Elwood
Nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang parang pagod na pagod at hinang-hinang naglalakad si Chloris sa mahabang ground floor hallway ng chateâu dito sa loob ng time plane. Nagpaalam siya kanina na magliliwaliw lang daw sa labas. Lunes na lunes pero nakatambay sa time plane. Tumambay na din ako at toxic ang mga estudyante ko. Nakakairita ang kakulitan nila. Minsan ay gusto ko na nga silang gamitan ng spell. Gawing mga insekto o i-freeze ng mga 24 hours. Pero hindi ko din magawa. Unfair naman kasi wala silang kapangyarihan para lumaban. Nasaan naman ang challenge doon?
Isa pa, hindi ako pinalaking bully.
“Chloris?” tawag ko sa babaeng makulit na nakalimutan yatang uminom ng happy pills, dahil hindi ito malikot at maingay ngayon.
Tiningala niya ako. Nasa second floor ako at nakatungo sa kanya. Parang hinang-hina talaga siya. Bigla tuloy akong kinabahan. Bigla din ang pagbuhos ng matinding pag-aalala sa akin. Umaakyat siya sa hagdanang nagiging invisible ang baitang na madaanan sa bawat paghakbang. Kasunod ang alaga niyang pusa na parang wala ding sigla. Kung hindi ko lang alam na isang normal na tao lang si Chloris, iisipin ko na isa rin siyang witch at familiar niya ang pusa. Sa paningin ko kasi, nagiging wonim ang pusa. Ang wonim ay uri ng silver energy na nagkokorteng hayop at gumagabay sa mga witch at wizard na nagmamay-ari ng energy. Ganoon kasi si Juno. Nagiging wonim siya kapag pinoprotektahan at ginagabayan ako. O ‘di kaya ay kapag inuutusan. At lobo naman kapag nasa state na chill lang.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang tingin ko sa pusa ni Chloris. Parang hindi iyon ordinaryong pusa. Sa paningin ng mga tao, ordinaryong hayop lang ang pusa. Hindi nagbabago ang anyo kapag nakasunod sa amo at naka-raise ang protective aura.
Nang nasa kalagitnaan na si Chloris,nakita kong bigla siyang natigilan. Hinawakan ang sintido at ang kasunod na ay parang matutumba. Naging alerto ako at naging napakabilis ng pagkilos ko. Segundo lang at nasa tabi na niya ako, saktong bumibigay na ang katawan niya. Kamuntik ko pa siyang hindi inabot samantalang ultimate teleportation na ang ginawa ko.
“Hey!” Inalog ko si Chloris pero nang hindi pa din siya kumikilos, kinarga ko na siya at nag-teleport paakyat sa second floor.
Hindi ko pa siya nakitang nagkaganito kaya itong mawalan siya ng malay, talagang nagpapatuliro sa akin. Pinakikiramdaman ko ang energy niya habang ipinapasok siya sa loob ng isa sa napakadaming silid sa chateâu. Mahina. Halos wala siyang lakas. Matapos ko siyang ihiga sa kama, pinakiramdaman ko naman ang leeg at noo niya. Pati mga braso niya. At nanlalamig iyon. Lalo akong nagtaka. Hindi ba karaniwan na mainit ang isang tao kapag nagkakasakit? Bakit siya nanlalamig?
Sinubukan ko nang mag-channel ng energy sa kanya dahil palagay ko, iyon ang dahilan ng pagkawala ng malay niya. Ilang sandali din at nagkamalay si Chloris at tumingin-tingin sa paligid. Matapos ma-realize kung nasaan siya, nanahimik na. Talagang naninibago ako sa kanya. She is not her usual self. Dapat ay bumabangon na siya ngayon at wala nang tigil ang bunganga sa pagsasalita o pagkukwento ng mga nangyari.
At kung madalas na naiirita ako sa kakulitan at kaingayan niya, natatakot at nag-aalala naman ako ngayong halos hindi siya nagsasalita. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin. Iiwan ko ba siya para makapagpahinga at makabawi ng lakas? O sisinghalan ko nalang siya para bumalik ang dating matalas na pakikipagtalo niya sa akin?
