DALAWANG linggo ang nakalipas nang kompletong magkaayos sila ni Vincent ay niyaya niya itong umuwi sa Korea. Sakto naman na sa wakas, tapos na rin ang problema nito sa Pilipinas. Naayos na iyon. Isama pa na bumalik na muli sa normal sa trabaho ang mga kaibigan nitong sina Nikos at Augustus. Ipinaliwanag sa kanya ni Vincent na kaya ganoon na lang talaga naging kaabala ito ay dahil na rin sa ilang beses na pagliban ng dalawa sa trabaho. Pareho kasing nasa first trimester ng pagbubuntis ang misis ng mga ito kaya nahirapan ang mga itong pumasok. Isama pa na si Augustus ay kakasal lang rin sa best friend nito at nagkaroon ng isang mahabang leave para sa honeymoon nito.
Si Vincent naman ang nag-leave para makabawi lalo sa kanya. Pero sa mga nakalipas na linggo, kahit abala si Vincent ay hindi naman niya masasabi na hindi ito bumabawi sa kanya. Hangga’t maaari ay sinusubukan nitong sundin ang mga bilin niya na huwag masyadong pahirapan ang sarili sa trabaho. Kahit maraming inaasikaso sa opisina ay umuuwi pa rin naman ito ng tama sa oras kaya marami pa rin silang oras sa isa’t isa. Tuwing weekends rin ay hindi talaga ito pumapasok sa trabaho. Ginugugol lang nito ang oras sa kanya.
Mas lalo pang naging masaya si Jonabel sa piling ng asawa simula nang buksan nila ang damdamin sa isa’t isa. Wala na rin naging problema kay Dara. Inamin sa kanya ni Vincent na wala naman talaga itong nararamdaman para sa babae. Kaya lang naman daw nito pinatulan ito noon ay dahil na rin naisip nitong ang pakikisama sa ilang mga babae ang makakapagpaalis ng sakit na nararamdaman nito nang maghiwalay sila. Hindi na nito ginulo pa si Vincent at hindi na rin nagtangkang lapitan ito kahit sa labas pa man. All is well between them.
Pareho silang sabik na umuwi ng Korea lalo na at parehong nagde-demand na ang mga magulang nila na magpakita na raw sa mga ito. Nami-miss na sila ng kanya-kanyang pamilya pero pagkatuntong ng Korea ay niyaya niya muna ito sa Seoul Tower. Hindi naman kagaya sa Pilipinas ay hindi pinagkakaguluhan si Vincent ng mga tao dahil sikat lang ito sa business world pagdating sa bansa. Sa Pilipinas kasi, kailangan pa nilang maging discreet o `di kaya ay magsama ng maraming mga bodyguards kung hindi nila gustong pagkaguluhan dahil kilalang-kilala si Vincent at ang mga kaibigan nito roon. Ilang beses kasing nasasama sa mga articles ng magazines at diyaryo ang mga ito dahil na rin sa tagumpay na nakamit lalo na at ipinanganak ang mga ito sa sariling bansa. Kilalang-kilala ang mga ito sa Pilipinas.
Ngayon ay malaya silang nakakapaglakad sa Seoul Tower. Binalikan nila ang Locks of Love. Natabunan na ang inilagay nila roon noong pad lock pero nagtagumpay pa rin naman silang makita.
“Sa lugar na ito mo unang sinabi sa akin na mahal mo ako at unang beses rin na hinalikan mo ako,” nakangiting pag-alala ni Jonabel. Nakayakap siya kay Vincent.
“Its a memorable place for us.”
Ngumiti si Jonabel. “I know. Kaya nga ninais ko rin na unang magpunta rito. Gusto ko na gawin memorable ang unang regalo na ibibigay ko sa `yo ngayong mag-asawa na tayo...”
Tumaas ang isang kilay ni Vincent. “Unang regalo? You gave so much already to me. Your heart, your innocence....Sa tingin ko ay wala na talaga akong mahihiling pa.”
Kumibot-kibot ang labi ni Jonabel. “Wala na talaga?”
Napaisip si Vincent. Kapagkuwan ay ngumiti. “Well, gusto ko na rin naman na magkaanak kagaya ng mga kaibigan ko pero---“
Pinutol niya ang pagsasalita ng asawa nang halikan niya ito. “Your wish is granted now, Mr. Vincent Kim...”
Bahagya pang nagulat at nagulo si Vincent. “Wish? You mean---?” nanlaki ang mga mata nito nang ma-digest ang ibig sabihin niya.
