International Billionaires 5 - 6 Chapter 10

Two Weeks Later

SIMULA nang dalhin ni Vincent si Jonabel sa binili nitong bahay sa Tagaytay ay pinili na niyang doon permanenteng manirahan. Ganoon rin naman si Vincent. Madalas pa rin naman lumuluwas si Vincent para sa trabaho nito pero tuwing gabi ay umuuwi rin sa Tagaytay.

Kagaya nang nakaraang mga linggo, naging maayos pa rin ang pagsasama nila ng asawa. Hindi na nito binalikan ang nakaraan. Hindi na nila iyon pinag-usapan. Nanatili silang masaya sa isa’t isa kahit na ba may kaunting pag-aalinlangan pa rin si Jonabel dahil hindi pa rin sinasabi ni Vincent ang tatlong salita na madalas na sabihin nito sa kanya noon. Pero kagaya ng dati, hindi pa rin iyon gaanong pinahahalagahan ni Jonabel dahil na rin sa magagandang bagay na ipinapakita naman nito kapag magkasama sila.

Kontento ang pakiramdam ni Jonabel kahit na ba madalas ay naiiwan siyang mag-isa sa bahay nila sa Tagaytay. May mga kasambahay naman roon pero siyempre, iba pa rin ang may kasa-kasama. Pero kahit ganoon, masaya pa rin si Jonabel. Ang isipin pagkatapos ng minsan ay nakakainip na araw ay darating si Vincent ay nagiging kapana-panabik na para sa kanya.

Alam ni Jonabel na maaaring may mali dahil tila umiikot na ang buhay niya sa kanyang asawa. Hindi kasi kagaya ng dati, may trabaho siya kaya masasabi niyang nagiging parte rin ng buhay niya. Bago sila ikasal ni Vincent ay nagpasa na siya ng resignation letter sa trabaho na nag-take effect naman ng araw bago sila mismo sila ikasal kaya technically, wala na siyang trabaho. Gusto kasi talaga niyang bumawi kay Vincent at ayaw niya ng kahit ano pa na hadlang. Naging mabuti naman sa kanya ang desisyon dahil na rin sa mga kagustuhan ni Vincent. Nasa Korea ang trabaho niya noon at mas mahihirapan siyang gampanan ang responsibilidad niya sa asawa kung ito ay gustong nasa Pilipinas. Wala na rin naman kaso sa kanya na gawin ang mga responsibilidad kay Vincent bilang asawa kaysa ang palaguin pa ang kanyang career dahil masaya siya sa kanyang ginagawa. Isama pa na pakiramdam niya ay kontento na rin naman siya sa naabot niya sa usapin na iyon. Gusto na talaga niyang humakbang sa panibagong kabanata ng kanyang buhay.

Kahit may mga kasambahay sila sa bahay ay madalas na pinipili pa rin ni Jonabel na siya ang maghanda ng mga kailangan ni Vincent lalo na at araw-araw itong umaalis para pumasok sa opisina. Maaari naman itong magtrabaho sa bahay pero mas pinipili nito na pumasok sa opisina dahil ayon rito, kailangan raw madalas ang presensiya nito roon. Isama pa na pabalik-balik rin ito sa mga kompanya sa Pilipinas na may mga mabibigat na pinagdadaanan ngayon. Kabi-kabila ang mga meetings nito. Pero ngayong umaga ay hindi mapigilan ni Jonabel na hindi mainis kay Vincent dahil sa ginagawa nito sa buhay nito.

“Kailangan mo ba talagang lumuwas? Kakaunti pa lang ang tulog mo at inuubo ka pa. Huwag ka na lang kayang pumasok?”

Ginagawa naman ni Jonabel ang lahat para panatilihin na maayos ang asawa pero hindi pa rin mapigilan na magkasakit ito dahil na rin siguro sa pagod. Mahirap ang routine nito. Minsan ay iginigiit na rin naman niya na bumalik na lang sa pent house pero si Vincent ang may ayaw. Masaya siya sa Tagaytay pero ayaw naman niya na nahihirapan ito nang ganoon. Pero mapilit si Vincent. Gusto nitong manatili siya sa malaking bahay dahil mas nararapat raw siya para roon.

