Chapter 32
Falling of my heart
“I am going to give you a situation, and you need to answer them critically,” our prof in nursing management said in the middle of our discussion.
Hindi matanggal-tanggal ang mga ngiti na nakapaskil sa aking labi simula pa kanina. His soothing voice always plays on my mind. Tila hindi pa rin ako nakabalik sa reyalidad sa mga pangyayaring naganap kanina. Hindi ko rin maalis-alis ang tingin ko sa promise ring na binigay niya sa akin.
The ring was simple yet elegant as it perfectly fits on my finger, bigla itong kuminang dahil nasinagan ng araw ng inaangat ko ito ng kaunti. My eyes didn’t leave the infinite symbol at the center of the ring. Ang mga ngiti sa aking labi ay mas lalong lumaapad ng maalala ko na naman ang ibig-sabihin ng simbolo na ito.
This ring will be the witness of our endless love.
Reeve is a sentimental guy. Ang mga bagay na binibigay niya sa akin halos lahat ay may sariling kahulugan. Kagaya ng kwintas na binigay niya sa akin no’ng mga bata pa kami. Hindi ko akalain na ang batang ‘yon ay ang lalaking nagpapatibok ng puso ko ngayon. And also, who would’ve thought that a child has a mindset like that.
Napakapa ako sa leeg ko at hinawakan ang kwintas na binigay niya sa akin no’n. Hindi ko lubos maisip na mabibigyan niya ng kahulugan ang kwintas na ‘to kahit na mga bata pa lamang kami no’n.
I was all smiles as I daydream about what happened before nang bigla akong napabalik sa ulirat ng bigla kong narinig ang pangalan ko ng pasigaw.
“Ms. Henzy Neve Vasquez!”
Agad naman akong napatayo ng biglaan dahil sa sigaw ng prof namin. Nagsalubong ang kaniyang kilay at naniningkit na tinignan ako. Ramdam ko ang paglakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili.
I’m doomed… Si Reeve ang may kasalanan nito kapag hindi ko na sagot ang tanong ng prof sa akin. Kung bakit ba kasi hanggang sa klase ko hindi ako tinatantanan ni Reeve eh! Ayan tuloy, ako pa ang napagdiskitsahan ng prof namin ngayon!
Kyzyr Reeve Sandoval, this is your fault if I can’t answer his question….
“You seemed too fascinated on your necklace and your ring that you almost forgot we have a class, Ms. Vasquez,” may bahid na diin sa pananalita nito.
“Care to share your thoughts about what you have daydreamed in the class na parang mas importante pa ‘yan kesa sa klase ko?” ngayon ay nakataas na ang kilay niyang panenermon sa akin.
I gulped multiple times before answering him, “Nothing, sir.”
“Since you don’t want to share your daydreamed, Ms. Vasquez. Then, answer my simple question,” ani sa mas striktong tono.
In my peripheral vision, I saw Renaissa trying to suppress her laugh. Nagawa pa talaga akong pagtawanan sa lagay na ‘to ha. Bestfriend ko nga talaga ‘to. Instead na tulungan ako ay pinagtawanan lang ako.
“How to know that the patient has already in stage one of hypertension?” he asked as he raised his brow at me.
Inayos ko ang pagtayo ko at sinagot siya ng may buong tiwala sa sarili, “If the patient has a systolic blood pressure of >220 mmHg and diastolic blood pressure of >120 mmHg without any major symptoms, then the patient has a stage one hypertension, sir.”
He seems impressed by my answer. Hindi siguro makapaniwala na kahit hindi ako nakikinig ay nakasagot pa rin ako sa tanong niya. Nagdiwang ako sa kaloob-looban ko dahil nasagot ko ang tanong niya.
This is the benefit of advanced reading. Kahit na hindi ako nakikinig ay may na-i-isagot pa rin ako. Tumikhim siya at inayos ang kaniyang salamin. I was about to take my seat when he suddenly asked me another question. This time, it was a case scenario.
“A patient was assigned to you; his name is Ralph, he’s a 53-year-old male. You examine him, and his clinic blood pressure is 176/108 mmHg. Upon checking him, you have identified left ventricular hypertrophy on his ECG.”
“You aren’t able to confirm the diagnosis of hypertension to him with the use only of ambulatory blood pressure because he refused it as it would intervene it to his work,” he presented the case scenario.
