ISANG nakakasilaw na liwanag ang nabungaran ni Scylla sa pagmulat ng kanyang mga mata, dahilan para bigla siyang mapabangon. Iniharang niya ang isang kamay sa bandang noo para maski paano ay masanggahan ang nakakasilaw na liwanag. Pulos puti ang paligid. Iyon ang nakikita niya. Marahil dahil na din sa liwanag na nakakalat sa buong paligid. Pero nasaang lugar nga ba siya? Bakit masyadong maliwanag? Kaninong kama ang kinauupuan niya ngayon. Bakit hindi iyon kasinlambot ng kanyang kama?
Nang bigla siyang matigilan! Napaurong siyang bahagya matapos mapagsino ang katawang nakahimlay sa kama na nasa kalagitnaan ng walang hanggang liwanag. Dumudugo ang noo at ilong nito at may malaking sugat sa pisngi. Palagay niya, may malaking sugat rin ang noo nito na pinanggagalingan ng umaagos na dugo na nagmamantsa na sa cover ng puting-puting kama. May mga pasa sa mukha at braso, mga galos at sugat.
Nakaramdam siya ng matinding panic. Sa kabila ng mga galos, sugat at pasa, nakilala niya ang katawang nakahimlay, siya ang nakahiga sa kama! Pero bakit? Bakit nakikita niya ang sarili? Kung siya ang nakahiga sa kama, sino siya na nakaupo naman roon?
Bigla niyang naalala ang huling kaganapan. Malalim na ang gabi. Nagmamaneho siya ng kanyang sasakyang iniregalo ng kanyang kuya Timothy nang nakaraang birthday niya. Dapat daw ay sa graduation nalang niya iyon ibibigay sa kanya pero dahil halos magahol na rin ito sa oras sa paghatid-sundo sa kanya sa kanilang unibersidad, minabuti nitong maski nasa ikatlong taon pa lang siya sa kolehiyo ay ipagkaloob na sa kanya ang minimithi niyang sasakyan. Tutal ay disinueve anyos na naman siya, awtorisado na siyang magmaneho. Isa pa, noon pa mang disasais siya ay tinuruan na siya ng kapatid na magmaneho kaya ngayon, masasabi na niyang magaling na magaling na siya sa larangang iyon.
Bilang graduating student sa kursong business management, napakaraming tinatapos na requirements ang mga tulad niya. Ewan ba kung anong bitamina sa utak ang ginagamit ng mga professors nila sa unibersidad at kung kailan last minute na ay saka pa sila tinatambakan ng maraming requirements. Tuloy, parati na siyang ginagabi sa pag-uwi. Parati rin tuloy nag-aalala ang kuya niya.
Sila nalang magkapatid ang magkasama sa buhay. Sabay na namatay sa isang vehicular accident ang mga magulang nila noong nasa ikatlong taon sa high school pa lang siya. Maigi nalang at graduating na ang kuya Timothy niya.
Sa mga panahon nito sa kolehiyo ay panaka-naka rin itong itini-train ng kanilang ama sa kompanya kaya’t nang iwan sila ng mga magulang ay nakapag-adjust ito sa pag-take over ng business nila.
Naging spoiled siya sa kapatid pero at the same time ay protective din ito sa kanya. Wala na siyang mahihiling pa sa kapatid. When their parents leave them, he used to keep an eye on her. Nangako raw kasi ito sa puntod ng mga magulang nila na aalagaan at poprotektahan siya sa abot ng makakaya nito.
At tinutupad naman iyon ng kanyang kapatid. Sa katunayan, labis sa kanyang kailangan ang ibinibigay nito. Tinutumbasan niya rin iyon ng pagmamahal at hangga’t maaari ay ayaw niya itong pag-alalahanin. Ipinangako niya sa sarili na aalagaan rin niya ang kapatid. Tutumbasan niya ang lahat ng kabutihan nito sa kanya. Bukod roon ay sila nalang ang pamilya kaya wala na talagang mag-aalaga sa isa’t-isa kundi sila rin lang.
