International Billionaires Batch 2: The Wannabes Series 1 - 4 Chapter 24

PAIYAK na si Sophie nang dumating ang mag-asawang Nikos at Irene Afinidad. Wala pa rin na malay si Nicollo kahit nasa ospital na. Natignan na ito ng Doctor. Nakapag-scan na rin at wala naman daw problema. Dala pa rin ng aksidente na kinasangkutan nito ilang buwan na ang nakalilipas kaya nawalan ito ng malay. Kapag daw nagising si Nicollo at maayos naman ang pakiramdam ng lalaki, puwede na rin silang lumabas.

“I’m so sorry, Sir.” Nakayukong wika ni Sophie.

Hinawakan ni Irene Afinidad ang likod niya. “It’s okay. `Wag ka ng mag-sorry. Maayos naman si Nicollo `di ba?”

Napatingala si Sophie sa mag-asawa. Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa. Ilang beses rin siyang napakurap. “Sigurado po kayo na okay lang sa inyo ang lahat?”

Tumango ang mag-asawa. “If it’s not because of you, hindi rin namin malalaman ang lagay ni Nicollo.”

“Pero dalawang oras ko rin po siya na napabayaan…”

“But what’s important is that you didn’t waste a minute when you knew his condition.” Wika ni Sir Nikos. Tumingin ito sa anak. Nakita niya ang lungkot sa mukha nito. “Kung hindi ka rin naman niya pinagsarahan ng pinto, sana ay alam mo na ang lagay niya ngayon. May kasalanan rin si Nicollo sa lahat…”

Nakahinga nang maluwag si Sophie. “Thank you po for understanding.”

“Napapagod na rin ako, Sophie. Mahal ko ang anak ko. Ayaw ko siyang pabayaan. Pero ayaw rin naman niyang magpaalaga. Nasasaktan ako. At alam kong kayo na susubok na gagawin iyon ay masasaktan rin. Ang mahalaga sa akin ay hindi ka naman susuko `di ba?”

Tumango si Sophie. Wala rin naman siyang choice.

Tumunog ang cellphone ni Sir Nikos. It was a call. Sinagot nito iyon. Nang matapos ang tawag ay tumingin ito sa asawa. “Magsisimula na ang game ni Nyke.”

“Pero hindi natin puwedeng iwan si Nicollo sa ganitong lagay…”

Tumikhim si Sophie. “Sabi ng Doctor ay puwede na pong maggising si Nicollo anuman na oras ngayon.”

“Good.” Komento sa kanya ni Sir Nikos. Tumingin ulit ito sa asawa. “But it will also be better if we go now. Kapag nakita tayo dito ng anak mo, iisipin na naman noon na kinaawaan natin siya. Ayaw noon nang binibisita kapag may sakit siya `di ba? At nandito na si Sophie. Kaya na niyang alagaan si Nicollo.”

“Pero---“

Inilagay ni Sir Nikos ang kamay sa balikat ng asawa. “Maraming buwan na nakay Nicollo lang ang atensyon natin. Pagbigyan naman natin ang iba pa nating anak. Baka magtampo na ang mga iyon. Kailangan rin nila tayo.”

Napapayag rin ni Sir Nikos ang asawa. Naiwan na ulit siya sa hospital room ni Nicollo. Pero kahit hindi man siya matatanggal sa trabaho ay kinakabahan pa rin siya.

Gustong maging positibo ni Sophie na makaka-survive siya. Wala naman kasi siyang choice. Kung hindi niya tatatagan ang loob niya, mas mahihirapan lang siya `di ba? Kailangan siya ng pamilya niya. Gusto niyang suklian ang mga ginawa sa kanya ng mga magulang niya kahit pakiramdam niya ay kulang iyon.

Tumingin si Sophie kay Nicollo. Kung hindi nga lang siya nasabihan at hindi rin naka-first base sa pagiging masungit nito, maniniwala pa rin siya na ito ang dating Nicollo na minsan na nakilala niya. Mabait ito. Mukha rin itong anghel habang natutulog.

Payapa ang itsura ni Nicollo. Pero ewan ba ni Sophie kung bakit nakaramdam siya ng kabaligtaran na pakiramdam habang tinitigan niya ang lalaki. Lumakas ang tibok ng puso niya. Hmmm… was it a sign that she was attracted to the man?

Well, hindi rin naman masisisi si Sophie. Guwapo naman talaga si Nicollo. Maganda ang memory niya kaya naalala niya pa ang itsura nito nang una ulit silang magkita. He has hooded eyes and pointed nose. Kayumanggi rin ang balat nito at bagay iyon rito. He looked so manly.

Kamukha ito ni Sir Nikos---tall, dark and handsome.