“I can manage. Don’t worry about me...” paninigurado naman ni Vincent bago ito umalis.

“Ayaw kong nagkakasakit ka, Vincent.”

“I know. Concerned ka sa akin kaya ka nagkakaganito. I understand. But I need to be at HGC, okay?”

“You’re so workaholic,” napalabi si Jonabel. Mas masasabi ni Jonabel na mas nagtatampo siya roon kaysa sa hindi pagsasabi ni Vincent sa kanya ng mga magic words.

Hinawakan ni Vincent ang kanyang mukha. “This is a need. Pare-parehong may mga pamilya na sina Nikos at Augustus. Kaming tatlo ang hands-on sa HGC. Madalas na wala ang presensiya nila dahil sa binuong pamilya. Kung gagaya rin ako sa kanila, paano na ang kompanya?”

“What about me? Pamilya mo na rin naman ako, ah...”

“I know. But you need to understand. May anak na ang dalawa at tayo, wala pa naman...”

Natigilan si Jonabel. Kailangan ba muna na magkaroon sila ng anak para isipin naman nito ang sarili nito?

Isang buwan na rin na kasal sila ni Vincent ngayon. Simula nang may mangyari sa kanila sa Thailand at maraming beses na nasundan rin iyon. Hindi sila gumagamit ng kahit anong proteksyon kaya hindi imposible na sa lalong madaling panahon ay kagaya ng mga kaibigan nito ay magkaanak na rin sila ni Vincent. Wala namang kaso iyon sa kanya. Nanabik rin siya sa ideya na iyon dahil ramdam niya na magiging mas maganda ang pagsasama nila ni Vincent kapag nagkaanak sila. Hindi na rin naman sila bumabata. Pero sandali pa lang rin ang itinagal ng kanilang kasal para umasa siya na darating rin agad iyon.

“Isama pa na ilang linggo rin ako na naka-leave dahil sa honey moon natin. Its time to pay back. But anyway, I really need to go. Male-late na ako. I’ll see you later,” wika nito saka hinalikan siya.

Napabuntong-hininga na lamang si Jonabel. Gusto niyang intindihin si Vincent, lalo na ngayon. Hindi kagaya noon, kahit abala ito ay may oras na ito sa kanya. Pero hindi niya gusto na pinipilit pa rin ng asawa na pumasok ng trabaho gayong ramdam niya na masama ang pakiramdam nito.

Alam naman ni Jonabel na may problema na pinagdaraanan ngayon ang ilan sa kompanya sa Pilipinas na saklaw ng HGC. Pero maano ba naman ang isang araw na pahinga para sa asawa? Hindi niya maintindihan kung bakit pinipilit pa rin nito ang sarili nito gayong ito naman ang pinaka-boss. Kung hindi man nito maresolba ang problema, marami pang nasa ibaba nito na maaaring sumalo. Isama pa na kung magiging ikalulugi man ng isang kompanya ang hindi nito pagpasok ng isang araw, hindi ito maghihirap. Napakaraming kompanya ang under ng HGC.

Pero paano kung may iba pang dahilan kung bakit mapilit si Vincent na pumasok pa rin ng opisina sa kabila ng kalagayan nito?

Ayaw magsuspetsa ni Jonabel sa loyalty ng kanyang asawa. Ayaw niyang isipin na maaaring nagsisinungaling ito. Nagtitiwala siya kay Vincent. Siguro nga ay talagang importante lang na magpunta ito sa opisina para asikasuhin ang kung ano man na gulo na iyon. After all, noon rin naman ay madalas talagang inuuna nito ang trabaho.

Alas-diyes ng umaga ay tinawagan ni Jonabel ang asawa. Hindi pa rin siya mapakali. Gusto niyang kumustahin ang lagay nito. Sinadya niyang break nito sa trabaho siya tumawag para alam niyang hindi niya ganoong maiistorbo ito.

Ungol ni Vincent ang bumungad nang sagutin nito ang kanyang tawag. Lalong nag-alala si Jonabel sa asawa.

“Umuwi ka na, please.”

“I-I can still manage, yobo. Don’t worry...” pero ramdam niya na tila nanghihina na ang boses nito.