Alas onse y medya na nang tingnan niya ang kanyang wrist watch. Malalim na ang gabi pero sikip pa rin ang kalsada. Minabuti ni Scylla na mag-short cut. May iskinita siyang dinadaanan na kayang lumusot ang kanyang kotse. Kapag ganoong naiipit siya sa traffic ay doon siya dumadaan. Yun nga lang, hindi siya parating dumadaan roon dahil delikado. Pugad raw iyon ng mga drug addict at iba pang masasamang tao. Pero gusto na niyang makauwi. Hindi lang para makapagpahinga kundi para na rin makapagpakita sa kapatid. Nakailang tawag na ito sa kanya kanina at itinatanong kung nasaan na siya. Malamang na naunahan na naman siya nito sa pag-uwi.
Napabuntong-hininga nalang si Scylla. Malapit na siyang makalabas ng eskinita. Sa dulo noon ay ang public highway. Napangiti siya. Paglabas kasi niya roon, siguradong hindi na gaanong crowded ang lansangan. Malapit na din iyon sa kanilang subdivision.
Subalit habang papalapit siya ng papalapit sa dulo ng eskinita, bigla-bigla rin naman ang bundol ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit o saan nanggaling ang pakiramdam na may panganib na nakaamba sa kanya sa dulo ng eskinita.
Iniisip niya rin kung anong panganib iyon samantalang ilang beses na naman siyang nakadaan roon at safe na nakalabas.
Pinilit palisin ni Scylla ang kakaibang kaba na bumabalot sa kanya. She focused on driving.
Malapit na siya.
Makakalabas na siya.
Wala siyang dapat ipag-aalala.
Subalit dahil nababalot siya ng tensyon sa mga sandaling iyon ay hindi niya maiwasang maging paranoid. Panaka-naka siyang lumilinga sa magkabilang gilid, sa madilim na paligid, para siguraduhing wala talagang panganib na nakaamba sa kanya. Naipagdasal niyang sana ay walang humarang sa daraanan niyang masamang nilalang.
And she was so relieve when she finally get there. Umusli na rin sa wakas ang nguso ng kanyang kotse sa bungad ng eskinita. She was safe now. Nakaramdam lang siya marahil ng paranoia dahil naalala niya ang sabi-sabi ng mga kaklase niya na ang eskinita na iyon ay mapanganib. Ikinukwento kasi niya sa mga close friends na may alam siyang short cut. At iyon na nga, nalaman niyang hindi safe ang short cut.
Pero hindi na niya iyon dapat na isipin pa. Nakalabas na siya. Risk-taking man na masasabi ang ginawa niya pero atleast, makakauwi na siya ngayon. Pabuntong-hininga na muli siyang umabante para tuluyan ng makalabas ng eskinita na iyon nang isang humahagibis na trak ang paparating. Ni hindi iyon bumusina kaya’t hindi niya namalayan na paparating pala ang trak. At bago pa niya maiurong muli ang kotse niya ay nakakasilaw nang liwanag ang bumalandra sa kanya.
No!
BIGLANG nahimasmasan si Scylla. Noon nagkaroon ng imahe ang lugar na kanina ay tila walang hanggang liwanag lamang at walang ibang naroroon kundi ang kama na kinahihigaan ng kanyang katawan… at siya…
Siya, na kaluluwa na!
Patay na ba siya?
Hindi! Hindi siya pwedeng mamatay!
Lumitaw ang mga nagkakagulong nurse, doctor at hospital staff para istimahin siya. Dagli siyang napatayo mula sa kama at lumayo sa takot na mabuggo ng mga ito. Kung anu-anong tubo ang ikinabit sa katawan niya, pati na oxygen. Siguro para tulungan siyang huminga. Subalit, hindi yata iyon gumagana. Dahil kung ganoon nga, sana ay hinigop na siya ng kanyang katawan. Pero hindi. Naroroon pa rin siya at nakatayo.
Isang tila silver string ang napansin niya sa kanyang tagiliran na nakakonekta sa ulo ng kanyang pisikal na katawan. Kanina ay malabo iyon sa kanyang paningin pero habang tinititigan niya iyon ay lumiliwanag ang hitsura ng tali.
It was overall silvery and sparkling. There were energies flowing through it. It appears to be about an inch or two in diameter. The outer covering glows with a faintly sparkling-silver hue. But with the closer look, nakita niyang tuldok-tuldok na samut-saring kulay iyon.