Dalawa lang ang nakikitang imperfection ni Sophie kay Nicollo: ang ugali nito at ang may kahabaan rin na peklat sa mukha nito. Sa tingin niya ay nakuha nito iyon dahil sa aksidente.

Pero puwede naman na mabago iyon. Mayaman si Nicollo. Kung gugustuhin nito, puwede itong magpa-surgery para alisin ang peklat na iyon. Ang ugali nito, well, gusto niyang umasa na mababago rin iyon.

Bago pa lang kay Nicollo ang lahat. Hindi naman ganoon kadali na tanggapin ang isang trahedya na kinasangkutan nito, lalo na at malaki ang naging damage.

Kailangan lang na maniwala ni Sophie sa power of patience.

Maya-maya ay nagmulat na ng mata si Nicollo. Hindi na niya dapat ikagulat iyon dahil nasabihan na naman siya ng Doctor. Pero mas lalo pang lumakas ang tibok ng puso ni Sophie. Parang nangatog rin ang tuhod niya.

But Sophie wanted to think it is because of Nicollo’s expression. Madilim ang mukha at mga mata nito.

“So you are back…”

Nagpaka-positive si Sophie. Keep calm, my heart. “Uy, naalala mo ako!”

Umingos si Nicollo. “I may have some brain injuries but my memory is perfectly fine. Ikaw siguro ang hindi nakakaalala. Pinagsarahan na kita ng pinto. You should know that I don’t want you to involve in my life. Get out of here!”

Umiling si Sophie. “I’m your personal caregiver.”

“Hindi kita kailangan. Hindi ko kailangan ng kahit sino sa buhay ko.”

Lumabi si Sophie. “Ang bitter mo naman.”

“You don’t know me. You don’t know my life and what I’ve been through.”

Nagkibit-balikat si Sophie. “Well, hindi naman kita masisisi na ang bitter mo. Sabi nga nila, it’s okay to be bitter because even medicine taste bitter, but in the end, it will make you better. Pero ikaw ang bahala kung paano mo talaga ite-take ang trahedya na pinagdaanan mo. Simple lang naman ang lahat. It’s either you get bitter or get better. Anong pipiliin mo? Will you deal with it to make you a better person or let the tragedy tear you down? Pag-isipan mong mabuti. Hindi lahat ng bagay ay nakatadhana. A lot of choices will belong to you…”

Natahimik si Nicollo sa litanya ni Sophie.

IT’S EITHER you get bitter or get better. Anong pipiliin mo? Will you deal with it to make you a better person or let the tragedy tear you down?

Paulit-ulit na naglalaro sa utak ni Nicollo ang mga sinabi sa kanya ng bago niyang personal caregiver. Nakalabas na siya ng ospital. Maayos na rin ang pakiramdam niya, but not totally. Paano, naging mapilit si Sophie. Nakatira ito sa apartment na pagmamay-ari niya.

Hindi na dinalaw si Nicollo ng kapatid na si Illeana pero may pumalit naman na bagong makulit. Naasar si Nicollo pero wala rin naman siyang naggawa. Natakot rin siya para sa sarili niya.

Ito ang unang beses na nawalan ng malay si Nicollo sa bahay. Nasabihan na naman siya ng Doctor na may posibilidad na puwedeng mangyari iyon sa kanya at ang mga pananakit ng ulo. Pero binalewala lang niya ang lahat. Nawalan na siya ng pag-asa sa buhay. Nawalan na siya ng pakialam kung mamatay man siya. Parang gusto nga rin niya iyon.

Sumabog ang sasakyang sinasakyan niya ilang buwan na ang nakalilipas. He became comatose for months. Marami rin siyang sugat na tinamo sa kanyang katawan. Nagkaroon rin siya ng mahabang peklat sa mukha.

Naghihilom na ang sugat ngayon ni Nicollo. Pero may mga epekto pa rin ang trahedya. Isa nga roon ay ang palaging pananakit ng ulo niya at puwede rin siyang magkaroon ng occasional blackouts kagaya ng nangyari kahapon. Napuruhan kasi ang ulo niya sa pagsabog. Sa lakas ng pagsabog, tumalsik siya sa kotse niya.

Physically, masakit at mahirap talaga ang pinagdaanan niya. Pero para kay Nicollo, ang pinakamahirap ay ang pinagdaanan niya emotionally.

Mas masakit pa sa mga sugat na nakuha ang balitang nalaman niya nang magising siya: nakipaghiwalay sa kanya ang girlfriend na si Giselle. Ang masama pa, ipinagpalit siya nito sa kaaway niya sa negosyo na si Steven Smith.

