagod at gusto nang magpahinga.

Kinabukasan ay nagising na lang ako na may almusal na sa mesa, hindi ko ugaling kumain tuwing almusal pero mukhang magbabago na iyon. Napaharap ito sa akin na may hawak na isang tasang gatas at kape. He's smiling at me.

"Good morning," bati nito saka tinapik ang upuan kung saan ako umupo kagabi.

"Wow, nag-abala ka pa."

"Kailangan mo ng lakas sa trabaho," sabi nito saka ko siya inilingan.

I don't want to waste his effort, mukhang masarap naman at good for two lang talaga ang niluto niya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya at biglang ngingiti kapag napapatingin sa akin. Nakakahiya man pero hindi ko mapigilan. Dati, hinahanap ko siya, but in just a snap, mas harapan ko na siya, sabay na kumakain.

"Anong oras ang uwi mo mamaya?" tanong nito sa akin kaya ako natigilan.

"6 or 6:30, nandito na siguro ako. Why?" tanong ko na ikinailing niya.

"Wala lang. May aayusin lang ako rito sa likod ng bahay mo, kung okay lang."

"Of course, do whatever you want. Huwag ka lang umalis okay?— I-I mean, baka bigla lang lumayas," paglilinaw ko dahil sa paraan ng tingin niya na nang-aasar.

"Wala naman akong mapupuntahan. Hintayin kita rito," sabi nito sa akin na ikinangiti ko.

Nag-asikaso na ako ng aking sarili, nagsuot lang ng tipikal kong pampasok. Black pencil skirt and red polo, plus my red heels. Hinayaan ko lamang na nakakaylay ang buhok ko at saka hinablot ang bag. Nang maisara ko ang pinto ng kwarto ay agad akong napahinto dahil sa pagkunot ng noo ni Fred habang hawak ang susi ng kotse.

"Goodluck," sabi nitong may hawak pang walis.

"Yeah. See you later," sabi ko rito pero nakasunod pa rin ito sa akin.

Pinagbuksan ako nito ng gate na hindi pa rin binibitawan ang walis, bahagya akong nangunot nang ibaba ko ang bintana ng kotse.

"Kapag may nagtanong kung ka-ano-ano kita, just tell them that you're my husband," ngiting saad ko na ikinailing niya.

"Anong ulam ang gusto mo?" tanong nito kaya ako mas lalong napangiti.

"Kahit ano. Goodbye."

"Ingat."

Matiwasay na nakarating ako sa opisina, hindi ko maitago ang ngiti ko at mas lalong hindi ako mapakali dahil alam kong nakita ako ni tito, Faith at iba pa, my goodness! Hindi mo talaga kayang pigilan ang ngiti ko. Nilunod ko ang sarili ko sa trabaho, hangga't maaari, hindi ako lumabas dahil panay ang pagdating ng mga email galing sa ibang mga secretary. Nakakapagod, pero kailangan kong kayanin.

"Ma'am? May urgent meeting po pala, kailangan na po kayo," bungad sa akin ni Faith na pasimple akong nginungusuan.

"Okay," sagot ko saka niya ako iniwan sa opisina, nakalimutan ko pa lang isara ang pinto.

Dala ang laptop, maingat akong naglakad papunta sa conference room, sobrang biglaan naman, ni hindi man lang ako nakaupo sa upuan ko. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang karamihan, mga board members, executive director at iba pa. Agad akong napalunok dahil sa tingin nila sa akin lalo na ang mga lalaki roon. Napalunok na lang ako at agad na naupo sa tabi ni tito, hindi pa naman akong ganap na CEO, kaya wala akong dapat na ikabahala, opinyon ko lang naman ang kailangan nila.

Ramdam ko ang pagtitig sa akin ni tito, mukhang alam ko na ang mangyayari mamaya, ayoko ng debate. Titig na titig lang ako sa presentation na ginagawa ng isang bussines partner namin na hindi talaga sumusukong mapapirma si tito, kahit papaano ay may pumasok naman sa utak ko dahil kumain ako. Nagbatuhan na naman sila ng maraming tanong habang ako ay nagmamasid lang.

"That's all, Ricky?" tanong ni tito na nagpalaki sa mata ko.

Ricky? The hell! Fred's second name.

