NAALIPUNGATAN si Lori nang maramdamang may humahaplos sa kanyang pisngi. Bigla siyang dumilat. At nabungaran ang nakangiting gwapong mukha ni Theron. Walang liwanag sa kwarto pero nakikita niya ito. Nakikita niya ang bawat paggalaw ng mga muscles sa mukha nito, maging ang pagguhit ng makapigil-hiningang ngiti sa mga labi ng mortal.
The man was dangerously attractive in his simple white polo na pabastang inililis ang mga manggas hanggang siko. Bahagya ring hapit iyon at sa likod ng tela ay bahagya na niyang nakikita ang well-toned muscled torso at malapad at tila kay tigas nitong dibdib. His aristocratic pointed nose added a lot of charm. His square-jaw doubled his attractiveness. At ang maninipis at mamula-mulang labi nito ay tila nangangako ng isang nakakabaliw na halik. Na minsan na niyang natikman. At gusto niyang maulit.
Ah! The man was a mixture of manliness charm, sex appeal and… danger!
Pabigla siyang bumalikwas pagkaalala sa huling salita. Theron really spells D-A-N-G-E-R on her senses. Para itong may magnet na kahit anong pigil niya sa sariling lumapit ay wala siyang magawa.
“Ano’ng ginagawa mo rito?!” pasinghal na sita niya sa lalaki. Pilit pinagtatakpan ang senswal na pakiramdam na unti-unting nanunulay sa buo niyang katawan.
Habang tumatagal, patindi nang patindi ang epekto nito sa kanya. At hindi iyon maganda.
“Why, this is my house.” Ngumisi ang lalaki na para bang wala lang dito ang pagkakalapit nila habang siya ay para nang sinisilihan sa kanyang puwesto. “Gusto ko lang i-check kung nasa maayos ba ang mga boarders ko?”
Napatiim-bagang si Lori. Somehow, she should be grateful. Dahil kahapon na sinimulang kalkalin at ayusin ang lumang mansyon na dati nilang kuta. Kung hindi sila nakaalis kaagad doon, saan na lang sila basta magkukuta? Hindi ganoon kadaling maghanap ng mapaglulunggaan. Lalo pa at over populated na ang siyudad. Lalong hindi sila pwedeng ma-expose sa mga mortal.
“We are good. Thank you,” walang emosyong sabi ni Lori at tumayo na mula sa kama.
Gusto muna niyang makalayo rito. Baka kasi… baka kasi makita na lang niya ang sarili na nagpapakabig sa malalaki nitong mga braso at nagpapadurog ang mga labi sa mga mapang-akit nitong labi.
Lumapit siya sa may bintana. Sa may chest drawers at nagkunwaring may kukunin para lang mailayo ang isip sa lalaki.
“Natatakot ka ba sa akin, Lori?” nakakalokong sabi ni Theron.
Sarkastikong tumawa siya. “At bakit naman ako matatakot sa `yo?”
“Well…” Kibit-balikat nito. “Lumalayo ka kasi sa akin. That means, natatakot ka.”
“Of course not! Ikaw ang dapat na matakot sa akin. I can kill you in no time.”
Sa dilim ay nakikita ni Lori ang pagkurba ng maliit na ngiti ni Theron. At parang gusto na lang niya itong lapitan sa isang hakbang at tikman ang magagandang mga labi ng mortal.
“Gagawin mo iyan sa isang mabuting kaibigan?”
“Hindi kita kaibigan!” She hissed. Maybe it’s about time to asked him why is he doing all this help.
“At bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito? Bakit mo tinutulungan ang isang kaaway?” She wanted him to make things clear between them.
Pero ano nga ba ang meron sa pagitan nila? Meron nga ba?
“You, ungrateful vampire! Bakit hindi ka na lang magpasalamat kesa pinagtatarayan ako? And no. Hindi kaaway ang tingin ko sa inyo.”
Sandaling natahimik si Lori. Hindi kaaway ang turing nito sa kanila? Kailan pa?
“Why a sudden change of mind? Kinasusuklaman mo ang katulad namin.”
“Yes.” Seryoso na ang tono nito na medyo ipinagtaka niya. At ikinagulat niyang muling kumurba ang ngiti nito sa isang maigsing sandali. “Pero dati `yon.” He heaved a sigh and stare at her. Hindi niya sigurado kung nakikita rin ba siya nito samantalang napakadilim ng silid. “May kailangan talaga ako sa inyo kaya ako tumutulong.”
May pamilyar na damdamin na tumusok sa dibdib niya. A bit of pain. Yeah. Lahat naman yata ng tumutulong ay parating naghahangad ng kapalit. At medyo masakit iyon. Katulad din si Theron ng iba. Tumutulong ito dahil may kailangan. Hindi out of being so kind and generous.
