CHAPTER 24
COURT
“Give her 1.5 litres of normal saline for 12 hours and 2.4 litres of oxygen on the nasal cannula. Kept the patient covered with a blanket to keep her warm and comfortable.” Dr. Nievez told me after treating the patient and she was diagnosed with anaphylactic shock.
After he found out the result of the ECG and blood test the patient had suffered from anaphylactic shock. Her valve is normal, no vegetation observed and her heart produces a rapid electrical signal, tachycardia. Her CBC results are normal except for her WBC which has 24.5 high and the platelet count is 536 high. Her hemoglobin is low as well as her Haematocricit but the other test result were normal such as her fluid and electrolytes and serum.
According to her records, she accidentally ate a peanut which causes all of her body to itch. She encountered an accident on her way home as she felt drowsiness and she loses her consciousness. When she was rushed to the emergency room I observed that her skin is dry and pallor and she was shivering with a rash on her face cause her to feel nauseated and leads her to vomit four times. After several tests on her, she was diagnosed with an anaphylactic shock which was common and could happen to anyone by exposure to an allergen, and in her case, she was allergic to peanuts which she doesn’t know.
The whole duration that she was being treated I was the one who assists Dr. Nievez.
“Yes, po doc!” I answered Doctor Nievez firmly.
Panibagong araw ko na naman ngayon para sa clinical rotations. Kailangan kong ma kompleto ang mga kinakailangan kompletohin bago matapos ang semester na ito.
“Watch her carefully,” huling sinabi ni Dr. Nievez bago umalis. Tumango naman ako kahit na hindi niya na nakita dahil nagmamadali siya for he has an operation waiting for him.
Inasikaso ko muna ang pasyente at sinigurado na ayos ang lahat bago umalis. Pang ilang rounds ko na ‘to ngayong araw at siya ang pang huling pasyente na aasikasuhin ko bago ako mag off-duty.
“Ayos ka lang?” Jenny worriedly asked me. Isa siya sa mga blockmates ko at kasama ko dito ngayon.
“Oo naman, ayos lang ako,” sagot ko sa kaniya na nakangiti habang busy sa pag aayos ng mga chart ng ilan sa mga pasyente dito.
These days, I keep myself busy studying and working whenever it’s our time to have a duty in the hospital to complete our clinical and I think it’s a good thing for me. It’s been three days since the last time we met and it’s been three days also that I heard his sudden confession to me.
Laking pasasalamat ko na lamang na may mga klaseng hindi kami magka-klase ni Reeve dahil irregular student siya and it’s a good thing for me. Kapag clinicals naman ay hindi rin kami nagkikita dahil magkaiba kami ng department.
To be honest, I was startled when he suddenly confesses that he likes me so bluntly and out of nowhere. I didn’t expect that he would insert it in the middle of our talk. It was so sudden for me which my brain couldn’t process it.
Ni hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga oras na ‘yon. Hindi ko rin siya binigyan ng sagot dahil kahit hanggang ngayon ay hindi pa rin kayang iproseso ng utak ko.
And in those three days ay panay ang text niya sa akin pero ni isa sa mga message niya ay hindi ko binuksan.
“Hindi mo ata kasama si Kyzyr na kumain sa cafeteria kaninang lunch?” nagtatakang tanong niya sa akin.
“Nasa ibang department siya naka assign ngayon eh at isa pa baka busy siya ngayon kaya hindi ko na pinuntahan.”
Mabuti nga at hindi kami nasa iisang department at madali lang sa akin ang pag-iwas ko. And I know I can’t avoid him forever magkikita at magkikita pa rin kami kahit anong iwas ang gagawin ko. It was just right now, I don’t know what to tell him when even I, can’t figure out what I was feeling.
“Bakit mo na tanong?”
“Weird, because you two are always together. Kahit ang mga ibang nurses dito ay napansin na palagi kayong magkasama kaya naman ay inaakala nilang dalawa ay mag jowa kayo,” tuloy na tuloy na salita ni Jenny sa akin.
Napaubo ako nang wala sa oras sa narinig ko mula kay Jenny. Namilog ang aking mga mata at gulat na napatingin sa kaniya. Kaming dalawa? Mag jowa? Hindi ko akalain na sa simpleng pagsama ko lang kay Reeve ay may instant boyfriend na ako sa isipan nila. Ni hindi man lang ako na inform na jowa ko na pala si Reeve.
“Mag jowa?!”
Napatalon siya sa biglaang pagsigaw ko at hinawakan ang kaniyang dibdib marahil ay tumibok nang malakas dahil sa gulat.
“Ito naman, Henzy. Magkalapit lang tayong dalawa hindi mo kailangang sumigaw,” medyo inis niyang wika sa akin ngunit tumawa lamang ako.
