NAGING madali para kay Scylla na i-master ang lahat ng itinuro sa kanya ni Theron De Juego, ito ang kaibigan ni Doc. Grant na astral traveller. Dahil na-experience na niya ang mag-OBE, hindi na ganoon kahirap na mag-adjust sa pagsasagawa noon. Mahigit isang buwan din ang ginugol niya para makabisa ng mas maayos ang pag-a-astral travelling. Kung minsan nga ay nagkakasabay pa sila sa iisang astral plane. That was such a great experience. Pero bakit ganoon? Bakit hindi siya masaya? Hindi siya makontento. Hindi niya kasi makita ang hinahanap niya. Wala sa kahit saang astral plane ang nilalang na hinahanap niya. Nawala rin ang boses na kung minsan ay naririnig niyang bumubulong sa kanya. Nawala ang pakiramdam niya na may kasama siya sa silid niya. Hindi na ito nagpaparamdam sa kanya. At mas lalong di na rin niya nakikita maski ang guni-guni man lang ng anyo nito. Nasaan na ito? Nawala na yata ng tuluyan ang koneksyon nila ng estranghero sa kanyang panaginip.
Panaginip.
Oo, sa panaginip niya ito unang nakita. Subalit nakaharap niya ito sa reyalidad. Nais na tuloy niyang malito. Nasaan na nga ba ang hinahanap niya? Nasa kabilang dimension ng daigdig o nasa realidad? The other dimension of the world was real, it wasn’t an imagination. She believe that because she now experienced bringing her soul into that dimension and woke up in real world after. Pero kung hindi niya makita ang kanyang hinahanap sa kabilang dimensyon, at kung hindi niya rin iyon makita sa reyalidad, saan pa niya ito hahanapin?
“Don’t you think it was nonsense finding that stranger?” untag ni Theron sa kanya.
Naroroon sila sa isang café malapit sa business building nila. Lunch, at napagkasunduan nilang magkita dahil gusto niyang ibahagi rito ang gumugulo sa kanyang isip. Kung dati ay kay Doc. Grant siya naglalabas ng saloobin, ngayon, mas madalas na siyang magbukas kay Theron. Afterall, alam niyang nauunawaan siya nito. He became her buddy. He protected her when they were doing the OBE and being in the other dimension.
Dahil ang pagiging astral traveller ay hindi isang simpleng gawain lamang. May hatid rin iyong panganib sa mga nagsasagawa noon. May mga masasamang elemento sa kabilang dimesyon ng daigdig ang pipigil sa isang astral traveller na makabalik sa kanyang katawan. At kapag nangyari iyon, magkakaroon ng malaking problema.
Naging dependent na yata siya rito, pero ano bang magagawa niya? Bukod kay Doc. Grant, ito lang ang makakaunawa sa kanya.
“I mean, bakit mo siya pinag-aaksayahan ng panahon na hanapin samantalang di mo naman siya kilala? Ni hindi mo nga alam kung ano ang pakay mo sa paghahanap mo sa kanya?”
Sumimsim ng lemonade si Scylla at saka hinarap si Theron. “Yun nga ang dahilan kung bakit ko siya hinahanap. Alam ko, kapag nakaharap ko siya, malalaman ko ang dahilan ng curiousity ko kung bakit ganoon nalang ako kaaligaga na hanapin at sundan siya, maski sa kabilang dimensyon ng mundo pa iyon.”
Theron sighed heavily. “Hindi kaya, hinahanap mo siya dahil fascinated ka lang? Sabi mo nga, gwapo.”
“Nah!” Natawa siya sa sinabi nito. “Ganoon ba kababaw ang tingin mo sa curiosity ng mga babae?”
“Hmm, minsan.”
Inirapan niya si Theron. “Gwapo ka din, ibigsabihin, iniisip mo na fascinated ako sayo?”
“Pwede…” At pabiro nitong inabot ang isa niyang kamay na nasa ibabaw ng mesa.
“E kung salaksakin kaya kita ng tinidor diyan?” pabirong saad niya at hinablot ang kamay mula rito. “Ikaw ha? Hindi ko alam na may pagka-flirt ka pala.”
“Minsan lang. At sa mga interesting lang na katulad mo—Oh, shit!” Napaigtad si Theron nang matapunan ito ng ice tea na dala ng lalaking dumaraan sa tapat nila.
Lumipad ang atensyon ni Scylla sa lalaki, sa napakagwapong lalaki. Maski hindi niya nakikita ang buong mukha nito, alam niyang napakagwapo nito. Sa tikas palang ng tindig nito, alam na alam na niya.
