CHAPTER28
Beats
Time flies so fast when you are happy and enjoying the things that have been happening to you, yet if you were unhappy, time feels so slow, and it seems the world has been torturing you.
But not in my case. Since the day I finally chose to let go of the painful memories I had in the past years, I have always been happy. When I choose to be happy for myself and not worry about it anymore and choose to follow the beating of my heart.
Happiness can be easily taken away if you choose to torture yourself and worry about the things that aren’t worthy. Happiness fades quickly when you’re relying on your satisfaction to others. Happiness lies within us and not with others.
Lihim akong natawa sa gitna ng klase kung gaano ako kasaya nitong nakaraang buwan. Kung gaano ako ka sigurado na tunay na kasiyahan ang aking nararamdaman. I have never been this sure and today I realized that, I found my own happiness.
“Isang buwan ka na nililigawan ni Kyzyr, diba?” Renaissa spoke in the middle of our class.
Tumango ako bilang tugon sa kaniya dahil nakikinig ako sa lecture ng professor namin sa harapan. Hindi talaga matatapos ang klase ng hindi ako iniistorbo ng kaibigan sa gitna ng pakikinig.
Reeve is an irregular student kaya may mga panahon na hindi kami mag ka-klase sa isang subject. But in some major classes, we’re classmates. Kaya ganito na lamang ka vocal si Renaissa sa tanong niya dahil hindi namin ka-klase si Reeve.
“Kailan mo siya balak sagutin?” she whispered and leaned on my shoulders. The prof was busy facilitating his powerpoint slides, so I quickly stole a glance at her and pushed her head off on my shoulders.
“Hindi ka talaga napipirmi sa isang discussion ng hindi ka nagsasalita no?” I narrowed my eyes on her and whispered secretly.
“I’m bored, bet ko ang subject pero di ko bet ang professor,” she told me and tamad na umupo sa kaniyang upuan.
“Edi makinig ka lang d’yan pag tayo talaga napagalitan, sinasabi ko sa’yo Renaissa,” pagbabanta ko pero ang gaga nginisian lang ako.
“Hindi naman niya tayo makikita kasi hindi naman apat ang mata n’yan ‘di kagaya sa isang prof natin na kahit isang kilometro siguro ang layo natin ay makikita at makikita pa rin tayo,” she said and laughed at her own statement.
“Ikaw lang naman palaging target no’n nadadamay lang ako kasi katabi kita,” sabi ko sa kaniya at nginitian ng pagkasarkisto.
“S’yempre, we’re bestfriends so kung papagalitan ako dapat damay ka rin,” sabay tawa niya ngunit hindi niya ata napigilan at naging medyo malakas ito.
Napatingin ang ibang mga ka-klase namin sa amin dahil sa tawa ni Renaissa. I looked in front of us to see if our prof noticed us and heaved a sigh when he was still busy on his slides and his discussion.
Tinignan ko nang masama si Renaissa na ngayon ay nanlalaki ang mga mata sabay takip ng kaniyang bibig dahil sa biglaang paglakas ng tawa niya.
“Kaya tayo napapagalitan minsan eh, kasi ang daldal mo.” At kinurot ang kaniyang tagiliran.
“Ito na tatahimik na, sagutin mo lang ‘yong tanong ko kanina.” She stretched her legs and sat back properly. Then she faced me with those attentive eyes waiting for me to answer her question earlier.
“Bakit gusto mong malaman. Gusto mo na magka-love life no?” pang-aasar ko sa kaniya.
“Duh… I don’t need love life, eww,” for an instant, she rolled her eyes on me and acted like she was disgusted.
“I need money,” pangbabawi niya. Natawa lang ako.
“Ikaw, ha… pa ganiyan-ganiyan ka lang ngayon baka magugulat na lang ako ilang taon ang lumipas ikaw pala unang mag-aasawa sa ating magbabarkada,” asar ko pa at nginitian ng pagkaloko, “sabi nga nila ‘wag magsalita ng tapos baka kainin mo lang sa huli,” I added.