Mahal na mahal ni Nicollo si Giselle. Anak ito ng isa sa mga pinakamagaling na business man sa New York. Maganda at matalino rin ito. Galing rin ito sa isang respetadong pamilya. Limang taon na rin ang relasyon nila. Balak na nga niyang pakasalan ito. Nang araw na naaksidente siya ay ang araw rin na magpo-propose na sana siya rito.

Hindi matanggap ni Nicollo ang ginawa ni Giselle sa kanya. Nasaktan siya nang husto at maraming beses na nahiling niya na sana ay namatay na lang siya sa aksidente.

He was bitter. Kahit anong pagkausap sa kanya ng mga magulang o kahit sino pa man, walang makapagpabago sa pananaw niya sa buhay.

Hanggang sa marinig niya ang litanya ni Sophie.

Napapaisip si Nicollo. May punto si Sophie. Nasa sa kanya kung paano niya titignan ang sitwasyon niya. He let himself bitter and it just tear him down.

Sinira lang ni Nicollo ang buhay niya. Mas lalong hindi siya mamahalin dahil sa ginagawa niya.

Naguguluhan si Nicollo. Bakit ba siya magpapaapekto kay Sophie? Ni hindi niya nga ito ganoong kilala. Ilang beses na siya nitong kinausap. Pinakilala nito ang sarili sa kanya. Nalaman niyang isa pala ito sa mga bata sa Safe Haven Orphanage---ang orphanage kung saan galing ang Daddy niya. Ilang beses na rin siyang nakarating roon. Sophie claimed that they have met there. Pero hindi niya ito kilala.

At hindi niya ito gustong kilalanin. Pero bakit nakita na lang niya ang sarili na lumalabas ng kuwarto niya at tinitignan ito?

Nasa sala ng apartment niya si Sophie. May hawak-hawak itong cell phone at tawa nang tawa. Halos humagalpak na ito sa kakatawa. Mukhang may pinapanood ito sa cell phone.

Hati ang nararamdaman ni Nicollo. Naiinis siya hindi dahil sa nakikita niyang hindi nagtatrabaho si Sophie. May karapatan naman kasi itong aliwin ang sarili. Bilang personal caregiver niya, ang gagawin lang naman nito ay siguradong maayos ang kalusugan niya. Hindi ganoon kalaki ang responsibilidad nito dahil halos magaling na naman siya. Pero naiinis siya dahil ayaw niyang masaya ito. Bakit masaya ito at hindi siya?

But a part of him wanted to smile, too. Buhay na buhay ang itsura ni Sophie habang tumatawa. Bagay iyon rito. Gumanda ang babae.

Plain lang ang features ng mukha nito---maliit na mata, hindi katangusan na ilong at maliit na labi. Maikli lang rin ang buhok nito kagaya ng height nito. Sa tingin niya ay lumagpas lang sa five feet ito. May kapayatan rin ito.

Simple lang ang itsura ni Sophie. But she looked special whenever she laughed like that. Parang nag-init rin ang puso niya habang tinitignan ito.

Pinigilan ni Nicollo ang nararamdaman. Ano bang nangyari sa kanya? Dahil lang sa na-inspire siya sa sinabi ni Sophie sa ospital ay bati na sila. Naiinis pa rin siya. Ayaw niya sa mga taong makulit.

Napansin naman ni Sophie ang presensiya niya. Nilingon siya nito.

“Hi, may kailangan ka?”

“`Wag kang tumawa.” Masungit na wika niya rito.

Nagkibit-balikat si Sophie. “Hmmm... try mo lang at baka gumanda ang mood mo.”

Humalukipkip si Nicollo. Saan ba kumukuha ng lakas ng loob ang babaeng ito para suwayin ang mga utos niya? Ang Daddy niya ang kumuha rito. So technically, siya rin ang boss nito. Pero kabago-bago pa lang ay iba ang treatment nito sa kanya. Parang hindi ito natatakot sa kanya.

Tumingin ulit ang babae sa cell phone nito. Ipinagpatuloy nito ang panonood ng video roon. Tawa na naman ito nang tawa.

Pero maya-maya ay nakuha ni Sophie ang karma nito. Sa sobrang likot dahil sa kakatawa, nahulog ito sa kinauupuan nito.

This was the time that Nicollo got his revenge. Tinawanan niya ang babae. Pero sa halip na magalit, napakurap lang si Sophie sa ginawa niya. Maya-maya ay ngumiti rin ito.

Doon na-realize ni Nicollo na mali siya. Hindi siya naghiganti dahil tinawanan niya ito.

“Uy, masunurin…” Tukso ni Sophie.

Si Nicollo naman ang napakurap. Ngayon na lang pala ulit siya tumawa pagkatapos niyang maaksidente.

