International Billionaires 5 - 6 Chapter 8

MAAGANG gumising si Jonabel kinabukasan. Sa kabila nang pagkawala niya ng malay kahapon sa elevator ay mabilis rin naman siyang na-discharge sa ospital. Naging maayos rin ang pakiramdam niya nang maggawa niyang makapagpahinga at kumain. Nakauwi at nakapagpahinga rin siya nang mas maayos sa unit ni Vincent pagkatapos.

Napagpasyahan ni Jonabel na ipagluto si Vincent ng almusal. Maayos na ang pakiramdam niya kaya naging madali lang naman iyon sa kanya. Saktong paggising ni Vincent, tapos na ang preparasyon niya sa almusal. Inaasahan niya na matutuwa ito sa ginawa niya pero nakita agad niya ang galit sa mukha nito nang makita siya.

“Good morning!” bati pa rin niya sa masamang timplada ng mukha nito.

“Hindi mo dapat ginawa ito, Jonabel! Kakagaling mo lang ng ospital kahapon!”

Napakagat labi siya. “Pero maayos na naman ako ngayon.”

“Still...hindi ko nagustuhan ang ginawa mong ito!” nilapitan siya ni Vincent. Sinalat-salat nito ang leeg niya saka hinawakan ang kanyang pisngi. “Bumalik ka na sa kama,”

Umiling si Jonabel. “Gusto kong pagsilbihan---“

“You can serve me when I know you are really all right!”

“Maayos na ako. Naka-recover na ako sa nangyari kahapon. Pero tama ka nga siguro. Hindi pa ako maayos. Hindi nga ako magiging lubos na maayos kung ganyan na sinisigawan mo ako...”

Vincent was caught off guard. Bahagya rin na namutla. “W-well, I---“ bumuntong-hininga ito. “I’m sorry,”

Ngumiti si Jonabel. “It’s okay. Just don’t be grumpy now, okay? Kumain ka na. Gusto kong makitang kinakain mo ang niluluto ko. Gusto ko na pagsilbihan ka.”

“Na-agrabyado na kita kahapon---“

“Wala iyon. Ginusto ko iyon, okay? `Wag kang ma-guilty.”

Bumuntong-hininga si Vincent. “I’m sorry. I’m really sorry...for all the lies I weaved. Tama ka, naka-leave naman talaga ako sa opisina. Hindi ganoon kaimportante ang mga nakukuha kong tawag. I just wanted to be away from you. Hindi ko gusto na paghigantihan ka pero ginawa ko dahil gusto ko rin na maranasan mo ang sakit na ginawa mo sa akin noon. Its a foolish thing to do, right? But I feel like I can’t think straight and right whenever you are around. Masyado mong ginugulo ang mga damdamin ko, Jonabel. Nahihirapan akong i-handle iyon na pakiramdam ko, puro kapalpakan ang mga nagiging desisyon ko. Sa halip na ayusin ang mga problema, mas pinili ko na iwasan iyon. And yesterday, I paid all the price of that. I got really worried about you.”

Hinawakan niya ang pisngi nito. “Kaya ka naging grumpy ngayon. Naiintindihan ko.”

“Pakiramdam ko ay ang sama ko. Dapat ako ang bumabawi sa `yo pagkatapos ikaw itong---“ bumuntong-hininga si Vincent.

“Okay lang `yun. `Wag mo ng alalahanin iyon. I’m fine. I’ll be more than fine, too, if you’ll just appreciate what I do for you. Hayaan mo akong bumawi sa `yo.”

Tinignan ni Vincent ang mga pagkaing inihanda. “Okay, lets eat.”

Kumain nga sila nang almusal. Nag-iba na ang timplada ni Vincent habang kumakain. Ngumingiti na ito at mukhang nagustuhan rin ang niluto niya rito. Umasa si Jonabel na iyon na ang magiging bagong simula sa pagitan nilang dalawa na mag-asawa.

