KIMBURA Chapter 1

Serene

“Me kwambuko, Serene. Me kwambuko mibwe.” (Tumawid ka na, Serene. Tumawid na kayo!)

Madiin ang utos ni Ama sa akin. Nagmamadali din ang boses niya. At alam ko kung bakit.

Sa mabilis na paraan ay sinabi niyang kapatid ko ang sanggol na dala-dala ng hangin papunta sa amin. Ni hindi na niya ako binigyan ng chance na makapag-react. Dahil pare-pareho kaming hinahabol ng mga masasamang sorcerers. Mga galamay at miyembro ang mga iyon ng incognito group na binuo ng kung sinong gustong sirain at buuin uli ang buong Kimbura para pamunuan iyon ng mag-isa. And of course, ang mga sakim at takot sa mas malalakas sa mga ito ay walang ibang gagawin kundi ang sumama sa palihim na grupo. Nagsisigurado ang mga walanghiya na hindi sila magigipit sakaling mabuo na nga at maipatupad ang New World Order.

At ako? Paano naman ako? Ni hindi ako nabigyan ng chance na magalit sa kataksilan ni Ama sa pamilya namin dahil heto at dinadagsa ako ng matinding kaba habang nagtatago kami sa madilim na kagubatan ng Fotora. Gusto ko pang magalit dahil iyon naman dapat ang nararamdaman ko. Pero wala nang space para sa galit. Napunta nang lahat sa kaba at pagkalito.

At mukhang ganoon din si Ina, hindi na din niya makuhang magalit pa. O maaaring alam na niya ang tungkol sa isa pang anak ni Ama. Dahil bakit ganoon lang niya kadaling tinanggap mula kay Ama ang baby na iniaabot nito? At ipinasa sa akin para sabay kaming makatawid sa mahiwagang abyss papunta sa ibang daigdig. Para maligtas. Hindi lang ako kundi pati ang bunga ng kataksilan ni Ama.

“Sospito me mushiki, Serene. Bahemi intercede na rimwe incur.” (Iligtas mo ang kapatid mo, Serene. Kahit anong mangyari, huwag mo siyang pababayaan.)

Bilin pa sa akin ni Ina habang pilit akong pinatatalon sa abyss bitbit ang baby na pahina ng pahina ang dilaw na enerhiya. Kauri ko man siya pero hindi ko siya kalahi. Mula siya sa lahi ng mga Orlithion. Mga Kimburian air shapers.

“Arika bale mibwe, Uma? Gukunikira mibwe? No ego recipio en he urihinja. Royine en kazana. Ino uruhinja, uruboto cero si icyaha!” (Pero paano kayo, Ina? Susunod ba kayo sa amin? Hindi ko kayang basta nalang tanggapin ang batang ito lalo na at hindi mo naman siya anak. Hindi siya galing sa ‘yo. Anak man siya ni Ama pero hindi ikaw ang ina. This baby is a fruit of a crime!)

Nagbagong bigla ang expression ni Ina. Mula sa takot at matinding kaba, napalitan iyon ng lungkot at pang-unawa. Pero bakit wala ang galit? Dapat may galit din. Katulad ko. Pinagtaksilan siya ni Ama, normal na magalit siya!

“Nue ibi gusobanura mibwe nonahu. Arika e hamwe yifuzo.”

(Hindi pa namin maipapaliwanag sa ngayon pero isa lang ang gusto kong gawin mo.)

Pahikbing sabi ni Ina na hinaplos ang mahaba at tuwid na buhok ko. Saka niya sandaling binalingan ang sanggol na karga ko. Hindi ko pa siya nakitang umiyak. O siguro, minsan lang. At iyon ay dahil pa sa saya dahil isinalin na sa kanila ni Ama ang pamumuno sa Fotora.

“Kurinda me wabu cy’ingezi. Kuniha en hagati orhen Patrem, arika giherkej on hem uruhinja. Wabu mibwe. Birundi con orbis, ahano cyoze Kimbura. ” (Protektahan mo ang kapatid mo. May sama man ako ng loob dahil sa kasalanang nagawa ng iyong ama pero hindi dapat na madamay ang sanggol. Kapatid mo siya. At may mahalaga kayong papel sa mundo natin, sa buong Kimbura.)

Hindi ko maintindihan. Ang dami kong gustong itanong. Kasama na ang sitwasyon namin ngayon. Bakit kami ang hina-hunting ng mga sorcerer? Ano ang kasalanan namin? Sa pagkakaalala ko, matatapang ang mga Fotorian na tulad ng lahi namin at hindi kahit minsan man umatras sa laban. Hindi din kami basta sinusugod ng taga ibang bansa dahil kinatatakutan ang lahi namin. Bakit ngayon, parang sina Ama at Ina pa ang natatakot at tumatakbo? To the point na pinatatawid pa kami papunta sa ibang mundo. Paano pa ako makapag-rereact sa mga nalaman ko ngayon. It seems ako lang ang hindi nakakaalam sa aming pamilya. Ako lang ba? Matagal na ba itong alam ni Ina? Matagal na ba niyang alam na pinagtataksilan siya ni Ama? Pero bakit wala siyang ginawa? Bakit hinayaan niya lang?

