Dach
“No, Anika. I don’t want to stop our friendship. ‘Yon na lang nga ang pinaghahawakan ko sa `yo eh.” Mahinang bulong ko habang pinapanood ang paglayo ni Anika. Hindi ko siya magawang sundan. Nakita ko kasi sa mga mata niya ang sakit at sama ng loob habang nakatitig sa akin. Ayokong dagdagan pa iyon kung susundan ko siya. “I love you, Anika. Sobra.”
Hindi ko magawang ipaalam sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Hindi ko iyon magawang iparamdam sa kanya kasi, nandoon ang napakalaking harang—ang pagkakaibigan namin. I don’t want to ruin our friendship. Dahil buong panahon na magkasama kami, pagkakaibigan lang ang nag-uugnay sa amin. I don’t want to step more closer dahil baka masira ang magandang samahan namin. Isa pa, I think I don’t deserve her. Baka din kapag nalaman niya ang napakalaking kasalanan ko sa pamilya niya, ma-realize niyang maski pakikipagkaibigan ay hindi ko rin deserved.
And I don’t want to loose her just like that. Kung kinakailangan kong itago ang kasalanan ko sa kanya, ma-preserve lang ang friendship na tanging mayroon kami, then itatago ko hanggang sa hukay pag-amin sa kasalanang iyon.
Anika
“HI!”
Isang payong ang biglang sumulpot sa tabi ko kasunod ang nakangiting si Guimard. Papunta sana ako sa old science building. Pero hindi na yata matutuloy dahil nandito si Guimard. Hindi niya puwedeng malaman na nagpupunta ako doon dahil baka bigla siyang magtaka at mag-usisa.
Nginitian ko din siya. “Hello.” Sabi ko na nagbago ng ruta. Sa canteen na ang deretso ng mga paa ko.
“Long time, no talk. Bakit hindi ka na nagpupunta sa gym?”
Nginitian ko ulit siya. Bigla kong nai-check ang sarili ko. Hindi na ako gaanong fascinated at overwhelmed na makita siya. Parang nawalan na ako ng interes kay Guimard. Siguro, crush at first sight lang iyon. At ang crush naman nga, minsan nagtatagal, at kadalasan naman, lumilipas. Siguro ganoon ang naramdaman ko kay Guimard. Ang guwapo niya pero parang normal na lang ang epekto niyon sa akin. Ni hindi ko nga siya na-miss.
“Naging busy kasi ako nitong nakaraan eh.” Maigsi at playing safe na sagot ko.
“Ano namang pinagka-busy-han mo?”
Bigla akong natigilan. Bumaling din ako sa kanya at palagay ko naman, base sa clueless niyang mukha, isang innocent question lang ang tanong niya.
But then, I felt the warmth from the side of my ears. Parang may naririnig akong boses.
“Be careful… careful, Anika. Don’t put your trust to anyone else so easily…”
Napapikit ako ng mariin. Pilit kong inaalala kung saan ko narinig ang boses na iyon. Pamilyar ang timbre. Alam kong kilala ko ang boses na iyon pero hindi ko maalala.
“Ingatan mo ang sarili mo, Anika. You may not know but you play a big part in this world. Ingatan mo ang sarili mo.”
Ayon na naman ang boses. Hindi ko maintindihan kung bakit may naririnig akong ganoon. Pero baka naman hallucinations lang. Kaya lang, bakit naman ako magha-hallucinate?
“Something wrong?” ungkat ni Guimard sa akin.
Napabaling na naman ako sa kanya. Umiling-iling saka ngumiti.
“No… nothing.” Nagbuntong-hininga pa ako. Sa pabigla kong pagbaling sa direksiyon papuntang old science building, nakita ko sa field si Serene, titig na titig sa akin. Pagkuway tumalikod na. Bigla naman akong pinanlamigan. Si Serene! Tama! Boses ni Serene ang narinig ko. Binababalaan niya ako. Pero bakit? At paano? Paano niya nagawang komunekta sa akin through mental telepathy? Ni hindi pa nga ako dumadating sa lesson na iyon dahil bago palang akong tinuturuan nina Sir Elwood ng iba’t-ibang spells. Kailan ko lang din nagawang i-translate ang laman ng libro gamit ang enchantment na itinuro ni Soleih sa akin.