I was listening to him the whole time as he keenly presented it to me. The entire class was also listening to him, and sometimes their focus will be shifted on me. But I didn’t mind those stares.
“The question is, what alternative test could you possibly used to diagnose that he has hypertension?”
Seryosong mukha ang ibinigay niya sa akin pagkatapos niya akong tanongin. It took me a moment to process the whole situation and the question. Silence enveloped inside the classroom. At tanging ingay lang ng aircon ay naririnig sa loob.
Everybody was waiting for my possible answer.
“Forget it, Ms. Vasquez—”
“I would offer Ralph a home blood pressure monitoring, sir,” I directly answered when he was about to turn his back at me.
Nakita ang pagsinghap ng iba kong mga ka-klase sa sagot ko. Hindi inaasahan na masasagot ko ang tanong ng prof. Even Renaissa beside me ay napasinghap din sa naging sagot ko.
I was confident in my answer.
“Bakit ‘yon home blood pressuring ang e-o-offer mo kung pwede naman na ABPM?”
Hindi ko alam kung nagpapatawa si sir o ano. He clearly stated that the patient refused to do the ABPM tapos ito ang tatanong niya sa akin ulit?
Pero imbis na sagutin siya ng pabalang ay sinagot ko pa rin siya ng matino. Mahirap na at ma badtrip pa sa akin.
“When the patient is unable to tolerate the use of ABPM in diagnosing hypertension, sir, the home blood pressure is a much more suitable to confirm the diagnosis, sir.” I proudly answered.
Akala ko ay may idagdag pa siyang tanong sa akin, but then I felt relieved when he complimented me in the whole class.
“Very well said, Ms. Vasquez. No doubt that you’re always the one who gets the highest score on my exam and quizzes,” he complimented.
Kaya napabuntong hininga ako ng wala na siyang naidagdag na tanong pa sa akin.
When answering an oral recitation like this, I am always confident in my answer. Ikaw ba naman ang basahin araw-araw ang mga libro na nakatambak sa mini bookshelves ko sa bahay.
Pagkaupo ko ay binulungan agad ako ni Renaissa, “Bakit mas lalo kang tumalino ng sinagot mo si Reeve? Ano ‘yon? Naging all in one brain cells niyong dalawa?”
“Maghanap ka na raw ng boyfriend para tumalino ka rin,” biro ko sa kaniya.
Friday came, and it was the last day of our free week. Kasi next week ay final exam na for the first semester and pasahan na rin ng mga projects. Reeve and I decided to unwind with my friends and his friends here sa isang private island na pag-aari ng pamilya ni Reeve, bago kami sumabak sa madugong labanan sa next week.
Una, ayaw ni Reeve na kasama ang mga kaibigan niya but, I find it unfair na kasama ang mga kaibigan ko tapos sa kaniya hindi. Then, only to remember that Xypheir hasn’t left the country yet at nawala sa isipan ko na magkikita ang dalawa ngayon. At mas na unang pumunta ang kaibigan ni Reeve dito kesa sa amin.
Kaya hindi alam ni Renaissa na nandito si Xypheir at kasama namin hanngang sa susunod na araw.
Takipsilim na ng mapagpasiyahan namin na umalis sa city kaya naabutan kami ng dilim pagdating dito sa beach. The coldness of the wind softly touches my skin, making me shiver. I hugged myself as we continued walking to the rest house. Ang hampas ng alon galing sa dagat ay nakakalma sa pandinig.
“The jacket must be put on your body and not on your waist, Neve,” biglang sabi ni Reeve na katabi ko.
Do’n ko lang naalala na may jacket pala ako kaso nasa bewang kasi ginamit ko ito sa pictorial namin kanina bago kami lumarga papunta dito.
I was about to take off the jacket I put on my waist pero hindi ko pa man nakukuha ay bigla niyang hinuli ang aking kamay.
Huminto kaming dalawa at pinaharap ako sa kaniya. Seryoso ang kaniyang mukha na ibinigay sa akin habang hinuhubad niya ang jacket na suot niya. Inilapit niya ang katawan ko sa kaniya at ipinasuot sa akin ang kaniyang jacket.
“I forgot to take it off earlier after our pictorial,” nakangisi kung wika sa kaniya.