Pinagmasdan niya ang pinakaloob noon. There were clouds of tiny, fast-moving motes of energy can be seen flowing rapidly in all directions. At patuloy sa pag-andap na animo view ng nawalan ng signal na telebisyon.
Sinubukan niyang hawakan ang taling iyon na nag-uugnay sa kanya at sa kanyang katawang pisikal. Subalit tumagos lang ang kanyang kamay kasabay ng tila siya napahawak sa grounded na linya ng kuryente. Dagli niyang binawi ang kamay. There was a faint tingle when the string passed through her hand while touching it.
Napakagandang tingnan ngunit ano nga ba iyon? Bakit may ganoon siya?
Bigla niyang naalala ang pinag-aralan nila noon sa psychology. Ang tao raw, kapag humiwalay ang kaluluwa sa katawan ay may nakakonektang linya na nagsisilbing life line. It was called silver cord.
Kung ganoon, ito na marahil iyon. Hindi niya iyon kaagad napansin pero ngayon, alam niyang iyon na nga iyon. Ibigsabihin rin na kung may silver cord pa siya ay buhay pa siya.
May pag-asa pa siya!
Dagling lumapit si Scylla sa kanyang katawan at pumosisyon upang makabalik sa katawan. Humiga siya sa katawan niya. Iniayos niya ang sarili sa posisyon ng katawan niyang nakahimlay. Subalit, bakit ganoon?
Hindi siya makapasok!
Inire-reject siya ng katawan niya.
Bakit?
Kung konektado pa ang kanyang silver cord sa kanyang katawan, ibigsabihin, buhay pa siya. Pero bakit hindi siya makapasok sa kanyang katawan? Anong nangyayari?
Nagulantang si Scylla nang magkagulo muli at dumoble ang panic ng mga naroroon. Dumoble ang bilis ng mga kilos. Bumaba siya muli ng kama at nalilitong pinanood ang mga naroroon.
May nagpa-pump sa kanyang dibdib. May nag-aabot ng kung anu-ano sa doctor na umiistima sa kanya. Meron ding naglilinis ng dugo sa mukha at katawan niya.
Napahagulhol na siya ng iyak sa matinding panic at takot. Itinakip niya ang dalawang kamay sa bibig habang humahagulhol ng iyak.
“No! Hindi pwede! Hindi ako pwedeng mamatay! Please! Buhayin niyo ako, parang awa niyo na. Buhayin niyo ako! Hindi pa ako pwedeng mamatay. Paano ang kuya ko? Malulungkot siya ng husto. Mag-iisa na siya.Kailangan ko pang mabuhay. Iligtas niyo ako! Diosko! Ayoko pa pong mamatay!”
Naghihihiyaw si Scylla subalit wala namang nakakarinig sa kanya. Patuloy pa din sa pagkakagulo ang mga tao sa loob ng emergency room. Sandali pa at naririnig niya ang boses ng kanyang Kuya Timothy sa labas.
Sumilip siya sa glass panel upang alamin kung ang kapatid nga ang nasa labas. Pahangos itong sumusugod sa emergency room subalit hindi ito pinayagang makapasok. Pinakiusapan rin ito ng mga hospital staffs na kumalma.
Subalit sino ang magagawang kumalma sa ganoong sitwasyon. Napahagulhol nalang siya habang ang kapatid ay dalawang kamay na nakahawak sa rectangular glass panel window at humahagulhol habang sinisilip ang katawan niya na nasa loob ng emergency room. Gusto niya itong payapain pero paano?
Tarantang nilapitan niya ang doctor. “Doc, tulungan niyo po ako. Buhayin niyo ako, parang awa niyo na.”
Alam niyang hindi siya naririnig nito pero gusto pa din niyang magbakasakaling maramdaman nito ang presensiya niya.
Patuloy sa ginagawa ang doctor. Pawisan na ito pero hindi pa din tumitigil. Sa isang bahagi ng ospital ay nahagip ng kanyang mga mata ang isang krus na may imahe ni Jesus na nakapako roon. Taimtim na nanalangin siya. Alam niyang walang imposible para sa diyos.
