“KAMUSTA?”
Napangiti si Timothy sa tono ng kausap. Ngayon nalang ulit kumonekta sa kanya si Theron matapos ang huli nilang pag-uusap. Ang totoo, noong una ay hindi niya talaga pinaniniwalaan ang mga pinagsasasabi nito. Iniisip pa nga niya na nababaliw na ito at kung anu-ano ang mga sinasabi. Hanggang sa nabanggit nito si Dr, Grant. Iyon ang doktor ni Scylla. Magkaibigan raw ang dalawa. Ang una niyang naisip ay posibleng pasyente rin ito ni Dr. Grant tutal ay lahat naman ng pasyente ng doktor ay nagiging kaibigan noon. Nagdesisyon siyang puntahan si Dr. Grant. At doon niya nalaman ang mga out of this world experience ni Theron. Ayon kay Dr. Grant, bihasa si Theron sa mga karanasan sa kabilang dimensyon ng daigdig. Kaya kung ganoon na winawarning-an siya ni Theron, syento porsyento na totoo ang mga iyon.
Hindi na nga siya nagdalawang isip pa na gumawa ng hakbang. Kung si Dr. Grant na professional ay naniniwala sa mga weird activities ni Theron, siya pa kaya ang hindi? Besides, si Scylla at ang kaligtasan na ng kapatid ang pinag-uusapan. Kapag ganoon na ang tema, walang hindi siya gagawin, masigurado lang na hindi mapapahamak ang kapatid.
Sinubukan niya ang mungkahi ni Theron na lagyan ng pampatulog ang alinman sa pagkain sa hapunan ni Scylla. Sa gayon, dere-deretso ang tulog nito at di na maglalakbay ang kaluluwa sa kabilang daigdig. At effective naman iyon bagaman nakikita niya na parating hindi maganda ang gising ni Scylla. Nagpapatay malisya nalang siya kesa naman sa parati siyang mag-aalala na kasa-kasama nito ang mapanganib na bampira sa panaginip nito.
Ni hindi niya nalaman na may mga ganoong aktibidades na pala ang kapatid. Wala siyang kaalam-alam na tumatawid na pala si Scylla sa kabilang mundo. Hindi man lang ini-open up sa kanya ng kapatid ang tungkol roon. Ah, dapat rin niyang sisihin ang sarili dahil hindi na niya nakakamusta ang kapatid. Masyado siyang abala sa paglagay niya sa tahimik. Minsan na ngang muntik mawala sa kanya si Scylla. Hindi na siya papayag na mangyari ulit iyon. Hindi siya papayag na agawin sa kanya ni Lathan si Scylla.
“Well, okay naman. Gumana ang suggestion mo.”
“Talaga?” Tila na-excite ang nasa kabilang linya.
“May hihilingin sana ako sayo, Theron.” pabuntong-hiningang saad niya.
Tumikhim si Theron. “Ano ‘yun?”
“Pwede bang libangin mo si Scylla? Date her. Ilabas mo siya. Out of the town, anywhere. Basta libangin mo siya. Hindi na rin kasi maganda na idepende ko sa narcotic ang kaligtasan niya laban sa kabilang mundo na pinupuntahan niyo.”
Mas mapapanatag pa naman siya kung si Theron ang makakatuluyan ng kapatid kesa kay Lathan. Siyempre, hindi tao si Lathan. At ang tao ay para sa tao lamang. Besides, alam naman niyang mabuting tao si Theron.
“What do you mean? Sa tono mo, parang sinasabi mo na gusto mong ligawan ko si Scylla?”
“Kung gusto mo, pwede rin.” mabilis na tugon niya.
“Are you serious? Basta mo nalang ibibigay sa akin ang kapatid mo?”
“Hindi ko siya basta ibibigay sayo. Pero kung ikaw ang paraan para mailayo siya sa bampirang si Lathan... Well, palagay ko, mas safe na ikaw ang kasama niya.”
“Ibigsabihin nga, payag ka na ligawan ko ang kapatid mo?”
