International Billionaires 5 - 6 Chapter 4

NAGTAGIS ang mga bagang ni Vincent sa larawan na ipinadala sa kanya ng mga magulang. Ilang linggo na itong nangungulit sa kanya at dapat ay masanay at hindi na rin siya maapektuhan sa gustong palabasin ng mga iyon. Pero dahil sa simpleng pagtingin lang niya sa mga larawan ay nagdadala na sa kanya ng maraming memorya ay naiinis siya.

Ipinadala ng kanyang ina ang larawan nilang dalawa ni Jonabel noong eighteenth birthday nito. Isang magarbong party ang inihanda para ipagdiwang iyon. Dahil na rin sa sitwasyon nila noon, siya ang escort at last dance ng babae. Makikita sa larawan kung gaano siya kasaya sa larawan at ang paghanga sa mga mata habang isinasayaw niya si Jonabel. Napakaganda rin nito roon. Naalala niya pa na minsan niyang binanggit na “it was one of the best nights ever”. Jonabel was so lovely that night it was so hard to take his eyes off her.

At ganoon rin ang nararamdaman ni Vincent ngayon. Lumakas rin ang tibok ng puso niya at kahit gusto niyang burahin na agad ang message ay hindi niya mapigilan na hindi pa rin mapatitig kahit saglit. Sa kabila ng inis, nagustuhan niya ang damdamin. Kung bakit ba naman kailangan siyang i-torture ng mga magulang niya para lang mapapayag siya sa gusto ng mga ito.

“Problem?” tanong ni Cedric na kasalukuyan niyang katabi. Kagagaling lang nila ng Medoires Island---ang isla sa Portugal kung saan namumuno ang pamilya ng kaibigan nila na si Ed. Dahil dinamayan nila ang kaibigan ngayon sa trahedya na pinagdaraanan nito ngayong namatay ang asawa ng pinsan nito at malala naman ang lagay ng pinsan nitong hari ay pumunta silang magkakaibigan ngayon. Pabalik na sila ngayon patungo sa Pilipinas at nakisabay sa private jet niya ang kaibigan niyang si Cedric.

Itinago niya ang cell phone. Ilang beses na siyang tinatanong ng mga kaibigan niya kung ano ang problema na pinagdaraanan niya pero sa tuwina ay hindi niya masabi-sabi. Sa kanilang anim, siya ang madalas na nagpapayo. Ayaw niyang isama pa ang mga ito sa problema niya na sa kasamaang palad ay nahihirapan siyang itago. “It’s nothing,”

Tumaas ang isang kilay ni Cedric. “Ramdam ko na may itinatago ka, Vincent. Ilang beses na naming napapansin na tahimik ka at nagiging mainitin ang ulo mo. Hindi ka dating ganyan. Ang hula namin ay problema mo raw iyon sa magulang mo dahil narinig ni Jet na---“

“Hindi lang ito basta-basta na problema sa magulang, Cedric. It was more than that,”

Kumunot ang noo ni Cedric. “Ano ang ibig mo na sabihin? Alam naman natin na ikaw ang may pinakamabait na foster parents. Kahit hindi ka pa nila opisyal na inaampon ay pinapadalhan ng kung ano-ano. Ano ang tungkol sa kanila? Are they sick?”

Mataman na tinignan niya si Cedric. Sa kanilang magkakaibigan, ito ang madalas na tahimik lang. Hindi ito tsismoso o nag-uungkat nang kahit ano tungkol sa personal nilang buhay. May pagkamatigas rin ang loob nito. Kung magsasabi man siya ng kanyang nararamdaman kay Cedric, naisip niyang baka hindi rin ito makatulong. May pagka-negative kasi ito. Pero matagal-tagal na rin naman niya na kinikimkim ang nasa loob niya. He needed an outlet.

“Siguro nga ay may sakit sila. They arranged me to be married again to that girl!” sa naisip muli ay nagngitngit ang ngipin ni Vincent.

