EPIC fail. Iyon ang nangyari kay Marisa nang tangkain niyang mag-dive. She explored the beach resort as part of forgetting. Narating niya ang burol sa dulo ng beach shore. Hindi na iyon parte ng beach resort kung saan siya naka-check in. Pero wala siyang pakialam kung nag-tresspass na siya ng iba pang property. Wala namang tao roon.
Sa burol ay nakakita si Marisa ng diving spot. It immediately excites her. Isa sa mga paborito niyang gawin simula bata ay ang mag-swimming at mag-dive. Dahil rin doon kaya napilitan na lumipat ng bahay ang pamilya niya. Mayaman sila pero nangarap ang mga magulang niya ng simpleng pamumuhay. Simple lang ang bahay nila noon at walang swimming pool. Pero dahil sa kanya ay bumili ang mga ito ng mas malaking bahay---may swimming pool at may diving area pa iyon. It was one of her favorite hobby.
Matagal-tagal na rin na hindi nakakapag-dive si Marisa. Iyon rin ang naging dahilan kung bakit palpak ang pagkaka-dive niya ngayon. Nagkamali siya. Ramdam niya kaagad ang sakit ng katawan. Pero ang pinaka-mahirap sa lahat ay nang maramdaman niya na natanggal ang top ng two-piece swim suit niya.
Natuliro si Marisa. Hindi siya kaagad maka-ahon dahil na-conscious siya. Wala naman siyang nakitang tao sa diving spot. Pero ayaw rin niyang mag-take risks. Paano kung may nakatago lang at hindi niya napansin? Isa pa, kung hindi niya hahanapin kaagad ang natanggal na swim suit top ay lalo siyang mahihirapan na hanapin iyon. Mawawala iyon sa paningin niya. Wala pa man rin siyang kahit anong dala na Malong man lang para pagtakpan rin iyon kapag nakaalis na siya ng tubig.
Hinanap ni Marisa ang top sa dagat. Maliwanag naman kaya kita niya ang ilalim. Ang masama nga lang ay malalim iyon at papalubog ang kanyang top. Kailangan pa niyang lumangoy pailalim para makuha iyon. Mabilis ang pagkakalubog kaya medyo nahihirapan siyang habulin, lalo na at nanakit rin ang kanyang katawan dahil sa masamang pagkakabagsak.
Marisa almost successfully reached the top of her swimsuit when she felt something pulled her from the water. Sinubukan niyang magkakawag. Pero hindi natinag ang kung sino man na humawak sa kanya para maitaas siya sa tubig. Saka lang rin niya naggawang magsalita nang marating na nila ang beach shore. Mabilis rin niyang tinakpan ang kanyang dibdib. Pero muli, pinangunahan na naman siya ng taong nanira ng mga dapat niyang gawin.
“What the hell is into you, Marisa? Puwede kang malunod! Puwede kang mamatay sa ginawa mo! Nag-dive ka sa isang lugar na wala man lang katao-tao! May death wish ka ba?!”
Kung hindi nga lang conscious sa itsura ay pinamaywangan na ni Marisa ang nagsalita. Nakaharap na niya ito kaya nakilala na si Francis ang “nagligtas” kuno sa kanya. Bumangon ang pagkairita sa dibdib niya. Hindi niya gustong pinakikialaman siya.
Inirapan ni Marisa si Francis. “And you ruined everything! Paano ako babalik ng resort nito ngayong nilamon na ng dagat ang swim suit top ka?!”
“Anong---“ Napanganga si Francis nang makita ang itsura niya. Ang kaninang madilim na mukha nito sa galit sa akalang masamang ginawa niya ngayon ay namula.
“Hindi pa ako baliw! I might be broken---“ hindi itinuloy ni Marisa ang sasabihin. Oo, naging kaibigan niya si Francis noon. Pero sa tingin niya ay hindi ganoon kalalim ang pinagsamahan nila para aminin niya rito ang masamang nangyari sa kanya. Ma-pride siya. Ano na lang ang iisipin nito kung ang isang kaganda niya ay naggawa pang saktan? Baka isipin nito ay ang tanga niya sa pagpili sa lalaki. Isa pa, hindi naman kakuwento-kuwento ang mga ganoong bagay.
Hindi gusto ni Marisa na pag-usapan pa ang tungkol sa panloloko sa kanya ni Ricardo. It just brings back the pain. Iyon rin ang dahilan kung bakit pinanlamigan niya si Francis nang tanungin nito kung ano ang ginagawa niya sa beach. Inilayo niya ang sarili niya rito. Hindi na rin naman niya ito makausap nang mukhang naapektuhan yata ito sa panloloko niya rito.