“Anika?”
“Huh?”
“Kanina ka pang nakatulala. Ano ba’ng nangyayari?”
Napailing na naman ako. Parang sumakit bigla ang ulo ko. “Wala, ang init. Parang bigla akong nauhaw.” Palusot ko na lang para hindi na magtanong ng kung ano-ano si Guimard.
“Halika, mag-lunch na din tayo tuloy. Gutom na ako.” Aniyang inabot ang kamay ko. Bigla ko naman iyong nahila. Para kasing hindi tama sa pakiramdam ko na nagpapahawak ng kamay sa kanya. I don’t know why, but I don’t want anyone to touch me.
Biglang pumasok sa utak ko si Dach at ang mga asaran moments namin. I never gave anyone a privilege to hold my hand aside from Dach. At bigla… bigla kong na-miss si Dach.
Nakakainis! Hindi ko ito dapat na nararamdaman.
Pinilit kong ngumiti kay Guimard para aliwin ang sarili ko. Hindi tamang binibigyan ko ang sarili ko ng chance na makaramdam ng ganoon. “Libre mo?”
Tumawa naman si Guimard.
“Of course. Ako ang nag-aya eh!”
Nginitian ko lang siya kahit dapat ay tumawa ako. Kulang na ako sa energy. Masyado na akong occupied ng kung ano-ano.
“BAWAL sa kanya iyan.”
Sumulpot sa harapan ko ang garlic pepper beef. At hinawi ang plato ng nilasing na hipon. Pag-angat ng mukha ko, nandito si Dach sa harapan ko at inihahain ang isang order ng garlic pepper beef. Gusto ko tuloy mapatunganga sa kanya. Ano na naman bang ginagawa niya dito? Bakit bigla-bigla na naman siyang sumusulpot sa harap ko?
“Bawal sa `yo ang hipon, Anika?” Gulat na tanong ni Guimard.
Sasagot pa sana ako nang magsalita na naman si Dach.
“Oo, pare. Papatayin mo ba si Anika? Hindi ‘yan makakahinga sa isang hipon palang. Sana, nagtatanong ka muna sa mga mas nakakakilala sa kanya bago ka—”
“Dach!” saway ko sa paninira ni Dach ng araw ko. “Hindi niya kasalanan. Ako ang nagsabi na kahit ano na lang ang orderin niya.”
“Kahit ano?” Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. “E’ di sana nagtanong siya kung may allergy ka ba sa pagkain.”
Naipikit ko ng mariin ang mga mata ko sa inis ko sa kanya. “He was right. Kasalanan ko. Dapat nga nagtanong ako.” Narinig kong pag-ako ni Guimard ng pagkakamali.
‘Buti pa itong si Guimard, marunong umako ng pagkakamali. Hindi kagaya nitong si Dach na hindi nagkakamali. Masyadong narcissist.
Hay naku!
“Io-order na lang kita ng iba.” Dagdag pa ni Guimard.
“Binabastos mo ba ako, pare? Binilhan ko na nga siya, `di ba?” mainit na naman ang ulo ni Dach na baling kay Guimard.
“Dach, please lang. Ano ba’ng ginagawa mo dito? Bakit ka ba nakasulpot na naman? Nag-usap na tayo, `di ba?” Hindi na ako nakatiis na sinita siya.
“At hindi ako nag-agree sa napag-usapan natin.” Puno ng determinasyon at deretso ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
Napasinghap naman ako. Parang kumakalabog ang dibdib ko. A-ano ba ang ibig niyang sabihin? Hindi siya pumapayag na tuldukan na ang pagkakaibigan namin?