Pero pagkatapos kumain ay nagpaalam si Vincent na maliligo. Ang akala niya ay parte lang iyon ng daily routine ng asawa pero nagulat siya na pagkalabas nito ng kuwarto ay nakasuot ito ng long sleeves na polo. Hawak-hawak rin nito sa isang kamay ang coat na pampatong roon.

Lumabi siya. “Inamin mo na sa akin na naka-leave ka sa opisina.”

Apologetic na ngumiti ito. “But things happen that is hard to handle. Nagkaroon ng isang emergency sa isa sa mga manufacturing company namin sa Batangas. Dahil ako lang ang maaaring makapunta sa aming tatlo nina Nikos at Augustus na hands-on sa HGC, I need to go. This is very important, Jonabel.”

“But---“

Naputol ang pagsasalita ni Jonabel nang lapitan siya ni Vincent. Hinalikan rin siya nito sa kanyang noo na madalas na ginagawa nito sa kanya. Na-miss niya nang husto iyon na pakiramdam niya ay may gumapang na mainit na bagay sa katawan niya sa ginawa nito. “I’ll make it up to you after this.”

“Promise?” naninigurado na wika ni Jonabel pero hindi pa man sumasagot si Vincent ay nagho-hold on na siya roon.

Ngumiti si Vincent. “Promise.”

“How?”

“Hmmm... I’ll take you out later.”

Nasabik si Jonabel. “Where?”

“How does Paris sounds for you?”

ANG BUONG akala ni Jonabel ay makakatulong sa kanilang dalawa ni Vincent ang pagpunta sa Paris. Matinding nasabik pa naman siya nang sabihin nito na doon siya nito dadalhin. Masaya na siya kung gumala lang sila sa mall, park o manood ng sine nang araw na sinabi sa kanya ni Vincent na ilalabas siya nito. Ni sa hinagap ay ni hindi niya naisip na dadalhin siya nito sa Paris!

Inisip ni Jonabel na bumabawi lang talaga sa kanya si Vincent. Dahil napagpasyahan nitong hindi ituloy ang kanilang honey moon sa naturang lugar, ngayon ay itutuloy na nito iyon. Umasa siya na ganoon ang sitwasyon pero nasayang lang ang lahat ng kasabikan niya. Hindi ang na-delayed nilang honey moon ang ipinunta nila sa Paris kung hindi ang kasal ng kaibigan ni Vincent na si Augustus.

Masaya naman si Jonabel sa nangyari. Minsan na niyang nakilala ang mga naging kaibigan ni Vincent nang pumunta ang mga ito sa Korea. Naipakilala siya ni Vincent sa mga ito pero sandali lang iyon. Ngunit kahit sandali lang iyon ay tila kilalang-kilala na rin niya ang mga ito dahil palaging bukang bibig ni Vincent ang mga kaibigan. They were the best of friends.

Nagustuhan niya na naka-bonding niya ang mga kaibigan ni Vincent. Mabait ang mga ito sa kanya. Nakilala rin niya ang kanya-kanyang partners ng mga ito na nakasundo rin naman niya. Masasabi niyang nagkaroon siya ng good time kasama ang mga ito at pati na rin ang panonood ng kasal ng kaibigan nitong si Augustus. It was a very beautiful wedding. Pero hindi maiwasan na mainis ni Jonabel na hindi naman pala talaga honey moon ang ipinunta nila roon kung hindi ang um-attend lang ng kasal.

“We’re leaving later,”

Gustong magreklamo ni Jonabel dahil na rin sa inis sa kanyang nagkamaling akala pero mas ginusto na lang niyang manahimik. Umasa na naman siya kaya ayon, nasaktan siya. Hindi ang paglilibot sa Paris ang ipinunta nila sa lugar. Nag-empake pa man rin siya ng maraming damit dahil inakala niya na magtatagal sila roon pero hindi naman pala. Nasasaktan siya pero minabuti na lang niya na huwag nang magsalita dahil ayaw na rin naman niyang makipagtalo kay Vincent.

