Reeve:
Are you okay now?
Don’t forget to drink your meds.
Renaissa told me that you’re awake now. Why aren’t you replying to my text?
Text me when you’re done coping up with your friend. Rest yourself after, okay?
Goodnight, my queen.
Abot langit ang mga ngiti ko habang binabasa ang mga mensahe niya sa akin. But the last message he sent me made my night complete. Tinotoo niya pala ‘yong sinabi niya sa akin nakaraang araw na ako ang reyna niya ha.
Bakit iba ka magpakilig, Reeve? Just your simple action towards me makes my heart beats so fast. Kahit na wala kang ginagawa minsan ay pinapikilig mo na ako. I sent replied to him that I am fine now and we’re not going to cancel the plans for tomorrow. After that ay humiga ako na may ngiti pa rin sa mga labi.
Renaissa kept on teasing me na iba na raw ang tama ko but I’m in a good mood kaya hinayaan ko na lang siya at hindi pinansin
Hanggang sa pagtulog ko ay hindi mawalawala ang mga ngiti sa mga labi ko. Iba talaga ang epekto nito sa akin.
This is not my first time having a date, but the nervousness that crept inside me made me feel that I am first a timer. Palagi naman kaming magkasama ni Reeve sa mga normal na araw at hindi naman ako kinakabahan pero bakit ngayon ay parang daig ko pa ang estudyanteng sasabak sa thesis defense sa kaba na nararamdaman ko.
I looked at myself in the mirror. My hair was in a messy bun, and to add style to it, I left some strands of my hair untie and let it freely on my face.
I am wearing a faded maong shorts partnered with a crop white trunch sleeve top. There’s a lacey design on the waist of it to add more details to the top. My top slightly exposed my chest, and the necklace that I’ve been treasure was visible, adding vibes to my outfit. Renaissa told me to change my necklace, but I refused. This necklace is important to me, the only memory I had with my childhood playmate.
He didn’t tell me where we were going and just advised me to wear casual or anything comfortable. So I assumed that we’re not going into a grand place, so I chose to wear heeled black boots to complete my outfit.
Renaissa helped me with my makeup because she was good at this. I am now completely ready and waiting for Reeve to fetch me here.
I had no idea where Reeve would take me, but I got a feeling that we would go out in the city. I am living here in Mindanao for years now pero may mga iilang lugar pa rin akong hindi ko napupuntahan at nais na puntahan. Ever since we got to entered college palaging apartment, mall at paaralan ang routin namin na magkaibigan. Then mostly kapag gusto namin mag chill dito lang din naman sila sa apartment ko nakatambay, kaya walang panahon para sa mga gala. And when it’s time for semestrial break ay uuwi lang din naman ako sa probinsya at tutulong sa hospital.
“Saan ka niya dadalhin, Henzy?” Renaissa asked me. Nandito kami ngayon sa salas na nanonood ng movie habang naghihintay kay Reeve.
“I don’t have any idea,” I answered her honestly.
Bago ako natulog kagabi ay pinag-isipan ko rin kung saan niya ako dadalhin. Sinabihan niya lang ako na magpahinga na at gumising ng maaga para maganda raw ang byahe namin ngayon. And now tha I am now ready ay mas lalo tuloy akon naging curious kung saan niya ako dadalhin.
“Iba si Reeve ha, may pa surprise surprise pa lang nalalaman,” she said while eating her snacks.
Hindi rin nagtagal ay may narinig na kaming bumubusina sa labas. Walang pagdadalawang isip na hinablot ko ang mini sling bag at tumakbo papunta sa puntiuan.
When I got out of the house, my eyes had their own way of finding Reeve. He was leaning against his white car. He’s wearing black knee shorts partnered with a black and white stripe polo shirt with a white shirt tuck inside. His hair was not the usual messy hair I often saw him, but today it was placed sideways neat and clean. He looks fascinating in his today’s outfit.