Naka-black shades ang gwapong estranghero. Naka-zipper hanggang baba ang itim rin nitong jacket at nakatalukbong ang hood noon sa ulo nito.
Jacket? Sa katirikan ng araw?
Oo nga at fully airconditioned ang buong café pero eksaherado naman yata kung pati ang hood ay isasaklob pa nito sa ulo habang nasa loob ng café?
Subalit hindi iyon ang higit na nakaagaw ng atensyon niya kundi ang aura nito. Magkahalong lagim at pagkasabik ang dulot ng aura na iyon sa kanya…
“Sorry, buddy.” Paumanhin nito.
That voice!
Napatunganga nalang siya sa nagsalitang lalaki habang naglalakad naman iyon palabas ng café. Nasundan pa niya ito ng tingin hanggang sa makabawi na siya. Dagli ay tumayo si Scylla at walang sabi-sabing sinundan ang estranghero. Ni hindi niya pinansin ang pagtawag ni Theron sa kanya. Hinanap niya ang estranghero, nagpalinga-linga siya sa paligid subalit wala. Hindi na iyon mahagilap ng kanyang mga mata.
Bakit kay bilis naman nitong naglaho? Kay bilis naman nitong kumilos? Kung sumakay ito sa isa sa mga sasakyan sa parking space ng café, bakit wala naman siyang napansin na umalis na sasakyan?
Nag-flash sa isip niya ang mga eksena sa dilim noong nagpunta sila sa bar ng kanyang mga kaibigan. Kay bilis ding kumilos ng estranghero. Sa sobrang bilis, parang gusto niyang magdalawang isip kung talaga bang nangyari nga ang mga bagay na nakita niya nang gabing iyon.
“Scylla…” Dagling napabaling si Scylla sa humawak sa kanyang braso. Si Theron. “Bakit bigla kang tumakbo?”
“Y-Yung lalaki…” kandautal na tugon niya.
“Ha?”
“Siya ‘yun! Hindi ako pwedeng magkamali. Siya ‘yung hinahanap ko!” Bulalas niya bigla.
Napatanga naman sa kanya si Theron. Tila hindi rin nito alam kung ano ang sasabihin.
Siya naman ay muling nagulo ang mundo. Bakit ba nagpapakita sa kanya ang estranghero na iyon subalit ayaw naman siyang harapin at kausapin? Bakit siya nito ginugulo, bakit ginugulo nito ang isip at damdamin niya?
Nararamdaman niyang kailangan nilang magkaharap ng estranghero. Kailangan nilang magkausap. Kailangang maliwanagan ang mga bagay na gumugulo sa kanya. Pero paano? Paano niya magagawa iyon kung ganito na pasulpot-sulpot lang ang mahiwagang estranghero na iyon? Ni wala nga yatang balak na harapin siya.
Sana ay di nalang ito dumadaan-daan sa harapan niya para naman di na siya nagugulo ng ganoon.
PABABA na si Scylla mula underpass. May sasakyan naman siya. Hindi niya ugaling mag-commute. Pero nang araw na iyon, pakiwari niya, kailangan niya ng oras para sa sarili kaya naglakad siya ng naglakad. Sumakay ng bus na walang tiyak na destinasyon.
Iniwan niya ang sasakyan sa private parking area niya sa vicinity ng Montealto Limited, ang business building ng kanilang kompanya. Nang makabalik siya sa opisina matapos nilang mag-lunch ni Theron ay wala nang ibang laman ang isip niya kundi ang estranghero. Ni hindi na rin niya naunawaan ang iba pang mga pinagsasabi ni Theron. Hindi niya maunawaan o talagang ayaw i-absorb ng utak niya dahil abala sa pag-iisip ng ibang bagay, o nilalang.
Hays! Sumasakit na ang ulo niya. No matter how hard she try, the stranger can’t find his way out of her mind. Kailangan niya itong makita ulit.At makausap. Pero saan niya ito hahanapin?
Nakakita ng isang café si Scylla pagkababa niya ng underpass. Ipinasya niyang pumasok roon. Nagugutom na rin naman siya. Banana loaf slice at machiatto ang ini-order niya. Papadilim na, pero nasa lansangan pa rin siya. Siguradong mag-aalala ang kuya niya kapag nalaman na wala na siya sa opisina pero wala pa din siya sa bahay.
Ah, tatawagan nalang niya ito mamaya. Kailangan niya ng kaunti pang panahon para sa sarili. Para mag-isip.
