International Billionaires Batch 2: The Wannabes Series 1 - 4 Chapter 17

“NGAYONG pumayag akong umuwi dito sa bahay, sana ay pakinggan niyo naman ako, Daddy. Hindi kami magpapakasal ni Ritter.”

“You will and that’s final. Ayaw kong magkaroon ng apo na bastardo.” Seryoso ang mukha ng Daddy ni Nari.

Nagtagis ang bagang ni Nari. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na silang nagtalo ng Daddy niya. Pinipilit nito na magpakasal sila ni Ritter!

Bumuntong-hininga si Vincent Kim. “There’s really no point to argue, Nari. Hindi ko rin naman kasi makita ang point kung bakit---“

“Kamamatay lang ng Papa niya. Hindi pa ba sapat `yun?”

“It’s the modern era now. Hindi na uso ang mga pamahiin. Isa pa, si Ritter na mismo ang nagsabi na okay lang naman ang lahat. Ewan ko ba sa `yo kung bakit umaayaw ka pa.”

Dahil hindi tama ang lahat! Hindi siya ang ama ng dinadala ko! Gusto man na makipag-argumento pa ni Nari sa ama ay ramdam niyang talo na rin naman siya. Nagbabaka-sakali lang naman siya.

Hindi tama na pakasalan siya ni Ritter. Maling-mali na inako nito ang lahat ng responsibilidad…

“Kailangan kong gawin iyon, Nari. I have to save you…” sagot ni Ritter nang komprontahin niya ito. Ipinalabas nito sa Daddy niya na boyfriend siya nito at ito ang ama nang dinadala niya. Gumawa ito ng kuwento---isang whirlwind romance. Nagkita sila sa bar kung saan ito kumakanta at na-fall in love. Sinikreto niya ang relasyon nila dahil natakot daw siyang umayaw ang Daddy niya dahil sa trabaho ni Ritter.

“You don’t have to. Masama na magsinungaling!”

“Mas masama kung malalaman ng Daddy mo na nakipagrelasyon ka sa isang kagaya ni Papa.”

“Age doesn’t matter---“

“It matters to a lot of people. At kung hindi ka nga natatakot na aminin sa Daddy mo ang relasyon mo kay Papa, bakit kailangan niyo pa na itago? Bakit ka maglalayas sa inyo?”

Hindi nakapagsalita si Nari. May point si Ritter. Mahal nila ni Ernesto ang isa’t isa pero dahil nahihiya sa klase ng relasyon nila ay itinago nila iyon. Pero alam naman nila na walang sikreto na hindi nabubunyag. Naghahanap lang sila ng lakas ng loob para aminin ang lahat sa mga mahal nila sa buhay.

Kinuha ni Ritter ang kamay niya. Pinisil at hinalikan nito iyon. “`Wag mo akong alalahanin, Nari. Malaki ang utang na loob ko kay Papa. Pinalaki niya ako na parang tunay na niyang anak. Kaya wala sa akin kung papalakihin ko rin ang totoo niyang anak. At kung nag-aalala ka sa status ko, wala akong sabit. I’m all right. I’m good with marrying you. Ako pa ba ang mag-iinarte samantalang ang ganda-ganda ng bride ko? Para akong naka-jackpot…”

And Ritter looked at her with shine in his eyes. Nag-init ang pisngi ni Nari. She felt completely speechless…

Walang problema kay Ritter. Wala na rin sana na problema kay Nari. Aarte pa ba siya samantalang siya itong nasa alanganin? Kaya lang, napaka-aga pa para magpakasal sila ni Ritter. Masyadong biglaan iyon. Naniniwala siya na kailangan pa nilang kilalanin ang isa’t isa.

Kailangan ni Nari ng oras. Pero ayaw pumayag ng Daddy niya. Bad idea talaga na malaman nito ang lahat. Ito tuloy siya at nakakulong sa mansion nila. She hates it. Hindi rin kasi niya makakasama roon si Ritter. Oo nga daw at “nakabuo” na sila ng lalaki. Pero ngayon ay gagawin na daw ng Daddy niya ang tama. Hindi daw sila puwede na magsama ni Ritter sa iisang bahay habang hindi pa sila kasal.