Tumikhim si Marisa. “Marunong akong maglangoy. I’m not stupid.”
“I-I’m sorry. Nag-alala lang talaga ako.” His face and voice looks and sounds so sincere. Bumuntong-hininga ito, pagkatapos ay hinubad ang suot nitong T-shirt. Piniga muna nito iyon bago ibigay sa kanya. “Here. Take it. Para makabalik ka sa resort ng hindi nahihiya…”
Hindi na nag-alinlangan si Marisa. Mahihirapan sila kung pipilitin pa niyang hanapin ang swimsuit top niya. Bukod sa malalim na parte iyon, nawala na rin iyon sa paningin nila.
Tumalikod si Marisa kay Francis. Kahit modelo at aminadong liberated siya ay alam niyang mali kung hahayaan niyang makita ng lalaki ang pribadong parte ng katawan niya.
“Are you sure you are okay, Marisa? Nakita ko rin ang pag-dive mo kanina. Masama iyon. I’m pretty sure your body hurts.” Wika ni Francis nang maisuot niya ang damit at makaharap sa lalaki.
“Hmmm… so you are really concerned about me, huh? Bakit? At teka pala, paano mo nalaman na pumunta ako rito? Sinusundan mo ba ako?”
“Oh,” sandaling nagulo ang mukha ni Francis. Maya-maya ay nagkamot ito ng ulo. She didn’t know why but she found it cute when he did that. Para itong natotorpe na teenager at siya naman ay parang ganoon rin na kinikilig sa first crush nito. Nakaramdam siya ng paglikot sa tiyan niya.
Tumindi pa ang nararamdaman ni Marisa nang bumaba ang tingin niya sa hubad na katawan ni Francis. Kung kanina ay mainit ang ulo niya sa pakikialam nito, ngayon ay buong katawan na niya ang pinag-init nito.
God damn it! Hindi lang siya cute. Hot rin siya!
“Let’s say na ganoon na nga. Na-bother kasi ako nang bigla ka na lang manlamig sa akin. Nagdesisyon na lang ako na sundan ka.”
“Ang tagal na natin na walang komunikasyon, Francis. Parang nakakapagtaka naman na maging concern ka sa akin ng ganito…”
Kinuha ni Francis ang kamay ni Marisa. Bahagyang nagulat pa siya. Gusto niyang lumayo dahil parang nakuryente siya. Pero nang pisilin at binigyan siya nang matamis na ngiti ni Francis ay ang tanging naggawa na lang ng puso at katawan niya ay tumigil. She felt star-struck which is a bit weird. Dapat ay si Francis ang ganoon sa kanya. Siya ang celebrity sa kanilang dalawa.
“Paano kung sabihin ko sa `yo na gusto ko na ibalik natin ang naputol nating pagkakaibigan?”
Napakurap lang si Marisa. Ang tanging naiisip lang niya ay ang nararamdaman niya rito noong bata pa siya. Crush niya ito. At sa tingin niya ay unti-unting bumabalik ang nararamdaman niyang iyon sa lalaki…
HINDI mapakali si Marisa habang nakaharap sa whole-body mirror sa hotel room niya. Naka-ilang palit na siya ng damit. Nako-conscious siya sa itsura niya.
Hindi naman dapat ganoon. Marisa maybe vain but she was confident. Kahit suotan siya ng sako, alam niyang maganda pa rin siya. Kaya bakit siya nagugulo ngayon kung magugustuhan ba ni Francis ang get-up niya?
At teka, pakialam ba ni Francis sa get-up mo? Mukhang wala naman siyang pakialam sa kagandahan mo! sulsol ng isang bahagi ni Marisa.
Napabuntong-hininga si Marisa. Bakit nga ba ginagawa niya ito? Nagpapaganda siya para kay Francis samantalang mukhang wala naman na effect ang kagandahan niya rito? Dahil kung mayroon, bakit ni hindi man lang nito pinapansin iyon? Hindi nito pinatulan ang panloloko niya rito tungkol sa pagpahid ng sunblock kahit mayroon na naman siyang nailagay sa katawan. Wala rin siyang nakitang pagnanasa sa mukha nito nang malaman na nahubad ang top niya sa dagat.
Maybe he was just a gentleman, nasa isip ni Marisa. Pero naisip niyang hindi na rin naman iyon uso sa panahon kaya nahihirapan siyang paniwalaan.
