Elwood
FINE! Kasalanan ko na. Me and my lashing tongue. Hindi naman iyon ang gusto kong sabihin. Alright. Aamin na ako. Minsan, hindi ko naiintindihan ang sarili ko. I always had the tendency of worrying about her. Lalo na sa mga pagkakataon na nakakapag-alala naman talaga ang sitwasyon ni Chloris. Hindi ko alam kung saan nanggagalinga ng weird na pakiramdam na iyon samantalang matagal nang deleted ang pakiramdam na iyon sa sistema ko. Wala na sa vocabulary ko ang salitang “pag-aalala” kasi para kanino nalanga ko mag-aalala ‘di ba? Wala nang ibang mahalaga para sa akin kundi ang buhay ko.
Pero kapag nandiyan kasi si Chloris, binubuhay niya ang mga weird feelings sa sistema ko. Ayoko sa mga pakiramdam na iyon. Ayoko ng pakiramdam na nag-aalala at natatakot para sa isang tao o para sa kahit na kanino. Kasi dapat nga akong pakialam. Kapag walang pakialam, dapat wala ding pakiramdam. But again, because of Chloris, nagkakaroon ako ng pakiramdam. Nagkakaroon ako ng pakialam. And I really, really, don’t like it. Kaya ang ending, idinadaan ko sa inis at pagsusungit ang lahat.
Lalo akong na-disturbed nang makita ko ang future ni Chloris. Mga future, rather. Ayokong maniwala pero baka nga totoo ang reincarnation. Ang nakakapagtaka pa, palaging nagkakatagpo ang reincarnation ni Chloris at ang lalaking kamukha ko. O baka nga ako ‘yon. Malakas kasi ang pakiramdam ko na ako ‘yon. Katulad kong magsalita at kumilos.
Pero imposible din kasing maging ako ‘yon. Kapag tumawid na kami sa Kimbura at sakaling manalo kami laban kay Aunt Petunia, mababalik sa akin ang trono. Hindi ko na pwedeng talikuran ang obligasyon ko sa Wushimye.
O baka ibigsabihin ng mga eksena sa time planes, hindi natuloy ang pagtawid namin sa Kimbura? Hindi kami nagtagumpay sa misyon at nagpaiwan naman ako sa mundo ng mga tao?
Kaya lang, may isa pang nakaka-disturbed sa akin. Talaga bang ibinibigay ko ang lahat para protektahan si Chloris? Bakit ko gagawin iyon? Wala siyang halaga sa akin, ‘di ba? Wala lang siya.
Ugh! Nabubwisit na bumalik ako sa faculty room at kinuha ang mga kailangan ko para sa next class ko. Kailangan ko muna siguro ng distraction. Ayokong isipin ang mga nakita ko. Hindi ko dapat isipin.
Pero wrong timing talaga. Vacant pa pala ako ng isang oras, mas mabuting sa canteen nalang ako magpalipas ng oras.
Again, isa na namang wrong timing. Nasa canteen si Chloris. Busy sa cellphone habang sambakol ang mukha. Mugto din ang mata, halatang galing sa pag-iyak.
Tindayakan tuloy ako ng konsensiya ko. Argh! Oo na! Ako nga ang may kasalanan.
Gusto ko siyang lapitan. Mag-sorry ng paulit-ulit. Gusto kong itanong kung ano bang makapagpapagaan ng loob niya. But damn! This is not me. Hindi ako lalapit sa kanya. Bakit ba ako nag-aalala? Bakit ba ako nakokonsensiya? Bakit ako nagpapa-disturbed sa anyo niya?
Tss!
Dumeretso ako sa counter para bumili ng pagkain. Ayoko talaga ng pakiramdam ko. Dapat manatili akong naaasar at nagsusungit. Kailangan kong itayo ang shield ko sa mga ganitong pakiramdam.
Chloris
UMANGAT ang mukha ko nang mapansin ang paper cup ng hot chocolate na sumulpot sa harapan ko. Napasimangot ako. Si Elwood na madilim ang mukha at nagtatagisan na naman ang mga bagang. Aba! At siya pa ba ang may ganang mayamot sa akin? Siya itong nakakasama ng loob.
“Inumin mo. Bawal ang kape, baka ma-heart burn ka. At pwede bang tigilan mo na ang pag-iyak?” domineering na sabi niya.
Instant na nakalimutan ko na ang binabasa kong confession sa facebook dahil sa inilabas ng bibig ni Elwood. Ayoko sana siyang sabayan sa pagiging irritable niya, pero wala man lang ba siyang gentle bone sa katawan? May hint naman ng pag-aalala sa gesture niya pero ‘yong bunganga niya talaga, nakakainis ang tono na lumalabas.
