Last Night's Fantasy (Compilation of Gothic Romance) Chapter 12

NAGULANTANG si Scylla matapos mabuksan ang lampshade at wala naman roon ang kuya niya. Walang kahit sino sa harapan niya. Kinapa niya sa ilalim ng unan ang remote control ng ilaw sa buong silid at nang sumaboy na ang liwanag ay talagang walang kahit na sino roon. Wala ang demonyong halos magpayanig sa katinuan niya kanina. Maayos ang damit pantulog niya na buong akala niya ay nahubad na sa katawan niya.

Panaginip.

Oo, panaginip nga lang marahil ang naranasan niya kanina. Halos fifteen minutes pa nga lang magmula nang mahiga siya sa kama. Inihahanda niya ang sarili para sa gagawing Out of the Body Experience. Matapos niyang ma-relax ang sarili ay nakatulog siya. Subalit bago pa man magawang humiwalay ng kaluluwa niya sa katawan ay nakaramdam siya ng kakaibang presensiya sa kanyang silid.

Nakakapangilabot!

Sinubukan niyang kumilos. She tried to roll over but she couldn’t. Para siyang napako sa pagkakahiga sa kanyang kama. Sandali pa at naramdaman niyang may humihila sa kumot niya. At sa isang iglap, isang nakakapangilabot na nilalang ang nakadagan sa ibabaw niya. Pigura ng isang lalaki na may pakilong pares ng mga sungay. Mapulang maitim ang kulay ng mga sungay. Kumakawag sa may hita niya ang buntot nito. May pangil rin ito na hindi man kahabaan subalit nakakahindik tingnan. Wala itong saplot maliban sa isang maliit na telang nakatakip sa kaselanan nito.

Nagpapalahaw siya, subalit tila walang tinig na lumalabas sa kanyang bibig. Pinilit niyang kumilos pero hindi siya makagalaw. She knew she was suffering from sleeping paralysis. Subalit iba nang mga sandaling iyon. May demonyo sa ibabaw niya!

At sa pagkakataong iyon ay sinimulan nitong hawakan ang mga maseselang parte ng kanyang katawan. Naramdaman niya ang mainit na dila nitong humahagod sa kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib. Nahintakutan siya ng husto na parang gusto nalang niyang mawalan ng ulirat. Hindi pwede iyon! Hindi siya nito pwedeng pakialaman!

Nagpatuloy siya sa pagpalahaw pero mukhang walang nakakarinig sa kanya. Hanggang sa simulan nang buksan ng demonyo ang kanyang damit pantulog. May palagay pa siya na balak nitong punitin iyon. Ngunit hindi niya alam kung ano ang nangyari at bigla itong naglaho. Nagising rin siyang bigla.

May gumising sa kanya. Akala niya ay ang kanyang kapatid na narinig ang kanyang pagpalahaw. Dagli siyang yumakap rito habang nanginginig sa takot. Nang kumalma na siya ay saka lang niya na-realize ang mga bagay-bagay. Kakaiba ang aura at malamig ang lalaking niyayakap niya. Iba rin ang pakiramdam na ibinibigay ng mga hagod nito sa kanyang likuran. Hindi ganoon yumakap ang kuya niya. Oo nga’t may kalakip parating pagmamahal ang yakap ng kapatid. Pero iba. Ibang-iba sa yakap na ibinibigay ng lalaking niyayakap niya.

Ang aura nito… pamilyar ngunit kakaiba iyon!

At tama nga siya. Hindi ang kapatid niya ang kayakap niya dahil ngayon ay naririnig niya ang boses ng kapatid na tumatawag sa labas ng kanyang silid.

Tumayo siya at pinagbuksan ito.

“Anong nangyari? Nananaginip ka ba? Narinig kita na umiiyak na parang may kausap?” nag-aalalang bungad ng kanyang kuya Timothy pagkabukas niya ng pinto ng silid.

“Ah…” Pinilit ni Scylla na kalmahin ang sarili. “Such a bad dream, but I am fine now, Kuya. Matulog ka na ulit.” Sabi nalang niya rito at nginitian ito.

Mataman siyang minasdan ng kapatid na tila binabasa siya. “Sure?”

Tumango at ngumiti ulit siya rito.

“Katukin mo lang ako kapag—”

“Okay na ako. Sure na sure. Sige na, matulog ka na.” Sandali pa itong nanatiling minamasdan siya bago nagpasyang umalis na sa harap ng kanyang silid.

Matapos maisara ang pinto ay bumalik siya sa kama.