Nawawalan na siya ng pag-asa sa relasyon nila ni Vincent. Alam niyang mali dahil kakaunti pa lang naman ang ginagawa niyang efforts rito. Pero dahil kahit sinasabi naman nito sa kanya na maayos ang lahat pero hindi pinanagutan iyon, nahihirapan na siya. Nasasaktan na siya.

“Pero may ilang oras pa naman tayo na mananatili rito sa Paris. Gusto mo ba munang gumala tayo?”

Sandaling nagdalawang-isip si Jonabel. Iyon ang gusto niya `di ba? Ang libutin ang city of lovers kasama si Vincent. Pero ayaw na rin naman niyang umasa na magiging kagaya ng mga lovers roon ay magiging sweet rin ito sa kanya. Parang timpla kasi ng tubig ang ugali nito. Minsan ay hot at madalas ay cold. Nahihirapan siyang pakisamahan ito.

“Hindi kaya mabitin tayo?”

“Iyon na nga rin ang naiisip ko. Isama pa na may kailangan rin akong gawin sa computer ngayon tungkol sa nangyaring emergency sa manufacturing company sa Batangas.”

Tumango siya. “Magpapahinga na lang siguro ako.”

Sinubukang takasan ni Jonabel ang realidad sa pamamagitan ng pagtulog. Nang lumipad rin sila paalis ng Paris ay ganoon ang ginawa niya. Komportable naman siya sa eroplano dahil sarili iyon ni Vincent. Mabilis lang siyang nakatulog. Si Vincent naman ay abala pa rin sa laptop nito dahil na rin sa trabaho.

Naggising si Jonabel na naramdaman niya si Vincent sa kanyang tabi. Nakahilig siya sa matipunong dibdib nito at nakapalibot naman sa kanya ang mga kamay ni Vincent. He was cuddling her. Itinaas ni Jonabel ang mukha rito. Nakita niyang kagaya niya ay tulog rin ito. Lalong nagulo ang isip ni Jonabel. Nagpaparamdam na naman sa kanya si Vincent. Pero kani-kanina lang ay binabalewala siya nito. Na-appreciate naman niya ang pagdala nito sa kanya sa Paris para dumalo ng pinakaimportanteng araw ng kaibigan nito. Nagustuhan rin niya na naipakilala na siya nito bilang asawa nito sa mga kaibigan nito. Ipinagmalaki siya nito. Pero ramdam niya na may kulang pa rin. Umasa kasi siya na sa Paris ay aayusin nila ang lahat. Hindi lang siya ipaparada nito sa mga kaibigan nito. Mas malalim pa roon ang inaasahan niya.

Matagal-tagal rin na nakatitig si Jonabel sa mukha ni Vincent nang maramdaman nito ang ginagawa niya. Naggising ito. Ngumiti ito sa kanya pero dahil sa nararamdaman niya, hindi niya maggawang ibalik rin ang ngiting iyon. Kumunot ang noo ni Vincent nang lumayo siya rito.

“May problema ba?”

Hindi nagsalita si Jonabel. Wala rin namang kuwenta kung magreklamo siya `di ba? Ilang beses na rin naman na ginawa niya pero sinusubukan lang makinig ni Vincent. Hindi nito pinaninindigan ang mga pagpayag nito sa mga sinasabi niyang problema.

“Look at me, Bel...”

Napapikit si Jonabel. Ngayon naman ay tinawag siya nito sa palayaw nito sa kanya. May mainit na kamay na humaplos sa puso niya nang dahil roon. Pero at the same time, may sakit rin. Paasahin na naman ba siya ni Vincent?

Hinawakan ni Vincent ang kamay niya. “Nagtatampo ka ba dahil hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na mamasyal sa Paris? Maaari pa rin naman tayong bumalik anytime kung gusto mo...”

“`Wag mo ng alalahanin iyon.”

“Pero nararamdaman ko na may problema ka tungkol roon.”