“Ugghh! I hate this feeling!” wika ni Marisa. Hindi siya makontento sa dapat niyang isuot. Bukod pa roon ay nahihirapan siya na magdesisyon. Hindi rin kasi niya alam kung ano ba ang nararapat na isuot para sa isang day-hiking.
Kahapon ay nagkasundo sila ni Francis. Tinanggap niya ang pakikipagkaibigan nito. Ayaw naman niya na maging impokrita. Aminado na siya sa sarili na naging crush niya ang lalaki. She has nice feelings whenever she was with him. At iyon ang kailangan niya kaya naisip niyang makakabuti kung sasama na lang siya kay Francis kaysa maging mag-isa.
Niyaya naman siya ni Francis na libutin ang resort. Sabay silang kumain ng dinner at nag-swimming rin pagkatapos noon. At dahil naggawa na nila ang mga pangunahing activities sa resort, naisip ni Francis na iba naman ang kanilang gawin. Walang masyadong activities kasi na in-offer ang resort kaya naghanap na lang sila ng iba. Nag-suggest si Francis ng isang activity na madalas na dinadayo rin sa Batangas bukod sa beaches: hiking.
There’s always a first time for everything, nasa isip ni Marisa. Maarte siya pero open rin naman siya sa ilang bagay. Isa pa, matagal na rin niyang gusto na mag-hiking. Iyon nga lang, wala siyang mayaya na makasama. Wala siyang masasabing kaibigan dahil medyo may pagka-masama ang ugali niya. She was spoiled. Maarte at vain rin siya. Hindi rin siya close sa mga kapatid niya dahil magkakaiba sila ng hilig. Nunca rin na makakasama niya ang mga ito sa ganoon, lalo na si Catia. Bihira itong lumabas ng bahay. Samantalang si Amelia, matulungin man ay may pagka-lampa naman.
So it wasn’t bad to grab the opportunity being with Francis. Hindi naman siya nababahala kahit first time niya. May matindi siyang pakiramdam na hindi siya pabayaan ng lalaki.
Bahala na nga! Naisip ni Marisa. Nag-settle na lang siya sa isang pink sleeveless at stretchable black shorts. Nang lumabas siya nang kuwarto ay nagulat pa siya nang makitang naroroon si Francis. Naka-sandal ito sa pader habang naka-suot ang kamay sa dalawang bulsa sa gilid.
Tumaas ang isang kilay ni Francis. “Sigurado ka bang `yan ang isusuot mo para sa hiking?”
“Bakit? Masyado bang conservative?” Na-conscious muli si Marisa. Parang gusto niyang bumalik muli sa kuwarto para tignan ang kanyang sarili.
“What? Hell no! Napaka-daring niyan para sa isang hiking! Day-hike pa man rin ang pupuntahan natin.”
“Talaga? I thought this was so conservative. Ito na yata ang pinaka-mahabang short na mayroon ako, eh.” Napanguso siya.
“Don’t you have jogging pants?”
“Hindi uso sa akin `yun, eh.”
“Your skin might burn---“
Tumaas ang isang kilay ni Marisa. “Naikuwento mo sa akin na maraming puno roon. Isa pa, may baon naman akong sun block.”
“Pero delikado kung magsusuot ka ng ganyan. Puwede kang madapa, masugatan. Mas masasaktan ka kapag hindi matatakluban ang katawan mo ng damit.”
Napangiti si Marisa. “You are concerned about me.”
“Magkaibigan na ulit tayo `di ba? Natural lang na mag-alala ako sa `yo.”
“Hmmm…” Ngiting-ngiti pa rin si Marisa. There was something telling her that it was more than that. O iyon ay dahil gusto rin niya na umasa na may gusto sa kanya si Francis? She likes the way he was concerned for her. “Hindi mo naman ako pababayaan `di ba? And besides, I can afford to have surgeries if ever my skin will be damaged.”
“Yes. But prevention is better than cure.”
“Whatever. I’m comfortable in these clothes…” nagkibit-balikat si Marisa.
“But I’m not,” mahina lang iyon pero umabot iyon sa tainga ni Marisa. Pero bago pa siya makapag-react ay bumuntong-hininga si Francis. Kinuha na rin nito ang bag niya. “Tara na nga lang,”
Dapat ay makonsensya si Marisa. Hindi ba at kanina ay pino-problema niya kung magugustuhan ni Francis ang isusuot niya? Ngayon ay nalaman niyang hindi. Hindi rin appropriate ang suot niya para sa mountain hiking ayon sa lalaki. Pero sa halip, natutuwa siya. Alam niyang hindi nagustuhan iyon ni Francis pero pumayag na rin ito. Ibig sabihin lang noon, na-handle nito ang kaartehan niya.