“Just use my jacket it is much thicker than yours. Mas lalong lalamig mamaya kapag mas lumalalim ang gabi,” seryosong saad nito.
“Is Renaissa will be comfortable if she knows that Xypheir was here?” bigla niyang tanong.
Hindi alam ni Reeve ang nakaraan ni Xypheir at ng kaibigan ko. No’ng nakaraang araw niya lang daw nalaman ng nalasing si Xypheir at bigla itong naglabas ng hinanakit sa kaibigan. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ng kaibigan ko kapag nalaman niyang nandito ang kaniyang ex.
“To be honest, nawala sa isipan ko na kasama pala si Xypheir ngayon. It must have shocked both of them seeing each other tonight,” I confess to him.
“They are both big enough to handle in this kind of situation. I know Xy, also knows that your friend was coming here, yet he didn’t decline your invitation, and if my hint was right, Xy is still in love with your friend.”
“The only thing I am concerned about at this trip might be stressful to your friend because his past lover was here joining us.”
Inilingan ko siya at pinakitaan ng ngiti. Alam ko ang ugali ng kaibigan ko kaya alam ko rin na hindi ‘to magiging stressful para sa kaniya. Alam ni Renaissa kung saan ilulugar ang sarili niya. I have a hint that this trip might be the reason for their closure.
My friend also deserves to explain her reason why she did that to him. What I am concerned about is I didn’t tell Renaissa that Xypheir and Reeve are friends.
“Renaissa doesn’t even know that you are related to his e—” Naputol ang dapat kong sasabihin ng biglang sumigaw ang dalawa kong kaibigan.
“Hoy! Lovebirds! Dalian niyo na r’yan mamaya na kayo mag landian!” Zenneth and Renaissa shouted.
Bahagyang tumawa si Reeve sa biglaang pagsigaw ng dalawa kong kaibigan. “Your friends must have jealous because I am taking you from them.”
“Inggit lang ‘yan sila kasi walang mga jowa,” I also chuckled.
“Inggit lang kayo mga te kasi wala kayong mga jowa!” balik ko naman na sigaw sa kanila.
“Sige pa inggit ka pa. Sana all my jowa!” Renaissa shouted.
“Lets go, na iinggit ang mga kaibigan ko sa atin,” I joked at na una nang maglakad.
Hindi pa man ako nakakalayo sa kaniya ay pinagsiklop niya ang kaniyang kamay sa akin. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at nasaksihan ko ang malapad niyang ngisi.
“You being by my side always, calm my heart, Neve,” he suddenly stated.
Tila may kuryenteng dumaloy sa aking katawan sa mga salitang binibitawan niya sa akin. I pursed my lips to suppress my smile. Reeve, you don’t know how much you flattered me so much, to the point that I am almost melting by your sweet words and actions.
Tahimik lang kaming naglakad patungo sa rest house nila dito. The silence between us was enough to say how comfortable we are in each other arms.
He was like a poison to me—dangerous and deadly. However, I wouldn’t want to take the pill to eliminate the poison consuming on my body because having him, I am ready to face the deadliest and dangerous situation.
Nang nasa tapat na kami ng rest house ay bigla kaming napahinto ni Reeve ng nasa tapat pa ng pintuan si Renaissa. Base sa hindi tuluyang pagpasok niya sa loob ay alam ko na agad kung ano ang rason. I let go of Reeve’s hand and immediately went to my friend, who I believed was shock upon seeing the sight in front of her.
“Renaissa,” I called her attention. Liningon niya ako na may puno ng pagtataka sa mukha. Do’n ko rin napansin si Xy na papalabas sa rest house. Pero hindi kagaya ni Renaissa, Xypheir remains calm.
“W-what is this?” utal-utal niyang tanong sa akin at halos malukot ang mukha sa nasaksihan.
“Let’s talk.” Hinablot ko ang kamay niya at dinala siya sa may dalampasigan.
“B-bakit siya nandito? Henzy?” nangininig na boses niyang tanong sa akin.
Pinasadahan ko siya ng tingin. Hindi lang boses niya ang nanginginig kun’di maging ang kaniyang mga kamay.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay na nanginginig. Hindi ko alam na may epekto pa rin si Xypheir sa kaniya. It’s been a long time since what happened to the both of them. Pero ang kaibigan ko ay tila nakakulong pa rin sa nakaraan niya. Hindi man niya sabihin sa akin ay ramdam ko pa rin ang pagsisi niya sa desisyon na ginawa niya no’n.
Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili.
“Listen, Xypheir was here because he and Reeve are friends. No’ng nakaraan ko lang ‘to nalaman no’ng pumunta ako sa party ng isa pang kaibigan ni Reeve. I didn’t bother telling it to you kasi akala ko hindi siya magtatagal dito,” I explained to her.
“I’m sorry if I didn’t tell it to you beforehand, Renaissa. Nawala rin sa isipan ko na kasama pala siya ngayon kasi akala ko bumali na siya sa New York.”
“Bakit sa lahat ng tao siya pa?” bulong niya. Binitawan niya ang kamay ko at humarap sa dalampasigan.
“I am not ready. I am not prepared to face him. Seeing him always reminds me of my stupid decision before. Seeing him reminds me how coward I was before,” nanghihina niyang bulong.
“Your decision before isn’t stupid. Ginawa mo lang ang sa tingin mo ang tama. There’s always an outcome in every choice and decision that we made. It may be a good or bad outcome. The important matter is we learned. And don’t blame yourself for what you have done before, Renaissa.”
“And today… what happened today has a purpose. Ang muling pagkikita niyo ay may rason. Use the chance to speak up on what your heart truly speaks,” I pointed to her heart.
“You’re good at giving me pieces of advice, but you don’t also apply it to yourself.”
“Funny, isn’t it? Magaling ako magbigay ng mga payo pero pagdating sa sarili ko ‘di ko man lang mabigyan ang sarili ng payo,” sarkastiko niyang ani.
“You need to face him right now. Say what you wanted to say to him. This might be your last chance, Renaissa,” pag-iiba ko ng usapan.
She sighed deeply, “Bahala na…”
Pagkatapos namin mag-usap ay kinausap din pala ni Reeve ang kaibigan dahil halos magkasabay lang kaming pumasok sa loob. Hindi ko alam kung ano ang balak ng kaibigan ko pero sana magkausap silang dalawa.
Nasa hapag kaming lahat ngayon at kumakain. Dahil mas naunang pumunta ang mga kaibigan ni Reeve ay sila na rin ang naghanda ng mga pagkain namin ngayon. We decided to just rest for this night and do the activities tomorrow dahil na rin sa pagod namin sa biyahe.
“Hindi mo naman sinabi sa amin Henzy na may magaganda ka pa lang mga kaibigan,” biro ni Andrew sa hapag.
“Naman! Walang pangit sa amin no!” pagsasabay ni Althea kay Andrew.
“Bakit Andrew? Nabihag ka ba sa kagandahan ng mga kaibigan ko?” pagbibiro ko rin.
“Parang gano’n na nga. Ngayon lang ata ako nakakita ng ganito ka ganda na mga dilag. Lalo na sa kabigan mong si Zenneth,” pagpaparinig niya sa kaibigan ko.
“Zenneth oh! Ikaw ang tipo ni Mr. Andrew! Grab the chance na!” pagtutulak ni Althea sa kay Zenneth.
“Eww, kilabutan nga kayo! Di ko s’ya type!” walang prenong mungkahi ni Zennth sa harapan naming lahat.
“Ouch! ‘Di pa nga ako nanliligaw busted agad.” May pahawak-hawak pa sa puso si Andrew at kinurot-kurot pa na kunwari’y nasasaktan siya.
Nagtawanan na lang kami dahil pag-aarte niya. Among us, Zenneth was a hard to get kind of girl. Hinding-hindi mo siya makukuha sa isang salita lang. Kung priority ko ang pag-aaral mas malala siya. Boys aren’t allowed in her life.
“After this let’s have a walk,” Reeve whispered beside me.
I shifted my gaze to him and raised my brow, “Tayong dalawa lang?”
“Yes, tayong dalawa lang. I want to have a moment with you.”
“Bakit hindi natin sila isama? The more, the merrier, right?” I teased.
I also want to have a moment with him pero gusto ko muna siyang makitang inis ang mukha. Matagal-tagal ko na ring hindi nakita ang inis niyang mukha kaya ngayon gusto ko siyang pagtripan.