“Hindi naman ang Paris ang pinapangarap kong puntahan kaya ayos lang talaga kung hindi tayo makalibot roon,” Totoo iyon. Maganda ang Paris at noong magkarelasyon sila ni Vincent noon ay ilang beses rin siyang niyaya nito roon. Pero dahil hindi siya pinapayagan ng mga magulang niya na mag-out of town kahit na ba si Vincent naman ang kasama niya, hindi niya napapagbigyan ito roon. Isama pa na kahit payagan siya, hindi rin niya gusto na mapuntahan ang Paris. Hindi siya naakit sa mga European countries at hindi rin siya mahilig maglakbay.

“Alam ko na hindi nga iyon ang pangarap mo kaya sinadya ko na hindi tayo magtagal roon.”

Kumunot ang noo niya. “Ano ang ibig mong sabihin?”

Ngumisi si Vincent. “Later. This is supposed to be a surprise...”

Tumalon ang puso ni Jonabel. May ibang plano si Vincent? Ibig sabihin ay hindi talaga nito binalewala ang mga sinabi nito sa kanya. Babawi rin ito sa kanya! Totoo na ngayon ang paghingi nito ng mga sorry.

Normal na babae pa rin naman si Jonabel kaya gusto rin niya na masorpresa. Nasasabik man ay hindi niya kinulit si Vincent tungkol roon. Napaniwala nga siya ni Vincent na may iba itong plano ng magland ang eroplano nito sa Phuket International Airport sa Thailand.

“Oh my God!” nahulaan na agad ni Jonabel kung bakit siya dinala ng asawa roon. “Phuket Butterfly Garden and Insect World!”

Napakamot ng ulo si Vincent dahilan para lalong magkaroon ng tamang hula si Jonabel. Alam ni Vincent ang matagal na niyang pagnanais na pumunta roon dahil sa pang-world class na butterfly garden ang lugar. Dahil mahilig siya sa paru-paro, isang dream come true para sa kanya ang lugar na iyon. Pero dahil hindi naman hilig ng mga magulang niya ang ganoon, hindi siya napagbigyan. Tanging sa mga butterfly gardens lang siya sa Korea nakarating.

Tila bata si Jonabel nang libutin nila ni Vincent ang naturang lugar. Aliw na aliw siya. Marami rin naman na butterfly noong kasal nila ni Vincent dahil isa iyong butterfly garden wedding pero kakaiba ang isang ito. Napakadaming butterfly na napag-alaman niya na mayroon doong six thousand butterflies kada buwan at apatnapung iba’t ibang species. Namangha si Jonabel sa ganda. It was a breathtaking sight. Naramdaman rin naman niya na naaliw rin si Vincent kaya masaya siya.

“Thank you for taking me here...” wika niya nang matapos ang araw ng paglilibot nila roon. Ayon kay Vincent ay mananatili sila sa Phuket sa loob ng tatlong araw. Nagpa-reserve rin ito ng isa sa mga beach hotels na malapit rin lang naman sa butterfly garden para doon sila manatili. Kung ito na ang honey moon na inaantay niyang mangyari sa kanila ni Vincent, kinakabahan man ay nasasabik rin si Jonabel.

Sana nga lang, hindi kagaya ng karamihan sa mga ginawa sa kanya ni Vincent, ay hindi na niya masasabing isang false alarm lang ang lahat. Gusto na rin naman niyang magkaroon ng happy ending sa kuwento nilang dalawa ng asawa.

GUSTONG sisihin ni Jonabel ang panahon kaya masasabi niyang nagkaroon na naman ng “false alarm” sa progress ng relasyon nila ni Jonabel. Masama ang panahon pagdating nila sa beach resort. Nang dahil doon ay nanatili lamang sila ni Vincent sa loob ng kanilang kuwarto kaysa aliwin ang mga sarili sa labas ng isa sa mga ipinagmamalaking atraksyon sa buong Thailand.

Pero alam ni Jonabel na hindi lang talaga ang panahon ang kanyang puwedeng sisihin. Si Vincent rin mismo. Marami naman silang puwedeng gawin sa loob ng kuwarto. Magkasama rin sila. Pero kagaya nang nakaraan, mas inuuna pa rin ng kanyang asawa ang trabaho.

