IN YOUR ARMS (MED SERIES#1) Chapter 28

“I d-don’t know,” not so sure of my answer. Dahil hindi naman ako sigurado sa aking tunay na nararamdaman. There are some things that’s keeping away from identifying my feeling and I know what is it.

My past…with my biological father…

“Huh?! Bakit hindi mo siya gusto, Henzy? Ang gwapo na nga ni Kyzyr at big catch pa. Kung ako ikaw baka sinagot ko na agad ‘yon at wala ng ligaw ligaw pa,” si Althea na halatang lasing na dahil kung ano-anu na ang mga pinagsasabi.

“Gaga, tumahimik ka r’yan babaetang ka. Lasing ka na eh,” suway naman ni Zenneth sa kaniya. Pero nginusuan lamang siya nito at tumungga ulit. Then Zenneth eyes landed on me, she smirked as she was scanning my eyes and it made me uncomfortable for a while so I had to looked away at kumuha ng pagkain.

Minsan lang kami magkasama ni Zenneth pero siya itong pinaka observant sa aming lima. At kapag na oobserbahan niya na ang mga pangyayari ay madali na niyang makikita ang mga bumabagabag sa’yo.

Just like now. “You’re bothered,” she stated seriously.

“There’s something inside your heart that keeps on holding you for doing the things that you want right now,” she softly said.

Bago ko binalik ang tingin ko sa kaniya ay nakita ko si Hannah na inaalalayan si Althea na pasuray-suray na ang lakad papunta sa cr. Sa aming lima ay si Althea ang may pinakamahinang alcohol tolerance pero siya itong lakas mag-ayaw uminom.

“It’s your past isn’t it?” Gulat akong napatingin kay Zenneth dahil sa kaniyang sinabi… How did she know? It was only between me and Renaissa. Hindi ko sinabi sa kanila ang nangyari no’n dahil ayaw ko na mag-alala pa sila but hearing from Zenneth’s mouth about my past is enough to tell that she knows about it.

Tumingin ako kay Renaissa sa gilid ko na gulat ring tinignan si Zenneth. But instead of giving me an answer ay tumawa lang siya at sumalin ng alak sa kaniyang baso at natatawang ininom ito.

Tinignan ko sila Althea at Hannah na hanggang ngayon ay nasa cr pa rin.

“Chill… gulat ata kayo.”

“H-how—“

“How did you know?” si Renaissa na naunahan ako sa pagtanong kay Zenneth.

“When we were still in junior highschool, I overheard you and Henzy talking inside our classroom. It was early in the morning and only the two of you are the student inside. Papasok na sana ako but I heard Henzy’s cry and she was talking to you. Doon ko nalaman,” she explained.

“All this time ay alam mo pala? Hindi ka man lang nagalit dahil kay Renaissa ko lang sinabi?” ako naman ngayon ang nagtanong sa kaniya.

“Nope,” she simply stated.

“Why?”

“It wasn’t my business Henzy and besides, I just overheard and it wasn’t my intention to. Masyado naman ata mababaw ang rason ko para magalit sa inyo. We’re friends, I know… however, there are some things in our life na hindi naman kailangan ipaglandakan mo sa kaibigan mo.”

“Not all the time is that you will tell everything about your life to us. Hindi naman nakakabawas ng pagkakaibigan natin kung hindi mo sinasabi ang mga ganap sa buhay mo. Bakit? Naging kaibigan ko ba kayo para isabi lahat ng mga hanash niyo sa buhay? No, naging kaibigan ko kayo dahil nariyan kayo no’ng mga panahon na down na down ako.”

“Hindi ko kayo kinaibigan upang isabi ko lahat ng mga ganap o rants ko sa buhay. Friendship defines those who will stay at you when you are at your lowest and not just at your highest.”

“Kaya bakit ako magagalit dahil lang doon?” mahabang litanya ni Zenneth na siyang ikinataba ng puso.

Yes, she was right. Having friends doesn’t mean that you need to tell all about that’s happening in your life to them. Friends is about who can stay with you during your lowest and not just your highest. Friendship is all about who can put up with you and understand you.

“Thank you,” I said.

“Anyway, going back with you. You’re bothered because of your past, Henzy.”

Without a second thought, I nodded. Totoo naman kasi… kaya hindi ko maamin-amin sa sarili ko ang totoo kong nararamdaman dahil sa nakaraan na bumabagabag sa akin. Dahil sa mga nangyari sa amin ng aking ina. Dahil sa ginawa ng aking ama sa akin at sa nanay ko. Because of what happened before my point of view about love and boys change.

“I’m afraid of taking the risk because I’m scared that he might do those things to me. Takot akong sumugal dahil baka gawin din niya ang ginawa ng aking ama sa aking ina.” There… I finally said it. I finally told them the truth about why I am afraid of risking things scared of the possibility that what my mom goes through before might happened to me.