What would she expect? Human were users and clever. Minsan na ngang nagtiwala si Helios sa isang mortal at ipinahamak sila. And she wouldn’t want to repeat that same mistake again. Kaya kung sakaling hindi niya magugustuhan ang maririnig mula sa bibig ni Theron, agad niyang yayayain ang mga Monfort paalis doon.
“I was looking for someone in your world. May isang dekada na yata akong naghahanap. Binatilyo pa lang ako, itinatak na ng lolo ko sa isip ko ang tungkol sa taong `yon. At kahit namatay na siya, alam kong hindi pa rin siya natatahimik dahil hindi niya nahanap ang fiancée niya.”
Napakunot-noo si Lori. Mayamaya ay tumataas na ang kilay niya sa pagtataka at pagkalito. “Bakit sa mundo namin? Surely, mortal ang hinahanap mo.”
“Mortal na inagaw ng alagad ng dilim.” Nagtagisan ang mga bagang nito.
“I don’t understand you.”
“She was being kidnapped by a dark element or something.”
Sa maiksing paraan, naikuwento ni Theron ang pangyayari sa namatay na nitong Lolo. At hindi niya mapigilan ang mapanganga sa pagkamangha. Hindi na rin niya masisisi si Theron kung bakit gumagamit ito ng protection spells and chants dahil hindi naman talaga safe na magliwaliw sa kabilang dimensyon ng daigdig.
“But don’t you think, itinataboy mo lang ang hinahanap mo kapag gumagamit ka ng protection spell?” bigla ay nasambit ni Lori. Posible naman kasing ganoon. Siguro, kaya hindi nito mahanap ang pakay sa mundo niya sa mahabang panahon na naghahanap ito ay dahil sa spells na ginagamit nito.
“I don’t think so. Selena is a human being na ninakaw ang buhay at kaluluwa ng isang elemento o siguro ay demonyo. But it doesn’t mean that she could be one of them.”
May point naman si Theron. Pero chances were, Selena was being converted into one of that kind. Kaya lang, ano ba ang assurance na pwedeng tama ang naiisip niya?
Well, she was being converted into an astral vampire because she had no identity. At dahil na din sa kaya niyang humigop ng enerhiya kagaya ng mga astral vampires. Samantalang ang Selena na iyon, may sariling pagkakakilanlan. Inagawan lang ito ng pagkakataong mabuhay sa kung paano ito nilalang.
Nagbuntong-hininga si Lori.
“Ano ba’ng hitsura niya? Baka nakita ko na pala siya sa kabilang dimensyon.”
“She was beautiful. She had a Latina look. Long and dark mahogany red hair. Tall and lean and sexy.”
Gusto niyang mainis sa paraan ng paglalarawan ni Theron sa fiancée ng lolo nito. Bakit parang siguradong-sigurado ito sa hitsura samantalang siguradong hindi pa ito naisisilang nang maganap ang sinasabi nitong insidente.
“She was a bit like you.” May malapad na ngiting sambit nito na hinagod siya ng tingin na para bang nakikita siya nito sa dilim. “Tall, lean and sexy… and jaw-dropping beautiful.”
And what was that warm feel creeping inside her chest?
“Kung makapagsalita ka, parang nakita mo na ang Selena na `yon.” Umismid siya.
“Yes. In my dreams.”
Bahagya siyang nagtaka sa sinabi ni Theron. Pero ang pagtataka ay napalitan ng inis.
At pinagpapantasyahan mo rin siya sa panaginip!
She hated it that she couldn’t read his mind katulad ng kakayahan ni Helios. Pero siguro ay tama na rin na hindi niya kayang gawin iyon. Surely, masasaktan siya kung sakaling nagagawa niyang mabasa ang iniisip ng mortal na ito.
Oh, damn it!
Bakit kailangang may epekto sa kanya ang sasabihin, gagawin at iisipin ni Theron. Kung ang kanyang pinagmulan ang dahilan ng mga iyon, hindi ba dapat na tungkol lang sa skinship and sex desire ang may epekto sa kanya? Her descent was some kind of a powerful hybrid incubus. `Yon ang palagay niya base sa mga sinabi ng kanyang biological mother kung paano siya nabuo.
Nang maramdaman ni Lori ang paghakbang ni Theron palapit sa kanya ay naalarma siya. Marahan ding humakbang palapit sa may bintana para makadistansya mula kay Theron. She should make a distance from him dahil patindi ng patindi ang pagkasabik niya sa amoy ng blood energy nito at sa naglalagablab na alindog ng lalaki. Ganoon din, ang matinding emosyong nagagawa nitong buhayin sa loob niya. Na talagang nagpapahirap sa kanyang pakitunguhan ang sarili.