“SAAN ka pupunta?”

Palabas na sana si Nicollo nang marinig ang boses ni Sophie. Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Caregiver lang kita. Hindi kita bodyguard. Hindi mo responsibilidad na alamin kung saan ko gustong pumunta.”

“Baka nakakalimutan mo na responsibilidad rin ng caregiver na siguraduhin na safe ang alaga niya.” Kinuha ni Sophie ang jacket nito. Naka-Tshirt at jogging pants lang ito sa loob ng apartment niya. Malakas ang snow sa New York pero dahil may heater sa apartment, hindi naman sila giniginaw. “Sasama ako sa `yo.”

Nagkibit-balikat si Nicollo. Hinayaan niyang sumama ang babae. Ayaw na niyang makipagtalo. Nang makababa ng apartment, tumawag siya ng taxi. Doon lang nangulit ulit si Sophie.

“Bakit hindi tayo nakakotse? Wala ka bang driver?”

“I have fired all of my employees. At kung ayaw mo na maggaya sa kanila, better to shut up.”

“Sungit talaga,” Naka-ingos na wika ni Sophie.

Hindi nagkomento si Nicollo dahil alam niyang totoo. Sinabi niya sa taxi driver ang lugar na pupuntahan. Gusto niyang mag-grocery.

Kahit laki sa yaman ay ginagawa pa rin ni Nicollo ang mga bagay na ginagawa ng ordinaryong tao. Hindi rin naman kasi sila pinalaki ng magulang niya na matapobre, lalo na ang Mommy niya. Simpleng tao rin siya. Ipilit man rin ng Daddy niya na ikuha siya ng bodyguard, madalas na ayaw niya.

And Nicollo learned his lesson well. May bodyguard siya nang mga panahon na naaksidente siya. And yet, hindi pa rin niya naiwasan ang panganib.

Maayos na naman siya ngayon. Hindi gaanong naapektuhan ang paa niya. Nagkaroon siya ng sugat roon pero hindi naapektuhan ang paglalakad niya. Madali para sa kanya ang kumilos kaya hindi na niya kailangan ng makakasama. Kaya rin naman niyang mag-self medicate. Magagamot naman daw ayon sa Doctor ang mga pananakit ng ulo niya at occasional blackouts. May kailangan nga lang siyang inumin na gamot. Pero dahil nawawalan na siya ng pag-asa, sa halip na gamutin ang sarili, pinabayaan na lang niya ang sarili.

Kung gugustuhin, hindi na kailangan ni Nicollo ng nurse o kahit caregiver man lang. Sa tingin nga niya, kaya lang talaga kumukuha ang Daddy niya ng ganoon ay para may makasama siya. Alam naman niyang mahal siya ng pamilya niya. Pero naiintindihan naman niya na abala ang pamilya kaya hindi siya palaging masasamahan ng mga ito. Isa pa, ayaw rin niya. Naiinis siya dahil nakikita niyang naawa ang mga ito sa kanya.

Siguro ay iyon rin ang dahilan ni Nicollo kung bakit pinapayagan pa rin niya si Sophie. Wala siyang nakikitang awa sa mukha nito kapag tinitignan siya. Pakiramdam nga niya, kaibigan niya ito kaysa sa caregiver. Cool lang kung ituring siya nito.

Nang makarating sa supermarket ay kumuha ng push cart si Nicollo. Sumunod lang sa kanya si Sophie. Hindi na nga ito nagsalita. Natakot ba talaga ito na tatanggalin niya talaga ito?

Na-curious si Nicollo. Inobserbahan tuloy niya si Sophie habang nasa grocery. She looked amazed. Parang ngayon lang ito nakarating sa ganoong lugar.

But then, Nicollo went to the one of the most expensive supermarket in America. Isang simpleng OFW lang si Sophie. Baka ngayon nga lang ito nakapunta sa lugar na iyon.

Mahilig si Nicollo na mag-grocery. Gusto niyang past time iyon. Pero ngayon, nakita na lang niya ang sarili na nagugustuhan rin ang reaction ni Sophie. There was a nice feeling that grew in his heart just by watching her looking at the place and it’s stuff.

Nakarating sila sa appliances department ng supermarket. Doon lalong nagliwanag ang mukha ni Sophie. Matagal na nakatingin lang ito sa juicer na pino-promote ng isa sa mga supermarket diser.

“Wow, ang astig! For sure, magugustuhan ito ni Mama. Paborito noon na magblend ng kung ano-anong prutas, eh.”

“Why don’t you get one?”

