HALOS isang buwan rin ang matuling lumipas at ganoon ang naging set up ng buhay ni Scylla. She would meet Lathan on her dreams. But most of the time, when she was doing an OBE. Binawalan na siya nito na magpagabi sa daan. As he said, being connected with him was too dangerous. Naroroon lang si Lach Avergou na anumang sandali ay pwedeng sumalakay sa kanya at magpanggap na ito. But of course, she will knew who the real Lathan is.
He was always there to protect her. Pero hindi naman ibigsabihin noon na hindi na siya mag-iingat. She was doing her part to protect herself too. Para naman hindi gaanong mahirapan si Lathan. May mga obligasyon rin itong inaasikaso at para hindi magkaroon ng komplikasyon, kailangan pa din nitong matupad ang duty nito.
Scylla was about to sleep when she notice a piece of paper na nakaipit sa planner niyang nakapatong sa ibabaw ng kanyang bedside table. Hinugot niya iyon sa planner at binasa. Ah. Naalala na niya. Iyon ang chant na ibinigay sa kanya ni Theron. An added protection for her.
Hindi naman na siya ulit sinalakay ng demonyong rapist pero mas maganda na rin siguro na gamitin niya ang chant na iyon sa pag-o-OBE para dagdag proteksyon. Para na rin hindi na gaanong nahihirapan si Lathan na protektahan siya sa mga masasamang elemento sa kabilang dimensyon ng daigdig. Kapag kasi tumatawid siya roon, madalas na may ma-engkwentro siyang hindi kanais-nais na elemento. Siyempre ay naroroon si Lathan para protektahan siya. Pero parati nalang bang ganon? She should also do something para hindi gaanong nahihirapan si Lathan.
Pumayag na nga ito na tumawid siya sa mundo nito, pahihirapan pa ba niya itong siguraduhing ligtas siya?
Hindi.
She should do her part. Baka dumating ang araw na mapagod na ito sa kakaprotekta sa kanya.
As for her brother, maigi na rin na abala ito sa preparasyon ng kasal nitong malapit na malapit nang maganap. Dahil doon, di nito napapansin ang mga pinagkakaabalahan niya sa buhay.
Everything runs smoothly. Ayaw rin naman niyang mag-alala ang kapatid. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya itatago ang lahat sa kanyang kuya. Pero mas maigi na rin na wala itong alam. Mas makakabuti iyon para sa kanilang lahat.
Matapos mahiga sa sariling kama ay iniusal ni Scylla ang chant na nakasulat sa papel na ibinigay ni Theron.
Exorcizamus te, Omnis immunde spiritus,
Omni satanica potestas, Ominis incursion
Infernalis adversarii, Omnis legio,
Omnis congregation et secta diabolica,
In nomini et virtute, Domini nostril ab
Animabus ad imaginem
Dei conditis ac pretioso divini
Agni sanguine redemptis
It seems so effective dahil nang ipikit niya ang mga mata, hindi niya nararamdaman ang mga negatibong aura na nararamdaman niya sa pagsisimula pa lamang ng kanyang pagkonekta sa kabilang mundo.
Nang nasa astral form na si Scylla ay lumabas na siya ng kanyang silid, deretso sa astral plane na madalas nilang tagpuan ni Lathan. A place where they have peace.
Sa tabing dagat marahang naglakad-lakad si Scylla habang hinihintay si Lathan na sumulpot. Iyon ang astral plane o lugar na madalas nilang pasyalan ng lalaki sa tuwing nag-o-OBE. Hindi rin totoo ang liwanag ng papalubog na araw na nakalatag sa paligid, siyempre ay kasama lang iyon sa mga effects ng astral plane na kinaroroonan nila o sa madaling salita ay isang imahinasyon ang lugar na iyon.
The truth is it was night time. Kaya naman hindi masusunog si Lathan maski tila maliwanag. Isa pa, masusunog lang si Lathan kung direktang liwanag ng araw ang tatama sa balat nito. Kung mga liwanag na artipisyal naman ay di makakaapekto rito. Kaya kahit tamaan ito ng malamlam na fluorescent light ay hindi naman ito maaano, pwera sa nasisilaw si Lathan.
“Scylla…”
Nakangiting bumaling si Scylla sa tumawag sa kanya. Si Lathan.
Napakagwapo nito habang nakangiting naglalakad palapit sa kanya. Puting long sleeve na nakatupi hanggang siko ang mga manggas at tila pabara nalang na nakasuot rito dahil ilang butones lang ang nakasara. Ang mula sa itaas ay nakabuyangyang at tila nanunukso pa ang hangin na ipinasisilip sa kanya ang malapad na dibdib nito. Naka-board shorts ito sa pang-ibaba at walang sapin sa paa habang naglalakad sa buhanginan.