Pakiwari niya ay isa siyang musmos na naliligaw at di malaman kung paano uuwi. Iyon ang pakiramdam niya ngayon habang mag-isang nagliliwaliw sa lansangan.
‘Umuwi ka na, Scylla. The sun already set, it was too dangerous here.’
Bigla ang pagbaling ni Scylla. Hayun na naman ang tinig na bumubulong sa kanya. Matagal-tagal na din na hindi niya naririnig iyon. At aaminin niyang nami-miss na niya ng husto na marinig ang pabulong na tinig na iyon. Nagpalinga-linga pa ang dalaga sa paligid.
Wala.
Walang kahit na sino sa loob ng café ang posibleng pinagmulan ng tinig. Nasa isang mesa sa isang kubling sulok ng café siya at malayo sa marami. Imposibleng may nakalapit sa kanya na di niya namamalayan. Kaya sigurado siyang iyon na naman ang misteryosong tinig. Gusto niya itong kausapin. Tanungin ng maraming bagay. Subalit magmumukha lang siyang baliw kung gagawin niya iyon.
“Machiatto for Ms. Scylla.”
Tumayo si Scylla para kunin ang kanyang order. Hindi rin siya nagmadaling ubusin ang pagkain. Gusto lang niyang subukan ang misteryosong tinig kung tama ang kanyang hinala na pinapanood siya nito ngayon. Gusto niyang malaman kung maririnig muli ang tinig.
‘Fuck! Get yourself out of here. Now!’
Hindi nga siya nabigo dahil iyon na naman ang gwapong tinig na bumubulong sa kanya.
Ramdam na ramdam niya ang malamig na aura nito. May pakiwari pa nga siya na mas lumamig ang paligid. Bukod sa malakas ang buga ng aircon sa loob ng café, kakaiba pa din ang pakiramdam niya. Siya lang ba ang nakakaramdam noon? Bakit parang normal lang ang kilos ng lahat?
‘Bakit ba napakatigas ng ulo ninyong mga babae?’
Napasimangot siya sa narinig. “So, Spirit. Hindi lang pala ako ang babaeng ginugulo mo para masabi mo ang bagay na iyan.” Pabulong na wika niya.
Wala namang makakapansin sa kanya dahil nasa tagong bahagi siya ng café.
“You were as stubborn as my sister. That’s what I’m trying to say.”
Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi. Nakakapagtaka na hindi siya makaramdam ng takot sa katotohanang nagagawa niyang makipag-usap sa hindi nakikitang nilalang. It was unusual but then, it seems like it was a natural thing, that it was right and just.
Kunsabagay, magmula nang makilala niya si Theron, namulat na siya sa mga unusual na bagay at mga nilalang. Ano pa ngayon ang ikakatakot at ikakabahala niya? Naniniwala siya at alam niya na hindi lang imahinasyon ang naririnig at kinakausap niya. Wala siyang dapat ipag-alala.
‘Finish your snack and go home. Malayo na din ang narating mo, baka mapahamak ka pa. Gusto mo bang mag-alala na naman ang kuya mo sayo?’
Pagkaalala sa kapatid ay nakonsensiya siya. Hindi pa nga pala siya nakakatawag o nakakapagtext man lang para ipaalam kung nasaan siya. Baka nag-aalala na nga iyon sa kanya. Nagmadali na siya sa pag-ubos ng pagkain niya nang maisip na magtanong muli.
“Who are you? Why did you know a lot about me? And why are you here again after a month of leaving me?”
Wala siyang narinig na tugon. Nawala na rin bigla ang kakaibang aura na nararamdaman niya kanina. Umalis na ba ang misteryosong nilalang?
Nadismaya si Scylla. May palagay siya na kaya nawala ang misteryosong nilalang ay dahil ayaw nitong sagutin ang tanong niya. Pero hindi siya titigil. Gagawa at gagawa siya ng paraan para malaman ang pakay nito sa kanya.
Tumayo na si Scylla at nagpasyang umuwi na. She had to go to the other dimension of the world again. Nagkaroon na naman siya ng matinding drive para mag-astral travel ulit.
‘I need to find you. I need to see you and find the answer to all of my questions.’
‘NO!!! Please, no!!!’
Nahinto sa pag-atake si Lathan sa isa na namang Avergou na nagpapakalat-kalat sa designasyon niya.
It’s been three years.
Tatlong taon na magmula nang tantanan ng mga Avergou si Scylla. Tatlong taon na rin siyang hindi malaman kung ano pa ang purpose ng kanyang buhay.