“But anyway, destruction isn’t bad at all. That only gives a way to build a new one. A better one. A better relationship.”
Parang sumakit ang ulo ko sa mga pinagsasabi ni Dach. Bukod sa masyado siyang seryoso, hindi ko talaga siya maunawaan. Hinarap na niya si Guimard.
“Pagbibigyan kita ngayon, p’re. Pero ngayon lang. Remember this.” Mariing tingin at nagwa-warn ang mga mata ni Dach na tiningnan si Guimard. “She. Is. Mine.” Pagkatapos noon ay binirahan na kami ng layas. Deretso siyang lumabas ng pantry.
Ewan ko, ha? Dapat nake-creep out ako kasi nakakatakot talaga ang aura ni Dach ngayon. Parang handa siyang awayin ang kahit na sino dahil lang sa kung anumang ipinaglalaban niya. Pero kasi… `yong huli niyang linya… iba! Iba talaga. Masyadong… masyadong possessive. Masyadong masarap sa pakiramdam.
Anebey!
Ah! Pinilit kong kumalma. Ayokong aminin na kinilig ako. Pero talagang kinikilig ako. Bakit parang habang tumatagal, pa-hot ng pa-hot si Dach. Lalo na kapag ganitong seryosong-seryoso siya. Cute siyang nakakabuwisit kapag naka-jolly mode. Pero ang guwapo niya kapag ganitong nagsusungit.
Buwisit!
“Kumain na nga tayo. At huwag mong pansinin si Dach. Wala lang `yang magawa sa buhay.” Sabi ko na lang kay Guimard.
Ngumiti at tumango lang siya. Honestly, parang mas nake-creep out pa ako sa kabaitan ni Guimard. `yong tipong all-nice-and-will-never-do-anything-bad. He was too good and too nice to be true. Pero ano bang malay ko? Baka naman may ganito talagang tao. Kasi naman e. Nasanay naman kasi ako sa malditong si Dach. Masyado akong nakontento na si Dach lang ang kaibigan ko mula pagkabata. May mga kaibigan din naman akong babae, kaso kung hindi plastic, malalandi naman. Ginagamit lang ako para makalapit at makapagpa-cute kay Dach. At kinaiinis ko iyon kaya hindi na ako nakipagkaibigan pa sa iba.
So, back to Guimard. Better siguro na i-expose ko naman sa ibang tao ang sarili ko. Hindi iyong palaging si Dach. Baka sooner or later, makalimutan ko na ding may space sa puso ko para kay Dach.
SUMABAY si Guimard sa akin pauwi. May kukunin daw kasi siya sa gym sa loob ng subdivision namin. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko na may klase pa si Dach at hindi makakapanggulo. Pero parang mas gusto ko na manggulo si Dach. Medyo uneasy ako na kami lang ni Guimard ang sabay na uuwi. Saka, wala akong choice kundi ituro sa kanya ang shortcut way namin papuntang subdivision. Hindi pa naman iyon daanin ng mga tao at magubat.
At dahil mukhang harmless naman si Guimard, kaya napanatag na din nga ako. Nakarating kami sa subdivision ng matiwasay.
“Mas masarap palang maglakad nang may kasabay.” Sabi niya. Malapit na kami sa may clubhouse.
“Oo naman. Dati, lagi kaming sabay ni Dach eh.” Nakangiting sagot ko.
“Ngayon, hindi na?”
Tumango ako. “Friendship over na kami.” Pabirong sabi ko.
“Bakit?”
Nagkibit-balikat ako. “Wala lang. Ayoko kasi no’ng naoobliga lang na kaibiganin ako.”
Pumitik sa hangin si Guimard. “`Buti na lang hindi naman ako naoobliga. Gusto ko talagang kaibiganin ka.”
“Sus! Nagpalakas ka pa!” biro ko naman. “O ayan! Nasa clubhouse na pala tayo. So, paano?”