“No, thanks. Tsaka hindi naman ako umiiyak ah?” asar na sabi ko pero mahina langa ng boses. May mangilan-ngilang estudyante kasi sa loob ng canteen. Baka may makarinig na nagsusuplada ako sa professor kung lalaksan ko. Baka ma-disciplinary office pa ako.
“Hindi ba ‘yang mugto ang mata mo?”
Nang hindi ako magsalita, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya.
“Fine. Ilang beses ba akong dapat na mag-sorry para mawala na ang pagka-badtrip mo sa akin?” Halata na ang frustration sa boses niya.
Medyo nakokonsensiya na nga din ako. At parang lumilinaw na din ang isip ko. Hindi naman niya kasalanan kung ganoon man ang reaction niya sa nakita niya. Hindi din ako dapat na mag-demand kung ano ang dapat na maramdaman niya sa nakita niya. Damdamin niya ‘yon, hindi ko na saklaw iyon. At hindi ko din dapat na pakialaman. ‘Yon ‘yong naramdaman niya, at ito ‘yong naramdaman ko sa reactions niya. Walang pakialamanan.
“I’m fine. Initial reactions mo iyon. Wala naman akong magagawa. Sumama lang loob ko. Kung maka-react ka kasi, parang ayaw na ayaw mo sa akin. As in parang gustong-gusto mo akong isuka—”
“Hindi sa ganoon—”
“Pero okay lang.” Pamamatlang ko sa pag-interrupt niya din sa sinasabi ko. “Okay lang talaga.” Pinilit kong ngumiti kahit akala ko, hindi ko kayang ngumiti.
Parang sumakit bigla ang lalamunan ko. Gusto ko na namang maiyak. Nasasaktan na naman ako kapag naiisip kong ganoon ‘yong reaksyon niya. Ano ba ang ayaw niya sa akin? Pagiging maingay ko ba? Pagiging persistent? ‘Yong attitude ko ba? O ako lang talaga ‘yong ayaw niya? Gusto kong magustuhan niya. Gusto kong pilitin siyang magustuhan ako. Pero alam kong imposible at hindi dapat. Hindi naman dapat na ipinipilit ng isang tao ang sarili sa kahit kanino. Dapat ko nalang i-accept na ayaw niya sa akin. Pero hindi ibigsabihin noon, titigil na ako na magustuhan siya. Mahirap kasi iyon, ang huminto na magustuhan siya. Parang nakatahi na yata sa destiny ko na magustuhan siya. Kasi, ‘di ba? Ano bang kagusto-gusto sa isang nilalang na saksakan ng sungit?
“Naiintindihan ko namang ayaw mo sa akin.” Huminga ako ng malalim. “Sana matapos na ang paghahanap natin sa mga priestess, ano? Para matapos na din ang pakikiaalam ko sa ‘yo.”
Nakita kong natigilan si Elwood sa sinabi ko. Hindi ko na pinansin iyon at ibinalik sa pagbabasa ng confession. Pero wala na ako sa sarili. Masyado na akong aware sa presence niya habang nakatayo siya sa gilid ng mesa sa tabi ko. Masyadong tumatalas ang senses ko na ramdam kong nakatitig siya sa akin. Ayoko man dahil nagiging uneasy ako pero nagpanggap nalang akong walang pakialam.
“It’s not true that I don’t like you.” Narinig kong sabi niya habang pinipilit kong intindihin ang binabasa ko. “It’s… I… Ugh.”
Bakit gano’n? My heart! It was rattling inside. Para akong mamamatay sa anticipation na marinig ang kung anong bagay na gustong sabihin ni Elwood pero hirap siyang i-express.
Just say you like me too, and I am fine with that.
Pero isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Gusto kong mawala sa sarili dahil ang tagal-tagal niyang magsalita ulit.
“Hindi sa hindi kita gusto, Chloris. Medyo naasar lang ako sa nakita ko sa future. Hindi dapat ganoon. Bakit gano’n ‘yong future mo?”
Nah! Tuluyang nalusaw ang pag-asa kong may maririnig akong maganda mula sa bibig niya. I quit anticipating. Tumayo na ako at kinuha ang cup of hot chocolate na ibinaba niya sa mesa ko. Nginitian ko din siya kahit pakiramdam ko, may mga salaming nababasag sa tapat ng tainga ko.
