PRESKONG humiga si Marisa sa isa sa mga beach bench ng exclusive beach resort na pinuntahan niya sa Batangas. Halos siya lang ang tao na makikita sa mga oras na iyon na nagpapa-init. Alas onse na kasi ng umaga. Napakataas na ng araw. Pero dahil kakagising at kakatapos lang niyang kumain ng almusal ay ngayon pa lang siya nagsisimulang magliwaliw.
Hindi naman takot si Marisa sa sunburn. Maganda ang quality ng sun block na ginagamit niya. Tried and tested na niya iyon. Isa pa, kung magka-sun burn man siya ay madali lang solusyunan iyon. Mayaman siya. Marami siyang pera. Kayang-kaya niyang mabilis na pabalikin ang kutis niya sa dati sa tulong ng makabagong teknolohiya.
Ang mahalaga lang sa ngayon ay ang makapag-unwind si Marisa. Dahil sa trahedyang nangyari sa kanya ay minabuti ng kanyang ama na pauwiin na lang siya ng Pilipinas. Wala naman na kaso iyon sa kanya. Ang gusto lang niya ay ang makalimot. Mabuti rin na malayo siya sa Los Angeles para mas lalo niyang hindi maaalala si Ricardo.
Ganoon pa man, gusto rin na malayo ni Marisa sa kanyang Daddy. Naisip niyang magpunta na lang sa Batangas at mag-beach. Pumunta siya sa lugar na may tao. Kapag alam niya na may makakita sa kanya, hindi siya maiiyak. Hindi siya umiiyak sa harap ng maraming tao.
Kahit ekslusibong resort itong pinuntahan ni Marisa ay hindi naman iyon pribado. May makakita pa rin sa kanya. Maaari rin na may makilala sa kanya. She was famous, after all. Isa siyang International Model kagaya ng kanyang ama noong kabataan nito. Bukod pa roon ay may royal blood rin siya dahil parehong galing sa royal family ang Daddy at Mommy niya. May titulong Prinsipe ang Daddy niya sa Medoires Island---isang royal island sa bansang Portugal.
Tinitingalang tao si Marisa. Almost everyone adores and idolized her. Kaya mahirap para sa kanya na tanggapin na naggawa siyang lokohin ng taong pinahalagahan niya. Ang pag-a-unwind ang nakikita niyang solusyon sa problema niya.
Kasalanan rin naman ni Marisa ang nangyari sa kanya. Kung nakinig lang sana siya sa kanyang Daddy, hindi sana siya mapapahamak. Pero mana talaga siya sa kanyang ama. Matigas ang ulo niya. Hindi siya nakinig rito…
Para sa isang tagapag-mana at mayaman na kagaya ni Marisa ay hindi na bago ang eksena na na-hostage. Pero malaki na siya. At ang pinakamahirap na tanggapin sa lahat ay ang malaman na ang taong nagpadukot sa kanya ay ang lalaking ka-relasyon niya ngayon: si Ricardo.
Marami ang nagsasabi kay Marisa na hindi makabubuti para sa kanya ang relasyon nila ni Ricardo. Malaki ang age gap nila---twelve years. Bukod pa roon ay palikero rin ang lalaki. Tatlong beses na itong nakipag-divorce sa edad na thirty eight years old. Sugalero rin ito. Pero minahal nga siguro niya ang lalaki. Nabulag kasi siya. Napakaguwapong lalaki naman kasi ni Ricardo. Artista ito bago itong naging business man. Napaka-charming rin nito.
Minahal ni Marisa si Ricardo. Ibinigay niya ang halos lahat-lahat sa lalaki. Kahit ang trabaho niya ay isinakripisyo niya para rito. Marami siyang projects pero karamihan sa mga iyon ay binitawan niya para makasama ito. Half-Filipino, Half-American ang lalaki. Pero naka-base ito sa Los Angeles. Sa buong durasyon rin ng relasyon nila ay nanatili siya sa Los Angeles para makasama ito.