Nakakapanibago kasi. At nakakapag-alala. Ayoko na ganito siya. Mas lalo akong natataranta.
Damn it! Pero gusto kong magpanic kasi namumutla siya at parang hinang-hina.
“What really happened?” Hindi ako nakatiis at pasikmat na tinanong si Chloris. Nang hindi siya sumagot, nabwisit na ako at pasigaw na muling nagsalita. “Damn it, tell me!”
Alright, masyado siguro akong masama dahil hindi na nga maayos ang lagay niya at sinisigawan ko pa siya. Pero nag-aalala na ako ng sobra. Something happened at hindi niya sinasabi sa akin. And I hate it! I hate it na wala akong magawa para tulungan siya o protektahan siya sa kung anumang nilalang na may kagagawan ng panghihina niya.
“I…” Naipikit ni Chloris ng mariin ang mga mata. “I think I saw my future self.” Mabilis na sambit niya na nakapikit pa din.
Natigilan ako. Anong sinasabi niya? Bakit may future self siya sa year 2706? Wala na siya dapat sa panahong ito.
“Sigurado ka ba?” Parang hindi pa din ako makapaniwala nang tumango siya.
“Bigla akong nanghina nang makita ko siya. Mabuti nalang at hindi kami nagka-eye-to-eye contact. Akala ko nga maglalaho na ako pero mabilis akong nakatakbo. Dumating din agad ‘yong sasakyan mo para maiuwi na ako.”
Tigagal pa din ako matapos niyang sabihin iyon. Hindi namin pwedeng makita ang mga future self namin dito sa time plane. Dahil kapag nagkaroon ng eye-to-eye contact, mahihigop ng isa ang energy ng isa pa. Di bale sana kung kaming mga present individuals ang manalo sa higupan ng buhay. Paano kung matalo kami? Mamamatay kami at maglalaho na din ang future self namin. Dahil siyempre, paanong magkakaroon ng future self kung namatay na ang mga present self, ‘di ba?
But wait! Paano nangyaring nandito ang future self ni Chloris? Ang mga tao, maswerte ng umabot ng eighty years. At halos pitong century ang layo ng panahong ito sa panahong pinanggalingan ni Chloris. Well, kaming mga Kimburian, mahahaba ang mga buhay namin. Kaya nga hindi ko pinapayagang lumabas at mamasyal sina Soleih at Ceilah dahil baka mapahamak sila. Hindi ko naman pinigilan si Chloris dahil alam ko ngang walang future self nito ang makakasalubong nito. Kaya ano itong sinasabi ni Chloris?
“Sigurado ka bang talaga? Kamukha mo? Ka-built mo?” Hindi pa din ako makapaniwala.
“At parang kaedad ko. Para akong nananalamin kaninang kaharap ko siya. Magkaiba nga lang kami ng suot.”
Argh!
Sumakit bigla ang ulo ko. Ano ang ibigsabihin ng mga nangyayari? Hindi naman siya Kimburian, kaya imposibleng mahaba ang buhay niya. O totoo ang kalokohang pinaniniwalaan ng mga tao na reincarnation?
That’s silly.
“Take a rest. Bawiin mo ang lakas mo bago tayo bumalik sa present. Aalamin ko lang muna ang dahilan nitong mga nangyari.”
Iiwan ko na sana siya at sasampa sa iba’t-ibang time plane para hanapan ng sagot ang mga tanong ko nang magsalita siya.
“Huwag kang umalis!”
Napalingon akong bigla. She sounds like crying. At parang sinuntok ang puso ko nang makitang talagang naiiyak si Chloris. Siguro ay sa takot. At lalo niya iyong ipanghihina. Napasugod tuloy ako sa kama.
“Fuck! Ang sabi ko, magpahinga ka. Hindi umiyak. Lalo mong palalalain ang kondisyon mo.”
Natuluyan namang nalaglag ang mga luha niya. Gusto ko na namang batukan ang sarili ko kasi nagpapaka-asshole na naman ako. Masama na nga ang pakiramdam at sinisigawan ko pa. Nakonsensiya tuloy ako. Umangat nang kusa ang isang kamay ko para pahidin ang mga iyon.