“Kung ako man ang mauuna ‘wag kang mag-alala ‘di ka invited,” she sarcastically stated.
“Pero ‘yong totoo nga, Henz. Isang buwan na siyang nanliligaw kalian mo siya balak sagutin?” pagbabalik niya sa tanong kanina.
“Oh may balak ka pang patagalin ang panliligaw niya bago mo siya sasagutin?”
For the nth time, I thank God dahil hindi kami napapansin ng prof. na nag chichismisan dito.
“Hmmm… I don’t know,” I honestly answered her after I take down notes.
To be honest, I don’t have a specific date on where to answer him. I am just waiting for the right moment and right time on where I was going to answer him. And now that Renaissa asks this kind of question, it almost slipped on my mind that he’s courting me!
It’s been months since he started courting me. Sa isang buwan na ‘yon ay talagang pinatuyan niya sa akin kung gaano ako kahalaga sa kaniya. Hindi rin siya namimilit sa akin kung kalian ko siya sasagutin. We just enjoy what’s between us, and to be honest, I don’t feel like he was courting me anymore. What I feel is that we really have a thing.
Kasi sa mga ginagawa niya sa akin ay para na siyang boyfriend ko.
Kaya do’n ko lang naalala na naghihintay din pala siya ng sagot ko kasi kung tutuusin label na lang ang kulang kami.
“You don’t know?!”
I nodded, “Yes, I don’t know,” pag-uulit ko pa.
“Anong hindi mo alam?! Don’t tell me wala kang balak na sagutin siya kahit na obvious namang may feelings ka sa kaniya,” she asked, her eyes widen and her mouth slightly open like there was wrong with my answer, “ano, takot ka sa commitment?” hindi makapaniwalang tanong niya.
The bell rang, and it signifies that our second subject ends, so it’s our vacant time before our third subject. Na unang lumabas ang professor namin at ang iba ko naman na mga ka-klase ay nagsitayuan na para umalis sa classroom.
Inayos ko ang mga gamit ko at nilagay sa bag. I checked my phone to see if Reeve has texted me. Vacant time ko, and it also happens to be his vacant time. Kapag ganitong parehas kami na vacant ay sa library lang kami tumatambay na dalawa.
Minsan depende sa mood namin.
“Wala akong balak paasahin siya okay? At hindi ako gano’ng klase na babae na nagpapaasa, and I am not afraid of commitment anymore,” I explained to her. She stays still in her seat.
“Hindi ko lang talaga alam kung kailan ko siya sasagutin. I am just waiting for the right moment and right time,” I answered her.
“Kailan ba ang right time at right moment para sa’yo, ha? It’s so evident that you both like each other. Bakit hindi mo na lang siya sagutin? Sino pang hihintayin mo? Kapag may iba ng babaeng aaligid sa lalaki mo?” nakataas ang dalawa niya kilay habang sinasabi niya sa akin ‘yon.
“Kung hindi lang kita kaibigan, Henzy , baka siguro aakalain ko rin na mag jowa na kayo. Label na lang kasi ang kulang sa inyong dalawa.”
Bumuntong hininga ako at sinukbit ang bag sa balikat and fixed my books. Sinundan naman ako ni Renaissa at lumabas na sa classroom. Reeve hasn’t texted me yet, and I think his class is still not finished.
“Hindi naman kasi ibig sabihin na gusto namin ang isa’t-isa ay sasagutin ko na siya agad,” I told her habang kami ay pababa sa hagdan.
“Anong pinapalabas mo?” she asked, confused.
“Some things take time, just like how our situation is. I believe that everything would be placed perfectly if I wait patiently. Ayaw kong madaliin ang meron sa amin ngayon.”
Yes, it’s obvious that our feeling is mutual, and I can feel that Reeve also knows that. I didn’t answer him yet, isn’t because I am afraid of committing myself and scared of being hurt again. The reason is, I just want to take everything slowly what’s going on between us.