“Sino nagsabi na mag jowa kami ni Reeve?”
“Walang nagsabi, nag assume lang Henzy. Ang close niyo kasing dalawa tuwing clinicals kaya akala ng iba ay mag jowa kayo. Ang daming nurse na nagkakagusto kay Kyzyr pero hindi makalapit lapit dahil na sa’yo ang attention ni Kyzyr,” pagpapaliwanag niya.
Iba talaga ang charisma ni Reeve abot hanggang sa hospital. At hindi ko kasalanan na sa akin ang attention ni Reeve. Pwede naman nilang lapitan eh, ang sabihin nila wala silang lakas loob na lumapit dahil nahihiya sila.
The reason why we’re close as I was the one who approached him first.
“Hindi kami mag jowa ni Reeve, okay?” paninigurado ko sa kaniya. I don’t want them to misunderstood what’s between us. Bakit kasi ang hilig mang issue ng mga tao dito sa pilipinas.
“At pwede naman nilang lapitan si Reeve ah, magkaibigan lang naman kami,” dagdag ko pa.
Inihinto niya ang kaniyang ginagawa at lumapit sa akin, she looked at me from head down to my toes nang ilang ulit. Pagkatapos niya akong tignan ay tumingin siya ng deretso sa aking mga mata at naniningkit. “Hindi kayo? Sigurado ka?” hinawakan niya pa ang aking mukha at tila sinisigurado na nagsasabi ako ng totoo.
“Hindi nga. . . walang namamagitan sa amin, okay?” At itinaas ko ang dalawang kamay sa harap niya at lumayo ng kaunti sa kaniya.
“Sigurado ka talaga?” tila hindi pa rin niyang makapaniwalang tanong, “pero gusto niyo ang isa’t isa?” dagdag nito.
Tumikhim ako at iniwas ang tingin sa kaniya hindi makasagot sa huling tanong niya. That was the question that I can’t answer myself. Itinikom ko na lang ang aking bibig at hindi pinansin ang nagsasalitang si Jenny. Mas ipinokos ko na lang ang attention ko sa kailangang gawin at tinignan ang oras para gawin ang huling gawain ko dito.
“I think Reeve is in love with you. Kung nakikita mo lang kung paano siya makatingin sa’yo na parang ikaw ang mundo niya at ayaw ka niyang mawala sa tabi niya masasabi mo talaga na may namamagitan sa inyo.”
Hindi ko akalain na madaldal pala ‘tong si Jenny. Kanina pa siyang tapos magtanong ng tungkol sa amin ni Reeve pero hanggang ngayon hindi pa rin siya naalis sa topic na ‘yan. Kanina niya pa rin pinagpipilitan sa akin na baka raw ay takot lang akong aminin ang totoo at mag jowa talaga kami ni Reeve.
“Hindi talaga ako naniniwala na walang may namamagitan sa inyo Henzy.”
“Jenny,” tawag ko sa attention niya.
“Isa pang sabi na may namamagitan sa amin hindi na kita papansinin,” seryosong saad ko sa kaniya.
“Okay… okay... I will keep my mouth shut,” she then copies the gestures of a kid who asked to keep their mouth shut she also zips her mouth and continue what she was doing.
Pinagsasalamat ko naman na hindi na siya nang-usisa pa sa aming dalawa. But the statement of Jenny keeps on playing in my mind. Ngayon lang din sumagi sa isip ko ang paraan na mga pagtitig niya sa akin tuwing magkasama kami.
Maybe I noticed those before but I was just playing blind and encouraged myself that it means nothing. Those stares are the reason why my heart keeps on beating so fast. Pero ipagsawalang bahala ko dahil ayaw ko na naman mag assume ulit katulad no’ng nangyari no’n.
But, now it makes sense. Those stares he gave to me means something for him. Tanga ko lang talaga at hindi ko na pinapansin. Kaya ngayon hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya kung sakali mag kita man kami ngayon dahil iniiwasan ko siya.
Kanina pa vibrate nang vibrate ang cellphone ko dito sa mini pocket ng aking uniporme pero hindi ko man lang inabala na buksan. Takot akong makita na baka si Reeve pala tumatawag sa akin dahil sa tatlong araw ko siyang iniiwasan. At hindi ko rin sinabi kay Renaissa at sa iba ko pang mga kaibigan ang mga pangyayari na ‘yon.
And I don’t know myself. Naguguluhan ako sa mga pangyayari at tila hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. His sudden confession to me ay mas lalong nagpagulo sa aking nararamdaman.
Handa na ba ako ulit? Handa na ba akong magmahal ng hindi iniisip ang nakaraan? Handa na ba talaga ako harapin ang hamon ng pagmamahal?