In one more step backward, nasa tabi na siya ng panel window. Natapakan rin niya ang nakatalukbong na puting tela sa iron rod na sabitan ng kurtina. At sa lalong pagigilalas ni Lori ay humulagpos ang kurtina paalis sa iron rod. Nawalan ng tabing ang panel window at pumasok ang liwanag sa madilim na silid. Napatili siya sa pagkagulat at naiharang sa mukha ang mga braso para maprotektahan sa liwanag. Masusunog siya sa araw!
“Lori!” sigaw ni Theron na inisang hakbang siya para mailayo mula sa bintana.
Nakahanda na siya sa pag-iwas sa araw nang may matuklasan. Kumawala si Lori sa masarap at mainit na bisig ni Theron. Wala siyang maramdamang mahapdi sa balat. Wala siyang maramdamang kakaiba maliban sa nasisilaw siya sa liwanag.
Humakbang si Lori palapit sa bintana nang hablutin ni Theron ang isang braso niya.
“What are you doing, you crazy vampire!” pasitang pigil nito sa kanya.
Pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak ni Theron at marahang sinubukang itapat ng paunti-unti sa araw ang isang kamay niya, hanggang sa maging buong braso na ang naka-expose sa araw.
“H-hindi ako nasusunog…” Halos wala sa sariling sabi ni Lori. “Bakit hindi ako nasusunog?” Takang-takang pa rin siya.
Nahagip ng tingin niya ang anulum commode na suot sa palasingsingan. Posible bang kasama iyon sa mga convenience na naibibigay ng ring band? Bakit hindi niya agad natuklasan? Hindi na sana niya kinailangang manggamit ng ibang katawan.
“I can’t believe this!” narinig ni Lori ang namamangha ring sambit ni Theron.
Hindi niya alam kung sobrang natutuwa lang ba siya o ano. Mas dapat sigurong sabihin na nagulantang siya sa bagong tuklas na kakayahan. She can walk by day without fearing the sun!
“This is real!”
Sa matinding bugso ng excitement at masayang damdamin ay naitapon ni Lori ang sarili payakap kay Theron. Nagulat yata ang mortal dahil napasinghap ito. Pero mabilis ding yumakap sa kanya.
“You are cold yet soft,” bulong nito sa kanya. At mabilis na naglakbay sa katawan ang nag-aapoy na pakiramdam na hatid ng mainit nitong hininga.
Noon siya nakabalik sa katinuan at mabilis na lumayo rito. “Sorry. I was just carried away.”
“Okay lang. Mas maganda kung lagi kang ma-carried away. At sisiguruhin kong sa mga pagkakataong ganoon, nasa harap mo ako.” May pilyong ngiti na napunit sa mga labi ni Theron.
Tinalikuran niya ito bago pa muling magpaapekto. Hindi pa rin siya makapaniwala sa bagong tuklas na kakayahan. Lumapit pa siya sa bintana para siguruhin ang natuklasan. Nagagawa niyang silipin ang papalubog na araw pero hindi pa niya nasubukang masinagan noon, maliban ngayon. Nilakihan niya ang kanina ay maliit na siwang ng panel window at ibinilad sa braso ang balat. She was sparkling in her amazement. At hindi iyon normal sa paningin ng mga mortal. Hindi pa rin siya pwedeng maglakad sa labas na parang isang normal.
“It’s okay. We can do something with that.”
Nilingon ni Lori ang nagsalitang si Theron. Nakangiti ito sa kanya na parang nahuhulaan ang nasa isip niya. She just nodded. May pakiramdam siya na kahit delikado ang gusto niyang lumabas at makisalamuha sa tao, gusto pa rin niyang subukan. Hindi rin niya maunawaan kung saan nanggagaling ang pakiramdam na gusto niyang humalo sa kalakaran ng mundo ng mga itinuturing nilang pagkain.
“HINDI mo ako matatakasan! Dumating ka sa mundo dahil sa akin at para sa akin!”
Pabalikwas na bumangon si Lori. Panaginip… panaginip lang pala. O tamang sabihing bangungot.
Nasa kawalan siya. May sumisigaw at humihingi ng tulong pero hindi niya makita. At sigurado siyang kanya ang boses na iyon ang humihingi ng tulong. Pero nandoon siya at nakatayo. Bakit niya naririnig ang sarili na humihingi ng tulong? Ramdam niya ang matinding takot sa sariling boses. Takot na hindi niya alam kung ano ang pinagmulan.
