Last Night's Fantasy (Compilation of Gothic Romance) Chapter 24

NAG-DOOR BELL si Theron sa malaking bahay na maingat na napasok ng maputlang babae na sa pandinig niya ay tinawag na Ms. Castellejo ng kausap nito kanina. Halos manlagas ang mga ngipin niya sa paggigitgitan dahil sa mga narinig na pag-uusap ng dalawa.

Siguro nga ay kabastusan ang ginawa niyang iyon. But he was so curious about the woman. Lalong nadagdagan ang kuryusidad niya nang marinig kung gaano kadesperada ang babaeng mabili ang property ng gunggong nitong kausap.

And what was more ridiculous was considering the request of that asshole!

Hell! Lalaki din siya at hindi kakahapon ipinanganak para hindi maunawaang sex ang hinihingi ng hudyo na kapalit ng property! Gaano kalaking assets iyon para i-consider ni Ms. Castellejo na ibenta ang katawan nito para lang makuha ang property?

At ano ba ang pakialam niya? Ano man ang gawin ng babae sa buhay nito ay wala siyang pakialam!

Pero kasi, may bahagi niya ang nagtutulak na makialam.

Sandali pa at nabuksan ang pang-isahang gate. Sumilip ang kasambahay na nakauniporme pa?

“Sino po sila, Sir?” Nakakunot-noo pero magalang na bati sa kanya ng kasambahay.

“I wanted to see Ms. Castellejo. Pakisabi sa kanya na ako `yong nakabunggo niya sa Montealto building kanina.”

Sinundan ni Theron ang babae hanggang makarating ito sa bahay. Nakapagtataka na nag-commute lang ito at nagpababa, isang bloke ang layo mula sa bahay. Doon pa lang, nararamdaman na ni Theron na may kakaiba. Alam rin niya na alam ng babae na sinusundan niya ito dahil makailang beses itong lumingon sa lugar niya. Heavy tinted ang sasakyan ni Theron pero sa nakakakilabot na paraan ng pagtitig nito sa direksyon niya, nararamdaman ng binata na nakikita siya nito.

“Sir? Baka po nagkakamali kayo? Hindi pa po lumalabas si Ms. Marj.” Lalong nangunot ang noo ng kasambahay habang nakatitig sa kanya. Iniinspeksyon kung isa ba siyang kawatan o anupaman.

Humugot si Theron ng wallet sa bulsa at ipinakita ang mga ID’s. Pero mukhang hindi pa rin kumbinsido ang kasambahay na hindi naman siya masamang tao. Napabuntong-hininga na lang si Theron. Bihira na ang ganito katalinong katulong na hindi basta-basta naiisahan.

“Okay. Ganito na lang. Pakisabi sa amo mo, dumaan `yong lalaking nakabunggo niya sa fifth floor ng Montealto building. At gusto ko siyang makausap.” Iniabot niya ang calling card sa kasambahay. “Pakibigay sa kanya at pakisabing tawagan niya ako kapag handa na siyang harapin ako.”

Tumango lang ang katulong at pinagsarhan na siya ng gate. Isang malalim na buntong-hininga ang muling pinakawalan ni Theron saka naglakad palayo sa gate. May ideya na siya sa nangyayari at hindi siya pwedeng magkamali. Pero kakausapin pa rin niya si Nero patungkol sa teorya niya. Isang mabilisang lingon ulit sa malaking bahay bago siya lumapit sa sasakyan.

Nahigit na lang niya ang hininga nang mula sa second floor ng bahay, kitang-kita niya ang babae na nakatayo sa tapat ng nakasarang panel window. Ito ang Marj na sinasabi ng katulong. Sa isang sandali ay para siyang sinibat ng makapanindig-balahibong pakiramdam mula sa titig na ibinibigay nito sa kanya. Dama niya ang biglang pagbaba ng temperatura sa buong paligid. At sigurado si Theron na ang aura ng babae ang dahilan ng lahat ng nararamdaman niyang iyon.

