CHAPTER21
“She’s my ex-girlfriend back in New York.”
Hindi ko alam kung ano ang dapat ko na sasabihin sa kaniya. I never expected that that bitch was his ex-girlfriend. At mas lalong hindi ako makapaniwala na nagkaroon pala siya ng ex-girlfriend. I thought that he doesn’t involve himself in any relationship because of Gwyn.
He was in love with Gwyn, right? The question he never answers in front of me. Now, that it came across on my mind, I wonder if he was over on her.
“Ohhh…” ang tanging nasabi ko na lang. I appreciate his honesty though.
He seems not convinced on my emotions dahil mariin ang kaniyang paninitig sa akin.
“You okay?” nag-aalalang tanong niya ulit sa akin.
“Yeah, I’m fine. I’m just tired,” sagot ko naman sa kaniya habang inaayos ko ang bag sa aking balikat.
He still observes me intently. Parang hindi naniniwala na ayos lang ako. I even showed my smile to him so just he could be at ease.
“Okay lang talaga ako, Reeve. No need to worry about me.”
“You’re silent inside the car earlier and it made me anxious,” he stated.
I laughed upon his statement, “Wow… Akala ko ayaw mo sa maiingay. I made yourself a favor, Mr. Sandoval.”
“I don’t like noises but if it’s you who made the noise, I love it. Your loud voice is music to my ears,” namaos niyang sambit habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
I looked away as I felt my heart was pounding over and over again. Parang may mga paro-parong dumadaloy sa aking katawan. How can this man makes my heart pound so hard just by telling me a simple statement!
“U-uhmm..” I stuttered and lost for words. Hindi ko alam kung ano ang dapat na sasabihin sa kaniya. Kapag siya na ang nagsasalita madaling matapos ang pinag-uusapan dahil sa mga biglang linyahan niyang sinasabi sa akin.
“Pasok ka na sa loob at magpahinga. It’s been a tiring day for you,” sambit niya ng mapansin ang pananahimik ko. Ngayon ko lang din napansin na kanina niya pa pala hinahawakan ang aking kanang kamay at wala yatang balak na ialis ito kung hindi ako ang nagkusang alisin.
I observed the weather. The rain was getting heavy and heavy and it’s also getting darker... At kung uuwi siya ngayon ay delikado na sa daan dahil halos hindi niya rin naman makikita ang dinadaanan niya. I should let him stay until the rain would stop.
“Uhmm… Masyadong malakas ang ulan at kung uuwi ka ngayon ay masyadong delikado,” pagsisimula ko, “you can stay here for a moment and wait for the rain to stop so that you could go home safely.”
For a moment I saw him froze on his position. Nakita ko rin ang paggalaw ng kaniyang adams apple at bahagyang umubo. “Ayos ka lang?” kunot noong tanong ko sa kaniya.
“Ayos lang sa’yo?” nanghihina niyang sambit sa akin.
“Delikado na sa daan at konsensiya ko pa kung may mangyayari sa’yo,” I told him honestly.
“Talaga bang ayos lang sa’yo?” tanong niya pa ulit.
Mas lalong nangunot ang noo ko sa tanong niya. Paanong hindi magiging maayos sa akin eh ako nga ang nag offer sa kaniya.
“I wouldn’t offer it to you if isn’t fine with me..” naguguluhang wika ko sa kaniya.
“You sure?”
“Ano ba Reeve, papasok ka o uuwi ka tapos ma didisgrasya ka at konsensiya ko pa dahil pinauwi kita kahit na malakas ang ulan!” I blurted out.
He swallowed hard many times and leaned on me. “Don’t blame me after this,” he whispered seductively on my ear. Matagal kaming nasa ganoon na posisyon.
“Reeve!” sigaw ko nang makuha ang kaniyang ibig-sabihin. Pinamulahan agad ako ng mukha nang mapagtanto kung bakit tanong nang tanong siya akin kung ayos lang ba talaga.
“You already offered me so there’s no turning back,” he chuckled hardly.
“You!” nagtitimping ani ko sa kaniya. Instead of answering me, I saw him suppressing his smile and waiting for me to open the door.
Pagkapasok namin sa loob ay agad na tinignan niya loob ng apartment ko. The living room of my apartment was painted only with cream white. Merong mga frame na nakalagay bawat sulok para hindi masyadong plain tignan. Hindi naman kasi mahilig sa mga palamuti sa bahay, kung ano lang ‘yong malalagay ko ‘yon na ‘yon.
