Anika
PAPAUWI na ako nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Naalerto ako. Hindi ako dapat matakot. Baka napapraning na naman ako. Magmula nang tanggapin ko ang kapalaran ko at ang katotohanan na may kapangyarihan ako, hindi ko na alam kung alin ang totoo at kung alin ang panaginip. Madalas akong managinip ng mga kakaiba. Na hinahabol ako ng mga anino. Walang mga mukha pero hugis-tao. Sabi ni Sir Elwood na i-expect ko na iyon. Simulacrum daw ang tawag sa mga iyon at balak talagang higupin ang kaluluwa naming mga priestess. Mga pakawala iyon ng kalaban para pigilan ang misyon ni Sir Elwood na matalo ang dark spell ng Auntie niya.
Palagi nalang akong tumatakbo. Hindi na normal ang lahat sa akin. And I doubt kung babalik pa ako sa normal kong buhay. Pero wala akong pinagsisisihan. Aalamin ko ang totoo, kahit pa sa anong paraan.
Ang goal na malaman ang katotohanan, iyon ang pinanghawakan ko habang nasa loob ako ng House of Regrets. Kaya ngayon, kahit palagi akong nahaharap sa panganib, hindi pa din ako nagsisisi. Parang wala nang space sa damdamin ko ang pagsisisi. Buong-buo na ang loob ko na harapin ang lahat. Dahil nandiyan naman sila. Ang bagong grupo na kinabibilangan ko.
Umuwi ako ng araw na iyon at kumilos ng katulad ng normal. Ni hindi na din ako nag-usisa sa mga nangyari no’ng umaga matapos kong mag-sorry sa pagiging kakaiba ko. Sinabi ko stressed lang ako dahil sa mga naranasan kong mga bangungot. Madali naman iyong tinanggap nina Mama at Papa. At maski pa alam ko na nalilito sila sa pagbabago ng mood ko, hindi na sila nagtanong.
Sabi nina Chloris at Sir Elwood, kailangan kong labanan ang takot ko sa mga bagay na hindi ko naiintindihan. May kapangyarihan ako at dapat ko iyong panghawakan. Hindi daw ako ipapahamak ng kapangyarihan ng hangin. And I believe them.
Kaya naman ngayon, panaginip man ito o hindi, kailangan kong manatiling kalmado. Dumeretso lang ako sa paglalakad. Ni hindi ako lumingon sa pinanggalingan ko. Nakakuyom na din ang mga kamay ko. Iba kasi ang nararamdaman ko mula doon. Parang may sumisingaw na malamig at mainit na energy mula sa mga palad ko. Baka naman pasmado na ako o kung ano.
Nang may biglang humablot sa balikat ko. Matic ang naging pagkilos ko dahil na din sa training namin sa aming hideout.
Hinablot ko ang kamay na kumapit sa balikat ko saka iyon pinilipit. Itutulak ko sana siya nang biglang may lumabas na dilaw na enerhiya mula sa isa kong palad at iyon ang nagsalya kay Dach palayo.
Nanlaking bigla ang mga mata ko. Si Dach! Si Dach ang sumusunod sa akin? Nagpalinga-linga ako sa paligid para alamin kung may nakakita ba sa mga nangyari. Wala naman palang nagdadaan. Mabuti na lang at hindi naman nga kasi daanan ng mga tao ang daan na iyon. Shortcut namin iyon ni Dach kapag pauwi na. Tutal ay walking distance lang ang subdivision namin mula sa school.
Tinakbo ko si Dach at nilapitan. Tinulungan ko din siyang makatayo.
“Ang lakas mo, Anika! Grabe!” Bulalas niya.
“Ssshhh… Baka may makarinig sa `yo.” Saway ko sa kanya. Medyo napapraning ako.
Kasama na yata iyon sa naging mannerism ko. Ang maging praning sa mga posibleng makakita sa akin at sa kakayahan ko. Masyado din akong maingat kapag nagpupunta sa old Science building. Though sabi nina Sir Elwood ay tuturuan naman nila ako ng compulsion at invisibility spell para sa convenience ko. May libro siyang ibinigay sa akin na hindi ko naman maintindihan ang sulat. Iyon daw ang una kong assignment, ang mai-translate ang laman ng libro sa salitang kaya kong intindihin.
Medyo mahaba-haba pa ang training na gagawin ko pero alam kong makakaya ko iyon. Maski naman sina Ceilah ay nag-aaral pa din at nagpapalakas ng kani-kanilang kapangyarihan.
“Huwag kang mag-alala, kaya ko namang i-compell ang kahit na sinong makakita sa nangyari.”