I can’t say yes to him just because I also like him. I can’t commit myself into a relationship with my heart, only that’s been functioning. I want both of my mind and heart to decide whether it is time for me to finally enter a serious relationship.
Hindi sa lahat ng panahon ay puso lang ang susundin natin. And not all the time, our heart wins in the battle between heart and mind.
I want to take our relationship seriously. Ayaw ko ng laro-laro lang sa amin ‘to. Gusto ko siyang sagutin dahil sigurado na ako sa nararamdaman ko. That my feelings for him aren’t temporary but a permanent one. And when I finally answer him, I know that I am sure of it.
I am no longer a teenager who only follows the heart’s whispers and makes impulsive decisions that will make them regret it at the end of the day.
Hindi na kami bata para sa laro-laro lang.
I don’t want a temporary relationship. I want a relationship that lasts longer.
That is why I am waiting for the right time and right moment, and when it happens, we both deserved to celebrate it.
“Aren’t you afraid?” tanong niya ulit.
Ako naman ngayon ang nagtataka sa kaniyang tanong. “Afraid of what?”
“Na sobrang paghihintay mo ng right moment at right time ay baka magsawa siya kakahintay sa’yo?”
Tinawanan ko lang ang kaniyang tanong sa akin. “You think he would do that?” Diba ikaw na nga ang nagsabi na hindi siya gano’ng klaseng lalaki.”
“When he courted me, he promised to wait for me ‘till my heart is ready. Waiting takes time. If he isn’t patient enough to wait for me, then why would he bother entering my life if, at the end of the day, he would just leave me behind just for the reason that he can no longer wait, right?” I explained.
Since the day that he started courting me, I already gave my full trust to him. Those words that he said to me were already engraved in my heart. And I believed that he won’t hurt me because that was he promised to me.
“I know Reeve won’t hurt you. Halata naman kasi sa mga galawan niya sa’yo. You were like a fragile glass to him na super ingat para hindi mabasag. I just don’t get the logic on why you are prolonging your relationship in the courting stage where in fact, you can prolong it in the next stage,” she stated.
“It is because I want to be sure of my feelings first and not just my feelings but also him. That, if we decided to take our relationship to the next part, we are sure that our feelings are real,” I stated thoughtfully.
“Bakit ka ba tanong nang tanong sa akin nito? Gusto mo na ba magkaraoon ng jowa?” I diverted the topic and teased her that make her frowned.
She rolled her eyes, “Di pwede magtanong, Henzy? Bawal na baa ko tumanong sa’yo?” sarkastiko niyang wika.
“Hindi naman… baka pala sa kaloob-looban mo r’yan ay gusto mo na palang magka-jowa pero ayaw mo lang sabihin,” I mocked, “just tell me, and I will introduce you to some boys. Ano gusto mo ka department natin, engineer o education?” dagdag kong pang-aasar pa sa kaniya.
“Tse, ‘wag ako, Henzy...”
“Nga pala, let’s go to canteen. I’m starving,” pang-aaya niya.
I rechecked my phone to see if Reeve has texted me. My lips automatically rise up, and I excitedly swipe up my phone when his name popped up.
Reeve:
I’m done with my classes, and I’m at the canteen. Can you come here?”
I put my phone back inside my bag and cling to my bestfriend arms.
“Tamang-tama naro’n daw si Reeve,” excited kong usal sa kaniya.
“Bibili lang ako ng pagkain tapos hahanapin ko ibang kaibigan natin. Gagawin niyo lang akong thirdwheel eh, hmp,” pakunwaring tampo niya.
“Hanapan na lang kita jowa para ‘di ka na thirdwheel sa amin, ayos ba ‘yon?” pagbibiro ko. Inalis niya ang nakakabit kong braso sa kaniya at kunwaring nandidiri sa sinabi ko.