“Walang problema sa akin. Palagay ko, kay Scylla ka magkakaproblema lalo pa nga at sinabi mo na humaling na humaling siya sa Lathan na iyon.”
Natahimik ang nasa kabilang linya. Mukhang alam na niya ang iniisip nito.
“Ano, Theron? Wala pa nga, susuko ka na?” paghahamon niya sa binata.
“Hindi naman sa ganoon. Pero kasi, kahit kailan ay hindi matuturuan ang puso kung sino ang dapat nitong mahalin.”
Natahimik siya. Alam niya at nauunawaan niya ang ibigsabihin ni Theron. Pinagdaanan na rin naman niya iyon.
“Pero hindi rin ibigsabihin na porke may mahal siyang iba ay susukuan mo nalang. Come on, dude. Magkaibang nilalang sina Scylla at Lathan. Kailangan mo lang ipaunawa sa kapatid ko kung bakit mali at hindi pwedeng magkatuluyan ang isang tao at bampira. Kapag nag-succeed kang gawin iyon, tapos na ang problema mo. Makaka-entrada ka na sa kanya. Anong malay mo at mapasok mo rin ang puso niya sakaling mabakante na iyon? Hindi ka dapat mawalan ng pag-asa.”
At kung anu-ano pang pampalakas ng loob ang sinabi niya kay Theron. Ngayon niya lubos na naunawaan kung bakit hindi nito pinopormahan ang kapatid niya sa kabila ng pagiging malapit ng dalawa. Dahil hindi pa man nagsisimula ang laban ay sumuko na ito. Tinanggap na nitong si Lathan ang panalo.
Pero bilang kapatid ni Scylla, hindi siya papayag na manalo si Lathan. Hindi siya papayag na mapunta ang kapatid sa isang mapanganib na bampira.
“LATHAN?”
Nagpalinga-linga si Scylla sa malawak na kaparangan. Naroroon siya sa astral plane na madalas nilang puntahan ni Lathan. Nagbabakasakali na makikita niya ito roon. May mangilan-ngilan man na astral na nasa paligid subalit walang bakas ni Lathan. Ni anino ng lalaki ay di niya nakikita.
“Lathan!!! Nasaan ka ba?” Sigaw na niya.
Kung saan-saang astral planes na nga siya naghanap pero hindi niya ito makita. Sa pagkakaalam niya, ganitong oras ito nagha-hunt. Pero bakit walang Lathan siyang nakikita? Sigurado naman siyang naririnig siya nito. Bakit hindi ito pumunta roon? Bakit ayaw siya nitong harapin?
“Sorry na! Hindi ko naman alam e. Hindi ko alam na maipapahamak kita sa ginawa ko.” Naiiyak na sambit niya sa kawalan. “Mag-usap naman tayo, Lathan. Wag ganito! Miss na miss na kita e!”
Tuluyan na siyang napaluha. Napa-paranoid na siya. Paano kung nagalit ito sa kanya? Paano kung iniisip nito na sadya niyang ginamit ang spell na iyon para maitaboy ito palayo? Lalo pa at pinili niyang iwan ito nang mga sandaling sugatan ito.
“Lathan naman e!”
“Miss na miss na din kita.”
Napasinghap na bumaling si Scylla. Mula sa kanyang likuran ay nakita niya ang papalapit na si Lathan. Napakagwapo pa rin nito. Kahit may aura ito na nakakakilabot ay mas na nanaig sa kanya ang damdamin ng pagkasabik.
“Lathan!”
Sabik na sabik na itinapon ni Scylla ang sarili patungo kay Lathan. And with his arms open wide, he enveloped her inside. Masuyo ang pagdampi ng mga labi ni Lathan sa buhok niya, sa kanyang tuktok. Alam niya, ang katawan ng mga bampira ay malalamig. Mga corpse ang mga ito. Subalit ng mga sandaling iyon, damang-dama niya ang init nito. Imahinasyon man iyon o totoo, pero wala na siyang pakialam. Ang mahalaga, kasama na niya itong muli. She could feel him against her. She could hugged him. She could talked to him and all that.
