HINDI na nagtaka si Cedric nang pagkagising niya kinabukasan ay masakit ang ulo niya. Simula nang naging buhay niya ang alak ilang araw na ang nakakaraan, ganoon palagi ang lagay niya. Unti-unti na nga siyang nasanay. Hindi rin niya masisisi kung mas masakit iyon kaysa sa dati dahil mas maraming alak ang nainom niya kahapon. Pero nang unti-unting maalala ang mga nangyari bago niya tapusin ang araw kahapon ay bahagyang guminhawa ang pakiramdam ni Cedric. Sa kabila ng sama ng nararamdaman, napangiti rin siya.
Matagal-tagal rin siya sa ganoong puwesto hanggang sa mapagpasyahan niyang kumilos. Sinubukan niyang bumangon at sa paggawa noon ay napansin niya na may dalawang bagong bagay ang nakalagay sa beside table. May gamot at isang baso na puno ng tubig doon. May nakalagay rin na note na nagsasabing, “Drink me ”
Nagtaka man ay sinubukan ni Cedric na inumin ang gamot. Malamang ay si Ericka ang naglagay noon. Kahit lasing kagabi ay alam pa rin niya ang nangyari sa kanya. Nagpahatid siya sa driver niya papunta ng condominium unit niya kagabi. Nagkausap sila ni Ericka. Sinabihan siya nito na mahal siya nito. Lahat ng nararamdaman niyang pagdududa at kaguluhan ay nawala na parang bula sa naging pag-uusap nila ng asawa kagabi. Nakuha nito ng malaki ang tiwala niya ngayon dahil lang sa mga sinabi nito.
Mahal siya nito. Nagkaroon na ng kasiguraduhan si Cedric sa nararamdaman nito dahil ito mismo ang nagsabi noon. Nakita rin niya ang sinseridad sa mga sinabi nito kahit na ba sandaling pinagduduhan niya pa iyon.
Ilang sandali pagkatapos mainom ni Cedric ang mga gamot ay guminhawa ang kanyang pakiramdam. Lumabas siya ng kuwarto. Natagpuan niya si Ericka sa may dining room na inilalapag ang mga tila iniluto nito roon. Nang makita siya nito ay nagliwanag ang mukha nito. Malaki rin ang ngiti nitong sinalubong ang kanyang tingin.
“Good morning, love! Ininom mo ba ang gamot na inilagay ko sa beside table? Maayos na ba ang pakiramdam mo?” lumapit pa ito sa kanya at hinalikan siya sa labi. Napansin agad ni Cedric na may kakaiba rito. Pero sa halip na ikabahala iyon, nagustuhan iyon ni Cedric. She was sweeter than usual. Dapat ay mag-freak out siya roon. Hindi niya gusto ang mga babaeng sweet, romantic. Hindi siya romantic na lalaki. He doesn’t do romance.
Pero gusto niya si Ericka. Asawa niya ito. Matindi ang nararamdaman niya para rito.
“I-I’m fine now. Thanks. Ininom ko ang gamot,” ngumiti si Cedric. Tinignan niya ang mga inilagay nito sa lamesa. “What’s that?”
Lalong lumawak ang ngiti ni Ericka nang sabihin nito kung ano ang pagkain na ito nga ang nagluto. Lumawak rin ang kanyang ngiti dahil paboritong mga pagkain niya ang inihanda nito. Hindi niya alam kung paano nito nalaman iyon pero pinili na lang niyang maging masaya at maging kontento. Tahimik pero may ngiti silang kumain ng almusal. Cedric felt contented. Lalo na nang hindi umalis ng bahay si Ericka. Nanatili ito sa kanyang tabi kagaya ng palagi niyang gustong gawin nito.