Tumaas ang isang kilay ni Cedric. “Doon sa former fiancée mo na pinagpalit ka sa isang Korean rockstar?”

Tumango siya. Ikinuwento niya rito ang mga detalye tungkol sa mga alam niyang detalye sa paghihiwalay ni Jonabel at ng dating nobyo nito. “Gusto nila na balikan ko ang babae na `yun ngayong iniwan na siya ng nobyo niya na ipinagpalit sa akin. Jonabel was miserable. Lalo na ngayong pumutok ang balita na may bago ng karelasyon ang dating nobyo nito. Sa kabila ng mga nangyari, magkaibigan pa rin ang mga magulang naming. Gusto pa rin nila si Jonabel para sa akin. So they wanted us to be together again. Gusto rin nila na hindi magmukhang kawawa ang prinsesa sa sitwasyon ngayong napakabilis itong naipagpalit ng dating nobyo nito!”

Naalala pa ni Vincent ang tungkol sa pag-uusap nila ng ina noong birthday ng anak ni Nikos. Hindi niya napigilan na mapasigaw noon dahil na rin sa galit na narinig. Gusto ng mga magulang niya na sumambot siya ng basura ng iba! Dati man na may pag-ibig siya sa dating fiancée ay hindi siya magpapakababa ng ganoon. It was a very foolish and stupid thing to do.

“Despite of what happened, we adored Jonabel. We don’t want her getting hurt like this. You need to get back together again. Her family and I have talked about it. Your father also knew about it. In order for her to save in the shame his ex-fiance did to her, we need to stick with the original plan. You should get back together again. We are going to set the wedding as soon as possible!” pagpapatuloy ng kanila sa usapan sa kabila ng matinding pagtanggi niya.

“Ani-yo! How can you do this to me? You want me to pick a trash? After she dumped me years ago, this is so unfair!”

“You love her then, Vincent. And we still adore and love her until now. It is still our dream to have her as our daughter. We still love her. We still want both of our families as one. And besides, it is still unfair that you can manage their company even without having the connection we both agree from the start.”

“But that’s the payment they gave me after the shame that girl put me through!”

“Yet, we still need to help them. It is our only way, the only way we can think. Besides, you haven’t had a stable relationship after her. We both agree on what Jonabel parents ask us. If you disagree with it, our honor would be the one to put in shame. So do this for us. Do this for our family. Please.”

Minsan lang makiusap nang ganoon sa kanya ang mga magulang kaya naman nakokonsensya rin si Vincent sa bawat pagtanggi niya sa mga ito. Ngunit alam niya na isang malaking pagkakamali iyon. Minsan man niya na minahal si Jonabel at kahit sabi nila ay maaari na ibalik ang pag-ibig, ayaw niyang tanggapin iyon. Ramdam niya na malaki ang pag-asa dahil naapektuhan pa rin siya nito pero ayaw niyang isipin. Naging napakasakit para sa kanya ang ginawa nito. Kahit maayos man na hiningi nito ang kalayaan nito sa kanya, hindi naging madali para sa kanya ang lahat.

Tumango-tango si Cedric. “P-pero gusto mo pa rin ba siya hanggang ngayon?”

Napakunot ang noo ni Vincent. Hindi iyon ang inaasahan na reaksyon niya mula sa kaibigan. “Ano ang gusto mong ipahiwatig?”

Nagkibit-balikat ito. “Naisip ko lang na kung may nararamdaman ka pa rin naman sa kanya, bakit hindi ka na lang pumayag? You know, nakita ko ang malaking ipinagbago mo nang malaman namin na nagkahiwalay kayo nang unang pag-ibig mo. Nasaktan ka nang husto kaya kung sino-sino ang naging girlfriend mo na para bang sa pamamagitan noon, mawawala ang lahat ng sakit. At kung dating naging kayo, maaaring bumalik rin naman ang nararamdaman niya sa iyo.”