“Henzy, As I told you before. Magkaiba silang dalawa. Kyzyr isn’t like him. At isa pa, paano mo malalaman kung ayaw mong sumugal?” Renaissa said.

Alam ko naman na magkaiba silang dalawa. I know that Reeve isn’t like him. Ilang ulit kong tinatatak sa isipan ko na magkaiba silang dalawa dahil una sa lahat ay hindi naman alam ni Reeve ang nakaraan ko. He doesn’t know everything so I shouldn’t compare them.

Sadyang gago lang talaga ang tatay ni Joana…

“Both life and love are all about taking a risk. You wouldn’t know the outcome of the things that you did if you don’t take the risk. In risking things, it’s either you lose or you win. But you wouldn’t know that result if you didn’t try,” si Renaissa.

Sinalinan ko ang baso ko ng alak at ininom habang nakikinig ako sa kanila. Hindi ko na alam kung ilang shot na ‘tong na inom ko pero alam kong nasa katinuan pa ako at alam ko pa kung ano ang ginagawa ko. Ito ang kailangan ko ngayon ang mga payo nila.

“Henzy, you should not compare what happened before to what was happening now. The past is the product of your father’s mistakes at iba ‘yong ngayon,” dagdag ni Renaissa.

“Your heart is troubled because of what your father did before. It affects your point of view about love and men. Na lahat ng mga lalaki na dadaan sa buhay mo ay iiwan at lolokohin ka kagaya ng ginawa ng totoo mong ama sa inyo.”

Iniwas ko ang tingin sa kanila at tumingin sa kawalan. Lumunok ako ng ilang beses at tumingala trying to stop the tears that about to fall from my eyes. Akala ko wala na. Akala ko kapag pag-uusapan ulit namin ang mga nangyari no’n ay wala ng epekto sa akin. Kasi kinalimutan ko na at ayaw ko ng ibalik pa. Kasi isa ‘yon sa mga masakit na alaala na dapat ng kalimutan.

Kasi masaya naman kami… Masaya na si mama sa kaniyang bagong asawa sa bago kong ama. Unlike him, he loved us and accept us wholeheartedly. He never hurt my mother the way he hurt her before.

But thinking about it now, it had left a great impact to me dahil na apektuhan pala ang mga pananaw ko sa pagmamahal… Na a-apektuhan ang puso ko sa tunay kong nararamdaman.

“Set your heart and mind free. Don’t imprison yourself for the things that are meant to be done, Henzy. What happened in your past will stay in your past and don’t let them ruined your present or future. And this time, don’t be afraid to take a risk. The risk will always be there as it is part of our life and taking a risk is when you will know the outcome,” Zenneth seriously told me as her eyes darted on me.

Both of them were right. Renaissa once told me before that I should let go of it pero hindi ako nakinig dahil sa takot ako. Takot akong sumugal and now that Zenneth was also telling me about this is the time that I should leave it long ago.

Kasi kahit anong iwas ko pa sa mga pangyayari ay siya itong kusa na maghahabol papalapit sa akin. Because as we live here on earth we can’t avoid the things that are meant to happen and all we can do is to face and accept it. Dahil kung lalayuan at tatakbuhan mo ito ay hindi pa rin ito mawawala.

“Follow what your heart beats, Henzy. You know to yourself that you’ve been into him but you just couldn’t admit it because hatred and fear are encircling in your heart,” Renaissa faced me and points at my heart.

They were all right… Because of fear and hatred that consumes my heart, I couldn’t admit my real feelings are. Ever since the beginning where my heart starts to pound for him ay alam ko na sa sarili ko no’n but I refure to acknowledge and think that it was nothing. Kung paano nakaramdam ang puso ko ng sakit ng malaman kong may connection siya kay Gwyn at kung paano rin ako nasaktan no’ng sinabi niya sa akin na hindi siya sigurado sa kaniyang nararamdaman.

From how my heart reacts whenever he would do something for me ay lahat ng iyon ay mga senyales na that I am into him but because of the things that keep on holding me I refused to acknowledge all of them.

I laughed at the back of my mind… funny how I was hurt that time when he told me that he wasn’t sure of his feeling towards me eh ako nga pala itong hindi sigurado sa nararamdaman ko no’n.

This time, I need to clarify things with him.

“I need to go,” I told them at tumayo. Ngunit sa aking pagtayo ay siya namang pag-ikot ng mundo at mabuti na lang ay agad na inalalayan ako ni Renaissa. Pinaupo niya ako sa sofa at inabutan ng tubig.