“Akala ko, hindi na kita makikita. Kanina pa kitang hinahanap.”
Natawa ito. “Buti ka nga, kanina ka lang naghahanap. E ako, mag-iisang linggo nang naghihintay sayo.”
Pinanghabaan niya ito ng nguso. “Pwede mo naman akong puntahan sa kwarto ko. Palagi kong iniiwang bukas ang sliding door sa balcony.”
“Alam ko.” pabuntong-hiningang saad nito.
“Alam mo naman pala? Bakit hindi mo ako pinupuntahan?”
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito saka siya marahang inilayo sa katawan nito.
“Bakit mo naisip na mag-OBE sa ganitong oras?” sa halip ay tanong nito.
“Dahil hindi ko na nagagawa sa gabi. Ewan ko ba, pero parati akong maagang nakakatulog.”
Katahimikan muli. Ipinulupot niya ang braso sa braso ni Lathan saka ito iginiya na maglakad sa dalampasigan. Masaya na siyang muli. Kasama na niya ito. Maski imahinasyon lang ang lugar na iyon, doon naman nabubuo ang magagandang alaala nila ni Lathan. At maski pa maging panghabambuhay na ganoon lang sila, wala siyang pakialam. Ang mahalaga, nagkakasama sila ni Lathan.
“Gusto ka lang nilang protektahan.”
“Ha?” Bigla siyang napabaling kay Lathan. Hindi niya naunawaan ang sinasabi nito.
“Tigilan na natin ito, Scylla.”
Nanlaki ang mga mata niya. Kung naguguluhan siya sa sinabi nito kanina, mas lalo siyang naguluhan ngayon.
“What do you mean?”
“Let’s stop seeing each other.”
“P-Pero bakit?”
Unti-unti nang sumasama ang timplada niya. Ano bang sinasabi nito? Bakit ganito si Lathan. Kanina lang, ramdam na ramdam niya ang pananabik nito nang yakapin siya. Bakit ngayon, sinasabi naman nito na huwag na silang magkita?
“Dahil hindi na dapat.”
“May nagawa ba akong mali? May nagawa ba ako na ayaw mo? Yung spell na ginamit ko, hindi ko naman sinasadya na ipahamak ka. Gusto ko lang naman na maging safe sa pag-o-OBE ko para ma-lessen ang ginagawa mong pagprotekta sa akin. Hindi ko naisip na pwedeng umepekto sayo yun. Sorry na Lathan. Hindi ko na ulit gagamitin iyon. ” natatarantang litanya niya. Hindi pwedeng putulin na nito ang ugnayan nila. Hindi siya papayag!
Bumuntong-hininga si Lathan. At pagkuway walang emosyon na hinarap siya. “Ito na ang huli, Scylla. Hindi na ako magpapakita sayo. Magpapakalayo-layo na ako para hindi ko na marinig ang boses mo kapag hinahanap mo ako.”
“Saan ka pupunta? Babalik ka ng Amerika? Hindi pwede!” hurumentadong tutol niya. “Ah, hindi. Pupuntahan kita roon kapag nag-astral travel ako. Kahit saan ka pumunta, susundan kita.” Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ni Lathan. Hindi siya makakapayag na mawala ito sa kanya.
“Hindi. At hindi ko rin sasabihin sayo kung saan man ako pupunta. Hindi mo na ako maririnig, mararamdaman at makikita. Ganoon din ako sayo. Mas madali iyon para sa ating dalawa. Para sa ating lahat.”
Pilit na inalis ni Lathan ang kamay niyang nakahawak rito saka humakbang palayo.
“Good bye, Scylla.”