Magmula ng makilala niya ang dalaga noong nasa astral form pa lang ito, pakiramdam niya nagkaroon ng kahulugan ang kanyang existence. Subalit nang bumalik na ito sa tunay nitong mundo at pagbawalan siya ng kanyang angkan na lapitan ito para na rin sa kabutihan ng dalaga, pakiwari niya, para na rin siyang inalisan ng dahilan para mabuhay.
Hanggang isang gabi ay di niya napigilan ang sarili na pumasok sa panaginip ni Scylla. At dahil sa ginawa niya, nabuhay na naman ang interes ng mga Avergou kay Scylla. Ginugulo na naman ito ni Lach at palagay niya, hindi iyon hihinto na hindi nito nahihigop ang kaluluwa ni Scylla bilang ganti sa kanya.
Ipinahamak lang niya ang dalaga!
Mula nang maka-recover ito sa pagka-comatose ay tanging sleepingparalysis at luciddreaming lamang ang nagagawa nito, hindi pa ulit ito nakakapag-astral travel. Sa kabilang banda ay ikinatuwa na niya iyon. Ibigsabihin ay ligtas ito. At dahil sa ginawa niyang paglapit na naman kay Scylla, nanganganib na naman ang kaligtasan nito laban sa mga Avergou. Napakalaki niyang tanga!
Pero ano bang magagawa niya? Hindi na niya kayang tumagal pa ng higit sa tatlong taon ang pagtitiis niyang hindi ito malapitan, maski sa panaginip lamang. Pakiwari niya ay wala nang silbi ang existence niya sa mundo. Subalit nagkaroon man ng silbi ang existence niya, kapalit na noon ang kaligtasan ng dalaga. Kaya nga todo ang ginagawa niyang pagbabantay rito.
Dahil hindi siya makalabas kapag maliwanag pa ang paligid, ginagawa nalang niya iyon nang naka-astral form. Kaya lang, matalas ang pakiramdam ni Scylla. Nararamdaman siya nito kapag nasa paligid. Wala na ring silbi para itago pa niya ang presensiya kaya ang lahat ng babala niya para rito ay idinadaan niya sa pagbulong.
Hindi niya inisip minsan man na gagawin nito ang ginawa kanina sa café. Kinausap siya nito. Kinausap siya ng dalaga maski di siya nakikita. Nakabalik na ito sa tunay nitong mundo at nakalimutan na nito ang lahat ng patungkol sa kanya, pero naroroon pa rin ang paniniwala nito sa existence ng mga unsual na nilalang na tulad niya. Masaya siya sa isiping iyon. Hindi man siya nito naaalala pero naniniwala ito sa existence niya. Kaya lang, dahil rin sa naniniwala ito sa existence niya, inilalapit naman nito ang sarili sa kapahamakan!
Nagsimula itong pag-aralan kung paano mae-enhance ang kakayahan nitong mag-astral travel. Okay sana iyon dahil pwede na siyang magpakita rito, pwede silang magkasama sa gabi. Pero ang ipinagngingitngit niya ay ang lalaking tumutulong rito. Parating magkasama ang dalawa sa mga astral planes para magliwaliw at makipagkilala sa iba pang mga astral travelers. Nagkaroon na ito ng panibagong tagapagligtas at tagapangalaga.
Wala na siyang silbi kay Scylla. May gumagawa na ng dapat ay ginagawa niya. Dapat ay matuwa nalang siya dahil hindi iisa ang pumoprotekta rito. Subalit, hindi iyon ang nararamdaman niya. Gusto niyang itulak palayo ang Theron na iyon, palayo… malayong-malayo kay Scylla. Siya ang dapat na nasa posisyon nito.
Ngunit… alam niyang hindi dapat. Magkaiba sila ng mundo ni Scylla. Hindi rin sila magkauri. At mas mapapahamak lang ito sa sandaling lalo pa siyang lumapit rito.
Isang malakas na tadyak sa sikmura ang nagpabalik kay Lathan sa kasalukuyang sitwasyon. Dagli niyang sinugod ang soul sucker at binigyan ito ng malakas na suntok at sipa saan man ito tamaan ng mga kamao at paa niya. Nahagip niya ang ulo nito at handa na iyong pitawin nang marinig na naman ang malakas na pagpalahaw ni Scylla.
Nasa kakayahan niya ang malakas na pandinig. Ngunit kontrolado ang kanyang mga naririnig. Partikular ang lahat ng may kinalaman kay Scylla. Kaya kahit napakalayo ng kinaroroonan niya sa kinaroroonan ng dalaga ay naririnig pa din niya iyon.