Ano pa ba ang kailangang gawin ni Jonabel? Kanina pa niya sinusubukan na kuhanin ang atensyon ni Vincent. Tinitimplahan niya ito ng kape para mas lalong mapabilis at productive ang kung ano man na ginagawa nito. Ilang beses rin niyang inalok na bibigyan niya ito ng massage kung sakaling napapagod na ito pero tinanggihan naman niya iyon. Gusto niyang intindihin si Vincent na maaari ngang abala ito. Pero hindi na rin niya maiwasang mainis dahil naiinip na siya sa kaakantay na hindi lang false alarm ang pagpunta nila sa Thailand.

Dahil sa kanya ay matagal ng na-postpone ang kasal nila. At ngayon, pati ba naman honey moon nila ay hahayaan niyang ma-postpone rin nang matagal? Alam niya na marami pang habang buhay ang magiging oras niya kasama si Vincent pero hindi niya maiwasan na mainip. Paano kung susunod ay mas malala pa ang maging rejection sa kanya ni Vincent? Kung hindi pa ngayon, kailan pa?

Dahil doon ay napagdesisyunan na ni Jonabel na gumawa ng aksyon. Babaguhin na talaga niya ang kanyang sarili. Dahil hindi naman niya masasabi ang sarili na isang sexy na babae at hindi rin niya maika-categorize ang sarili bilang ganoon, iisa lang ang pagmamay-ari niyang negligee. Ni hindi niya pa nga naisusuot iyon at kaya mayroon siya ay dahil regalo lang iyon ng isang katrabaho niya noon nang malamang engaged na sila ni Minjoon. Dinala lang niya iyon upang isa sa mga reserbang damit. Isinuot niya iyon ngayong gabi.

Tignan na lang natin kung magagawa mo pa rin akong i-neglect pagkatapos ng lahat ng ito, Vincent...

Tama naman ang inisip ni Jonabel na mapapansin nga siya ng asawa pagkatapos isuot iyon at makita nito nang pumasok ito sa kuwarto. Hawak-hawak na rin nito ang laptop na ngayon ay nakasara na palatandaan na tapos na ang kung ano man na ginagawa nito. Pero kagaya nang madalas na pagpansin nito sa kanya, galit ang nakita niya sa mukha nito.

“Ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito, Jonabel?”

Sinubukan niya na huwag magpaapekto sa tono na ginamit ni Vincent. Humarap pa siya rito at lumapit. “Hmmm.... Hindi mo ba gusto ang nakikita mo, yobo?” Sinadya pa niya na palamyusin ang boses at gumamit nang sikat na love endearment sa Korea. Ipinulupot ni Jonabel ang kanyang kamay sa leeg nito.

Nag-iwas ng tingin si Vincent pero naramdaman niya na tila kinakabahan ito dahil bahagyang nanginig ang lalaki. Ibig sabihin lang noon ay naapektuhan ito sa kanya. Kinakabahan man ay tila nagdiriwang rin ang puso ni Jonabel. “This is not you,”

“Don’t you like the other side of me? Hindi mo ba gusto na lumalabas na ako sa shell ko?” naalala niya noon na ine-encourage siya ni Vincent na magsalita. Na kahit papaano ay gumawa ng kalokohan dahil mahinhin nga siya at madalas na ilag sa mga tao. “D-don’t you want me?”

Doon tumingin muli sa kanya si Vincent. Diretso sa mga mata ang tingin nito. “Hindi mo na kailangang itanong. You know I want you...”

Kung sa ibang pagkakataon, mamumula lang siguro si Jonabel. Pero hindi sa pagkakataong iyon. She wanted to be blatant because she wanted Vincent, too. “Then prove it.”

Naging isang malaking gulat para kay Jonabel ang sumunod na ginawa ni Vincent. Oo, hinamon niya ito pero dahil kilala niya si Vincent bilang isang gentleman na lalaki, hindi niya akalaing papatulan rin nito ang sinabi niya. Hinalikan siya ni Vincent nang mariin.