“Vincent, please don’t do this. Please...” maiyak-iyak na si Jonabel sa pakikiusap sa asawa.

“I’m sorry, Bel. And I need to go now. I’ll see you later. Huwag ka ng mag-alala...” iyon lang at tinapos na nito ang tawag.

Lalo lang hindi napakali si Jonabel sa ginawang tawag at dahil roon ay nakagawa siya ng desisyon. Kung hindi pumayag si Vincent sa pakiusap niya sa tawag, kailangang sa personal na niya ito puntahan. Hindi man rin iyon umayon kanina ay magbabaka-sakali siya na sa pangalawang pagkakataon ay pumayag na ito. At kung hindi man niya ito mapatigil sa pagtatrabaho nito ay mas mapapanatag siya kung nasa malapit lang siya kung may mangyaring masama rito. Nagpahatid siya sa driver papunta sa opisina ng HGC sa Makati.

Dalawang oras rin ang naging biyahe ni Jonabel nang makarating siya sa opisina. Lunch break na nang dumating siya. Wala ang sekretarya nito sa labas at wala rin siyang nakasalubong sa opisina nito. Malamang ay nag-lunch na rin ang asawa niya at malamang ay wala ito sa loob ng opisina pero pinilit na magbakasakali ni Jonabel.

Binuksan ni Jonabel ang opisina ni Vincent para lang magulantang sa kanyang nakita. May babae sa opisina nito!

Singkit na ang mga mata ni Jonabel pero lalo pa iyong naningkit dahil sa nasaksihan. May sariling couch si Vincent sa opisina nito at nandoon ang kanyang asawa. Nakahiga ito at may isang babae na nakatungo rito. Kitang-kita niya kahit na ba nakatagilid ito sa kanya ang malanding ngiti sa labi nito.

Ito ba ang dahilan kung bakit pinipilit pa rin ni Vincent na magtungo sa opisina sa kabila ng lagay nito?

Pinakatitigan niya ang babae. Pakiramdam ni Jonabel ay nagbaga ang kanyang katawan nang mamukhaan ang babaeng iyon. Nakilala niya ang babae. Ito rin ang babaeng nakita niya noon sa kama ni Vincent nang puntahan niya ito noon para sana ay makipagbalikan rito! History repeats itself ba ang peg nila ngayon?

I can’t live with this. Pero hindi ko rin hahayaang kagaya noon, naduwag akong komprontahin si Vincent at hindi na lang ituloy ang plano dahil sa sakit na naramdaman ko...

Lumapit si Jonabel. Napansin niya na tila tulog si Vincent sa couch at mukhang hindi naman aware sa ginagawa ng malanding babae pero hindi niya gaanong pinansin iyon. Hindi niya gustong maging isang babae na mukhang nagger pero hindi niya mapigilan ang sarili. Galit na galit siya. Isama pa na asawa na niya ngayon si Vincent. Malaki ang karapatan niya rito.

Kinuha ni Jonabel ang buhok ng babae at kinaladkad palayo sa asawa niya.

“What the----“ nagmura ang babae dahil sa ginawa niya. Nagbabaga ang tingin na ibinigay nito sa kanya at itinaas rin ang kamay upang sampalin sana siya pero naging maagap siya upang pigilan iyon.

“How dare you looking at my husband like that!” alam niya na mali rin naman ang kanyang ginagawa dahil hindi naman siya sigurado kung ano ang ginawa ng babae sa asawa pero dahil sa sobrang galit dahil may pinaalala rin sa kanya ang babae noon ay naggawa niyang gawin iyon. Napalakas rin ang kanyang boses na sa tingin niya ay ngayon lang niya naggawa sa buong buhay niya.

“How dare me? I should have said those words to you, bitch! I really don’t see why Vincent still married you when you hurt him in the first place.”

“That’s not your business! You go away, you b-bitch!” Gustong mapatutop ni Jonabel ng noo dahil hindi siya sanay na makipag-away ng ganoon. Iyon rin ang unang beses na nasabi niya ang salitang iyon.

“Jonabel?” naputol ang init sa pagitan nila ng babae sa tinig na iyon ni Vincent. Tumingin silang dalawa ng babae sa lalaki na mukhang naggising dahil sa kanilang pagtatalo.