Napasinghap ako sa sinabi ni Dach saka ko siya pinakatitigang mabuti. Baka kasi nagbibiro lang siya. Pero imposibleng magbiro siya sa ganitong sitwasyon. Ngumiti siya pero agad ding nagseryoso ang mukha. That means, seryoso siya sa sinabi niya. Pero paano?
“Yes, I have the powers like yours, Anika. Kaya kong kontrolin ang hangin. Kaya kong maglabas ng air power mula sa katawan ko, katulad nang nagawa mo noong araw na huminto ang oras sa buong university. O baka nga sa buong mundo.”
Lalong nandilat ang mga mata ko. Aware ito? Aware siya sa mga nangyayari sa akin? Alam niya pero hindi siya nagsasalita at nagpapanggap na walang nalalaman?
“Your fears and frustrations just bring out your strong power.” Dagdag niya pa sa mga sinasabi. Na hindi ko maintindihan kung paano siyang naging aware. May alam ba siya na hindi ko alam? Posible bang may alam din siya sa pagkatao ko? Bakit hindi siya nagsasalita? Ginagawa niya akong tanga! O baka nga pinagtatawanan na niya ako kasi may alam siya patungkol sa akin samantalang ako ay clueless pa din.
“P-Paano mong nalaman? Hindi ka din naapektuhan ng pagtigil ng oras?”
Kibit-balikat ang isinagot ni Dach. Nai-bring up ko na iyon kina Sir Elwood. Sabi niya, may mga energies, bukod sa kapangyarihan ng kalaban ang nagpilit pumasok sa human dimension. Ginawa naman daw nito ang lahat para mai-block pero nakapag-penetrate pa din. Malaking tulong daw ang tornado energy ko para tuluyang mai-block ang mga iyon. Gumamit daw ng time stopper spell si Sir Elwood para hindi makarating sa kaalaman ng mga tao ang nangyaring digmaan ng mga kapangyarihan sa kalangitan. Nanghina din daw si Sir ng mga panahon na iyon pero pilit nagpakatatag para sa mission ng grupo. Dahil bukod sa nakikipaglaban ito sa dark energy, hinihigop din ang lakas nito habang patagal ng patagal ang sandaling nakatigil ang oras sa mundo ng mga tao.
Ayon din kay Sir Elwood, malaking energy ang nawala kay Chloris nang mga sandaling iyon. Mukhang kay Chloris daw galing ang white energy kahit hindi ito priestess o kahit Kimburian man lang. Siguro daw ay dahil masyado itong expose sa mga kakayahan namin kaya natututo na din at nakakagawa din ng magic ang mga spells na natutunan nito kahit wala itong inborn power. Maaari din naman daw kasing makabuo ng magical powers sa pag-aaral lang kung paano maging mabisa ang mga spells. Lalo pa at madalas din siyang mag-channel ng energy kay Chloris. Siguro nga ay ganoon ang nangyari. Pero ang hindi ko masagot-sagot ay ang sinabi niyang noong mga panahon na nakatulog si Chloris matapos ang nangyari sa school field, may mga lumalabas na latay at sugat sa katawan niya. Nasa panaginip si Chloris ng mga sandaling iyon at pinapanood din ang panaginip ko at ng dalawang pang lalaking Kimburian, pero sa katawan nito nagre-reflect ang mga sugat namin. Naramdaman din niya ang sakit ng mga sugat at maging ang paghihirap namin. Hindi ko alam kung paano magre-react. Bakit nangyayari iyon? At bakit si Chloris?
Ugh. What do I know? Baguhan palang ako sa karanasan at kakayahang mayroon ako.
“Let me guess, Anika.” Sa halip ay sabi ni Dach. “Ang grupo bang iyon nina Sir Elwood ay grupo ng mga taong kakaiba? Mga taong may kapangyarihan at kakayahan na katulad ng sa atin? Mga taong palaging hinahabol ng mga dark shadow? Tama ba ako Anika?”
Natigilan ako. Maraming alam si Dach. Marami siyang nalalaman patungkol sa mga tulad namin pero bakit hindi niya ako binabalaan? Malamang na alam niya din na pareho kaming may kakayahan at hinayaan niya lang akong ma-confuse!
Tama. Pinabayaan niya lang akong maguluhan. Naalala kong kami lang dalawa ang nakakakita ng mga mata sa ulap. Bakit hindi ko naisip na isang sign iyon na hindi kami normal? Hindi normal ang mga nakikita ng mga mata namin.
“Bakit… bakit hindi mo man lang ako sinabihan? Magkaibigan tayo, hindi ba?” puno nang pagtatampo ang boses niya.