“Kabahan ka nga, uy!” her sour-faced makes me laugh so hard.
Nang papalapit na kami sa canteen ay napansin ko ang mga paninitig ng mga babaeng estudyante sa akin. Ang ibang kung makakatitig ay parang may kasalanan akong ginawa at ‘yong iba naman ay kinikilig.
Napabuntong hininga ako dahil alam ko na ang rason kung bakit ganito sila makakatitig… isang buwan na ang nakakalipas nang ginawang pagbuhat sa akin ni Reeve ay hindi pa rin sila nakaka move on.
Simula no’ng nangyaring buhatan ay grabe na makakatitig ang iba sa akin animo’y inagawan ko sila ng jowa. Una, nagulat ako kung bakit ganito na lang sila makatitig sa akin e normal lang naman akong estudyante no’n.
Do’n ko lang na realize na dahil pala sa ginawang pagbuhat ni Reeve sa akin no’ng naging masama ang pakiramdam ko. Hanngang ngayon pa rin pala ay hindi pa rin sila tapos sa pangyayaring ‘yon.
Uso naman siguro move on no? Ngayon lang ba sila nakakita ng lalaking binubuhat ang babae sa totoong buhay?
Hindi ko naman akalain na sikat pala ang manliligaw ko sa ibang department. Akala ko ay sa nursing department lang siya sikat hindi ko naman inakala na inubos pala ni Reeve ang lahat ng department dito pati na rin ang senior highschool at hindi tinirhan ang mga ga-gwapong varsity players…
Hindi ko na lang pinansin ang mga paraan ng paninitig nila sa akin at masayang naglalakad patungong canteen. Kahit anong gawin nila hanggang titig lang naman sila kasi sa huli sa akin pa rin uuwi ang lalaking gusto nila.
Dahil hindi pa lunch time ay hindi puno ang canteen ngayon. Pagpasok namin ay katahimikan ang bumungad sa amin kasi kakaunti lang ang mga estudyante dito at karamihan pa ay mga college students na hula ko ay vacant time nila o wala pa silang pasok.
Renaissa went straight to the counter to buy food. My eyes quickly roamed around inside, hoping to spot Reeve easily.
Mabuti na lang at kakaunti lang ang mga estudyante dito at hindi na pahirapan pang hanapin siya. My eyes instantly landed on our usual spot. Mas lalong lumapad ang ngisi ko nang mahagilap ko ang kaniyang likod.
Dalang-dala ang malapad kong ngiti unti-unti akong pumunta sa kaniya. He didn’t notice me approaching him kasi nakatalikod siya sa akin. My eyes were only fixed to him at hindi na ako nakatingin sa iba pa.
Excited akong makita siya ulit kahit na kakikita ko lang sa kaniya kaninang umaga para paglutuan ako. Ewan ko ba, kapag hindi ko nakikita ang mukha niya ay hindi buo ang araw ko.
Kung sa pagluluto hindi magiging masarap ang kinalalabasan kung kulang ang mga sangkap sa akin naman hindi buo ang araw ko kung wala si Reeve sa tabi ko.
Reeve was like the secret ingredients to me so that my day would be complete.
Pero unti-unting nawala ang mga ngiti na nakapiskil sa aking labi nang makita nang aking dalawa mga mata kung sino ang kasama niya sa iisang lamesa. Kung kanina ay nagmamadali akong makita siya ay ngayon naman unti-unting bumabagal ang bawat yapak ko papunta sa kaniya.
Masyadong nakatuon ang attention ko sa kaniya kanina na hindi ko man lang napansin na may kasama pala siya sa lamesa. Sa senaryong aking nakikita ngayon ay nakaramdam ako ng kurot sa aking puso lalo na nang maaninag ko kung sino ang babaeng kasama niya.