Nagkulong si Nari sa kuwarto niya. Kung lumabas man rin kasi siya ay balewala lang rin iyon. Wala rin siyang makakausap. Paalis na ang Daddy niya papunta ng Korea para alagaan ang Lola niya na may sakit. Ang Mommy naman niya ay pupuntahan raw ang bunso at nag-iisang kapatid niya na si Yohan para sa dental mission nito. Favorite nito ang bunsong kapatid. Mommy’s boy rin naman ito. Mahilig sa mga charity work ito at dahil mabait rin naman ang Mommy niya ay palagi itong sumasama rito. Dentist rin kasi ang Mommy niya.

Walang saysay rin kung makikipag-usap si Nari sa mga kasambahay. Hindi siya close sa mga ito. Panigurado rin na pagtsi-tsismisan lang ang lagay niya. Hindi rin naman siya puwedeng lumabas para makipagkita sa mga kaibigan niya. In-advice siya ng mga Doctor na magpahinga pa rin sa loob ng tatlong araw.

Minabuti ni Nari na umiwas na lang muna sa mundo. But it also still hurts na hindi rin talaga siya tuluyang makakaiwas sa sakit noon.

TATLONG araw na halos nagkulong lang si Nari sa kuwarto. Maayos na ang pakiramdam niya. Sadyang wala lang talaga siyang gana na magkaroon ng social life. Hindi na rin siya close sa pamilya niya simula nang pag-aralin siya ng Daddy niya sa New York kaya hindi siya nakikipag-usap sa mga ito. Pero ang pinaka-dahilan ay gusto lang niya na magmukmok.

Hindi na naman naiinis si Nari sa Daddy niya sa pagpapakasal nito sa kanya at kay Ritter. Unti-unti na niyang natanggap na ginawa lang iyon ng Daddy niya para sa ikabubuti niya. Hindi na rin siya nakokonsensya dahil hindi naman nagrereklamo si Ritter. Sadyang nami-miss lang siguro ni Nari ang ama ng anak.

Pero ang isang kinaasar nga lang niya ay kung sino sa ama ng anak niya ang nami-miss. Ang biological ba o ang tatayo na ama nito?

Masasabi ni Nari na minahal niya si Ernesto. He was a nice and charming man. Kahit maedad na ay guwapo rin ito. Pero tuwing naalala niya ang sinabi sa kanya ni Ritter na baka kaya lang siya na-in love rito ay dahil ipinaparamdam nito ang mga bagay na gusto niyang maramdaman sa ama ay nag-aalinlangan siya. Somehow, pakiramdam niya ay may point si Ritter. O iyon ang pinaniniwalaan niya dahil parang nahuhulog yata ang loob niya sa lalaki.

Maaga pa para masabi ni Nari na may nararamdaman siya kay Ritter. Isa pa, paano kung kaya lang siya nakakaramdam ng kakaiba kay Ritter ay dahil nata-touch siya sa ginagawa nito? Napakabait nito sa kanya.

Dapat ay nagluluksa pa rin si Nari. Pero gaano man niya kumbinsihin ang sarili na bawal kiligin kay Ritter ay nahihirapan siya. Lalo na at sa pang-apat na araw niya nang makauwi sa mansion nila ay dumalaw ito. May dala itong pagkain para sa kanya at pati na rin sa pamilya niya.

“Naku, hindi ka na dapat nag-abala pa,” narinig ni Nari na wika ng Mommy niya. Na-inform na siya ng kasambahay na dumating nga si Ritter. Pero hindi siya kaagad bumaba dahil nag-ayos pa siya ng sarili niya. She admits she looked like a mess these days. Nakakahiya na naman kay Ritter kung makita nito ang lagay niya. Palagi pa naman niyang sinisigurado rito sa tuwing tumatawag ito na okay lang siya.

Nagkamot ng ulo si Ritter. “Ako nga po ang nahihiya at `yan lang po ang nakayanan ko.”

“You should not worry about us…” Lumingon ang Mommy niya. Nakita siya nito sa hagdan. Sandaling pinanood lang niya ang dalawa bago tuluyang bumaba para makita si Ritter. “O `yan na pala si Nari. Halika na anak at asikasuhin mo si Ritter…”

“Hi,” Maganda ang ngiti ni Ritter nang lapitan siya. Tumalon ang puso ni Nari. Naging cool rin ito sa paningin niya nang ilagay nito ang parehong kamay sa bulsa nito. “Kumusta ka na?”