“I’m sorry. Nag-aalala lang naman ako.” Lumabas nalang kusa ang mga salita. Kailan ba ako nag-sorry sa pagiging salbahe ko sa kanya? Ewan ko, hindi ko na alam ang ginagawa ko.
“Natatakot ako. Huwag mo akong iwan dito.” Kumapit na ng mahigpit ang isang kamay niya sa isang braso ko. “Magkasama ang mga future self natin. Bakit kasama mo pa din ako sa panahon na ito? Hindi ka na din naka-uniform as professor. Naka-student uniform ka lang din. Hindi ko maintindihan. At natatakot ako kasi… baka ibigsabihin no’n, hanggang sa panahon na ito, hindi pa din tayo nagtatagumpay. Na-re-reincarnate ba ako at paulit-ulit ang buhay hanggang hindi natatapos ang misyon? Tama ba ako na mabubuhay pa din ako sa panahon na ito na puro cyborg na ang mga mahihirap na tao? Ayokong mawalan ng pakiramdam. Ayokong mabuhay sa panahong ito!”
Natigilan ako. Parang ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakitaan ko siya ng kahinaan. Chloris was a kind of a person who was full of life, determination and hope. Pero ngayon, puro takot ang nakikita ko sa kanya. At para akong tinatadyakan sa dibdib sa nakikita ko. Parang may malaking bato na nakadagan sa dibdib ko. I felt heavy.
“Alright. Hindi ako aalis. Matulog ka na.” Nginitian ko pa siya para i-assure. Ngumiti din siya at pumikit na. Parang nilalabanan lang naman nito ang makatulog para pigilan ako. At kahit naman hindi niya hilingin, hindi ko naman talaga siya iiwan. I’ll just find a way to protect her even more. Dahil isipin palang na mapapahamak siya, parang hindi ko na kaya.
Chloris
Dalawang araw na ang lumipas at nasa loob pa din kami ng time plane. Ayaw pa din akong paalisin ni Elwood, e’ okay na naman ang pakiramdam ko. Nakabawi na ako ng lakas. Talagang napakatindi ng pwersang humigop sa lakas ko nang mga sandaling makaharap ko ang future self ko. ‘Buti nalang at mabilis ang presence of mind ko, nakatakbo ako. Pero kasi, nandoon pa din ang after effect ng paghaharap namin. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Elwood pero nang magising ako, medyo gumaan ang pakiramdam ko at naging madali na din ang pag-recover. Plus, may mga supplements na pinapainom sa akin ang android nurse niya. Kaya heto ako ngayon, sa sobrang kabagutan, nakikigulo sa kitchen sa mga android cook niya. Si Elwood? Ewan ko. Baka nasa isang silid na naman dito sa chateâu. Sabi ng isa sa mga android maid niya, busy daw at ayaw magpa-istorbo. Himala ah?
Madalas na nasa porch lang ‘yon o sa tapat ng pool at nag-re-relax. Pero kung anuman ang ginagawa niya, alam kong para ‘yon sa misyon namin. Oo, inangkin ko nang kasali ako sa misyon niya tutal, mula nang guluhin ako ni Hino, isinangkot ko na ang sarili ko sa misyon na ito. At oo din. Minsan ay may pagka-gago ‘yang si Elwood. Akala mo walang pakialam sa mundo. Pero alam kong press release niya lang iyon. Deep inside him, alam kong gusto niya ding mailigtas ang mga kauri niya. Kasi, kung talagang ayaw naman niya, kahit ano pang gawin ko, hindi siya makikipag-cooperate. Kagaya ni Serene.
“Ms. Chloris. Si. Chen. Ang. Magdadala. Ng. Pagkain. Kay. Sir. Elwood.” Pigil sa akin ng isang cyborg sa kitchen nang hawakan ko na ang tray ng pagkain.