Muli ay napangiti siya at buong paghanga na sinalubong ito. Marahang pinalis ni Scylla ang ilang hibla ng buhok na nililipad ng hangin. Masayang-masaya ang pakiramdam niya dahil muli ay magkakasama na naman sila ni Lathan. Hindi na siya makapaghintay na mayakap ang lalaki. Sabik na siyang matikman muli ang matatamis nitong mga labi.
Hindi nila napapag-usapan ang kung ano ang meron sa pagitan nila. Pero mahalaga pa ba iyon? Alam nilang pareho ang damdamin nila para sa isa’t-isa. Sapat na iyon. Hindi na kailangan ng anu pa mang pormalidad. Nagkakaintindihan naman ang kanilang mga damdamin.
Kung kailan halos isang dipa nalang ang pagitan nila ni Lathan ay may kung anong harang na pumipigil sa kanya para muling humakbang. Sa pagpipilit naman niya, nagulantang nalang siyang makitang sumalya palayo si Lathan. Buong pagtataka na tumitig sa kanya ito. Maski siya ay nagtataka at naguguluhan rin. Tumayo ito at muling nagtangkang lumapit sa kanya ngunit sa pagkakataong iyon ay mas malakas na ang pagkakasalya nito palayo sa kanya.
Noon lang niya napansin ang tila maasul na liwanag na nakabalot at pumoprotekta sa kanya. Nagsisilbing harang nila. Tila isang malakas na enerhiyang sa kanya mismo nagmumula at pumoprotekta sa kanya.
Ano ang nangyayari? Bakit hindi niya magawang makalapit kay Lathan?
“What did you do?” Tila may hinanakit sa tinig ni Lathan na tanong nito sa kanya.
Nagtataka at naguguluhang tinunghayan niya ito. Hindi niya ito maunawaan. “W-Wala. Hindi ko alam ang sinasabi mo.”
“You used a chant to drive me away from you, Scylla.” Tiyak na turan ni Lathan. “Why?” masama ang loob na dugsong pa nito.
“H-Hindi…”
Bakit naman niya itutulak palayo si Lathan? Samantalang ito nga ang dahilan kung bakit siya nag-o-OBE. Ang makita at makasama ito, iyon lang ang tanging dahilan kaya siya naroroon ngayon.
Pinilit niyang humakbang subalit sa tuwing magpipilit siya ay sumasalya naman palayo si Lathan. Napuno ng panangis at daing ni Lathan ang lugar. Nagkandapunit-punit na rin ang suot nitong polo dahil sa bawat pagsalya nito ay tila may kung anong malakas na pwersa rin ang humahagupit rito.
Huminto na siya sa pagkilos at naiiyak na napaluhod.
“Lathan…”
Humagulhol na siya sa kawalan ng maisip na paraan para malapitan ito. Awang-awa siya sa sinapit nito pero ni hindi niya ito mahawakan para man lang tingnan kung gaano kalala ang naging pinsala nito.
Naramdaman niya ang isang kamay na pumatong sa kanang balikat niya. Nang lingunin niya iyon ay nakita niya si Theron. Tulad niya ay nababalutan rin ito ng maasul na liwanag.
“Huwag mo nang piliting lumapit sa kanya dahil lalo mo lang siyang sasaktan, Scylla.” Ani Theron.
Napabaling tuloy rito ang buo niyang atensyon.
“What do you mean?”
“Ginamit mo ang spell na ibinigay ko sayo bago ka mag-OBE, hindi ba?”
“Pero sabi mo ay dagdag proteksyon lang iyon.”
“Yeah.” Tumango si Theron. “It was a spell of protection against those demons. At ang katotohanang nakikita mo, ang katotohanan na tumatalab ang spell sa kanya, isa lang ang ibigsabihin noon. That one was a demonic creature, Scylla.”
“No!” mabilis na tutol niya at muling nilipad ang mga paningin sa kinaroroonan ni Lathan. Sa pagkakataong iyon ay nakaupo na ito sa buhanginan at tila umaamot ng lakas. “Hindi siya kampon ng demonyo! Mabuti siya, Theron. Alam kong hindi siya masama.”
“Wake up, Scylla. Nakikita mo na ang patunay na hindi siya kapanig ng nasa Itaas. Bakit ayaw mo pa ding tanggapin, ha? Masyado kang nasisilaw ng sinasabi mong pag-ibig mo sa kanya. Paano mong nagagawang magmahal ng kampon ng kadiliman?”
