CHAPTER27
Playmate
Sa bahay niya agad kami dumeretso pagkatapos ng unang date namin. Their housemaids welcome us with their warm greetings. Hindi na rin sila nagulat na makita ako dito sa pamamahay ng kanilang amo at nginitian na lamang ako.
Kung no’ng unang punta ko dito ay hindi ko nailibot ang paningin ko sa bahay niya ngayon naman ay may pagkakataon na ako. Bago makapasok sa kanilang bahay ay may mahabang pathway pa na madadaanan na akaalin mong garden nila dahil sa mga berdeng halaman na nakapalibot dito.
And when you enter the house, the spacious living room would welcome you—the bright chandelier on the ceiling complement the color of its interior design. Ngayon ko lang din naisip na bahay nga ito ng kaniyang lolo at lola because of the ancient design that got modernized as time goes by pero kahit na hinaluan na ito ng makabagong disenyo ay hindi mo pa rin maipagkakait na may halong sinaunang panahon ang desinyo nito.
“Are you tired?” he softly uttered.
Inilingan ko lang siya at wala sa sariling nagtungo sa sofa. I deeply breathe when my mind couldn’t still process what I saw earlier on his phone.
“What do you want to eat?” he asked at sinundan ako ng tingin habang wala sa sariling umupo sa sofa. Hindi ko rin naman naramdaman ang pagod dahil nag enjoy naman ako kanina.
Hindi ko binanggit sa kaniya ang nakita ko sa cellphone niya dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita.
“Anything. Alam ko naman na kahit anong lutuin mo ay panigurado akong masarap ito,” sagot ko sa kaniya.
“Okay. You can go to my room and rest there. Tawagin na lang kita kapag tapos na akong magluto.” Akmang aalis na siya at pupunta sa kusina ay bigla akong nagsalita.
“I want to watch you cooking,” nakangiting usal ko. Hindi rin naman ako makakatulog dahil hindi naman ako pagod. Gusto ko ng may ginagawa ako lalo na at wala ako sa pamamahay ko.
“You don’t want to rest?”
“I am not tired, and besides, I want to do something,” I told him and stood up.
“You sure you want to watch me cook? Hindi ka ma bo-bored?”
Inilingan ko siya bilang tugon sa kaniya. I want to spend this day for him only.
Tumango siya at lumapit sa akin pagkatapos ay ginulo ang aking buhok. Kaya medyo na inis na ako. “Reeve! I am not a child!” asik ko.
“Given by your height, you do look like a child,” he teased. Kaya sinapak ko siya sa kaniyang balikat. But it was useless kasi tinawanan niya lang ako at biglang hinapit ang aking bewang.
“Pasalamat ka lang at mataas ka!”
He laughed and leaned closer near to my neck and whispered, “ Why is your scent so addicting?”
His whispers sent a shivering sensation on my body at impit akong napatili.
I looked around to see if there’s someone who were looking on us. Kahit na pamamahay niya ‘to ay dapat matuto pa rin siyang lumugar no. Baka kung ano na lang ang isipin ng mga kasambahay niya kapag nahuli nila kami sa ganitong posisyon.
Nang makita ko na wala naman at kaming dalawa lang ang nasa salas ay may naisip agad akong kalokohan sa aking isip.
I licked my lower lips and pull myself closer to him. I felt him stiffened at my sudden move. My tiny fingers trace his gorgeous face from his forehead down to his mouth.
I don’t know if I was doing it right and I smiled when I saw him swallowed hard. Lihim akong napangiti sa kaniyang reaction. It works, Henzy!
I looked directly into his eyes and saw that he was gently looking at me. I tiptoed and whispered near to his neck, “Why? Wanna bite me?” I seductively mumbled just to tease him.
“Everytime I would smell your scent, it made me want to bite and own you.” He deeply breathes and softly caressed my hair. His hands found ways of tracing my neck, and it tickles me.
“You’re not a vampire that bites, mister. You’re a human.”
“Who says that vampire is the only one who bites?”
“Human bites too,” he uttered, “much worse than vampires.”
“Then you can bite me all you want,” I challenged him.
“Don’t pull a prank with me. You might regret it, Neve,” medyo namamaos niyang usal at unti-unting inilapit ang mukha sa akin. My main purpose for this was to tease him, but my body froze for a moment waiting for him. Tila nawala lahat ng gusto kong gawin na pang-aasar sa kaniya dahil sa ginagawa niya sa akin ngayon. I can’t help it anymore and closed my eyes, waiting for him to claim my lips, yet I didn’t feel anything, but instead, I felt his soft lips touching my forehead.