It was just a dream. A nightmare. Ang demonyo na iyon ay isang bangungot, pero ang lalaking niyakap niya kanina, alam niya at nararamdaman niyang totoo iyon. Pero bakit dagli itong nawala matapos magkaroon ng liwanag sa loob ng kanyang silid? Hindi kaya, inimbento lang iyon ng kanyang imahinasyon dahil sa labis na takot niya kanina?

Lumipad ang mga paningin niya sa panel door ng kanyang veranda. At sa panggigilalas niya ay nakabukas iyon. Dagli siyang lumapit roon, lumabas at nagmasid sa kadiliman ng gabi. Nothing was unsual. Tahimik ang buong paligid na para bang wala namang nangyaring kakaiba. Pero sigurado siyang isinarado niya ang panel door na iyon bago matulog. Sa pagkakaalala pa nga niya ay hindi lang niya nai-lock pero sigurado siyang ini-slide niya iyon pasara bago matulog.

Hindi kaya…

Hindi kaya doon dumaan ang lalaki? Pero bakit kay bilis naman nitong nakalabas mula roon?

‘Please stop doing that, Scylla. Stop connecting to the other world, to our world. You were making me hell worried about you by doing that.’

Bumalikwas sa kanyang kaliwa si Scylla. There was that handsome voice again. Nararamdaman niya ang malamig na hininga na tumatama sa kaliwang parte ng kanyang leeg. May nilalang sa tabi niya. Iyon ang bumubulong sa kanya. Puno ng frustration at pag-aalala. Tila may humaplos na mainit sa kanyang puso sa narinig. Hindi man niya ito nakikita, ngunit naririnig niya at ng kanyang puso ang damdamin ng misteryosong nilalang. Tila pamilyar din ang pagpintig ng kanyang damdamin bilang reaksyon sa kakaibang presensiya na iyon. Pero bakit wala naman siyang maaalala na konektado siya sa kahit na sinong unusual na nilalang?

Why it felt like they were connected but her mind knew they were not?

“Who are you? Please tell me who are you.” mahina at puno ng pagmamakaawa na tanong niya sa kawalan. “Gulong-gulo na ako. Please… enlighten me…”

Ngunit isang malamig na bagay na lamang ang naramdaman niya sa kanyang mga labi. Isang haplos ng malamig na bagay na hindi niya alam kung bakit pakiwari niya, may kung sinong humahalik sa kanya.

‘I miss you so much, Scylla. Hindi ko na kayang tiisin na hindi ka lapitan. And I’m sorry, I’m really sorry kung dahil sa ginawa ko, inakay lang kita sa kapahamakan. But please, stop finding me. And I will stop seeing you too. Para na din ito sa kabutihan mo—’

“No!” dagling awat niya sa tinig. “Hindi ka pwedeng lumayo. Huwag kang umalis. Marami akong gustong malaman. Marami akong gustong itanong sayo. Please, huwag kang umalis!”

Isang malamig na kung ano ang naramdaman niyang humahaplos sa kanyang pisngi.

‘Hangga’t kumokonekta ako sayo, manganganib ang buhay mo. Hindi pwedeng parati kang tumatawid sa mundo ko. Mapanganib. Hindi ka kabilang roon at kung ipipilit mo ang sarili mo, mapapahamak ka lang. Mas hindi ko kayang tanggapin na mapahamak ka dahil lang sa pagpipilit mong masundan at mahanap ako.’

“Bakit may pakiramdam ako na napakahalaga mo sa akin? Na maski alam kong mali at hindi ko dapat ginagawa, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hanapin ka. Sino ka bang talaga?”

Matagal na wala siyang narinig na tinig. Pero alam niyang naroroon pa ito sa tabi niya, nararamdaman niya.

“If you were an Earthbound spirit, dapat ay nakikita kita maski paano. Pero hindi, nararamdaman at naririnig lang kita. Bakit? Sino ka? Bakit ganito nalang ang nararamdaman kong urge na makita ka?”

‘If mind can forget then the heart cannot.’ the voice says. ‘I believe that you love me, that’s why. Pero sana ay mali nalang ako. Sana ay hindi nalang.’

“Bakit…?”

Gustong sumama ng loob ni Scylla. Sinasabi nito na naniniwala itong mahal niya ito pero sana ay hindi nalang? Hindi niya maintindihan. At paanong nagmahal siya ng nilalang na di naman niya nakikita? May nabura ba sa mga alaala niya?

“If mind can forget then the heart cannot.” Ulit niya sa sinabi nito. Then she realized what’s that mean. “Gusto kitang maalala. Gusto kitang makita. Please. Paano ko gagawin iyon?”

‘Mas maigi pang huwag nalang.’

“No, kailangan kitang maalala. Sino ka!” pagpipilit niya.

‘Lathan, the one who love you from the other world. And the one who will protect you wherever you are.’

