In Love With The Rain Chapter 7

Tinititigan ko lamang si Veron, na seryosong tinititigan ang mga damit na dadalhin ko. Tatlong araw lang naman ang itatagal namin doon at baba mismo sa Fucia Bay, kung saan madalas naroon ang mga malalaking barko.

"I think this one is enough—"

"Hindi pwede. Ano ka ba? Mayayaman ang makakaharap mo roon, para saan pa't may kapatid kang fashion designer, ano. Hindi naman ako papayag na mabastos ka, pero syempre, ayokong magmukhang manang ka roon. Tandaan mo, isa kang Ficarro."

Napaismid na lang ako at hinayaan siya sa kakatingin ng mga damit na pinadala siya mula sa kaniyang trabaho. Napirmi lang ako sa kama at saka hinihintay ang tawag ng isa naming kapatid. Gusto ko na siyang makausap dahil bukas na ang alis ko. Si Veron naman ay huli na nang malaman ko na hindi siya sumipot sa meeting nila para lang bigyan ako ng oras.

"Tumayo ka r'yan, tingnan mo to. Ang ganda! Bagay sa akin!" tuwang-tuwa na sabi nito na akala ko naman ay sa akin niya sasabihin.

Tumabi ako sa kaniya at saka niya idinikit sa akin ang red fitted dress na medyo revealing ang likuran, hanggang hita ko ang haba at long sleeve ang style nito. Ngumiti ito sa akin at saka binitawan ang kaniyang hawak sa bakanteng kama.

"How 'bout this one? High Low dress. Manipis lang siya, pero bagay sa'yo, mahaba naman ang buhok mo e. Ikulot na lang natin yan," pagngunguso nito na tinanguan ko.

Tumagal kami ng halos dalawang oras para sa pamimili ng damit at ayusin na rin ang aking dadalhin. Hapon naman ang byahe dahil sa gabi mag-uumpisa iyon, inayos ko lang ang gamit para hindi na magmadali.

Lumabas na kami sa kwarto at sinalubong ang aking pusa na hawak ni Jairo, medyo malaki na ito at mataba na rin, hindi maalis ang ngiti ni Jairo dahil sa pag-iingay ng alaga ko.

"Iidlip lang ako, mas lalo akong mapupuyat kapag umalis ka na," natatawang anas ni Jairo.

"Oh, go. Thank you. Sorry sa abal—"

"Okay lang yan kay bebe Jai, diba? Jai? Mabait yan, good boy yan e. Sige na, tulog ka na," pangtataboy ng kapatid ko.

Tumalikod na ito sa amin at kami naman ang pumunta sa ibaba. Maingay pa rin ang kung ano-ano ang mga pinaguusapan. Mas naging kaunti ang mga tao dahil mas nauna na ang iba sa ship, sa pagkakaalam ko ay isinama ni Tito Zack ang pamilya niya maliban kay Lucas. Gano'n din si Tito Matt at Sevein, pati ang pamilyang Fornacier.

"Hindi ka po sumama?" tanong ko kay Tita Ezra, na humihigop lang ng kape.

"No. Gusto ko sana kaso, walang kasama ang bunso ko kapag umuwi siya rito," pagtutukoy niya kay Maru.

Hinihintay niya pa rin si Maru, na umuwi rito sa mansyon kahit na abala na iyon. She's a mother afterall. Kung ituring niya si Maru, ay parang limang taon pa rin.

Naupo na lang ako sa kaniyang tabi at tahimik na pinagmasdan si Martin na nagdidilig ng mga halaman. Napansin ko rin na walang pang-itaas ito at naka-boxer lang. Mukhang bagong gising lang din siya.

I always noticed that most of the boys here aren't wear the top clothes every morning. Lumalabas sila ng kwarto nila ng walang pang-itaas. Nakasanayan ko na iyon noon pero ngayon ko lang mas lalong napansin. Not a big deal at all naman.

Muntik pa akong mapatalon dahil sa biglaang pagtunog ng aking selpon na nakalagay sa aking hita. Natawa pa sa akin si Veron pero hindi ko na lang ito pinansin.

I message from Fred.

From: Fred:

Tinawagan ako ng tito mo kanina. Ako raw ang kasama mo mamaya. Pero baka mahuli ako ng dating, may inaasikaso pa kasi ako e. Pinasuyo na lang kita kay Sevein, pumayag naman siya na salubungin ka. Sorry talaga. Susubukan kong makapunta.