Sandali pa at lumayo na ito sa panel window. Hinila pasara ang blinds at tuluyang nawala sa kanyang mga paningin. Pero ang nakakakilaabot na aura ay nananatiling nararamdaman ni Theron.

Dapat ay umaalis na siya sa lugar na iyon dahil pag-aaksaya lang naman ng oras ang ginagawa niya. But he can’t. Siguro, dahil sa mahabang panahon na pagpasubok niya sa mga kakaibang karanasan, nakasanayan na rin niya ang panganib. At parati na iyong hinahanap ng sistema at isip niya.

Sandali pa at nawala ang mapanganib na aura. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari pero may hinala si Theron na wala na roon ang sadya niya.

“Very clever, Lori.” Napangisi si Theron sa sarili. “Kaya naman pala hindi ka nagpapakita sa akin dahil may iba kang pinagkakaabalahan. If you’re playing games, then I’ll join you.”

Pumasok sa sariling sasakyan si Theron at muling nagmaniobra pabalik sa opisina ni Scylla. Gusto lang niyang kumpirmahin kung tama nga ang iniisip niyang gumagamit ng ibang katawan si Lori para makalabas ito kapag day time. And this time, sisiguruhin niyang hindi makakatanggi si Scylla na magbigay ng impormasyon sa kanya.

“ANO BA’NG pakialam ng Theron na `yan? Bakit ba siya nakikialam!” asar na singhal ni Lori sa kapatid na si Lathan.

Papalubog na ang araw, mamaya pa, pupuwesto na sila sa kani-kanilang destinasyon.

“Kasalanan mo rin naman!” singhal sa kanya ni Azriel. “Kung hindi mo siya minarkahan, hindi sana siya lumalapit sa `yo ngayon at nag-iimbestiga. Ngayon, pati privacy ng pamilya, nanganganib na mapasok niya.”

“I’m going to kill that bastard!” singasing ni Ailister.

Ibinalya ni Lori ang kapatid at humagis ito palabas ng study room kung saan sila nagme-meeting. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Ailister.

“See that?” Sarkastikong ngumisi ito sa kanya at balewalang naglakad pabalik, papasok sa silid. “Binibigyan ko kayo ng mas magandang option para matapos na ang problema natin sa Theron na `yan, pero nagagalit ka pa sa akin, Lori?”

“He is my food,” maiksing sagot niya.

“Your food pero hindi ka naman kumakain sa kanya. Ano ba talaga’ng trip mo, ha, Lori? Magpapakita ka sa kanya at pagkatapos ay magpapahabol? Stop this nonsense game! Inilalagay mo sa kompromiso ang privacy nating lahat dito.”

Nagkiskisan ang mga bagang ni Lori sa pagkairita sa sinabi ni Helios. Pero hindi niya ito lalabanan. Sa kanilang limang magkakapatid, si Helios ang pinakamatanda at nagiging batas sa pamilya kapag ganoong wala ang kanilang mga magulang. Si Axyl, na pinsan nila ay nanatiling tahimik sa kabila ng lahat ng pinagtatalunan nilang magkakapatid.

At siya pa pala ang naglalagay sa kompromiso sa privacy nilang lahat? Samantalang siya nga itong nagpapakahirap na amuin ang lintik na Jerome Carriedo na iyon! Hindi niya alam kung paano niya pakikibagayan ang hinihingi ng hinayupak. Pero siyempre, hindi niya pwedeng ibigay ang katawan ni Marjayrie. Hindi niya pag-aari iyon kaya hindi siya pwedeng gumawa ng makakaapekto nang malaki sa mortal. Hindi na nga niya alam ang gagawin sa lintik na Jerome na iyon at heto, dumagdag pa si Theron sa pinagtatalunan nila.

“Gusto ko lang gumanti sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin kaya minarkahan ko siyang akin. `Yon lang `yon.” Tahimik na paliwanag ni Lori.