Sinamantala ng SoulSucker ang saglit na pagkawala niya sa sarili. Mabilis itong nakawala sa kanya at nakalayo. Hindi na niya hinabol ang SoulSucker. Kailangan na niyang mapuntahan si Scylla. May pakiramdam siya na sadyang pinakawalan ng mga Avergou ang isa sa miyembro ng pamilya ng mga ito para malihis ang atensyon niya palayo kay Scylla.
Buong bilis at buong pagkatarantang tinalunton ni Lathan ang patungo sa bahay ni Scylla. Nasa human form siya. Mahihirapan siyang makapasok sa loob ng mabilis. Naghanap ng pwedeng mapasukan si Lathan. Sa beranda ng silid ng dalaga siya bumaba. Mula sa from roof to celing na glass panel ay nakikita niya na nakahiga at natutulog ang dalaga sa kama nito, umuungot pero hindi gumagalaw. Subalit naririnig niya ang pagpalahaw ng dalaga.
Sa panaginip, may nangyayari ritong hindi maganda sa panaginip!
Nag-concentrate si Lathan upang makita ang nilalang na maaaring dahilan ng pagpalahaw ni Scylla. At tama nga siya. A demon was on top of her, touching her sensitive private parts.
Nagngalit ng husto si Lathan sa nakikita. An Incubus was planning to rape his precious Scylla.
Hindi siya makakapayag!
May kalalagyan sa kanya ang Incubus na ito!
Wala nang panahon para makapag-palit pa siya sa astral form kaya ang tanging paraan nalang ay wasakin ang glass panel wall. Ngunit nahagip ng paningin niya na hindi maayos ang pagkaka-lock ng panel door. Doon siya dumaan. And immediately hurried to Scylla’s bed as the Incubus was trying to rip her clothes.
Gusto niyang saktan ang Incubus sa mga oras na iyon subalit hindi niya magagawa dahil nasa human form siya. Wala siyang ibang nagawa kundi ang gisingin ang nasa sleeping paralysis state na si Scylla. Iyon nalang ang pinakamabilis na paraan para mapalayas ang demonyo.
When Scylla finally able to move, the Incubus started to disappear. Subalit nag-iwan ito ng salita. Isang babala.
‘Hindi pa ito ang huli, Astral Vampire. Hindi pa… Makukuha ko din ang babaeng iyan. Sa akin siya!’
‘Hindi mo siya makukuha, demonyo ka!’ Sa nagngangalit na tinig mula sa kanyang isip ay angil niya rito. Ngunit naglaho na iyon.
Kikilos na sana si Lathan para makalayo kay Scylla bago pa siya nito makita subalit huli na. Iyong bangon nito ay bigla itong yumakap sa kanya.
“Kuya!”
Mahigpit ang yakap nito sa kanya, habang nanginginig ang buong katawan sa matinding takot.
“That, demon! That demon was trying to rape me, Kuya.” Humahagulhol na sumbong nito sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi ang tugunin ito ng mahigpit ring yakap habang hinahaplos ang likod nito. Madilim sa silid at tanging bulto lang ng mga katawan ang maaaninag. Magkasing katawan sila ng kapatid nito, iyon marahil ang dahilan kung bakit siya nito napagkamalan na siya ang kapatid nito.
Gusto niya itong payapain, subalit hanggang paghaplos sa likod nalang ang magagawa niya. Kapag nagsalita siya, matutuklasan nitong hindi siya ang kapatid nito. Baka matakot pa itong lalo.
Sandaling kumawala si Scylla matapos mahimasmasan. Naalarma siya. Naramdaman ba nito ang totoo? Na ang niyayakap nito ay hindi ang kapatid?
Bago pa man nito mahila ang switch ng lampshade ay mabilis na siyang nakalabas sa bukas na panel door ng beranda ng silid at tumalon roon.
“I’m going to hunt you down, you Incubus. You’ll going to pay for what you did. You’ll going to pay, big time!”
Mabilis siyang nakabalik sa kanilang tahanan at nagtransform as astral. Ngayon, hindi nalang ang mga Avergou ang kailangan niyang kalabanin para protektahan ang babaeng mahal niya kundi maging ang iba pang mga nilalang ng dilim na nagnanasa kay Scylla. Mali talaga na pumasok na naman sa mundo niya ang dalaga. Maling-mali dahil mapapahamak na naman ito.