Palaging paaralan at hospital lang ang takbo ng buhay namin kaya naman ang makita siyang nakasuot ng casual na damit ay nakakapanibago sa aking mga mata.
“Good morning,” he greeted and planted a soft kiss on my forehead. Napangiti ako sa kaniyang ginawa sa akin. It’s his favorite part, kissing my forehead.
One time tinanong ko siya kung bakit bigla-bigla niya na lang hinahalikan ang noo ko kung wala pa naman siyang nararamdaman at ang sinagot niya lang sa akin ay hindi konektado sa tanong ko.
It’s his favorite part daw kaya dapat walang ibang makakahalik ng noo kun’di siya lang.
“Good morning,” I greeted back. Pinagbuksan niya ako ng pinto at ipinatong ang kamay sa aking ulo para alalayan ako sa pagpasok. And before he closed the door, he made sure that I am wearing a seatbelt. Ganito na palagi ang ginagawa niya kapag nakasakay ako sa sasakyan. Bago siya umikot papunta sa driver seat ay lalagyan niya muna ako ng seatbelt.
“Are you sure you’r okay?” paninigurado niya ulit sa akin nang makapasok na siya. Tinanguan ko lang siya sabay ngiti sa kaniya.
He then started the engine and maneuvered his car. The veins were almost popping out of his hands as he turns over the car, and I don’t why I find it so sexy.
Lahat na lang ata ng mga galaw ni Reeve ay sexy sa aking sa pananaw. I shook my head so hard when my mind gone wild again.
“Where are we going?” tanong ko sa kaniya when I noticed that the road we’re taking were familiar to me. Palabas ito ng Gensan at papunta sa Koronadal. Na kumpirma ko lang na lalabas kami ng city nang makalampas na kami sa round ball.
“We’re going out of the city,” I mumbled.
He quickly stole a glance from me and answered me, “Yes.”
“Saan?!” hindi nakatakas sa pandinig niya ang excitement sa aking tanong.
Na e-excite ako sa lugar na pupuntahan namin ni Reeve. It’s been a long time since I was out of the city. Usually, makakaalis lang ako sa city kapag uuwi ako sa amin, but I don’t have time to unwind.
Kaya ganito na lamang ka excited ang aking nararamdaman dahil sa wakas after a stressful week for me, I now have the time to unwind, and the fact that Reeve is by my side add fuel to the excitement I am feeling.
“It’s a secret, Neve,” nakangiti niyang saad sa akin.
“I am excited!”
“I know because your face says it all.”
“Alam mo ba na ang daan na tinatahak natin ngayon ay patungo sa bahay ko talaga,” I shared to him.
When the time permits at kung sasagutin ko na siya sa mga panahon na ‘yon ay dadalhin ko siya sa bahay namin. I will introduce him to my parents and my sister also. Lalo na ang kapatid ko. Nang nalaman niyang naghiwalay na kami ni Christoph ay sobrang nalungkot siya no’n. My sister isn’t easy to deal with because of her attitude, but Christoph quickly melts my sister's heart kaya masyadong silang close na dalawa kesa sa akin. Kaya sigurado ako na kapag makikilala niya si Reeve ay magiging magaan din ang loob niya sa kaniya.
“I know,” sagot niya sa akin and concentrate his eyes on driving.
Kaagad na nagtaka ako sa kaniyang sagot sa akin? “Alam mo? Paano mo nalaman eh baguhan ka pa lang dito, diba?” sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
Biglang bumagal ang pagtakbo ng sasakyan dahil sa checkpoint kaya napatingin siya sa akin saglit bago itinoon ang focus sa pagmamaneho. I ghost of a smile was planted on his lips.
Samantalang ako nakakunot pa rin ang noo sa pagtataka. “I’ve been here when I was a child. Remember when I told you that we migrated. Bago kami nag migrate, I was actually living there though we’re not in the same village .”