Noong hapon ay natulog si Ericka. Dala ng pagdadalang-tao nito, nagiging antukin ito. Habang natutulog si Ericka ay sinubukan ni Cedric na libangin ang sarili. Sinubukan niyang magpinta. Inalala rin niya ang pinirmahan na kontrata ng kanyang ama para sa kanya. Kailangan niya na mag-paint ng tatlong landscape painting about beautiful beaches. Sa kabila ng galit, ramdam ni Cedric na may kailangan pa rin siyang gawin. Nag-browse muna siya sa internet ng imahe ng mga beaches para magkaroon siya ng inspirasyon. When he feels like he had his fill, kinuha niya ang mga pintura at brush niya. Ngunit hindi niya maggawang ilapat iyon sa canvass. Sa kabila ng pagkuha ng inspirasyon sa pagtingin sa mga beaches, parang kulang pa rin iyon. Wala siyang gana. Kailangan ba niyang makita iyon ng personal kagaya na lamang ng mga ginagawa niya sa tuwing pakiramdam niya ay nawawalan siya ng inspirasyon? Hindi niya sigurado. Tila blangko ang isip niya. Ang tanging nakikita lang niya kapag nag-iisip siya ay ang mukha ni Ericka.
Binitawan ni Cedric ang mga pintura at brush. Kinuha niya ang kanyang sketch pad. Mas bihasa siyang magpaint at iyon ang kanyang madalas na ginagawa pero ngayon ay mas nagkaka-urge yata siya na gumuhit. Marunong rin naman siya at magaling rin siya roon. Ngunit hindi sa klase ng subject na naiisip niya ngayon. Portrait paintings and drawings was never his style. Kahit noong pinilit siya ng ama na gumawa ng iba’t ibang klase pa ng paintings at gumawa ng iba pang klase ng art, puro landscapes lang ang madalas na nakakaya niya. Doon siya nag-focus. Hindi rin niya gusto ang mag-drawing o magpaint ng mga tao. Maituturing niya ang sarili bilang introvert. Hindi niya hilig magpakita sa mga tao at dahil roon, wala rin siyang interes sa mga ito. Kahit ang iguhit ang mga ito.
Ngayon lang.
Nakaramdam ng satisfaction si Cedric nang matapos. Kakatapos lang din niya nang marinig niya ang pagtawag ni Ericka. Bago niya pa maitago ang ginagawa ay nakita na nito iyon.
“Ang ganda ko...” malaki ang paghanga na sabi nito nang makita ang ginawa niya. Sa tuwa rin nito ay hinalikan siya nito nang mariin sa mga labi. Sa kanilang dalawa, siya ang mahilig humalik. Siya ang palaging nauuna. Naiintindihan naman niya kung bakit. Mahiyain at konserbatibo pa rin si Ericka sa kabila ng mga naging pagsasama nila. Pero nag-iiba ang kaso ngayon. Somehow, gusto rin naman niya iyon.
Nanibago si Cedric kay Ericka, lalo na nang mga nagdaan pa ang mga araw. Maalaga at maasikaso naman ito pero mas naramdaman niya ang ginagawa nito ngayon. Gusto ni Cedric ang pag-aalaga at pagpaparamdam nito ng pagmamahal sa kanya kaya hindi na rin niya ito tinanong. Masarap sa pakiramdam na pagkatapos ng lahat, hindi mo lang ramdam na may nagmamahal sa `yo. Alam mo na rin iyon.
“I love you,” lagi pang wika ni Ericka sa kanya tuwing gabi bago sila matulog. Niyayakap pa siya nito nang mariin na para bang ayaw na siya nitong pakawalan kagaya ng ayaw na rin niyang gawin rito. Pinaparamdam sa kanya ni Ericka na mahal na mahal siya nito. Kahit na ba hindi niya maggawang isantinig pa rin sa asawa ang mga salitang iyon, tila walang kaso iyon rito. Ang parang gusto lang nitong mangyari ay magkaroon siya ng kasiguraduhan na mahal na mahal siya nito.
Dumating ang araw ng kaarawan ni Cedric. Nagulat siya nang malaman na alam iyon ni Ericka. Hindi niya kailanman iyon sinabi rito. Nasorpresa na lang siya nang paggising niya ay abalang-abala ito sa kusina. May banner pa itong ipinagawa para sa pagbati sa kanyang kaarawan. Ipinaghanda siya nito at inimita pa ang kanyang mga kaibigan na lahat naman ay dumalo. Isinama pa ng mga ito ang kanya-kanyang kabiyak sa buhay. Pati ang anak ni Nikos na si Nicollo ay nakisiya rin. Kinantahan pa siya ng mga ito ng “Happy Birthday”.