“Ay nandiyan ka pala?” Tumingin sa kanya si Sophie saka tumawa. Nang taasan niya ito ng isang kilay ay mahinang pinalo nito ang braso niya. “O, nandiyan ka naman sa kakataas mo ng isang kilay. Jino-joke lang kita. Ikaw kasi, ayaw mong magsalita.”

“I’ve already talked. At ikaw naman ang hindi ako sinagot nang mas maayos. You’re weird.”

“Ako ang weird? Baka ikaw. Alam mo naman na bago lang ako sa trabaho. Wala akong pera. Hindi ako bibili niyan.”

“Ilagay mo sa pushcart.”

Humalukipkip si Sophie. “At ano? Ibabawas mo sa suweldo ko? `Wag na uy. Marami pa akong kailangang bilhin at pag-ipunan na mas mahalaga diyan.”

Naglakad na si Sophie. Kinuha ni Nicollo ang tinitignan nito at inilagay sa push cart. Dumiretso na siya sa counter.

Nang tignan ulit siya ni Sophie ay nanlaki ang mata nito nang makita ang juicer sa push cart. “Hala siya, o. Bakit mo kinuha?”

“Gusto ko.”

“Gusto mo para sa akin?” Kinagat ni Sophie ang ibabang labi. “Ang sweet mo naman…”

“Ayoko lang na nakakita ng mga taong nakakaawa.” Dahil ayaw ko rin ng kinaawaan.

“Hala siya, o. Sorry na. Mukha na ba talaga akong kawawa kanina?”

“Just shut up.” Nag-umpisa na si Nicollo na ilagay ang mga pinamili sa counter. Natigil lang siya nang hindi na nga niya narinig na magsalita si Sophie.

Tumingin si Nicollo kay Sophie. May luha sa mga mata nito.

Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso ni Nicollo. “Bakit---?”

Pinalo na naman ng babae ang braso niya na parang close sila. “Kainis ka. Pinapaiyak mo ako. Ang sweet mo kasi. Na-touch ako.”

Tinaasan ng isang kilay ni Nicollo ang babae. Magsasalita pa sana siya nang may maramdaman na naman siya sa braso niya.

May bumato sa kanya.

“Monster!”

Napalingon silang dalawa ni Sophie sa nambato. It was a male kid. “You’re a monster! Monster has scars!”

May kasamang matanda ang bata. Sa tingin niya ay ama nito iyon.

Binato ulit siya ng bata. Pero sa halip na sawayin ng kasama, tumawa pa ito.

Nicollo felt really offended. Napatiim-bagang siya.

“Nicollo…” Hinawakan ni Sophie ang braso niya. Inalis niya iyon.

Hindi na pinansin ni Nicollo ang mga pinamili niya. Lumabas na siya ng supermarket. Bakit ba kasi naisipan niya pa na lumabas? Now, he had the taste of reality. Ang dating lalaking hinahangaan, ngayon ay kinatatakutan na.

Pangit na siya. Hindi man aminin sa kanya ni Giselle, sa tingin niya, iyon ang dahilan kung bakit siya hiniwalayan nito. Giselle was a very vain person. She was very beautiful. Hindi nito gustong ma-associate sa isang kagaya niya. Pangit. Monster.

Nicollo let the situation tear him down. Again. Hindi pa pala siya handa na mag-move on.

“THAT’S BAD,”

Sa halip na sundan ang nag-walk out na si Nicollo ay pinangaralan ni Sophie ang bata na nambato at tumawag kay Nicollo na na monster. Namumula siya sa inis. Ganito na ba talaga ang mga bata ngayon? Sa tingin naman niya ay nasa anim hanggang walong taong gulang na ang bata. May isip na dapat ito. Kahit papaano, alam na nito ang tama at mali.

Nag-belat lang kay Sophie ang bata. Tumingin siya sa kasama nitong matanda. Sa halip na sawayin ang bata, tumawa pa ito kanina. Ngayon ay nakangiti pa rin ito. Gusto niyang batukan ito sa inis.

Tumalikod na ang bata at ang kasama nito sa kanya. Hinabol niya ang dalawa.

“Hey, we are not yet over!”

Humalukipkip lang sa kanya ang bata.

“You might be a kid but you have to learn your lessons well. What you did is not right!”

“Whatever!”

Tumingin siya sa kasama nito. “What kind of person are you? Why are you considerating this child’s behaviour? He had to know that being a monster is not measured on a person’s physical appearance. It is measured on his behaviour and what does his heart wants!”

“Don’t overreact, Miss. Your companion didn’t even. Why can’t you just shut up?”

“Because you hurt him. I don’t want him to get hurt…”

“Oh, how romantic…” Tinawanan lang siya ng lalaki. Hinila na nito ang kasamang bata. Nagsalita pa siya pero hindi na lumingon ulit ang mga ito.

