KIMBURA Chapter 17

Anika

“YOU have to accept the power, accept what you are…”

“You are one of the four witch priestess, Anika. Kauri ka namin… isa kang Kimburian.”

Hindi ko alam kung paano ia-absorb ang mga sinabi ni Sir Elwood dahil hindi iyon nalalayo sa mga sinabi ni Serene sa akin. At hindi iyon ganoon kadaling paniwalaan kung hindi lang dahil sa ilang bagay na nagpu-push sa akin na dapat na akong maniwala. Papalapit pa lang ako sa kanya no’ng lumabas siya ng klase kahapon at alam na niya ang kailangan ko. Agad na niyang sinagot ang tanong ko kahit hindi ko pa man iyon nailalabas.

“Hindi ako ang nagbibigay ng bangungot sa `yo. Nandito lang ako para i-guide ka. Hindi ako ang kalaban. Isa pa, isa lang ang solusyon sa problema mo. Titigil iyan kung tatanggapin mo at sasama ka sa amin. May safe place para sa mga katulad mong may witch blood.”

Kahit pigilan ako ni Dach, hindi ako nagpapigil. Gusto ko nang masagutan ang mga problema ko. At nararamdaman ko na si Sir Elwood ang sagot sa lahat. At tama nga ako. May alam siya sa mga nangyayari sa akin. Pero mas nagimbal ako sa mga nalaman ko sa kanya. Akala ko naman kasi, simple lang ang dahilan ng lahat kaya nandoon lagi ang mga mata niya sa ulap. Pero hindi pala. Hinahanap niya ako. At dahil iyon sa birthmark ko. Ang birthmark ko ang basehan niya sa mga pinagsasabi niyang isa raw akong witch.

Kaya lang, paano ko tatanggapin ang lahat ng iyon? Ako? May witch blood? Hindi naman witch sina Mama at Papa.

“O? Anika, bakit hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo? Male-late ka na sa klase.”

Narinig ko si Mama na sinisita ako habang nakatitig lang sa plato. Pinakatitigan ko siyang mabuti. Hinahanap ko kung ano ba ang puwedeng resemblance namin sa isa’t-isa. Gusto kong makasigurado at ma-convince ang sarili ko. Dahil sa totoo lang, parang gusto ko nang kuwestiyunin ang katauhan ko.

Ano ba ang magkatulad sa amin? Ilong? Hindi naman sobrang magkatulad ang mga ilong namin.

I made a mental punett square. Habang kina-calculate ko, na-realize kong dapat malaki ang resemblance ko kay Papa. Lumipat tuloy ang tingin ko kay Papa. Pero walang kahit anong resemblance akong nakuha kay Papa. It just occurred in my mind. Hindi rin kami magkahawig ni Kuya noong mga bata pa kami pero kahawig siya ni Mama.

At ayoko sanang isipin pero hindi kaya…

“O anak, bakit ganyan ka naman makatingin kay Papa?” Parang natatawa si Papa na sumubo ng pagkain.

Bumuwelo naman ako at bumuntong-hininga. Saka nagtanong.

“Bakit hindi kita kamukha, Papa?”

Natigilan si Papa sa pagnguya. Nang lingunin ko si Mama, nanlalaki rin ang mga mata niya. Parang nagpipigil huminga at naging tensyonada. Doon palang, parang sinakal na ang puso ko. Alam ko na. Tama ako!

Anak niyo ba talaga ako?

Gusto ko nang itanong sa kanila iyon. Gusto ko nang kumpirmahin ang ibig sabihin ng mga reaksiyon nila. Pero biglang tumawa si Papa. A nervous laugh. Isang uri ng tawa na halatang may itinatago.

“Bakit ka ba ganyan makapagtanong? E siyempre, mas kamukha mo si Mama mo.” Sabi niyang bigla sabay abot ng tubig.

Bumaling naman ako kay Mama. Bigla siyang ngumiti pero halata ding ninenerbiyos. “Bakit hindi din kita kamukha, Ma?”