“This is hilarious. Ang laki-laki ko na,” hindi maiwasang mapakamot ni Cedric ng ulo.
Natawa ang mga ito. “Gusto namin na maging masaya ka.”
“Masaya naman ako na tayo lang dalawa ang magkasama. I also intended to just celebrate it with just the two of us,” wika ni Cedric habang tinitignan si Ericka. Tumingin siya sa mga kaibigan pagkatapos. “But I am also happy that you are all here. Alam naman natin na kanya-kanya kayong abala sa buhay at trabaho pero naggawa niyo pang dumalo. I-I feel special.”
“You’re special to us, Cedric. Kaibigan mo kami.” Tinapik-tapik ni Vincent ang balikat niya. “Mahal ka namin. Mahalaga ka sa amin.”
Muntik na siyang mabulunan. “S-salamat.”
Hindi vocal ang mga kaibigan niya sa nararamdaman sa isa’t isa. Mga tipikal silang lalaki. Hindi rin naman niya gustong marinig ang mga iyon. Pero masarap rin pala dahil kapag narinig mo iyon sa mismong mga labi ng mga taong pinahahalagahan mo ay parang nagkakaroon ka na rin ng kasiguraduhan. Hindi lang ang nararamdaman ang nagiging basehan.
Nang makaalis at mapag-isa sila ng asawa ay niyakap niya ito. Gusto niyang malaman nito na na-appreciate niya nang husto ang ginawa nito. “Thank you so much. But how did you know?”
“Sinabi sa akin ni Nikos. Masaya ka ba?”
“I feel special. Pero hindi ka na dapat nag-abala pa. Masaya naman ako na kahit ikaw lang ang kasama ko. Na tayo lang dalawa. But having the other important persons in your life celebrating your day was nice, too. I’m happy.”
Ngumiti si Ericka. Hinawakan nito ang kanyang pisngi. “You deserve all the happiness, Cedric. Gusto kong maramdaman mo na mahal ka. Sa totoo lang, kulang pa nga iyon, eh. I should invite your father.”
Biglang nawala ang saya ni Cedric sa narinig. “No. Its a good thing you didn’t invite him.” Hindi niya pa inaamin kay Ericka ang nalaman. Ayaw niyang kaawaan nito.
“Pero Cedric---“
“We are not in good terms. Hindi na ako magpapaliwanag kung bakit---“
“Hindi mo na kailangan, Cedric. Dahil alam ko na.”
Bahagyang napanganga si Cedric. “You mean---“
“Kagaya ng pagsabi sa akin ni Nikos ng birthday mo, inamin rin niya sa akin ang tungkol sa pagtawag mo ng gabing iyon.”
Natulala si Cedric. Medyo matagal na nag-sink in sa utak niya ang pag-amin ni Ericka. Nakaramdam rin siya ng galit. Pakiramdam niya ay naloko siya. “Kung ganoon, kaya mo ginagawa ang lahat ng paglalambing sa akin noong nakaraan ay dahil sa nalaman mo. Naawa ka sa akin.”
Kumunot ang noo ni Ericka. “Hindi. Hindi sa paraan na iniisip mo. Mahal kita, Cedric. Bukal sa loob ang ginagawa ko ng mga nakaraan sa `yo.”
“Ang ayaw ko sa lahat ay ang kinaawaan ako, Ericka.” Nagdilim ang mukha ni Cedric.
“Hindi mo ako masisisi na maramdaman iyon. Hindi mo kami masisisi. Naging napakasakit ng nangyari sa `yo. Gusto kong punan ang lahat ng sakit ng iyon dahil gusto kong maging masaya. Mahal kita kaya gusto kong sumaya ka. Mahal na mahal kita.”
Gusto ni Cedric ang mga narinig. Sa kabila ng nalaman, lumambot ang puso niya sa sinabi ni Ericka. Nanatili lang siyang nakatitig kay Ericka.