Sinalubong ko naman ang nagtatampo niyang mga mata. Huh! Siya pa itong nagtatampo. Hindi ba dapat na ako ang makaramdam no’n?
“`Di ba dapat, ako ang nagsasabi sa `yo niyan? Marami ka palang alam, bakit hindi mo ako winarningan? Wala ka man lang pakialam kung nalilito na ako sa mga nararanasan at nakikita ko. Ni hindi mo man lang ako sinabihan at pinaliwanagan.”
Masama rin ang loob ko. Nagtatampo ako kay Dach kasi ni hindi siya nagsalita noong mga panahong confused na confused ako sa mga nangyayari sa akin. Palagi niyang binabale-wala ang mga sinasabi ko at inioopen ko sa kanya. Nagtu-turn pa kami sa ibang topic sa tuwing magtatangka akong mag-open sa kanya.
“Dahil ayokong mapahamak ka. I promised myself that I am going to protect you no matter what.” Bigla ay bulalas ni Dach. Sobrang intense ng mga titig niya sa akin na para bang gusto niyang unawain ko ang naging actions niya. Na intindihin ko ang naging pananahimik niya.
“You promised to protect me? Huh?” Nakagat ko ang labi ko para hindi lumabas ang kinikimkim kong damdamin. Hindi naman galit ang damdaming iyon. Nasaktan lang ako kasi naglilihim siya sa akin. May alam pala siya sa kakayahan ko pero nanatiling tikom ang bibig niya. “And for you, protecting means lying?”
“Hindi ako nagsinungaling!” mariing tanggi niya at tinangka akong hawakan. Pero agad akong umiwas.
“Naglihim ka at hindi nagsalita maski may alam ka. That also a means of lying!” naisigaw ko sa kanya. Masamang-masama ang loob ko at hindi iyon basta mapa-pacify lang ng pagtanggi niya. “Alam mo ba kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko? Na sobra akong confused sa sarili ko? Na wala akong ibang mapagsabihan kasi natatakot ako na baka isipin nilang nababaliw ako. Na inakala ko nga at muntik ko nang isipin na nababaliw na ako kasi kabaliwan ang mga nakikita at nararanasan ko. Na ikaw, ikaw na kaibigan ko, ikaw na may alam naman pala, ni hindi mo ako sinabihan. Ni hindi mo ako dinamayan o sinagot man lang ang mga confusions ko. Wala akong makausap patungkol sa nangyayari sa akin dahil akala ko, walang makakaintindi sa akin. Pero nandiyan ka lang, ni hindi nagsasalita pero may alam naman. Akala ko ba kaibigan kita? Bakit hindi mo man lang ako dinamayan? Mas… mas naging bukas pa ang iba na unawain ako kaysa sa `yo. Ikaw na kaibigan ko. O kaibigan nga ba talaga kita?” Ang haba ng sumbat ko sa kanya. Pero hindi ko pipigilan ang sarili ko. Kailangan kong ilabas iyon. Hindi kasi okay na ganito na pala ang samahan namin at hindi ko pa napapansin. Na nawawalan nap ala siya ng paki o concern sa kung anuman ang pinagdadaanan ko.
“I was just protecting you!”
“Protecting me from what?!”
Natigilan si Dach at yumuko. Napailing at muli akong tinitigan, pagkatapos ay nagsalita.
“Ayoko lang maranasan mo ang nararanasan ko. Ayokong habang-buhay ka ding tumatakbo katulad ko. Once na naging aware ka na may kakayahan ka at tinanggap at ginamit mo ang kakayahang iyon, hindi ka na titigilan ng mga dark shadow kasi mate-trace ka na nila. Ayokong katulad ko, habang-buhay ka ding tatakbo. Walang katapusan ang ganitong karanasan. Na kung minsan, parang ayoko nang matulog. Na para bang ang ibig sabihin ng pagtulog ko, pakikipaglaban, pagtatago at pagtakbo. Napakahirap, Anika. At ayokong mangyari din sa iyo ang ganito.”
Nakita ko ang gumuhit na sakit at paghihirap sa mga mata ni Dach. Parang suddenly, nakita ko ang matinding pagod sa mukha niya. Bagay na hindi naging transparent mula sa kanya noon. And this is him, the real him. Pagod na. Hirap na. Sawang-sawa na sa dinaranas araw-araw. Or rather, gabi-gabi. At ni minsan ay hindi ko iyon nakita sa guwapo niyang mukha. He always seems fine. He always acts like everything is alright. Nagagawa kasi niyang itago ang totoong sitwasyon sa pamamagitan ng pagngiti at pagbibiro.