“P-paalisin mo siya ngayon din, Vincent...” itinuro ni Jonabel ang babae. Lumapit siya kay Vincent. Nagtago sa likod nito na para bang bata.

Kumunot ang noo ni Vincent. “Dara? W-what are you doing here?”

Sa gulat niya ay tumawa ang babae. “What, Vincent? Pretending that you just saw me because your beloved house wife came unannounced? You know what am I doing here!”

Tumingin siya kay Vincent. Ayaw niya na isipin na namutla ito pero iyon talaga ang nakita niya sa mukha ni Vincent. Parang may kumurot sa puso niya. Kung ganoon ang reaksyon ni Vincent, malamang nga na totoo ang sinasabi ng babae. Mukhang natakot ito.

“G-go out, Dara. I don’t want to see you again.”

Nagngitngit ang ngipin ng babae. Pero sa halip na si Vincent ang atakihin nito, siya ang pinagsalitaan nito. “I’m one of Vincent’s mistress, darling. I still don’t get enough of him even if we parted years ago. And with his reactions to me on the past weeks I’m visiting him, I know I still have the hope of having him again. Maybe not as his wife because you are already there but I’m not a demanding type of girl. I could be contented to be his mistress....”

Iyon lang at iniwan na sila ng babae. Naiwan silang dalawa ni Vincent sa opisina. Nakatiim ang mga bagang nito habang sinusundan lang ng tingin ang babae.

“Totoo ba ang lahat ng sinabi niya, Vincent? Binibisita ka ba talaga ng babaeng iyon nitong mga nakaraang linggo?”

“Yes, but---“

Nanlaki ang mga mata ni Jonabel. “At hindi mo man lang sinasabi sa akin?” punong-puno ng hinanakit ang boses ni Jonabel. “Kailan mo balak sabihin sa akin? Is she threatening you? Is she seducing you? O kaya ba dahil hindi mo sinasabi sa akin ay dahil may balak ka rin na magpaakit sa kanya?”

Kumunot ang noo ni Vincent. “You are talking non-sense, Jonabel.”

Ni hindi naggawang makinig ni Jonabel sa sinasabi ng asawa. Masyadong tumatak sa isip niya ang naging akusasyon niya rito at kung ano ang maaaring maging epekto noon sa relasyon nila. Masyado siyang nasaktan. Naisip rin niya bigla ang mga ginawa sa kanya ni Vincent nitong mga nakaraang linggo. Nakabuo siya ng ideya roon na lalong nakapagpasakit sa kanyang nararamdaman.

“K-kaya mo ba binili ang bahay sa Tagaytay para mailayo mo ako sa inyong dalawa? Kaya ba kahit kaya mong hindi naman magtrabaho sa opisina, pinipilit mo pa rin dahil sa babaeng iyon? Dahil gusto mo siyang makita?!” sunod-sunod na akusa ni Jonabel.

Napansin niya na nagulo ang mukha ni Vincent. Sapat na iyon para mapatunayan ni Jonabel na guilty ito.

Kinuha ni Vincent ang kamay niya, mukhang gustong magpaliwanag pero lumayo siya rito. She feels so betrayed and hurt. Pinagkatiwalaan niya si Vincent. Pero pinag-iba na pala talaga ito ng panahon...

“D-don’t touch me. You betrayed me...”

“No, Bel. Let me explain. I----“ hindi na naituloy ni Vincent ang sasabihin nang bigla na lang siyang tumakbo palabas ng opisina nito. The feelings were too heavy to carry right now. Wala siyang ibang maisip na gawin kung hindi takasan si Vincent.

Sumakay siya ng elevator pababa ng building pero sa kasamaang palad ay nahabol siya ni Vincent. Niyakap siya nito sa kabila ng hindi niya mapakalmang sarili niya. Nakaramdam siya ng sarap pero sariwa pa rin ang sakit. Nasaktan siya sa ginawa sa kanya ni Vincent pero unti-unti siyang kinain ng konsensya niya nang maisip na kung niloko at pinagtaksilan man siya nito, nararapat lang rin naman iyon sa kanya, hindi ba? Pagkatapos ng lahat, siya ang unang gumawa noon kay Vincent.