Sa pagkahumaling rin ni Marisa kay Ricardo ay hindi niya pinakinggan ang mga banta sa kanya. Marami siyang isinakripisyo para rito. Sinunod niya ang kanyang puso…para masaktan lang sa huli. Pina-hostage siya ni Ricardo para makakuha ng pera sa kanya at sa pamilya. Ginamit lang siya nito.
Nailigtas naman si Marisa sa tulong na rin ng impluwensiya ng kanyang Daddy at mga kaibigan nito. Sa sermon lang siya ng ama hindi nakaligtas.
“I’ve told you! This relationship will just do you no good! Ang laki-laki mo na, Marisa. Ikaw pa naman ang panganay pero kung umasta ka ay parang ikaw pa ang bunso ko. Napaka-pasaway mo! Hindi ka marunong makinig!”
Napayuko si Marisa. Pasaway nga siya pero marunong naman siyang tumanggap ng kanyang pagkakamali. Tama naman talaga ang kanyang ama. Naiintindihan niya ang galit nito sa kanya. Pero sadyang iba-iba talaga ang personalidad ng mga tao.
Pare-pareho silang mga babae ng kapatid niya pero magkakaiba sila ng ugali, kahit kambal ang bunso nilang sina Catia at Amelia. Maarte, mahilig sa limelight at spoiled si Marisa. Si Catia naman ay introvert. Isa itong computer genius. Samantalang si Amelia naman ay kakandidato yata na susunod na santa. Mahilig itong tumulong sa mga nangangailangan. Suki ito ng mga charity works ng Haven Foundation---ang Foundation ng kompanya na pag-aari ng Daddy niya at ng mga kaibigan nito, ang Haven Group of Companies.
“Ngayon ay kailangan mo akong sundin. Ikukuha na kita ng bodyguard---“
Doon lang nagtaas ng tingin si Marisa. “No, Daddy! Ilang beses ko bang sasabihin sa `yo na ayoko ng may sumusunod sa akin?”
Marisa values her freedom so much. Ayaw niya ng may nagsasabi ng tama at mali sa kanya. Ganoon pa naman ang experience niya sa mga naging bodyguard dati. She was a typical spoiled brat. Hindi naman niya itinatanggi iyon.
“I’m a big girl now. I can protect---“
Umiling si Ed Ferreira. “Paano mo nasasabi pa rin `yan sa kabila ng nangyari sa `yo? Hindi pa nahuhuli si Ricardo. Paano kung balikan ka niya?!”
“I know. But I’m really sorry, Daddy. Naiintindihan ko naman kayo. Mahal niyo ako kaya nag-aalala kayo sa akin. Pero kilala niyo na rin naman ako. I hate bodyguards.” Niyakap niya ang ama at hinalik-halikan ito. Kilalang-kilala na niya ito. Kahinaan nito ang pagiging sweet niya. Pagbibigyan rin siya ng ama.
“Haay, ang anak ko talaga…” Hinalikan rin siya ng Daddy. “Ano pa nga ba ang magagawa ko? You’ve got me around your finger. I love you so much…”
“I love you so much, too, Daddy…”
Mahal ni Marisa ang kanyang pamilya. Kaya hindi na rin niya gustong ipakita sa mga ito na nasasaktan siya dahil sa nangyari. Pinili niyang magbakasyon para makalayo muna sa mga ito.
Inilagay ni Marisa ang sun glasses sa mata niya nang maka-puwesto. Double purpose iyon---para huwag manakit ang mata at para maitago rin ang nag-uumpisa na magtubig na mata niya. Sa pag-alala nang mga nangyari sa kanya ay nasasaktan pa rin siya. Pero hindi rin naman siya masisisi. Masakit naman talaga ang nangyari sa kanya. Parang minahal lang siya dahil sa kayamanan niya. Babae pa man rin siya. Bukod roon, nagkaroon rin siya ng masamang karanasan sa hostage taking. Muntik na siyang mamatay roon.
Pero mabilis rin naman na nagkaroon ng dahilan si Marisa para tumigil sa pagmumukmok. May umagaw ng atensyon niya. At para makita nang mas malinaw ang something interesting na iyon, pati ang sun glasses niya ay mabilis rin niyang inalis. For a while, her eyes feasted on a man that is walking towards…her?!
