Eleven Years Later
GUSTONG ibato ni Jonabel ang remote na hawak niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit naisip niyang manood ng pelikula gayong alam niya na lalo lang siyang masasaktan. At romantic movie pa iyon. Sobrang nasasaktan na ba talaga siya para mawalan na ng katinuan ang utak niya? Ang huling bagay na kailangan niya ay ang makanood ng mga nakakilig na eksena o kahit ano pa man na nagpapatungkol sa pag-ibig.
Napabuntong-hininga si Jonabel. Ibinaba niya ang remote at pinatay ang TV. Kailangan niyang maging mahinahon kagaya nang siya naman talaga na babae. She was a woman full of poise. Hindi dapat niya hayaan na sirain siya ng isang masamang pangyayari. Kailangan niyang kumalma.
Ngunit kahit anong pagpipigil niya sa masamang bugso ng kanyang damdamin ay tila napakahirap noon. Hindi niya maggawang kumalma. Sa pangatlong pagkakataon ngayong araw, umiyak na naman siya.
Jonabel hated this feeling. Pang-ilang iyak na ba niya iyon? Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang maghiwalay sila ni Minjoon. Hindi naman talaga siya iyakin pero dahil sa matinding sakit na pinagdadaanan niya ngayon, pilitin man niya ang sarili na huwag umiyak ay hindi niya maggawa.
Apat na taon rin ang itinagal ng relasyon nila ni Minjoon. Apat na taon na nasayang lang. Apat na taong pagkakamali. Hindi dapat na naging matigas ang ulo niya. Hindi dapat siya nanira nang maganda na sana niyang buhay na matagal ng itinakda sa kanya. Kung hindi lang sana niya ipinagpilitan ang nararamdaman niya para kay Minjoon noon, hindi siguro siya masasaktan ng ganito. Siguro ay maayos ang buhay niya kasama ang isang maayos na lalaki.
Kasama si Vincent.
Pero nangyari na ang nangyari. Pagsisihan man niya ang lahat ngayon, nagkamali na siya. Ipinagpalit niya si Vincent sa isang walang kuwenta na lalaki. Si Vincent na siyang walang ginawa para sa kanya kung hindi kabutihan. Minahal siya sa kabila ng mga kamalian niya.
Dalawampu’t apat na taon si Jonabel nang dumating sa buhay niya si Minjoon. Kakatapos niya lamang noon ng kolehiyo sa kursong Dentistry. Nagsisimula pa lamang siya ng kanyang career noon nang pinili nitong siya ang maging dentist nito. Hindi basta-bastang tao si Minjoon kaya naging isang malaking pasabog iyon sa clinic kung saan siya nagtatrabaho. Kahit na may sarili at malaking kompanya ang kanyang ama, hindi siya nito pinilit na pamahalaan iyon. Isama pa na alam naman ng mga ito na sa hinaharap ay ang fiancé niya na si Vincent ang mamahala noon. Hinayaan siya ng pamilya pati na rin ng fiancé niya na gawin ang gusto niya. Basta masaya raw siya sa ginagawa ay walang problema sa mga ito.
Doon sila nagkakilala ni Minjoon. Isang sikat na rockstar si Minjoon sa Korea at halos lahat yata ng babaae sa buong Seoul ay may crush rito. Isa siya sa mga babae na iyon. Kilala siya bilang mahinhin pero dirty little secret niya ang magkagusto kay Minjoon.
Naagaw ni Jonabel ang interes ni Minjoon kaya siya ang pinili nito na maging opisyal nitong dentist kahit na baguhan pa lamang siya. Dahil na rin lihim niyang hinahangaan ito ay nagustuhan niya iyon. Pero hindi lubos naisip noon ni Jonabel na iyon pala ang maaaring simula ng isang gulo. Hindi nagtagal ay nagtapat sa kanya si Minjoon. Inamin nito na gusto talaga siya nito.