Ang Mommy ni Nari ang sumagot. Kinindatan siya nito at si Ritter. “Okay na okay na `yan ngayong nandito ka na…”

“Mommy!” Namula siya sa panunukso ng ina.

“Totoo naman. See, napalabas ka rin ng kuwarto…” Hinawakan ng Mommy niya ang balikat niya. “Maiwan ko na muna kayo…”

Sila na lang dalawa ni Ritter ang natira sa sala. “Bakit ka nga pala napadalaw?”

Tumawa si Ritter. “Sa tingin ko, ang tamang tanong ay bakit ngayon lang ako napadalaw.”

“Hmmm…”

Lumapit si Ritter kay Nari. Muntik na niyang mahigit ang hininga nang yakapin siya nito. “Na-miss kita…”

Nari wanted to weep. It was so good to be close to his arms. Pero pinigilan niya ang sarili na kiligin. Nagluluksa pa nga siya `di ba?

Lumayo si Nari kay Ritter. “Hindi mo dapat ginawa iyon.”

Kumunot ang noo ni Ritter. “Fiancee na kita. Walang masama na yakapin ka. I should even have done more than that. Gusto kong halikan ka.”

Kinagat ni Nari ang ibabang labi. It was her only way to stop her cheeks from blushing. “Napilitan ka lang na pakasalan ako.”

Bumuntong-hininga si Ritter. “At ganoon ka rin sa akin. Yeah, right. Mali nga na ginawa ko iyon. I’m sorry.”

Tumango si Nari. “Siguro ay nanibago lang rin ako. Isa pa, iniisip ko rin ang iisipin ng Papa mo kung nakikita niya ang nangyayari sa atin.”

Tinitigan siya ni Ritter. “Naalala mo siya. Nami-miss mo ba siya?”

“Masyado pang maaga ang lahat para kalimutan siya. Isa pa, sa tingin ko ay hindi ko rin magagawa iyon.” Tumingin si Nari sa tiyan niya. “This baby will always be a living reminder of him…”

Tumingin rin si Ritter sa tiyan niya. Blangko ang ekspresyon nito. Hinawakan nito iyon. “P-pinahihirapan ka ba ni Baby?”

Napahawak rin si Nari sa pipis niyang tiyan. “We’re fine.”

“So lahat ay tungkol lang talaga kay Papa.” Napabuntong-hininga si Ritter. “Naiintindihan rin naman kita, Nari. Nami-miss ko rin si Papa. Siya na lang ang kinikilala kong kamag-anak at kinuha pa siya sa akin. Masakit sa akin na mawala siya. Pero sadyang ganoon talaga ang buhay. Isipin na lang natin na wala man siya physically, he will always live on our hearts. And that’s forever…”

“I wanted to feel him…”

Ngumiti si Ritter. “Naiintindihan ko ulit. At isa rin sa dahilan kung bakit dumalaw ako…”

“Hmmm… anong ibig mong sabihin?”

“Naikuwento mo sa akin na mahilig ka sa music `di ba? At hindi lang naman si Papa ang mahilig at well, magaling doon. So let’s play music together, Nari….”

“I THINK this is a bad idea, Ritter…” wika ni Nari nang makapasok sila sa kuwarto niya. Sa loob rin noon nakalagay ang mga musical instruments niya. Napapayag siya ni Ritter na tumugtog kasama ito. Pero naisip niyang magkaiba nga pala sila ng taste ng music.

“Hmmm… dahil rock ang gusto mo?” Mukhang nabasa naman ng lalaki ang nasa isip niya. Lumapit ito sa drums niya. “Magaling ka rito?”

“Marunong pero hindi magaling. Hindi ako pinapasok ni Daddy sa music school. I just learn on my own…”

“At kay Papa?”

Ngumiti si Nari. “Minsan na nag-date kami ng Papa mo sa isang music studio ng Papa mo. Marunong siyang mag-drum and he was very good with it. So yes, naturuan rin niya ako.”