Hindi siya nakapagsalita. Tumitig lang sa akin. Pero matapos ang ilang segundo, biglang ngumiti. “Magkamukha kaya tayo. Parehong heart shape ang mga mukha natin. Pareho tayong maganda. Saka ‘yang pilik mo, sa akin mo nakuha ‘yang mahaba at malantik mong eyelashes—”

“Parang hindi naman magkatulad.” Bigla kong putol sa paglilitanya niya. Parang gusto niyang i-justify na talagang magkahawig kami na sa totoo lang, hindi ko makita ang resemblance.

Parang piniga na naman ang puso ko. Bakit hindi na lang nila sabihin ang totoo? Bakit kailangan pa nila akong paasahin at saktan ng ganito?

“Anak n’yo ba talaga ako?” Hindi ko napigilan ang hinampo sa boses ko. Hindi ko mapigilan na magtanong. Nalilito na ako. Ano ba talaga ang totoo? “O ampon lang ako? Baka hindi niyo naman talaga ako anak. Ayaw niyo lang sabihin sa akin. Kasi, bakit kahit si Kuya Art, hindi ko din kamukha pero kamukha niyo?”

“Anika!” Dumagundong na ang boses ni Papa sa buong kabahayan.

Kahit kailan ay hindi ako napagtaasan ng boses ni Papa. Kahit minsan, hindi niya ako napagalitan. Kahit gaano ako kapasaway noon, hindi nila ako pinalo o pinagalitan. Pinapaliwanagan nila ako pero hindi nila ako pinagalitan. Lalo na si Mama. Sobrang mahal ako ni Mama. Paano ko ba maiisip noon na hindi nila ako anak kung sobra-sobra naman nila akong ingatan? Pero kasi, iba ang sitwasyon ngayon.

“Ano bang klaseng tanong iyan? Nasa harap tayo ng pagkain at ganyan mo kami kausapin ng Mama mo?”

Hindi ako nagsalita. Pinabayaan ko lang si Papa na pagalitan ako. Mas masakit at nakakaputol ng pasensiya kapag hindi pinansin. ‘Yon ang gagawin ko. Para mas magalit siya sa akin. Para kapag sobrang galit na si Papa, baka sumabog na ang katotohanan.

“Tama na Gerald. Hayaan na natin si Anika. Baka dala lang iyan ng pinagdadaanan niya ngayon.” Saway naman ni Mama kay Papa. “Sige na anak, ubusin mo na ang pagkain mo at male-late ka na.”

Tumayo ako at nagpaalam. Hindi ko na kaya ang pagpapanggap at paglilihim nila. “Busog po ako.” `Yon lang at dali-dali na akong lumabas ng bahay. Maglalakad na lang ako hanggang paglabas ng subdivision. Baka kapag naglakad ako, kahit paano, bumaba ang sama ng loob ko.

Bakit kasi ganoon? Obvious naman sa mga reaksiyon nila na tama ang hinala ko pero bakit ayaw pa rin nilang umamin? Bakit kailangan pa nilang itago? Matatanggap ko naman, eh. Kaya kong tanggapin kahit ano. Ang hindi ko kayang tanggapin, `yong huli ko na sila sa sekreto nila, itinatanggi pa.

“Anika…”

Narinig ko si Mama na tinatawag ako. Napalingon ako at huminto sa paglalakad. Lumakad naman palapit sa akin si Mama. Pilit ang ngiti niya habang hinahaplos ang mukha ko. Tapos, bigla na lang lumaglag ang mga luha niya.

“Minsan ba Anika, naramdaman mong hindi ka namin anak?”

Ang sakit noon. Ang sakit-sakit habang umiiling ako. What did she mean to say? Na tama ako? Tama nga ako? They just made me feel I am their treasured daughter but truly, I am not? ‘Yon ba ‘yon? Bakit pakiramdam ko, ‘yon na ‘yon?