“Well, you’re right I am not a vampire because, unlike them, I can wait for the right time.” Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko siyang magaan na nakatingin sa akin.
“As much as I want to own you now, I can’t. I am not still your boyfriend; I am still not allowed to claim you because I don’t own you,” his deep set of eyes softly gaze at me as if I was the most fragile girl in his eyes.
“So stop teasing me, or I might give in, my queen.”
Pagkatapos no’n ay nagtungo na siya sa kusina kaya sumunod na ako sa kaniya. Kumuha siya ng dalawang apron at binigay sa akin ang isa. Tinanggap ko naman ito at agad na sinuot. Reeve can’t cook without wearing apron ‘yon ang napansin sa kaniya sa pabalik-balik niya sa apartment ko para magluto.
“Ako na po ang magluluto manang,” he politely said to one of their old housemaids when she’s about to get the ingredients on the refrigerator. Base sa kaniyang edad ay matagal na siyang nag ta-trabaho dito. Siya lang din ang matanda sa lahat ng mga kasambahay dito.
“Hindi ka ba pagod?” tanong nito kay Reeve.
“Hindi naman po manang. Akon na ang magluluto para sa ating lahat,” sagot niya rito.
“Siya nga pala, manang.” Kinuha niya ang aking kamay at pinatabi sa kaniya, “Si Henzy pala. Nililigawan ko,” pagpapakilala niya.
Nahihiyang tinignan ko si manang dahil sa paraan ng pagpapakilala niya sa akin. He was so vocal about courting me everytime that someone would ask him, just like how the old couple asked him earlier.
“Good afternoon, po,” I greeted politely.
Manang then shifted her gaze to me and smiled. “Akala ko pa naman ay wala ka ng balak ipakilala sa akin ang babaeng dinala mo rito no’ng nakaraan,” manang smirked at him, making Reeve laughed.
“I just snatched her from her friends that time, manang. Kaya kailangan ko na siyang iuwi because I promised her bestfriend that I will take her home when the clock strikes at 10,” pagpapaliwanag niya.
“Kaya naman pala. Oh siya, hahayaan ko na kayong dalawa ang mamahala sa kusina.Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan kayo,” bilin niya bago umalis.
Nagtatakang tinignan ko naman si Reeve. Bakit hindi ko alam na may curfew pala ako sa mga panahon na yon?
“You promised Renaissa to take me home at that time?” I asked him, kahit alam ko naman ang sagot.
Unti-unti na niyang nilalabas ang mga ingredients para sa kaniyang lulutuin. Hindi ko alam kung anong klase na naman ang kaniyang lulutuin kaya pagtingin lamang ang nagawa ko.
“Yes…” he simply answered and chopped the meat after he washed it.
“Paano nila nalaman na sumama ako sa’yo dito sa pamamahay mo?” Kasi akala ko no’n ay hindi nila alam na sumama ako kay Reeve.
“I contacted them after I saw you in the street.” Busy siya sa paghihiwa ng karne kaya ay hindi siya makatingin sa akin. Sa tuwing hinihiwa niya ang karne gano’n rin ang paggalaw ng kaniyang mga muscles sa braso.
“Really? Anong sinabi nila sa’yo pagkatapos? Bakit ang dali naman ata nila akong ipagkatiwala sa’yo?”
“They said that I should take you back before the clock strikes at 10 am, and I should behave myself because you were drunk,” he cooly stated and put the garlic in the pan and began cooking.
“They just gave their trust to me kasi alam nilang wala naman akong gagawin sa’yo. Baka ikaw pa raw ang may gawin sa akin,” he makes fun of me.
“Hey! I am not drunk that time, no!” angal ko sa kaniya. Kasi hindi naman talaga ako lasing no’ng mga oras na ‘yon kasi alam ko naman ang mga pinanggagawa ko at may naaalala naman ako pagkagising ko.
“At anong ako ang may gagawin sa’yo? Mukha ba akong may balak gawin sa’yo no’n?!” angal ko sa kaniya at pinaningkitan.
Huminto siya sa paglalagay ng kung anong sangkap sa pan at tumingin sa akin na may halong pang-aasar sa mga mata, “Bakit? Wala nga nga ba, Neve?” tinaas-taas niya ang kaniyang dalawang kilay.
“Ang feeling mo naman!” At bahgyang hinampas siya gamit ang maliliit kong kamay na alam ko namang wala epekto sa kaniya.