Tila may nagwalang kabayo sa dibdib ni Jonabel sa klase ng halik na ibinigay sa kanya ni Vincent. He seems so aggressive. Ito ang unang beses na hinalikan siya nito nang ganoon at masasabi niyang nagustuhan niya iyon. Gusto rin naman niya ang mga halik na iginawad sa kanya ni Vincent pero dahil kakaiba iyon ay tila naging kakaiba rin ang naramdaman ni Jonabel.

Habang hinahalikan ay ibinalot ni Vincent ang mga kamay nito sa baywang niya para lalo pa siyang palapitin rito. Ikinawit naman ni Jonabel ang kanyang mga kamay sa leeg nito. Naging mariin ang halik at ni hindi na niya mabilang kung ilang ungol ang pinakawalan nilang dalawa ni Vincent habang ginagawa iyon sa isa’t isa.

Makatapos ang ilang sandali, naging malikot ang mga kamay nila ni Vincent. Ganoon rin ang labi nito. Bumaba ang ulo ni Vincent patungo sa kanyang mga leeg. Doon mas lalong dumami at lumakas ang mga ungol ni Jonabel. Pakiramdam niya ay kaunti na lang at mawawalan na siya ng hininga dahil sa sensasyong dinadala nito sa katawan niya. He was leaving her breathless.

“God, Vincent. I want you...” hindi mapigilan na mapabulalas ni Jonabel.

Tumigil sa ginagawa si Vincent. Nakangising tumingin ito sa kanya. “Then prove it to me...” Bahagyang lumayo ito sa kanya.

Namula si Jonabel. Bahagya rin na naguluhan. “W-what do you mean?”

“I kissed you because I proved to you that I want you. Ngayon, ikaw ang gusto kong bumawi sa akin...”

Kaya ko ba talagang panagutan ito? Napalunok si Jonabel. Gusto niya si Vincent. Gusto rin niya ang ginagawa nila at kung hindi nila maipagpapagpatuloy iyon ay hindi niya yata kakayanin. Pero kaya nga ba niya na maging passionate kagaya nito? Kaya niya bang magsimula nang ganoong klase ng halik?

Yumuko si Jonabel pero nang mapagtanto na kung hahayaan niyang sukubin siya nang mahina at mahinhin na sarili niya, magiging gulo na naman ang dating niyon. Itinaas niya ang mukha at sinalubong ang nagbabaga pa rin na mata ni Vincent. Hinawakan niya ang mga braso nito at itinulak ito sa kama na nasa tabihan lang nila at pagkatapos ay pumatong rito.

“Tigress...” narinig pa niyang wika ni Vincent nang halikan niya ito. Matinding sinalubong at ibinalik rin naman nito sa kanya ang halik. Naramdaman niyang naging malikot na naman ang mga kamay nito. Gumulong sila sa kama sa tindi ng paghahalikan. They are now in the reverse position. Unti-unti rin nitong itinataas ang top ng negligee na suot niya at kahit kinakabahan man ay hindi niya pinigilan ang asawa. May karapatan itong gawin iyon sa kanya.

Nakita niya pang bahagyang natigilan si Vincent nang matanggal nito ang lahat ng saplot sa katawan niya. Mas lumala pa ang apoy sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya at kahit ramdam ni Jonabel na naging ibang babae siya sa mga ginagawa ng asawa ay medyo nahihiya pa rin siya.

It would be her first time. Hindi siya sanay sa ganoon...

Namula si Jonabel nang magsimula si Vincent na magtanggal ng damit. Nang matapos ito ay ito naman ang dumagan sa kanya. And when he entered her...alam niyang tiyak na magmamarka ang mga kuko niya sa balikat ni Vincent...

“What the---“ napamura si Vincent dahil na rin siguro sa naramdaman nito na nararamdaman rin niya. Bahagya pa siyang inilayo nito. “It couldn’t be... Si Minjoon...”