Ang Chen na sinasabi niya ay ang isa sa mga android maid. Kinaaaliwan ko talaga ang computer generated na pagsasalita nila. Pero naaawa din ako, kasi alam kong dati silang tao. Na kinonvert lang para maging alipin. At binibili naman ng mga afford bumili. Hindi ko ma-imagine na ganito ang magiging future namin. Parang nakakatakot isipin. At masakit din. ‘Yong makita ang kapwa mo na alam mong wala nang damdamin.
Nginitian ko lang ang cyborg para din pawiin sa isip ko ang kung anu-ano na namang ka-dramahan. Kaya nga ginagawa namin ang lahat para sa misyon ni Elwood. Baka maski paano, may effect iyon sa mundo namin. Kasi, kung may New World Order sa hallow world ng Earth, malamang na may effect iyon dito sa outer world kung nasaan kami.
“Hindi, ako nalang. Kakausapin ko din kasi siya.”
“Pero.—”
“Okay lang.” sabi kong iniwanan na ang cyborg sa kitchen.
Inilagay ko din sa food cart ‘yong tray saka ko isinulong papunta sa silid na pinagkukutaan ni Elwood. Dalawang araw na siya doon. At ewan ko kung anong ginagawa niya.
Nakasalubong ko ang isa pa sa mga android maid ni Elwood at wala akong nagawa nang agawin niya sa akin ang pagsusulong ng tray. Hinayaan ko na nga. Naka-program kasi ang mga android na sila ang gagawa ng mga gawain sa chateâu. Ganoon din ang mga cyborg. Kaya talagang astang seniorito at seniorita kami dito.
Magdo-doorbell sana ang android nang pigilan ko. Ini-unlock ko na din ang silid.
“Sige na. Ituloy mo na ang ginagawa mo.”
Nang makaalis ang android, saka ko naman itinuloy ang pagpasok sa loob. Nasa couch si Elwood. Nakapikit. Parang natutulog. Pero nang malapitan ko siya at nakikita kong kumikibot ang mga labi niya. Gumagalaw din ang mga kunot sa noo niya, alam ko nang nagme-meditate siya. Or pwede ring nasa process siya ng pagta-time travelling. Ang astral niya ang pumapasok sa iba’t-ibang time planes. Kung anuman ang ginagawa niya doon, hindi ko alam.
“Elwood.” Tinapik ko siya sa balikat.
Bigla ang pagmulat ng mga mata niya na ikinasinghap ko din. Namilog kasi ang mga mata niya kasabay ng sunod-sunod na pagsinghap. Parang nanggaling sa isang bangungot. Sandali lang siyang tumitig sa akin. Parang may hinahanap siya sa mukha ko. Hindi ko naman maintindihan ‘yong mainit na pakiramdam na dumadaloy sa buong pagkatao ko habang nakatitig siya. Ano ba ito? Bakit ganito siya makatitig? At bakit ang uneasy ng pakiramdam ko?
Deym!
“Ano ba? Bakit ka pumasok? ‘Di ba sinabi ko ngang ayokong magpa-istorbo?” Nakaangil na naman siya. Eeerrr…. Asshole mode, ACTIVATED!
Inirapan ko nga siya.
“Dinalahan lang kita ng pagkain. Dalawang araw ka na dito na hindi kumakain. Ano bang gusto mong gawin sa buhay mo? Nagpapakamatay ka ba? Tapos, ‘yang mga android mo, ayaw naman akong palabasin. Naiinip na ako. Bumalik na din naman ang lakas ko, kaya pwede na akong bumalik sa present.”
Hindi sumagot si Elwood. Nakatitig na naman siya sa akin. At naiinis ako kasi nagiging uneasy na naman ang pakiramdam ko.
Ano ba kasi, Elwood! Tigilan mo na nga iyan!
“Huwag kang… magpakalat-kalat sa time plane na ito..” Maingat at tipid na sabi niya.
“Huh?” Nalito naman ako. Ano bang sinasabi niya?