Sandali lang ang panahon na nagmahalan sila Nari at Ernesto. But she treasured it. Marami siyang natutunan sa lalaki. Sa mga music studio lang rin sila madalas na nagde-date at madalas na patago lang rin iyon.

“Bakit hindi ko alam ang tungkol roon?”

“Madalas kaming lumalabas kapag wala ka sa bahay. Hindi niya gustong malaman iyon. We are not yet ready.”

“Pero ikaw ba, ready ka na ba na tumugtog?”

“I’m good with it. Pero tama ang tanong mo kanina. Rock ang gusto ko at hindi iyon ang forte---“

“May isang rock band ako na hinahangaan. And I can sing one of their songs. Favorite ko iyon. Minsan na kinanta ko na `yun sa isang gig ko at sabi naman nila ay magaling ako.”

“At ano namang kanta `yun?”

“My Heart by Paramore. Kaya mo bang tugtugin iyon?”

“I can do both on drums and guitar. But I’ll prefer using the guitar. Mas magaling ako roon.” Paborito niya ang kantang sinasabi ni Ritter.

“So we’re going to do an acoustic version for. Great,”

Tumango si Nari.

“Sige, ire-ready ko lang ang cell phone.” Inilabas ni Ritter ang cell phone nito. Inilagay nito iyon sa may cabinet niya. “Perfect. Kuhanin mo na ang gitara mo,”

“Para saan `yan?”

Kinindatan siya ni Ritter. “Mag-cover tayo. I-upload ko sa Youtube account ko.”

Napalunok si Nari. “Seryoso ka ba?”

“Oo naman. Excited na nga ako. For sure, sisikat itong video na ito. Ang ganda ng gitarista ko, eh…” May paghangang tinignan na naman ni Ritter si Nari. At hindi na napigilan ni Nari ang pag-iinit ng kanyang pisngi. “At lalo pang gumaganda kapag nagba-blush…”

“Hala, tama na nga `yan. Let’s just play together,” Pinilit ni Nari na balewalain ang mga sinabi ni Ritter. Kinuha niya ang gitara niya. They positioned theirself on her room’s couch. Pero nang mag-umpisa siyang tumugtog at kumanta naman si Ritter ay naging napakahirap balewalain ng lahat.

Tama si Ritter. Magaling nga ito. O nagiging bias lang siya? Ritter earned extra special points to her because it felt like he was singing the song from his heart. Wagas rin kung makatitig ito sa kanya habang kumakanta.

I am finding out that maybe I was wrong

That I've fallen down and I can't do this alone

Stay with me, this is what I need, please?

Sing us a song and we'll sing it back to you

We could sing our own but what would it be without you?

Mas bagay siguro kung si Nari ang kakanta noon. She was the one who was more fallen down than Ritter. Nabuntis siya at hindi siya mapapanagutan ng ama ng dinadala dahil nga namatay ito. But Ritter knew that she can’t do this alone so he stayed with her even if she didn’t ask for it. Pero sa mga sumunod na lyrics ay gusto niyang isipin na si Ritter ang mas nakaka-feel noon.

This heart, it beats, beats for only you

My heart is yours…

May isang bahagi ng isip ni Nari na umasa na hindi lang basta kumakanta si Ritter. Sana ay hindi na lang iyon lyrics. She wished Ritter really mean it.

“IPALIWANAG mo sa akin ang kumakalat na video mo sa Youtube.”

Napakunot noo si Nari sa sinabi ng kanyang ama. Tumawag ito sa bahay at hiniling na makausap siya. Ayaw niya sana pero sabi ng Mommy niya ay mapilit ito. Napalabas pa tuloy siya ng kuwarto dahil sa telepono tumawag ang kanyang ama. Walang extension noon sa kuwarto niya.

“Video? Kumakalat?” Napakurap si Nari nang maalala ang huling video kung saan involved siya. “I-ito ba `yung nagigitara ako at kumakanta si Ritter?”

“Yes.”

“Katuwaan lang namin `yun kahapon. Is there something wrong about it? Pinagtatawanan ba kami---“

“It has positive responses kaya naging viral.”

“Oh…” Hindi makapaniwala si Nari. Hindi niya nga sigurado kung na-upload ba talaga iyon ni Ritter. Hindi siya nito na-inform. Isa pa, kahapon lang `yun. Viral na agad?