“Hindi!” Humabol siya kay Lathan subalit kay bilis nitong naglaho sa mga paningin niya. Nakita man niya kung saang direksyon ito nagpunta subalit hindi niya ito mahahabol pa. Nawala na ito, naglahong parang bula. “Lathan! Hindi! Huwag kang umalis! Huwag mo akong iwan!!!” Palahaw niya sa gitna ng mga hikbi. At ang mga hikbi ay nagkaroon ng malalakas na tunog hanggang sa maging hagulhol na ang mga iyon. “Lathan!!!” Napaluhod siya sa buhanginan. “Bakit? Bakit mo ako iniwan? Bakit ganito mo nalang ako iniwan?”
NAGISING si Scylla na tigmak ang mga mata sa luha. Maski nang makabalik na siya sa kanyang katawan ay dama pa rin niya ang sakit ng pag-iwan sa kanya ni Lathan. At dala-dala pa rin niya sa isip ang mga katanungang kanina pang umiikot sa kanyang utak. Bakit?
Bakit ganoon nalang kadali para kay Lathan na tapusin ang lahat? Oo at hindi niya natatandaan kung paano sila nagkakilala o kung paanong nagawa niya itong mahalin, pero ang maraming pagkakataon na nagkakasama sila sa panaginip, sapat na iyon para matugunan ang mga alaalang naiwala niya. Sapat na ang mga pagkakataong iyon para maramdaman at mapatunayan niyang ito ang lalaking minamahal niya. Sapat na iyon sa kanya. Pero para kay Lathan? Kulang pa ba? Sinabi nito na matagal itong nagtimpi na hindi siya makita. Ilang taon itong natiis hanggang sa hindi na nito kinaya. Pero bakit ngayon, bakit nagdesisyon na naman itong iwan na siya?
“Bakit, Lathan?”
May kumatok sa pinto na nagpahinto sa malayong daloy ng kanyang isip.
“Scylla? Are you there?” Boses iyon ng kuya Timothy niya.
“Yes, Kuya.”
Mabilis na inayos niya ang sarili bago pinagbuksan ang kapatid. Ipinagtaka pa niya ang paghagod nito sa hitsura niya mula ulo hanggang paa.
“Natulog ka ba?”
Umigkas ang kilay niya. “Yes, it was a nap room, remember?”
Ipagtataka niya kung sisitahin siya ng kapatid kung natulog man siya. Oo at hindi niya ugaling matulog sa oras ng trabaho pero kaya nga nito ipinagawa ang nap room ay para makapagpahinga siya anumang oras na gustuhin niya.
“Ah, nanibago lang ako na ginamit mo ang nap room mo. Di ba, ayaw mo nga na gamitin ito?”
“Oo nga. Pero di ba, gusto mo na gamitin ko? Para makapagpahinga ako ng mas maayos.”
Tila napipilitang tumango si Kuya Timothy. “Yeah. Oo nga.” anito. “Sana lang talaga, nagpahinga ka at hindi kung anu-ano ang... Never mind.”
“Kuya?” Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Kapag natutulog ba, pwedeng gumawa ng kung anu-ano aside sa pamamahinga?”
“Bah! Malay ko sayo? Anong malay ko kung kaya mo palang gumawa ng ibang bagay habang natutulog?”
Deretso ang titig ng mga mata ng kapatid niya sa kanya. Tila ba ipinapahiwatig nito na marami itong gustong itanong sa kanya pero hindi naman alam kung saan at paano magsisimula.
Bigla tuloy siyang kinabahan at kinutuban. May alam kaya ang kapatid niya? Alam na kaya nito ang mga pinaggagagawa niya?
“Joke lang!” Natatawang bawi ni Kuya Timothy niya. “Alam ko naman na imposible iyon, kung anu-anong sinasabi ko, di ba?”
Napipilitan siyang tumango. Para kasing may laman ang mga sinasabi ng kapatid.
“Halika na. Di ba pupunta ka sa couturier? Samahan ka na namin ni Ate Pitch mo. Tapos sabay-sabay na din tayong mag-late lunch. Sabi kasi ng secretary mo, hindi ka nag-lunch at natulog nalang.”