At parang nilapirot ang puso ko. Bakit gano’n? Akala ko ba magkaibigan kami? At ang mga magkakaibigan, nagdadamayan. Hindi nagtatago ng sekreto sa isa’t-isa. Bakit ganito siya? Mas pinili niyang maging miserable mag-isa. Mas pinili niyang magkahiwalay naming tutuklasin ang sekreto ng mga buhay namin. Sinasabi niyang pinoprotektahan niya ako, pero hindi ko makita iyon sa ginawa niyang pagtatago sa akin ng totoo. Mas pinalala pa niya ang paghihirap ko dahil wala akong naging karamay sa sitwasyong kami lang naman ang nakakaintindi at nakakaalam.
“Umaasa kasi ako na kung maida-divert ko ang isip mo sa mga nangyayari sa `yo na kakaiba, kung matutulungan kitang makalimutan mo ang mga nangyayari. Kung hindi mo na matutuklasan ang kapangyarihan at hindi mo na din magagamit, hindi mo na kakailanganing tumakbo habang natutulog. Hindi ka na matutulad sa akin, Anika. Magiging normal pa din ang buhay mo.”
“And that was selfishness!” Putol ko naman sa mga sinasabi niya.
Umawang ng malaki ang bibig ni Dach. Halatang nagulat sa outburst ko. Well, again, hindi ko iyon pinagsisisihan. Wala nang space sa akin ang regrets dahil mas matibay na ako ngayon.
“Yes. That was selfishness. Hindi mo man lang ako tinanong kung ayaw ko ba sa kakayahan ko. Kung hindi ba ako willing na maranasan ang katulad ng nararanasan mo. How could you decide for me? Wala ba akong karapatang magdesisyon para sa sarili ko? Ni hindi ka man lang nagtanong? O baka naman… ” mapait na nakangiti ako nang biglang pumasok sa isip ko ang isang conclusion. “Baka naman iniisip mo na wala talaga akong kwenta.”
“Anika?!”
“`Di ba nga, ini-expect mo pa noon na kaya kong manlaban kay Serene nang pilit niya akong hubadan? At no’ng hindi ako nakapanlaban, naisip mo na lampa naman pala ako. Siguro, naisip mo noon na better na hindi ko na lang nga malaman ang kakayahan ko, tutal baka hindi ko naman nga iyon magamit nang maayos. Na baka hindi ko naman magawang iligtas ang sarili ko. Na baka maging pabigat lang ako sa `yo at palagi lang kitang maipahamak katulad ng mga nakikita ko sa panaginip ko—”
“Stop it, Anika!” galit na singhal ni Dach.
Nakalabit ko yata ang trigger ng galit niya. Biglang nagbaga ang mga mata niya. Hindi ko din maintindihan kung bakit ko ba nasabi sa kanya ang mga bagay na iyon. Dala siguro ng sama ng loob. Medyo nalilito na din ako kasi, bigla din akong napaisip. Ano ang kinalaman ng mga panaginip ko sa kanya? Posible bang mangyari nga ang mga panaginip ko?
“Kahit kailan, hindi kita itinuring na pabigat. I actually assigned myself to guard and protect you. Isinumpa ko iyon sa libingan ni Art—”
“Huh! Si Kuya Art.” Hindi ko napigilan ang sarili ko na bigla ulit magsalita dahil para akong sinampal nang marinig ko ang mga huli niyang sinabi. Nahuhulaan ko na kung saan pupunta ang usapang ito. Hindi ko gustong marinig ang mga sasabihin niya. Because I honestly know, what would be the next thing I’ll gonna hear from him. At parang niluluray ang puso ko, isipin pa lang ang dahilan kung bakit laging nasa tabi ko si Dach. Kung bakit nanatili kaming magkaibigan, all those years.
“So, that was it. May pangako ka pala kay Kuya. Dahil sa promise na iyon, that is why you keep an eye on me.”
I hold my tears back. Bakit ang sakit? Bakit ang sakit kahit sa akin na mismo nanggaling ang mga salita? Akala ko kasi, kung hindi ko maririnig sa kanya, baka hindi masyadong masakit. Pero ang sakit-sakit pa din. Ang sakit-sakit pa ding mapatunayan na ang lalaking palagi kong kasama, ang taong itinuring kong pinaka-best friend ko sa buong mundo, nakatali lang pala sa pangako sa namatay na kaibigan. Ginagawa niya lang ang lahat para tupadin ang isang pangako sa totoong best friend niya. Naoobliga lang siya!