“Ritter seems so in love with you.”

“Masama ba `yun?”

“No. Masaya nga ako dahil roon. I know you’ll be in good hands,”

“Ikaw lang naman ang hindi mabuti sa akin.” Lumabi si Nari. Hindi na niya napigilan ang paglabas ng sama ng loob sa ama.

“I was wrong, Nari. And I am sorry about that.”

Tumawa si Nari. “Of course you are just joking.”

Mataas ang pride ng Daddy niya. Isa siya biktima noon. Gaano man niya ipilit ang kagustuhan niya na maging musician ay hindi ito pumayag. Ayaw nitong maggaya siya sa naging boyfriend ng Mommy niya dating isang rock musician. Insecure ito pero wala itong balak na aminin iyon.

Maririnig ang malalim na buntong-hininga ng Daddy niya sa linya. “I’m really sorry, Anak. Pero alam mo na naman ang dahilan kung bakit ako ganoon `di ba? Mali ako pero hindi ko maggawang aminin. All these years, I’m still affected on that issue. Mahal na mahal ko lang kasi talaga ang Mommy mo. At dahil sa kamalian ko na iyon, naapektuhan ang future mo. You could have done big.

“Ilang beses kong pinanood ang video. Nakonsensya ako. Napakagaling mo, Anak. Kayong dalawa ni Ritter…”

May mainit na kamay na humaplos sa puso ni Nari. “S-salamat.”

“I love you, Anak. I missed saying that. I wish I could hug you right now.”

“Me, too, Daddy. Me, too…” Naiiyak na wika ni Nari. Matagal na niyang gustong marinig ang mga salitang iyon sa ama. Bukod pa roon, masaya siyang napuri nito. It was a start.

Saktong natapos ang tawag nila ng Daddy niya nang makita niya na pumasok si Ritter sa malaking sala ng mansion nila. Ngumiti ito nang makita siya. Nilapitan siya nito at inabot sa kanya ang isang tangkay ng red rose.

“Wow, thank you…”

Naniniwala si Nari na maganda siya. In fact, maraming nanliligaw sa kanya. Marami sa mga iyon ay nagpapadala ng magagandang bouquet ng flowers. Pero ang bigay na yata na iyon ni Ritter ang pinaka na-appreciate niya.

“You’re always welcome. Nakita mo na ba `yung video?”

Umiling si Nari. “Pero alam ko na ang tungkol roon. My Dad and I were just talking about that…”

“Hmmm… `Yun ba ang dahilan kung bakit may luha sa mga mata mo?” Pinunasan ni Ritter ang luha niya. “Nagalit ba siya?”

“No. He was actually happy. He was proud of me. Oh God, natuwa sa akin si Daddy! It was tears of joy…” Napayakap si Nari kay Ritter.

“Masaya rin ako na marinig ang tungkol diyan.” Mahigpit na niyakap siya ni Ritter.

Sa pagkakataong ito ay hindi na pinigilan ni Nari si Ritter. Magaan ang pakiramdam niya. She wanted to prolong it. She wanted to enjoy the moment.

“Ah, I feel so good, too, right now…” wika ni Ritter. “You feel so good in my arms. Perfect.”

Sandaling lumayo si Nari kay Ritter. Tinignan niya ang ekspresyon ng mukha nito. He looks so sincere. Napaiyak ulit tuloy siya sa saya.

“Me, too, Ritter. Me, too…” Dala ng bugso ng damdamin ay nasabi

Niyakap ulit siya ni Ritter. Hinalikan nito ang tuktok ng ulo niya. And the sound of that was almost the sound of a happily ever after.

O iyon ang akala niya…

“SINO si Liza?” Takang-taka na pagkausap ni Nari sa sarili habang binabasa ang comments sa video nila ni Ritter. Marami ang kinilig at masaya sa ginawa nilang dalawa. Pero hindi rin niya maiwasan ang ibang comments tungkol kay “Liza”.

Paano na si Liza? Selos si Liza diyan, iyon ang ilang comments na nabasa ni Nari. Ikinabahala niya iyon. She was sure that Liza is a girl. Espesyal ba ito para kay Riter?