Sandali lang nitong nilingon ang clubhouse. “Ihahatid na muna kita. Ang pangit kasing tingnan. Parang ako pa `yong inihatid mo sa clubhouse.” Kakamot-kamot ito sa batok.
“Sira!” bulalas ko. Pero at some point, medyo tama rin naman siya kaya pumayag akong magpahatid sa bahay namin. Konti na lang naman ang lalakadin.
Pagdating namin sa tapat ng gate, saktong binubuksan ni Mama iyon. Maglalabas ng basura.
“Bakit hindi mo muna papasukin ang bisita mo, Anika? Halika muna, hijo.” Anyaya ni Mama.
“Sa ibang araw na lang po. Inihatid ko lang po talaga si Anika.” Nakangiting sagot niya.
“Sigurado ka?”
“Opo. Madami pa naman pong next time.”
Hindi ko alam kung namalik-mata lang ba ako o talagang nakita ko na kumislap ang mga mata ni Guimard. Parang kislap ng tagumpay. Parang may cleverness. Dinagsa tuloy ako ng kaba. Parang may warning feels sa loob ng dibdib ko na hindi ko maipaliwanag ang dahilan. Ewan ko.
“O, siya sige. Ingat ka, hijo.”
“Salamat po.” Nagpaalam na si Guimard pero nalilito pa din ang pakiramdam ko.
“Manliligaw mo ba iyon, anak? Mukhang mabait ah?” tanong sa akin ni Mama.
Yeah, too nice to be true.
Hindi ko alam kung saan nanggaling ang kaisipan na iyon. Saka medyo nagi-guilty na ako. Wala namang ipinapakitang masama si Guimard sa akin para makaramdam nang ganito.
“Pasok na tayo, Mama. Madami pa kasi akong tatapusin na take home activity.” Sabi ko na lang.
Chloris
“I DON’T feel right about Guimard.”
Napalingon ako kay Dach. Nasa loob na din siya ng time plane. Matapos kong ipaalam kay Elwood ang naramdaman ko nang mahawakan ko siya, ini-advice niyang pasamahin sa grupo si Dach. Nalaman din namin na may mark din siya ng nature element. Kagaya ng kay Anika at naka-embossed din na nagpalito sa akin. Ibig sabihin lang noon, bukod sa isa din siyang Kimburian, may kaugnayan siya sa misyon.
Nakikita din ni Dach ang mata ni Elwood sa kalangitan pero kanan lang. At higit sa lahat, may kakayahan siya. Kaya niyang i-shape ang air power na nanggagaling mismo sa katawan niya dahil isa nga siyang air shaper. Natutunan niyang i-enhance iyon mag-isa sa buong panahon na walang itong guide. Inamin naman niyang may shamanic blood ang great-grandfather niya kaya parang hindi na rin nakakapagtaka.
Medyo nahihirapan na akong makipag-communicate kay Hino nitong nakaraan kaya hindi ako makapagtanong. Siguro ay palala ng palala ang sitwasyon sa Kimbura. Kaya wala akong choice, anything na may kinalaman sa misyon, kailangan naming ipunin. Nahanap na din ni Elwood ang dalawang lalaki sa panaginip ko, sina Meteor at Alvis. Tama ako nang hinala na katulad ni Dach, may mga marka at kakayahan din ang mga ito. Mga marka na katulad ng kina Soleih at Ceilah.At hinahabol din ng mga simulacrum. Pumayag na ang dalawang lalaki na sumama sa grupo pero hindi pa nakakadaan sa House Of Regrets. Kung kailan papapasukin ni Elwood sa hide out, hindi ko pa alam. At hindi kami dapat na nagsasayang ng panahon. Si Serene na lang talaga ang problema namin.
Ginawa ko ang lahat para ma-invite si Dach sa grupo namin. Naging mabilis din ang pagdaan niya sa House Of Regrets. Ibig sabihin noon na determinado siyang sumama sa amin.
“What do you mean?” nalilitong tanong ko.