Damn… I thought hindi ako tinamaan ng alak dahil hindi naman ako nakaramdaman ng hilo kanina habang nag-iinuman pero sa pagtayo ko kanina ay naramdaman ko ang pagkahilo.

“Anong oras na, Henzy… Pwede mo namang ipagbukas na lang ‘yan,” Renaissa told me.

Ininom ko ang tubig na binigay niya sa akin at pagkatapos no’n ay inilingan ko siya. I need to explain it to him. Kailangan ko siyang makausap ngayon din. Ayaw ko ng ipagbukas pa ito.

“No… I need to tell it now… Kaya ko pa naman ang sarili ko and I am not that drunk. I am just tipsy,” paninigurado ko sa kanila and grabbed my phone at the table.

Inayos ko ang aking sarili bago lumabas ng apartment. I heard Renaissa and Zenneth calling my name trying to stop me from going pero hindi rin nagtagumpay dahil agad din akong nakaalis.

Hindi ko alam kung anong oras na pero may mga tao pa rin naman sa daan sa ganitong oras at hindi nila kailangang mag-alala dahil hindi naman ako pupunta sa malayo. Sa plaza lang naman ako pupunta kung saan malapit lang sa apartment ko.

Hindi ko alam kung anong klaseng paglalakad ang meron ako ngayon basta ang nasa isip ko lang ay makaabot do’n at tawagan si Reeve upang papuntahin at kausapin.

Pero hindi pa man ako nakaabot sa patutunguhan ko ay may humablot na nang kamay ko na siyang ikinakaba ko kaya naman bago pa niya ako maunahan ay agad kong pinaikot ang kaniyang mga kamay causing him to winced in pain.

Ngunit agad ding naudlot nang mapagtanto ko ang lalaking humablot sa akin. For a while, I felt relieved dahil hindi naman pala masamang nilalalang ang humamblot sa akin. It was Reeve na hanggang ngayon ay namimilipit pa rin sa sakit dahil sa pwersang pagpapaikot ko ng kamay niya.

“R-reeve,” nauutal kong ani.

“What are you doing here in the middle of the night, huh,” he stated as his cold eyes bore into mine. Pinasadahan niya ako nang tingin saglit at nang tinignan ko siya sa kaniyang mga mata ay madilim at mariin na itong nakatitig sa akin.

“I-am—“ damn… Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya na nakita niya ako ngayon. Parang ang lahat na mga dapat na sasabihin ko sa kaniya ay naging blanko sa aking utak at hindi kayang ibuka ng aking mga bibig.

Wow… parang kanina lang ang tapang-tapang kong pumupunta upang sabihin ang dapat na sasabihin ko…ngayon na siya na itong nasa harapan ko ay hindi ako makapagsalita.

“You’re out here in the middle of the night drunk tapos ganyan pa suot mo, huh?” madilim pa rin na paninitig niya sa akin.

Kinunutan ko siya ng noo at tinignan ang damit na suot ko. Nakaputing loose t-shirt ako na nag mumukhang dress dahil sa mahaba ito sa akin pero may shorts naman ako sa loob. Anong problema sa sout ko?

“First… I’m not drunk and I can still handle myself and second, anong problema sa suot ko?” it’s my turn to ask him now.

Pero imbis na sagutin niya ako ay bigla niyang hinawakan ang aking kamay at pinapasok sa kaniyang sasakyan. Sinirado niya ang pinto at umikot patungo sa driver seat. He started the engine but before he could maneuver the car his intense stare landed on mine. He heaved a sighed as he moves closer to me.

Tinignan ko siya na puno ng pagtataka dahil sa unti-unting paglapit niya sa akin.

“A-anong ginagawa mo?” sabay kapit ng mahigpit sa upuan dahil nararamdaman ko na ang kaniyang hininga sa aking leeg. I closed my eyes and held my breath as I hold tightly on the seat of the car ng mas lalong maramdaman ang kaniyang sarili sa akin.

“Safety first,” he stated at narinig ko ang pag click nito.

I opened my eyes and thank God because he was back at his position and started to drive the car.

I don’t have any idea kung saan niya ako dadalhin at dahil nakainom ako ay ngayon ko lang ulit naramdaman ang pag-ikot ng aking paningin kaya naman ay ipinikit ko muna ang aking mga mata saglit at hinintay kung saang lugar niya ako dadalhin.

Paano niya kaya nalaman na lumabas ako? I was planning to go to the plaza and call him to come there dahil doon kami mag-uusap pero laking gulat ko na lang dahil hindi pa ako nakaabot ay hinablot na niya ako.

“Henzy..”

“Hmmm..”

Napamulat ako ng maramdaman na niyugyog ni Reeve ang aking balikat.

“Where are we?”

“My house,” simpleng saad niya at lumabas.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.