Masama ang damdamin ni Jonabel pero pakiramdam niya ay mas lalong sumama pa iyon nang maramdaman niyang nag-uumpisa na namang dumiklap ang ilaw ng elevator. She felt déjà vu. Ganoong-ganoon rin ang naging eksena nang siya naman ang humabol kay Vincent sa elevator. At tama nga ang naging hinala niya sa maaaring mangyari.

It happened again. The elevator got stucked.

Sumpa na yata iyon sa kanilang dalawa kapag nagkakaroon sila ng pag-aaway ni Vincent. Nag-dim rin ang ilaw. Napayakap na rin siya kay Vincent dahil sa nangyari. Pero kasabay noon ay napaiyak na siya.

“Hush, Bel. Calm down.” Hinagod ni Vincent ang kanyang likod. “This elevator is really playing a trick on us.”

“I’m scared, Vincent...” kung iyon man ay dahil sa sitwasyon nila ngayon o dahil sa maaaring mangyari sa kanilang relasyon, hindi maipaliwanag ni Jonabel.

“Its okay. We are going to be all right. Siguro ay ginusto na rin ng tadhana na ma-stuck tayo rito dahil kailangan talaga nating mag-usap. You shouldn’t run away from me.”

“Nasaktan ako... Its so hard to bear the pain that I just want an escape from it. I want to escape from you.”

Tumango-tango si Vincent. “I understand. Pero hayaan mo akong magpaliwanag. Hindi ko gustong nagagalit ka ng ganyan sa akin.”

“I-I should hate you, Vincent. Pero kagaya nang sinabi mo sa akin nang malaman mo na nasasaktan ako, nararapat rin naman sa akin ang lahat ng sakit na ito, `di ba?”

“Bel....”

“Ako ang unang nanloko sa `yo. Ako ang unang nagtaksil. Kung binabawian mo man ako ngayon, I deserved it. Lahat ng sakit, I deserved it. I deserved all this pain...”

“`Wag mong isipin iyon, Bel. I’m sorry. I’m sorry na naggawa kong sabihin sa `yo ang mga salitang iyon noon. Masyado akong kinain ng galit ko sa `yo. Hindi ka nararapat para sa sakit. Hindi rin nararapat na masaktan ka ng ganito. Hindi ko intensyon iyon. At hindi rin iyon ang nangyari. Mali ka ng iniisip mo.”

“I can’t help it. I feel so neglected. Masaya man ako sa Tagaytay pero hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba nitong mga nakaraan na ayaw mo naman na makinig sa akin. Alam kong nahihirapan ka rin sa paulit-ulit na pag-uwi sa bagong bahay natin. Tapos ngayon ay malalaman ko na ilang beses ka na lang pinupuntahan ng babaeng iyon dito. I feel so betrayed. Hindi mo sinabi sa akin iyon. Pakiramdam ko ay nagsinungaling ka.”

“I want you to be on our home. Gusto ko rin naman na umuwi doon dahil sa mga sinabi kong dahilan kaya binili ko ang bahay na iyon. Kahit mahirap para sa akin, pinipilit ko dahil pagdating ko roon ay worth it ang lahat. And the reason why I didn’t told you about Dara is because I don’t want you to worry. Ilang beses na nga niya akong binabalikan but I resist her. Sa totoo lang ay pina-ban ko na siya sa kompanya kaya hindi ko lang alam kung bakit siya nakapasok ngayon. Isa pa, hindi ko siya gusto. Ang kung ano man na nangyari sa amin noon, nakaraan na iyon.”

Kay dali lang siyang napaniwala nito dahil ramdam niya ang sincerity nito sa bawat mga salita. Pero hindi ibig sabihin noon ay nawala na lahat ng takot niya. “I-I know her, Vincent. And I’m scared of her. Siya ang unang babaeng ipinalit mo sa akin. Dalawang linggo pagkatapos nating maghiwalay...”

Kumunot ang noo ni Vincent. “Paano mo siya nakilala? Hindi ko siya kailanman ni-recognize bilang mga naging girlfriend ko. Sa pagkakaalam ko rin ay walang kahit anong magazines o society newspapers ang naglathala tungkol sa naging kaugnayan ko sa kanya. Isama pa na ilang beses lang rin naman kami na nagkasama hanggang sa guluhin niya ako ngayon.”