Nagkasalubong ang dalawang kilay niyang nakatingin sa akin. “Just. The. Two. Of. Us, Neve,” may bahid na diin sa bawat salitang binibitawan niya.
Lumapad ang ngisi ko, “Baka magtaka sila na wala tayo dito mamaya,” pagdadahilan ko pa.
Pinagmasdan niya ang mga mukha ng mga kaibigan namin na nagtatawanan dahil sa biro ulit ni Andrew sa kanila. Hindi ko nasabayan kasi may sarili kaming mundo ni Reeve.
“They won’t know. They were entertained by Andrew’s joke,” he told me.
Pero hindi pa rin ako nagpatinag. “Edi dito na lang tayo masarap din kasi makinig sa biro ng kaibigan mo. Andrew is funny, you know,” I reasoned out.
Lumukot ang kaniyang mukha sa pagkakasabi ko na mas nakakatawa si Andrew. Lihim na napatawa ako sa kaloob-looban ko dahil sa mukhang pinapakita niya ngayon.
Ewan ko ba at gustong-gusto ko siyang asarin ngayon. “Mas gusto mo si Andrew kasama kesa sa akin?” bahagyang tumaas ang kilay niya. Nagtiim bagang siya tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“Hindi naman sa gano’n. I just find Andrew and his jokes funny kaya gusto ko lang makinig,” I bit my lip to suppress my smiles.
“Tsk… fine, kung ayaw mo hindi kita pipilitin,” he surrendered pero may pagsusungit sa kaniyang tono.
Hindi ko na napigilang ilabas ang malapad kong ngisi. “Biro lang. I was just teasing you, Reeve. Ang dali mo naman palang mapikon,” pagsusuko sa kaniya.
“Siyempre sasama ako sa’yo. Gusto rin kitang ma solo no,” I widely smile at him.
Naudlot ang aming pag-uusap ng sabay-sabay silang tumikhim. Agad naman akong umayos sa aking pwesto at nag kunwar’y na parang walang nangyari. I glance at their faces, and all of them were looking at us. Si Andrew, Tristan, Hannah ay malapad ang ngisi si Althea, Renaissa at Zenneth naman ay naniningkit na nakatingin sa amin.
Do’n ako tinablan ng hiya ng sumagi sa isip ko na baka kanina pa nila kami tinignan hindi lang namin napansin. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko at mas lumala nang nakita ko ang reaksiyon ng mga kaibigan. Tinignan ko si Reeve at prente pa rin siyang naka-upo na parang wala lang sa kaniya. He raised his brows when everyone was looking at us.
“What?” he asked, to break the silence.
“Grabe pre, nasa hapag tayo para mag salo-salo pero may sarili kayong mundo. Asan cooperation do’n pre?” Andrew replied.
“What did we do?” prente niya pa ring tanong.
“Wala pre… wala kang ginawa. ‘Di namin kasalanan na inlababo ka lang talaga,” iling ni Andrew at kinuha ang tubig.
“What’s wrong with being in love?” Reeve raised his brow.
“Kanina pa kami nakatingin at nakikinig sa inyo pero hindi niyo napapansin dahil may sariling mundo kayo,” Althea butted in, “Respeto naman sa mga single rito,” she joked.
Ang hiyang naramdaman ay mas lumala nang ma kompirma na kanina pa pala nila kami pinagmamasdaman. Gusto kong magpakain sa lupa ngayon! Kung bakit ba naman kapag kasama ko si Reeve ay nakakalimutan ko palagi ang paligid ko!
“Don’t worry, Kyzyr hindi namin ipagkakait si Henzy sa’yo. You can freely take her away. Alagaan mo lang ang kaibigan namin ayos na kami do’n,” Zenneth uttered.
I’m pretty sure that my face was so red right now! Hindi lang pala sila nakatingin sa amin kun’di ay nakinig din! Bakit hindi ko napansin na biglang tumahimik ang mesa?! Gano’n ba ako sa focus kay Reeve na naging manhid ako sa paligid ko?!
“Rest assured that I will take care of your friend,” Reeve cooly replied.
“Naks naman, pre! Ako na kaibigan mo di mo inalagaan pero si Henzy aalagaan mo? Mahal mo ba talaga ako?” Andrew pouted.
“Love yourself,” walang ganang sagot niya sa kaibigan.