Naalala ni Marisa ang sabi ng Daddy niya. If a man can handle you at your worst, he’s the one.
Nakaramdam ng kilig si Marisa sa isipin na si Francis na nga ang kanyang the one. Not bad kung tutuusin. Guwapo si Francis. Mahahalatang mabait rin ito. Pero naisip niyang kailangan rin niya na tigilan ang pag-iisip sa lalaki. Broken hearted pa siya `di ba? Hindi naman niya gustong maging rebound ito.
May sasakyan si Marisa pero pinili ni Francis na ang sasakyan na lang nito ang gamitin nila. Masyadong mamahalin raw ang sasakyan niya at mahirap iwanan iyon sa pampublikong lugar. Baka mapag-initan iyon at masira. Hindi rin appropriate sa rocky road na dadaanan nila papunta sa starting trail ng bundok na aakyatin nila.
Hindi kasing ganda at komportableng sakyan kagaya ng Porsche niya ang Second-hand Toyota Hi-Lux car ni Francis. Pero keri na dahil nagana ang aircon at safe rin naman sila na nakarating sa starting trail. Kumuha rin sila ng tour guide dahil required rin iyon. But Francis thought it’s a bad idea.
“Hmmm… ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit,” wika niya rito. Mabait naman ang guide. Panay pa nga ang alalay nito sa kanya. Hindi active ang lifestyle niya kaya ilang beses siyang muntik ng madulas at madapa. Mabato kasi ang trail.
“She was staring at you like you are the best food in a feast,”
“What?” Natatawang wika ni Marisa. Sinabayan siya ni Francis sa paglalakad. Pinigilan rin nito ang tour guide sa muling pag-alalay sa kanya. Pinauna ito ni Francis. Ang lalaki mismo ang umalalay sa kanya sa pagkakataong iyon kahit trabaho na iyon ng guide.
“Kasalanan mo kasi ito. Dapat hindi ka nagsuot ng ganyan! Men are clearly lusting over you. Naapektuhan sila sa suot mo.”
“Hmmm… at ganoon ka rin ba, Francis?”
Napatigil si Francis sa sinabi niya. Nagkibit-balikat si Marisa.
“Wala akong nakikitang masama kung hindi ka naman ganoon, Francis. Iba-iba ang mga tao. That guy could be a maniac. Other guys could be a gentleman like you so I think it’s okay.”
“You are so beautiful, Marisa. Hindi mo maalis sa mga lalaki ang maakit sa isang kagaya mo.”
“Hindi ganoon ang kailangan kong sagot. Tell me, Francis. Pinagnanasaan mo rin ba ang katawan ko kagaya ng ginagawa ng tour guide na iyon?”
Naglihis ng tingin si Francis. “I-I have a girlfriend, Marisa.”
Si Marisa naman ang natigilan. Matagal-tagal rin siyang hindi nakapag-react. Uggh! Kaya naman pala walang pakialam sa physical appearance ko ang loko. Loyal sa girlfriend.
Tumikhim si Marisa. “I see…”
Nauna ng maglakad si Marisa kay Francis. Pinilit na lang rin niya na i-focus ang atensyon sa pag-akyat kaysa ang magpa-cute kay Francis. Balewala na rin naman iyon dahil wala siyang mapapala sa isang kagaya nito. Nagpakabait na lang rin siya. Hindi siya nagpatulong sa tour guide para walang masabi ang kanyang “kaibigan”. Tinatagan niya ang katawan niya.
Mahirap ang pag-akyat sa bundok. May ilang beses na gusto na niyang magpa-iwan na lang. Pero worth it lahat ng iyon nang maabot nila ang summit ng bundok na inakyat.
“It was so beautiful. It was breathtaking…” Sa una ay halos mapanganga lang si Marisa sa ganda ng lugar.
Doon lang narinig ulit na nagsalita ni Marisa si Francis. “Hmmm… Sabi na at magugustuhan mo ito. Sa lahat ng napuntahan kong bundok, ito ang pinakamaganda ang view…”
“Para akong nasa tuktok ng mundo. Ang sarap sumigaw,”
Ngumiti si Francis. “Then shout. Tayo lang naman ang tao rito,”
“Hmmm…” Sandaling napaisip si Marisa. Alangan na araw ngayon kaya sila nga lang ang umaakyat ng bundok.
