KIMBURA Chapter 18

Anika

“LOOK who’s here…”

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nasa old science building ako at hinihintay si Sir Elwood na pumunta dito. Alam ko naman na palagi siyang pupunta dito dahil ‘andito nga ang hideout nila. Hindi na ako um-attend ng klase ko. Wala ako sa mood um-attend. Hindi ko pa kaya. Mawawala lang ako sa sarili.

Sa totoo lang, hindi ko din alam kung bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, pagkatapos ng lahat ng narinig ko, kay Sir Elwood ko unang gustong tumakbo. Samantalang galit nga ako sa kanya. Dahil sa kanya, nalaman ko ang patikim ng masakit na katotohanan. Pero siguro, better na din iyon. Kaysa naman patuloy akong mabuhay sa kasinungalingan.

Pakiramdam ko din, si Sir ang susi sa lahat ng katotohanang dapat kong malaman. Siya ang nakakaalam sa sekreto ng buhay ko. Kaya siya dapat talaga ang lapitan ko.

“So, nakapagdesisyon ka na ba?” tanong sa akin ng isa.

Dalawang babae ang papalapit sa akin. Sa palagay ko, kaedad ko sila. Ang course, isang journalism at isang science student. Kung paano ko nalaman? Dahil sa uniform at patches nila.

“I’m Soleih. The priestess of north, earth element.” Sabi nang isa at iniabot ang kamay. Siya ang may patch ng journalism department. She seems nice and friendly. At napa-wow ako nang matitigan ang mga mata niya, dark gray! God! May lahi siguro ang isang ito. Well, international school naman kasi itong pinapasukan namin kaya hindi na nakakapagtaka.

Inabot ko ang kamay niya at nakipagkamay kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Masyado na akong natuwa na titigan siya. Maganda din kasi si Soleih. Simple lang pero malakas ang dating.

Sasabihin ko palang ang pangalan ko nang bigla uli siyang magsalita. “Anika, right? The priestess of east.”

Nanlaki ang mga mata ko. Bakit nila ako kilala? Hindi naman ako popular sa university namin. Isa lang akong ordinaryong culinary student. Walang kahit anong sikat na grupo na kinabibilangan.

“We’ve been waiting for you since then.” Sabi naman ng isa, ‘yong mukhang matalino at may patch ng science department. Nakangiti siya nang balingan ko. At ang mga mata niya, parang hindi umabot ang ngiti niya sa mga mata niya. They seems to be so lonely and longing. Iniabot niya ang kamay sa akin at ganoon nalang ang pagkagulat ko. Para kasing nag-creep in sa akin ang emotions na nakita ko sa mga mata niya. “Ceilah, west priestess, the water element.” Aniya. Agad akong binitawan. Saka nagbuntong-hininga. Then naging apologetic na ang mukha niya.

“I’m sorry, Anika. Ganito talaga ang effect ko sa kapwa ko witch. I have the ability to passed my emotions to my kind I held hand. Hindi ko pa ma-kontrol sa ngayon pero under training naman kami ni Soleih.” Parang paliwanag ni Ceilah at siguro, na-realize na nalito ako sa biglang damdamin na dumaloy sa akin.

She was sad. Pero nakangiti. At totoo nga ‘yong: Hindi lahat ng nakangiti ay masaya. Most of them were just pretending.

Teka, hindi ko mai-absorb ng maayos ang sinasabi nila. Ang pumasok lang sa utak ko. Mga priestess sila. Mga witch priestess sila at katulad nila ako? ‘Yon ba ang sinasabi ni Sir Elwood na I am one of them?

“Isa na lang ang kulang. Si Serene.” Sabi ni Soleih kay Ceilah.

“Teka, hindi ko maintindihan.”

Wala talaga akong maintindihan. Kulang saan? Sa grupo nila? Para saan ba ang grupo? Ano bang grupo iyon? At bakit nila ako hinihintay? Anong kinalaman ko sa binubuo nila?

“Maiintindihan mo din kapag nakapasok ka na sa loob ng secret door.” Nakangiting sabi ni Ceilah.

“Anong mayroon sa loob ng secret door? At nasaan? Sa pagkakaalam ko, nandito lang iyon.”

“Nandito nga lang iyon.”

Sabay-sabay kaming napalingon kay Sir Elwood. Nasa dulo pa siya nang hallway nang lumingon kami pero sa isang iglap, nandoon kaagad siya sa harapan namin. Extreme teleportation ba iyon? Pero paano? At bakit?

Ah, ano pa bang nakapagtataka? Sa dami nang nangyayari sa buhay ko nitong nakaraan, ano pa ba ang dapat kong ipagtaka?

Lumapit si Sir Elwood sa wall sa tapat namin. Ikinumpas niya ang kamay sa tapat ng wall sabay bigkas ng enchantment:

“Ostendo vester celatum!”