Hindi ko itinuloy ang paglapit sa kaniya at huminto hindi kalayuan sa pwesto nila pero sapat na para hindi ako makita ng kasama niya. Mula sa aking kinatatayuan ay nakikita ko ang ng pagtaas baba ng kaniyang likod dahil sa nakakatawang bagay at bahagya ko ring naririnig ang kanilang mga tawa.
Reeve was happily laughing with his first love, and I would be an intruder if I would show up. The girl he was with is Gwyn. May kung anong mabigat na bagay ang nakadagan sa aking dibdib nang makita ko silang dalawang masayang tumatawa.
Gwyn looks so happy while talking to him. My old friend looks so delicate and carefree while she was talking with Reeve.
Ang masasayang ngiti sa kaniyang mga mata ay mas lalong nagpadagadag ng kurot sa puso ko. Hindi ko man nakikita ang mukha ni Reeve ay alam kong masaya rin siya kagaya ng kasiyahan na nakikita sa mata ni Gwyn.
At habang tumatagal ang paninitig ko sa kanila ay siya ring patuloy na pagbigat ng aking puso. Nang hindi ko na makayanan ay tumalikod na ako at deretsong lumabas sa canteen. May nakakabungo pa akong iilang estudyante pero wala akong paki at ang gusto ko lang ay lumabas na.
I hate it… I hate how my heart reacts to what I saw. I hate that I have to admit that I am jealous.
I am not a jealous type of girl pero pagdating sa kaniya ay gusto kong maging selfish. Gusto ko nasa akin lang ang attention niya at alam kong mali ‘yon. But I can’t help it… I can’t help to be jealous because that girl is his first love—the first girl who broke her heart. Ang unang babaeng pinagtoonan niya ng pansin.
I am jealous, and it isn’t good… Wala pa akong karapatan mag selos dahil hindi ko pa siya pagmamay-ari. Kaya ang nararamdaman kong ito ay isang pagkakamali.
“Henzy! Hold your grip! It is bad… it is bad to be jealous of her when it doesn’t need to! May asawa na ‘yon!” I scolded myself. Pero hindi pa rin ‘yon nakatulong sa nararamdaman ko ngayon.
I wasn’t in the mood the whole class. My phone keeps on ringing, and I wasn’t in the mood to answer it because it was him who called. Nagtataka siguro kung bakit hindi ako pumunta sa canteen kanina kahit pati sa lunch break ay hindi rin ako nagpakita sa kaniya.
Even Renaissa noticed the sudden change of my mood. Tinanong niya ako kanina pero hindi ko siya sinagot at tumahimik na lang. Hindi na rin siya nagtanong ulit dahil alam niyang magiging useless lang naman ang tanong niya kasi hindi ko naman pa rin siya sasagutin.
His messages flooded my phone, so I turned it off. Hanggang sa huli kong klase ngayong araw ay hindi ko binubuksan ang aking cellphone. Ito ang unang pagkakataon na naging ganito ako sa kaniya.
Gusto ko lang mag reflect sa sarili ko kaya gusto ko muna mapag-isa.
And him being beside me doesn’t help it all, hindi ako makakapag-isip nang maayos dahil alam kong magiging marupok lang ako.
Isa rin sa pinasasalamatan ko ngayon ay buong araw akong walang klase na kasama si Reeve.
My last class today ended, and I quickly fixed my things. Hindi ako dederetso sa apartment ko kasi alam kong pupuntahan ako ni Reeve kapag nagkataon. Instead, I decided to go to the mall to unwind my feelings a little.
“Mauna ka na, Renaissa. May pupuntahan pa ako,” sabi ko sa kaibigan nang mapansin na hinihintay niya akong lumabas.
“You sure?” she hesitated.
Tumango ako at nginitian siya. “Yes… I will text you later when I’m home.”
Nang ako na lang mag-isa sa classroom ay lumabas na ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag at binuksan ito pero laking gulat ko na lang na mas marami pa sa inaasahan kong mga tawag at messages ang natanggap ko galing sa kaniya.
“I’m doomed,” I whispered to myself.