“Hindi kita masisisi kung bakit nagdududa ka, kung bakit ang hirap paniwalaan sa `yo ang mga sinasabi ko. Pero okay lang, Cedric. Marami pa naman tayong oras `di ba? Mahaba ang buhay. At habang buhay ako, ipaparamdam ko sa `yo iyon. Ipapaalala ko iyon sa `yo. Mahal kita. At kung ayaw mong maniwala sa akin, ayaw mong maniwala sa mga sinasabi ko, then you just feel. Ganoon kasi ako, eh. Nakontento na lang ako sa mga nararamdaman ko sa `yo. Ayaw kong mag-demand dahil nararamdaman ko na pinapahalagahan mo ako. Na mahal mo rin ako. Kahit walang kasiguraduhan dahil hindi mo pa sinasabi ang mga salita at parang napilitan ka lang din sa kung ano na tayo ngayon, hindi na iyon mahalaga. Basta nararamdaman ko na mahal mo ako at aminado ako sa sarili ko na mahal kita.”
Umiling si Cedric. “You doesn’t deserve something like that.”
Kiming ngumiti ito. “All that is important to me is that I have you.”
Huminga nang malalim si Cedric. “Gusto ko ang maramdaman at marinig mula sa `yo na mahal mo ako. Pero naitatanong ko tuloy sa sarili ko, do I really deserved it? Do I really deserved you?”
“Hindi dapat kinukuwestyon ang pagmamahal.”
“At baka nga hindi talaga ako nagmamahal. Dahil naging isang malaking katanungan pa rin sa akin ang nararamdaman mo bago tayo ikasal. K-kaya kinailangan kitang layuan.”
“Ano ang ibig mong sabihin?” kunot noong tanong ni Ericka.
Ikinuwento ni Cedric ang naging pag-uusap nila ni Matthew bago ang araw ng kasal.
“See, ako talaga ang may problema. Nilayuan kita.”
“Dahil ang akala mo ay sumama at lumapit lang ako sa `yo para mabayaran ang ginagawa mo kay Nanay Teresita.” Umiling-iling si Ericka. “I must admit, sinabi ko nga iyon sa kanya. Pero alam na niya ang totoo ng araw na huli kaming nagkita. Ng araw na sinaktan niya ako. Siguro ay selos na selos siya sa `yo kaya naggawa niya pa rin na guluhin ang isip mo para saktan ka niya. Hindi niya matanggap ang lahat. I admit, nagkamali rin naman ako. Hinayaan ko siyang mabuhay sa kasinungalingan na iyon. Pero nahirapan lang ako na aminin sa kanya ang totoo kaya kinailangan kong gawin iyon para sandaling tigilan niya ako. The real truth why I’ve been with you is because I fall for you.”
“I know. Nahirapan lang ako na pagtantuin iyon dahil sa panggugulo niya. Isama pa na parang wala rin akong kasiguraduhan pa rin sa `yo. Nararamdaman ko na mahalaga ako sa `yo pero hindi kailanman na sinabi mong mahal mo ako. Not in words. But not already after that night. It was supposed to be a bad day for me but it became beautiful when you said that words. Kahit pinilit kita at lasing ako noon, naramdaman ko ang sinseridad sa boses mo. At mas naramdaman at nalaman pa sa mga sumunod na araw.”
“At ipaparamdam pa sa mga susunod. Sa pang habang buhay.” Huminga nang malalim si Ericka at ngumiti. “Nakakainis ka! Ang sama-sama ng loob ko ng tatlong araw na iyon. Iyon naman pala ay iyon lang ang problema mo. Kung sinabi mo sana agad, edi sana naresolba natin.”
“Natakot ako. Ayaw kong isipin na parang napilit lang kita. Parang kinaawaaan na rin iyon. And now you know that I hate that feeling. But can you really forgive me, Ericka? I know what I did troubled you a lot. Buntis ka pa. Hindi dapat kita ginanoon. I really feel bad.”
“Madali lang naman ako na magpatawad, eh. Sabihin mo ang tunay na nararamdaman mo sa akin, solve na ako.”