My eyes widen upon knowing that he actually lived in the same place as mine when he was a child. Wow… what a small world it is parehong lugar lang pala kami ng tinitirhan pero bakit hindi ko man lang siya nakita?
“How come I didn’t saw you before?”
He chuckled deeply, “It was because your memory isn’t that sharp to remember what had happened before.”
“What do you mean?” takang tanong ko sa kaniya.
He faced me with a grin on his face and answered, “You’ll know it soon.” Sinimangutan ko siya pero ang loko ay natawa lang sa akin.
I rolled my eyes at him and just enjoy the natural view of nature outside. The greenery plants were such pleasing to my eyes. Sa tuwing nakikita ko kung gaana kaganda ang tanawin hindi ko mapigilan ma mangha at maaliw sa ka papanood sa kanila.
I really love nature…
Nang mapagod sa kakapanood ay pinikit ko ang mga mata ko para matulog. Hinayaan lang ako ni Reeve dahil malayo pa naman daw kami. It really excites me more kung saan niya talaga ako dadalhin.
I slowly opened my eyes when I felt him softly caressing my cheeks. Nakangiting si Reeve ang bumungad sa akin pagkamulat ko ng aking mga mata. Pero hindi rin nagtagal ay ipinikit ko ulit ang mga mata.
“Kanina pa tayo?” I asked him. Sleepiness was evident in my voice.
“Yes,” he softly answered me. Ilang segundo ko pa muna pinikit ang aking mga mata bago napagsiyahan na buksan ito. Napasarap ang tulog ko dahil sa paraan ng pagmamaneho niya ng sasakyan. It was always smooth, and whenever I am riding with him, I feel safe.
Umayos ako ng upo at inunat ang sarili. Nang mahismasan galing sa pagkaka-antok ay nagawi ang tingin ko kay Reeve na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin sa akin.
“Bakit hindi mo ako ginising?”
Hindi pa rin mawala-wala ang ngiting nakapiskil sa kaniyang mga labi kaya naman ay pinangunutan ko siya ng noo.
“I love watching you sleeping,” he stated, still smiling.
“Ikaw ha, nabighani ka talaga sa kagandahan ko dahil kahit tulog ako tinitigan mo ako,” I teased that made him snicker.
“You have always been beautiful in my eyes ever since,” he expressed. Unti-unting umangat ang mga sulok ng aking labi sa kaniyang sinabi.
It’s not new to me to receive a compliment about me being beautiful, but I feel like I am a high schooler who got noticed by my crush when it comes directly from his mouth.
I slightly punched him on his hard chest and quickly stormed out of his car. And as soon I stepped out from his car, the gushed of the cold air hardly touched my skin. Some strands of my hair hardly follow the direction of the wind.
Inilibot ko ang aking paningin at hindi ko mapigilan mamangha sa lugar na nasaksihan ko. It’s a paradise! Manghang tinignan ko si Reeve na ngayon ay nakatingin sa akin.
“How did you find this place?!” masayang tanong ko sa kaniya.
Nandito lang naman kami sa isang lugar na pinaka tinatangkilik ng mga tao dito sa South Cotabo. The famous flower farm in Tupi.
“Are you happy?” he didn’t answer my question but, asked me instead.
“Super!”
Masarap sa pakiramdam na makalanghap ulit ng preskong hangin. May ngiti sa labi akong naglalakad papunta sa pinakamagandang lugar dito at si Reeve ay sinusundan ako sa likod ko. This place is a hidden paradise. Greenery plants and beautiful flowers were beautifully arranged on its pathway. Hindi pa man kami tuluyang nakapasok sa mismong highlight ng flower farm na ito ay nakakamangha na sa pagpasok mo pa lang sa entrance.
Many people also went here, and some of them were a group of families and friends. They were all holding each other phones to capture the beautiful scenery of this flower farm. Some were vlogging and briefly explain how attractive the place is.
Reeve and I were walking together, but this place mesmerized me to talk with him. Bawat lugar at bawat sulok dito ay halos mga berdeng halaman at magagandang landscape ang makikita mo.