“It’s okay, Sir.” Sabi kong parang walang anuman ang narinig ko. “May klase na po ako. Thanks for this.” Pagtukoy ko sa hawak kong paper cup at tinalikuran na siya.
Ni hindi ko alam kung paanong matatag akong nakapaglakad papalayo sa kanya. None of what he said will I am going to like. Bali-balikatadin man iyon, ayaw niya sa idea na makakasama ko siya sa future ko. Ang sakit-sakit kaya no’n. Parang pinunit niya ang pagkatao ko.
Elwood
FUCK! Ano na naman bang nasabi ko? May mali sa mga nasabi ko. Ang hirap kasing sabihin. Bakit ba ang hirap-hirap sabihin? Ang hirap-hirap mag-express ng sarili. Yes, I was just too cool to tell her that I like her. I can’t tell her. Pakiramdam ko mababawasan ang katauhang binuo ko ng mahabang panahon kung i-e-express ko iyon ng maayos sa kanya.
Ugh!
Damn you, Elwood!
Gusto kong sundan si Chloris pero natatakot akong baka kung ano na namang pagkakamali ang magawa ko. Baka may masabi na naman ako na hindi niya magustuhan at tuluyan na siyang ma-badtrip sa akin. Mabait pa nga siya ng lagay na iyon na hindi niya ako binatukan.
Or maybe, gusto na niyang gawin pero kasi madaming makakakita kaya ‘di niya nagawa.
Isa pang buntong-hininga at inihatid ko nalang ng tingin si Chloris papalayo sa canteen.
Anika
NAKAKABUWISIT lang. Feeling ko, sinasabotahe ni Dach ang pagpapa-sexy ko. Paano ba naman, tuwing breaktime, may nag-aabot sa akin ng pagkain sa kahit nasaang lugar ako. Hindi na nga ako tumatambay ng cafeteria. Madalas na nga ako sa freedom park para hindi ako matakam sa pagkain. Pero bigla na lang may susulpot na freshman na nag-aabot ng kung ano-anong naka-paper bag na pagkain. May nagpapaabot daw.
Kapag naman luminga ako sa paligid, hindi ako makakita ng posibleng suspect. At kapag ipapa-describe ko kung sino ang nagpadala noon, isa lang ang description. Matangkad, maputi, brunette na medyo mahaba ang buhok na parang hair style ng Philippine actor na si Ruru Madrid ngayon. Na parang kagaya din ng hair style noong teenage days ni Louis Tomlinson ng One Direction sa music video na Summer Love. Tipong ginulo lang sa tagiliran with hair wax at okay na. At higit sa lahat, guwapo na fierce blue ang mga mata. Kilig na kilig pa `yong babaeng freshie na nag-abot ng pagkain sa akin habang idini-describe ang salarin. Bukod doon ay Commerce daw ang course. Sino pa bang Commerce student na kilala kong guwapo at may fierce-blue na mga mata?
Walang iba kundi si Dach.
May halo kasing European ang mga iyon kaya ganoon ang mga mata. Saka kung hindi lang namin siya neighborhood at kung hindi lang siya saksakan ng kulit, idagdag pang best friend siya ni Kuya Art noong buhay pa iyon, baka ni hindi ako nakipagkaibigan sa kanya. Snob ako sa mga may lahing alien. Masyado kasing matataas ang tingin nila sa sarili.
Anyway, maibalik lang sa pinupunto ko. Ang walanghiyang si Dach, talagang gusto niyang panindigan na wala nang ipagbabago ang figure ko. Sinasabotahe niya ang diet ko, walanghiya siya.
Pero nakakainis din kasi ang sikmura ko. Nakaamoy lang ako ng masarap galing sa paper bag, kumalam na ang sikmura ko. Paper bag na parang bomba na ibinagsak sa tabi ko, no’ng isang estudyante matapos itanong kung ako si Anika.
Buwisit! Hindi man lang ako binigyan ng chance na tumanggi. Paano na ang diet ko?
“Pero ang sarap talaga ng amoy eh.” Naiinis na sabi ko sa sarili ko.
Ilang beses akong pumikit para mapigilan ang sarili na silipin ang laman ng paper bag. Pero hindi ko kinaya. Hindi ako nakatiis. Kinuha ko din ang paper bag. Favourite ko pa naman ang fried chicken ng Jollibee. May kasama pang brownies at cupcake ng Red Ribbon. At large coke.
God!
Nakakapag-laway!
Ah! Bahala na. Magjo-jogging na lang ako ng maaga bukas. Maglalakad din ako mamaya pag-uwi ko.