Sa isang sandali ay nagliwanag ang concrete wall. May unti-unting kumakalat na design sa wall… parang mga baging na may sariling buhay at gumagapang sa dingding, bumubuo ng sariling hugis at disenyo hanggang sa maging tunay na isang pintuan. Ang katulad na katulad na eleganteng pintuan na may mga carvings na hindi ko maintindihan. Enchanted ang theme ng design. Enchanted at may mga latin alphabets na carvings. Hindi ko alam kung paano basahin pero alam kong minsan na akong nakakita ng ganoong uri ng panulat. Siguro sa internet. Sa resident genius na si Google na hindi ko lang binigyang ng pansin noon dahil ano bang pakialam ko sa latin calligraphy? Wala naman akong pakialam at wala iyong kinalaman sa course ko. Pero aware ako noon na saglit akong tumitig sa calligraphy. Hindi ko nga lang tinutukan ng atensiyon.

And now… gusto kong pagsisihan na hindi ko iyon binigyan ng atensiyon noon. Sana ay alam ko ang ibig sabihin ng mga carvings. May parang pentacle sa gitna ng pinto. Isang malaking star na naka-encircle. Sa bawat branch ng star, may limang symbols.

Sa west ang baligtad na triangular shape at kulay blue, sa paligid noon, may drops of water. Ibig sabihin na water element iyon? Sa south ang plane triangle at kulay pula, katulad ng kay Serene. Sa paligid noon ay shape at color ng apoy. That means, iyon ang symbol ng fire element. Sa North naman inverted triangle na may guhit din sa gitna at sa paligid naman ay dahon. That must be the earth element. Sa pinakatuktok na part ng star ay circle na may pa-letter S na naghahati sa gitna. Bawat hati ay may tig-isang tuldok, isa sa itaas at sa isa ay sa ibaba. Contrast din ang color, black and white. Parang Yin at Yang sa mga Chinese. Pero nakapaloob ang element sa silhouette body. Hindi ko mahulaan kung anong element iyon since apat lang ang nature element na alam ko. At sa east part, nakita ko ang kapareho ng birthmark ko. Triangular shape na may guhit sa gitna. Kulay yellow at sa paligid ay ang guhit-guhit na parang… hangin nga.

Napasinghap ako nang bigla ‘yong magliwanag sa kulay dilaw kasabay ng pagkirot ng balikat ko, ng birthmark ko. Umikot ang pentacle, papuntang east kasabay ng pagliliwanag ng east, west at north symbols.

Ako lang ba ang nakakaramdam ng matinding hapdi? Bakit parang walang epekto sa kanila? Lalo na kina Soleih at Ceilah kung ganitong mga priestess nga sila? At bakit ngayon ko lang napansin ang pentacle? Hindi ko iyon nakita nang una akong humarap sa secret door. Or baka kaya hindi ko nakita ay dahil mas nauna akong magpokus sa takot.

“Aperio!” narinig kong malakas na bigkas ni Sir Elwood. Agad nagbukas ang secret door.

Kasabay ng pagsinghap ko habang nakatitig sa loob ng silid ang pagngiti at pagtapik ni Sir sa balikat ko.

“Welcome to our sanctuary, Anika…”

Nilingon ko si Sir. Unti-unting nawawala ang hapdi sa balikat ko kasabay ng kagustuhan kong humakbang na papasok sa loob ng secret door. Naalala ko ang sinabi ni Chloris. Na kapag maluwag na sa dibdib kong tanggapin ang lahat, mahahawakan na niya ako. Effect din siguro ng pagtanggi ko na tanggapin ang destiny ko ang paghapdi ng birthmark. Dahil ngayong unti-unti ko nang natatanggap, nababawasan na ang hapdi. Siguro, malapit na din akong maging manhid katulad ni Serene. O pwede ding talagang nawawala ang hapdi.

Kung anuman ang susunod na journey ko, alam ko at nararamdaman ko na hindi iyon kapahamakan kundi paglaya. Magiging malaya na ako sa mga bangungot. At siguro, masasagot na din ang mga tanong ko patungkol sa aking pagkatao.

Ngumiti ako kay Sir at kina Soleih and Ceilah. Kasabay nila, pumasok kami sa loob ng silid. At kung paano kaming nagkasya sa hindi naman kalakihang space ng pintuan ay hindi ko alam, basta sabay-sabay kaming nakapasok. Sabay-sabay kaming humakbang papasok.