“Gusto niya lang ako. Hindi niya ako mahal. Ipinagkasundo kami sa una pa lamang. Pero minahal ko siya kaya hindi ko inisip ang sitwasyon namin.” Naikukuwento niya sa mga kaibigan ang tungkol kay Jonabel pero hindi ang totoong sitwasyon nila. Naiisip kasi niya na parang wala rin naman kapupuntahan kung malaman na ipinagkasundo lang sila. Ang mahalaga ay ang malaman ng mga ito ang tungkol sa kanila, hindi ang kung paano sila nagkasundo.

“Well, that’s new. And hurts, I could say.”

Mataman na tinignan ni Vincent si Cedric. Pagkatapos ay napataas ang isang kilay. “Pero teka, ikaw ba talaga si Cedric? Hindi kasi ganyan ang kaibigan ko. Hindi iyon madalas na nagsasalita. Saka negative iyon. Bakit naisip niya na maging positibo ngayon?”

Ngumisi si Cedric. Kapagkuwan ay nagkibit-balikat. “Just that.”

“May kinalaman ba ito tungkol doon sa babaeng---“

Tumawa si Cedric. “Shut up!”

May kinalaman nga siguro. Naisip-isip ni Vincent. Hindi madalas na tumawa rin ang kaibigan pero nitong nakaraan kung saan may nalaman silang babae na hinahabol nito ay tila nag-iba ito. Patunay na rin ngayon na tila nagiging positibo ito sa mga bagay-bagay.

“That girl, do you really like her?”

“I won’t stick with her if I’m not, Vincent. Despite of the scandals she did to me, I can’t help but like her. Hindi ko rin siya maalis-alis sa utak ko. Nasasabik na nga akong bumalik sa Pilipinas dahil sa kanya....”

Mukhang napapabuti nga sa kaibigan niya ang babae na iyon. Minsan na nakilala na rin naman niya ang babaeng iyon lalo na at gumawa ng matinding eskandalo ang babae sa buhay ng kaibigan. Sa kanilang anim, si Cedric ang pinakamailap. Dahil naging sikat silang magkakaibigan, madalas ay napi-feature sila sa mga magazines. They do photoshoots because of that. Pero hindi si Cedric. Walang kahit anong larawan nito ang na-publish. Kahit sikat na pintor ito, hindi rin ito nagpapakita sa mga customers nito. Mayroon itong personal assistant. He valued his privacy so much. Ngunit ang babae na kinagigiliwan ngayon ng kaibigan ang dahilan para mabuwag iyon. Nagpakilala kasi ito sa madla bilang girlfriend ng kaibigan para maiangat nito ang sarili nitong pangalan.

Isang palaisipan man kay Vincent ang dahilan kung bakit nagustuhan pa rin ng kaibigan ang babae sa kabila ng paninira nito sa pinakaiingatan nito ay hindi na lang siya nagtanong. Ang mahalaga ay masaya ang kaibigan. Isama pa na may sarili siyang problema. Iyon ang dapat mas pagtuunan niya ng pansin.

“I won’t stick with her if I’m not, Vincent. Despite of the scandals she did to me, I can’t help but like her.”

Paulit-ulit na tumakbo sa utak ni Vincent ang mga salitang binitawan ng kanyang kaibigan. Ganoon ba talaga kapowerful ang puso? Sa kabila ng masamang ginawa ng babae ay gusto pa rin ito ng kanyang kaibigan. Pero sa mga naisip ay biglang may napagtanto rin si Vincent.

Sa kabila ng pakikipaghiwalay sa kanya ni Jonabel, iyon at nag-aalala pa rin siya rito. Nag-iiba pa rin ang tibok ng puso niya at tila gusto niya pa rin itong makita kahit iyon ang pilit niyang iniiwasan...

Unti-unti rin na bumalik sa aalala niya ang pangyayari noon kay Nikos. Nakagawa rin ng masamang bagay si Irene dito roon pero ano ang sinabi niya rito? Na mag-let go na sa nakaraan. Iyon ang dahilan kung bakit masaya na ang mga ito ngayon at ang asawa. Nagkaroon ng pangalawang pagkakataon para sa mga ito na maayos ang pagsasama.

