"5 to 10 billion the range of price that I will be given to her. But it's up to you if you deal with it. You can lower the price if you want her to sign the papers. Nasa iyo na yan kung paano mo siya mapapapayag. Discuss what are the benefits we can give to them, especially our engineers. Kampante naman ako na sa atin siya pipirma dahil siya ang unang lumapit, but then, we have to impress her. Sasagutin mo lang ang lahat ng katanungan niya after you discuss some matter," mahabang sanaysay ni tito sa kabilang linya.
Sumandal na lang ako sa haligi ng terrace saka kinawayan si Nikasha, na napatingin sa akin habang naglalakad sa kahabaan ng daan papunta sa bahay. Naupo ako sa upuan at saka sinandal ang ulo sa grills.
"Hindi na po talaga kayo makakahabol?" tanong ko na baka pwede pa.
"Hindi na. Dalawa naman ang ticket d'yan diba? Pinalista ko na ang mga pangalan niyo ni Fred, para naman may escort ka. Hindi rin pwede si Victor, dahil pinauwi ko na muna siya sa pamilya niya. I know you can do it. Ilang kliyente na ba ang pumirma sa'yo? That will be the piece of cake for you," baritonong boses nito saka ko narinig ang pagsara ng pinto.
Si Kuya Victor lang din ang pwede kong asahan, siya ang secretary ni tito. Noon pa man ay katiwala na niya iyon. I don't have to worry about because, Fred will be in my side that time. Akala ko talaga, ako lang ang mag-isa.
I don't want to be alone.
"Okay po. Magpahinga na po kayo. I will take care of it."
"You should. I love you."
"I love you," sagot ko saka iyon binaba.
Napahikab na lang ako nang pumasok muli sa kwarto. Kaunting oras lang ang tulog ko kanina dahil sa mabusising mga papeles. Sevein gave me some tips that I will need in that day. Kasama naman siya kaya walang problema. Kinakabahan lang ako. I know, someday, I am the one who will do this kind of job. Tito, trust me so much.
Aalis na sana ako nang pumasok naman sa kwarto si Nikasha. Matamlay ang katawan nito at walang buhay ang mga mata. Humalik ito sa aking pisngi at saka ako nilagpasan at pumunta sa kaniyang mini library niya.
"Hey, where are you going? Nagmamadali ka ata?" tanong ko saka siya niyakap mula sa kaniyang likuran.
"Seminar. Hinahanap ko lang yong record," mahinang sagot nito saka ako bumitaw.
Tahimik lamang ito at medyo mainit ang katawan, umiwas ito nang ilalapat ko na ang kamay sa kaniyang leeg.
"Si tito?" tanong niya habang binubuklat ang blue book.
"Nasa Palawan. Next week pa siya makaakuwi e."
"Ah. Wala kang trabaho?"
"None. Naghahanda lang para sa next client. Ahm, wanna eat? Sabay ka na sa amin," ngiting pang-aalok ko na inilingan niya.
"Paalis na rin ako. Kailangan ko lang 'to."
"Oh! Okay. Ingat ka. Inom ko ng maraming tubig lagi, okay?"
"Okay. Goodbye," ngiting sabi nito saka ako tinalikuran at lumabas ng kwarto.
That's it. The short conversation with my sister is enough to make me calm. Hindi kasi ako mapakali minsan kapag hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko. Sobrang abala niya na. But hoping that she can give herself more time.
Bumaba na ako upang makakain, narinig ko pa ang malakas ka pagtawag ni Lucas, kay Nikasha. Napansin ko pang tumakbo si Lucas papunta sa maid door habang may bitbit ng kung ano. Nagtataka man ay lumihis na ako papuntang sala. Buhat-buhat ni Sevein ang aking alaga habang mahinang isinasayaw ito. Nang magtama ang aming paningin ay hinarap niya sa akin si Sero, at ikinaway ang maikli nitong kamay.
"Mommy," tawag ni Sevein na nakatingin sa akin.
Nakangiting lumapit ako sa kaniya sa tabi ng bow window na kung saan kitang-kita ang malawak na hasyenda. Pero imbes na kunin si Sero, ay hinayaan ko lang sa kaniya iyon. Wala itong pang-itaas, naka basketball short lang ito at may tuwalya sa kaniyang balikat.
"Tagal na niyan a." Pangguguso nito sa suot kong bracelet.
Combination of blue and pink pearl and diamond size. Kumislap ito kaya ako napangiti.
"Bagay raw sa akin sabi ni tito," bulong ko kaya napangiti ito.
"Talaga? Gusto niya rin ba? Dapat sinabi mo noon," natatawang sabi nito na tiwanan ko rin.
Tito said that, this bracelet that I wore has a miracle. Madalas daw akong suwertihin lalo na't wala raw masyadong pumapasok na problema sa akin magmula nang suotin ko ito. Well, it's true. My lucky bracelet.
