IN YOUR ARMS (MED SERIES#1) Chapter 2

Chapter 1

Nagising ako sa isang malakas na tunog ng alarm clock. Ano ba naman yan, ka aga-aga eh. Gustong-gusto ko pa matulog dahil anong oras na ako nakatulog kagabi. K-drama was the reason why I woke up late this morning.

I felt like I needed to finish the last three episodes of it because my classes will start this day. I don’t have time to watch anymore if the requirements will be given to us.

I groaned when my alarm clock continuously ringing! Wala akong choice kun’di ang bumangon at mag-ayos para sa sarili ko. Wala akong taga gising sa akin ngayon dahil mag-isa lamang ako na nakatira sa apartment na ‘to.

Three years of being independent are okay. Sa una nangangapa pa ako sa pag a-adjust dahil lahat ay bago. I am not a resident of General Santos City, I just moved here because I want to try new things. My parents were against this idea of mine but I pushed them to their button enough for me to agreed with this set-up.

Pero di kalaunan ay nasanay na rin ako dahil sa tulong ng aking mga kaibigan. I have my friends here whom my classmate since highschool. Pero no’n hindi ako nakatira dito sa apartment at mag-isa. Before, our driver will fetch me after school and drive again early in the morning. Kahit isang oras ang layo ng bahay namin at ng school.

Kaya ngayon na bumukod na ako, hindi na mahihirapan si manong na mag hatid sundo sa akin.

Never afraid to try new things cause along the way you will discover something that you couldn’t imagine. Three years of living without my parents by my side pushed me to strive hard and learning new things. Discoveries. . . never limit yourself to discover the things that you are capable of expanding.

Strive for the better.

It’s my first day of classes being a third-year nursing student. One year to go at makaka-graduate na ako! The exciting and thrilling part of college life was to get our diploma! That means our hard work paid off!

Pagkatapos kung maligo kumain na agad ako ng breakfast. Cereal lang kasi wala na akong time mag luto. Mabuti sana kung nandito si Renaissa kasi siya sana taga luto ko para sa breakfast.

Minsan pumupunta si Renaissa dito para tumambay kahit may sariling bahay naman sila. Kaya, kapag nandito siya, siya ang ginagawa kong taga-luto.

Tinatamad talaga akong pumasok dahil first day ngayon, pero kailangan kasi unlike sa ibang school na hindi pumapasok ang mga Prof. Dito naman sa St. Raphael University walang mantas.

Araw-araw pumapasok ni kahit thirty minutes late na mag le-lecture pa rin! Bawal ang tamad tamad or else bagsak ka.

Mga proof dito ang hilig mang bagsak, walang tawad-tawad kapag bagsak ka, bagsak ka talaga. Kaya kailangan pasipagan di patalinohan kasi magiging useless ang talino kung tamad ka naman.

Being in college, will teach you so many lessons. You need to strive hard to proceed to another level. Hindi mo madadala sa pa-awa ang mga Professor mo para lang ipasa ka. What matters in college is determination and hard work.

My school were just near from my apartment. Pwedeng-pwede lakarin lang at saka, hindi naman ako ma le-late dahil alam ko naman kung saan ang magiging classroom. Sa tatlaong taon kong pabalik-balik sa paaralan siyempre alam ko na kung saan ako pupunta.

Upon walking, I saw newbie's faces they were so innocent on the people that surrounds them. Little did they know this place was not for saints. It’s beyond the things that you could imagine.

Sa mga f*ckboy ang mga lalaki dito eh. No’ng unang taon ko sa highschool akala ko talaga mga santo ang mga tao dito. Not knowing that people here in our school were so aggressive than in public schools. Pustahan ‘di pa tapos ang school year na ito marami ng ma de-devirgenize dahil sa pagiging agressibo ng mga tao dito.

"Hoy! babaita!" napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses na yun.

Nakita ko si Hannah na naka upo sa tambayan namin sa may A-walk. Kasama si Zenneth na naglalaro nang ML at si Althea na busy sa mga make up niya. Napalingon tuloy ibang mga estudyante sa kanya. Kasi ang boses niya eh, parang daga pero ang cute lang.

"Hey! Kamusta bakasyon guys? Nag enjoy ba kayo?" bati ko sa kanila at umupo sa tabi ni Althea na busy sa pagpapaganda,as if naman mapapansin ng crush niya.