“Nandito nga ang future self mo. Every two hundred years, after the death of your past self, nabubuhay ka.” Sabi niyang seryoso pa din. “At kasama ako sa bawat buhay mong iyon. O baka kamukha ko lang. Ang galing ng mundo niyo, nagagawan ng clone ko. Minsan mahirap lang ako, mayaman ka. Minsan pareho tayong mayaman. Minsan naman, mayaman ako at alipin kita. Para akong nanonood ng Korean Novela na iba’t-iba ang plot pero palaging ikaw at ako ang character.” Poker faced na sabi niya. Parang nagkukwento lang ng walang kwentang panoodin na napanood niya.
Gusto kong mainis pero mas lumamang ang tuwa ko sa mga pinagsasabi niya. “O ‘di ba? Totoo ang reincarnation?” Tuwang-tuwang bulalas ko. “Ano pa ang mga nakita mo sa future ko? Sige na, kwento ka pa.”
Tiningnan niya ako ng masama. Napawi tuloy ang malapad na ngiti ko. Bigla akong kinabahan. “Palagi akong nagsasakripisyo para sa ‘yo.” Sabi niyang walang kangiti-ngiti. “Ah, hindi. Hindi ako ‘yon. Kamukha ko lang ‘yon. Bakit naman ako magsasakripisyo para sa ‘yo?” Isang naiinis na buntong-hininga. “Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi naman kita kaano-ano. At ito ngang pakikisawsaw mo sa buhay ko at pagkakaroon ko ng obligasyon sa kaligtasan mo, hindi ko na gusto, then why will I made myself accountable with you for the rest of my life? Ofcourse I won’t do that.”
Nainis ako. Nakakabwisit namang talaga. Ang dating kasi, pakialamera ako. Pilit kong isinasaksak ang sarili ko sa misyon niya tapos nagiging pabigat ako. Nagmagandang-loob na nga akong tumulong, parang minamasama pa niya.
Tangina ah!
At nasaktan akong talaga. Hindi ko naman siya inoobliga na protektahan ako. Kaya kong protektahan ang sarili ko. At nagiging pabigat ba ako sa kanya? Bakit? Dahil ba doon sa minsang pagkakamali ko at na-drain ang lakas ko dahil nakita ko ang future self ko? ‘Yon ba ‘yon? Sobrang dami ba ng energy na ini-channel niya sa akin at labag sa loob niyang gawin iyon? Hindi nalang niya sana ginawa. Nagpaka-rude nalang din sana siya no’ng mga oras na hiniling kong manatili siya sa tabi ko.
Siguro, kakayanin kong makipag-deal sa takot at panghihina ko nang mag-isa no’ng mga sandaling iyon kesa ganito na pagkatapos ng lahat, isusumbat niya sa akin ang mga ginawa niya.
Ah! Ang layo na ng naitakbo ng isip ko. Ang pinagmumulan nga pala ng pagiging pissed off niya, ‘yong mga nakita niyang scene sa mga time planes. And maybe, hindi siya ang kasama ko sa future. Hindi naman niya talaga gagawin ang mga ganoon para sa akin. Malamang na mga kamukha niya nga lang ang mga iyon.
But deep inside me, gusto kong manghinayang sa part na iyon. Kasi no’ng sabihin niyang palagi ko siyang kasama sa mga nauulit na buhay ko, ang saya-saya ng pakiramdam ko. I want to look forward to my future with him. Kahit gaano pa siya kasalbaheng manalita sa akin, nandoon pa din sa sulok na bahagi ng puso ko ‘yong kagustuhan na makasama siya. Kasi, nararamdaman ko naman na hindi siya ganoon kasama katulad ng gusto niyang palabasin.
“Gano’n?” Pigil ko ang damdamin ko. Ayokong sumuko at ipakita sa kanyang talagang nasaktan ako. “Kung ayaw mo naman pala na nakikisali ako sa misyon mo, paalisin mo na ako dito at pababayaan ko na din kayo. Then you will never be hold accountable in me. Basta siguraduhin mo lang na matatapos mo ‘yang dapat mong gawin. Ayokong… mabuhay sa panahon na ito na cyborg na ang mga kasama ko. Human’s still deserve a happy and wonderful future. At naniniwala ako na may kaugnayan ang misyon mo sa magiging future namin.”