“Ikaw lang ba nakatira dito?” he implored.
“Oo, minsan pumupunta dito si Renaissa para matulog or maki tambay,” sagot ko naman sa kaniya at agad na dumeretso sa kusina para maghanda ng makakain.
Pagbukas ko ng ref. ay doon ko lang napagtanto na hindi pala ako nag grocery! Walang laman ang refrigerator kundi mga instant noodles at de – lata lahat! Napasapo ako sa aking noo na ang ipapakain ko sa kaniya ay puro instant.
“Any problem?” Napabalikwas ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa aking likod. Sinundan niya pala ako dito sa kusina.
“Hmmm… ayos lang sa’yo ang kumain ng mga instant noodles?” nahihiya kong tanong sa kaniya.
Kung bakit kasi nakaligtaan kong mag grocery. Minsan lang ako bumibili ng mga pagkaing niluluto talaga at halos lahat ay instant na dahil hindi naman ako marunong magluto. Nakakain lang ako ng lutong bahay kapag pumupunta dito si Renaissa dahil siya ang taga-luto ko.
Pero hindi ko inaasahan na mauubos agad ‘yong mga pinag-grocery ko no’ng nakaraang buwan!
“Anong mga nand’yan?” tanong niya at agad naman na ipanakita ko ang laman ng refrigerator ko. Nakita ko naman ang pagkunot ng kaniyang noo nang makita niya kung ano ang mga pagkain sa ref.
I bit my lower lip and shyly smiled at him nang linungin niya ako.
“Palaging ganyan ang kinakain mo?” tanong niya pagkakita ng mga pagkain ko sa ref. He even rested his elbow on the top of the door of my refrigerator and raised a brow on me.
His stares intimidated me so I had to looked away to avoid his intense gaze at dumeretso sa may lababo para maghugas ng kamay.
“Oo… dahil wala na akong panahon para magluto. Minsan din kapag sawa na ako sa mga instant ay pumupunta na lang ako sa Jollibee para doon kaumain,” sagot ko naman sa kaniya habang pa ulit-ulit ko lang na hinuhugasan ang aking kamay.
I live alone to be independent pero ‘yong ka isa-isahang ayaw ko talaga na gawin sa lahat ay ang pagluluto. Hindi sa, hindi ako marunong magluto.. I can cook pero ‘yong mga basic lang, mostly mga fried. Hindi ko na kaya ‘yong mga mahihirap ni ultimo pagluto ng gulay nga ay hindi ko alam eh.
Cooking isn’t just my type.
I remember one time, Renaissa tried to teach me to cook new dishes ay kamuntik ko ng masunog ang apartment ko. Then after Renaissa discovers that I am not into cooking, siya na mismo ang pumupunta dito sa apartment ko para ipagluto ako ng mga putahe.
Naalala ko noon na pinagalitan ako ni Renaissa dahil hindi raw ko marunong magluto. Dapat daw marunong ako magluto para raw sa magiging asawa ko. Then I answered her, bakit ako mag-aaral magluto para sa magiging asawa ko… kung pwede namang maghanap na lang ng mapapangasawang marunong magluto, diba?
Bakit ko pa papahirapan ang sarili ko magluto kung pwede naman ang asawa ko ang luluto para sa akin. Besides, I am not born to serve them. I was born to serve myself and they are born to serve me.
I am not just into cooking at hindi ko pinapahirapan ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko naman gusto. I have my own likings and I am passionate about it. Doon ko dapat inaaksaya ang oras ko at hindi sa mga bagay na hindi ko gusto at kailanman hindi ko magugustahan.
“You need to eat healthy foods,” seryosong wika nito sa akin habang mariin pa ring nakakatitig.
“Kumakain naman ako. It just happened na halos instant ang lahat na nandiyan at hindi na ako nakapag-grocery,” I answered him.
He heaved a sigh at kumuha ng dalawang pirasong noodles. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ang balak niyang gawin. Kaya dali-dali ko namang inagaw sa kaniya ang mga noodles at nginitian.
“Bisita ka dito kaya ako ang luluto.”
Inilingan niya ako at inagaw sa akin ang noodles, “ You’re tired you must rest. Ako ang luluto para sa atin.”