I was just watching him cooking the whole time. Wala talaga akong masyadong naiambag sa pagluluto niya kasi hindi ko rin naman alam kung ano ang maitutulong unless kung meron siyang kailangang iutos sa akin ayon lang ang ginagawa ko.
Hindi rin nagtagal ay tapos na siyang magluto at tama nga ang aking inaasahan. Reeve can’t cook with having a one-dish only in the dining. Kailangan talaga ay marami.
“I wonder why do you cook so much, Reeve,” sabi ko sa kaniya at tinutulungan siyang ilagay ang mga niluto sa dining table.
Limang putahe lang naman ang niluto niya sa isang kainan. Para talaga siyang magpapakain ng isang baranggay. Ganito ba talaga magluto ang mga mayayaman?
“Because I want you to taste different kinds of foods that I cooked.” Siya na rin ang nag-ayos ng dalawang plato.
“Kailangan talaga sa isang kainan, Reeve?” I unbelievably stated.
“Kasi gusto kitang busugin. I want my queen to be healthy.”
“Mukha ba akong hindi healthy sa paningin mo?” irap ko sa kaniya.
“Well, I can’t say that…” he shrugged his shoulders and just laughed at me.
“You know what? Bakit naging mas mapang-asar ka kesa sa akin? Ibang-iba sa Reeve na parang walang pakialam sa mundo no’n,” at iniripan siya.
Umupo na ako at nagsimulanng kumain.
Isa rin ito sa mga napansin kong nagbago sa kaniya simula no’ng inamin niya sa akin ang nararamdaman niya. He’s not the same Reeve that I used to know before who was so carefree in his surroundings.
Dati pahirapan ko pa siyang makausap dahil malimit lang ang mga salitang lumalabas sa bibig niya pero ngayon he’s different.
“Because of you,” he answered, which made my eyes widen and choked on my food.
“Ako?” I pointed myself out of confusion.
He nodded and offered me water. “Yes, you.”
“Paano ako ang naging rason?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. I stopped eating and wipe my mouth, waiting for his answers.
He cleared his throat and drank the water beside him, and wipe the side of his mouth. His dark eyes that I admired the most shine.
“Yes, you… because of you, I appreciate my existence. You might not know this, but starting the day you entered my life, you made me realize that I am special,” seriousness was evident in his voice as his eyes smoothly directed on me, like it’s talking to me silently.
“I am not approachable, and everybody knows this. Pero ikaw… you’re different. You managed to approach me despite my cold attitude at you before. You managed to enter in my life without even doing anything.”
“I am lost and nowhere to be found, but because of you, I found my way and made me feel that I chose the right way.” Bigla niyang kinuha ang mga kamay ko na pumaibabaw sa lamesa at nilapit sa kaniyang pisngi at mahigpit na hinawakan ito.
“I am thankful that I found you again, Neve.”
Para akong hinihipnotismo sa paraan ng paninitig niya sa akin. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat at pagkamangha. Both his eyes and mouth were expressing the same message. It was beyond my expectation that my existence has an impact on him. Those words that came from his mouth couldn’t process my brain. I was speechless and dumbfounded. Walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko at nakatitig lamang ako sa kaniya.
Maski ang pagkain ay hindi ko na magalaw dahil sa gulat. I am special? To him? Ever since the day that we meet again? He found himself? Did something happen to him before I met him? Does he have a problem?
Those were the questions that I want to ask him but my mouth won’t open.
“P-paano?” Ang unang lumabas sa bibig ko at utal-utal pa. Taliwas sa mga tanong nasa isipan ko.
Mas humigpit pa ang hawak niya sa dalawang kamay ko. My hands warm the coldness of his cheeks. “I am lost, Henzy… but because of you, I found myself and my way.”
“Did something happened to you before?” I carefully asked. Dahil sa kaniyang sinabi sa akin ay mas lalo ko tuloy na gustong malaman ang mga nangyari sa kaniya bago kami nagkita ulit.
At ngayon na lang din sumagi sa isipan ko na kaunti lang pala ang alam ko sa kaniya. Kahit ang mga pangalan ng kaniyang mga magulang ay hindi ko alam. And because of that, I wanted to know him more. I want to dig deeper into his life.
I know I said this before that I respected his privacy but today we’re different. He’s courting me and our relationship isn’t a joke. So, we shouldn’t keep a secret from each other anymore.