“It’s your first time here?” Reeve asked.
“Yes… Nakikita ko lang ‘to sa mga post ng mga iba kong kapamilya sa social media. We also planned on going here, but our schedules were too hectic that there’s no time for us to unwind. Hindi ko akalain na dito ang magiging first date natin.”
Mas lalo pa akong namangha sa lugar nang makita ng aking dalawang mata kung gaano ka lawak at kaganda ang pinaka highlight ng lugar na ito.
“Wow,” I amazingly said as soon as I saw the majestic flowers filled my colorless eyes.
Different kinds and colors of the exquisite flower were abundantly arranged in a group. They gracefully dance as they follow the blow of the wind. Napapikit ulit ako habang dinadama ang sariwang simoy ng hangin sa gitna ng garden na ito. As I open my eyes, the birds' chipping gently rang on my ears, and its melody felt like a lullaby.
Ang lawak ng lugar na kung saan pinuno lahat ng mga bulaklak. Unti-unti akong nalalakad sa gitna ng mga bulaklak at malayang pinapadausdos ang aking kamay.
There are a group of flowers mixed in different colors, and it was enticing to the eyes.
Nakikita ko sa social media na mas dumadagsa ang mga tao dito no’ng sunflower pa ang nakatanim. It’s not the season of the sunflower, so other plants were planted on it. Pero kahit gano’n ay sulit pa rin naman ang pagpunta dahil sa makikita ng iyong mga mata.
I was magnetized by the place that I slightly jumped when suddenly Reeve slowly clasp our hands. Gulat ko siyang tinignan at napataas ang kilay ko sa kaniyang ginagawa. He licked his lower lip and brush his hair using his fingers.
“You’re too fascinated by the place that you almost forgot about me.”
Magkahawak kamay kaming naglalakad sa gitna ng garden na ito. May mga mas mataas pa na bulaklak kesa sa akin kaya naman ay natatabunan ako hindi gaya kay Reeve na kita pa rin ang mga tao na naglilibot din dito.
“Masyado lang akong namangha. Hindi ko akalain na mas maganda pala kapag personal mong pupuntahan ang lugar na ito,” sabi ko sa kaniya.
“Today will be one of the best memories I had with you,” I added.
Pagkatapos kong sabihin sa kaniya ‘yon ay mas hinigpitan niya ang hawak sa aking kamay. We were enjoying the scenery while walking and hold hands.
Hindi namin napansin na malayo na pala ang nilakad namin dahil kaming dalawa na lang ang nandito at ang iba ay do’n pa rin sa unang parte ng garden na ito.
“Let’s create happy and unforgettable memories together, Neve.”
I stopped walking and faced him. Pinalibot ko ang aking mga kamay sa kaniyang bewang at tumingala sa kaniya. His eyes smoothly looked at me, and a small smile was carved into his lips.
“The scenery was beautiful, but you know what’s more attractive?” I randomly asked him.
“What,” he smiled.
“You being with me,” I said.
Hindi niya ata inaasahan na sasabihin ko ‘yon sa kaniya kaya naman ay nahagip ng aking mga mata ang pamumula ng kaniyang mukha. He tried avoiding his face, but my reflexes were so fast that I quickly cupped it and stares at his handsome face.
“It’s my first time seeing you this red, Reeve,” I beamed.
Mas lalo ata siyang nahiya sa akin kasi mas lalong pumula ang kaniyang mukha.
“Stop it.”
“Why? Don’t be shy ako lang naman ang nakakita niyan,” tawa ko sa kaniya.
He glared at me kaya mas lalo lang ako natawa.
“You should be proud of it… Hindi naman nakakabawas ng pagkakalaki ang kiligin.”
Instead of answering me ay kinuha niya ang kaniyang phone. Sinusundan ko ang bawat galaw niya at akala ko ay may tatawagan siya ‘yon pala ay binuksan niya ang camera.