Kung ganoon rin kaya ang gawin mo? Tutal ay tila hindi ka pa rin makawala sa sumpa ng babaeng ito? Bulong ng isang bahagi ng utak ni Vincent.

Napapikit si Vincent. Hindi pala talaga ganoon kadali iyon. Pero kung naapektuhan siya ngayon, ramdam niya na sandali na lang rin at bibigay na rin siya. Isama pa na patuloy siyang pinakikiusapan ng kanyang mga magulang. Magagawa ba niyang biguin ang mga ito? Naging malaki ang utang na loob niya sa mga ito. Minsan lang siya pakiusapan ng mga ito ng ganoon.

Magiging mahirap ba talaga na balikan niya si Jonabel gayong ramdam niya na may nararamdaman pa rin siya rito sa kabila ng pagtanggi niya rito?

Pero may nararamdaman rin ba siya sa akin? Kastigo ulit ng utak niya.

Kung wala, alam niyang matatalo na naman siya. Galit siya sa pagkatalo lalo na kung tungkol iyon kay Jonabel. Sa kasamaang palad pa naman ay doon niya palaging nararamdaman iyon. Lubos na masasaktan siya sa ikalawang pagkakataon kung sasaktan na naman siya nito. Hindi naman siya nito mahal kaya hindi malabo na mangyari iyon.

Napapikit si Vincent. He could agree...if she would agree. If she would be the one who would indulge on the begging. Ibig sabihin lang naman kasi noon ay determinado ito at gusto rin nito ang sinira nitong pagsasamahan nila, naisip-isip niya.

Habang naiisip-isip iyon ay as if on cue naman na tumunog ang cell phone niya. Nang tignan niya iyon ay rumehistro ang kahit matagal na niyang binura na numero ay saulo pa rin niya kung kanino.

“Please come back. – Jonabel.”

MASAYA ang aura ng bahay nina Jonabel nang maggising siya. Sa kabila ng pinagdadaanan niya ay naggawa na rin niya na ngumiti dahil masarap sa pakiramdam na makakita ng mga taong masaya. Medyo na-miss rin niya na makita na ganoon ang mga kasambahay nila dahil nitong nakaraan ay napansin niyang nakikidalamhati rin yata ito sa nangyari sa kanya. Lalo na nang pumutok ang balita na naipagpalit agad siya ni Minjoon sa iba.

Naging isang malaking pasabog kay Jonabel sa ginawa ni Minjoon. Oo at nasaktan siya sa ginawa nitong pakikipagkalas na lang basta sa kanya pero kahit ganoon ay hindi niya naisip na darating sa ganoong punto si Minjoon. Hindi naman third party ang dahilan kung bakit ito nakipagkalas sa kanya pero iyon ang lumabas sa publiko na kahit unti-unti na itong nawawala sa mundo ng showbiz ay nalaman pa rin ng mga tao dahil na rin sa bago nitong kinarelasyon. Nasaktan lalo si Jonabel. She felt so much betrayed.

Pati ang mga magulang ni Jonabel ay nasaktan dahil sa nangyari. Hindi raw papayag ang mga ito na tratuhin siya ng ganoon. Nang dahil roon ay nakaisip ang mga ito ng plano. They needed to get back. So they have thought of Vincent...

Sinubukan ng pamilya niya na ibalik ang nakaraan dahil ang akala ng mga ito ay papayag siya kung sakali. Kinausap ng mga ito ang magulang ni Vincent na sa kabila ng kahihiyan na ginawa niya sa mga ito ay tanggap at mahal pa rin siya. Kahit ang mga ito ay hindi pumayag na basta-basta na lang siya maagrabyado kaya naman pumayag rin ang mga ito na balikan ang nakaraan. They had them arranged to be married to Vincent again.