“I’m four weeks pregnant!” ngiti-ngiting sabi ni Jonabel.
Sa tuwa sa narinig ay nabuhat siya ng asawa. Halos magtitili siya dahil sa gulat sa ginawa nito pero mas nangibabaw ang saya. Ilang beses rin siyang hinalikan ni Vincent dahil sa saya.
“You made me the happiest man in the world today, yobo,”
“My pleasure. Ipinangako ko sa `yo at sa sarili ko na babawi ako sa `yo, Vincent. Ibibigay ko ang lahat ng makakapagpasaya ako. I’m gonna prove that I am worth your love.”
“Ilang beses ko ba na sasabihin sa `yo na hindi na kailangan? Basta nandiyan ka sa tabi ko, minamahal ako, worth it na ang pagmamahal na inaalalay ko sa `yo at mas titindi na iaalay pa sa hinaharap...”
Sumandig siya sa dibdib ni Vincent. “I love you so much, yobo. Saranghae,”
Hinalikan siya ni Vincent. “Saranghae, Bel. Saranghae, my love. Yobo....”
Sa lagay ngayon, parang wala ng mahihiling pa si Jonabel. Kontento na siya sa kanyang buhay. Napakaganda ng kanyang buhay. For her, the world is so good because she was with the man she loves. She was with Vincent.
The world is good because he is in it.
THE END OF INTERNATIONAL BILLIONAIRES SERIES BOOK 5: VINCENT KIM
INTERNATIONAL BILLIONAIRES SERIES:
RECAP TEASERS:
BOOK 1
International Billionaires Series 1: Nikolas Lance Afinidad
“Puwedeng baguhin ng oras ang lahat, pero hindi ang nararamdaman ko para sa `yo.”
Magkasalising damdamin—iyon ang mayroon sina Nikos at Irene sa isa’t isa.
Bata pa lang si Nikos ay hindi na nito gusto si Irene. Si Irene kasi ang sinisisi ng binata kung bakit hindi nito nakuha ang matagal nang pangarap. Pero si Irene, gaano man layuan at tanggihan ni Nikos ay hindi napigilan ang damdamin para sa binata.
Mahal ni Irene si Nikos at lalo pa iyong nakumpirma nang sa mismong birthday niya ay may ipinakilala itong girlfriend. Parang gumuho ang mundo niya sa nalaman. Pero masyado nang marami ang na-invest niyang emosyon sa lalaki para sumuko na lang basta. Hindi siya papayag na ibigay na lang si Nikos sa iba. Kaya gumawa siya ng paraan para patigilin si Nikos sa “kalokohang” magmahal ng ibang babae.
Inakit ni Irene si Nikos. Dahil kung hindi niya madaan sa santong dasalan ang binata, dadaanin niya ito sa santong paspasan!
BOOK 2:
International Billionaires Series 2: Augustus Foresteir
By Cady Lorenzana
“Even if you hurt me, it is all right. It’s okay. It will be a privilege to have my heart broken by you.”
Aware si Melanie na matagal nang may gusto sa kanya ang matalik na kaibigang si Augustus. Pero hanggang maaari ay ayaw niyang pansinin iyon. Alam niya kasing hindi niya kayang ibalik ang pag-ibig nito. May nobyo na siya, si Vince, at balak na nilang magpakasal.
Hanggang sa malaman niyang niloloko lang pala siya ni Vince…
Melanie turned to the only person she knew could help her: si Augustus. Ngunit sa halip na gumaan ang sitwasyon ay mas naging komplikado pa. May nangyari sa kanila ni Augustus at ipinipilit nitong panagutan ang nangyari na iyon.
Gulong-gulo si Melanie. Walang dahilan para magkaroon sila ng isang relasyon. Hindi niya mahal si Augustus. Pero sa tuwing naiisip iyon, parang may isang bahagi ng puso niya ang nagpoprotesta…
BOOK 3
International Billionaires Series 3: Edmundo Ferreira
By Cady Lorenzana
“Ikaw lang ang babaeng hindi magiging sapat para sa akin dahil palagi kitang kailangan.”
Ibinigay ni Alyssa kay Ed ang sarili para sa isang pakiusap na hiningi niya. Hindi na niya inaasahan na makipag-ugnayan pa sa binata pagkatapos, hanggang sa magbunga ang mainit nilang pinagsaluhan.
Inalok siya ng binata ng kasal. Pero bakit siya magpapakasal sa lalaking hindi naman siya mahal? Isama pa na may masamang reputasyon si Ed sa mga babae dahil sa pagiging playboy.