Simula labing pitong taong gulang si Jonabel, nakatakda na sa kanyang isip na si Vincent lang ang lalaking para sa kanya. Ipinagkasundo sila ng mga magulang nila para maisalba ang dati ay muntik nang malugi na kompanya nila. Tinanggap iyon ni Jonabel dahil wala rin naman siyang love interest. Mabait rin naman si Vincent. Naniniwala siya sa mga magulang niya na makabubuti ito para sa kanya. Ramdam rin naman niya iyon, lalo na at alam niya na mahal rin siya nito.
Maayos ang lahat sa buhay niya bago dumating si Minjoon at nagtapat ito ng damdamin sa kanya.
Gusto niya si Vincent pero ramdam ni Jonabel na kakaiba ang nararamdaman niya kay Minjoon. Malakas ang tibok ng puso niya kapag nakikita niya ito. Kinikilig siya kapag nakakasama ito. Hindi niya nararamdaman iyon kay Vincent. Mahina ang loob ni Jonabel pero sa unang pagkakataon, sinubukan niyang magsalita sa mga magulang niya tungkol roon. Alam niya na mahal na niya si Minjoon. Ginusto niya na ipaglaban ito.
Hindi naging madali ang lahat. Naging isang malaking gulo iyon. Gusto ng mga magulang niya si Vincent para sa kanya. Isama pa na masasaktan rin niya ito at ang pamilya nito. Pero ipinaglaban ni Jonabel ang nararamdaman niya. Hindi niya masasabi na naging maayos ang lahat pagkatapos noon pero humanga siya sa sarili niya na naggawa niyang ipaglaban ang sariling kasiyahan at nararamdaman.
Hindi tatagal ng apat na taon ang relasyon nila ni Minjoon kung hindi masasabi ni Jonabel na hindi siya masaya roon. Mahirap ang magkaroon ng nobyo na rockstar at pinagkakaguluhan ng mga kababaihan pero naging maayos rin naman ang lahat. Mabait si Minjoon. May pagka-agresibo ito pero marunong rin naman itong rumespeto. Nang dumating sa ikatatlong taon ang relasyon nila ay niyaya siya nito na magpakasal. Pumayag siya. Maayos ang maayos ang lahat sa pagitan nila hanggang sa dumating ang punto na nasangkot ito sa maraming issue dahilan upang unti-unti itong bumagsak. Dahil rin doon, ilang beses na nauurong ang kasal nila.
Hindi naging madali para kay Minjoon na tanggapin ang lahat. Naging maiinitin ang ulo nito at tila nag-iba rin ang trato nito sa kanya. Naging on-the rocks ang relasyon nila sa kabila ng pagiging engaged nila. Ang pagiging musikero ang natatanging ikinabubuhay ni Minjoon. Tila buhay na nito iyon. Sa kabila naman ng lahat ay hindi sinukuan ni Jonabel si Minjoon. Mahal niya ito at balewala sa kanya kung malaos man ito. Pero mataas ang pride ni Minjoon. Ayaw nitong maging kawawa sa relasyon. Kaya naman kinausap siya nito at sinabing susubukan nito na pumasok sa corporate world, tutal ay may-ari rin naman daw ng isang malaking kompanya ang kanyang ama. Nararapat raw siguro bilang magiging asawa niya na marunong rin ito sa business lalo na at alam nito na wala siyang interes roon. Nag-iisang anak lang rin naman siya. Ngunit nang malaman nito ang kondisyon ng kompanya at kung sino ang magmamana noon kapag nag-resign na ang kanyang ama ay nawalan ito ng pag-asa. Napaka-unfair raw noon. Nakipagkalas ito sa kanya.
Para pakuwenselo na rin sa kahihiyan na binigay niya sa pamilya ni Vincent, dito na lang ipapamana ng magulang niya ang kompanya nila na minana pa ng kanyang ama sa mga ninuno nito. Wala rin naman kasi siyang interes roon at inisip nila na magiging ganoon rin si Minjoon dahil na rin sa klase ng trabaho nito. Isang magaling na negosyante rin si Vincent. Sa katunayan ay nangunguna na ang TV station na pagmamay-ari ng pamilya nito sa buong South Korea dahil ito na ang namumuno nito ngayon. Naging maganda ang pamamahala nito. Mayroon rin clothing line ang pamilya nito at canning company na mas pinalakas pa dahil nakasalin iyon sa isang Group of Companies na ginawa at pinamumunuan ni Vincent at ng mga kaibigan nito. Kilala ang clothing line at canning company ngayon hindi lang sa Korea kung hindi sa buong mundo. Hindi na lang basta-basta ang dati niyang fiancé. He was a Billionaire now. Kahanga-hanga ang lalaki.