Alam ni Jonabel na magiging unfair iyon kay Vincent. Hindi rin naman siya agad pumayag. Pero dahil naalala niyang bukod sa sakit na nararamdaman sa pakikipaghiwalay ni Minjoon sa kanya ay nasasaktan rin siya dahil nagsisisi siya sa ginawa niya kay Vincent kapalit na lang ng relasyon sa iba. Ibig sabihin ay naapektuhan rin siya rito dahil naalala niya ito kahit na ba kay Minjoon lang naman talaga dapat naka-focus ang nararamdaman niya. Isa pa, masyado rin siyang nasaktan sa ginawa ni Minjoon. Gusto rin niyang makaganti.

Kahit alam niyang mali.

Siguro ay marami ang magsasabi na ang kapal ng mukha niya para pumayag na gawin na lamang iyon kay Vincent pagkatapos ng lahat. But she feel so broken, she felt her sanity took out of her. She feels so helpless, too. Ayaw rin naman niya na maramdaman iyon. Ayaw rin niyang maging unfair kay Vincent pero wala na rin siyang maisip na paraan. It was the perfect revenge. Kung siya man ang magdudusa sa huli, ayos lang. Alam niyang deserve naman niya iyon sa lahat ng ginawa niya rito. At ang pakikipagbalikan rin kay Vincent ay ang magiging daan niya para maitama ang lahat. Ang lahat naman talaga na dapat noong una pa lang ay iaayos niya. Gagawin rin naman niya iyon hindi lang para sa sarili niyang kapakanan lang. It is also because of her family wanted to be. At kagaya rin ng pamilya ni Vincent.

Hindi lang para iligtas siya sa kahihiyan ang gagawin niya. Iyon rin ay para sa pamilya niya. Ang ayusin ang nasira niyang itinakda. Isama pa na mayroon rin siyang nararamdamang mas higit pa sa mga dahilan na iyon. Mga nararamdaman niyang alam niyang komplikado kaya nahihirapan siyang aminin maski sa sarili niya. Pero mangyayari lang iyon kung papayag si Vincent.

“Annyeong Haseyo! A stem of rose delivered to you, Ma’am!” masiglang bati ng kasambahay nila na habang naglilinis ay napatigil nang makita siya. Kinuha nito ang tangkay ng rose sa ibabaw ng center table at ibinigay sa kanya.

“Who gave---oh!” nanlaki ang mga mata ni Jonabel nang mabasa ang note na nakasulat sa tangkay ng rose.

It was from Vincent.

“I’ll pick you up later,” iyon ang nakalagay na note ay naka-signature roon ang pangalan nito. Bukod pa roon ay gamit-gamit rin nito ang card na madalas gamitin nito kapag nagpapadala ng bulaklak---isang card na may printed butterfly illustration. Iyon ang madalas na gamitin ni Vincent kapag nagpapadala sa kanya ng bulaklak o kahit ano pa na lalagyan nito ng dedication dahil mahilig siya sa butterfly.

Does it mean?

Malakas na kumabog ang puso ni Jonabel. Kamakailan lang nang aminin sa kanya ng mga magulang ang plano ng mga ito pero inamin sa kanya ng mga ito na matagal na nitong sinusuyo si Vincent na balikan siya. Pagkatapos kasi niya ay wala ng naging matino na relasyon ang lalaki kaya naisip ng mga ito na maaari rin na may pag-asa pa. Isama pa na minsan rin siyang minahal nito. Masama dahil tila abusado pero gusto rin umasa ni Jonabel na maaari nga na may pag-asa pa. Ipinapangako rin naman niya na kapag binigyan siya nito ay hindi na niya sisirain iyon. Gagawin na niya ang tama. Aayusin na niya ang lahat. Pero dahil kamakailan lang niya nalaman ang plano at pumayag roon, iisang hakbang pa lamang ang nagagawa niya at iyon ay ang padalhan si Vincent ng mensahe.