“Pero hindi ka nga kumakain sa kanya. Dahil doon kaya hinahanap-hanap ka ng loko. Pinaglalaruan mo siya at hayan na ang consequences ng ginagawa mo.Tigilan mo na ang paglalaro Lori! Kung ako sa `yo, harapin mo siya at sabihin mong nakapaningil ka na kaya `wag na siyang makialam sa buhay mo. “

“Buhay ko?” Mapaklang napangiti si Lori. “O hiram na buhay ko? Hindi naman ako ito, `di ba?” Hindi niya napigil ang sariling ibulalas.

Ilang linggo na rin siyang ginugulo ng nakaraan. Magmula nang lumabas at pumasok siya sa dalawang katawan, nagsimula na rin siyang malito sa sariling katauhan.

Hindi siya si Lori. Alam naman niya iyon. Hindi niya ina si Gertrude at hindi niya ama si Jultio na mga magulang ng mga kapatid niya.

Kung anong uri ba siya ng nilalang, hindi niya alam. Basta ang alam lang niya, lumayo siya sa galit na galit na babaeng nagluwa sa kanya sa daigdig na iyon ng mga imortal. Oo, lumabas siya sa daigdig mula sa bibig ng isang babae. Nagsimula lang siya sa isang maliit na pigura at nang mahipan ng hangin ay nagpatuloy sa paglaki hanggang makuha ang tamang sukat.

Sumampa siya sa panaginip ng mga mortal at sa kung saan-saang astral plane na noon ay hindi pa niya alam na ganoon pala kung tawagin.

Sa pagkakaalam lang niya, mga imaginary place iyon na pinupuntahan ng mga dreamscape at mga astral traveller. Walang date o panahon. Walang oras. Hindi natatapos ang liwanag kung day time sa astral plane na napuntahan at hindi natatapos ang gabi kung night time naman.

At sa pagliliwaliw na iyon, nakilala niya ang mga magulang ni Lori na inialok ang katawan ng anak ng mga ito. Nakakulong ang katawan ni Lori sa isang time trail kung tawagin ng mga Monfort para maiwasan ang paglalaho ng katawan nito agad-agad. Hindi pa kayang pakawalan ng mag-asawang Monfort ang bunsong anak kaya doon dinala matapos lamunin ng isang Avergou ang kaluluwa.

Ang time trail ay isang panahon na hindi nagkakaroon ng bukas at kahapon. Paulit-ulit na nangyayari ang eksena ng kasalukuyan.

Mula sa elemental na dimensyon ng mundo, nakakatawid ang mga imortal sa iba’t ibang time trail. Na ang nakakaalam lang ng daan ay mga patriarka o pinakamalakas at makapangyarihan sa bawat lahi.

“Nasa loob tayo ng isang parallel universe. Sabay-sabay na nangyayari ang kahapon, ngayon at bukas. Ang mga tulad nating nabubuhay sa kabilang dimensyon ng daigdig ay kayang pumunta sa nakaraan, pero hindi sa bukas.”

Iyon ang paliwanag sa kanya ni Jultio kung bakit may ganoong uri ng lugar at panahon.

Palaging binibisita ng mga ito ang anak sa time trail kung kailan ito huling araw na nabuhay. Paulit-ulit na nararanasan ng mga itong makita na nahigop ng soul sucker ang kaluluwa ng anak. Pero hindi nila kayang baguhin ang nakaraan. Ang kaya lang nila ay ma-preserve ang katawan ni Lori.

Hanggang sa minsang pabalik na ang mga ito sa kasalukuyan ay nakita siya. Walang mukha, walang identity. Maski pangalan ay hindi siya binigyan ng ina. Iyon ang nagtulak sa mag-asawang Monfort na angkinin siya bilang anak. Inilabas ang katawan ni Lori sa time trail matapos niya iyong mapasok at magawa niyang pakilosin. Sa pamamagitan ng paghigop niya ng enerhiya ng mga mortal, nagagawa niyang bigyan ng panibagong lakas at buhay ang katawan ni Lori. Na lalong ikinatuwa ng mag-asawang Monfort.