"Okay lang naman nag enjoy ako masyado." sagot ni Althea sa akin,

Maganda naman talaga siya eh, medyo singkit ang mata tapos ang puti niya pa. Ni wala ngang pimple sa mukha to eh, alagang derma kasi. Marami namang naka pilang mga manliligaw niya, pero don talaga siya sa playboy na si Marc.

"Ikaw ba nag enjoy ka?" tanong ni Zenneth na busy sa paglalaro ng ML.

"Oo, nag enjoy ako sa bahay. Alam mo, inikot ko lahat ng parte ng bahay namin. At ‘yon, nag enjoy ako. Wala pang gasto. No money involved,” pag ke-kwento ko sa kanila sa kung anong ganap sa akin no’ng bakasyon.

Alam niyo yun? Mga kaibigan ko may mga travel goals tas ako naka tunganga lang sa apartment whole summer. Nanonood nang drama at nagbabasa sa mga wattpad books. Ganon lang talaga ginawa ko buong summer.

Fifteen minutes pa bago nag umpisa ang first subject naming kaya hindi pa kami pumasok sa classroom, alam naman namin ang designated room namin so no need to panic. Hinihintay pa kasi namin si Renaissa eh. Ang babaitang ‘yon talaga.

Palagi nalang ‘yon late basta sa bahay nila siya umuuwi, pero kapag sa apartment ko naman siya matutulog ang aga aging gumising. Di ko rin alam sa trip ng babae na ‘yon. Kapag five minutes na wala pa siya, iiwan na talaga namin siya. Aba, ayaw kong masigawan ulit nang mga Prof namin no.

In terms sa mga na lalate, Prof. ng St.Raphael ang mga strict.

"Guys! I'm sorry na late ako," hinihingal na sabi niya sa amin. Tumakbo nanaman to papunta dito para ma abutan niya kami. Palagi nalang ganito ang set up kapag unang araw ng skwela.

"Hay nako! Late ka nanaman. Alam mo naman yung isa diyan masyadong time conscious." pagpaparinig ni Hannah sa akin, habang inaayos ang mga gamit niya.

Nginitian ko na lang siya bilang response. Ayoko kasi lahat e ‘yong ma-lalate ako sa class. Every minute is important. .. basta nasa paaralan ako. Kasi pag nalate ako, ma mimiss ko ang mga tinatalak nang mga Prof. namin. Halos lahat pa naman na lumalabas sa exam eh ‘yong mga sinasabi lang nila at wala sa libro.

One thing you should learn in college. Don’t rely on the books only, it’s safer if it’s coming from your teacher’s mouth.

"Hoy! hoy! di pakaya ako late, may ten minutes pa mga dzai. Nagmamadali na nga ako kanina eh," nakataas pa ang kilay habang sinasabi sa amin na proud na proud na hindi siya late.

I just laughed at her reaction, trying to save her life of not being late. Eh, malapit na lang ma-lalate na siya.

"Mabuti na lang at hindi ka umabot sa five minutes na oras ko kun’di iiwanan sana talaga kita dito," I said, trying to scare her.

“Alam ko naming hindi mo magagawa sa akin ‘yon. We’re bestfriends, remember? And bestfriends don’t leave each other,” siguradong-siguradong ani niya sa akin.

Umiling na lang ako dahil tama nga naman. “Yeah, you got me there!”

After our small conversation, we were now heading to our designated classroom.

“Pero seryoso, iiwanan talaga kita do’n kapag nalate ka. Alam mo naman na ayaw na ayaw ko ang na-lalate,” I told her.

“I know, something came up in our house that’s why I’m a bit lit today. Swerte ka lang kasi malapit ang paaralan at ang apartment mo!”

Sanay naman kasi si Renaissa sa akin. Alam niya rin napaka time conscious ko at ang motto ko daw ata sa life ay ‘Time is Gold’—which was true because every minute is important to me.

Hindi ko gustong sayangin ang oras ko kung alam ko naman na kaya kong gawin ngayon.

Nagpaalam na si Hannah, Zenneth at si Althea sa amin. Hindi namin sila kaklase kasi na late sila sa pag pa-paenroll. Travel is life sila eh kaya ayan di tuloy kami mag kaklase.