Inayos ko agad ang itsura ko at nagpanggap na wala lang. Kumakalabog na naman ang puso ko at literal na napatuwid ako ng upo dahil dalawang ora na kaming nandito.

"Yes, Sir," magalang na sagot ng lalaki.

"How 'bout, you Zeren? Questions?" Baling ni tito sa akin na magalang kong nginitian.

"I'm satisfied on his proposal," saad ko na tinanguan niya.

Naikagat ko na lang ang aking labi nang tuluyan nang matapos iyon, ako ang naunang lumabas na ipinagtaka rin ng iba. Dumiretso agad ako sa opisina at saka kinurot-kurot ang sarili, kinuha ko agad ang gamot ko saka iyon ininom. Mabuti na lang at nakainom na ako bago bumukas ang pinto.

"Tito, you told me to knock first as a respect?"

"You are acting definitely, weird, may hindi ka ba sinasabi sa akin?" tanong nito pero ngumiti lang ako.

"Wala po akong dapat sabihin. I-I'm just in a good mood." Binuksan ko ang laptop saka naupo habang siya ay nanatiling nakahawak sa doorknob.

"Okay. Hinahanap ka ng pamangkin mo, visit him, he wants to see you," mahinang saad nito saka ako tumango.

"I will."

Nagsimula na akong magtrabaho, kaunti na lang naman ito at wala pa akong natatanggap na email kay tito. Baka sa susunod na araw na lang akong bumisita sa mansyon o kaya isama si Gale sa bahay para naman makita siya ng kaibigan ng tatay niya. Gusto niya rin makita ng personal pero ayaw niyang magkaroon ng koneksyon sa iba. Hindi ko maintindihan kung bakit.

Ala-singko nang matapos ako. Inayos ko na lang ang gamit ko at saka pumunta sa opisina ni tito. Nakakapagtaka lang dahil bukas nang kaunti ang pintong iyon, kakatok na sana ako nang may makita akong pamilyar na lalaki na nakatalikod, mukhang kaharap si tito. Iiwanan ko na sana sila ngunit narinig ko ang pangalan ko.

Mas lalo akong napakunot dahil sa mga sinabi niya at ng lalaki.

"Kakausapin ko lang siya, then after that we can finalize this arrangement," boses ni tito at kitang-kita ko ang pakikipagkamay niya sa isang binata.

Mabilis akong umalis sa lugar na iyon. Gusto kong magalit sa kaniya, dahil s amga narinig ko. What arrangement? Wala siyang sinasabi sa akin nito noon pa man, sasabihin niya lang kung kailan nakaplano?

"Chill, Zeren, he has a reason... Chill!"

I respected him, sobrang laki ng utang na loob ko sa kaniya, but it doesn't mean that he has to do that kind of arrangement! Hindi na ako bata, ni hindi ko alam na nangyayari pa rin iyan dito sa bansa, for Pete's sake! Nangyayari na ang kinakatakutan ko... Sa lahat pa talaga, ikaw tito?

Pinilit kong kumalma hanggang sa makarating sa bahay. May kadiliman na kaya kitang-kita ko ang liwanag sa loob, napangiti agad ako nang dahan-dahan dahil sa paglabas niya para pagbuksan ako ng gate. I waved on him as he smiled. God!

"Hi." Pagsalubong nito sa akin. "Pagod?" tanong nito nang sabayan ako sa paglalakad.

"Yeah—" Napataas ang kilay ko nang makita ang hawak niya. "Walis, seriously? Umalis ako na may hawak kang walis tapos—"

"Maalikabok," natatawang sabi nito na inilingan ko.

Nang makapasok kami sa loob ay naamoy ko agad ang ulam, hindi ko maiwasang dumiretso sa kusina at mas lalong magutom dahil sa sobrang bago. Ngayon na lang ulit ako nakatikim nito.

"Magbihis ka muna, bago kumain," pagpapaalala nito na na hinampas ko sa dibdib pero mabilis siyang natawa. "Hindi ka mauubusan niyan, Ren," dugtong nito kaya agad ko siyang iniwan sa kusina.

Sando at short lang ako dahil bihira lang ako magsuot ng pajama, itinali ko na lang ang aking buhok at saka lumabas. Naupo agad ako sa upuan ko habang siya ay naglagay ng tubig sa mga baso namin.