“No matter what people say or whatever you think, hindi niyon mababaluktot ang katotohanan na anak ka namin. Ikaw ang nag-iisa naming Anika. You are my princess, my sweetheart. Kung sinuman ang nagsabi sa `yo ng kung anong nagpapagulo sa isipan mo, palagi mo sanang alalahanin kung gaano ka namin kamahal. Sobrang mahal ka namin, Anika.”

Tuloy sa pagluha si Mama. Napahikbi ako. Malinaw naman ang sinabi niya pero bakit ang hirap intindihin? Niyakap ako ni Mama. Sobrang higpit. Ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin sa mahigpit na yakap na iyon. Gusto kong gumanti ng yakap. Kasinghigpit ng sa kanya. Pero napipigilan ako ng kung ano mula sa isip ko. Gustong-gusto kong gumanti ng yakap sa kanya pero ayaw umangat ng mga braso ko. Para akong poste sa pagkakatayo habang umiiyak. Pinipilit kong pigilan ang mga luha ko pero para iyong gripo. Dere-deretso ang mga luha.

Hanggang sa pinakawalan ako ni Mama at bumalik siya papasok sa gate namin, hindi ko magawang kumilos. Pinagsisihan ko na hindi ko din siya niyakap. Para kasing biglang nagkalamat ang samahan naming mag-ina, kung mag-ina nga ba kami. Maybe not by blood, pero ang samahan namin ni Mama, hindi lang basta sa mag-ina kundi para na din sa mag-best friend. She is my best friend in the whole world. Pero kasi, parang ang hirap-hirap nang bumalik sa dati. Sa isang iglap, nagbago ang lahat sa pagitan namin.

At habang dumadaan ang mga sandali, palaki ng palaki ang gitak. Unti-unting nababasag, unti-unti, parang nahihirapan na akong abutin si Mama.

No! It shouldn’t be happening! Hindi ko dapat hayaang masira ng ganoon na lang ang samahan namin ni Mama. I shall not doubt her love for me, her being a mother to me. Bakit ko ba kasi naisip-isip na ampon ako? Kasalanan ito ni Sir Elwood! Ginugulo niya ang buhay ko. I had been living with my family all my life. At hindi sila kahit kailan nagkulang sa akin. Ako pa nga itong madalas na pasaway. Hindi tama na ang bagong tao na kakakilala ko pa lang ang pinapaniwalaan ko. Besides, isang malaking joke si Sir at ang mga sinabi niya. Fiction ang lahat ng mga sinabi niya. I don’t had a witch blood. Isa lang akong normal na tao na anak ng Mama at Papa ko.

Sila ang dapat kong paniwalaan at hindi si Sir!

Mabilis akong humakbang pabalik sa bahay namin habang pinapalis ang mga luha ko. Yayakapin ko ng mahigpit sina Mama at Papa. Magso-sorry ako sa kanila. Baka nasaktan ko sila. Baka naiisip na nilang nakukulangan ako sa pagmamahal nila. When the truth is, sobra-sobra at umaapaw pa nga ang pagmamahal na ibinibigay nila sa akin. Sa sobrang dami, pakiramdam ko, I am not worth it with their love. Dahil ganitong sandali akong nagkaroon ng doubt patungkol sa kanila.

But I stopped opening the gate when I heard my father’s voice.

“Bakit hindi mo pa sinabi, Lia? It’s about time. Nagtatanong na siya and she deserves to know the truth.”

“Hindi ko kaya. Hindi ko kayang sabihin. Bakit ba kasi bigla siyang nagtatanong ng ganoon? May nakapagsabi ba sa kanya? May iba bang nakakaalam at nakapagsabi sa kanya?”

Hagulhol ni Mama ang sunod kong narinig. Para na namang sinakal ang puso ko. Parang lumalaki ang ulo ko habang ini-aabsorb ang mga naririnig ko. It was too much to bear. What I heard was too much to bear… Dahil kahit hindi pa eksakto, alam ko na kung saan pupunta ang usapang iyon nina Mama.