Napuno ulit ng tawanan ang hapag dahil sa sagot ni Reeve sa kaniya. Kahit na si Renaissa a Xypheir na hindi nakisali sa tawanan kanina ay napatawa na rin. Slowly, the embarrassment I have feeling disappeared ng kay Reeve nila ibinaling ang attention.
“Grabe talaga pre, kapag kami kasama mo ang hard mo sa amin pero kapag si Henzy ang soft-soft mo. Favoritism ka talaga eh,” Andrew hint another joke again.
“Hindi ka raw mahal kasi ang ingay-ingay mo raw,” Althea butt in the conversation.
“Ayown! Nadali!” sabay na sabi ni Xypheir at Tristan.
Nang nawala na sa amin ang attention nila ay bumulong sa akin si Reeve, “Come on.”
I took a glance one last time bago sinundan si Reeve. They didn’t notice us leaving because they were entertained again by Andrew’s and Tristan’s joke.
Pagkalabas namin ay agad na sumalubong sa amin ang malakas at malamig na hangin gayon na lamang ang pagsunod ng buhok ko sa direksyon nito. Mas lalong lumalakas at lumalamig ang hangin ng palalim at palalim na ang gabi.
I can’t clearly see the way because my hair keeps on getting on my sight. When Reeve noticed that I was struggling to walk because of my hair, he stopped walking and face me.
Kunot noo naman akong napaangat nang tingin sa kaniya dahil sa biglaan niyang paghinto. “Why did you stop?” I asked.
Pero hindi niya ako sinagot. Unti-unti niyang hinawi ang iilang hibla ng buhok ko na napunta sa mukha ko at pinagsikop ito. Napahawak ako sa matipuno niyang diddib nang biglaan niya akong pinalapit sa kaniya. His scent quickly enveloped on my nose. Naging malawak ang ngisi ng napagtanto kung ano ang balak niyang gawin.
Pagkatapos niyang alisin ang iilang hibla ng buhok sa mukha ko ay napunta ang kamay niya sa likurang bahagi ng buhok ko. Then he tie my hair in a messy bun just by using the few strands of my hair.
Pagkatapos no’n ay kagat labi kong inangat ang tingin sa kaniya. Amusement was evident on my eyes. “Paano ka natuto mag tie ng buhok ng babae?”
Natawa siya sa tanong ko. “Small thing, Neve,” he replied.
Hinawakan niya ang kamay ko at sabay na naglakad. Wala akong ideya kung saan ako dadalhin ni Reeve kaya nagpatangay na lamang ako sa kaniya. Medyo malayo na ang aming nilakad nang nawala na sa paningin ko ang rest house na tinutuluyan namin kanina.
“Malayo pa ba?” tanong ko.
“No… we’re near already,” he answered.
“You owned this entire island?” hindi ko mapigilang itanong sa kaniya.
The island was far from other places. Habang papunta kami dito kanina ay hindi ko mapigilang hindi pansinin na medyo malayo nga ito sa kabihasnan. Walang mga katabing bahay o katabing isla ang isla nila.
It was all alone…
“Own by my grandparents, but this island was under my name,” sagot niya sa akin.
“They bought this island because they just want to? Or there are other reasons?”
“They bought this island just to give it to us. Mero’n din ang kapatid ko somewhere here in Mindanao. I just don’t know the exact place, but this island holds a special memory on them.”
Mas lalo niya pang hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko kaya napako ro’n ang tingin ko.
“If it’s special, why gave it to you?”
“This island is where my grandmother answered my grandfather when they’re young. Ito raw ‘yong unang nakasaksi ng pagmamahalan nila. Kaya special sa kanila. I don’t know why they gave it to me, but one thing I’m sure of is they wanted me to bring the girl I loved here. They also said to me before, this island has a lucky charm for the couples.”
I chuckled at his last statement. Ngayon lang ako nakarinig na may lucky charm island pala para mga couples. I thought this was just a simple island, may meaning pala behind dito.
“Do you believed in it?” natatawa kong tanong.
“Before, I don’t. Pero wala namang mawawala kung maniwala ‘di ba?”
“It was my first time hearing this, and also, I was never a fan of superstitious beliefs lalo’t na I came from a family of science,” I told him.
“Science will always contradict, you know,” dagdag ko pa.