Pinaningkitan ko siya ng mata at agad din inagaw sa kaniya, “Bisita ka nga kaya ako ang luluto,” pagpupumilit ko.
He then, tried to snatch it away from me kaso mabilis ko itong nailag sa kaniya. Itinago ko ito sa aking likuran at agad na dinilaan siya.
Pero hindi siya nagpatinag… unti-unti siyang lumalapit sa akin habang derekta na naman niya akong tinitigan sa mata. Sa paglapit niya ay siya rin ang pag-atras ko. I can’t also help but to stare at his mesmerizing eyes that screams authority.
His eyes were really something to me. Every time that I get to stare at his eyes closely and longer, I can’t help but feel that we’ve met before. I’ve always noticed that his eyes were always familiar to me.
Palapit pa rin siya nang palapit sa akin at ako naman ay pa atras nang pa atras. The noodles are still on my back and I held it tightly. As he gets closer to me, my heart starts racing again. He was just still looking into my eyes. I scan his whole face and my eyes couldn’t help to wonder at his pinkish lips.
Naging matagal ang paninitig ko sa kaniyang labi hanggang sa hindi ko na namalayan na na corner na niya pala ako. Nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko at kaasabay ng pang ko-korner niya ay unti-unti niya ring nilalapit ang kaniyang mukha sa akin.
Napalunok naman ako ng ilang beses at kinakagat ang ibabang labi. What is he doing?
“R-reeve..” I stuttered as I felt that my heart beats wildly again. As he keeps his face close to me ay siya namang paninitig ko sa kaniyang labi. His thin pinkish lips that right now I would like to kiss.
I got lost in his manly face especially on his lips. Na hindi ko na namalayang nakuha niya na pala ang noodles sa aking likuran.
“When I say I’ll cook… I’ll cook. I’m happy to serve you, Ms. Vasquez,” he huskily said near to my ear that makes it shiver down to my spine.
“And, don’t think of kissing me… I might not control myself.,” he added at agad na lumayo sa akin, pagkatapos no’n ay pumunta na siya sa lutuan para ihanda ang noodles.
Dali-dali naman akong umakyat papunta sa kwarto at agad na isinalampak ang pinto. I felt the hotness of my cheeks when his words keeps on replaying in my head.
“And, don’t think of kissing me… I might not control myself.”
“And, don’t think of kissing me… I might not control myself.”
“Ahhhh!” impit na tili ko ng hindi pa rin maalis sa isipan ko ang mga katagang ‘yon..
Damn that noodles… Siya dapat ang sisihin dito kundi dahil sa kaniya hindi sana ako nagmukhang tanga sa harap ni Reeve! Pinakiramdaman ko pa rin ang aking puso hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil-tigil sa pagtibok ng malakas.
Damn him… He can make my heart beat so fast without even doing anything.
Pinilig ko ang aking ulo ng maalala ang plano ko.
I can’t fall in love… I still need to find my inner peace, I still need to fix myself in order for me to trust someone again..
Pagkababa ko ay agad na sumalobong sa akin ang mabangong amoy ng noodles. Wearing just only a pink loose shirt with a Queen word printed on it and a dolphin shorts ay agad akong nagtungo sa kusina. Siyempre I make myself presentable in front of Reeve.
Wearing my cute bunny design apron pinanood ko siyang inaayos ang mga pagkain sa lamesa. Doon ko lang din napansin na nagsaing din pala siya. He looks manlier when he was arranging the foods on the table as if he was preparing it for his family.
Hindi ko alam na napapangiti na pala ako ng hindi ko nalalaman kung hindi lang siya tumikhim para tawagin ang attention ko. Madalian ko na namang iniwas ang aking tingin at tumukhim.
Goodness Henzy… di ka pa natinag sa ilang ulit mong papamahiya sa sarili tuwing kasama mo si Reeve.
“The food is ready, come here and we’ll eat,” he said smiling from ear to ear. Kinuha naman niya ang apron na kaniyang suot at agad na itinabi ito. Tumikhim muna ako bago pumunta sa kaniya sa may hapag.
The smell of the noodles enters my nostrils kaya hindi ko na napigilan na amoy-amoyin ko ito bago kinuha ang tinidor at nilantakan.