“I never gave myself to him, Vincent.”

“Pero bakit?”

“It wasn’t right to do so.”

Alam ni Jonabel na may ibang dahilan pa kung bakit ganoon. Pero tama bang ito ang oras kung kailan niya aaminin rito ang lahat? Isa pa, paniniwalaan ba siya nito kung gayong siya ay naguguluhan rin sa nararamdaman niya? Ni hindi niya rin maipaliwanag kung bakit nga ba. Pinaniniwala niya ang sarili niya na mahal niya si Minjoon. Nag-gave up siya nang malaking bagay sa sarili at pamilya niya para lang patunayan iyon. Pero sa huli, ramdam niya na hindi naging worth it iyon. Hindi lang dahil sa iniwan lang siya ni Minjoon sa huli.

Iyon ay dahil sa buong relasyon nila ni Minjoon, hindi niya maggawang lubusan na sumaya. Kung iyon ba ay dahil sa alam niyang sinaktan niya si Vincent habang kasa-kasama niya ito o dahil lang sa nagkamali naman talaga siya ng desisyon ay hindi niya maintindihan. Noon ay tila may kulang sa relasyon nila ni Vincent pero masaya naman siya. Alam niyang ganoon rin ang relasyon nila ni Minjoon noon, may mali, pero hindi niya tuluyan na maging masaya kagaya ng nararamdaman niya ngayon kay Vincent sa kabila ng pagmamatigas nito sa kanya.

Kung ano man ang ibig sabihin noon, nararamdaman naman niya na isa iyong bagay na maganda kaya hindi na lang niya hinahayaan na magulo pa ang kanyang isip tungkol roon...

KAHIT naka-isang oras na tulog na si Vincent ay hindi pa rin niya maggawang kumalma. He was pacing the floors for hours now. Sinubukan na rin niyang manigarilyo kahit hindi niya nakahiligan iyon upang pakalmahin ang sarili niya. Pero walang epekto ang lahat.

He was still having a hang over over the lady on the bed. A woman now, sutsot ng isang bahagi ng utak niya.

Ilang taon rin ang itinagal ng relasyon nina Minjoon at Jonabel. Tila napakaimposible, lalo na sa isang lalaking may reputasyon na kagaya ni Minjoon na hindi nito naggawang maakit ang asawa sa kama nito. Siya ang nakauna kay Jonabel at alam niya na dapat ay ipinagpasalamat niya iyon pero napakarami pa rin na tanong sa isip niya.

Umamin naman si Jonabel kung bakit. May punto rin naman ito pero nahihirapan pa rin siyang paniwalaan. O dahil lang ba sa overwhelmed siya kaya ganoon ang nararamdaman niya?

Tinignan niya si Jonabel at ang kama. Bakas pa ang dugo roon na nagpapatunay na birhen nga ito nang makuha niya. Bahagya siyang na-guilty. Naging agresibo siya dahil ang akala naman niya ay hindi na ito ang babaeng inaasahan niya na makakasama niya noon sa kama. Dapat ay napansin na niya ang mga pamumula nito habang nasa foreplay pa lamang sila.

Nakatulog si Jonabel pagkatapos nilang gawin iyon. Makikita niya ang satisfaction sa mukha nito. Nakangiti pa ito na siya namang nagpapawala ng guilt na naramdaman niya. Kahit nasaktan niya ito, ang kaalaman na masaya at nakontento naman ito ay ayos na rin para sa kanya. Ginusto rin nito ang nangyari. Ginusto rin naman niya iyon pero hindi niya maiwasan na magulo.

“Sinaktan mo ako...” tinitigan niya si Jonabel habang sinasabi iyon.

Masaya siya na makasama si Jonabel. Gusto rin niya na kasama ito. Tila hindi maipaliwanag ang kasiyahan niya kapag nasa tabi niya ito at nakikita niya itong masaya. Nang makita niya kung gaano niya na napasaya niya nang husto si Jonabel nang dalhin niya ito sa butterfly garden ay masaya rin siya. Kay Jonabel niya nararamdaman lamang iyon. At alam niya kung bakit.