“Ahh!” tili ko nang may biglang humablot sa mga kamay ko at marahan akong idiniin sa pader malapit sa may pintuan. Napapikit ako nang akala ako ay mararamdaman ako ang sakit ng pagdiin niya sa akin ngunit mga kamay niya ang nararamdaman ko tumama sa likorang bahagi ng ulo ko.
My heart was beating so damn fast because of the nervousness that I was feeling. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at nakaramdam ng kaginhawaan na mukha ni Reeve ang bumungad sa akin.
“You scared me!” Hinawakan ko dibdib ko at pinakiramdaman ang puso ko na hanggang ngayon ay malakas pa rin ang pagtibok.
Ngunit ay hindi niya ako pinansin. Ang kabang naramdaman ko kanina ay mas lumala dahil sa mga paraan ng paninitig niya sa akin. Mariin at matiim niya akong tinignan. His jaw clenched as he looked at with those intense eyes. Nakita ko ang paninigas ng kaniyang kamay na pumaibabaw sa aking ulo.
Nakipagtitigan siya sa akin at walang balak na ialis ito.
I looked away because I am afraid of the look in his eyes. He’s mad… Sino ba naman ang tanga na hindi magagalit sa ginawa mo kanina, Henzy?
“Why are you avoiding my calls and messages, huh?” mariin niyang tanong sa akin. Ang lamig niyang boses ay bumalot sa aking mga tainga.
Hindi ko pa rin magawang tumingin sa kaniya dahil una ay takot ako at pangalawa ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
“Do you know how worried I was, huh?” may diin niyang tanong.
Huminga ako nang malalim at naglakas loob na tignan siya. Kahit na hindi pa rin nagbago ang ekspresyon niya mukha niya ay nagawa ko pa rin siyang titigan.
“I’m sorry,” was all I can say. Hindi ko naman kasi alam kung paano sasabihin sa kaniya na nagseselos ako nang makita ko silang dalawa ni Gwyn kanina. Nahihiya akong sabihin sa kaniya lalo’t na alam kong ako ang may mali.
I am being unreasonable.
He heaved a sigh at inalis ang kamay niya sa likod ko. Tumalikod siya sa akin at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga kamay niya.
Samantalang ako ay nanatili lang sa pwesto ko at kagat labing naghihintay sa kaniya na magsalita. Hindi pa rin tumitigil ang lakas ng tibok ng puso ko pero hindi na kagaya pa ng kanina.
“R-reeve,” nauutal kong tawag sa kaniya.
Hinarap niya ako gamit ang mga matang gustong-gusto kong makita. Gone is the mad Reeve.
“Let’s go… let’s talk at your apartment,” he said at naunang bumaba sa akin.
Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa apartment ko. Since my apartment and our school were just within walking distance, he left his car at the school parking lot.
Walang niisa sa amin ang gustong magsalita at nakasunod lamang ako sa kaniyang likuran. Dahil nasa likod niya ako ay malaya kong tinitignan ang pagsunod ng mga muscles niya kaniyang likod. Ang dalawang kamay niya ay nasa loob ng bulsa niya.
Malapit na kami sa apartment ko nang nakaramdam ulit ako ng kaba. Iniisip kung ano at paano ko sisimulan ang sasabihin sa kaniya.
Kaya hinding-hindi ko gusto na nagseselos ako kasi hindi ko kayang e vocalize ang nararamdaman ko tungkol sa bagay na ‘yan. As much as possible, I am being rational when it comes to this. Pero kanina ay hindi ko na napigilan.
Hindi niyo ako masisisi dahil may nakaraan kaming dalawa ni Gwyn. Nakadagdag ‘yon sa rason kung bakit ako nagselos sa kaniya kanina at alam kong mali ako dahil may asawa na siya at may mahal na siyang iba.
It was just… jealousy was so f’cking hard to resist.
Sa pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na nasa harap na pala kami ng apartment ko.