Napasinghap siya.

Lathan!

The name was familiar. She could feel from her heart she knew the guy. Pero kung mahal niya ito, bakit niya ito nakalimutan? Bakit nakalimutan niya kung paano sila nagkakilala at kung paano niya ito minahal? Bakit nang magising siya, hindi naman niya naramdaman na kulang ang kanyang alaala? Katunayan, updated pa nga siya dahil alam niya at naririnig niya ang tinig ng kapatid at ang mga sinasabi nito sa kanya habang comatose siya. Alam din at naririnig niya ang nangyayari sa paligid niya habang nasa ganoon siyang state. Kaya paanong hindi niya maalala si Lathan? Kailan at saang parte o panahon ng buhay niya ito nag-exist? Bakit hindi niya maalala?

“Lathan…” nasambit niya. “Sino ka, Lathan? Bakit hindi kita makita? Paano kita nakilala? Sa past life ko ba? Na-reincarnate lang ba ako kaya ngayon, nandito ka at nilalapitan ako? Hindi ko maintindihan. Nahihirapan akong intindihin!” Gulong-gulong saad niya.

Kung sana ay normal na nilalang lang ito na lumitaw sa harapan niya at sinabi ang mga bagay na iyon, baka maniwala pa siya. Pero hindi. Hindi ito normal. Ni hindi niya nga ito nakikita. Kaya parang ang hirap paniwalaan na nagmamahal siya ng nilalang na di niya nakikita.

‘Go back to your sleep, baby.’

Naramdaman na naman niya ang masuyong malamig na kung ano na humahaplos sa kanyang pisngi. Hindi niya napigilan ang luhang umalpas sa kanyang mga mata. Bakit maski ang invisible na haplos na iyon, ganoon nalang ang damdamin na hatid sa kanyang puso? Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya?

‘Sleep now and I promise no one will ever hurt you again.’

“Do you promise to protect me, no matter what?”

Yes.’

“Kapag tumalon ako rito, sasaluhin mo ba ako?” panunubok niya rito.

‘Don’t you ever think of doing crazy things, Scylla?’

“Pero sinabi mong poprotektahan mo ako?”

‘Sinabi ko nga pero hindi ko sinabing ipahamak mo parati ang sarili mo para lang lumitaw ako sa tabi mo.’

“If that’s the only way para maramdaman kita, then I will.”

‘You’re crazy!’

“You made me crazy thinking of finding you!” sumbat niya rito.

Kung hindi ito nagparamdam sa kanya, hindi sana siya nagugulo nang ganoon. Pero aaminin niyang sa loob ng tatlong taon magmula nang magising siya mula sa pagka-coma, nakakaramdam siya ng emptiness sa kanyang puso. Tila kompleto ang alaala niya subalit may naiwang hungkag na espasyo sa loob ng kanyang dibdib na pinilit niyang balewalain sa pamamagitan ng pagtatrabaho subalit nang maramdaman niya ang misteryosong presensiya, tila noon lang nalalamnan ang kahungkagan sa kanyang dibdib.

‘I’m sorry.’ Anang tinig ni Lathan. ‘Sleep now. Kailangan ko nang umalis.’

“Akala ko ba, babantayan mo ako?” Napasimangot siya. Habang tumatagal ang pakikipag-usap niya sa hindi nakikitang nilalang ay parang nagiging natural nalang iyon. Para siyang nakikipag-usap sa kapwa rin niya.

‘I will. Nasa paligid lang ako. Malalaman ko kapag kailangan mo ako.’

Isang dampi ng malamig na kung ano ang naramdaman niya bago tuluyang nawala ang kakaibang aura sa kanyang tabi. Alam niyang umalis na si Lathan. Naging normal na kasi ang presensiya sa buong paligid.

Sino si Lathan? At anong klaseng nilalang ito na nagagawang makipag-usap sa kanya na di niya nakikita? Para ba itong si Invisible Man? May potion ba itong ipinahid sa katawan kaya ganoon na di niya ito nakikita pero nakakausap at nararamdaman niya?

Bakit hindi niya ito maalala? Bakit wala ito sa alaala niya?

“MAY gusto ka bang sabihin, Scylla?” kunot-noong baling ni Kuya Timothy sa kanya.

Nasa harap sila ng hapag-kainan at sabay na nag-aalmusal. Pareho na din silang bihis. Siya ay papunta sa opisina, ito naman ay makikipagkita kay Pitch para sa food tasting para sa kasal ng mga ito.

“Ha?” takang naitanong niya.

“Kanina ko pa kasing napapansin na malalim ang iniisip mo. Mind if you tell me?”