On the other hand, me and Renaissa were still classmates ever since highschool. Sabay din kaming nag e-enroll palagi kaya hanggang ngayon ay magka-klase pa rin kami.

Ingay agad nang magiging kaklase nanaman namin ang mga naririnig ko pagdating namin sa classroom. Gusto ko pa namang umupo sa unahan para maka kinig ako ng maayos. Pero wala ng bakanteng upuan. The only vacant is sa 2nd to the last na column and sa last.

"Henz! dito dali!"

Nakahanap agad si Nais ng mauupuan namin. The spot she chose was on the center. . . As in iyong sentro talaga na maka agaw pansin sa recit pag nag papa recit ang mga Prof. Pero okay na ‘yon para mas ma intindihan ko ang mga sinasabi at makaka take note pa ako ng maayos.

Nandiyan na ang Prof. namin sa unang subject. Nag check ng attendance and then nag umpisa na siyang mag introduce ng magiging subject niya para sa semester na ito. This surely will be a hell for us, lalo’t na nasa 3rd year level na kami.

The subjects were too much and the responsibilities got heavier. Ngaong nasa 3rd year level na kami, dito na rin magsisimula ang clinical rotation na tinatatawag.

Our morning session ended up smoothly. All professors didn’t try to lecture us today instead, they all introduce their subjects and what to expect on it. This happens every time on the first day of school.

Napatingin ako sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Hindi naman kasi nag lalalagay ng sobrang upuan sa isang classroom dito. Lahat ay eksakto. . . walang labis, walang kulang.

Nakaligtaan siguro ng taga linis na ligpitin ito kaya nandito pa din ‘to hanggang ngayon.

Pagkatapos ng klase naming ay agad akong inaya si Renaissa na pumunta sa c.r. We just have only one hour break time before we proceed to another class.

"Tara na, kanina pa nag text sa akin sila Zenneth na nandoon na sila sa canteen," sabi ko kay Nais. Nagpapa ganda pa kasi eh.

Kanina pa vibrate nang vibrate ang phone ko sa text ng mga kaibigan ko. Mas na una silang di-nismiss ng prof. nila kaya nandoon na sila sa canteen.

“Wait lang, kailangan ko ng retouch. Feel ko ang haggard ko tingnan, eh,” maarteng saad nito sa akin at inilabas ang mga make up niya.

"Hindi ka pa ba naka retouch sa lagay na yan? Ang pula na nang labi mo eh," nagbibirong tanong ko sa kanya.

“Girl, basta kapag feeling ko ang haggard ko tingnan. . . haggard talaga. Ghad! I need to buy some skin care! My pimples were showing up!” histirikal na ani niya niya. Nilapit niya pa ang mukha niya sa salamin para ma tingnan kong mas klaro na ba talaga.

Napakunot ako ng mapansin na masyado na siyang nagiging conscious sa kaniyang mukha. “What’s wrong with having pimples on your face? It’s just normal for us, Renaissa. You don’t need to overreact cause you’re still beautiful.”

“No! I need to get rid of this. This was the reason why I was bullied years ago. . . ayoko nang ma-ulit pa ‘yon, Henzy.”

Right, my bestfriend was a victim of bullying when we were highschool. Hindi ko siya ma-sisisi kung bakit ganito na siya ka conscious ngayon sa kaniyang mukha.

“No one’s gonna bully you again Renaissa. You’re just too concscious on your surroundings that’s why you think like that. Be yourself, don’t let your insecurities eats you.”

She stopped what she was doing and turn at me, a sad smile was plastered on her face. “You can’t blame me. I am afraid of the certainties that I might get bullied again because of my physical appearance. You never knew the feeling of being bullied, not just by society but also to your home as well. But, I promised. . . I will try to be myself again.”

“Renaissa, you’re beautiful. Always remember that,” I told her to lift her mood up. I never experienced being bullied, but what I know based on my bestfriend was, it can take away your self-confidence.

“Ikaw? ‘Di ka mag re-retouch?” and she offers her make-up kit.

“Ano ka? Dapat ikaw lang maganda? S’yempre ako rin!” Nilabas ko na rin ang mini make-up kit ko.

I was never a fan of heavy make-up. So, I just simply retouch my cheeks, brows and lips and we’re good to go

Alam niyo yung kasabihan na ‘Simplicity is Beauty’ Naniniwala ako doon. Mas okay pag simple lang wala halong kung anong- ano.