“Nahuli ko kayo, Vincent...” ikinuwento niya rito ang tagpong natagpuan niya noon sa apartment nito.

“B-binalikan mo ako?” tila may bumara sa lalamunan ni Vincent nang sabihin iyon.

“I feel so guilty, Vincent. Masyado rin akong naging impulsive. Alam ko na parang may mali sa relasyon natin noon pero hindi ko dapat ginawa iyon. You’re good for me. Napapasaya mo rin naman ako. But when Minjoon came, I think I am happier. Pero false alarm lang pala iyon. I think what I felt was that I am so much flattered that a guy like him, approached me. Sino ba ang hindi? She was every girls dream. Isa rin ako sa mga nagkakagusto sa kanya.

“Pero nang sinubukan ko ang relasyon namin, hindi ako mapakali. Naisip ko na guilty lang ako sa ginawa ko pero nararamdaman ko na hindi lang iyon. Pakiramdam ko ay hinahanap-hanap kita. Gusto kong makita ang mukha mo sa mukha ni Minjoon. And when I saw you with that girl in your apartment, nasaktan ako nang husto. Kung hindi kita mahal noon, bakit ko mararamdaman ang sakit na iyon?

“Minahal kita, Vincent. Hindi ko lang siguro napagtanto iyon dahil masyado akong nasanay sa iyo. Bata pa lang tayo ay magkasama na tayo. Alam ko na secure ako sa `yo. Secure rin ako sa relasyon natin. Napakatagal na ng pinagsamahan natin na pakiramdam ko, wala na namang nagbabago. Siguro ay kinailangan ko ng space at naibigay iyon nang dumating si Minjoon sa buhay ko. Nagulo naman iyon. Nakaramdam ng kakaiba ang puso ko na ipinagkamali ko namang i-categorize na pag-ibig. Lumalakas lang ang tibok ng puso ko kapag kasama siya dahil proud ako na pinili niya ako. Na sa dami-rami ng babae, napansin niya ako. Gusto ko ang naramdaman ko. Pero hindi rin iyon nagtagal, lalo na nang nag-uumpisa na akong kainin ng guilt sa ginawa ko sa `yo. At nang makita kita na may kasamang iba, nasaktan ako. Kung hindi kita minahal, tama ba na masaktan ako?

“Nasaktan rin naman ako nang maghiwalay kami ni Minjoon. Pero nang makasama kita, nang malaman kong pumayag ka na makipagbalikan sa akin, nawala ang lahat ng sakit. Ni hindi ko na nga siya naisip. Nang maghiwalay kami, mas naisip ko pa ang panghihinayang tungkol sa `yo kaysa sa sakit ng ginawa niya sa akin. Pero nang magkahiwalay tayo, iba ang sakit. Dala-dala ko iyon sa mga nakalipas na taon. Hindi nawala. Palagi akong nanghihinayang.

“I guess, nangyari sa akin ang kataga na “You’ll only realize that you love the person when he or she is not with you anymore”. I took you for granted, Vincent. Naging isang malaking pagkakamali iyon para sa akin. May nararamdaman rin naman akong kakaiba sa `yo noon pero dahil iniisip ko na tila may mali sa relasyon natin palagi, hindi ko maamin iyon.”

“Hindi kita masisisi kung naramdaman mo na may mali sa relasyon natin. Sa una pa lang naman talaga ay mali na iyon. You had been a bargain in the debt of your father. Siguro ay iniisip mo na parang ipinilit tayo sa isa’t isa.”

Tumango si Jonabel sa sinabi ni Vincent. Ganoon nga ang nararamdaman niya. “Palagi na lang sinasabi sa akin na makabubuti ka para sa akin kaya ayos lang. Pero hindi man lang nila ako binigyan ng kalayaan para isipin na hindi lang naman talaga iyon ang makukuha ko. Hindi man lang ako binigyan ng kalayaan na magmahal at nang makita ko si Minjoon, inisip ko na iyon na ang pagkakataon. Pero isang false alarm lang pala iyon. Isang pagkakamali dahil sa kabila ng aking napagtagumpayan, hindi ko maggawang maging masaya sa piling niya. Hindi ako maging masaya sa piling niya dahil alam ko na hindi ka masaya. Ayaw ko ng ganoon. Ayaw kong nasasaktan ka. Hindi ba at ganoon ang nagmamahal? Pero late ko na na-realize iyon.”