“Baka buhay pa ang mga magulang ni Anika at nandito sila para bawiin ang anak ko. Hindi ko kayang ibalik si Anika sa kanila. Hindi ko kayang pakawalan ang anak ko, Gerald.”

Isa na namang napakahaba at napakalalim na paghagulhol ang narinig ko. Sa bawat salita na pinakawalan ni Mama, sa bawat hikbi niya, pakiramdam ko, hinihiwa ang dibdib ko. ‘Yon na ang totoo. ‘Yon na ang katotohanang hinahanap ko. Hindi nila ako anak. Hindi ako tunay na kabilang sa pamilyang kinalakihan ko!

Bakit? Bakit hindi nila sinabi? Bakit hindi agad nila sinabi? Sana, unti-unti, pinamulat na nila sa akin ang totoo. Para hindi ganito kasakit na malaman ang lahat. Sana prepared ako. Sana hindi nila ako pinaniwala sa mga kasinungalingan. I live my whole life in lies. My whole life was a joke! An enormous joke.

Sobrang minahal ko na sila bilang mga magulang ko pero hindi ko pala sila pamilya. Hindi pala ako kabilang sa buhay nila…

Now, I am craving for the truth. Bakit ako ipinamigay ng totoong mga magulang ko? Ayaw ba nila sa akin? May kasalanan ba ako sa kanila? Anak ba ako sa pagkakasala? Dahil kung hindi, bakit nila ako ipinamigay? Bakit? Bakit?!

Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko, napatakbo ako ng walang humpay papalayo sa bahay namin, kung dapat ko pa nga bang ariin na bahay namin iyon. Dapat ko pa nga bang ibilang ang sarili ko sa tahanan na iyon? I am not a real Danfort. Sa papel at pangalan siguro but not by blood. I am not their real blood and flesh. Isa lang akong ampon!

“No matter what people say or whatever you think, hindi noon mababaluktot ang katotohanan na anak ka namin. Ikaw ang nag-iisa naming Anika. You are my princess, my sweetheart.”

Kaya pala ang bigat-bigat na sa dibdib ng mga salitang iyon. Dahil hindi naman pala iyon totoo. Kasi, hindi naman talaga… hindi naman nila talaga ako anak…

Chloris

“I’m fine, okay?” Nakaigkas ang kilay na sabi ko kay Elwood.

Paulit-ulit kasi ang tanong niya habang nasa loob kami ng port area sa loob ng time plane na hide out namin. Mahigit sampong araw na ako sa loob ng time plane. At medyo OA na ang mga priestess sa pag-aalala sa akin. Pero nang masigurado na okay na ako, lumabas na din ng time plane, back to normal na ulit sila.

Oo, nang unang araw akong magising, parang hindi ko kayang gumalaw. Halos hindi ko din maramdam ang katawan ko. Nang sabihin nila ang mga nangyari, hindi ako makapaniwala. Pero habang natutulog ako, nakikita ko ang mga madudugong eksena. Eksena nina Dach at Anika. At nang dalawang magkaibigang lalaki na kaedad siguro ni Elwood. Pero hindi ko kilala. At habang nakikita ko ang mga madudugong eksena, parang nararamdaman ko ang mga latay at sugat nila. Parang ako din ang sumasalo ng mga panganib sa buhay nila. Iyon siguro ang dahilan kung bakit nagre-reflect sa katawan ko ang mga sugat.