Napapikit si Marisa. Tanging ang masamang nararamdaman ng kanyang puso lang ang gusto niyang isigaw ngayon. Gusto niyang pakawalan iyon. “Walang Forever!!!”
Tumawa si Francis sa sinabi niya. “Bitter much?”
Hindi pinansin ni Marisa si Francis. Siguro nga ay bitter siya. Pero hindi naman iyon masama `di ba? Kahit ang mga gamot ay bitter. Pero sa huli, it will make you feel better.
Sumigaw pa si Marisa. Inilabas niya lahat ng hinanakit niya sa nangyaring trahedya sa buhay niya nitong nakaraan. Hindi na rin niya naggawang mahiya. Hindi naman siya nagpapa-impress kay Francis para mahiya. And besides, it feels great now that she had let out her feelings even just in words…
“Umiiyak ka na. Tama na,” Naramdaman ni Marisa ang pagyakap ni Francis sa kanya.
“I can’t believe I’m doing this. Ang hirap rin na paniwalaan na nangyari sa akin ang lahat ng iyon…” Doon rin naramdaman ni Marisa na tumutulo na nga ang luha sa kanyang mga mata.
“Hush…lahat tayo ay nakakaramdam ng sakit, Marisa. It’s normal. This is normal.”
Pagak na natawa si Marisa. “Hindi ko deserved ang lahat ng ito. Marami ang tumitingala sa akin. Most people told me I am a Goddess. I’m so beautiful to be hurt like this…”
“Alam ko. Pero sabi nga nila, a beautiful thing is never perfect…” wika ni Francis sa kanya at patuloy na hinahagod-hagod ang likod niya.
Napatingala si Marisa sa nakayakap sa kanya na si Francis. Tumatak sa utak niya ang sinabi nito.
May lungkot pero naggawa muling ngumiti ni Francis. “Walang perpekto sa mundo. Perfection is just a concept, but it’s not reality. Maaaring tingin mo at ng mga tao na perpekto ang buhay mo, beauty, looks, brain, a successful career---pero lahat tayo ay hindi makakaiwas sa sakit. Parte na iyon ng buhay. Life is full of challenges. Pero ano ka ba? Sino ka ba? Ano ang tingin mo sa sarili mo? Matapang ka, Marisa. Believe that your faith in yourself and to your God is strong enough to get through these challenges…”
Natulala si Marisa kay Francis. Nagustuhan niya ang sinabi nito. What Francis said was perfect. He is perfect. Pero ganoon pa man, tama rin si Francis. Walang perpekto sa mundo dahil mali siya para kay Francis. Gustuhin man niya ang lalaki ay hindi sila puwede. May girlfriend na ito. Kaya naman kahit gumaan ang loob niya sa naging paliwanag nito, may naramdaman pa rin siyang sakit roon. Nanghihinayang siya.
Sayang.
SANDALING nag-alinlangan si Marisa kung ano ba ang magandang bilhin. The pink one or the red one? Pareho niyang gusto ang kulay pero pareho lang rin naman ang design ng bag. Tinignan niya ang presyo ng bag. Twenty thousand pesos each. Napailing-iling si Marisa. Ano ba ang nangyari sa kanya at nag-alinlangan pa siya sa pagbili noon? Barya lang ang presyo ng bag para sa kanya.
“I’ll take this both. Thank you,” wika ni Marisa sa Sales Lady na kanina pa sunod nang sunod sa kanya.
Pagkatapos bayaran ang binili na bag ay nagpunta siya sa iba pang shop. She was in the mood to shop today. Pakiramdam niya ay matagal-tagal na rin simula nang makapag-shopping siya. Two weeks ago, she thinks? Masyado na nga na matagal iyon. Shopping was her favorite hobby. Hindi siya nakakatagal ng isang linggo na hindi ginagawa iyon. Kaya tama lang rin na gusto siya ng doble kaysa sa normal. She already missed a week of it.
Nakabalik na si Marisa sa Maynila. Nasa Maynila rin ang Daddy niya at sa pagkakaalam niya ay uuwi rin mula sa ibang bansa ang dalawang kapatid at Mommy niya sa Pilipinas. Malapit na kasing mag-birthday ang Daddy niya. He told her he would celebrate his birthday in the country. Protocol na sa pamilya na kapag mayroong may birthday sa kanila ay present silang lahat. Pero ganoon pa man, sa kasalukuyan ay sa sariling condominium unit muna sa Pilipinas tumutuloy si Marisa. Gusto niya pa rin na mapag-isa kahit papaano. Pumayag naman ang Daddy niya, basta daw ay babalik siya in time para sa birthday nito.