Napabuntong-hininga siya. Ang totoo, hindi na siya gaanong nakatulog nang nagdaang gabi matapos siyang iwan ni Lathan. Ito nalang at ang patungkol rito ang umukilkil sa kanyang isip.

“Problem?” untag muli ng kanyang kapatid. “Come on. Makikinig ako.”

Isang buntong-hininga muli ang pinakawalan niya. “Kuya, do you happen to know someone named Lathan?”

Natigilan ang kapatid niya. Lumakas naman ang kabog ng kanyang dibdib. Sa reaksyon nito, alam niyang kilala nga nito si Lathan.

Nakakapa siya ng pag-asa!

“Come to think of it, ngayon ko nalang ulit naalala ang tungkol kay Lathan. Nakalimutan ko nang itanong sayo ang tungkol sa isang iyon.”

“What?” naguguluhang tanong niya.

Kumunot ang noo nito sa naging reaksyon niya. “Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sayo kung paano mo nakilala si Lathan? You know, isang beses ko lang siyang nakaharap but I like him. Palagay ko, magkakasundo kami ng kaibigan mong iyon.”

“Kaibigan?” Litong tanong niya.

“Yeah.” Anito na sumubo ng pagkain. “Nung nasa coma ka pa, dumalaw siya sayo, isang beses. Nagpakilala siya bilang kaibigan mo. Marami siyang sinabi sa akin na nagpatatag ng loob ko para hindi mawalan ng pag-asa na babalik ka. He told me things you used to tell him before you met an accident. Akala ko nga, classmates or schoolmates kayo. Ipinagtanong ko siya sa mga kaibigan mo pero hindi naman nila kilala si Lathan. I was puzzled. Tatanungin ko ngasana ulit si Lathan kung paano kayo nagkakilala at naging magkaibigan pero hindi na siya bumalik. So, naisip ko, sayo ako magtatanong kapag nagising ka. Kaya lang, sa sobrang overwhelming feelings na nagising ka na, nakalimutan ko na ang tungkol sa kanya. Ngayon ko nalang naalala dahil ikaw ang nagbukas. Teka, bakit nga pala ako ang tinatanong mo patungkol sa kanya? Di ba dapat ako nga ang magtanong sayo?”

Naguluhan na naman siya. Bakit parang mas naging komplikado ang lahat? Nakita ng kapatid niya si Lathan at sinabi na kaibigan niya iyon pero di iyon kilala ng bunch of friends niya, ni hindi rin niya maalala ang tungkol rito. At kung nakita na iyon ng kapatid niya, bakit di nagpapakita sa kanya si Lathan? Bakit nagpaparamdam lang ito sa kanya? Kung nakita ito ni Kuya Timothy, ibigsabihin na tao si Lathan at hindi nilalang mula sa ibang mundo tulad ng sinabi nito sa kanya?

Naalala niya bigla ang insidente sa isang bar kasama ang mga kaibigan niya. Natatandaan pa niya ang hitsura ng gwapong lalaking nakasanggi sa kanya at ang humila sa kanya palayo sa madilim na eskinita nang lumabas siya ng bar.

Bumaling siya sa kapatid. “Kuya, yung sinasabi mong Lathan, gwapo ba siya? Matangkad, mala-Gothic ang porma, matangos ang ilong, aristocratic, ganon, tapos, he had a pale complexion. A pair of red lips and pair of shining blue eyes?”

Sunod-sunod na tumango ang kanyang kapatid. At tama siya, ganoon ang hitsura ng lalaki sa bar. Sigurado siya. Ang lalaking iyon at ang misterysong may-ari ng tinig na bumubulong parati sa kanya, out of nowhere ay iisa. Pero paano nangyari ang lahat ng iyon?

“Boyfriend mo ba siya? Kasi hindi ko maalala na may ipinakilala ka sa aking boyfriend o manliligaw.” Muli ay tanong pa ni Kuya Timothy.

Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ng kapatid. Dahil hindi naman niya alam kung ano si Lathan sa kanya. Hindi niya ito maalala. But her hearts seems to fly out of her chest whenever he was around. Nagmu-multiply ng maraming beses ang pintig ng kanyang puso kapag naririnig at nararamdaman ang presensiya nito. Hindi pa ba sapat na patunay iyon sa sinabi ni Lathan sa sinabi nitong naniniwala itong mahal siya nito?

“That was the sad thing, Kuya. Hindi ko maalala kung sino si Lathan sa buhay ko. Wala akong memory na patungkol sa kanya.”

Her brother’s jaw dropped down. Tila nagulat ito sa sinabi niya. Frustrated na napabuntong-hininga nalang siya. Hindi na niya alam kung paano at saan magtatanong ng patungkol kay Lathan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.