Ang hindi ko maintindihan, bakit? Bakit nangyayari sa akin iyon? At dito pa mismo sa loob ng safe place and time namin hah? Medyo hindi ko gets. Kaya ipinaalam ko kay Elwood. Habang nagpapagaling at nagpapalakas ako, nagkulong na naman sa isa sa mga silid sa chateâu si Elwood. And if I hadn’t known better, sumasampa na naman siya sa mga future time plane at inaalam ang mga kaganapan. Ang hindi ko lang kasi sigurado ay kung sa present time namin nangyari ang mga nakita ko, o ahead ng ilang araw, buwan o taon. Dahil kung sa past nangyari iyon, hindi mapapasok ni Elwood. Ang future lang ang kaya niyang pasukin.

“You better be. Dahil kapag may nangyari na namang masama sa ‘yo…” Sandaling tumigil si Elwood sa pagsasalita at tumitig sa akin. Napaka-intense ng mga mata niyang directly na sinasalubong ang mga mata ko. He was angry yet worry and concern were laced in his gaze. Kaya lang, wala ni isa sa mga nakita ko sa mga mata niya, ang narinig ko mula sa mga sinabi niya. “I’ll kick you out in this group.”

Inirapan ko nga siya. Bakit ganoon siya makatingin? Parang puno ng care pero ang rude naman kausap. Hindi ko siya maintindihan talaga. Nakakainis siya. Kahit kapag masama ang lagay ko, ang rude niya sa akin. Pero kabaligtaran ng sinasabi niya ang mga actions niya. He was always caring the way he attend on my needs. Gusto kong isipin na action is better than words. But his words sometimes irritated me. Ayoko namang umasa na may ibigsabihin ang mga gentle and caring actions niya. Ayokong maging ilusyonada. What if he was just making himself accountable in what were happening on us?

At teka nga ba? Anong asa-asa ba itong iniisip ko? As if I am seeking for his care and sweetness e wala namang kahit katiting na sweetness na nagtatago sa buto-buto nitong si Elwood. He was all rude and asshole. Wala na siyang ipagbabago.

Hmmp!

Matapos naming makalabas ng secret door, nagkanya-kanya na kaming ruta. Tanghali ang oras, so meaning, tanghali din nang ipasok ako doon ni Elwood? At sampung araw na ang nakakaraan!

Oh my God! I miss my home! My Mom and my Dad! Yayakapin ko sila kapag uwi ko. Tatakbo na nga sana ako palayo nang biglang humarang si Elwood sa dadaanan ko.

“Isang gabi kang hindi umuwi at may tinapos na project sa bahay ng groupmates mo.” Aniya sa seryosong tono.

“Huh?” parang nalito ako sa sinabi ni Elwood.

“Ganoon din sina Soleih at Ceilah. Isang buong araw kayong wala sa present dahil isang buong araw akong nasa present habang nasa loob kayo ng time plane. I have to go back in present time para alamin ang mga nangyayari sa ‘yo. Baka kasi may nangyayari sa ‘yo dito present time at nagre-reflect sa katawan mo ang epekto habang nasa loob tayo ng time plane. Pero wala kayong tatlo sa present time. Ini-compell ko nalang sa mga tao ang alibi para hindi magtaka ang mga taong may kinalaman sa inyo.”

Hindi ko alam ang sasabihin. Usually kasi, kapag sabay-sabay kaming pumapasok ng time plane, dapat sabay-sabay din kaming lalabas. Para hindi magulo ang order of time sa existence namin. Kinakailangan pa nga naming mag-log sa log book ng ministry of time na nasa port area din ng time plane na pinapasok namin.. Ang ministry of time ang nag-aasikaso ng mga pangyayari sa present ng mga tulad naming pumapasok ng ibang panahon para hindi maging magulo ang pag-exit at pag-enter namin sa present.

At dahil lumabas si Sir Elwood na hindi kami kasama, magiging mahaba talaga ang sandali na absent kami sa present. ‘Yong pagbalik naman nina Soleih at Ceilah na hindi ako kasama, madali na iyong magagawan ng paraan ng ministry of time tutal naman, hindi ko sila kasabay na pumasok sa time plane. Tama lang na medyo mauna sila sa akin ng kaunti.