Kinuhanan niya ng litrato ang aming magkahawak na kamay at ginawang background ang mga bulaklak. He took several shots on a different angles before he finally let go of our hands.
Akala ko ay tama na ‘yon at laking gulat ko na lang na tinapat niya sa akin ang camera at walang pagdadalawang isip na kinuhanan ako.
“Reeve! Ano ba ‘yan hindi ako handa! Parang tanga siguro ako r’yan sa picture mo!” asik ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin at nakatitig lamang sa kaniyang cellphone.
Malaki ang tawa niya kaya nakakasigurado ako na hindi nga maganda ang mukha ko do’n o halos epic lahat ang mga kuha ko. Hahablutin ko na sana ang cellphone niya ngunit agad niya rin itong iniwas sa akin at itinaas ito.
I gave him my dagger looked before I took my chance again on getting his phone. Kaso masyado siyang mataas kaya hindi ko maabot pero kahit ganoon ay hindi pa rin ako nagpatinag. Tumingkayad ako sabay talon para makuha at malapit ko na sanang maabot ang cellphone ng biglang akong na walan ng balanse kaya naman ay sabay kaming natumba at nasubsub ang mukha ko sa matipuno nitong dibdib.
Our position now was akward dahil nakadagan ako sa kaniya habang siya ay nakahiga. Walang ni isa sa amin ang kusang gumalaw at nanatili lamang sa position namin. My eyes nailed on his lips who were so red and kissable. For once, I want to claim his lips and sucked them. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kaniya habang nanatili ang aking tingin sa kaniyang mapupulang labi.
My face was too close to his face when suddenly someone appeared and caught us—our positions.
“Jusmeyo santisima patawarin sana kayo ng Panginoon. Mga kabataan talaga ngayon kahit saan na lugar pipiliin para lang makapaglampungan. Dito pa talaga sa gitna ng harden,” the old woman said to us na papunta sana sa direksyon namin pero ng nakita kami ay agad rin itong lumihis ng daan.
Walang pagdadalawang isip akong tumayo at umakto na para walang nangyari. Napapikit ako sa kahihiyan na aking naramdaman. At ramdam na ramdam ko ang pagpunta ng dugo sa aking mukha.
I felt ashamed of what I have done.
Tinignan ko si Reeve na nakatayo na rin at pinagpagan ang sarili. Tinulungan ko siyang pagpagan ang damit niya lalo na likod niya.
“Ikaw kasi eh... nakaw na kinuhanan mo ako ng litrato! You know that I am ugly when it comes to stolen shots!” sisi ko sa kaniya kahit na may kasalalan naman ako.
“Ayan tuloy nahuli pa tayo at inisip na may kababalaghan tayong ginagawa.”
“Sino ba nagsabi na ilapit mo ang mukha mo sa akin?” pang-aasar niya, “kaya ayan mali ang naisip sa atin ng matanda.”
“Reeve!” impit na sigaw ko at sinamaan siya nang tingin.
Tinalikuran ko siya nagsimula ng umalis pabalik. Sinundan niya naman ako kaagad na may halo pang tawa.
“Basta e delete mo ‘yang picture ko r’yan. Paniguradong pangit ako r’yan!” I demanded.
“Who said that you’re ugly when it comes to stolen shots?”
“Stolen shots captures genuine happiness. And you’re not ugly, in my eyes you will always be the pretty girl who captures my heart.” Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay hinawakan niya ulit ang aking kamay.
We enjoy the rest of the hours walking in the middle of this garden. Reeve has the photography skills than me kaya siya halos lahat ang kumukuha ng litrato sa akin.
Nandito kami ngayon sa pinakadulo ng garden at kaunti lang din kami ang nakaabot dito. Mas maganda dito dahil iba’t-iba ang mga kulay ng bulaklak na naghalo-halo sa isang lugar.
“Picturan mo ako dito, Reeve, please,” utos ko sa kaniya, “ang ganda kasi ng mga bulaklak.”