Hindi niya akalain na kakagatin agad ng lalaki iyon. Ganoon ba talaga siya kalakas kay Vincent? Hindi malabo. Alam at ramdam niya kung gaano siya nito kamahal noon. Somehow, she felt guilty. Pero pinalis rin niya agad iyon. Kaya nga niya babalikan ito. Gagawa siya ng tama rito. Itatama niya ang lahat ng pagkakamali niya. Ibabalik niya ang lahat ng mga ginagawa nito sa kanya noon.

Tumingin muli si Jonabel sa rose. Naalala niya na iyon ang madalas na ipadala sa kanyang bulaklak ni Vincent. Pero hindi isang tangkay lang kagaya ngayon. Dati ay isang malaking bouquet na linggo-linggo yata ay nagpapa-deliver ito para sa kanya. Galante si Vincent sa kanya, lalo na nang simulan na nitong hawakan ang negosyo ng magulang at itayo ang Group of Companies na pagmamay-ari nito at ng mga kaibigan. Halos lahat ng gusto niya ay binibili nito.

Napansin niya sa padala nito ngayon, may malaki ng nagbago. Somehow ay nalungkot si Jonabel. If she just didn’t took Vincent for granted....

BUONG akala ni Jonabel ay hindi makakarating si Vincent sa graduation day niya sa kolehiyo. Ayon rito ay may business meeting raw ito na hindi maaaring kanselahin. But as the ceremony ends and she went to her parents, kasama ng mga ito si Vincent. Tila kadarating lang nito dahil hinihingal pa pero nandoon ito.

“You came...” hindi maiwasan ni Jonabel na pansinin si Vincent. Napaka-pormal ng suot nito dahil naka-suit pa ito. Pero siguro ay dahil na rin sa meeting nito. Sa kabila ng pagod na nakikita niya sa mukha nito, nanatili pa rin naman na kaaya-ayang tignan. Mas lalo pa nga itong naging guwapo nang ngumiti at nagliwanag ang mga mata nito nang makita siya.

Kahit sa Korea nakabase ay hindi mukhang Koreano si Vincent dahil na rin sa nakaraan nito. Pero masasabi niyang mas malaki ang iginandang lalaki nito kaysa sa mga kalahi niya. He had the typical yet special Filipino features. May pagkakayumanggi ang kulay nito pero may pagkamatangkad naman kaysa sa pangkaraniwan na Pilipino. Malaki rin ang mata ni Vincent, hindi masyadong katangusan na ilong at maganda na labi. But what made him distinct with the others is that his smile. Maganda ang ngiti ni Vincent. Iyon ba na tipo na mapapangiti ka rin kapag nakita mong nakita mo ito. Isama pa na mararamdaman mo rin na safe ka kapag kasama mo ito.

Niyakap siya ni Vincent. “I did. Tinapos ko talaga ng maaga ang meeting para lang makaabot ako kahit papaano. I couldn’t miss your graduation...” hinalikan siya nito sa noo na hilig nitong gawin sa kanya pagkatapos ay ibinigay sa kanya ang malaking pumpon ng rosas na hilig nitong ibigay sa kanya palagi.

“Thank you,” pagkatapos noon ay niyaya siya at ng pamilya niya ni Vincent na kumain sa labas para i-celebrate ang pagtatapos niya ng kolehiyo.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na agad ang mga magulang niya sa kanila. Binigyan sila ng mga ito ng oras para sa isa’t isa. Niyaya siya ni Vincent sa Seoul Tower. Umakyat sila papunta sa Locks of Love. Binisita nila ang inilagay nilang lock roon na kahit natatabunan na ay madali pa rin naman nilang nahanap.

“Hangga’t nanatili ang lock na `yan dito ay mananatili rin ang pagmamahal ko sa `yo...” wika ni Vincent habang tinitignan ang lock.