Gusto ko pang magtanong. Napakadami ko pang tanong. Pero narinig ko na namang sumisigaw si Ama habang naglalabas ng nag-aapoy na kapangyarihan mula sa kanyang mga kamay. Dahil wala sa kanya ang weapon na source of his ultimate power bilang isang royal Fotorian, wala siyang ibang choice kundi ang mano-manong pakikipaglaban. Nararamdaman ko na din ang pwersa ng mga papasugod na mga kalaban, maski madilim, alam ko kung saan-saang bahagi sila nanggagaling.

Nakita ko din si Ina na inihanda ang pana niya at kumuha ng isang spell bound arrow sa nakasukbit na lalagyan sa kanyang likuran. Iyon ang power weapon ni Ina. Magaling siyang archer kaya siguro, nang ma-enhance ang kapangyarihan, bow and arrow ang naging power weapon niya. Ganoon naman kasi ang order sa mundo namin. Kung saan magaling ang isang Kimburian. O kung anong bagay ang importante sa isang Kimburian, iyon ang nagiging power weapon nito sa sandaling ma-enhance na ang kapangyarihan.

“Me subsulto, Serene! Nonahu!” (Tumalon ka na Serene. Ngayon na!) Maigting na din ang bilin sa akin ni Ina. Nagmamadali na din siya habang umaasinta sa mga papasugod na kalaban.

Hindi naman ako magkaintindihan sa dapat kong gawin. Kung tatawid na ba talaga ako para maligtas? O hihintayin ang mga magulang ko para sabay-sabay kaming tumalon sa mahiwagang abyss. Ayokong umalis na hindi sila kasama.

“Ibyagaon nobis ahano on ke me kwambu!” (Manganganib tayong lahat dito kung hindi pa kayo tatawid!)

Sandali kong sinilip ang natutulog na baby na karga-karga ko. Ang swerte naman ng batang ito. Walang kamalay-malay sa nangyayari. Walang kaalam-alam na kaming lahat, nasisindak na dahil anumang sandali, pwede na kaming mamatay. Napakaswerte talaga ng mga baby. Inosente at hindi aware sa mga mapapanganib na bagay. At mas lalo pang magiging maswerte dahil makakalayo na ito sa panganib sa tunay nitong mundo.

Kasabay ng paglingon ko kay Ina ang pagtulak din niya sa akin papuntang abyss. Napatili ako sa pagkagulat at ni hindi nagawang kumuha ng balanse. Idagdag pa na may karga akong baby. Pero kitang-kita ko, bago ako tuluyang lumubog sa abyss, ang sunod-sunod na pagtama ng mga daggers sa katawan ni Ina. Sinalo niya ang mga daggers na para sa akin nang itulak niya ako.

“Umaaaa!!!!!” (Inaaaa!!!)

Napakalakas ng naging pagtili ko. Hindi ko mailarawan ang takot at pag-aalala ko. Napakabilis ng pangyayari na halos hindi ko nasundan kung paanong at saan nanggaling ang mga daggers na nababalot ng itim na kapangyarihan. Ang mga arrows na patuloy na sinasalo ng katawan ni Ina hanggang sa tuluyan niyang maisarado ang portal. Gusto kong bumalik. Gusto kong malaman ang kondisyon ni Ina. Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nalalaman kung maayos ba siya. Pero wala na. Hindi na ako makaahon. May napakalakas na pwersang humihigop sa akin pabulusok paibaba at hindi ko na din makita si Ina. Nayakap ko nalang ng mahigpit ang karga kong baby kasabay ng walang tigil na paghagulhol ko.

“Uma…” Hikbi ko pa din. Naipon ang napakasasakit na mga damdamin sa loob ng dibdib ko. Ang napakatinding pag-aalala. Takot. Kaba. Ang galit at sama ng loob ko kay Ama. At nang hindi ko na kayanin, kusa iyong lumabas sa isang napakalakas na sigaw habang bumubulusok kami paibaba. Nagising ang karga kong sanggol pero wala akong pakialam. Sabay kaming umiyak ng hawak kong baby.

Sobrang nag-aalala ako kay Ina. Galit ako kay Ama. Bakit kailangan ko ding isama sa pagtakas ang bunga ng kasalanan ni Ama? Hindi sana matatamaan ng mga daggers si Ina kung wala akong kargang baby dahil magagawa kong protektahan ang sarili ko. kasalanan ng baby na ito! Kasalanan niya kung bakit napahamak si Ina. Kasalanan niya ang lahat!

PrevNext

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.