KIMBURA Chapter 2

Chloris

“Barkatu!” (Excuse me!)

Napatigil ako sa paglalakad nang may biglang humawak sa braso ko. Isang lalaki. Humarang pa siya ng tuluyan sa paglalakad ko. Kung sa karaniwang sitwasyon, dapat na isinasalya ko na ang braso niyang nakahawak sa akin. Pero kasi, parang ang hirap gawin no'n. Lalo pa kung ganito din lang kaguwapo ang humaharang sa 'kin.

Napangiti ako sa sarili. Infairness naman. Matangkad siya ah. Hanggang balikat lang niya ako. Malalaki ang mga braso. Malapad ang mga balikat at...

At perpekto ang bawat detalye ng mukha niya. Matangos na ilong, mamula-mulang labi. Makinis na mukha at amber na mga mata!

Oh my God! Ang ganda naman ng kulay ng mga mata niya. May lahi siguro ito. Baka katulad no’ng mga foreign-ger na schoolmates ko sa university namin?

“Esadazu, non nagoen? Zein tokia da ahantu?"

(Sabihin mo sa akin. Nasaan ako? Anong lugar ito?)

Nagkagulo ang mga kilay ko sa pag-iigkasan. Mukhang may lahing alien nga ito. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasasabi ng guwapong lalaki. No'n ko din lang napansin ang suot niya.

Bakit parang naka-cosplay attire yata siya? Nagpalingon-lingon ako sa paligid. Malayo na ang community gym dito. Ang totoo, ang street na 'to ang pinakadulong street ng community namin.

Wala naman akong naalala na may event ngayon. O baka naman, hindi lang ako aware. Busy kasi ako ngayon lalo at nasa third year na ako sa college. Ang daming hinahabol na requirements bago makakuha ng final exam. Idagdag pa ang mga field study and etcetera. Tapos captainball pa ako ng volleyball team. O, ‘di ba? Ang talented ko. Ako nga pala si Chloris Sandoval. Half-maganda, half-luka-luka. Oo, aminado ako sa bagay na iyan. Aminado din akong may pagka-bipolar minsan. Mabilis mag-moodswings. Mga ganoon. Pero mabait naman ako, ‘wag kayong mag-alala.

Pinakatitigan ko ulit ang lalaki para tingnan kung ano bang anime ang ipo-portray nito. Baka nga may event e. Alangan naman na trip niya lang magsuot ng gano'n?

Pero kahit anong gawin kong pag-aaral sa costume niya, hindi ko ma-gets kung sinong anime character ang pinoportray nitong guwapong 'to. White and red na shammy leather vest sa pang-itaas at walang kahit anong inner shirt. Sa pang-ibaba, 'yong parang genie pants na ganoon din ang kulay, pero yari sa silk. May stripped gray and black na scarf na nakatali sa bandang lower waist. White sneakers na walang strap naman ang suot niya sa paa. At may bitbit siyang, katulad ng nakikita kong weapon ng kaibigang monghe ni Inuyasha. Ganoon din kahaba. Lagpas pa sa tangkad niya. Pabilog sa pinakatuktok at may kulay green na bola. Or... Crystal ba 'yon? Parang totoong crystal e.

Ang galing nitong mag-improvise ng weapon, ha?

Kaso wala talaga akong kilalang ganoon na anime karakter samantalang anime addict naman ako. Dumadayo pa ako sa MOA sa Pasay kapag naririnig kong may CosPlay event.

Mga anime boys ang palagi kong pinapantasya magmula no'ng maintindihan ko ang ibig sabihin ng salitang crush.

“Sinong character mo? Teka, naliligaw ka ba? Malayo na dito ang gym e.”

Sinipat ko ulit ang suot niya. Hinaplos ko pa ang shammy leader vest niya kasi nacu-curious akong hawakan.

Ang lambot lang!

Kinutingting ko na din ang suot niya hanggang sa makaikot na ako sa kabuuan ni guwapogi!

Napansin ko na may body paint pala siya, sa kanang ibaba na gilid ng pisngi, malapit sa tainga. Maliit lang ‘yon. Kasinlaki ng twenty-five centavos. Parang latin character na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Sa likod ng vest naka-paint din ang latin character na katulad ng nasa mukha niya.

Ang perfect naman!

Ang guwapo niyang tingnan kahit nakatalikod siya. Puwede pala 'yon? Puwede palang maging guwapo ang likod ng isang lalaki.

At ang yummy niya rin hah?

Kaya lang, bakit hindi ko kilala ang anime character niya? Magkahalong Natsu na Inuyasha na ewan. Anyway. Siguradong panalo na ito sa costume mamaya. Ewan lang sa performance. Sana galingan niya din.

Manood kaya ako ng event?

Napapitik ako sa hangin sabay pikit. Paano ako manonood e ang dami kong hinahabol na requirements? Maglalamay nga ako mamaya e. Iidlip lang ako ng konting oras.

Biglang humarap sa akin si guwapogi at sa pagkagulat ko, sumigaw siya sa pagmumukha ko.

“Gusubi ge!” (Sagutin mo ako!) angil niya sa akin.

Napahawak ako sa sarili kong tainga. Nabingi yata ako sa lakas ng boses niya.

'Langya naman o. Sasapakin ko 'to.