“Diosko, gusto kong itanong kung bakit ako?” Lumuluhang sambit niya habang matamang nakatingin sa krus. “Pero hindi na po mahalaga iyon. Ayoko na pong magtanong ng bakit. Alam ko naman po kasing may dahilan. Gusto ko nalang pong gawin ay humingi ng tawad sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Lahat-lahat po. Nakikiusap ako, isa pa pong pagkakataon na mabuhay ako. Isa pa po at magiging mas mabuting tao na po ako. Kung kinakailangan kong mag-charity work buong buhay ko, gagawin ko po, wag Niyo lang po muna akong kunin. Kailangan pa po ako ni Kuya. Ayoko siyang iwan na mag-isa. Hindi pa ngayon. Huwag po muna ngayon.”
Muli siyang bumaling sa glass panel. Nilapitan niya ang kapatid na hilam pa din ang mga mata sa luha. Umakma siyang hahawakan ang glass panel subalit tumagos ang kamay niya roon. Kaluluwa na nga pala siya. Tuluyan na siyang tumagos sa pader upang mas malapitan ang kapatid.
“Kuya…” Umiiyak na sambit niya.
“Huwag mo akong iwan, Scylla. Ikaw nalang ang meron ako. Wala na sina Mom at Dad, pati ba naman ikaw, iiwan ako?” Puno ng paghihinagpis na sambit nito sa sarili. “Kasalanan ko ito. Hindi nalang sana kita binilhan ng kotse. Sana, pinagpatuloy ko nalang ang paglalaan ng oras para sunduin at ihatid ka. Sa pagpopokus ko ng oras ko sa trabaho, pinabayaan kita. Wala ka sana sa ganitong sitwasyon kung inalagaan kita ng maayos.”
Dagling umiling si Scylla. Awang-awa siya sa kapatid.
“No, kuya! Hindi totoo iyan. Wag mong sisihin aang sarili mo. You were the best kuya in the world. Hindi ka nagkulang sa akin.”
Isinuntok nito ang kamao sa konkretong dingding ng emergency room ng maraming ulit, hanggang sa dumugo na ang mga bukung-bukung noon. Sinubukan niyang pigilan ang kapatid subalit tumagos lang siya rito. Hindi niya ito mahawakan. Napaiyak na naman siya. Hindi niya mahawakan ang kapatid at ma-comfort sa pagdadalamhati nito. Hindi niya maiparamdam rito ang simpatya niya. Hindi niya masabing hindi nito dapat sisihin ang sarili dahil sa nangyari.
“Sir?” Isang tinig mula sa kanyang likuran.
Dagling bumaling roon si Kuya Timothy. Ito ang doctor na umiistima sa kanya.
“Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente? Si…” Tumingin ito sa record na hawak ng nurse na nasa tabi nito. “Ms. Scylla Aeka Montealto?”
“Yes Doc.” Padaluhong na lumapit rito ang kuya niya. “Kapatid ko po siya. Kuya niya ako.”
Huminga ng malalim ang doctor bago muling bumaling kay Kuya Timothy.
“The patient was in coma…”
Parang tumatagos nalang sa kanyang pandinig ang mga sinasabi ng doctor habang patuloy ito sa pagpapaliwanag ukol sa matinding head injury na tinamo niya sa aksidente. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Dapat ba niyang ikatuwa iyon dahil may pag-asa pa siya? She wasn’t stone dead, after all. Nasa coma siya, pwede pa siyang magising. May posibilidad pa siyang magising. Pero ano ang pwede niyang gawin para magising ang pisikal niyang katawan? She doesn’t had any clue on what is going on and what she needs to do.
Sandali pa ay nagsidatingan na ang mga kaibigan niya at ng kapatid na gustong makibalita sa nangyari. Kanya-kanyang pagdadalamhati at pagdamay ang mga ito sa kapatid niya. Hindi niya kinaya ang eksena lalo na nang muling umiyak ang kuya Timothy niya habang nakamasid sa katawan niyang napakaraming nakakabit na tubo at inaayos na para ilipat sa ICU.
Naglakad siya palabas, palayo sa mga naroroon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta o kung ano ang gagawin niya ng mga sandaling iyon. Paano na? Paano siya babalik sa katawan niya?