Sa halip na sumagot ay tinignan ni Jonabel ang mukha nito. Nakita niya na puno ng sinseridad ang mukha nito roon. Gusto niya ang pakiramdam na malaman na malaki ang pagpapahalaga sa kanya ni Vincent. Gusto niya ang kaalamanan na mahal siya nito. Masaya rin naman siya na malaman ang mga iyon pero sa kasamaang palad, tila nahihirapan naman siya na ipakita at magsabi ng mga ganoong salita sa lalaki.

Sa kabila ng matagal ng relasyon nila ay hindi niya pa rin tuwiran na nasasabi kay Vincent na mahal rin niya ito. Oo, masaya siya na kasama ito pero nararamdaman niya na madalas ay naiilang pa rin siya rito. Iyon ba ay dahil sa hindi siya ganoon kasanay sa presensiya ng isang lalaki? Kahit naman kasi sa ama niya ay ganoon rin siya. Dahil sa hindi naman rin siya pinipilit ni Vincent at masaya rin naman ito na makasama na lang siya sa kabila ng mga hindi niya nasasabi ay hindi na lang rin niya pinilit sabihin at aminin sa sarili niya ang nararamdaman. Ang mahalaga naman ay alam niya na tama ang ginagawa niya. Gusto ng mga magulang niya si Vincent at ganoon rin naman ang mga magulang nito sa kanya. Makabubuti si Vincent para sa kanya.

Nang mapansin ni Vincent na tinitigan lang niya ito ay tumingin rin ito sa kanya. Hinawakan nito ang mukha niya. “You’re a graduate now, Bel...”

Hindi naman miminsan na nagkalapit ang mukha nila ni Vincent. Dahil hilig nito na halikan ang noo niya ay madalas na nagkakalapit ang mga iyon. Palagi niyang pinapakiramdaman ang damdamin ng halik nitong iyon sa kanya. It seems just comforting.

Hindi kagaya ng halik na dapat daw ay nararamdaman niya sa nobyo niya, ayon sa mga kaibigan niya. Dapat daw ay hindi lang napapakalma siya ng halik. Dapat daw ay may something na espesyal roon. Kagaya ng paglakas ng tibok ng kanyang puso na sa kasamaang palad, hindi niya nararamdaman sa mga halik na ibinibigay sa kanya ni Vincent.

“And with that, I want to kiss you properly now...” wika nito saka ibinaba ang labi sa mga labi niya.

Nagulat si Jonabel sa ginawa nito. Hilig siyang halikan ni Vincent pero palaging sa noo lang iyon. Ngayon lang siya nito hinalikan sa mga labi. Iniisip niya noon na kaya palaging ganoon ay dahil nirerespeto siya nito at dahil na rin sa bata pa siya. Mukhang tama naman ang dahilan niya. Mukhang naghintay ng tamang oras ang nobyo niya para gawin ang tama. Naramdaman ni Jonabel na bahagyang nag-iba ang tibok ng puso niya. Gusto niyang isipin na epekto iyon ng halik ni Vincent. Pero dahil nagulat siya sa ginawa nito, maaari rin niya na ikategorya iyon roon. Bahagyang natakot rin siya dahil iyon ang unang beses.

“You have sweet lips, Bel.” Nakangiting wika ni Vincent pagkatapos.

Naramdaman niya na namula siya. “T-thank you.”

Ngumiti ito. “So polite.”

Niyakap siya nito pagkatapos at bumulong sa kanyang tainga. It should be an intimate position but it did just fine with Jonabel. Just fine, not special. “Congratulations. I’m so proud of you. I love you so much, Bel...”

Ngumiti lang si Jonabel bilang ganti. She wondered when will be the time she could tell sincerely those words too.

UNANG araw ng trabaho ni Jonabel. Kahit nakapasa siya sa board exam ng Dentistry at ganap na dentist na ay hindi niya maiwasan na kabahan. Ito na ang realidad. Nagkaroon rin naman siya ng training pero iba na ngayon. Solo na niya ang responsibilidad. Ilang beses niyang sinabi sa mga magulang ang nararamdaman at ilang beses rin naman siya nitong pinaliwanagan na makakaya niya iyon. Ilang words of wisdom rin ang pinabaon sa kanya ng mga magulang niya para huwag siyang kabahan.