Dapat natatakot na ako kasi mukhang galit ang lalaki base sa hilatsa ng guwapo niyang mukha. Pero paano ko ba magagawang matakot sa mukhang perpektong nilalang na ito? Perfect atleast in terms of his physique.

A total hottie!

Gustong-gusto kong haplusin ang kagwapuhan niya kung hindi lang mas pinaiibabaw ko ang sariling katinuan.

Teka! Bakit nga ba ito sumisigaw?

“Bakit ka ba nagagalit sa akin? Hindi nga kita maintindihan. Puwede bang mag-tagalog ka?” asar kong sabi.

“T-tagalog?” Parang nalilitong tanong naman niya.

Patay na!

Mukhang foreigner pa yata ang isang ito. Bukod sa hindi ko maintindihan ang sinasabi, hindi ko din naman kayang makipagsabayan ng english. Hindi ganoon kadami ang baon kong english. Pinakamababa nga ang grade ko sa subject na 'yon e. Ang hirap-hirap. Nakakalito pa 'yong mga agree-agreement at kung ano-ano.

At malay ko bang may mapapadpad na foreigner sa lugar namin? Hindi naman ganoon kasikat ang community namin dito sa Cavite. At hindi din naman mahilig mag-organize ng mga costplay events ang barangay captain kaya medyo nagulat talaga ako na makitang may costplayer ngayon doon.

At naliligaw pa.

At foreigner pa.

Haist!

“I mean, do you speak in english? Speaking dollar, like that? We can talk in english if you want.”

Para naman magkaintindihan tayo. Malay ko ba na minumura mo na pala ako?

Inabot ni guwapogi ang magkabilang balikat ko, sa pagkagulat ko. Tinitigan din niya ako ng mata sa mata.

Goodness! Nagagandahan ba siya sa akin kaya ganito na lang siya makatitig?

Oh my, gollygawgaw!

Sabi na! Ang ganda ko talaga!

Hindi ko naintindihan kung ano ang nangyari at bigla niya akong binitiwan pagkatapos ng mga tatlo o apat na segundo.

“Filipina...” pabulong na sabi ni guwapogi.

Gusto ko na namang magtaas-kilay. Tinitigan lang ba niya ako para alamin kung anong nationality ko? Akala ko pa naman, nagagandahan lang siya sa akin.

Aist!

Napasimangot tuloy ako. Ni hindi man lang pinuri ang ganda ko. Ano ba 'yong dinagdagan man lang sana niya ng salitang beautiful ang Filipina?

“Yeah. I am a Filipina. How about you? Are you American? Italian? Asian? Korean? British? Chinese? Japanese? Jelly-jelly fish? Ha? Ha? Ano? Magsalita ka. Pasalamat ka... guwapo ka. Kundi... hindi kita pag-aaksayahan ng panahon. 'Kala mo...”

Malakas ang loob kong sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin. Tutal hindi naman niya ako naiintindihan e. Puwede ko siyang pag-trip-an, kung gugustuhin ko. Napangisi ako sa sarili. Bakit hindi? Pambawi man lang sa stress ko sa buhay... Ang dami-dami kong ginagawa. Wala nang spice ang buhay ko.

Kung ano-ano nang naiisip kong kalokohang gagawin nang marinig ko na naman siyang nagsalita.

“Dafpa. (Mortal.) Nasa mundo pa din ako ng mahihinang dafpa.”

Nahigit ko ang hininga sa pagkabigla ko. Agad ko din siyang tiningala. Marunong siyang mag-tagalog?

Oh my God!

Hala? Hala? Anong gagawin ko?

Wala pa naman akong sinasabing masama sa kanya 'di ba? Baka kutongan ako nito.

OMG!

“Sabihin mo sa akin, paano mamuhay sa orbis (mundo) ninyong mga mahihinang abaturage (tao)?”

“Ha? A-abatu...ano?”

Ano daw?

Napapakamot tuloy ako sa ulo. Bakit ba kahit na nagtatagalog na siya, hindi ko pa din siya maintindihan?

“Ah! Berdin dio.” (Nevermind.)

Tumalikod na si guwapogi at naglakad palayo. Pero habang palayo siya, madami pang sinasabi sa lenggwaheng hindi ko naman maintindihan.

"Por kubera estou perdendo meu tempo com esse tsinagabo?"

(Bakit ko ba inaaksaya ang oras ko sa walang isip na babaeng 'yon?)

Napasimangot na naman ako.

“Ano bang sinasabi ng alien na 'yon? Aist!”

Ipinadyak ko ang isa kong paa. Bakit ba ako nagpa-disturb sa kagwapuhan niya? Sana nakauwi na ako ngayon sa bahay at gumagawa ng muta. I mean, gumagawa ng konting tulog.

“Bahala ka sa buhay mo! Makain ka sana ng dinosaur!” pahabol na sigaw ko nga. Saka ako naglakad na din pauwi.

“Ah! Dapat natutulog na ako ngayon e!” Himutok ko pa.

Sayang lang ang oras ko.

Pero tagasaan kaya si guwapogi? Taga dito din kaya siya sa 'min?

No'ng lumingon ako, wala na siya.

“Ang bilis naman maglakad no'n? Baka kinain na nga ng dinosaur?”

Natigilan ako sandali, sabay takbo. Ako na din ang natakot sa sarili kong iniisip.

'Langya talaga.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.