Nangigigil si Sophie. Pero at the same time, may na-realize rin siya. Teka nga, bakit ba niya pinagtatanggol si Nicollo? Responsibilidad niya ang lalaki. Pero hindi na sa bagay na iyon.

Hindi naman physical pain ang naramdaman ni Nicollo. Isa pa, malaki na ito. Hindi na dapat ito mapikon at masaktan.

Pero may mali rin si Sophie. Hindi na dapat niya ini-involve ang sarili sa mga ganitong problema.

Pero gusto niyang maging involved dahil nasasaktan siya. Ayaw niyang nakitang nasasaktan si Nicollo.

How romantic, Naalala niyang wika ng lalaki kanina. Kaya ba siya naapektuhan ay dahil ibang klaseng care na itong nararamdaman niya kay Nicollo? Gusto na nga ba talaga niya ito?

Touch lang ako sa ginawa ni Nicollo sa akin. Pagpapakalma ni Sophie sa isip niya. Hindi siya puwedeng magka-gusto sa lalaki. Amo niya ito. May pinag-aralan rin naman siya. She knew that it was bad to mix business and pleasure. Isa pa, napakabago pa lang ng lahat. Hindi niya pa lubos na kilala si Nicollo.

Kinalma na lang ni Sophie ang sarili. Huminga siya nang malalim. Wala na siyang mapapala sa pangangaral sa masamang bata na iyon. Wala rin siyang mapapala kung iisipin niya ang komento ng kasama nito. It was not romantic. Sadyang mabait lang siya talagang tao kaya pinapahalagahan niya si Nicollo.

Hinanap ni Sophie si Nicollo. Pero naikot na niya ang labas at kahit ang loob ulit ng supermarket ay hindi na niya ito nakita.

Nanlaki ang mata ni Sophie nang marealize ang sitwasyon niya. Pinagtanggol niya si Nicollo pero minasama pa yata nito iyon. Iniwan siya nito!

PAULI-ULI si Nicollo sa paglalakad sa apartment niya. Nag-aalinlangan siya kung dapat na ba niyang tawagan ang Daddy niya. Dalawang oras na siya sa apartment niya pero hindi pa rin nakakauwi si Sophie. Hindi naman ganoon kalayuan ang supermarket. Fifteen minutes lang kung sasakay ng taxi ang layo noon.

Nag-aalala si Nicollo. Dahil sa sama ng loob niya, basta-basta na lang siya umalis ng supermarket. Hindi na niya inalala si Sophie. Naisip niyang malaki na ito. Makakauwi na ito nang maayos.

Pero hindi ganoon ang nangyari. Wala pa rin si Sophie. Malakas pa naman ang snow. Wala pa man rin siyang number nito kaya hindi niya alam ang lagay nito.

“Another ten minutes. Kapag wala pa siya, tatawag na talaga ako kay Daddy.” Pagkumbinsi ni Nicollo ang sarili.

Pero limang minuto pa lang ay hawak na ni Nicollo ang cell phone. Dina-dial na niya ang number ng Daddy niya nang may kumatok sa pinto. Halos madapa siya sa pagpunta sa pinto. Nang buksan niya iyon ay hindi naman siya nabigo. It was Sophie.

“Anong---“

Natigil sa pagtatanong si Nicollo nang mapagmasdan ang mukha ni Sophie. Maputla ito. Yakap-yakap rin nito ang sarili nito.

Hindi rin siya pinansin ni Sophie. Nagtuloy-tuloy ito sa kuwarto nito. Pero bago pa man ito makapasok ay bumahing ito. It was loud.

Napakunot-noo si Nicollo. Saka lang niya naalala na mukhang simpleng kasuotan lang kapag tag-lamig ang suot ni Sophie. May kanipisan ang jacket nito. Pero sa supermarket lang naman sila pumunta. May heater naman roon. Hindi mo mararamdaman ang lamig na dala ng snow. Mababa lang ang chance na sumama ang pakiramdam nito dahil sa weather, unless…

Naglakad ito pabalik sa apartment niya!

Namutla si Nicollo sa realization. Nasabi na sa kanya kanina ni Sophie na wala itong pera. Paano kung wala itong dala? Pagkatapos ng lahat, biglaan ang alis nila.

Nakonsensya si Nicollo. Kasalanan niya kung bakit magkakasakit pa yata si Sophie. Kasalanan ng pagiging bitter niya.

Hindi lang pamilya niya ang nasasaktan niya dahil sa pagiging bitter niya. Ganoon rin ang ibang tao. Ganoon rin si Sophie.