Lalo pang lumala ang kaba ni Jonabel nang break na ay wala pa rin siyang trabaho. Ang unang dalawang customer kasi ng clinic ay ni-request ang dating dentist sa clinic dahil sanay roon. Nang makatapos ang break ay dumating ang unang prospective customer ni Jonabel....na nagkataon naman na si Vincent.

“Ano ang ginagawa mo rito?” hindi alam ng nobyo ang nararamdaman niyang kaba dahil ayaw niya na mag-alala ito. Ang alam niya ay may importanteng meeting rin ito ngayon at natatakot siyang baka kapag sinabi niya rito ang nararamdaman niya ay mag-alala pa ito.

“Dinadalaw ka. Hindi natuloy ang meeting kaya tumakas muna ako sa opisina. Gusto ko lang malaman kung anong lagay mo. So how’s it? Naka-isang customer ka na ba? Ano?” excited na excited pa ito.

“W-wala pa.” Ibinaba ni Jonabel ang ulo. Alam niya na hindi naman dapat siya mahiya pero sa nanabik na si Vincent ay tila nahihiya siya. Kinakabahan siya samantalang ito naman ay sabik na sabik.

“What? Bakit? Sabagay maaga pa naman. Pero bakit parang malungkot ka?” hinawakan ni Vincent ang baba niya pagkatapos ay hinawakan ang kamay. “You’re trembling, too. May problema ba?”

“Wala pa naman talagang customers na puwede sa akin at kinakabahan ako, Vincent.” Sa wakas ay naamin na rin niya sa nobyo.

Hinaplos ni Vincent ang pisngi niya. “Kung ganoon, ako ang gawin mo na una mo na pasyente.”

Ngumiwi si Jonabel. “You have a perfect teeth. Hindi mo na kailangang magpa-dentist.”

“Still... I want your opinion. Don’t worry, babayaran ko naman ang fee mo at---“

“Vincent! Hindi iyon ang punto.”

“Ayaw ko ng nagkakaganito ka, Bel. Kung natatakot ka dahil baka pag-eksperimentuhan mo ang una mo na pasyente at natatakot kang makagawa ng masama dahil sa kaba, kung ganoon ay ako ang gawin mo. Hindi ako magagalit kung may mali ka man na naggawa sa akin o ano.”

“Naiintindihan kita. Pero wala nga akong magagawa sa `yo dahil wala ka namang kailangan.”

“Mayroon kang magagawa sa akin. Kailangan ko ng pustiso.” Tila seryosong-seryoso pa na sabi nito. “Ikaw ang pustiso ko. Hindi ko kasi kayang ngumiti kapag wala ka.”

Hindi niya naiwasan na mapangiti dahil sa banat ng nobyo. “Corny!”

“Pero ngumiti ka. Siguradong nagustuhan mo rin iyon dahil naapektuhan ka,” ngumiti na rin si Vincent. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Don’t worry, okay? Hindi ka makaka-graduate, makakapasa sa board exam kung hindi ka magaling. Always believe in yourself. O kung hindi mo maggawa, then believe in us that are believing in you.”

Sa mga sinabi ni Vincent ay gumaan ang pakiramdam niya. Kahit hindi niya madalas na mai-express ang sarili niya o ang mga reaksyon niya sa ginagawa ni Vincent, madalas na ginagawa ni Vincent iyon sa kanya. Masaya at magaan ang pakiramdam niya kapag kasama ito. Hindi man niya masabing nararamdaman nga niya ang nararamdaman ng normal na babae sa nobyo nito sa piling ni Vincent, hindi siya dapat magreklamo. Masuwerte siya na kay Vincent siya pinagkasundo. Mahal siya nito at tila ba parang lagi itong nasa tabi niya. Makabubuti ito para sa kanya kahit na ba tila itong nararamdaman niya para rito... tila pakiramdam lang ng isang kaibigan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.