Masama pa rin ang lagay ni Marisa kaya ayaw pa sana niyang bumalik sa piling ng pamilya. Pero hindi na dahil sa ginawa sa kanya ni Ricardo. Pagkatapos niyang maisigaw ang lahat ng nararamdaman rito sa bundok ay hindi na niya ito naiisip. Ang taong madalas na lang na umookupa ng puso niya ay si Francis.
Kumusta na kaya ang lalaki?
But then, mali rin iyon. Hindi niya dapat iniisip si Ricardo pero mas lalong hindi si Francis. Iyon nga ang dahilan kung bakit pinili niya na lumayo sa lalaki. Umalis siya ng Batangas ng walang paalam rito.
Magkaibigan lang sila ni Francis. May girlfriend ito. Kaya bakit gusto niyang isipin na perpekto ang lalaki? Isa pa, hindi ba at kinikilig rin siya rito? Napakaraming mali. Kakadaan lang niya sa isang heartbreak. Kung ilalapit niya ang sarili sa dating crush at crush ulit niya, masasaktan lang ulit siya. Hindi niya kailangan ng bagong heartbreak sa ngayon.
Napailing-iling muli si Marisa. Tama lang talaga na mag-shopping siya. Kailangan niyang i-divert ang attention niya sa ibang bagay. Pero sa huli, may nakita rin na mali si Marisa sa ginawa.
Mali si Marisa ng mall na napuntahan. Dahil nakita niya ulit ang lalaking iniiwasan niya: nakabangga niya sa mall si Francis!
“Marisa!” Namimilog ang mata ni Francis. “Good to see you again,”
“H-hi!” Napalunok muna si Marisa bago magsalita pero pumiyok pa rin siya. Shit, ano ba ang mayroon at palagi kaming nagkikita? Destiny ba ito?
Uggh! Be still, my flirt heart.
Ngumiti si Francis at lalo lang na hindi nakinig ang puso niya. It became more alive. Sinabayan pa iyon ng mga paru-paro sa tiyan.
“I guess, gumagawa talaga ng paraan ang tadhana para magkita ulit tayo.”
Tadhana. Seryoso ba ang lalaki sa binibitawan nitong salita. Haay, Francis, puwede ba?!
Pinilit na ngumiti ni Marisa. “Siguro ay mas magandang sabihin na coincidence. I got to go now. Bye!”
“Wait!” Hinawakan ni Francis ang kamay niya. “Mukhang mag-isa ka lang. Mag-isa lang rin ako ngayon. Do you mind if I join you?”
“Ahmm… Francis, I don’t think it’s a good idea.” Napabuntong-hininga si Marisa.
“Bakit naman? We’re friends naman. What I think is not a good idea ay noong umalis ka na lang basta sa resort. Hindi ka man lang nagpaalam sa akin.”
“Gusto ko na mapag-isa.”
“You are broken-hearted, Marisa. Alam ko na ang tungkol doon dahil sa mga sinabi mo sa bundok. At sa tingin ko ay hindi makakabuti para sa `yo na mapag-isa. Kaya hayaan mo ako na samahan ka.”
Umiling pa rin si Marisa. “Wala ka bang trabaho, Francis? Isa pa, bakit ba parang gustong-gusto mo akong kasama? Mamaya ay pagselosan pa ako ng girlfriend mo.”
Sandaling natulala at natawa sa kanya si Francis. “Don’t worry about my job. Naka-leave ako sa trabaho dahil kapareho mo ay pinagdaraanan rin ako. Isa pa, malabong magselos ang girlfriend ko. She’s not with me right now,”
Lumakas ang tibok ng puso ni Marisa. “A-anong ibig mong sabihin?”
“Malabo ang relasyon namin ngayon. She asked for a cool-off. Masama ang loob ko tungkol roon kaya kagaya mo, pinili ko rin na magbakasyon.” Bumuntong-hininga si Francis. “I need a company right now, Marisa.”
Napakurap si Marisa. So, pareho pala silang broken hearted pala ng lalaki? Well, hindi pa nga lang wasak ng tuluyan ang kay Francis. But then, they almost feel the same thing.
Hmmm… would it really be a good idea na sumama siya rito? Sure, she’d love to be with his company. Pero at risk naman ang puso niya sa lalaki.
But what would life be if we had no courage to attempt anything?
Sa huli, natagpuan rin ni Marisa na inaabot ang pinamili kay Francis. “Bahala ka na nga!”
Nagkaroon ng liwanag ang mukha ni Francis at mabilis rin na nahawa roon si Marisa. This might be danger. Pero bakit nag-e-enjoy siya?