Sinubukang i-stalk ni Nari ang Youtube Account ni Ritter. Naghanap pa siya ng username na Liza ang pangalan. Kahit ang Facebook Page ni Ritter kung saan sh-in-are nito ang video ay in-stalk rin niya. Pero wala itong Liza na friend. Lalo tuloy siyang na-curious. Gusto na niyang i-message ang mga nag-comment pero inunahan naman siya ng hiya. Isa pa, paano kung girlfriend pala ni Ritter iyon at sinisekreto lang nito? Pagkatapos ng lahat, minsan ay naiisip niyang too good to be true rin ang mapapangasawa niya.

Napatingin si Nari sa cell phone niya. Gusto niyang tanungin si Ritter para matahimik na siya. Pero naalala niyang may gig nga pala ito ngayong gabi. Kakatawag lang nito may thirty minutes na ang nakalilipas. Baka daw hindi na siya nito ma-contact pa dahil matagal daw ang gig nito. Baka tulog na daw siya kapag natapos. Maaga pa naman dapat siyang matulog dahil sa lagay niya.

Pero pilitin man ni Nari na mag-relax ay hindi niya maggawa. Gusto niyang makausap si Ritter. At hindi na niya kaya pang hintayin ang bukas. Gusto rin niyang gawin ang pag-uusap ng personal. Kailangan niyang malaman ang lahat ng sikreto ni Ritter habang maaga pa.

Nagpaalam si Nari sa pamilya na lalabas. Nagpahatid na lang siya sa driver para hindi na rin gaanong mag-alala ang mga ito. Lagpas alas otso na kasi. Alam niya kung saan ang lugar ng gig nito kaya madali lang rin siya na nakarating. Nakita naman niya kaagad si Ritter…at may kasama itong babae sa stage.

Parang may kutsilyo na sumaksak sa puso ni Nari sa nakitang eksena. Masuyong tinitignan rin ni Ritter ang babaeng kilig na kilig naman sa paghawak nito. Somehow, nakikita ni Nari ang sarili sa lagay ng babae. Sa simpleng mga ginawa lang sa kanya ni Ritter ay kilig na kilig na siya. Ni hindi niya inisip na sadyang ganoon talaga si Ritter. May pagka-celebrity ito kagaya ni Ernesto. He was a charmer, too.

Siguro ay maaaring ganoon rin si Ernesto. Hindi nga lang iyon nakita ni Nari dahil hindi na active sa music industry ang lalaki. In fact, noong naging sila ay wala itong kahit na anong gig. Samantalang si Ritter, dahil sa nag-trending nilang video ay baka mas sumikat pa. Mas marami ang mga tao ngayon kaysa noong una niyang napanood si Ritter na mag-perform. Marami rin na kinikilig kay Ritter habang kumakanta noon. Puro babae ang audience nito. Pero hindi lang siguro siya masyadong naapektuhan noon dahil matindi pa rin ang lungkot sa puso niya sa pagkamatay ni Ernesto.

Ngayong aminado na si Nari na nagugustuhan na rin niya si Ritter ay nasasaktan siya. Pero sino nga ba siya para mag-inarte? Tama ba na magalit siya kay Ritter samantalang siya na nga itong tinutulungan ng lalaki?

Sa huli, napayuko at umalis rin si Nari ng bar. Hindi na siya nagpakita kay Ritter. Na-realize niya na sino ba siya para mag-demand kay Ritter? Wala rin siyang karapatan na magselos sa mga babaeng nagkakagusto rito. They will be married but they are not in love. Nagsasakripisyo lang ito para sa kanya. Pagkatapos ng lahat, palagi rin naman nitong sinasabi na malaki ang utang na loob nito kay Ernesto. Tumatanaw lang ito ng utang na loob sa kinikilala ng ama sa pamamagitan ng pag-aako sa responsibilidad ng ama.

Maayos na ang relasyon ni Nari at ng Daddy niya. Pero hindi pa pala tapos ang problema. At mukhang hindi na iyon matatapos dahil hindi naman talaga siya mamahalin ni Ritter. Pinakikisamahan lang siya nito dahil responsibilidad siya nito. Lahat ng pinapakita nitong “pagkagusto” sa kanya ay hindi lang sa kanya ginagawa ni Ritter. Marami sila.

She was one of those girls. She just wished she was not considered as the kind that come and go...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.