Hindi na bago kay Marisa na may lalaking lumalapit sa kanya, lalo na sa beach. Mataas ang confidence niya. Alam niyang maganda at sexy siya. Kahit broken hearted siya, hindi rin iyon dahilan para pabayaan niya ang sarili niya. Right now, she was wearing a daring black two-piece swim suit that perfectly fit her perfect body. Gusto niya iyon. Sabihin ng vain siya pero sadyang mahal at alagang-alaga niya ang kanyang sarili. Madalas na binibigyan niya ng atensyon iyon. Pero sa ngayon, ang tanging gusto na lang niyang bigyang atensyon ay ang napakaganda rin na katawan ng lalaki.
Naka-suot ng simpleng itim na board shorts lang ang lalaki. Wala itong pang-itaas kaya kitang-kita niya ang maraming parte ng katawan nito. He has visible collarbone, broad shoulders and a chest that was firm and muscular. Nakikita rin niya na may abs ito. Medyo napaisip tuloy siya kung ano kayang pakiramdam na mahawakan noon. Pero mabilis rin naman na nawala sa isip niya ang tungkol sa abs nang matanaw niya ang V-Line nito. Nakagat niya ang ibabang labi nang makitang bakat na bakat iyon. It was her most favorite part of a man’s body.
Mainit ang paligid pero pinainit pa iyon lalo ng lalaki. Ilang beses na kinailangan ni Marisa na lumunok dahil pinaka-apektado ang kanyang lalamunan. Nawawalan iyon ng tubig. Muntik na rin niyang maibaba ang suot niyang sun glasses. This guy’s body is definitely a sin. He was devilishly gorgeous and it kind of hurt looking at him. Kung lalaki lang siya, malamang ay nakaalis na siya sa hinihigaan ngayon dahil sa insecurity.
But then, Marisa tried her best to look away. Nakakahiya siya. Hindi niya normally na ginagawa iyon. Siya ang babae. Maganda siya. Siya dapat ang nilalapitan at tinitignan.
“Hey, Marisa. Long time no see…” Bumalik lang muli ang atensyon ni Marisa sa lalaki nang magkatotoo nga ang hula niya na tinitignan rin siya nito.
Umangat ang isang kilay ni Marisa. “Huh? Kilala mo ako?”
Pinakatitigan ni Marisa ang lalaki. Nagka-amnesia ba siya? Paano niyang nakalimutan na may ganito pala siya kaguwapong kakilala?!
Stalker… Biglang pumasok sa isip ni Marisa. Hindi na rin naman bago iyon sa kanya. Pero kung ganito kaguwapo ang stalker, bakit ngayon lang niya iyon napansin?
Inilahad ng lalaki ang kamay kay Marisa. “Francis Valencia. Ring a bell now?”
Tinitigan ni Marisa ang kamay. Even his hands look good. Na-tempt siyang makipagkamay rito para lang malaman kung kasing tindi ba ng epekto sa kanya ng pisikal na anyo nito ang mararamdaman niya. Pero inuna muna niyang isipin ang pangalan nito.
Francis. Francis. Francis. Ilang beses na chant ni Marisa sa isip. Pero wala siyang maalalang kilala niyang Francis.
“I’m sorry but I’m not familiar with it. Sabihin mo nga sa akin, is it one of your tactics to catch my attention?”
Aminado si Marisa na naging physically attracted kaagad siya sa lalaki. But she was not an easy catch. Ilang beses na rin na naggawa sa kanya ang taktika na iyon. Kunwari ay magkakilala sila in person pero ang totoo, gusto pa lang talaga siya na kilalanin. Sa nangyari rin sa kanya, mabuti na rin na maging mapagduda siya.
“Why, Marisa. Hindi ko akalain na ang sweet na batang kalaro ko noon sa Safe Haven ay lalaking suplada pala ngayon…” Ngumisi ang lalaki.