Sinamahan ni Francis si Marisa papunta sa mga paborito niyang shops. Maganda ang ngiti nito at nahawa rin siya. Dahil gumanda ang mood, mas marami siyang napamili kaysa sa normal.
“The shoe is available on color blue, violet, red, pink, brown and black. What color would you want to have, Ma’am?” tanong ng sales lady sa pangatlong shoe store na napuntahan nila.
“I’d get them all,” simpleng wika ni Marisa. She instantly loves the design of the shoe.
Nagningning ang mata ng Sales Lady. Si Francis naman ay napailing-iling. “Unbelievable,”
Nginisian lang ni Marisa si Francis. Sa ngayon ay may hawak-hawak na itong sampung paper bag. Pero wala siyang naririnig na reklamo sa lalaki. Ang komento nito ngayon ay dahil lang sa mga pinamili niya. Sa tantiya niya ay umabot na ng mahigit sa dalawang daang libo ang mga pinamili niya ngayon.
Unbelievable, iyon rin naman ang komento ni Marisa kay Francis. Hindi si Francis ang unang lalaki na nakasama niya sa pagsa-shopping. May mga naging boyfriend siya dati na nag-alok na samahan siya. Pero sa huli ay naasar lang sa kanya. Kung maarte siya sa katawan, maarte lalo siya sa gamit. Matagal siyang mamili. Kahit ang Daddy niya ay hindi niya mapasama sa kanya sa pagsa-shopping. Naiinip ito sa kanya.
Pero iba si Francis. Malayo ang lalaki sa mga dine-date niya. Mahahalata naman na hindi nito naabot ang minsan na ipinangako nito sa kanya dati: ang maging kasing yaman at kasing matagumpay sa buhay ng Daddy niya. Wala pa siyang nakaka-date o naging boyfriend man lang na wala sa glamoroso na mundo na ginagalawan niya. Pero hindi naman matapobre si Marisa. Alam niyang ganoon rin ang kanyang pamilya. Ang ugali ang unang tinitignan ng mga ito sa mga boyfriend o kaibigan man lang niya. At naniniwala siya na approved iyon sa pamilya niya. Mabait si Francis. Hindi rin naman ito ganoong kahirap. Nalaman niya na inampon ito ng isang General. Sundalo rin ito na naka-leave lang ngayon. At ang pinakamahalaga, he can handle her in her worst.
“Pumunta muna tayo sa parking lot. Masyado ng marami itong pinamili mo. Ilagay muna natin sa kotse.” Wika ni Francis nang makalabas na sila ng shop.
Kinuha ni Marisa ang susi sa bag niya. “Ikaw na lang ang maglagay sa kotse. Balikan mo na lang ako dito sa shop,”
Nakita ni Marisa ang paborito niyang jewelry store. Nasabik siya nang makitang may mga bagong designs roon.
“No. Samahan mo na ako,”
“Hmmm… Afraid to go alone?”
“Let’s just say, I’m afraid to let you out of my sight…” Kinindatan pa siya ng lalaki.
Kung wala lang talaga na girlfriend si Francis, naglupasay na si Marisa sa kilig. What are you doing to my heart?! “Haay, binanatan pa ako! Sige na nga.”
Tumawa si Francis. Sabay silang nagpunta sa parking lot. Nang mailagay ang shopping bags sa kotse ay inakbayan siya ni Francis. Bahagyang nagulat pa siya sa ginawang iyon ng lalaki.
“Friends do this, right?” nakangiting wika ni Francis nang tumingin siya rito.
Close friends do, gustong itama ni Marisa. Sa tingin niya, hindi pa naman sila ganoong ka-close ni Francis para gawin nito iyon. Parang kay tagal na nilang magkaibigan. Para silang magkabarkada. Pero hindi rin naman masaway ni Marisa ang lalaki. Naging malapit ang katawan nila sa isa’t isa. She can smell the musky scent of his body. Lumakas ang tibok ng puso niya. For a while, ang tanging gusto na lang niyang gawin ay ang makulong sa kamay nito. Sa pagkakakbay nito sa kanya ay parang nakayakap na rin ito. It feels so good.
Bumalik sila Francis at Marisa sa loob ng mall. Itinuloy niya ang pagsa-shopping at nanatiling mahaba ang pasensya ni Francis. He seems to be okay just to be with her.
Halos buong araw na nakangiti si Marisa. Na-enjoy niya na kasama si Francis kahit may isang bahagi pa rin na nababahala sa nararamdaman. Mali na ilapit niya ang sarili rito. Maaari siyang masaktan.