Sinimulan ko nang lantakan ang pagkain. Minsan lang naman eh. Saka talagang masarap ang pagkain na libre. Bukas, kapag nagpadala ulit si Dach ng pagkain sa kahit sino, tatanggihan ko na talaga.
Nagde-dessert na lang ako nang tumunog ang cellphone ko. Si Dach. Nagtext.
“Masarap ba? Naubos mo ba ang pinadala ko? Ubusin mo iyan at masama ang nagpapalipas ng gutom.”
Kahit naiinis ako na sinasabotahe niya ang goal ko, hindi ko pa din naman maiwasang matuwa sa kanya. Atleast, kahit tungkol sa pagkagutom ko man lang ay may maganda siyang sinabi. Hindi niya pinapabayaan ang tiyan ko. Pero dahil gusto kong magsuplada at magpakipot, iba ang inireply ko.
“Anong ipinadala? Wala akong natatanggap.” Sabay sent.
Tumunog na naman ang cellphone ko. Ang bilis magreply.
“Wala kang natatanggap eh araw-araw mong nilalantakan ang mga pagkain na pinapadala ko. Paano ka bang papayat niyan?”
Nahinto ako sa pagkagat ng brownies. Para akong sumalang sa bucket challenge sa pagkabasa ng message niya.
“Hayup ka!”
“Hahaha. Taba!”
Asar na nagpalinga-linga ako sa paligid. Walang kahit anong trace ni Dach sa paligid. Bakit niya alam? Paano niya nalaman?
Tangina, ka Dach! Nasaan ka?
Isinalampak ko na lang basta sa paper bag ang brownies at tumayo na. Kailangang mahanap ko kung saan nagkukuta si Dach na hudas. Pinalamon lang pala ako para maasar. Tumunog ulit ang message alert ko matapos ang ilang hakbang.
“Dahan-dahan ang paghakbang, baka malindol ang mga nasa field.”
Nanlaki na ang mga mata ko. Nasa paligid lang si Dach at pinapanood ako. Pero bakit hindi ko siya makita? Nasaan ang walanghiyang iyon?
“Hayup ka, nasaan ka?” reply ko naman.
“It’s not the proper way to say thank you, but you are welcome, anyway. Alam ko namang thankful ka sa akin na naa-appreciate ko ang assets at kakayahang nagagawa ng timbang mo.”
Nabuwisit na ako ng tuluyan. Lesson learned. Hinding-hindi na ako titikim ng kahit anong patibong ni Dach sa akin para lang magkaroon na naman siya ng laughing stock.
“Linteken ka!” reply ko naman sa kanya.
“O, hinay-hinay sabi sa paghakbang, baka magkagitak ang lupa.”
Pinatay ko na ang cellphone ko sa kabuwisitan ko. Lintik! Kung hindi ko iyon papatayin, maiimbyerna ako ng tuluyan. Kailangan ko muna talagang lumayo kay Dach. `yong tipong makikipaglaro ako ng ‘hide and seek’. Kailangang hindi ko siya makita o hindi niya ako makita. Iba-block ko na din siya sa phone at social media accounts ko. Kailangan kong mag-alis ng stress at baka mas makadagdag lang iyon sa paglobo ko.
Dere-deretso ako sa paglalakad nang mapansin kong may kakaiba sa paligid. Paglingon ko, noon ko nasigurado na tama ako. May malaking kakaiba. Hindi gumagalaw ang mga tao sa paligid. At parang walang humihinga. Maski ang nililipad na papel ng kung sinong estudyante, hindi din gumagalaw. Parang nag-freeze ang lahat.
Bigla akong kinilabutan. Gusto kong mataranta. Palingon-lingon ako sa paligid. Anong nangyayari? Bakit nag-freeze ang lahat?
Pero bago pa man madagdagan ang mga tanong ko, may kung anong pagsabog ang narinig ko sa ere. Sa itaas, biglang nagdilim ang langit. May mga liwanag sa itaas. Parang mga nagliliwanag na energies na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Parang kidlat sa malawak na langit sa magkaibang kulay. Green at red at nagsasalpukan ang mga iyon. Magreresulta ng nakakapanindig balahibong pagsabog. Pagkatapos ay mga daing ng nasaktan. Muling nagsalpukan ang dalawang enerhiya sa magkaibang kulay. May sumalit na isa pa, kulay puti naman at sumugod iyon sa kulay green na energy. At isa pang green na nakipaglaban din sa kapwa green na kapangyarihan. Gumuguhit sa madilim na langit ang salpukan ng mga enerhiya. Nagsasalpukan ang malalakas na aura sa paligid. At wala akong maintindihan sa mga nangyayari.