“Ginulat ako ng mga ipinagtapat mo sa akin. Pero masaya ako. Kaya lang, may hindi ako maintindihan pa. Kung minahal mo ako noon at napagtanto mo na rin naman iyon, bakit patuloy ka pa na nakipagrelasyon kay Minjoon?”

“I’m wrong with that, too. I made a mistake pero mas pinili ko na panindigan iyon sa pagbabaka-sakali na naging mali rin naman ang pagkakatanto ko. Nakipagbalikan ako muli kay Minjoon at dahil mahal niya ako, tinanggap niya muli ako. Pero hindi. Kung mali ako sa mga naging realizations ko, bakit masaya ako sa nararamdaman ko kapag nasa malapit ka? I guess, isa rin na dahilan kung bakit pinandigan ko na lang ang pagkakamali ko dahil naggawa ko na rin naman iyon. Kung malungkot man ako, nararapat lang rin iyon sa akin. Alam ko rin naman na magiging mahirap para sa iyo ang pakikipagbalikan sa akin lalo na at nakita ko na naging masaya ka. Nagkaroon ka ng iba’t ibang girlfriends at----“

“You’re wrong. Hindi ako naging masaya sa piling nila. Kaya nga ilang beses rin akong nakapagpalit ng girlfriend ay dahil na rin hindi ako makontento. Hindi ako lubusang maging masaya dahil hindi ikaw ang mga babaeng iyon.

“You made a lot of mistakes, Jonabel. I know I should blame you but I don’t want to. Lahat naman ng tao ay nagkakamali. Ako rin ay nagkamali. Basta na lang kitang pinakawalan sa piling ni Minjoon. Hindi ko dapat basta na lang ginawa iyon dahil kapag nagmamahal ka, you should learn to fight for it. You shouldn’t just give up.”

“Pero hindi mo lang naman ako gustong masaktan pa noon kaya ginawa mo iyon.”

“Tama ka. At ganoon rin naman ako ngayon. Hindi ko rin gusto na nasasaktan ngayon kaya kinailangan kong magpaliwanag sa `yo ngayon. Pero sa tingin ko ay ako yata ang mas lalong nagkaroon ng paliwanag. What took you so long to explain those to me?”

“Dahil natakot ako. Isama pa na naguguluhan rin ako sa nararamdaman ko. Tama ba iyon? Napakarami kong pagkakamali kaya napakahirap na intindihin. Alam ko rin na mahirap intindihin at natatakot ako na baka hindi mo rin maintindihan iyon. Pero lahat ng ipinaliwanag ko sa `yo ngayon, totoo iyon, Vincent. I love you then and still.”

Hinawakan ni Vincent ang pisngi niya. “And I love you, too.”

Napakurap si Jonabel sa narinig. “Y-you still do?”

Narinig niya ang tawa ni Vincent. “What a silly question.”

“I’m sorry, nagulat lang ako. I am expecting you said those words to me for so long, Vincent.”

“At pinoproblema mo ba iyon? Inaantay lang naman kitang sabihin rin ang mga salitang iyon.”

Kumunot ang kanyang noo. “What?”

Pinindot ni Vincent ang ilong ni Jonabel. “Kagaya mo, natatakot rin ako. Mahal pa rin kita, Jonabel. Pero gusto kong makasigurado na ganoon rin ang nararamdaman mo sa akin kaya hindi ko pa rin binibitawan ang mga makapangyarihan na salita na iyon.”

“Oh... Hindi ako aware na hindi ko pa pala nasasabi iyon sa iyo.” Gustong pukpukin ni Jonabel ang ulo dahil nirereklamo niya sa loob-loob niya iyon samantalang siya rin naman pala ang may kasalanan!

“Pero nararamdaman ko rin naman na mahal mo ako kaya hindi ko na lang binabanggit. Nag-iba ka nang husto simula nang ikasal tayo. You became caring. Nararamdaman ko na ngayon na pinahahalagahan mo ako kaysa sa dati kaya secured na ako.”