Hindi naging madali para sa kanya noong una ang basta tanggapin at gayahin ang uri ng pamumuhay ng mga astral vampire. Pero dahil kaya niyang sumampa sa mga astral planes, unti-unti niyang natutunan at na-adopt ang pagiging tulad ng mga ito. Iyon nga lang, hindi lahat ng kakayahan.

Dahil hindi ako tulad nila.

Dumilim ang anyo ni Helios sa sinabi ng dalaga. Ganoon din ang iba pa na tila hindi nagustuhan ang narinig mula sa kanya.

“Kailan ka ba namin itinuring na iba, ha, Lori? Sabihin mo nga?” May hinanakit sa tinig ni Helios.

At parang pinunit ang puso ni Lori—kung meron man siya noon—nang makitang sabay-sabay na gumuhit ang hapdi sa bughaw na mga mata ng mga kapatid. Ang pinsang si Axyl ay nakakaunawang tumitig naman sa kanya.

Napatungo na lang siya. “I-I am sorry.”

May namumuong likido sa mga mata ni Lori pero pinigilan niyang malaglag ang kahit isang butil sa mga iyon. Kinabig naman siyang bigla ni Helios at niyakap nang mahigpit.

“You are a family. We are family. Always remember that,” bulong sa kanya ng itinuturing na nakatatandang kapatid.

Hindi siya iiyak. Walang pakiramdam ang mga tulad nila. Dapat na wala siyang pakiramdam kung gusto niyang maging kaisa ng mga ito. Pero hindi nga kasi siya pure-blooded astral vampire. At kahit gaanong pagpipigil niya sa sarili, may parte sa tapat ng kanyang dibdib na sumisikip at parang sinasakal.

“Lately, hindi ko na kilala kung sino ako,” pahikbing sambit ni Lori na yumakap nang mahigpit kay Helios.

“Ikaw si Loridee Anne Monfort, ang bunsong kapatid namin,” mahinang sabi ni Azriel at ngumiti sa kanya. Ganoon din ang iba pa.

Si Axyl ay walang paalam na lumabas ng study.

“Huwag mong intindihin ang sinabi sa `yo ng Astryd na iyon, Lori. Kapatid ka namin. Ang babaeng sinasaniban mo ay medium at pansamantala lang. Kapag nakuha mo na ang kailangan mo sa kanya, makakabalik ka na sa dati,” sabi naman ni Lathan.

“Yeah,” sang-ayon na lang ni Lori.

Pero kahit anong pagkumbinsi niya sa sarili, hindi niya mapaniwala iyon na siya lang si Lori. Dahil tuwing lalabas siya sa kanyang katawan, pakiramdam niya ay nagiging ibang nilalang siya. Nilalang na matagal niyang kinalimutan. At nahahati siya sa tatlong karakter kapag kailangan niyang pasukin ang katawan ni Marjayrie. Sino ang hindi malilito sa bagay na iyon? Kailangan niya parating buuin ang sarili sa magkakaibang katauhan.

“Cheer up.” Mahinang tinapik ni Helios ang pisngi niya at napangiti na lang si Lori.

Nagsilabasan na ang mga kapatid sa silid. Siya naman ay itinikwas ang blinds at pinanood ang papalubog na araw. Siya lang sa buong angkan ang nakakagawa niyon. Bagay na alam niyang gusto rin ni Lathan na gawin. Gusto man niyang ipahiram dito ang anulum commode ay hindi niya magawa. Mula nang maisuot niya iyon sa palasingsingan ay hindi na niya maalis pa.

Sabi ni Astryd, maaalis lang ang singsing kung isandaang porsyento siyang tumatalikod sa kapangyarihang kayang ibigay ng anulum commode. At ang katotohanang hindi niya iyon mahubad ay nagsasabing hindi niya kayang isuko ang kapangyarihan ng singsing.

Lumabas ng study si Lori nang kumalat na ang dilim. Kailangan na nilang kumalat sa kani-kanilang designated area. Pero sa pasilyo pa lang, napansin na niya ang bulto ni Axyl na nasa veranda sa second floor. Hindi pa rin pala ito pumupuwesto. Marahan siyang naglakad palapit sa kinaroroonan ng pinsan.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.