Hindi ko na pinansin si Reeve at agad na nilantakan ang pagkain. “Careful, it’s hot,” his deep voice made me stop from eating and looked at him.
Pinunasan ko naman ang gilid ng aking labi at matamis na nginitian siya bago ulit nagpatuloy sa pagkain. Pero hindi pa ako nakakasubo ng mapansin kong hindi niya ginagalaw ang kaniyang pagkain.
Napaangat ako nang tingin sa kaniya at nakita ko siyang nakangising tinitigan ako. “Why are you staring at me?”
“You look cute when you eat that noodles,” he said smiling widely.
Goodness… Hindi ba matatapos ang araw ko na hindi ako pinapamulahan ng mukha. Swear, my cheeks are as red as tomatoes right now.
Para hindi mapahiya sa harapa niya at bumanat din ako sa kaniya. “Kapag ba kumakain lang ako ng noodles cute?” sabi ko sa kaniya sa pagpapa cute kong boses. I even blinked so many times in front of him.
He smirked then he pulled his face closer to me. “You’re cute and beautiful in all aspects hindi lang sa tuwing kumakain ka ng noodles,” he sexily told me.
“Tinalaban ka na ba ng alindog ko Mr. Sandoval?” nakangising ani ko at nilapit din ang mukha ko sa kaniya.
He moves his face much closer to me and be able to hear his deep breaths. Then his face turned into a serious one making my heart race so fast again. I just wish that he wasn’t able to hear the loud thumping sound of my traitor heart.
Kahit na masyado ng magkalapit ang aming mga mukha ay hindi ko pa rin inalis ang tingin sa kaniya at nakipag sukatan pa rin ako ng tingin sa kaniya.
“Just by doing nothing, your charm is already killing me inside,” bulong niya sa akin.
Napaubo ako sa harap niya dahil nabigla ako sa mga katagang lumalabas sa kaniyang bibig. Inaayos ko ang aking sarili at pinagpatuloy na lang ang pagkain. I saw him smiled widely before he started eating.
Hindi ko alam kung ano ang binabalak ni Reeve at kung bakit ganito siya sa akin tuwing nagkakasama kami. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. Basta ang alam ko lang, he would always make my heart beat so fast.
Pero alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa. There are still some questions that were running on my head at lahat ng ‘yon dapat masagutan para alam ko ang susunod kong gagawin.
Kasi sa totoo lang. I don’t want to enter a relationship that has no assurance.
Tahimik lamang kaming kumakain at sa tuwing na napapdako ang tingin ko sa kaniya ay naabutan ko rin siyang nakatingin sa akin. Kaya sa huli ako pa rin ang umiiwas ng tingin.
“Why do you keep looking at me?” Hindi ko na napigilan e tanong sa kaniya.
“I just want to,” he answered with a smile lit on his face.
“You’re making me feel nervous,” I honestly answered him. Ang mga titig niya sa akin nagbibigay sa kaba sa aking puso. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko dati. Pero sa tuwing nagkakasama kami palaging ganito ang reaksyon ng puso ko. And I don’t like it… I could feel that everytime my heart reacts this way there will be a big storm coming.
“Just eat… hindi naman kita kakainin eh,” natatawang ani niya sa akin. Kaya napasimangot naman ako.
“Stop staring. You’re making me uncomfortable to eat,” nakasimangot kong litanya sa kaniya. Hindi ako makakain ng maayos dahil sa paninitig niya sa akin. Sa tuwing susubo ako ay agad ko namang pinupunasan ang aking bibig dahil feeling ko may mga pagkain kumakalat doon.
“I like staring at you,” nakangiti pa rin niyang ani sa akin. Mas lalo na naman akong pinamulahan ng mukha kaya imbis na punahin pa siya ay pinagpatuloy ko na lang ang pagkain at hindi na siya pinansin.
He also did the same thing. We both eat silently while he was still staring at me. Kaya sa buong oras na kumakain kami ay hindi ko na siya tinitigan.
But the silence was quite disturbing so I decided to open up a topic. “So, you also enter in a relationship before.”
He’s done eating that’s why he focuses on me this time. “Yup,” simpleng sagot niya sa akin.
I am not satisfied with his answer and I am curious why is Joana is his ex-girlfriend and not others. I am also curious how did they meet? Bakit sa lahat ng babae ay siya pa?
Is this how fate would play to me?