Ayun na naman ang makahulugang tono ng kapatid. Napapantastikuhan na siya rito. Bakit ba may pakiramdam siya na ginagawan nito ng issue ang pagtulog niya? Ayaw niyang isipin na may alam ito. Besides, hindi ang tipo ng kapatid niya ang basta maniniwala sa mga supernaturals na bagay. Imposible talaga na may alam si Kuya Timothy. Baka naman inaasar lang siya nito. Nanibago siguro ito na ginamit niya ang nap room.
“MASYADO na ba akong madaldal?”
Napabaling bigla si Scylla sa kasamang si Theron. Nasa isang restaurant sila sa loob ng mall. Weekend. Nag-aya ang binata na lumabas sila. Pinaunlakan na rin niya ito tutal ay parang mababaliw na siya sa pag-iisa.
Tinotoo ni Lathan ang sinabi nito na hindi na ito magpapakita sa kanya. Kahit anong tawag niya rito, kahit parati siyang mag-OBE na halos tuwing bakanteng oras niya ay ginagawa niya, mahanap lang si Lathan, hindi niya ito mahagilap. Naiinis na siya sa ginagawa nitong pagpapahirap sa kanya. Pero kahit ganoon, hindi naubos ang determinasyon niyang hanapin si Lathan.
Totoo nga pala na pinakamahirap hanapin iyong walang balak magpakita. Para na siyang tanga na naghahanap ng karayom sa gabundok na dayami. O di kaya, bulag napilit naghahanap ng liwanag.
Gusto na niyang mawalan ng pag-asa. Magmula nang hindi na magpakita si Lathan sa kanya, pakiwari niya ay hindi na rin sumikat ang araw sa kanya. Para siyang parating nasa dilim. Malungkot. Nakakalungkot at hindi niya alam kung hanggang kailan niya dadanasin ang kalungkutan ng pag-iisa.
Alam niya, hindi naman siya literal na mag-isa. Narito pa ang kuya niya. As a matter of fact, madadagdagan na nga ng miyembro ang pamilya nilang magkapatid sa sandaling ikasal si Kuya Timothy. Marami rin siyang kaibigan. Isa na nga itong si Theron na tila inaaliw siya sa kung anu-anong kwento na halos hindi naman niya maunawaan. Naririnig niya ito subalit hindi naman inia-absorb ng isip niya ang mga pinagsasasabi ni Theron.
Ayaw niya ng ganoong pakiramdam. Iyong parang wala na siyang dahilan para bumangon pa sa tuwing sasapit ang umaga. Minsan nga, iniisip niya, bakit pa siya babangon kung wala naman siyang paglalaanan ng buong maghapon?
Noon, sabik siyang matapos ang buong araw dahil alam niyang sa pagsapit ng gabi, hinihintay na siya ni Lathan sa kanilang tagpuan. Excited siyang babangon sa umaga dahil nakasama niya ang lalaking mahal niya. Naging masaya ang gabi niya at inspired siyang magtrabaho kinabukasan. Pero ngayon...
“Ano nga ulit yung sinasabi mo?” naitanong nalang niya kay Theron.
Bumuntong-hininga ito. Kung nadismaya man si Theron na hindi pala niya ito pinakikinggan sa mga pinagsasasabi nito, hindi na nito ipinahalata pa sa kanya. Isang bagay na maganda mula sa binata.
“Kinukwento ko lang naman sayo ‘yung college life ko. Hindi ka kasi nagsasalita kaya ako nalang ang nagkwento. Pero dahil wala ka namang reaksyon sa mga sinasabi ko, naisip ko na baka naiimbyerna ka na. Kaya sige, ikaw naman ang magkwento.”
“Ano namang ikukwento ko?” Binalingan ni Scylla ang orange juice na halos hindi niya nagalaw at nawalan na ng lamig. Walang ganang pinaglaruan niya ang straw noon.
“Kahit ano. Kahit anong gusto mong pagkwentuhan.”
Bumaling siya muli kay Theron. Ngumiti naman ito. Gwapo naman talaga si Theron. In fact, boyfriend material ito. Pero hindi niya makita ang sarili na kasama si Theron sa hinaharap. Hindi niya kayang gawin ang mungkahi ng kapatid.