“Baka hindi sila maniwala? Paano kung magtanong ang parents ko kung sino ang kasama ko the other night? Sinong ituturo ko?”

Medyo nag-alala ako sa lagay na iyon. Wala din naman akong choice kundi magsinungaling sa parents ko. Unang-una, hindi naman sila maniniwala sa mga nangyayari dahil maski ako, minsan, parang gusto pa ding magduda kung totoo nga ba ang lahat ng ito o panaginip lang. Pangalawa, dapat na sekreto lang itong ginagawa namin dahil delikado na may ibang makaalam. At pangatlo, ayokong mag-alala ang pamilya ko. Tama na siguro ‘yong ang alam lang nila ay puro aral at sports ang inaatupag ko. Para din naman ito sa kanila. Para hindi na sila mag-alala o malito. Tsaka, may mga bagay kasi talaga na kailangang isekreto.

“Don’t worry about that. Ini-compell ko na sina Grace at Triv at Sundae na isiping magkakasama kayo, sakaling may magtanong. Pwedeng sila ang ituro mo. I also made a recorded voice nang kunwaring tumawag ka sa bahay niyo para magpaalam na magsi-sleepover sa bahay ng classmates mo. Your parents were fine with that. Sinabihan lang kita para aware ka.”

Napatango nalang ako. Ano pa bang sasabihin ko? He had settled every loopholes.

“Thanks, Elwood.” Nasabi ko nalang. Parang naa-awkward ako sa kanya. Grabe! Bakit ba ang intense niya tumingin? Para siyang natatakot na sa sandaling mawala ako sa mga mata niya may mangyayari sa akin na masama. Parang sobra naman ang pag-aalala niya sa akin. Hindi naman siya ganito no’ng nakaraan. Tsaka wala nga siyang pakialam sa akin, ‘di ba? Ano’t ganito na ito tumingin sa akin ngayon?

Wat is de mining op dis?

“No.” aniya na nakatitig pa din. Sandali pa at nagbuntong-hininga naman. “Thank you.”

“Huh?”

Nagulantang talaga ako. Wala kasi sa karakter ni Elwood ang magpapasalamat. Kahit minsan, hindi ko siya narinig na nagpasalamat sa kahit kanino na gumagawa sa kanya ng mabuti. Para bang sinasabi niya na tungkulin lang iyon ng mga iyon na gawan siya ng mabuti.

“Thank you for your patience. Sa grupo. Lalo na sa akin.”

Napangiti ako sa bagay na iyon. Aba naman! Marunong naman pala itong maka-appreciate ng effort ng iba. Akala ko, puro pagsusungit nalang ang kaya niyang gawin.

“Pero hindi dahil nagpapasalamat ako sa ‘yo, close na tayo. Dream on. Gusto ko lang magpasalamat dahil trip ko. Gusto kong maramdaman kung ano ang pakiramdam ng nagpapasalamat.”

Napawi ang ngiti ko sa narinig ko. Parang gusto ko nalang siyang sapakin. Bugbugin. Lahat na ng karumaldumal na bagay, gusto kong gawin sa kanya. Laki talaga ng topak ng isang ito eh. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang mga trip niya sa buhay. May sasabihin siyang maganda tapos in a split seconds, bigla niyang babawiin. Naka-drugs yata ito.

Ano bang tinira mo? Rugby o katol?

“You!”

Tinalikuran na niya ako, hindi pa ako nakakapaglabas ng inis at pagkaasar ko sa kanya. At ang higit na nakakainis, bigla siyang nawala sa paligid. Gumamit na naman siya ng teleportation para matakasan ako.

Nakakaasar talaga ang gunggong na ‘yon!

“Eeeerrr! Bwisit ka! Nagpasalamat ka nga, labas naman pala sa ilong na hinayupak ka!”

Nagkakandagalaiti ako habang papaalis ng old building. Gagantihan ko siya sa muli naming pagpasok sa time plane. Kukutusan ko talaga siya!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.