Vincent was a good catch, noon pa naman ay alam na niya iyon. Malaking risk para sa kanya na pakawalan ito. Marami ang nagsabi sa kanya na pagsisihan niya iyon pero dahil sa matinding nadarama niya para kay Minjoon, hindi niya ininda iyon. Masyado siyang nabulag ng kakaibang naramdaman kay Minjoon. Now, she was suffering all the consequences.
Naging napakarupok ng pag-ibig sa kanya ni Minjoon. Kung mahal siya nito, tatanggapin nito ang sitwasyon nila. Mamahalin siya nito sa hirap man o ginhawa. Pero nang makita nitong tila wala na rin naman patutunguhan ang buhay nito at nalaman nitong ganoon rin naman ang kanya, binitawan na lang siya nito basta. Kahit niyaya na siya nitong pakasalan, binawi na lang nito basta iyon dahil sa mga dahilan na iyon.
Jonabel knew she doesn’t deserve to be treated that way. But she deserves the pain, maybe. Dahil ganoon rin ang ginawa niya noon kay Vincent. Minahal siya ni Vincent. Tinanggap siya nito sa kabila ng lahat. Karma siguro niya ang sakit ngayon dahil hindi niya pinahalagahan iyon.
Nakarinig si Jonabel nang pagbukas ng pinto. Nang tumingin siya roon ay nakita niya ang Koreano na ama. Nang makita nito ang lagay niya ay awtomatikong nagdilim ang mukha nito. Kasunod nitong pumasok sa kanyang kuwarto ang ina.
“Anak...” naramdaman niyang nalulungkot rin para sa kanya ang ina. Malambot ang mukha nito, tila naawa sa kanya. Kaiba naman sa kanyang ama. Nilapitan siya ng mga ito.
“How many times will you cry because of that guy, Jonabel?” galit na sabi ng kanyang ama. “You looked so miserable!”
Napahikbi si Jonabel. Alam niya iyon. Pero masyado siyang nasaktan sa paghihiwalay nila ni Minjoon. Ang dami niyang isinakripisyo para sa nararamdaman niya rito pero mapupunta lang naman pala iyon sa wala. Napakahirap tanggapin.
“We can’t blame him, Min Ho. She falls hard for the guy, she---“
“She doesn’t deserve this!” nagngitngit ang ngipin ng kanyang ama. “If she just sticks with Vincent, for sure she wouldn’t be feeling like this! I knew it! Minjoon wouldn’t do any good for our only child. He would just hurt her in the end.”
Noon pa man ay hindi na gusto ng kanyang ama si Minjoon sa kanya. Hindi raw ito nararapat para sa kanya dahil na rin sa magulong pamumuhay nito. Pinalaki siya ng mga magulang niya na mahinhin. Hindi siya bagay sa isang kagaya nito. Ilang beses rin siyang sinabihan ng kanyang ama pero hindi siya nakinig. Sa kabila ng pag-ayaw ng mga ito ay pinagpatuloy niya ang relasyon niya kay Minjoon. Ganoon pa man, hindi rin naman siya pinigilan ng mga ito. Pinaparamdam ng mga ito na ayaw ng mga ito kay Minjoon at sa relasyon nila pero tanggap pa rin siya ng mga magulang.
Tumingin sa kanyang ama. “If you’d just listen to me back then....” lalo pang pinaglingas ng kanyang ama ang malaking pagsisisi sa loob niya.
“Calm down. Its already over. Its all in the past now. The engagement is already off for four years now. Vincent has his own life now....” pagpapakalma naman ng kanyang ina sa ama.