Natigilan si Marisa sa dalawang dahilan. Una ay dahil sa naging reaksyon nito. The grin he did made him hotter in her eyes. It almost wins her heart. Sandaling ang nakakiliting paglikot lang ng puso ang nararamdaman niya. Ang pangalawa naman ay dahil sa binanggit nitong lugar. Iyon ay ang bahay ampunan kung saan tumira ang Daddy niya noong bata pa ito at madalas rin nilang puntahan, lalo na noong mga bata pa sila.
Pinili ni Marisa na mag-focus sa huling sinabi ng lalaki. And she was stunned again when it hit her.
“Ang sabi ko, cute ako. Alam ko na iyon. Ikaw rin, cute ka! Crush na kita!”
“Daddy, I want to play with him. He’s so cute!”
“Dito ka nakatira, Francis?”
“Kung ganoon ay kapag lumaki ka, kagaya ka rin ni Daddy?”
Isa-isang pumasok sa isip ni Marisa ang alaala nang unang pagkakilala nila ni Francis. His eyes, his nose and his cute smile…pareho pa rin iyon nang huling pagkakaalala niya sa mukha ng lalaki. Doon rin niya napatunayan na hindi naman pala dapat lahat ay kailangan na pagdudahan. Hindi siya binobola ng lalaki. Magkakilala nga sila.
Si Francis ang paborito niyang kalaro noong bata pa siya tuwing dumadalaw sila sa Safe Haven.
My, my, my… he grew up just a very fine man…
Napangiti si Marisa. Bata pa lang pala siya ay may taste na talaga siya.
FRANCIS tried to keep his cool. Kilala siya bilang ganoon. Kalmado lang siya palagi. Pero inisip na lang niya na kaya nawawala siya sa katauhan ay dahil mainit ang paligid. Bakit ba naman kasi napili ni Marisa na mag-sunbathe kung kailan tirik na tirik ang haring araw? At higit sa lahat, bakit napaka-daring naman ng suot nito? Pakiramdam tuloy niya dumo-doble ang init ng panahon habang tila masarap na ulam na nakahain sa harapan niya ang halos hubad ng katawan ng kababata.
Pero alam rin naman ni Francis na mali siya para sisihin si Marisa. Bilang isang International Model ay normal na siguro iyon kay Marisa. It was part of her life. Hindi niya trabaho ang sitahin ito dahil lang nahihirapan siya sa sitwasyon nila. Pero higit sa lahat, lalong hindi niya responsibilidad na maakit sa masasabi niyang childhood sweetheart niya.
But on the otherhand, no one can blame Francis. Normal lang siyang lalaki. Isang Diyosa si Marisa kaya talagang makakaagaw ito ng atensyon. Everything about her was perfect. Itim na itim ang buhok nito kagaya ng mata nito. Perpektong bumabagay rin sa heart shaped nitong mukha ang mahabang pilik mata, matangos na ilong at natural na pinkish na labi. And her body…those are the kind of bodies to die for. Makikita ang may kalakihan nitong dibdib, flat na tiyan at mahahabang legs sa suot nitong two-piece swimsuit. Sa ganda rin ng mestiza nitong kutis ay parang kahit lamok ay mahihiya na dapuan iyon. She was a real beauty. Nakadagdag sa kagandahan nito ang mixed nitong lahi. Pure Portuguese ang Mommy nito.
Siguro ay araw-araw na lang magdadasal si Francis na sana ay huwag siyang matukso. It was bad to mix business and pleasure, they say…
“Oh, Francis! Yes, naalala ko na ngayon…” Naging napakatamis ng ngiti nang kanina ay mapagdudang si Marisa. Tumayo pa ito para halikan siya sa pisngi. “Kumusta ka na?”
Muntik nang mapapikit si Francis nang sandaling magkalapit ang katawan nila ni Marisa. God, even her smell feels so good it stirred a sensitive part of him. Ngayon pa lang nakikita na niya na ang pagbabantay sa dalaga ang pinakamalaking misyon na kahaharapin niya sa buong buhay niya…
“I’m begging you, Francis. Please accept my offer. Ikaw lang ang nakikita ko na perfect na tao para magbantay sa anak ko.” Nagsusumamo na wika ni Ed Ferreira kay Francis. Nailigtas mula sa pagka-hostage si Marisa. Pero para sa ama ni Marisa ay naging dahilan lang iyon para mas mag-alala ito sa kaligtasan ng anak.