Sevein, gave this diamond bracelet to me when I celebrated my 18th birthday. From that time, I always wear this. They said that this is my lucky charm because of the seven heart in sevein diamond. And it's came from Sevein. A lucky seven, huh.
"Kasama ka ba sa Victorian Ship?" tanong ko na mabilis niyang tinanguan.
"Oo. Kami nila Von pati yong magkapatid na Arcus. Bakit? Ikaw rin? Hindi si tito?" sunod-sunod na tanong nito.
Ngumiti ako saka tumango. "Yep. Hindi makakahabol si tito. Kasama ko naman si Fred, kaya okay lang."
"Buti naman at may kasama ka. Saang Class ka?" pagtutukoy niya kung saan floor ako.
"I'm in a Class C. Ikaw?"
"Class A. Naroon ang karamihan sa mga Faustino, alam mo na. Malapit ka lang pala sa amin, kaso malawak ang sakop no'ng barkong iyon. Well, magkita na lang tayo sa kung saan mang sulok," natatawang sabi nito saka ginulo ang aking buhok.
Nakakalungkot lang dahil wala siya sa Class C. Karamihan sa Class na iyon ay mga negosyanteng patungkol sa mga lupa at ari-arian. Nasa Class A ang mga Casino gaya nila Sevein at kung ano pa. Alam kong maraming tao roon, lalo na't bitbit nila ang mga pamilya nila o di kaya'y asawa.
"Nasabihan mo na ba si Fred? Mukhang wala siyang ka-alam-alam e."
"Hindi pa e. Baka mamaya na lang."
Hinayaan ko na lamang si Sero sa kaniya, kailangan ko na lang mag-isip ngayon kung anong susuotin ko. Mabilis ang oras kaya kailangan ko ring magmadali. Baka si Veron na lang ang tawagan ko dahil alam kong kaya niya akong tulungan sa problema ko.
Nahagip ng aking paningin ang pag-aayos ng scarfs ni Kelly, sa kaniyang leeg. Dala ang maleta nito at mukhang aalis na siya.
"Hey, do you have a flight?" tanong ko saka umalis sa sofa.
Natigil ito sa ginagawa niya at saka napatingin sa akin. Ngumiti ito saka mabilis na tumango.
"Oo e. Medyo okay naman na ang panahon ngayon, pa-Las Vegas naman kami," ngiting sabi nito na ikinatakot ko.
May bagyo pa rin sa lugar na yon, kaya siguro inurong ni Mrs. Aiva ang negosasyon dahil na rin sa bagyo. Tumango ako nang dahan-dahan upang hindi ipakita ang takot. Ayokong mag-isip ng masama sa magiging byahe niya.
"Okay ka lang? Namumutla ka ata? I will call mommy to get one capsule—"
"Ah, hindi a. Ganito lang talaga ako," ngiting sabi ko saka napayuko.
I-aangat ko na sana ang aking ulo nang mapatingin ako sa bracelet na aking suot. Malakas na kumalabog ang tibok ng aking puso. I know this is gonna be crazy but, this small stuff is my lucky charm. Wala man naniniwala pero ilang beses na ako nitong nailigtas. Sounds epic magic but yeah. Nevermind.
Inalis ko agad ang suot kong bracelet saka iyon isinuot kay Kelly, nang walang pag-aalinlangan.
"What is this?" pagtataka niya na nginitian ko.
"Lucky charm ko yan, never akong pinahamak niyan. Promise!" pabulong kong sigaw na inilingan niya at tinawanan pa.
"Talaga? E, bakit mo sa akin binibigay?" tanong niya saka ko inayos ang scarf nito.
Sobrang amo ng kaniyang mukha, malaki ang pinag-kaiba niya sa mga parents niya pero alam kong matapang siya katulad nila. She is a strong woman in her own. Hindi ako nagkamali sa pagpili ng kaibigan.
"Because, I love you. Ayokong may mangyaring masama sa'yo during your flight. Ikaw lang ang nag-iisang prinsesa ng mga Villamor. You have to believe in my magic bracelet, okay? Trust me, Kelly," mahinang anas ko saka siya niyakap.
Mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin. Nakangiting humiwalay siya.
"Thank you. I promise to take care of this, your magic bracelet. Soon, ibibigay ko ito sa'yo."
"No need. Sa iyo na yan. Hmm, much better if, give that to me when you find your happiness."
Nagtaka ito at kumunot ang noo. Lumingon ito sa gawing kanan kung nasaan ang mga tita namin na alam kong naririnig nila ang pinag-uusapan namin, ngunit nakalimutan kong naroon sila kaya nakaramdam ako nang kaunting hiya.
"Wha— why? I mean, I'm happy."
"Okay, for now, I considered that you are happy. But I am talking about the man who can be your happiness. He will be your lucky charm."
Nawala ang gusot sa noo nito saka marahang tumango. Tinitigan nito ang bracelet na mas lalong b-um-agay sa kaniya. Sa sobrang ganda ay parang para talaga kay Kelly, ang bracelet na iyon.
"Thank you."
Their smile is enough for me. Enough to be happy.