Nandoon na naman si Elwood sa favorite spot niya—sa pool area. Ewan ko ba sa lalaking iyon. Parang walang pakialam eh mundo naman niya ang ililigtas namin. Ako pa itong mas nai-stress kaysa sa kanya. Hindi man lang silipin ang mga witch priestess sa training ground.
Linteken talaga!
“May dark aura na nakapalibot sa kanya na hindi makikita ng mga normal na mata.” Sabi ni Guimard. Bigla siyang humarap sa akin.
“At nakikita mo iyon?”
“Oo.”
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
“Ang mas nakakaalerto, lagi siyang nakadikit kay Anika. Hindi pa ganoon kagaling si Anika. Baguhan pa lang siya sa ganitong kalakaran. Alam mo naman, kailan lang niya natuklasan ang tungkol sa kakayahan niya. Hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili.”
Ramdam at dinig ko ang matinding concern sa boses ni Dach. He cared a lot about his friend. Napangiti tuloy ako. Bakit may pakiramdam ako na hindi lang talaga pagkakaibigan ang namamagitan sa dalawa.
“Tell me honestly, Dach. Hindi lang pag-aaral ng spell at pagpapalakas ng kapangyarihan na katulad ng sinabi mong dahilan sa amin, ang nag-push at nag-encourage sa `yo para pumasok sa grupo, tama ba?”
Natigilan si Dach. Napangiti na ako nang tuluyan. I knew it. Mas na nag-aalala ito at gustong malaman kung ano bang pinasok ni Anika kaya ganoon kadaling na-encourage na pumasok sa secret door.
Feeling ko tuloy, walang ibang misyon si Dach kundi ang protektahan si Anika.
Sheeet! Nakakainggit naman ang bruhang si Anika. Sana may ganito ding lalaki sa buhay ko.
“Don’t worry. Walang makakaalam.”
Teka, medyo nagtataka nga ako. Bakit ba parang ayaw nitong ipaalam kay Anika iyon? Ano ang pumipigil dito?
“Bakit kasi hindi na lang tapusin ang pagiging torpe at mag-confess na?” naaaliw kong pang-aasar. Alam ko naman e. I can read between the lines, the emotions and the actions.
“Dahil baka… baka kapag masaya na kami, baka isumpa niya ako kapag nalaman niya ang totoong nangyari many years ago.” Malungkot na sabi ni Dach.
Parang biglang bumigat ang loob ko. Ano bang sinasabi ni Dach? Ano bang nangyari many years ago?
“Hi, guys! I’m ready for the training! Nandito na ba ang—”
Natigilan sa paglapit ang bagong dating na si Anika. Mulagang-mulaga ito sa katabi kong si Dach. Bigla namang umayos ng pagkakatayo si Dach at humarap kay Anika.
“Hi, Anika!” kaswal lang ang pagkakabati ni Dach pero pakiramdam ko, nagkaroon ng tension sa paligid.
“A-ano’ng ginagawa mo dito?” parang hindi pa din makapaniwalang tanong ni Anika.
“Well,” nagkibit-balikat si Dach. “I told you, I am one of you.”
Nagtatanong ang mga mata ni Anika na bumaling sa akin. Agad naman akong nag-explain.
“You have the same birthmark. Nararamdaman kong kailangan natin siya. At approved din ni Elwood ang pag-invite sa kanya dito. I have no choice. May misyon tayo at hindi ko puwedeng palagpasin ang kahit na anong bagay o tao na may kinalaman doon.”
“Pero—”
“Bakit Anika? Ayaw mo ba na makita ang dati mong kaibigan sa isang sekretong lugar at panahon?” Mabigat na tanong ni Dach.
Nagtitigan na lang ang dalawa. Siguro, kailangan ko nang mag-escape. May namumuo na kasing tension at ayokong maipit sa kung anumang gulo nila. Iipis-ipis akong lumayas sa harapan nila.
Hayst! Lovers… ang komplikado talaga kapag umiibig.