Kaya ko bang magmahal ng hindi iniisip ang mga nangyari sa akin no’n at ‘wag isipin na baka gawin niya sa akin ang mga nangyari no’n?
And to sum it all handa na ba akong ipagtiwala ang puso ko sa iba? Kaya ko bang makalimutan ang sakit na dulot ng aking nakaraan? Handa na ba akong mag take ng risk?
Those were the questions that keep on running on my head after Reeve confesses that he likes me. Those questions na akong lang din naman ang makakasagot…
“Umamin siya sa’yo?!” si Althea na iinumin na sana ang shot na binigay sa kaniya ni Hannah ay hindi natuloy dahil sa gulat sa biglang pag anunsyo ko sa kanila na umamin sa akin si Reeve.
Kumuha muna ako ng chichirya at kinain bago sinagot ng tango si Althea.
“Ang bilis naman! Bakit hindi ako updated?!” naghihisteryang ani niya pa rin.
“Tanga! Paano ka magiging updated kung palagi kang naka focus sa Mark mo na hanggang ngayon ay tila wala pa ring pakialam sa’yo,” si Zenneth naman na binatukan si Althea at sinaman siya nang tingin.
“Si Henzy at ang lovelife ang topic natin ngayon kaya ‘wag mong ibaling sa akin ang usapan.” Sabay inom ng shot niya at sinalinan ulit bago ipinasa sa akin at ininom din nang deretso.
Wala sa plano ko ngayon ang uminom dahil wala namang okasyon at wala namang broken sa aming magkakaibigan ngunit nagulat na lang ako at may biglang gumimbal ng tahimik ko na buhay. Kakatapos lang namin sa duty ng hindi nagtagal ay kumatok na sila sa apartment ko na may bitbit na alak at mga chichirya.
Na miss daw nila ang bonding naming lima kaya sila na mismo ang nag desisyon para sa kanilang mga sarili without even asking me kung papaya ba ako.
Tsk. Tsk. Tsk.
“Pero totoo nga? Umamin siya sa’yo?” si Althea na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala dahil mulat na mulat pa rin ang mga matang nakatutuk sa akin.
“Oo nga, Althea ilang ulit pa ba dapat kailangan ni Henzy na ipaglandakan sa’yo na mas mauuna siyang magka lovelife kesa sa’yo?” pang-aasar naman ni Hannah na siyang ikinatawa naming lahat.
Basta talaga kapag nagsama-sama kaming lima si Althea ang palaging kinakawawa. Ever since first day of school ay hinahabol niya si Mark. Magtatapos na lang ang semester na ito ay hindi pa rin napapasakanya ang lalaking hinahabol niya.
Walang silbi ang mga advice namin sa kaniya dahil mas sinusunod niya ang tibok ng kaniyang puso. Tibok ng kaniyang puso na siya mismo ang nagpapasakit sa kaniyang sarili.
We warned her so many times that she should stop pursuing Mark because the guy doesn’t show interest in her. Ang tibay lang talaga ng puso niya at hindi pa rin nagpapatinag. Siguro kapag wasak na wasak na mismo doon na siya titigil.
“Wala talaga sa bokabolaryo mo ang mag give up no? You’ve been pursuing that guy ever since yet until now he doesn’t even show interest to you,” deretsong wika ko sa kaniya sabay inom ng shot na binigay naman sa akin ni Renaissa.
“Ano ba! Ba’t sa akin niyo binabaling ang mga tanong niyo. Si Henzy dapat usisain niyo dahil siya itong magkaka lovelife na sa atin!”
“Inggit ka?” asar ulit ni Zenneth but Althea just rolled her eyes and drink her shot.
“So, anong plano mo ngayon, Henzy?” si Renaissa naman ang nagtanong sa akin.
I looked at her first and then looked away as I felt her soft stares. Makita pa lang ang mga mata niya ay alam niya na kung ano ang bumabagabag sa aking isipan.
Dahil nakaupo ako sa may sahig ay isinandal ko ang aking likod sa may sofa at tumingala. I sighed as I was looking at the clear white ceiling as I gathered my deep thoughts who has been arguing with me since then.
Oo nga, Henzy? Anong plano mo? You’ve been avoiding him starting that day at hindi naman pwede na iwasan siya habang buhay. I’ve been avoiding his calls and his messages for three days already.
“Hindi mo ba siya gusto, Henzy?” si Hannah naman ngayon ang tumanong sa akin.
Ilang beses muna akong bumuntong hininga bago umayos ng upo para harapin sila. All of them were staring at me waiting to answer Hannah’s question. My eyes bored into the half of the bottle liquor in front of us and I immediately grab to Althea the shot glass she was holding and poured a drink on it at deretsong ininom.
The loud noise of the shot glass echoed in this entire room dahil napalakas ko ang pagbagsak ng baso.