Mahal pa rin niya ito.

Doon nagugulo ang isip ni Vincent. Tama ba na mahalin niya si Jonabel gayong sinaktan siya nito? Kahit na pinipili nitong bumawi sa kanya ngayon, hindi niya maiwasan pa rin na magduda. Hindi rin naman kasi nito sinasabi na mahal rin siya nito. Ipinaparamdam lang nito na pinahahalagahan siya nito. Mas naging mas maayos ang pagtrato nito sa kanya noon pero hindi niya pa rin masisigurado kung mahal pa rin siya nito.

Naging mahirap ang buhay sa kanya nang hiwalayan siya ni Jonabel. Naging mahirap ang bumangon. Sinubukan niyang alisin ang ilan sa mga sakit sa pamamagitan ng pagsama sa mga babae, ang pagpatol sa mga nagkakagusto sa kanya noon. Tila naging lunas rin naman iyon para mawala ang mga sakit. Naging masaya siya sa mga ipinaramdam ng mga ito sa kanya. Nagkaroon rin siya ng mga girlfriends pagkatapos ng relasyon nila pero kahit masasabi niyang naging masaya siya, iba pa rin ang saya na dala ni Jonabel sa kanya. Sa kabila ng sakit na ipinadama nito sa kanya, hindi niya pa rin maiwasan na magalit nang husto rito. Hindi niya pa rin naiwasan na mahalin ito...

“And I’m beyond sorry for that, Vincent...”

Nagulat si Vincent nang magsalita at magmulat nang mata si Jonabel. Gising na ito.

Lumayo siya rito. Hindi niya inaasahan na magigising ito at lalong hindi siya mapakali. Nagpunta siya sa terrace ng villa na tinutuluyan nila. Nagsisimula ng lumabas ang araw.

Naramdaman ni Vincent na bumangon si Jonabel sa kama at sinundan siya. Nakumpirma niya iyon nang magsalita ito sa kanyang likuran.

“Even the most beautiful days eventually have there own sunsets. Ganoon ang nangyari sa atin, Vincent. But a sunset also brings promise of a new dawn, right? Naging napakatagal nga lang pagkatapos mabigyan nang sunrise---nang panibagong simula. Kagaya nang nangyayari ngayon. Kagabi ay masama ang panahon pero makikita mo na ngayon ay wala na iyon. Na tila magiging maganda ang araw dahil wala ng ulap na nakapaligid sa palabas pa lamang na araw. Sana ay ganoon rin tayo. Pagkatapos ng masamang pinagdaanan ay magkakaroon pa rin ng pag-asa na magkakaroon ng panibagong simula...”

Hindi nagsalita si Vincent. May punto si Jonabel. He had to let go of the past in order to have a new beginning. Minsan na rin niyang sinabi ang ganoon kay Nikos. Pero tama nga sila, madali lang magsalita. Mahirap gumawa. Sinubukan man niya ay naging mahirap paninidigan. Sa tuwina, kahit na-guilty na siya sa ginagawang pagbawi sa dating nobya ay masasabi niyang nagkulang pa rin siya sa pagbawi. Hindi naman sinasadya ang iba dahil kailangan naman talaga iyon sa trabaho at importante iyon.

“You are my husband now, yobo. And no matter how hard you push me away, I’ll always come back to you. Hindi ko na hahayaan na masira pa ang relasyon natin. So please, accept me...O kung hindi man, learn to trust me. Trust me na hindi ko na muling gagawin sa `yo ang lahat ng ginawa ko sa `yo noon.”

Niyakap siya ni Jonabel sa likod. Napapikit si Vincent pero hindi niya tinanggihan ang yakap nito. Gusto niya iyon. Gusto niya si Jonabel. Ano pa ba ang pumipigil sa kanya gayong humingi na ito ng tawad at bumabawi sa kanya?

Wala na...dapat.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.