Sana hindi na lang niya ako kinaibigan. Sana hindi na lang siya nagkaroon ng pangako kay Kuya. Sana, hindi na lang kami naging malapit sa isa’t-isa. Dahil sa totoo lang, may malaking space sa puso ko na nakalaan lang para kay Dach. Na hindi na sana nangyari dahil hindi naman pala dapat. Ang lahat ng pag-aalala at pagprotekta niya, ang lahat ng iyon… ang dahilan lang ay ang pangako niya kay Kuya. And I don’t want that. I crave for more than that.
Hindi ba puwedeng nag-aalala at pinoprotektahan niya ako dahil iyon ang idinidikta ng damdamin niya? At hindi lang dahil iyon ang sinasabi ng isip niya. Hindi lang dahil iyon ang dapat na gawin niya. Hindi iyon ang gusto ko. Hindi iyon ang kailangan ko!
I need him to genuinely care for me!
“Let’s stop the fake friendship, Dach.” Bigla ay deklara ko na nagpatunganga naman kay Dach.
“F-fake friendship? Iyon ba ang tingin mo sa samahan natin?”
Binalewala ko ang narinig ko at nagpatuloy sa sinasabi ko. “Malaya ka na ngayon mula sa promise mo mula kay Kuya. Malaya ka nang magprotekta ng iba.” No! I don’t want you to be with somebody else aside from me!
Tumututol ang isip at puso ko pero wala akong balak na ipaalam sa kanya. Alam ko namang dadating ang araw na kailangan ko siyang i-let go, bakit hindi pa ngayon? Ngayon na kaya ko pa.
Buong giting na tinitigan ko siya sa mga mata. Sana lang, wala siyang kakayahan na basahin ang totoo kong saloobin.
“I don’t need someone else to protect me, though. Sabi mo nga ay may kakayahan ako. And you were right, Dach. Nandiyan naman ang grupo para alalayan at protektahan ako sa anumang consequences na kapalit ng kapangyarihang ito. You don’t have to oblige yourself to worry about me. Kaya ko na. So live your life the way you should. At ganoon din ang gagawin ko. We should end just like this.”
Matagal na nakatitig lang si Dach sa akin. At ang kawalan niya ng reaksiyon sa lahat ng masasakit na sinabi ko ang nagpatunay sa akin na tama nga ang mga conclusions ko. Tinalikuran ko na si Dach. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit umaasa akong susundan niya ako. Na hindi niya ako hahayaang mawala sa kanya.
But then, nakailang hakbang na ako at ni hindi ko naramdaman na kumilos siya. At ang sakit no’n. Ang sakit-sakit noon. I am silently hoping that he wouldn’t allow me to end our friendship. Dahil iyon na lang naman ang pinaghahawakan ko sa kanya. I don’t want to loose him. I don’t really wanted to loose him.
Dach… bakit wala kang ginagawa?
Bakit parang ako lang ang nasasaktan sa nangyayari? Wala man lang ba iyon kahit kaunting epekto sa kanya? Talaga bang obligasyon lang ako sa kanya? Kahit kaunti ba, wala talaga siyang naramdamang totoong concern para sa akin at sa friendship namin?
Nadaklot ko ang dibdib ko habang matapang na humahakbang palayo. I just wanted to absorb all the pain. Siguro naman, kapag na-absorb at nalagpasan ko iyon, mawawala at makakalimutan ko din ang masakit na damdaming iyon. Siguro naman, titigil na ako sa pag-asang kahit paano, may totoong pakialam si Dach sa akin.
Pero… iyon ba talaga ang inaasahan ko? Sa likod kasi ng isip ko, nandoon ang puso ko at pilit umaasa ng ibang bagay. Pilit na hinihintay si Dach na humabol at pigilan ako.
Huh! That was it. Naiintindihan ko na ang sarili ko. Nagpapakipot lang naman ako dahil sumama ang loob ko. Gusto ko lang magpahabol at magpapigil. To test him if he can let our friendship end just like that, if he can let go of me. But then, the clear answer just sliced me into pieces. Our friendship isn’t that important to Dach. I am not that important to him.
Tama na, Anika! Tama na, please. Tigilan mo na ito. You decided to set him free, to cut your friendship with him. Ano pa ang ipinag-iinarte mo ngayon? You shouldn’t hold back the person that wasn’t made for you.
Hindi ko na kaya ang sakit na dala ng kaisapang iyon. Tumakbo ako. Baka kung tatakbo ako ng mabilis, madi-distract ang puso ko. Baka iba na ang maramdaman niya. Baka ma-wash out na ang sakit. Baka pagod na lang ang mangibabaw. Mas maganda iyon. Mas kakayanin ko iyon. Mas gugustuhin ko pa iyon. Ang habang-buhay na tumakbo palayo sa taong hindi din ako kayang hawakan hanggang sa huli.