EKASAKTONG nakapasok kami sa secret door ay isang napaka-modernized na community ang nakabalandra sa harapan ko. Palinga-linga ako sa paligid sa sobrang pagkamangha. Ang dami kasing naglalakad na mga androids at cyborg. Mayroon pa no’ng android na may bitbit na shopping bag. May mangilan-ngilang may bitbit na basket at may kaunting gulay pero karamihan ay karne. At kung sa biglang tingin, parang mga tao talaga. Parang real people din kung kumilos. Pero kapag nagsalita na, saka mo mare-realize na isa iyong cyborg. Naka-damit lang ng pang-tunay na tao pero wala na iyong damdamin.

Kokonti din ang sasakyan kaya hindi masikip ang kalsada. Walang traffic!

Teka, nasaang lugar ba ako?

“Anika!”

Nang bigla nalang may humablot sa akin kasunod ang nakakatulig na busina ng… oh my God! Lamborghini ba iyon?! Mahilig din naman ako sa mga sasakyan at medyo may alam na din sa mga mamahaling sasakyan dahil na din kay resident genius. But I never thought, even in my wildest dream na makakakita ako ng Lamborghini sa personal. And wait? Hindi lang isang Lamborghini. May isa pa. At may isa pa. OMG! Ang dami. At may Bugatti din! Kung hindi Ferrari, Bugatti at Lamborghini ay iba’t-ibang klase ng mamahaling sasakyan ang nasa kalsada.

“Ano ka ba? Ang likot mo! Muntik ka nang masagasaan. Mga kaskasero ang mga driver sa panahong ito.” Pasitang sabi sa akin ni Sir Elwood.

“Panahon? Teka, nasaan ba tayo?”

“Nasa future tayo, my dear. January 15, 2706” Malapad ang ngiting sagot ni Soleih na ikinapanlaki ng mga mata ko.

Ni hindi pa ako tapos mag-react nang may parang spaceship sa bilis na sasakyang dumaan at bumalik saka tumigil sa tapat namin. At grabe sa kinang ang sasakyan. Black. Immaculate black. Nang masilip ko ang gilid, Costoso ang pangalan ng brand ng sasakyan.

Costoso? Bago ba iyon?

“Anika, see this? Ito ang pinakaexpensive na sasakyan sa panahon na ito. Super elegant, as in ang grandiose. At magugulat ka sa mga kayang gawin ng sasakyan na ito.” Parang excited na presinta ni Soleih sa akin habang umuupo sa hood ng sasakyan.

“Oy, baka mainit iyan!” saway ko naman. Kasi, bigla nalang siyang umupo doon. Sa bilis ng patakbo ng driver, mabuti at hindi nag-apoy ang makina.

“Silly, hindi nag-iinit ang machine nito. May auto-cooler in a second.”

“Weh?” Parang gustong mandilat ng mga mata ko.

“Yeah.” Malapad ang ngiting sabi ni Soleih. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Sir Elwood sa tabi ko. “Masyadong matatalino ang tao. Ang co-cool ng mga gadgets nila.”

“And soon, sila na ang patatakbuhin ng mga gadgets nila.” Paismid naman na sagot ni Ceilah. Parang against siya sa nakikita. Para sa akin naman, mas okay. Parang ang yaman-yaman tingnan ng community na kinaroroonan namin.

“Teka, kanino bang sasakyan iyan? Umalis ka diyan at baka magalit sa ‘yo ang may-ari.” Sita ko kay Soleih.

“Don’t worry, si Sir ang may-ari nito. Napakayaman niya sa panahon na ito, ‘di ba, Sir?” Pilyang sinulyapan ni Soleih si Sir Elwood.

Napalingon naman ako kay Sir Elwood. “You mean buhay ka pa sa panahon na ito, Sir?”

“Yes.” Stiff na sagot niya. “At kayo din. Kimburians kayo and Kimburians had the very very long life. Mahigit isang millennium. Kaya magsisakay na kayo at baka mamaya, makaharap niyo pa ang mga future self ninyo, maglaho tayong lahat na parang bula rito.” Dominant na sabi niya.

Naghalo-halo na naman ang emosyon ko sa mga narinig ko. Kimburian? Hindi kami tatanda kung ganoon? At… at posibleng makaharap namin dito ang mga future self namin? My God! Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, matutuwa ba ako? Maa-amaze? O matatakot? Hindi ako tatanda pero makikita kong namamatay ang mga mahal ko sa buhay? Makikita kong tumatanda sina Papa at Mama. At si Dach…

Dapat ba akong matuwa? Hindi ko alam. Hindi ko kailangan ng mahabang buhay. Ang gusto ko lang, mabuhay ng tama, maayos at ligtas kasama ang mga mahal ko.

Nag-auto open ang sasakyan habang nawawala pa din ako sa sarili at nag-iisip. Wala na din akong choice kundi ang sumakay na since nandito na nga ako. Pero ang mas ikinagulat ko, wala pa yatang isang minuto at bababa na ulit kami. Aba! Hindi ko man lang na-enjoy ang ride ko. Para kaming nag-teleport sa bilis.