Kinapa ni Cedric ang nararamdaman at napangiti. “Ang sabi mo, ang totoong nagmamahal, hindi kinukuwestiyon. I questioned your feelings for me. I didn’t trust you enough. Pero lahat naman ng tao ay nagkakamali `di ba? Kahit ang nagmamahal.
“I never knew what is to be loved fully. But I care for you more than everything else in this world, Ericka. I can’t bear to see you hurt, to lose you. I don’t ever want anyone to take you away from me. You’re very important to me. And if that is how you can say to a person that you loved them, then I love you, cara. Mahal kita. Ti voglio bene,”
Ngumiti si Ericka. Niyakap siya nito. “Kung ganoon ay pinapatawad na nga kita.”
Several Months Later
SA IKA-WALONG buwan ng pagbubuntis ni Ericka ay nagpa-baby shower sila. Kagaya ng nakaugalian, inimbita ni Ericka ang mga malalapit na kaibigan ni Cedric at pati na rin ang mga kapamilya niya. Halos lahat ay tumugon sa kanyang paanyaya. Kanya-kanyang dala rin ng mga regalo ito para sa baby boy nila ni Cedric. Nalaman nila ang gender ng bata ng magpa-check up at ultra sound siya noong nakaraang buwan.
Masasabi ni Ericka na halos kontento na siya sa buhay niya. Patuloy na naayos nila ni Cedric ang relasyon. Hindi na ito natakot na magpakita ng damdamin at pinatunayan nito na mahal nga talaga siya nito. At ang pinaka-bonus pa, pati ang nasa batang nasa sinapupunan niya ay natutunan rin nitong mahalin.
Nalaman ni Ericka ang dahilan kung bakit naging ganoon na lang din si Cedric nang malaman na buntis siya. Bukod sa hindi nila plinano iyon, natatakot rin daw ito na maging ama dahil sa mga naging karanasan ito. Naintindihan naman ni Ericka si Cedric at inalalayan ito. Sinabihan niya ito na hindi naman ito dapat matakot dahil lahat naman ng iyon ay natutunan. Pinangako rin niya rito na aalalayan niya ito para maging isang mabuting ama sa kanilang anak. Bumili pa sila ng iba’t ibang libro tungkol sa pagiging magulang upang lalong masigurado na magiging maayos ang lahat. Ngayon ay handang-handa na si Cedric, sa katunayan ay excited na excited na nga ito. Halos lahat ng mga iniregalo ng mga kaibigan nito ay mayroon na rin sila dahil na rin kinuha nito ang lahat ng kailangan ng bata nang araw na mamili sila ng gamit.
Isa sa mga pinadalhan ni Ericka ng imbitasyon para sa kanyang baby shower ay si Nanay Teresita at si Matthew. Maayos na ngayon si Nanay Teresita. Naka-recover na ito sa nangyari rito at kahit kagaya ng dati ay hindi pa rin nakakagalaw ang kanang kamay nito, masigla ito ngayon kaysa dati. Nakakatulong ang patuloy pa rin na sinusuportahan ito ni Cedric. Isa ito sa mga dumalo at tila excited na excited rin sa paglabas ng unang apo raw nito na kahit na ba hindi sinaktan niya ang anak nito ay hindi pa rin nagbago ang tingin sa kanya. Anak na rin daw siya nito sa kabila ng lahat. Si Matthew naman ay hindi nakarating dahil na rin sa trabaho pero ngayon ay unti-unti na nilang naayos ang kanilang relasyon. Nagkakausap na sila kahit madalas ay sa telepono lang iyon. Umaasa si Ericka na balang araw ay matatanggap rin nito nang lubos ang lahat.
Naging matagal at nakakapagod ang baby shower kaya naman alas siyete pa lamang ng gabi ay pinagpahinga na siya ni Cedric. Malapit na ang kabuwanan niya at lalo lamang itong naging mas maalalahanin sa kanya. Hangga’t maaari ay ayaw nitong napapagod siya. Hindi naman ganoon kaselan ang kanyang pagbubuntis pero gusto nito na makasigurado. Simula rin nang magkaayos sila ay pinatanggal na nito ang private nurse niya at ito na ang personal na nag-alaga sa kanya dahil madalas ay nasa bahay lang rin naman ang trabaho nito.