“Kawawa naman ‘yung pasyenteng nasa emergency room. Comatose daw e.” Naulinigan niyang sabi ng isang nurse sa nurse station na dinadaan niya.
“Oo nga e. Paanong hindi magiging malala, yuping-yupi ang kotse niya. Nakaladkad ng rumaragasang delivery truck.” Tugon naman ng isa pang nurse na kausap ng nasa loob ng nurse station.
“Tsk! Kung bakit ba kasi may kompanya na nagha-hire ng driver na hindi ipinapa-drug test. Aba! Positive na nga sa drugs yung driver, lango pa sa alak. Dapat sa mga ganyan, di na nagda-drive.”
“Oo nga. Marami tuloy nadadamay na inosente. Teka, kamusta na iyong driver?”
“Ayon, tegi na. Dead on arrival. Hindi na iyon mapapagbayad sa kasalanan niya.”
“Oo nga ano. Kawawa talaga ang biktima.”
“Mas kawawa ‘yung kuya. Mukhang mahal na mahal niya ‘yung kapatid niya.”
Ngumisi ang kausap. “I-comfort mo. Kailangan niya iyon.”
“Ano?! Ikaw talaga, kung anu-anong—”
“Gwapo niya kasi. Kung ayaw mo, ako nalang.”
Napailing nalang si Scylla. Bakit may mga ganoong tao, sinasamantala ang weak point ng kapwa para lang makapanlandi?
Tuluyan na siyang lumabas ng ospital nang may mamataan na kung ano. Isang mabilis na nilalang ang humahagibis na dumaan sa harapan niya. Sa sobrang bilis, hindi niya sigurado kung talaga nga bang may nakita siyang dumaan. Maski nga ang dalawang lalaki na iyon sa isang bahagi sa labas ng ospital ay tila wala namang napansin na dumaan.
Muli siyang naglakad palabas nang may maalala. Baka mabanat ng husto ang silver cord niya. Baka may makapatid noon. Baka maputol iyon! Kapag naputol iyon. Hindi na siya makakabalik!
Ngunit nang lingunin niya ang bahagi na natatandaan niyang kinakakabitan ng silver cord ay wala iyon roon. Bakit wala? Napatakbo tuloy siya pabalik sa loob. Patay na ba siya? Bakit hindi niya makita ang silver cord niya? At kung patay na siya, nagkagulo nasana sa loob. Pero hindi. Katunayan na inilalabas na ang katawan niya sa ER para ilipat sa ICU.
Nagpokus siyang maigi. Hindi pwedeng mawala ang silver cord niya. Dapat ay naroroon lang iyon. At nang ipokus nga niya ang atensyon niya sa ulo ng pisikal niyang katawan ay unti-unting lumilinaw sa kanyang mga paningin ang silver cord. Deretsong-deretso iyon patungo sa kanyang dibdib. Tumatagos ang silver cord sa mga pader na madadaanan noon at hindi sumasabit. Lalong hindi nahahawakan. Para iyong flow of energy na visible pero di pwedeng hawakan. At na-realize niya, nawawala iyon sa paningin niya kapag wala roon ang atensyon niya. Ibigsabihin, wala siyang dapat ikatakot na maaari iyong maputol o mapatid. Mapuputol lang iyon ng kusa kung…
…patay na siya.
Muli ay naglakad siya palabas ng ospital upang makapag-isip-isip. Nagbabakasakaling may makakausap na kaluluwa ring naglalakad-lakad. Subalit tila naulit ang eksena kanina dahil isang mabilis na nilalang na naman ang dumaan sa harapan niya. Sa pagkakataong iyon ay siguradong-sigurado na siya dahil malapit na malapit sa kanya ang humahagibis na nilalang. Tinalunton nito ang mahabang pathway patungo sa madilim na bahagi sa labas ng ospital. Sinundan niya ang nilalang na iyon at napag-alaman niyang parking space pala ang madilim na bahagi na iyon.