Pero sobrang lakas lang ba ng charms ni Ed o mahina lang si Alyssa? Dahil kaunting kilos pa lang nito pagdating sa kanya ay naghuhumiyaw na sa pag-“oo” ang taksil na puso niya sa alok na kasal ng binata.
BOOK 4:
International Billionaires Series 4: Jet Martinez
By Cady Lorenzana
“Sa akin ka lang talaga may ginawang mali. Ginulo mo ang isip ko.”
Matagal nang alam ni Aila na wala siyang karapatang ma-in love pa sa sinumang lalaking gugustuhin niya. She was bound to marry someone chosen by her parents. Pero na-love at first sight siya kay Jet, ang guwapo at matulunging doktor from Spain. They had a secret and long-distance relationship for three years.
Inakala niyang kontento na si Jet sa ganoong setup ng relasyon nila. Pero dumating ang araw na nag-propose ito ng kasal.
Paano magagawang tanggapin ni Aila ang alok na kasal ni Jet kung sa panahon na iyon ay itinakda na rin pala ang kasal niya sa lalaking ipinagkasundo sa kanya ng mga magulang?
BOOKS IN THIS SERIES:
BOOK 5
International Billionaires Series Book 5: Vincent Kim
By Cady Lorenzana
“Tuwing natutukso akong makipagrelasyon sa iba, hindi ko magawa. Dahil kapag naririnig ko ang salitang ‘girlfriend,’ ikaw palagi ang naiisip ko.”
Seventeen years old pa lang si Jonabel ay malinaw na sa kanya na ipapakasal siya kay Vincent—ang anak ng matalik na kaibigan ng mga magulang—sa takdang-panahon. Wala naman iyong kaso sa kanya. Mabait si Vincent at alam niyang mahal siya nito kaya naging maayos ang kanilang relasyon.
Hanggang sa dumating si Minjoon at umibig siya sa binata, dahilan para masira ang relasyon nila ni Vincent. Isinakripisyo ni Jonabel ang lahat para sa inaakalang pag-ibig kay Minjoon. Pero pagkatapos ng tatlong taong relasyon ay ibinasura lang siya nito.
Jonabel was miserable. At isa lang ang naiisip na paraan ng kanyang mga magulang para mailigtas siya sa kahihiyan—ang muli siyang ipagkasundo kay Vincent.
Kagaya ng inaasahan, hindi nagustuhan ni Vincent ang ideya. Pero hindi si Jonabel. Dahil sa mga taon na nakarelasyon niya si Minjoon at nagkalayo sila ni Vincent ay may isang bagay siyang napagtanto:
You’ll only realize that you love the person when he is not with you anymore.
BOOK 6:
International Billionaires series 6:
Cedric Guidicelli
By Cady Lorenzana
“Siguro nga tama na isa kang distraction sa akin. But you are a beautiful one.”
Sa loob ng pitong taon ay isang struggling model si Ericka na matagal nang naghihintay ng big break. Kaya sa isang interview ay naisip niyang gumawa ng fabricated story na may “special someone” na siya. Ang dinescribe niya ay si Ric—ang guwapo, simple, pero may-pagka-weird na lalaking nakilala niya sa Manila Bay. Pero ang inakala ng lahat ay ang internationally-known elusive landscape painter ang tinutukoy niyang boyfriend. Dahil doon ay napansin siya at binigyan ng malalaking role sa mga pinapangarap na commercials.
At sa panahon ding iyon ay hindi siya tinigilan ni Ric na nag-a la stalker at sumusulpot saan man siya naroroon. Hanggang sa nagtapat ito na na-love at first sight sa kanya. Hindi naman maitanggi ni Ericka na mas lumalalim pa ang nararamdaman para kay Ric sa paglipas ng mga araw.
Pero hindi pala si Ric ang lalaking inaakala niya…
hope you enjoy reading
PLEASE ALSO FOLLOW ME ON MY SOCIAL MEDIA ACCOUNTS:
🔵 FACEBOOK: https://www.facebook.com/cady.lorenzanaphr
🔵 TWITTER: https://twitter.com/CadyLorenzana
🔵 INSTAGRAM: https://www.instagram.com/cadylorenzana/
💌 Please also join my exclusive readers group: Cady Bears
https://www.facebook.com/groups/866091243525247/?ref=bookmarks
MY OTHER BOOKS:
Business and Pleasure
For Revenge or for Pleasure
Beast
Dangerous Pleasure
Pleasure of an Old Flame
More Than A Fairy Tale
The Missing Wife
The Rebellious Wife
The Pregnant Wife
and many more.