Sa ngayon ay nakakapagtrabaho na muli si Cedric. Iyon nga lamang ay nag-iba na ito ng linya. He was more on portraits now kaysa sa master nito dating landscapes. Natutunan nito na magdrawing at magpinta na rin ng mga tao. Siya ang unang subject nito. Nang minsan ay inanyayahan itong maglagay ng painting sa isang art exhibit, sinabihan niya ito na ilagay ang kanya. Lahat ay humanga sa galing nito at halos pumila ang mga gustong magpaggawa ng portrait rito. Karamihan sa mga iyon ay mayayaman dahil mahal rin ang fee ni Cedric. Ilang portraits na rin ang naggawa ni Cedric sa ngayon.
Sinamahan siya ni Cedric na magpahinga hanggang sa makatulog siya. Pero nang ilang sandali ang nakalipas at may nag-door bell sa unit ay umalis ito sa tabi niya.
“I got it. Magpahinga ka na. Baka mamaya ay sila Vincent lang iyon at may nakalimutan. Babalik agad ako.” hinalikan siya nito at ang malaki na niyang tiyan bago umalis.
Sinubukan na magpahinga ni Ericka. Ngunit masyado na yata siyang nasanay na nasa tabi niya si Cedric. Hindi niya maggawang makatulog ng wala ito sa tabi niya. Lumipas ang sampung minuto ay wala pa rin ito. Napagdesisyunan na lang ni Ericka na puntahan ito dahil natatagalan na siya na hindi pa ito bumabalik.
Nahanap naman agad ni Ericka si Cedric. Pero hindi niya inaasahan ang natagpuan. Well, sinubukan naman niyang umasa na darating ang taong kausap ngayon ni Cedric. Pinadalhan niya ito ng imbitasyon. After all, ipinangako niya na aayusin niya ang lahat. Gusto niyang maging maayos ang buhay nila ni Cedric, lalo na tungkol sa buhay nito. Pero alam rin naman niya na hindi magiging madali ang lahat.
Nakita niya si Cedric na kausap ang ama nito sa sala ng unit. May dala-dalang bulaklak at lobo ang matanda. Madilim ang mukha ni Cedric habang nakikinig sa mga paliwanag ni Maximo Guidicelli. Pinagpasyahan ni Ericka na huwag lapitan ang mga ito at makinig na lamang ng tago para hindi niya maistorbo ang pag-uusap.
“I’ve known your existence. Your mother told me. But I am not good with it. I don’t think I can handle it so I left her knowing that. I’m irresponsible and having a child is not my thing. I try to forget you. A year before I went to the orphanage, I accidentally saw your mother. She hates me, but still, I have managed to talk to her. She told me about you. She said that she had you abandoned in an orphanage in her home country.
“I’m still having doubts if I will go and get you there. I’m irresponsible, I’m selfish. I don’t know how to be a father. But when Francois Foresteir, a French good friend of mine and also my client, told me about them planning to adopt a kid in the Philippines, I’ve thought of you. I came with them. I’m also friends with the others so I think it would be fun. I became curious and luckily, the same orphanage they went was the orphanage you are in. When I saw you and your paintings, I know it was you. You are very like me. I told myself, I had to have you.
“I use my power when I know the staffs in the orphanage will not let you be with me. I don’t have a good character. You’ll not be in good hands with me. Secretly, there was chaos in adopting you. And when they wouldn’t really let me, I gave up the final card. We secretly conducted a paternity test. They believed me. I got you. But I let that a secret as I don’t want another scandal. I promised the staffs that I will tell you the truth when you come to Italy but I decided not to.”
“Because you want me to grow knowing that I am just adopted, that I have a huge debt to you because you adopt me...” punong-puno ng hinanakit ang boses na hinala ni Cedric. Lumambot ang puso ni Ericka.