Dismayado tuloy ako nang bumaba.

“Alam ko ‘yang mga ganyang reaksyon.” Sabi ni Ceilah habang bumababa kami.

“Ganyan din ako no’ng una. Disappointed. Gusto ko pa naman manood ng scenery na madadaanan. Pero sabi ni Sir Elwood, ‘wag na daw pangarapin. The whole world is a toxic scene daw. Kakaunti na ang nature wealth at sobrang mamahal. Wala kang makikita kundi mga robotic thing. Mga bakal and electronic things.” Malungkot na sabi ni Ceilah.

Dismayado din siya. Alam ko. While Soleih, parang tuwang-tuwa sa mga nakikita sa paligid. Nakita ko pang kinukulit niya ang isang android na pakalat-kalat sa paligid. Parang nagba-vacuum kasi lahat ng madaanan niya, inaabsorb niya ang alikabok at mumunting kalat.

“Kung pwede lang, mas gusto ko ang mag-teleport nalang tayo papunta dito at ‘wag nang sumakay. Kasi parang ganoon din naman. Kung hindi ko lang inaalala na baka may makakita sa atin at ma-question ang existence natin dito.” Narinig kong sabi din ni Sir Elwood pagkababa niya. Naghanap na ang mga mata sa paligid.

Lumayas na ulit ang grandiose na sasakyan matapos kaming iwan sa walang hanggan yatang landing. Ah, hindi lang iyon landing dahil iyon mismo ang garahe ng mga sasakyan. Sobrang laki naman ng garahe ni Sir Elwood sa panahong ito? Mula kasi sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko mula sa panel wall ang napakaraming collections ng mga sasakyan ni Sir Elwood. Oh. My. Gollygawgaw.

Napakalawak ng solar ng lugar. Parang Tagaytay Highlands pero tatlong establishments lang ang nakatayo. Ang isa ay itong kinaroroonan namin na garahe ni Sir pero sa sobrang laki at lawak, parang parking area ng isang mall. Ang isa pa ay nasa hindi naman kalayuan sa amin,smalaking bahay pero parang French tower ang design. Walang bintana pero may dalawang pinto. At… magkatabi ang dalawang pinto?

Parang ewan lang, ha? May entrance and exit na label na katulad ng mga pintuan sa mga malls. Alam kong sa glass panel yari ang mga pinto pero hindi visible ang nasa loob. Darkness ang makikita mula sa labas. Ano kaya ‘yon?

“Mauna na ako sa inyo, ha?” Napabaling ako sa sumisigaw na si Soleih. Nakasampa na siya sa balikat ng isang malaking android at nangunguyakoy pa habang kumakaway sa amin. Ang destination niya, papunta sa… chateâu?

Iyon nga. Ang isa pang establishment ay parang chateâu sa sobrang laki! Parang palasyo! My goodness! Ganito ba kayaman si Sir Elwood sa future? At kami? Ano na ang kalagayan namin dito sa future? Hindi ko naman pwedeng alamin dahil… hindi ko nga pwedeng makaharap ang future self ko dito.

“Mauna na din ako. Deretso na ako sa mansion ni Sir. May mga aasikasuhin pa ako sa lab niya.” Sabi ni Ceilah na tinapik ako mula sa pagkakatulala. Nilayasan na din niya ako pagkatapos. Nakita ko pang may sumalubong sa kanya na double setter car na convertible. Parang ini-o-offer

And wait. May laboratory sa chateâu ni Sir? Ah, ano bang nakapagtataka doon? Sa laki ng palasyo, normal nalang iyon. Alangang puro bedroom, kitchen, dining at living room lang ang mayroon?

“Anika.” Bumaling ako kay Sir Elwood. “Let’s go.” Sabi niyang ini-guide na ako papunta sa kung saan.

Habang naglalakad kami, na-realized ko kung gaano ka-super ang pagka-modernized ng lugar. Eerything here was robotics. Ultimo yata pagdidilig ng kakaunting halaman na naka-flower pot, robotic na din. Kitang-kita ko iyon mula sa malayo, may machine na umiikot sa buong garden at bawat daanan, dinidiligan. Pero huwag itong mababasa at malamang na sumabog o masira.

Even the doors from the establishments were all modern. Malayo ka pa, bubukas na iyon once na maka-detect ng motions towards its direction. Hindi ko nga malalaman na naka-enclose pala sa thick glass panel ang papasukin naming solar kung hindi nagbukas ang glass door din. Walang knob at hindi mapapansin ang edge ng glass door dahil super and fully furnished. Mare-realize mo nalang na iyon ang pinto dahil kusa ngang nagbukas.

And wait, hindi solar ang pinasok namin. Hindi solar ang nasa loob ng thick panel na naka-enclose sa buong lugar.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.