“Now, tell me what happened. Why you didn’t show up on our vacant time earlier, and why you didn’t answer my calls?” sunod-sunod niyang tanong pagkapasok namin sa loob.
We were still standing behind the door. Hindi ko pa nga naalis ang mga gamit ko nang bigla niya akong atakihin ng mga tanong niya.
“Wala,” I lied to him. Wala akong lakas na sabihin sa kaniya ang totoo. Nahihiya ako sa rason ko.
Kunot noo niya akong tinignan tila nagtataka sa sagot ko. He knows that something was wrong, and he expected me to tell him the truth, yet I lied.
“Anong wala?”
“Wala lang ako sa mood kanina kaya hindi kita sinipot,” I lied again and looked at his eyes directly.
“You’re lying,” he directly stated.
Hinawakan niya ang aking dalawang kamay at hinila papalapit sa kaniya. His expensive scent surrounds my nose, and I can’t help but sniff him. Sa dibdib niya lang ako nakatingin sa kaniya.
“Akala ko ba no secrets between us?” he softly asked.
Oo nga pala, Henzy. You told him that no secrets between you and him pero ikaw itong tinatago ang totoong nararamdaman.
“Tell me what’s wrong or what’s the problem. Kung may nagawa ba akong masama sa’yo ‘wag ‘yong pinapahula mo ako, love,” maingat niyang wika.
Nang dahil sa sinabi niya ay mas lalo lang ako na guilty. No, Reeve… you haven’t done anything wrong. It was just me and my jealousy over your first love.
He held my chin and made me face him. Namumugay ang mga mata niya akong tinignan… At mas lalo lang akong na guilty sa aking nararamdaman.
“If I have made something wrong, love. I am sorry. I am sorry I made you upset,” pagpapaumanhin niya.
Omg, Reeve… why are you saying sorry? Why are you saying when clearly you haven’t done anything wrong.
Kagat-kagat ang aking mga labi at naglakas loob na sabihin sa kaniya ang nararamdaman.
“You haven’t done anything wrong, Reeve,” I started, “I was just jealous,” I told him honestly.
Pagkatapos kong sabihin sa kaniya ‘yon ay iniwas ko ang aking tingin.
“Jealous?”
I nodded, “Yes,” bulong ko.
“Lalapit na sana ako sa’yo kanina nang nakita ko kayong masayang nagtatawanan ni Gwyn sa canteen kanina. At nang makita ko kayong dalawa ay hindi ko mapigilang magselos,” I explained.
“I know that there’s nothing to be jealous of, but Reeve… I am so f’cking jealous when I saw you happily laughing with her earlier.”
Nakita ko ang kaginhawaan sa kaniyang mga mata. He pulls me closer to him and hugged me tightly na parang nawala ako sa kaniya at ngayon lang nakita.
Maingat niyang hinaplos-haplos ang aking buhok. “I thought… I thought I have done something wrong, Neve. You’re making me nuts.”
“I’m sorry I was being unreasonable,” I apologized, “I know it’s wrong to be jealous kahit hindi pa naman tayo.”
“Nahh… It’s okay. It’s never been wrong to be jealous when it comes to love simply because you have feelings. Hindi rin sa label nakabase ang pagseselos. Don’t be sorry about what you feel about it kasi kahit kalian hindi naging mali ‘yan dahil ‘yan ang nararamdaman mo. Ang pagseselos ay naging mali lang kung araw-arawin ito,” he told me na siyang ikinataba ng puso ko, “besides, you don’t need to be jealous anymore because Gwyn just went to me to finally bid her goodbyes. They are leaving for New York.”
“I know, but I couldn’t help it. She was your first love,” I pouted kahit na hindi niya ako nakikita dahil magkayakap kaming dalawa.
Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
“It’s you now. My past has nothing to do with my present. You’re my present, and you will be my future. Just remember this, Neve. The moment my heart beats for you, it will only beat for you till the day that I die.”
“