“But not all can be explained by science. Some things are just meant to happen that even science can’t explain,” pagkokontra niya.
“Yes… and as you’ve said wala namang mawawala kung maniniwala and for now, let just enjoy and capture the moment of being together.”
Dahil sa pag-uusap namin hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa destinasyon namin.
“Wow,” the first word I uttered when I saw how mesmerizing the place is.
“Do you like it?”
Walang pagdadalawang isip akong tumango sa kaniya. Who would’ve like this view? Nag-iisang mini cottage lang ang nakatayo dito and it wasn’t just an ordinary cottage. The cottage was full of lights, a perfect moment for this night as it stands out. Bawat sulok ng cottage ay mayroong mga lights na nakapalibot kaya nakakaayang tignan sa mata. It also stands out because it was the only place that belongs here.
Hindi pa man ako nakapasok sa loob ay kitang-kita galing sa kinatatayuan ko ang mga kulay pulang mga balloons scattered around the place. Unti-unti akong nilapit ni Reeve papunta sa loob ng cottage.
Mas lalo lang akong namangha ng nakita mismo ang ayos ng loob. There’s a petal of rose scattered around the sand, forming into a heart shape together with the balloon. Mayroong ding lights ang ang nakapalibot sa mga roses na naka heart shape para mas makita ang pagkakahulma ng hugis puso dito.
My eyes got stuck on the word in the middle of it. As soon as I read the words written on it, my heart starts to pound again. At hindi ko man lang namalayan na may namumuo na palang luha sa aking mga mata kung hindi pa ito pinunasan ni Reeve.
Will you allow me to be your boyfriend, my love? Those were the words that were stated in the middle of the heart.
I don’t know what to say. I am lost for words. Words can’t explain how happy I am feeling right now, so I remained silent. Hindi ko maialis ang tingin ko sa mga nakasulat do’n.
Napaawang ako ng biglang lumuhod si Reeve sa harap ko at kinuha ang kamay ko. Ang mga luha ko ay patuloy sa pag-agos hindi dahil sa sakit o malungkot ako— it was because of the overflowing happiness that I feel right now.
“I know that you already said your answer to me, and we’re officially together right now. But, Neve, I want to you asked you again as you deserve the best. You deserved to receive a surprise like this, and most especially, you deserved the world,” he looked at me straight in the eyes as he perfectly delivered his message.
I was just looking at him with tears coming from my eyes. I can’t believe that he prepared a surprise like this. I never expected this to happen. I never expected that he will again ask for my hand. Everything was too sudden and unexpected. I still couldn’t grasp the moment.
“I n-never asked for this,” I stuttered.
“I know, and you deserved this. Neve, I am fortunate to have you as my girlfriend. I am thankful that I met you…that our path has crossed again. You light my dark world. You bring joy to my dull and austere life,” he paused, but he didn’t leave my eyes. Namumugay ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
“With you, I tend to see the beautiful side of life. You clear the messy road that I am about to take. You made me realized to cherish every moment and every second of life,” he continued.
“The light, balloons, roses, and the sound of the waves are here to witness my love for you. Henzy Neve Vasquez, I kneel in front of you to ask your hand again. I promise to love and hold you. To protect and take care of you.”
“Will you allow me to be your boyfriend, my love?” he reiterated the words that were written.
“Of course! You’re my boyfriend already!” naiiyak na natatawa kong tugon sa kaniya.
Mula sa pagkakaluhod ay pinatayo ko na siya. Hinawakan niya ang bewang ko inilapit sa kaniya. I rest my head on his chest as my tears were not yet done flowing. Pinulupot ko rin ang mga kamay ko sa bewang niya. Then we danced slowly, even without music.
“Kaya pala gusto mong umalis tayo do’n dahil may pa ganito kang sorpresa,” puna ko ng makalma ko na ang sarili.
He just chuckled. “You don’t have to do this, Reeve. You being by my side always is a great surprise to me,” sabi ko sa kaniya, “but you make me flattered so much this night, Reeve,” I added.
I faced him. Ang mga kamay kong nasa bewang niya lang kanina ay nasa batok niya na. I tiptoed, and without a second thought, my lips landed on his lips.
This night was another special moment to capture and treasure. This night also my heart realizes how deeply I fall for him, and I know Reeve will not disappoint me as he will catch the falling of my heart.”