Totoo ang sinabi ng kanyang ina. Alam ni J onabel na naging mahirap para kay Vincent ang nangyari pero eventually ay naka-move on rin ito. Kahit hindi naging maayos ang lahat sa pagitan nila dahil sa pakikipagkalas niya rito, sinusubaybayan pa rin niya ang buhay nito bukod na rin sa madalas itong pagkuwentuhan sa bahay. Madali rin naman na subaybayan ang buhay nito dahil kilalang personalidad ito sa business world. Buwan-buwan yata ay napi-feature ito sa mga business magazines at madalas na nasasama sa sideline ang personal na buhay nito. Alam niya ang nangyayari sa buhay nito. Pagkatapos ng matagal na engagement nila ay nagsimula rin itong makipagdate sa iba’t ibang babae. Sa loob ng apat na taon na pagkakahiwalay nila ay nakalimang nobya ito. Bukod pa sa iba’t ibang flings.
“I know.” Bumuntong-hininga ang kanyang ama. “We couldn’t turn back the time, could we? And if we could, we all know that your daughter wouldn’t participate. She changed a lot because of that damn rockstar!”
“I’m sorry! I’m really sorry. I know I’ve failed you both...but please do understand. I just fought my feelings for Minjoon.” nagpatuloy sa pag-iyak si Jonabel. “It was hard for me too. I’m so full of regrets right now. And I agree...if we could just turn back the time...”
Nagkatinginan ang kanyang mga magulang pagkatapos niyang sabihin iyon. Punong-puno siya ng pagsisisi pero wala na rin naman siyang magagawa, `di ba? Pinili niya ang nararamdaman niya kay Minjoon. Nagtiwala siya rito na mamahalin siya nito at hindi sasaktan bilang nobya nito. Sa kabila ng pag-ayaw rito ng kanyang mga magulang at gulo na dadalhin ng pag-ibig niya rito sa kanyang buhay, niyakap niya iyon. Pero nabalewala lang rin ang lahat ng sakripisyo niya.
Kung ipinagpatuloy lang sana niya ang relasyon niya kay Vincent noon, hindi siguro siya magkakaganito. Vincent was the nicest guy in the world. Bata pa lang siya ay ramdam na ramdam na niya iyon. Kilalang-kilala na niya ito. Napakaganda rin ng reputasyon nito kung ipagkukumpara kay Minjoon na madalas na sabihan ng kanyang ama na madungis sa klase ng trabaho at pananamit nito. Nagbulag-bulagan siya sa lahat. Ngayon ay nagdurusa siya.
Isinubsob ni Jonabel ang ulo sa kanyang malaking unan. Ibinuhos niya muli roon ang lahat ng sakit at pagsisi na nararamdaman niya na hindi niya alam kung hanggang kailan siya pahihirapan.
NAPATAAS ang isang kilay ni Vincent nang mabasa mula sa cell phone niya ang isang mainit na balita sa South Korea. Kasalukuyan siyang nagba-browse sa internet ng balita tungkol sa bansa kung saan siya nakabase. Kahit nitong mga nakaraan ay madalas na hindi siya umuuwi roon, gusto niyang manatiling updated sa mga balita. Lalo na ngayong mga panahon na ito.
Ganoon kadali? How dare this guy? Nasambit ni Vincent sa kanyang isip. Ayon sa bali-balita ay may karelasyon na raw na bago ngayon si Minjoon---isang sikat na rockstar na kamakailan lang ay unti-unti ng bumabagsak. Ito rin ang pinakakinaiinisan niyang lalaki sa mundo. Ang lalaking nang-agaw kay Jonabel.
Dalawang linggo ang nakakaraan nang ibalita sa kanya ng mga magulang ang nangyari sa kanyang dating fiancée. Naghiwalay na raw ito at ang lalaking ipinalit nito sa kanya. Naalala pa niya ang ilang sandali siyang natigilan nang marinig ang balita na iyon. Masakit para sa kanya ang paghihiwalay ni Jonabel lalo na at kahit ipinagkasundo lang naman sila ay minahal niya ito. Pero tila nasaktan rin siya sa kaalamanan na nasaktan ito. Lalo na ngayon sa balita na madali lang itong napalitan ng dati nitong nobyo.