"Tara na, kanina pa sila nag hihintay doon." Pang-aaya ko sa kaniya. She’s doing her eyebrows. Kaya medyo matagal siya.

"Wait! last na talaga."

"Hoy! mauubos na ang oras natin sa kakaretouch mo. Hindi nanaman tayo maka kain ng maayos niyan. "

Mag kakalahating oras na siguro kami dito di pa rin siya tapos. Ang bagal pa naman kumilos ng babaeng to.

Sa aming limang magkakaibigan si Renaissa ang pinakamabagal kumilos. Pag may mga events sa school at kailangang maging early kasi may mga punishment ang mga na le-late siya? Walang palya diyan. At ine-enjoy pa niya ha.

The loud noises of the students welcomed us, as we enter our school canteen. Everyone was busy doing their stuff. I saw some college students seated at the corner of this large four wall opening their books and studying.

Some were already eating. . . at ang iba ay tumatambay lang para magpa lipas ng oras. I immediately saw my friends who were seating near the counter.

We immediately went to the place where they are. I saw Zenneth on the counter ordering our food.

Zenneth was the one who orders our food kapag alam niyang matatagalan kami.

Mabuti nalang at nandiyan si Zenneth para pumila at bumili ng mga pagkain namin.

Alam niya naman kasi lahat ng mga pagkain na gusto namin kaya pag alam na niyang di pakami dumadating kusa na siyang mismo pumipila at bumili ng mga pagkain namin.

Inikot ko ang paningin loob ng canteen. It’s quite odd because our canteen has never been this loud. Kakaunti lang ang kumakain kapag lunch break dahil mas marami ang lumalabas para do’n kumain.

Pero ngayon parang iba. May ka-kaiba, punong-puno ang pilahan sa counter at mas naging masikip ngayon kesa dati.

"Ba't ang dami atang estudyante ang kumakain ngayon dito sa canteen?" nagtatakang tanong ko sa kanila. Ang weird lang kasi eh.

Dumating na si Zenneth dala dala ang pagkaing binili niya para sa amin. 2 lasagna,1 cheese pizza, 2 burger at 5 milktea ang mga inorder niya para sa amin. Kinuha ko ang lasagna at isang milktea. Palaging ganyan ang order ko basta dito kami sa canteen kumakain. Wala na akong tiwala sa ibang mga foods na tinitinda dito eh.

"Hindi niyo alam?Balitang-balita na mayroon daw transferee ngayon. Inaabangan ata nila kung pupunta ba or hindi. Gwapo daw, sabi nila," Althea said to us grinning.

"Talaga? Gwapo?" my eyes widen by her declaration. Aba! gwapo chance ko na to para magkaroon agad ng new crush. Mga crush ko dati may mga girlfriend na kaya I never got the chance to flirt with them. You know.

I know my boundaries, I am not a relationship wrecker. Kaya kapag alam kong may ka relasyon crush ko. . . Ekis na agad.

"Well, I don't know narinig ko lang ‘yon sa mga kaklase ko kanina eh. Hindi ko pa nakikita ang mukha."

"Siya na siguro naka tadhana ara sa akin," kinikilig na sabi ko sa kanila.

Gusto ko na tuloy maramdaman ulit yung feeling na may crush. Iyong excited ka pumunta sa school dahil makikita mo yung crush niyo.

"HOY! ang landi mo," sigaw ni Hannah sa akin.

"Aba! Inggit ka lang kasi hindi ka maka landi, may boyfriend ka na kasi," pang iinis ko sa kanya.

"Atleast diba hindi ko na kailangang maghanap dahil may kalandian ako araw-araw," kinilig pang sabi ng gaga sa amin. Iniimagine siguro mga kalandian nila ng boyfriend niya.

"EWW," sabay naming sabi sa kanya.

“Aba aba! For all I know inggit nga talaga kayo sa akin! Kaya maghanap na kayo ng mga kalandian niyo! Para hindi ka na kayo ma-iingit sa akin!

“Sayong-sayo na boyfriend mo Hannah. Hindi naming ‘yan aagawin sayo, uy!”

Natigil lang kami sa aming pinag-uusapan ng may biglang may lalaking nagsalita

" Excuse me, Ms. Your wallet."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.