‘Theron seems like a nice guy.’
Panimula ni Kuya Timothy, isang umaga habang nag-aalmusal sila. Napaigkas ang kilay niya. Iba kasi ang tono nito. Para bang may ipinahihiwatig rin ang sulyap ng kanyang kapatid sa kanya.
Ngayon lang ito nagkomento ng patungkol sa lalaking nakakasama niya. Dati naman, wala itong pakialam. Ah hindi, mas tamang sabihin na hindi ito nakikialam kapag patungkol na sa mga personal na bagay. Pero ngayon, tila ba iba ang nahihinuha niya sa tono nito.
‘Yeah. And?’
‘Nanliligaw ba siya sayo?’
‘Kuya? We were just friends.’
‘Yeah. Pero okay lang sa akin kung ligawan ka niya.’ Pinandilatan niya ang kapatid. Sinasabi na nga ba at tama ang naiisip niya. ‘I mean, nasa right age ka na. Mas mapapanatag nga ako kung may isang Theron na mag-aalaga sayo.’
‘I can take good care of myself. Thank you very much, kuya.’ And she rolled her eyes.
Hindi na nga maganda ang umaga niya at nagpapanggap nalang sa harap ng kapatid na wala namang kakaiba sa kanya at okay lang siya, tapos heto ito ngayon na gusto pa siyang bigyan ng sakit ng ulo?
Hindi ba nito alam kung gaano kahirap na magpanggap na okay tapos ay ipe-pressure pa siya sa ibang bagay?
Isang malalim na buntong-hininga muli ang pinakawalan niya. Kapag naaalala niya ang umaga na iyon ay nais niyang mainis sa kapatid. Magmula kasi noon, parati na itong nagtatanong ng patungkol kay Theron at kung kailan raw sila lalabas ulit. Para bang ipinagduduldulan na siya ng kapatid kay Theron. Kaya nga nitong nag-aya ang huli ay nagpaunlak na siya dahil napupundi na rin naman siya sa pangungulit sa kanya ng kapatid.
“Mga bagay na sa palagay mo, pwede mong i-share sa akin. Bagay na sa palagay mo, ako lang ang makakaunawa. Ikwento mo, makikinig ako.” dagdag pa ni Theron.
Napailing siya. “Napansin mo pala.” nasabi nalang ni Scylla. “Masyado ba akong obvious na namomroblema sa bagay na para sa karaniwang nilalang ay isang katatawanan lamang? Isang imagination?”
Masyadong matalas ang isip at masyadong observative si Theron. Iyon siguro ang dahilan kung bakit alam niyang napansin nito kung ano ang kanyang pinoproblema.
“Hindi katatawanan iyon. Hindi lang nila tayo naiintindihan dahil hindi nila nararanasan ang nararanasan natin. Hindi nila napupuntahan ang napupuntahan natin.” Inabot ni Theron ang isang kamay ni Scylla na nasa ibabaw ng mesa at masuyong pinisil iyon.
Noon niya naramdaman na kailangan talaga niya ng kausap, nang karamay. At dahil nauunawaan siya ni Theron, kailangan niya ito. Dumulas ang ilang butil ng luha sa mga pisngi ni Scylla. Hindi na niya napigilan. Masyado na kasing mabigat. Mahirap na siya lang mag-isa ang nag-iingat ng mabibigat na damdamin na iyon. Hindi niya masabi sa iba. Hindi niya maihinga sa mga kaibigan niya dahil posibleng pagtawanan lang siya ng mga iyon. Or worst, isipin pang may problema siya sa pag-iisip.
Sino nga ba naman kasi ang basta maniniwala na may kabilang mundo. Na na-inlove siya sa nilalang mula sa kabilang dimensyon ng mundo, nilalang na hindi niya kauri. At ngayon, basta nalang siya iniwan.
“Wala na siya, Theron. Iniwan na niya ako.” Lumuluhang sabi niya. Isinalaysay niya rito ang huli nilang pag-uusap ni Lathan. At aaminin niyang maski paano ay gumaan ang pakiramdam niya habang inaalos siya nito.