Hindi naman pikon si Nicollo noon. Sadyang binago lang talaga siya ng aksidente. Pero kailan ba niya maiintindihan na masama na nga ang nangyari sa kanya, mas sumama pa ang sitwasyon niya dahil sa klase ng pagtanggap niya?

Ayaw na ng ganito ni Nicollo. Ayaw na niya nang may nasasaktan. Gusto na niyang magbago.

And it was all because of Sophie. Her words, her face expressions and even her presence affect him in a way anyone couldn’t. Ano bang mayroon sa babaeng iyon?

PAKIRAMDAM ni Sophie ay nagdedeliryo na siya nang magising siya at makita si Nicollo sa tabi ng kama niya. Nabasa niya ang pag-aalala sa mata nito habang tinitignan siya.

“Kumusta na ang pakiramdam mo?” Inilagay ni Nicollo ang kamay sa leeg niya. “Hindi ka naman mainit pero ungol ka nang ungol.”

Itinaas ni Sophie ang kumot niya. “N-nilalamig ako…”

“Ha?”

Hindi sinagot ni Sophie ang lalaki. Masama ang pakiramdam niya at kasalanan iyon ni Nicollo.

Napilitan si Sophie na maglakad pauwi dahil wala siyang pera. Mas malakas ngayon ang snow kaya naman lamig na lamig siya. Malapit na siya sa apartment ni Nicollo nang sumama ang pakiramdam niya. Kaya sa halip na kausapin ito pagdating niya, dumiretso na siya ng kuwarto.

Pero hindi pa rin pala nakatulong ang pagpapahinga kay Sophie. Mas sumama pa ang pakiramdam niya. Nilalamig siya. Sa tingin niya ay may lagnat siya sa loob.

Tumikhim si Nicollo. Tumingin ito sa beside table. May gamot, pagkain at tubig roon. “Kumain o uminom ka muna. Hindi ka na nakapaghapunan. Baka mas umayos ang pakiramdam mo.”

Gumalaw si Sophie. Masama man ang pakiramdam pero nagugutom na siya. Kaya lang pati katawan niya ay nanakit na rin. Bahagya na niyang maitaas ang isang kamay niya.

“Hindi ko yata kaya…”

Itinaas ni Nicollo ang kutsara. “Susubuan na kita.”

“Hmmm…”

Nagulat si Sophie sa ginawa ni Nicollo. Pero tinanggap rin naman niya ang subo ng lalaki. May sabaw iyon kaya hindi naman mahirap kainin.

Marami rin na nakain si Sophie. Masarap ang pagkain. “Salamat.”

“Don’t say that.”

“I mean it.” Kinagat ni Sophie ang ibabang labi. “Nakakahiya. Responsibilidad ko nga ang alagaan ka. But look at us now. Ako pa ang inaalagaan mo.”

“Kasalanan ko naman kung bakit ka nagkasakit. I’m sorry,”

Nagulat ulit si Sophie. “Marunong kang magsabi noon?”

“Hindi ako kagaya ng sinabi ng bata na iyon. I’m not a monster.”

Napangiti si Sophie. “Indication na ba `yan na handa ka ng magbago?”

Hindi siya sinagot ni Nicollo. Sa halip, kinuha nito ang gamot. “Inumin mo na ito at magpahinga ka na ulit.”

Sinunod ni Sophie ang utos nito. Pero hindi ang magpahinga. Tinitigan niya si Nichollo sa halip na pumikit.

Kumunot ang noo ni Nichollo. “Sleep now. Kailangan mong magpahinga para malakas ka na ulit bukas.”

“Gumaan ang pakiramdam ko. Nakaka-miss ang ganito…”

“What do you mean?”

“`Yung may nag-aalaga sa akin kapag may sakit ako.” Ngumiti si Sophie. But she can’t help but feel that she was bitter.

Isang magandang ampunan ang Safe Haven Orphanage. Mabait ang mga madre at staff roon. Mabait rin ang mga naging malapit niya na kaibigan sa ampunan na sina Francis, Natalia, Ritter, Lucky at Analisse. Sa tuwing may sakit siya, inaalagaan siya ng mga ito. Ganoon rin naman siya sa mga ito. Naging malapit sila dahil magkakasama sila sa iisang kuwarto.

Masaya si Sophie sa Safe Haven. May mga pagkakataon nga na naiisip niya na sana ay nandoon na lang siya. Mas magiging maayos pa siguro ang buhay niya. Hindi siya maiinggit. Fair ang turing sa kanila sa Safe Haven---malayong malayo sa turing sa kanya nang dumating ang kapatid niyang si Jade sa bahay.

Nang dumating si Jade, hindi na ulit nakaramdam ng pag-aalaga si Sophie sa mga nag-ampon na mga magulang.