Mula roon ay isang babae ang kumakaway sa kung sino at tila nagpapaalam. Ngiting-ngiti iyon. Bumaling ang babae, marahil ay upang bumalik na sa ospital matapos makapagpaalaam sa kung sino nang biglang matigilan matapos makaharap ang nilalang na sinusundan niya. Madilim roon, ngunit sa sinag ng maliwanag at magandang buwan ay nasisigurado niyang bulto iyon ng isang malaking lalaki.
Lumapit ang nilalang na sinusundan niya sa babae. Nakatitig lang ang mga ito sa isa’t-isa at sa isang sandali, ay hinagkan ng lalaki ang babae. Aalis nalang sana siya dahil pakiramdam niya ay out of place siya sa eksenang iyon. Kahit kaluluwa lang siya, kailangan pa rin ng mga ito ng privacy. Subalit nagulat siya ng bigla nalang bumulagta ang babae matapos pakawalan ng lalaki. Lumingon ito sa gawi niya at noon lang niya napag-alaman na hindi ito ordinaryong nilalang. Nanlilisik ang mapupula nitong mga mata habang nakatitig sa kanya.
Nakaramdam siya ng matinding kilabot!
Nakikita siya ng nakakatakot na nilalang!
At bago pa siya makahuma ay may kung sino na ang dumaklot sa kanya. Sa isang iglap ay nakarating sila sa roof top ng hospital building.
Sila, dahil dama niyang may nilalang na nakahawak sa kanya.
“Anong ginagawa mo roon? Hindi mo ba alam na mapanganib ang ginagawa mo?”
Napatanga si Scylla. Isang lalaking may nakakapangilabot na aura ang natunghayan niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang aura nito samantalang taliwas ng kakaibang nilalang na nakaharap niya ay mas desente itong tingnan.
Actually, he looks gracefully and beautiful. Subalit hindi pa rin niya maunawaan kung bakit sa kabila ng napakagwapong mukha nito sa ilalim ng liwanag ng buwan ay nakakadama siya ng panganib.
Hindi nakakatakot ang hitsura nito, sa katunayan ay nakakatulala ang kagwapuhan nito. He has a very pale complexion na kung hindi mamula-mula ang labi nito ay iisipin niyang isa itong bangkay sa labis na kaputian. Ang mga mata nito, bagaman matatalim ay tila nangungusap. At tama bang asul ang kulay noon o dinadaya lang siya ng liwanag ng buwan? Masyadong perpekto ang matangos nitong ilong at…
“Alam mo ba ang ginagawa mo? Ipinapain mo ang sarili mo sa Soul Sucker na iyon! Gusto mo bang matulad sa babae sa parking area?”
Natigil sa kung anu-anong iniisip si Scylla. Noon lang niya naunawaan kung anong sitwasyon mayroon siya. Isa siyang kaluluwa, pero bakit nakakausap niya ang lalaking ito? Bakit at paanong nagawa nitong makatalon ng ganoon katas para maabot nila ang rooftop ng five-storey building ng ospital ng ganoon kabilis? Maski mag-elevator sila ay hindi ganoon kabilis nilang mararating iyon.
“S-Sino ka? Bakit nakikita mo ako? Bakit nahahawakan mo ako?”
Noon tila nahimasmasan ang lalaki. Dagli siya nitong binitiwan at sa nagtatakang anyo ay tinitigan siya. Ilang sandali sila sa ganoong posisyon nang ito na mismo ang magpasyang bawiin ang paningin.
“Bumalik ka na sa katawan mo. Maski kaluluwa ka, hindi ka ligtas sa mga kakaibang nilalang na nagtatago sa dilim.”
Hindi niya ito maintindihan pero wala na siyang pakialam sa mga sinasabi nito. Nakikita siya nito. Naririnig at nahahawakan. Kung ganoon, hindi siya hihiwalay rito. Kailangan niya ito dahil sa maraming bagay at katanungan sa kanyang isip. Mga bagay na gusto niyang masolusyonan. At sa puntong iyon, ngayon niya mas kailangan ng kausap.
“Hindi ako makabalik. Tulungan mo ako. Bakit mo ako nakikita? Sino ka? Paano mong nagawa ang lahat ng iyon? Kaluluwa ka din ba? Naaksidente ka din ba tulad ko? Paano tayo babalik sa katawan natin?” Sunod-sunod na tanong niya nang magtangka na itong tumalikod.