I stand on the groups of flowers, crossed my legs, and tilt my head on the right side, then put the right hand on my waist and widely smiled at the camera. Ilang ulit pa ako kinuhanan ni Reeve ng litrato sa iba’t-ibang anggulo.
Meron din na kinuhana niya ako habang hawak-hawak ang bulaklak.
Ibinigay niya sa akin ang cellphone niya dahil tinawag siya ng isang matanda at pinakiusapan na kunan sila ng litrato ng asawa niya.
We were just using his phone and my phone in capturing the photos. Kaya ay pumunta ako sa gallery niya at tinignan ang mga kuha niya. He was so good on capturing a photo na akalain mo ay pinag-aralan niya talaga.
Napangiti ako habang tinitigan ang mga litrato na kuha niya at ang pinakapaborito ko sa lahat ay ‘yong inaamoy ko ang bulaklak dahil sa maganda ang angulo ng pagkakuha nito sa akin.
“Maraming salamat sa pagkuha sa amin ng litrato, iho.” Napatigil ako sa pag so-scroll ng mga litrato nang marinig ko ang mga yakap ni Reeve at ng dalawang matanda at nakangiting bumaling sa kanila.
“Walang anuman po, lola.”
Tumayo si Reeve sa gilid ko pinulopot ang kamay sa bewang ko. Masayang tinignan kami ng dalawang matanda.
“Girlfriend mo, iho?” tanong niya.
“Hi—“
“Nanliligaw pa lang po,” putol ni Reeve sa akin at magalang na sinagot ang matanda.
“Bagay kayong dalawa.” Binaling sa akin ng matanda ang kaniyang tingin at abot mata ang kaniyang mga ngiti.
“Iha, ramdam ko ang takot mo sa pagmamahal dulot sa sakit na dulot ng iyong nakaraan.” Ang ngiti na nakapiskil sa aking mga labi ay unti-unting nawala dahil sa kaniyang sinabi. Manghuhula ba ‘to?
“Pero ang lalaking kasama mo ngayon ang magpaparamdam sa’yo ng kasiyahan na matagal mo ng inaasam at sa mga bisig niya mararamamdaman mo ang tunay na pagmamahal. Siya ang magpapaalis ng takot sa puso mo.”
“Nawa’y maging masaya ang inyong relasyon,” huling sinabi niya bago sila umalis sa harapan namin.
Takang tinignan ko si Reeve. “Manghuhula ba si nanay?”
He shrugged at mas lalong idinikit ang sarili sa akin. Hindi ko na lang din pinansin ang sinabi ng matanda dahil wala namang katakot-takot sa kaniyang sinabi.
“Let’s take a picture together ‘yong hindi puro selfie,” he suggested and call someone to take a picture for us.
Nang may mahanap na siya ay agad na pumwesto kami sa mas may mga magagandang bulaklak. He encircled his hands on my waist and pulled me closer to him. Ginawa ko rin ang ginawa niya sa akin pinulupot ko rin ang aking kamay sa bewang niya.
The cameraman counted, and before he would state the last count, I felt Reeve kissing the top of my head and the shutter clicks.
“I’m gonna post all of this on my IG,” I said. I am still scrolling on his phone to check our pictures together. Napanganga ako sa gulat sa dami ng kuha namin ni Reeve. Naka 200 pictures kami sa isang araw! Wow…
We were now on the way home. Gusto niya pa sanang kumain sa labas kaso pinigilan ko siya at sinabi na sa bahay niya na lang kami kumain at siya ang magluluto and he agreed.
“Ang dami pala nating pictures!”
“Mukha mo lang ‘yong nagparami r’yan,” he said.
Hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa pagtitingin. But my eyes got widen in shock when I saw a familiar picture on his phone.
Pinindot ko iyon at napasinghap sa gulat ng makita ang laman ng picture. The picture he had on his phone was the same picture I had in my apartment!
The picture of me and my childhood playmate!