Bago pa ma-hostage si Marisa ay inalok na si Francis ni Ed Ferreira na maging bodyguard ng anak nito. Pero tinanggihan niya iyon dahil private job na iyon. Currently employed siya sa gobyerno na naghihintay lang ng susunod na assignment. Hindi siya puwedeng tumanggap ng kahit anong private job. Bukod pa roon ay sa America naka-base ang dalaga. Ayaw naman niyang umalis sa Pilipinas.
“Matigas ang ulo ni Marisa. Hindi niya gusto ng bodyguard. Kaya ikaw, bilang dating kaibigan niya ang gusto kong maging bodyguard niya. Magiging bodyguard ka niya na hindi niya alam. Papauwiin ko rin siya sa Pilipinas para hindi ka na mahirap. You will act as her friend but with also the reason of protecting her. Mag-a-undercover ka.”
“But Sir---“
“I have connections with the Government, Francis. Kung natatakot ka na mawala sa `yo ang trabaho mo ay kaya ko na solusyunan iyon. Just please accept my offer. Mahal na mahal ko ang anak ko. Hindi ko kakayanin kung mauulit pa ulit ang pangyayari na ito…
“You were once Marisa’s friend, Francis. I know deep inside you that you care for her. Even just a little. At alam kong nag-alala ka rin nang ibalita ko sa `yo na na-hostage ang anak ko. Naramdaman ko iyon sa boses mo. Kaya sana ay gawin mo ang inaalok ko na ito sa `yo. Kahit isa o dalawang buwan lang, habang hindi pa nahuhuli ang Ricardo na iyon. Hanggang alam ko kasi na malaya siya, hindi ako mapapakali para sa kaligtasan ng anak ko. Papasuwelduhin rin kita nang malaki sa trabaho na ito.” patuloy na alok ni Ed Ferreira. Nagsabi pa ito nang halagang pera na makukuha niya sa pagtatrabaho para rito.
Nalula si Francis sa alok na pera ng ama ni Marisa. Isang taong suweldo na niya iyon! Kapag naggawa niya ang trabaho ay sobra-sobra pa ang pera para sa kailangan niyang pera para sa kasal na gusto niyang ibigay kay Danica. And it will just take a month or so. Puwede pa nga na mas maikli.
Natukso si Francis. Naisip rin niya si Danica. Kung mapapabilis ang kasal nila ay hindi na ito magi-guilty. Hindi na nila kailangan na pigilan ang sarili sa mga tawag ng laman.
Ganoon pa man, isang malaking tukso rin naman si Marisa. Ah, wala talagang easy money sa mundo…
Lumunok muna si Francis bago sagutin si Marisa. “Ito, medyo nagtatampo sa `yo. We used to be each other’s favorite. Tapos ngayon ay nakalimutan mo na ako.”
Tumawa si Marisa. Mabilis na nawala ang pagtatampo ni Francis. Even her laughter was perfect. Para iyong napakagandang musika sa kanyang pandinig. “Hey, totoy na totoy ka pa noon. Isa pa, we lost communication…”
“Hmmm… Ang sabihin mo, sikat ka na lang ngayon kaya hindi mo na ako naalala.”
“So you’ve read things about me to know that I am famous now. Ngayon ay ako naman ang gusto na magtampo. Kilala mo pa rin pala ako. Bakit hindi ikaw ang gumawa ng paraan para magkita tayo ulit?”
“Life gets busy,” Nagkibit-balikat si Francis. Totoo naman iyon. Simula nang may mag-ampon sa kanya ay naging abala na talaga siya. Maraming patakaran sa bahay nila. Bukod pa sa gusto ng mga nag-ampon sa kanya na tutok lang siya palagi sa pag-aaral. Bihira lang rin siya magbukas ng social networking sites. Mas prefer niya na makipag-usap sa mga kaibigan niya sa personal.