Kung hindi sana siya ang pinili mo, Bel. Hindi ka siguro masasaktan... naiisip-isip ni Vincent. Dapat ay magdiwang siya dahil ngayon ay nakita nito ang consequences ng pagpalit nito sa kanya. Pero hindi ugali ni Vincent na magsaya sa mga misfortune ng iba. Napailing-iling na lang siya sa nalaman. He felt sorry for his former fiancée. Pilit na pumapasok sa kanyang isip ang maaaring kondisyon nito at lalo pa siyang nahahabag. Alam niya kung gaano kamahal ni Jonabel si Minjoon. Hindi nito yayakapin ang lahat ng gulo na kinaharap nito kung basta-basta lang ang nararamdaman nito para sa lalaki.
Ayon sa balita ay magkarelasyon na ngayon si Minjoon at isang sikat na artista sa South Korea. May larawan rin ang dalawa na tila kay saya-saya na para bang hindi galing ang lintik na lalaki sa isang mahabang relasyon. Engaged pa man rin ang mga ito pero ngayon ay napakabilis lang nito na pinalitan ang kanyang dating nobya.
Nakaramdam ng inis si Vincent. Pero gusto rin niya na mainis sa sarili. Hindi na dapat siya nakakaramdam ng ganoon. Matagal ng walang halaga para sa kanya si Jonabel. Nalimot na niya ito. Hindi na dapat siya nag-aalala para rito. Naging masakit para sa kanya ang paghihiwalay nila kaya naman dapat ay wala na siyang pakialam. Pero apektadong-apektado pa rin siya. Isama na roon ang ilang beses niyang pagtingin sa balita sa isang araw para malaman ang lagay ng celebrity na dating nobyo nito at pati na rin ang pag-aabang niya sa update ng magulang sa kung ano ang kalagayan nito.
Dahil sa naisip ay itinigil na ni Vincent ang pagba-browse. Ayaw na niyang magkaroon pa ng kahit anong nararamdaman kay Jonabel. Tapos na sila. Hindi na dapat siya nagpapaapekto pa sa kung anong nangyayari man rito---kung masaya man iyon o hindi. Wala na dapat siyang pakialam. Dahil naiinis rin siya sa nalaman ay kailangan niyang tanggalin iyon. Magiging panira lang iyon ng mood niya. Kailangan niyang magsaya. Birthday ngayon ng anak ng isa sa matalik na kaibigan niyang si Nikos na si Nicollo.
Napaaga si Vincent sa party. Wala pa ang kahit sino sa mga kaibigan niya at kahit si Nikos ay abala rin sa pag-aayos ng pamilya nito. Inaliw na lang ni Vincent ang sarili sa panonood ng mga bisita na nadating. Nasa ganoon siyang katayuan nang tumunog naman ang cell phone niya. It was his mom.
“I want you back to Korea as soon as possible, Vincent.” Bungad sa kanya ng ina.
Kumunot ang noo ni Vincent. Bigla rin siyang kinabahan. “Is there any problem, Eomeoni? Is it about you? Or Dad...? Surely, its not the business. I have updates everyday and---“
“Its not about the business nor ours. I-its about Jonabel....”
Kumabog ang dibdib ni Vincent. Nainis rin siya sa sarili. Naapektuhan na naman siya! Nag-aalala siya sa babae. Kahit pag-alalang kaibigan lang iyon, hindi pa rin tama iyon. “W-what about her? Something wrong happened to her?”
“Aside from being in a miserable state for weeks now, nothing happened.”
Alam na niya iyon. Ilang beses na naikuwento ng kanyang ina ang tungkol sa kalagayan ng babae kaya alam niyang lalo na ngayong lumabas ang balita na may bagong karelasyon si Minjoon ay paniguradong lalong magiging malala ang lagay nito.
“If that’s the case, why are you calling?”
“We need to set your wedding. Again.” nagsalita pa ang kanyang ina pero halos ayaw ng pumasok sa utak ni Vincent ng mga sinabi nito dahil sa gulat.