“Sabi niya, mahal niya ako. Bakit ganoon nalang kadali sa kanya na iwan ako?” mahinang nguyngoy pa rin ni Scylla.
Lumipat na sa tabi niya si Theron para marahil mas madali siya nitong maalo mula sa pag-iyak. Inihilig ni Scylla ang ulo sa dibdib ni Theron na panay naman ang hagpos sa likod niya.
“Baka naman, natauhan na siya. Na-realize niya na hindi talaga kayo para sa isa’-isa.” Bigla siyang umagwat kay Theron. Akala pa naman niya, kakampi niya ito. Na nauunawaan siya nito. Bakit parang sinasabi pa nito na tama ang ginawaa ni Lathan na pag-iwan sa kanya? “Hey, look!” awat nito sa nag-iiba na niyang ekspresyon. “What I was trying to say is, wake up Scylla! Magkaiba kayo ng mundo. Magkaibang nilalang rin kayo. Hindi sapat na mahal niyo lang ang isa’t-isa para mag-work ang mga bagay-bagay. Kung nagkataon siguro na pareho kayong normal na tao, love was enough. But in your case, I’m so sorry to tell you this but things between the two of you are hopeless. Mas maiging tanggapin mo na iyon ngayon palang, Scylla.”
“No!” awat niya sa mga sinasabi ni Theron. Bahagyang dumistansya rin siya rito. Pakiwari niya, sa isang iglap, ang isang kakampi ay naging kaaway na rin niya. Wala na ba talagang makakaunawa sa kanya? “I can’t just give up on him just like that. Marami namang paraan para magkasama kami.”
“Yeah. And live your life in misery. Hindi kayo magkakaroon ng normal na buhay dahil nasa magkaibang mundo kayo.”
“Hindi ko kailangan ng normal na buhay kung hindi rin lang siya ang kasama ko!”
Yamot na tumayo na siya at hinagilap ang bag. Dumeretso siya sa exit ng restaurant. Humabol naman si Theron sa kanya. Wala na sana siyang balak na pansinin ito pero narinig niya mula sa kanyang likuran ang isang malakas na ingay kasunod ang pagdaing ni Theron. Nang lingunin niya ang pinaggalingan ay nakita niyang nabunggo ng grocery cart si Theron. Napabalik tuloy siya roon. Malamang na dahil sa paghabol sa kanya ay hindi nito napansin ang cart.
“Are you okay?” Pahangos na tanong niya.
“It is nice to know that you were still concerned about the people around you. Hindi yung puro Lathan nalang ang laman ng isip mo.”
She could feel the heavy feeling he had in his lines. Hindi niya tuloy alam kung ano ang iisipin. Hanggang sa nakaalis na ang nakabunggo rito matapos mag-apologize ay wala siyang maisip sabihin. Puro nalang daw siya Lathan? Oo, totoo naman. Ano bang mali roon? Mahal niya si Lathan, normal lang naman siguro kung ito lang ang parating laman ng kanyang isip. Mag-a-agree din siya kung sasabihin ni Theron na si Lathan na ang sentro ng kanyang mundo.
“Back to what I am saying.” Lumingon siya kay Theron na ngayon ay iginigiya na siya palayo. “Sana magawa mong makita ang iba pang tao na kayang tumbasan ang pagmamahal na meron ka para sa Lathan na iyon.”
“Ha?”
Tumingin ng deretso sa kanya si Theron.
“Sana makita mo ako, Scylla. Hindi lang bilang isang kaibigan kundi bilang isang lalaki na pwedeng mahalin. O kung hindi mo man ako kayang mahalin, hayaan mo nalang akong mahalin ka. Hayaan mo nalang akong protektahan ka. At poprotektahan kita laban sa lalaking mahal mo pero dinudurog lang ang damdamin mo. Lalaking magiging dahilan ng kapahamakan mo.”
And Scylla became speechless.