Ganoon pa man, naghintay rin naman si Francis. Pero hindi rin gumawa ng unang step si Marisa. Inisip niya na nalimutan na siya nito. Hindi na sila nagkikita. Nasa ibang bansa na rin ito. Nalungkot siya pero sinabihan naman siya ng mga magulang na malilimutan rin niya ang babae. Mga bata pa sila. People come and go, ayon sa mga magulang.
Hindi man masasabi ni Francis na nalimutan na nga niya si Marisa pero hindi na naman siya nalungkot nang mawalan na nga sila ng contact. Nagfocus na lang siya sa bagong pamilya, pag-aaral at personal na mga naging kaibigan. Isa pa, naisip rin naman niya na nakakahiya kung ipilit niya ang sarili kay Marisa. Napakataas ng narating nito kung ipagkukumpara sa kanya. Malayo siya sa liga ng babae.
“Hanggang ngayon ba ay ganoon pa rin?”
“Hmmm… as of now ay hindi. Actually, I’m on vacation.”
Scripted ang impormasyon na ibinigay na iyon ni Francis. Tinanggap niya ang trabaho ng ama nito kaya officially ngayon ay bodyguard na siya ni Marisa. Pero hindi dapat malaman iyon ng dalaga. Kaya pinalabas nila na aksidenteng magkikita sila sa beach resort na iyon. Sinundan niya ang sasakyan ni Marisa nang malaman niya mula sa ama nito na umalis ito. Dahil pagbabakasyon rin ang gagawin roon ni Marisa, iyon ang naisip niyang dahilan para gawin rin sa resort. Mas mababantayan niya ito kung makakasama niya ito. That was also the usual undercover bodyguard’s do.
Hindi puwedeng maghinala sa kanya si Marisa. And even if it is hell being with her with a beauty like that, he have to deal with it.
“Oh, okay…”
“Ikaw, ano bang ginagawa mo rito?” Kunwari ay wala pang alam na wika ni Francis. Pero lahat ng impormasyon naman ay naibigay na sa kanya ng ama nito.
Marisa was healing a broken heart. She was a broken beauty. Kahit si Francis ay hindi rin makapaniwala. Paanong naggawa pang saktan ang isang babaeng kasing ganda ni Marisa?
Pero kagaya ng tanong sa isip ni Francis, hindi rin siya nakakuha ng sagot kay Marisa. Sa halip ay yumuko at lumayo ito sa kanya. Padapang humiga muli ito sa kaninang hinihigaan nitong beach bench. Nakatalikod ito sa kanya.
“Marisa?”
“Hmmm…”
“Okay ka lang ba?”
“Y-yeah,” maikling sagot lang nito pero mararamdaman na malungkot ito. He clearly knew she was lying. Hindi rin siya nito nililingon.
Naligalig si Francis. Wrong move. Halatang nasaktan niya ang babae sa tanong niya. At ang mahirap pa roon ay mukhang kapag pinatagal niya pa na ganoon ang sitwasyon ay mas masasaktan ito. Tirik na tirik ang araw. Siya nga na sanay na magpa-araw dahil sa training niya sa pagiging sundalo ay nanakit na ang balat.
“Hey, hindi kaya magka-sun burn o worst ay magkasakit ka sa pagpapa-araw mo na ito?”
Doon lang siya muling nilingon ni Marisa. Tinitigan siya nito na para bang may kailangan itong malaman sa kanya. Napakunot-noo tuloy siya, pero saka lang niya na-realize na mukhang nanghihimasok na pala siya sa buhay ng dalaga. Naalala niyang ayaw nga pala nito ng pinakikialaman ito.
Ugghh… Bakit ba naman kasi ako naging concern kaagad sa babaeng ito? Malaki na `yan. Alam na niya ang mali at tama para sa kanya.
Tumikhim si Francis. Pero bago niya pa maitama ang sinabi ay naunahan na siya ni Marisa.
“May sun block ako sa bag. Kung talagang concern ka sa akin, ikaw na mismo ang magpahid ng lotion sa katawan ko.”
Napaawang ang labi ni Francis. Alam ba ni Marisa ang sinasabi nito? Naiintindihan ba nito na lalaki siya at napakagandang babae nito? Even the thought of running his hands through her body made his blood boils…
Ah, tukso, layuan mo nga talaga ako…