Masama ang tingin na pinukol niya kay Theron. Tumayo siya at hinarap ito. “Hindi siya masama!” angil niya rito. “Nagkataon lang na naging bampira siya pero hindi siya masama. Wala naman siyang pinapatay na tao. Ang totoo, nagliligtas pa nga siya ng buhay.”
“Nagliligtas? Sabihin mo iyan matapos mong makita kung paano niya at ng mga kalahi niya higupin ang blood energy ng mga traveler na tulad natin, Scylla.”
Sunod-sunod na umiling si Scylla. Hindi. Hindi niya kayang tanggapin na masama si Lathan. Hindi ito masama. Sabihin nang parasite, pero hindi naman ito pumapatay. Nakikibahagi lang ito at ang mga tulad nito. Iyon ang paraan ng mga ito na mabuhay.
“Everyone was entitled to fight for them to live. Kahit na sa ano pang paraan iyon. Kahit naman tayong mga tao, ginagawa rin natin ang panlalamang sa kapwa natin. Bakit ang mga tulad nila hindi pwedeng makibahagi ng pagkain para mabuhay?”
Natahimik si Theron. Mukhang nakuha nito ang ibig niyang ipaglaban. Gusto niyang idepensa ang paraan nina Lathan kung paano mabuhay. At idedepensa niya si Lathan hanggang sa huli. Hindi siya papayag na patuloy itong husgahan ng mga tulad niya.
Nang magsimula ulit siyang humakbang para lapitan si Lathan ay pinigilan siya ni Theron.
“Ano ba?!” paasik na pilit niyang inagaw ang braso mula rito.
“Huwag ngayon. Lalo mo siyang papahirapan kapag nilapitan mo siya ngayon. Bumalik ka muna sa katawan mo.”
Tama si Theron. Habang nababalutan siya ng asul na enerhiya, hindi niya malalapitan si Lathan at ganoon din si Lathan sa kanya. Dadagdagan lang niya ang mga latay sa katawan nito. Hindi na nga niya ito matulungan ay lalo pa ba niyang sasaktan si Lathan?
Malungkot na tinanaw niya si Lathan mula sa malayo. Nagpipilit na itong tumayo ngayon. Nang mapansin niyang nagbabalak na naman itong lumapit ay napasigaw siya.
“Huwag Lathan! Huwag kang lumapit sa akin!” sigaw niya rito.
Nakita ni Scylla ang pagguhit ng sakit sa mga mata nang nanghihinang si Lathan.
“Huwag ngayon, Lathan.”
“Halika na, Scylla.” Untag sa kanya ni Theron at hinila siya sa isa niyang braso.
“Huwag kang sumama sa kanya…” pigil naman ni Lathan kay Scylla.
“Babalik ako. Magkikita pa tayo.” She smiled unto him, weakly. “Wait for me. Magpapaliwanag ako sa pagbabalik ko.”
“Scylla!”
Tumalikod na si Scylla. Kung hindi niya gagawin iyon, baka makalimutan na naman niya ang konsekwensiya nang paglapit niya kay Lathan. Masasaktan lang ito kapag nilapitan niya ito ngayon. Makakapaghintay naman siguro ang bukas.
Makakapaghintay nga ba? Hindi ba at ngayon pa nga lang ay hindi na siya matahimik na hindi malaman kung ano ang lagay ni Lathan ngayon? Kung malaki ba ang pinsala ng chant na ginamit niya?
Kung bakit kasi ginamit pa niya iyon. Para maprotektahan at masiguradong ligtas ang kanyang sarili ay nagawa naman niyang ipahamak at saktan si Lathan. Ang tanga niya! Bakit hindi niya naisip na posibleng tumalab ang chant sa mga tulad ni Lathan? Bakit hindi niya naisip ang bagay na iyon?
Ah. Dahil hindi naman siya naniniwala na kampon ng kasamaan si Lathan. Sa kanyang puso, isa pa rin ito sa mga mabubuting nilalang na kilala niya.
“Scylla!!! Huwag kang sumama sa kanya!” sigaw pa rin ni Lathan mula sa malayo.
‘Magkikita tayo ulit, Lathan. Promise. I’m going to see you again. Kailangan lang talaga kitang iwan ngayon. It is for your own good.’
Dismayadong-dismayado ang pakiramdam ni Scylla. Ang inaasahan niyang maganda at masayang gabi ngayon ay nauwi sa trahedya.