Hindi niya ako sinagot pero nanatili siyang nakatitig sa akin. “If we wanted to have a strong relationship soon, you know that we couldn’t keep a secret anymore, right?” I voiced out, “because having a relationship that has full of a secret is like having no trust in your partner,” I added.
Secrets can ruin a relationship like what happened to my family. Ang dami nilang sekreto sa isa’t-isa na kung sana ay inilabas at pinag-usapan nila ay may chance pa naging maayos kami ngayon.
Kaya as much as possible ayaw kong mangyari sa amin ang nangyari sa mga magulang ko. I want the two of us to be open with each other.
“I don’t plan on keeping it as a secret, love. I will tell to you, just give me some time,” sabi niya at hinalikan ang aking kamay.
“Okay, I will wait,” I told him and smiled. Kaya ko naman maghintay kung saan handa na siya. I won’t pressure him.
Pagkatapos naming mag-usap at kumain ay ang mga kasambahay na raw ang bahala magligpit ng pinagkainan naming. Aangal pa sana ako dahil kaunti lang naman ang huhugasan kaso ayaw nila kaya pinaubaya ko na lang.
After that Reeve takes me to his room to rest before he would take me home later. Nagtaka ako kung bakit sa kwarto niya ako dinadala at hindi sa guest room nila ‘yon pala ay nire-renovate.
Nakaupo ako ngayon sa kama niya habang naghihintay sa kaniya na matapos sa pagliligo. His phone was still on me. I forgot to give this back earlier.
And when I open his phone I remember what I saw earlier. Doon ko lang naalala ang litrato na kagaya sa litrato ko sa apartment! I didn’t mention it to him earlier while on our way home for I was still trying to process it.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ma proseso ng aking utak ang nakita ko sa kaniyang cellphone kanina sa sasakyan. I thought I was just imagining things and the girl in the picture wasn’t me, but when I zoom the image, it wasn’t imagination— it was me… ako nga ‘yong batang babae do’n!
“Omg…” I whispered when I remember something. The last time that I went here I saw a familiar picture frame on his study table. Titingnan ko na sana ‘yon kaso bigla siyang pumasok at hindi ko na nabalikan.
Tinignan ko ang pintoan ng banyo he was there about 15 minutes na. Then my eyes landed on his study table where I found the familiar frame before and I saw that the picture was still there.
Unti-unti akong lumapit do’n at habang lumalapit ako hindi matahimik ang aking isipan. Is Reeve really my childhood playmate? Kung gano’n ay matagal na niya pa lang alam ang tungkol sa akin pero bakit hindi niya sinabi sa akin?
And my hint was right when I saw that the picture I had is exactly the same as his! Wow! So he knows all this time!
Fate is really playful huh… I couldn’t believe it! That the boy I was talking about was just beside me all the time! At mas lalong hindi ako makapaniwala dahil alam niya na pala pero hindi niya sinabi sa akin na siya pala ang batang lalaki ‘yon!
“Neve?” Napatalon ako sa gulat ng biglang lumabas si Reeve sa banyo at hinanap ako.
I heard his footsteps walking towards me. Napatingin ako sa kaniya habang hawak-hawak ang frame at nakita siyang pinapatuyo ang kaniyang buhok gamtit ang kulay blue na tuwalya.
“What are you looking at?” he asked still drying his hair.
Naniningkit ko siyang tinignan at kinagat ko pa ang ibabang labi parang magmukhang galit sa harapan niya. “You!” I pointed at him.
Nagtatakang tingin ang ipinukol niya sa akin. Nabitin sa ere ang pagpapatuyo niya ng kaniyang buhok at sinundan ng mga mata niya ang hawak ng kamay ko. Pero imbis na magulat siya ay tinawanan niya lang ako.
“All this time alam mo pala na ikaw ang lalaking tinutukoy ko sa kwento ko sa’yo no’n!” hindi makapaniwalang asik ko sa kaniya habang dinuduro ang picture frame sa kaniya.
His laugh annoys me more. Grabe… para pala akong tanga nag ke-kwento sa kaniya eh siya nga pala ‘yong tinutukoy ko!
“Siguro pinagtawanan mo ako no’n habang kinukwento ko sa’yo ‘yon no?!”
“Took you a long time to realized that ha,” he laughed and went closer to me.
Kinuha niya ang picture at ibinalik ito sa study table niya. Pinatong niya ang dalawang kamay niya sa balikat ko at nilapit ang kaniyang mukha. Pero hindi pa rin ako nagpadala sa kaniya at nanatili pa rin ang ekspresyon ko.