Huminga nang malalim si Mr. Guidicelli. “You can say that. I’m a cold hearted man. I’m irresponsible, selfish, controlling, manipulative. And I accept because I know that it is true. But after all, I am here, asking for an apology for everything that I made to you. I know its hard but its not late, isn’t it? I’m sorry, figlio mio. I’m sorry---“
“You’re what?” halatang nagulat si Cedric. “Y-you don’t even say sorry to anyone.”
“Yes. But you are my son. I want you to forgive me. You’re the only family I had. I know it would be hard but I want to hope that someday, you’ll find a space in your heart to forgive me.”
Hindi nagsalita si Cedric. Nanatiling nakatitig lang ito sa ama nito. Kinuha ni Ericka ang pagkakataon para lumabas at magpakita sa mga ito. Kinuha ng matanda ang dala nito at binigay sa kanya.
“Thank you so much for coming, Papa.”
“It’s my pleasure.” Tinitigan siya nang matandang lalaki. “Its so huge already. Congratulations,”
Tumingin sa kanya si Cedric. “Inimbitahan mo siya?”
Tumango siya. “Pamilya pa rin natin siya pagkatapos ng lahat,”
“Pero Ericka---“
“Hindi naman kita pinipilit na patawarin siya. Agad. Magiging mahirap na proseso iyon. Pero kailangan kong gumawa ng paraan kahit papaano. Iniimbitahan ko siya sa tuwing may malaking okasyon na ginaganap. Ngayon lang siya nakapunta. Narinig ko ang lahat. Humihingi na siya ng patawad, Cedric.”
Matagal lang din na nakatitig sa kanya si Cedric. Paminsan-minsan ay napapag-usapan nila ang ama nito at madalas na sinasabihan niya ito tungkol sa pag-aayos nito ng relasyon nito at ng ama. Pero matigas palagi ang asawa. Ang sinasabi nito, hindi nito gustong unang lumapit sa lalaki. Masakit para rito ang lahat at hindi naman daw tama kung ito pa mismo ang magri-reach out. Sa loob ng maraming buwan ay hindi nag-uusap ang dalawa. Pero may nagiging balita pa rin naman sila tungkol rito. Ang alam nila ay nabayaran rin ng ama nito ang naging utang dahil sinubukan nito na magbago at magtrabaho muli kahit matanda na. Ngunit ang ilang properties ay patuloy na sinusuportahan pa rin ni Cedric.
“Kahit maging civil lang kayo sa isa’t isa. Palapitin mo siya kahit papaano. Bigyan natin siya ng pagkakataon na magbago. Bigyan mo rin ng pagkakataon sana ang puso mo na buksan ito para sa kanya. Kahit hindi na para sa `yo. Para sa akin at sa magiging anak natin. Wala na akong masasabing tunay na pamilya ko. Wala na akong alam sa mga totoong magulang ako. Pero ikaw, mayroon pa.”
Huminga nang malalim si Cedric. Pagkatapos ay tumingin ito sa ama. “All right. I will let you inside my family, but don’t ever hope that I will forgive you. Soon. I-its still hard to bear.”
Ngumiti ang ama nito. “I know. I understand. Still, thank you for giving me a chance,” niyakap ni Mr. Guidicelli si Cedric at pagkatapos ay tumingin sa kanya. Niyakap rin siya nito pagkatapos.
Unti-unti ng nararamdaman ni Ericka ngayon ay magiging maayos na talaga ang lahat. Magiging payapa na ang mundo at damdamin niya. Hindi pa man lubusang napapatawad ni Cedric ang ama nito, alam niyang darating ang panahon na magiging maayos rin ang lahat. Hindi magiging madali pero umaasa siya. Ang sa ngayon ay masaya na siya na willing itong magbigay ng pagkakataon at ganoon rin naman ang ama nito. Willing ito na magbago. Iyon naman ang pinakamahalaga sa lahat. Nag-i-indicate lang iyon na may pagbabago, may hinaharap, may pag-asa. At iyon ang pag-asa na hindi lang talaga aasahan ni Ericka. Maniniwala siya dahil alam niyang sooner or later, magiging lubos na maayos rin ang lahat.
They were almost on the finish line of their happily ever after.