“Ganoon rin ako kaya pinili ko na lang na huwag sabihin ang mga iyon. Pinili ko na lang na makontento. But the feeling was overwhelming now. Mukhang mas magugustuhan ko yata na maging demanding kung ganito kasarap ang mararamdaman ko. I am more than contented now that I am really secured with your love...”

Hinalikan ni Vincent ang tuktok ng ulo niya. Isinunod nito ang kanyang noo, pababa sa kanyang labi. She found it really sweet. Gumaan ang pakiramdam niya.

“I love you beyond the bounds of my own intelligence and sanity as I can forgive and still love you despite of what you did to me. All you had to do is stand in front of me and I melt every time. Ganyan ka ka-effective sa akin at ikinatatakot ko iyon kaya palagi kong pinipili na lumayo noon. Natakot ako na bumigay agad kaya pinilit ko na balewalain ka. But I can’t. I love you too much to ignore you forever. And I didn’t deserve the kind of loneliness I feel whenever I avoid you that’s why I choose to just gave in. Isama pa na nakikita ko na nakita ko rin naman na nagbago ka na. That’s already okay for me.”

Jonabel knew she didn’t deserved this kind of love but she still have a life time to prove that she deserved and worth it. Ipinapangako niya na gagawin niya ang lahat para bumawi sa pagkukulang niya kay Vincent.

“I’ll cherish your love forever. I will love you forever. I will take care of you. I will---“ napatigil si Jonabel sa huling pangungusap na sinabi. Naalala niya ang dahilan kung bakit nga pala siya nagpunta sa opisina ng asawa. “Oh, God!” Namutla rin siya sa isipin na pinagod niya ito nang husto dahil sa tantrums niya.

“What? What’s wrong?”

“You. You’re not feeling well and...” itinaas ni Jonabel ang kamay upang tignan ang lagay ng init ng katawan nito. Hindi naman ito mainit pero hindi pa rin maiwasang ma-guilty ni Jonabel. “Hindi dapat kita pinagod! Aalagaan kita `di ba? Ipinapangako ko pa lamang `yan sa `yo pagkatapos ay hindi ko na agad napanindigan! I feel so horrible.”

Tumawa si Vincent sa gulat niya. “Relax. Ayos na ako ngayon. Hindi mo ba ako nakita sa couch kanina? When you called me, I feel so really unwell. Binalewala ko ang tawag mo pero sa totoo lang ay hindi naman talaga. Ilang minuto, pagkatapos ng tawag mo, bumigay na ako. Nagpahinga ako sa couch. May problema man pero naisip ko na mas lalo sigurong magkakaproblema kung hahayaan ko na magtrabaho gayong masama ang pakiramdam ko. Naisip rin kita. Alam ko rin naman kasi na magagalit ka kapag umuwi ako ng masama pa rin ang pakiramdam kaya inisip ko na unahin rin ang sarili ko paminsan-minsan. Hindi ko rin namalayan na sa pagtulog ko ay pumasok si Dara. I guess, sinadya niya talaga na lunch time para wala ang sekretarya ko para harangin siya dahil naggawa niyang takasan ang bodyguards.”

“Are you sure you’re really feeling well now?”

Ngumisi si Vincent. “Hmmm... Hindi pa pala. Kinulang pa pala kasi ako na uminom ng gamot.”

Napataas ng isang kilay si Jonabel. “You mean?”

“You and your sweet lips are my cure. The sweetest medicine in every disease...” wika nito saka hinalikan muli siya. At kagaya ng ipinangako ni Jonabel sa sarili, papatunayan niya na gagawin niya ang lahat para bumawi. She kissed him back with the same intensity.

Hindi na nila namalayan ni Vincent kung gaano katagal nagtagal ang paghahalikan nila. Hindi na rin alintana kung hanggang kailan sila ma-stuck sa elevator na iyon. Pero balewala na kay Jonabel muna iyon ngayon. Hindi na siya natatakot dahil alam niyang nasa tabi na niya si Vincent. Masasabi niya ngayon na maayos na ang lahat sa pagitan nila. She felt secured and safe in with Vincent.

In his arms, she finally went home.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.