Naniningkit ko pa rin siyang tinitignan. “I’ve been giving you signals yet you were just ignoring it.”
“Kailan mo pa ako binibigyan ng hint? Wala akong maalala!”
“Think of it Neve,” nakangisi niyang sambit sa akin.
Hindi ko pa rin alam ang kaniyang pinagsasabi na binibigyan niya ako ng hint pero binabalewala ko lang. Since when did he do that? Dapat no’ng nalaman niya na magkakilala pala kami ay sinabi niya agad sa akin!
Inalis niya ang pagpakakapatong ng kamay niya sa aking mga braso at tumalikod sa akin. He went to his bed and open the television at prenteng humiga. Samantalang ako ay hindi makaalis sa kinatatayuan ko dahil iniisip ko pa rin kung kalian niya ako binigyan ng hint no’n.
I was standing here for about ten minutes when I recall one!
Mabilis akong tumungo sa kaniya at bigla siyang hinampas ng unan ng may maalala ako!
“You mean? I’m that dumb girl you’re talking about?!” At hinampas-hampas siya ng unan nang maalala ko ang kwento niya no’n sa akin no’n. Hindi naman niya iniwasan ang mga bawat hampas ko sa kaniya pero ang loko tinawanan lang ako.
“The nerve of you calling me dumb ha!”
“Chill, love!” Hindi pa rin siya matigil sa kakatawa kaya mas lalo akong nainis sa kaniya. Kaya mas lalo ko siyang hinampas ng unan at sinigurado kong sapul sa mukha niya talaga.
“Okay… stop it, stop it… Tama na, I give up.” Pinagkrus niya ang kamay niya para gawing panangga sa bawat hampas ko pero hindi pa rin siya matigil sa pagtawa niya.
I rolled my eyes at him and was about to throw the pillow at him but he quickly grabbed my hands and intertwined them. Hinatak niya ako papunta sa kama niya at pinaupo sa gitna ng kaniyang mga binti. Nakasandal siya sa headboard at ako naman ay nakatalikod sa kaniya and our hands were intertwined.
Hindi pa rin matanggal ang simangot sa mukha ko pero aaminin ko kinikilig ako sa ginagawa niya sa akin.
Ano ba ‘yan, Henzy ang rupok mo naman.
“Kasi naman, love. Binibigyan na kita ng hint bago pa ako nag kwento ng tungkol sa’yo pero hindi mo pa rin nakuha ang mensahe.”
“Sana sinabi mo na lang agad na ikaw pala ‘yong batang lalaki!”
“Edi wala ng chill kapag gano’n. I want you to discover it by yourself. Kasi ako nabigla rin ako na ikaw pala ‘yong batang babae na kalaro ko sa hospital no’n,” he softly mumbles under my ears. Ipinatong niya na rin ang kaniyang baba sa balikat ko.
The tv was on yet none of us were watching. Masyado kaming nakapokus sa isa’t-isa na nakalimutan niya yatang may pinapanood siya.
“How did you know that I am that little child?” I questioned him dying to know how he found out.
“The first time that I met you again in the school canteen I directly looked at your eyes only to feel that it was familiar to me. I have a feeling that I knew you before I met you at that time.”
Then it hit me. Kaya pala… Kaya pala sa tuwing tumitingin ako ang mga mata niya ay nararamdaman kong pamilyar ito. That explains why… Kasi siya pala ‘yong batang lalaki na naging parte ng childhood ko.
“Your eyes are the reason why I recognize you. Every moment I had with you I always look at your eyes and when I am looking at it I can really feel that we are connected to each other not until I accidentally looked at our picture together.” Hinimas-himas niya ang kamay ko gamit ang kaniyang hinlalaki. I stay still not wanting to move.
We were both comfortable in our positions.
“In our picture, you were wearing the necklace I gave you and I confirmed that it was you because you wore that necklace and talk about us after you save aling Linda.”
Kinapa ko ang kwentas na ibinigay niya sa akin. This necklace will always be special to me.
“Fate really brings us closer together.” Inalis niya ang pagkakapatong ng kaniyang baba sa akin pagkatapos ko siyang harapin. This time, I encircled my hands around his neck and locked it.
Namumugay ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
Nakatadhana talaga kaming magkita ulit. Ang tadhana na mismo ang naglapit sa aming dalawa.
Fate was the one who brought us together again and I am hoping that fate won’t let us part again and we would just stay together.
“I am happy that you were that little girl. I am happy that I found you again, Neve. I am happy that I found my childhood playmate.”