Marahas na bumuntong-hininga ang lalaki. “Hindi ko rin alam ang sagot sa mga tanong mo. Maigi pang bantayan mo nalang ang katawan mo bago pa iyon mapakialaman ng iba. Madadagdagan pa ang trabaho ko kung pati iyon ay ako pa ang gagawa.”
At dagli na itong tumalon mula sa roof top na kinaroroonan nila. Gilalas na lumapit siya sa railings ng rooftop kung saan mula roon ay tumalon na ito. Nang tunghayan niya ito sa ibaba ay nakita niya kung paanong madali nitong natalon ng floor by floor ang hospital building hanggang sa maglanding ito sa lupa.
Mula naman sa ibaba ay tila may naabot ang paningin nito at mabilis na humagibis ng takbo at lundag upang habulin ang isa pang kakaibang nilalang na kanina ay nakita niyang humahalik sa babaeng nasa parking area ng ospital. Nagpambuno ang mga iyon hanggang mawala na sa kanyang mga paningin. Ito ang tinawag na Soul Sucker ng gwapong lalaki na nagdala sa kanya sa rooftop.
At hindi niya maunawaan kung paano nitong nasabi na Soul Sucker iyon. Isa pa ay bakit tinutugis noon ang Soul Sucker? Anong nilalang ba ang mga ito? Kung hindi kaluluwa ang lalaking iyon na nagdala sa kanya sa rooftop, ano ito? Bakit siya binabalaan nito ng ganoon? At bakit rin siya nito nakikita, nakakausap at nahahawakan kung hindi naman ito kaluluwa?
Bigla niyang naalala ang nangyari sa babaeng kahalikan ng estranghero… hindi kaya… totoo? Hinigop noon ang kaluluwa ng babae kaya bumulagta nalang bigla. Nakaramdam na naman siya ng kilabot. Maski kaluluwa siya ay hindi pa din naman siya nawawalan ng damdamin.
Ano na ang gagawin niya ngayon? Kailangan niyang makababa.
Mula sa kinaroroonanniya ay pumikit siya ng mariin at naghanda nang tumalon. Gusto niyang malaman kung kaya niyang tumalon rin o kung lulutang ba siya, makakalipad ba siya o kung ano ang pwedeng mangyari. Kaluluwa na siya. Pwede naman niyang subukan kahit gaano pa ka-risky. Besides, kaluluwa siya, hindi siya masasaktan.
Tumimo sa isip niya ang kagustuhan niyang makalutang. Kaya naman nang magdesisyon na siyang ipatihulog ang sarili mula sa rooftop ay nagulat nalang siya ng makita ang sarili na lumulutang sa himpapawid. Nakakalutang siya. Pero paano siya bababa?
Sinubukan niyang kumapit sa mga haligi ng building pero hindi naman niya iyon maabot. Anong gagawin niya ngayon? Magpapalutang-lutang lang ba siya roon? Paano kung bigla nalang siyang daklutin ng nakakatakot na Soul Sucker na iyon?
“Isipin mo na unti-unti kang bumababa.” Isang tinig mula sa madilim na bahagi sa fifth floor ang narinig niya.
“Sino ka?”
“Basta gawin mo nalang kung ayaw mong magpalutang-lutang diyan.” Demanding na saad ng tinig. “Mag-concentrate ka.”
Ewan ba at naisipan niyang magtiwala sa tinig. Nag-concetrate siya at iniisip ang scenario na unti-unti siyang bumababa mula sa kinalulutangan na tapat ng fifth floor ng ospital roon sa Quezon City. Sandali pa nga at naramdaman na niyang bumababa na siya. Napangiti siya sa sarili. Tama ang desisyon niyang magtiwala sa tinig. Tiningala niya ang ikalimang palapag at mula roon sa madilim na bahagi kung saan niya narinig ang tinig ay isang mabilis na bagay ang bumaba malapit sa kanya.
Lumitaw sa harapan niya ang napakagwapong mukha ng lalaking nagdala sa kanya sa rooftop.
“Astral traveler ka, hindi ba?”
“Ha?”