Basta isa lang ang nasisigurado ko. May mga kapangyarihan na nagsasalpukan. Kung kanino at sino, ayoko nang alamin pa. Nakakapanginig ang ingay sa kalangitan. Ang daingan ng mga nasaktan. Ang sigaw sa tuwing papailanlang ang mga enerhiya at sa tuwing guguhit ang salpukan ng mga kapangyarihan.
Napayuko ako sa gitna ng field at tinakpan ang mga tainga ko. Natatakot ako sa mga naririnig at nakikita ko. Ano bang nangyayari sa paligid? Sa mundo?
Naririndi ako sa naririnig ko.
And at the same time, nanghihilakbot. Bakit nag-freeze ang lahat pero ako ay hindi?
Ayoko na! Ayoko nang marinig ang lahat ng iyon. Ayoko nang makita ang lahat ng iyon!
“Ayoko na!!!”
Hindi ko napigilang isigaw ang nasa loob ko. Hindi ko din maintindihan kung bakit bigla kong naramdaman na may napakalakas na malamig na energy na biglang bumalot sa akin. At patindi iyon ng patindi sa tuwing maririnig ko ang mga daing pero magreresulta ng pagkairita ko. At the same time ay ikinatatakot.
Parang nagsasalpukan sa katawan ko ang strength at weakness ko. Parang naglalaban. Hindi ko makayanan ang energy. Umikot iyon ng umikot sa katawan ko. Para akong nasa loob ng ipu-ipo pero hindi naman gumagalaw ang katawan ko. Nililipad ako ng napakalakas na hangin. Nagliliparan ang lahat sa paligid ko. Pati mga buhok ko, parang gustong maalis sa anit ko. Mahapdi ang paghampas ng hanging nagtatalo ang init at lamig. At alam ko, nararamdaman ko na sa katawan ko nanggagaling ang lahat ng iyon. Bakit? Bakit hindi ko mapigilan? Ano ang nangyayari sa akin?
Naramdaman ko na parang napunit ang bahagi ng uniform ko sa may balikat, sa parte kung nasaan ang birthmark. Bigla iyong nagliwanag sa kulay yellow. Pahapdi ng pahapdi. Parang may kutsilyo na humihiwa sa bahaging iyon at pilit inaalis ang birthmark.
Hindi ko kinaya ang sakit napasigaw ako ng ubod lakas. Kasabay ng mga sigaw ko ang pagsalya ng dilaw na ipu-ipo paitaas. Tatamaan ng yellow tornado ang mga nagsasalpukang mga enerhiya. At wala akong kakayahang pigilan iyon. Ayokong makita ang magiging resulta. Ayoko nang makarinig o makakita ng kahit na anong kakaiba!
Unti-unti kong naramdaman ang paghulas ng lakas ko matapos makawala ng tornado na nakapalibot sa akin. Unti-unti kong nararamdaman ang kawalan ng lakas ng mga tuhod ko. Nawawalan ako ng kakayahang makatayo. Gusto rin ng mga mata ko na mawalan na din ng kakayahang makakita ng madilim na kalawakang walang ibang laman kundi ang salpukan ng mga kapangyarihan.
Ayoko na. Ayoko nang makakita ng mga nakakatakot. Gusto ko na lang mag-freeze din katulad ng iba. Ordinaryo lang din naman akong tao ah? Bakit ako? Bakit ako pa?
At nang maramdaman kong babagsak na ako sa lupa, kusang pumikit ang mga mata ko. Pero bago magsarado ang mga iyon. Nakita kong unti-unting nagliwanag ang kalangitan. Nabuo ang dambuhalang cloud formation ng left eye na palagi kong nakikita. Madilim ang tingin noon sa akin. Parang nanlilisik. Pero bigla ding nagbago at naging maamo. Parang nakikiusap.
“Please… tigilan mo na ako. Tigilan niyo na ako!”
Marahang bulong ko sa hangin bago ko tuluyang ipinikit ang mga mata ko. And for the very last seconds that I am still aware, narinig ko si Dach. Narinig ko ang mga yabag niyang papalapit sa akin.
“Anika!!!”
Now, I am not afraid to fell down on the ground. Dahil alam ko, kahit hindi niya ako saluhin, may hahanap at hihingi ng tulong para mailayo ako sa mapanganib na lugar na iyon.