"Mabuti na lang at inampon kita," nakangiting saad ko na tinawanan niya.

"Lagi kang pagod galing trabaho, marami rin tayong pinamili kahapon, kaya niluto ko yan dahil kumpleto mga sangkap. Masarap ba?" tanong nito na agad kong tinanguan.

"Super!" masigla kong saad habang puno ang bibig.

Hindi ko magawang makapagsalita dahil kahit maliliit na parte ng pagkain ay nilulunok ko. Pansin ko naman ang madalas na pagtingin niya sa akin at ang pag-urong ng ulam papunta sa akin. Parang gusto ko na lang dito. Ako na ang naghugas ng plato habang siya ay nagwalis na naman. Ayoko na lang kwestiyonin ang pagwawalis niya.

Matapos non ay nagpasya akong pumasok sa kwarto, ginawa ko na lang ang ibang bagay at ang meeting na mangyayari this Friday. Bigla-bigla na lang akong napapakuyom sa tuwing naaalala ang mga iyon... Ang usapan ni tito at ng isa sa mga kilalang kumpanya rito. He will never do that. Ayoko siyang saktan pero baka mapilitan ako kalag nangyari iyon.

Tumagal ng ilang oras at nakaramdam na naman ako ng gutom. Lumabas ako ng kwarto at pagkabukas ng ref ay bumungad sa akin doon ang isang Graham mango cake na mas isang lalagyan, umuusok sa sobrang lamig.

"My favorite!" Kinuha ko agad iyon sa lalagyan at kumuha ng dalawang tinidor.

Kumatok agad ako sa kwarto ni Fred na agad ding bumukas. "Hey, let's eat," alok ko na kinunotan niya.

"Kakakain lang natin a—"

"Two hours ago, Fred. Gutom pa ako, e. Let's go, samahan mo akong manood, some romantic movies, you know," nakangiting usal ko habang hinihila ito pa-upo sa sofa.

"Ren, ang short mo, tumataas," bulong nito kaya alerto akong ibinaba iyon.

Kinuha ko agad ang remote at saka binuksan ang tv, pinatay ko ang ulo dahil medyo maliwanag naman. Ramdam ko ang mabigat na paghinga ni Fred na medyo umurong pero ipinatong ko agad ang aking paa sa hita nito.

"Don't move, wala naman akong gagawing masama," bulong ko habang nakatingin sa tv.

"May nangyari ba sa trabaho mo? You look pissed off," sabi nito sa akin na halatang titig na titig kahit may kadiliman.

"Nothing. Ayoko lang pag-usapan." Lumapit ako palapit sa kaniya at hindi na siya muling gumalaw pa. "Hmm, anong mga balak mo?" tanong ko sa kaniya sa kalagitnaan ng kaniyang pagnguya.

"Balak? Saan?"

"Kahit saan, sa buhay mo," bulong ko.

He licked his damn lips. Gusto kong mapamaang ngunit narinig ko na ito. "Baka pumunta ako sa probinsya ni papa, may naiwan siyang bahay roon bago siya mawala. Hindi ko lang alam kung nandoon pa ba o baka giniba na," malungkot na sabi nito.

"Starting a new life? Right?"

"Oo. Ang bilis ng pangyayari sa Agustin, Ren, e. Nagising na lang ako na nandito na sa pier, akala ko nawawala na rin ako," bulong nito at bahagyang yumuko.

"Lola may saved your life. God has a plan for you, Fred. So don't lose hope. Kailangan mo lang lampasan lahat," pagpapakalma ko saka siya ngumiti.

Alam kong nahihirapan siya sa mga sitwasyon, maraming mga nangyari sa kaniyang hindi maganda at alam kong may kasalanan pa rin ako.

"Wala rin naman akong balak na magtagal dito. Magsisimula na lang ulit ako ng panibagong buhay, sa malayo, basta hindi rito."

Nakaramdam ako ng kirot sa mga sinabi niya. Ni hindi ko magawang magsalita, pakiramdam ko ay unti-unti akong nanghihinayang. I badly want him. Pero sa kaniya na nagmula, ayaw niya rito. Alam kong pahihirapan lang siya ng mga tao rito.

"You have me, Fred, don't forget that."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.