“Hindi ka ba naalagaan ng mga nag-ampon sa `yo?”

“Let’s just say, parang naging saling pusa na lang ako nang dumating ang tunay nilang anak. Kaya ikaw, masuwerte ka kasi mahal ka ng mga magulang mo. Tignan mo, nag-hire pa sila nang mag-aalaga para sa `yo.”

“Alam ko naman iyon. `Wag mo ng dagdagan ang kasalanan ko, ha? Nakokonsensya na ako.”

“Magbabago ka na.” Kumbinsado na si Sophie na tama siya.

“Magpahinga ka na. Gabi na rin. Gusto ko ng magpahinga.” Inayos ni Nicollo ang comforter ng kama niya. Bahagyang napasinghap pa siya. Lumakas ang tibok ng puso niya. Hindi niya inaasahan na gagawin nito iyon. Hindi rin niya inaasahan na maiinitan rin ang katawan niya nang magkalapit ang mga mukha nila sa ginawa nito.

“Why? You don’t feel comfortable?”

My heart is not when you are not around, nasa isip ni Sophie. Pero nuncang isasantinig iyon ni Sophie.

Lumunok si Sophie. “Thank you for taking care of me…”

“Don’t mention it,” wika ni Nicollo saka tuluyan ng umalis. Pero ang mainit na pakiramdam sa puso niya dala ng ginawa nito ay mukhang hindi yata maalis-alis.

MAALIWALAS na ang pakiramdam ni Sophie nang maggising siya kinabukasan. Hindi na rin masakit ang katawan niya. She can surely go back to work. Pero sa halip, si Nicollo pa rin ang nagtatrabaho para sa kanya. Pagkagising niya ay may nakahain ng pagkain. Nasa kusina rin si Nicollo. Nang makita siya nito ay nagliwanag ang mukha nito. Tumayo pa ito para sa upuan niya.

“Good morning. Halika, kain ka na…”

Umupo si Sophie sa upuan na inayos ni Nicollo. Kumalam kaagad ang tiyan niya. “Hmmm… ikaw ang nagluto? Parang ang sarap, ah.”

“It’s just egg and hotdogs. It’s just a usual breakfast. Pero teka, kaya mo na bang kumain ng mga ganyang pagkain?”

“I feel fine now. Saka hindi naman ako choosy. Wala akong karapatan. Ako pa nga ang nahihiya sa `yo.”

“Again, don’t mention it. Kumain na lang tayo,”

Tumango si Sophie. Kumukuha na siya ng hotdog nang unahan siya ni Nicollo. Inilapit nito ang tinusok na hotdog sa kanya. Sinubuan siya nito.

“Uy, okay na ako…”

“Hmmm… ayaw mo ba ng sinusubuan ka?”

Sinalubong ni Sophie ang tingin ni Nicollo. Her body tingled. May hindi siya maipaliwanag sa tingin nito. Or maybe, effect rin iyon ng pagiging sweet at affectionate nito sa kanya.

Kinikilig si Sophie. Nangangati pa siya na ipitin ang ilang hibla ng buhok sa kanyang tainga. Mali iyon. But then, pinairal niya ang pagiging pasaway, maarte at pabebe niya. “G-gusto ko…”

Ngumiti si Nicollo. Para yata siyang may nakitang fireworks. “Good.”

You’re the one who is good. Good looking. Good for my heart… Kinagat ni Sophie ang ibabang labi. Kaunti na lang yata ay mapapairit na siya. Ano ba itong ginagawa sa kanya ni Nicollo? At ano ba itong nararamdaman niya?

Si Nicollo ulit ang nagpakain sa kanya. Pero gustuhin man niya na damihan ang kain ay hindi na niya kaya. Sa kilig pa lang ay busog na siya.

Ganoon pa man, kailangan rin na pigilan ni Sophie ang lahat ng ito.

Nang matapos kumain, kinompronta ni Nicollo si Sophie.

“Bakit mo ginagawa ito?”

“Hmmm… nasabi ko na kahapon. Nakokonsensya ako. Kung hindi dahil sa akin, hindi ka magkakasakit. Iniwan kita.”

“Pero sobra na ito…”

“No. Ang pagiging monster ko ang sobra na…” Naglihis ng tingin si Nicollo.

“So magbabago ka na nga?”

Matagal bago siya tinignan ulit ni Nicollo. Huminga ito nang malalim. “Well, it’s another reason why I’m being good to you.”

“Anong ibig mong sabihin?”

Matamang tinitigan siya ni Nicollo. “May hihingiin akong pabor sa `yo. I want you to help me to be a good person again.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.