“Nasa astral form ka. Ibigsabihin, astral traveller ka. Ang mga astral, nakikita namin maski hindi kami kaluluwa. At nakakasama namin kapag nasa astral form rin kami.”
“Teka, ano ka ba?”
Hindi agad ito nakapagsalita. Mataman lang siyang tinitigan.
“Hindi naman ako traveller. Wala akong planong maglamyerda na ganito ang sitwasyon ko. Ako nga pala si Scylla. Pronounce as Sih-la. As in, slower letter I. Sih-la. Okay? Sih-la.”
“Sih-la.” Pag-ulit nito sa pronounciation niya. “Ah, whatever.” Tila naiinis na sabi nito. Maigi nalang pala at hindi niya sinabi kung paano i-pronounce ang second name niya. Baka mas maimbyerna pa ito. Kung gaano kasimple ang pangalan ng kapatid ay ganoon naman na komplikado ang kanya. Scylla Aeka was pronounce as Sih-la Ey-cuh. Masyadong maarte pero iyon ang trip ng mga magulang niya.
“Ano bang ginagawa mo sa labas ng katawan mo? Tsk! Iyan ang problema sa mga astral traveller na hindi sumasampa sa kani-kanilang astral plane at kung saan-saan pa sumusuot. Alam niyo naman na mapanlinlang ang magandang liwanag ng buwan. Hindi porke maganda ang isang bagay ay wala na itong masamang itinatago. Kung minsan, kung alin ang napakaganda, iyon ang maraming kinukubling masama.”
“Ha? Hindi nga sabi ako traveller.”
“Kung hindi, bakit wala ka sa katawan mo? Sana, nananaginip ka nalang ngayon habang natutulog kesa lumabas ka pa sa pisikal mong katawan.” Tila tuluyan na itong nayamot sa kanya. Nagmura pa ito ng mahina. “Kayong mga astral traveller, dinadagdagan niyo ang trabaho namin. Alam niyo naman na maraming masasamang elementong lumilitaw sa kabila ng mundo niyo. At parati niyong ginagawa ang tumawid. Para ano? Maka-experience ng mga kakaibang bagay? E kung nagpopokus nalang sana kayo sa mga safe na astral plane?” Nagmura na naman ito. “Ginagawa niyo lang pain ang mga sarili ninyo para mas maraming mabiktima ang mga masasamang nilalang. Hindi ba talaga kayo nag-iisip?” iritadong-iritado na ito. At sa kabila ng iritasyon nito ay hindi iyon nakabawas maski kaunti man lang sa kakisigan nito.
Ipinilig niya ang sariling ulo. Nasa mahirap na sitwasyon na nga siya pero hayun at kung anu-ano pang iniisip niya. At talagang nagawa pa niyang i-appreciate ang kagwapuhan nito ha?
“Naaksidente ako.” Pagtatapat niya. “Humiwalay ako sa katawan ko. At hindi ko alam kung paano ako babalik.” Mataman na tumitig si Scylla sa kaharap na halatang nagulat. “Kung alam ko lang sana kung paano babalik, ginawa ko na. Gusto ko na ding bumalik sa katawan ko, pero hindi ko alam kung paano.”
Nanatiling tahimik ang lalaki. Nakamasid lang sa kanya na tila hindi rin alam ang sasabihin. Dagli niyang inabot ang kamay nito. “Tulungan mo naman ako.”
Umawang ang bibig ng lalaki subalit wala namang lumabas maski isang salita.
“Please…” pakiusap pa niya.
Bumuntong-hininga ito.
“Ang kaya ko lang gawin ay mag-interlope sa mga panaginip ng mga tao at kontrolin ang panaginip niyo. Hanggang doon lang.”
Muli na naman niyang naramdaman ang kagustuhang umiyak. Natatakot siya at nalilito. May nakakakita at nakakausap nga siya pero hindi naman nito alam kung paano siya tutulungan.
Tuluyan nang kumawala ang kanyang mga luha. At ang mahinang pag-iyak ay nauwi sa mga hagulhol.
“Hindi pa ako pwedeng mamatay. Paano na ang kuya ko? Malulungkot siya ng husto kapag iniwan ko siya. Baka habambuhay niyang sisihin ang sarili niya kapag hindi na ako nagising pa.”