Masama ang loob ko na tumalikod sa kanya. Iniwan ko na din ang cart ng pagkain niya.
“Kumain ka na din at baka gutom ka na. Pero bago iyon, i-instruct mo na ang mga androids mo na payagan akong lumabas ng time plane na ito. Ipahatid mo na ako sa port ng secret door para matakihimik ka na.”
“Fuck!” mahinang angil niya. “Hindi iyon ang gusto kong sabihin!”
Hindi daw. Wala na. Nasabi na niya. Nasaktan na din ako, saka pa niya babawiin? Iyon na ang una niyang sinabi, that means that was his initial reaction upon seeing my future. Ayaw niya na nakitang kasama siya sa future life ko. hindi ko naman siya masisisi. He never liked me. Even from the very beginning, hindi na niya ako gusto. Ako lang talaga itong makulit na ipinagsisiksikan ang sarili ko.
I held my tears back. Tama na nga! Magpapalamig muna ako ng sama ng loob at saka ko na siya haharapin ulit. Oo, talagang may balak pa akong harapin ulit siya kapag okay na ang estado ng damdamin ko. Siguro, iipunin ko muna ulit ang sarili ko at bubuuin. Ganoon naman palagi. Kahit nasasaktan ako sa cold treatment niya. Nagpapahinga lang ako, tapos makikipag-deal na ulit sa kanya. Ang alien ko na ba? Wala eh, gusto ko talaga siyang kasama kahit ang rude niya sa akin. Gusto ko siyang tulungan kahit ayaw naman niyang gawin ang obligasyon niya.
“Gusto ko na munang bumalik sa present.” Dumeretso na ako sa pinto na hindi siya nililingon.
“Chloris! Ano ba?! Intindihin mo ngang mabuti ang sinasabi ko?”
Pabalagbag kong isinarado ang pinto pagkalabas ko. Naiirita ako kasi naiirita din ang tono niya sa akin. At kung magpapatuloy kami ng pag-uusap, malamang na mawasak ang silid sa pagsasalpukan namin. Madalas man magsalubong ang pagiging short-tempered namin, hindi pa kami umabot sa puntong talagang gusto kong dumistansya muna ng malayong-malayo mula sa kanya. Pero kasi, nasaktan talaga ako sa sinabi niya. Gusto ko na ngang umiyak. Alam mo ‘yon? As in gustong-gusto ko nang ilabas ang sakit dito sa loob ng dibdib ko.
Dumeretso na ako palabas ng chateâu at nag-instruct sa isa sa mga androids na dalhin ako port area. Ang port area, ‘yong parang reception sa hotel. May mga cyborg receptionist doon na nag-a-activate ng mga pintuan. Mga pintuan kung papunta sa chateâu, o sa malawak na parking area ng mga sasakyan ni Elwood, o papunta sa secret door pabalik sa present. Pero bago ako makasakay sa mini jet na magdadala sa akin sa port area, nakalabas na si Elwood ng chateâu.
“Chloris, wait!”
Hindi ako lumingon. Ayoko siyang lingunin. Kasi baka kapag ginawa ko iyon, makalimutan kong naiinis ako sa kanya. Baka kapag nakaharap ko siya, magbago na naman ang timpla ng isip ko at igiit sa sarili ko na dapat ko siyang intindihin. Na ganito lang talaga ang ugali niya. Na hirap lang talaga siyang i-express ang sarili pero hindi naman talaga masama ang ugali niya. Minsan, nakakatanga din talaga si self eh. Ang sama-sama na nga ng ugali ng isang ito, pero nandoon sa sulok na bahagi ng puso ko ang kagustuhan na parati siyang intindihin.
“I’m sorry, okay? Ihahatid na kita sa port area.”
Iyon lang at inalalayan na niya akong sumakay sa mini jet. Hindi ako nagsalita. Talagang pinigilan ko ang sarili na magsalita kahit pa nga gusto kong sabihin na ng mga sandaling bigkasin niya ang salitang sorry, nalusaw nang bigla ang inis ko sa kanya.
Nakakainis ka talaga self! Bakit ba ang hina mo pagdating sa kumag na ‘yan?