Nawala lang ang ngiti ni Marisa nang maghiwalay na silang dalawa. Bahagyang nalungkot siya.
Naisip niya kung magkikita pa ulit sila. She liked the idea. But wait, ano ba itong pumasok sa isip niya. She was looking forward to see him again?
Haay, that’s the trouble. Natatakot siya na dumating ang araw na palagi niyang i-demand ang isang bagay na hindi naman sa kanya.
KINABUKASAN ay maganda ang mood ni Marisa. Naisip niyang puntahan ang kanyang Daddy. Wala rin naman siyang maggawa. Hindi siya puwedeng magmukmok. Mas maalala lang niya ang problema niya. Sa tingin rin niya ay medyo maayos na ang lagay niya ngayon. Makakaya na niyang harapin ang pamilya. Isa pa, nami-miss na rin niya ang Daddy niya. Sa pamilya, ito ang pinaka-close sa kanya. She was his eldest kaya espesyal siya sa ama. Mahal na mahal rin naman niya ang kanyang Daddy. Spoiled siya rito.
Naisip rin ni Marisa na sorpresahin ang kanyang Daddy kaya hindi na siya nag-abala na tawagan ito. Mahilig rin ang Daddy niya sa sorpresa. Nang makarating siya sa bahay ng pamilya nila sa Maynila kung saan palagi itong tumitigil ay hindi naman sayang ang kanyang ginawa. Nasa garden daw ng bahay ang kanyang Daddy ayon sa napagtanungan. Dumiretso siya roon.
Ibinaba ni Marisa ang gamit sa isang upuan. Nakita kaagad niya ang Daddy niya. Tahimik na naglakad rin siya papunta rito. May kausap ito sa cell phone at nakatalikod sa kanya kaya hindi siya nito nakita. Balak sana niya na takpan ang mata nito mula sa likod bago siya magpakita rito.
“Anong hindi mo nasundan si Marisa ngayon? Paano kung may kalokohan na naman na gawin ang batang `yan? Paano kung may mangyaring masama sa kanya?! Kailangan mong sundan siya. It was your responsibility as your bodyguard.”
Ang seryoso at galit na boses na iyon ng ama ang nagpatigil kay Marisa sa planong sorpresa. Sinong kausap ng kanyang Daddy? Pinapasundan ba siya nito? At ano ang bodyguard na narinig niya?
Hindi naman ilang beses na pinasundan siya ng kanyang Daddy. Aminado naman siya na marami siyang kalokohan. Matigas ang kanyang ulo. Ilang beses na giniit sa kanya ng Daddy niya na kailangan niya ng bodyguard, lalo na sa estado ng pamilya nila. Pero palaging nangingialam ang mga iyon sa gusto niya kaya madalas na tinatakasan niya. Hanggang sa magsawa na rin ang kanyang Daddy at hindi na kumuha pa.
O iyon ang akala niya. Mukhang mayroon siyang bodyguard pero hindi niya alam. Sino naman kaya iyon?
Nagpatuloy ang si Ed Ferreira sa pagsasalita. “Francis, hindi puwedeng mawala sa paningin mo si Marisa. Hindi ko kayang malaman at makita na nasasaktan ulit siya. Please guard her properly.”
Napakurap si Marisa. Parang bumagsak ang buong mundo niya. Francis? Guard her properly?!
Si Francis ang bodyguard niya?! Nagpapanggap ito all along?
Sa sorpresa ni Marisa, siya pa pala ang mas masosorpresa. Hindi siya binalikan ni Francis dahil gusto nitong makipagkaibigan. Binalikan siya nito para bantayan siya. At utos iyon ng kanyang ama!
Kaya pala ganoon na lang ka-pasensyoso ang loko. Trabaho pala siya. At anong tanga niya para mag-isip na destiny pa ang dahilan kung bakit sila nagkikita? Iyon pala ay sinusundan talaga siya nito kaya palagi silang nagtatagpo. Pero higit sa lahat, ang puso ni Marisa ang pinakatanga. Nag-umpisa pa iyong tumibok sa maling tao.
Tunalikod si Marisa. Hindi niya gustong makita na ngayon ang ama. Napakasama ng loob niya. Umalis siya ng bahay na hindi man lang nagpapalaam sa kanyang ama.
Naningkit ang mata ni Marisa nang tuluyang makaalis ng bahay. Kumuyom ang kamao niya.
Kaibigan pala, Francis, ha?! Pagod na akong maloko kaya humanda ka!