Mas lalo akong nanlumo dahil doon. Hindi ko alam kung sino na ang kasama ko. Ayoko nang abalahin si Veron, dahil for sure na papagalitan siya ng boss niya dahil tumalakas lang pala siya ayon kay Lana.

To: Fred:

It's okay. Just take your time. Before 8 naman aalis ang ship. Hintayin na lang kita roon. Thanks for approaching me for that.

Hindi na ako nakatanggap ng mensahe sa kaniya. Baka talaga abala siya dahil mayroong siyang inaalagaang matanda, ang lola niya. Sa pagkakaalam ko ay lumaki siyang walang magulang at lola niya ang nagpalaki sa kaniya.

Mukhang sarili ko na lang ang kailangan kong asahan. Tumayo na ako at nagpaalam na mag-aasikaso na ng sarili. Hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood ngayon at pinipigilan na mawalan ako ng interes sa mangyayari bukas. Bukas ng gabi kami magkakausap ni Mrs. Aiva. Gaya ng sinabi ni Veron ay kailangan kong maging maayos sa harap nila.

Humanap ka ako ng paraan para mapaalis ko si Veron, ayoko na siyang abalahin pa at kaya ko naman na siguro ang aking sarili. Ala-singko na nang matapos ako sa lahat. I wore black dazzling fitted dress, revealing ang likuran dahil kitang-kita talaga ito pero hanggang talampakan ko naman ang haba na may hiwa mula sa aking hita sa tagiliran pa-ibaba.

Isinuot ko lamang ang kwintas na regalo ni tito sa akin, ikinulot ko lamang ang dulong bahagi ng itim kong buhok. Manipis na make up lang ang ginawa ko para hindi mansyadong mahirap kapag inalis.

Bumaba na ako at sinalubong ni Tito Asher. Siya na lang daw ang maghahatid sa akin dahil tutal ay tapos na siya sa trabaho niya, wala namang kaugnayan sa negosyo ang trabaho niya kaya siya lang ang lalaking hindi kasama roon.

"Send us a message if you are there. We know naman na kaya mo yan. Enjoy the party while doing your work," masayang anas na sabi ni Tita Summer saka ako kinindatan. "Bantayan mo rin ang tito mo kung sino ang isasakay n—"

"Tara na, Zue. Traffic pa naman," pagpuputol ni Tito Asher sa binubulong ng asawa niya sa akin.

Kung ano-anong pangalan ang tinatawag nila sa akin, god!

"Alis na po kami. Ako na pong bahala," bulong ko kay tita sa huling bahagi.

Padilim na nang magpasya kaming umalis ni tito. Medyo may kalayuan ang Fucia sa lugar namin kaya mabilis magpatakbo si tito. Kahit na may edad ka si tito ay hindi pa rin nawawala ang taglay nitong tikas sa katawan. Kung ano ang itsura ni Keus ay gano'n din ang itsura ni Tito Asher no'ng binata niya base sa mga litrato.

Tita Summer is a nurse while Tito Asher is the Vice President in one of the famous organization in the world. He's a bomb expert at iba pang mga armas. Malayong-malayo iniwan niyang propesyon na isang doktor.

"Sabihan mo si Fred na titigan niya ang babaeng iyon para pumirma agad," ngising sabi nito na nginitian ko.

"Copy."

"Wala pa siya, ano? Kailangan niyang humabol para naman may kasama ka. Imposibleng makasama mo ng matagal ang ibang mga tito mo roon lalo na't kayo lang ni Fred ang nasa Class C. Marami namang mga security roon. Basta kapag may problema, sabihan mo agad ako, o di kaya'y ang mga tita mo," pagpapaalala nito saka iniliko ang kotse dahilan para matanaw ko na ang pier.

Napangiti ako saka marahang tumango.

"Sure po. Ako na pong bahala sa lahat," ngiting sagot ko saka nagpasyang bumaba nang makarating kami.

Inalalayan na rin niya ako sa pagdala ng gamit hanggang sa may sumalubong sa amin na isang lalaki. Ibinigay niya roon ang aking gamit saka na ito nagpaalam sa akin. Tanging pagkaway lang ang aking ginawa saka humarap sa napakalaking barko, kung saan ako magtatrabaho sa loob ng tatlong araw.

Bukas na ang mga ilaw at marami na rin ang mga taong nagsisipagdatingan dahil mukhang aalis na. Sa pagpasok ko ay bumungad sa akin si Sevein na hinihingal na huminto sa pagtakbo at lumapit sa akin na naglalakad na lang.

Kusang kumalabog ang puso ko at umaktong normal lang ang nangyayari sa akin. I felt nervous because of my work not for him.

Be professional, Zeren.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.