Nanindig ang mga balahibo ni Lori nang maalala ang boses na sumisigaw rin, parang sinasagot ang kanyang pagmamakaawa. Malakas na dumadagundong mula sa kung saan ang tinig. Ang halakhak niyon, nakakapangilabot na hindi na gugustuhing marinig ng kahit na sino.
Sino ang nilalang na iyon? At bakit sinasabi nitong para lang siya rito?
Si Astryd!
Naalala niya ang mangkukulam. May alam ito sa kanya. Posible bang masagot nito ang mga tanong niya? Ang panaginip na iyon na dati pang gumugulo sa kanya, hindi niya pinagtuunan ng pansin dahil marami rin siyang dapat unahin. Pero ngayon, sobra-sobra na ang panggugulo sa kanya na tuwing ipipikit niya ang mga mata, parati niya itong naririnig. Pati ang kanyang sarili.
O isa ba iyong senyales na may nagbabanta sa kanyang panganib?
Lumabas ng silid si Lori. Kailangan niyang pumunta sa Zamboanga. Kailangan niyang makausap ang mangkukulam. Natatandaan pa niya kung saan ito nakatira. At matagal-tagal na rin itong hindi nakakapag-astral travel dahil hindi niya ito nakikita sa kabilang dimensyon.
“Saan ka pupunta, Lori?” Si Helios na nasa kabilang wing ng second floor. Nandoon din kasi ang silid na gamit nito.
“May aasikasuhin lang ako.”
Tinitigan siya ng nakatatandang kapatid. Inilayo naman niya ang mga mata mula rito. “Sasamahan kita,” deklara nito sa tonong hindi siya pwedeng tumanggi.
“Huwag na. I can manage, Helios.”
“We noticed, lately, masyado kang preoccupied. At nag-aalala kaming lahat sa kung anumang bumabagabag sa `yo. Ang mga bagong tuklas mong kakayahan na wala sa amin, alam naming gusto mong hanapan ng kasagutan,” sabi nitong nagsimulang maglakad palapit sa kanya.
Nakapamulsa sa denim ang dalawang kamay at kalmadong-kalmado. Just like the usual Helios she knew. Kaya iniisip niya kung totoo bang nababagabag ang mga ito sa mga ikinikilos niya. Isang bagay na gusto niya kay Helios, binibigyan siya nito ng privacy sa mga iniisip niya. Hindi nito binabasa ang laman ng utak niya at hinahayaan siyang kusang sabihin sa mga ito ang gusto lang niyang sabihin.
“Isa lang naman ang sagot doon, `di ba?” Malalim na humugot siya ng hininga. “Iba ako sa inyo. Hindi n’yo ako katulad. Hindi na ako dapat na nagtataka kung bakit marami akong pagkakaiba sa inyo.”
Tumiim-bagang si Helios, mukhang hindi nagustuhan ang sinabi niya. Pero sinabi lang naman niya ang totoo. “Hanggang ngayon ba naman Lori, hindi mo pa rin tanggap na pamilya mo kami?” May hinanakit sa tinig ni Helios. At nakumpirma niya ang bagay na iyon nang sandaling gumuhit ang hapdi sa mga mata nito.
Gusto niyang makonsensiya. Halos limang dekada na siyang kinukupkop ng mga Monfort. Anim na dekada na siyang umaakto sa papel ni Lori bilang kapatid ng mga ito, at hanggang ngayon, hindi pa rin niya lubusang mayakap ang pagiging si Loridee Monfort. Dahil hindi niya kayang basta talikuran na lang ang totoong siya…
Ang identity niyang hindi niya alam kung ano o sino nga ba.
“I’m sorry.” Nagsimulang mag-init ang gilid ng mga mata ni Lori. “Gusto ko lang namang hanapin ang totoong ako. Bawal ba `yon, ha, Helios?”
“Hindi sa ganoon—”
“Eh, di hayaan n’yo ako!”
“At iniisip mo na ang mangkukulam na iyon ang daan para mahanap mo ang sarili mo, ha?”
Nanlisik ang mga mata ni Helios sa galit. Ganoon na lang ang poot ng mga ito sa mangkukulam. Hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil nahukay noon ang nakatago na niyang bahagi.
At gusto rin niyang alamin ang sagot sa lahat ng katanungan patungkol sa sarili. Hindi naman siguro iyon pagtatraydor sa mga Monfort. Gusto lang niyang hanapan ng sagot ang mga tanong niya.
“Kilala niya ako. Alam niya ang pinagmulan ko. Pahapyaw na niyang nasabi sa akin pero marami pa rin akong hindi maintindihan. Please. Let me find the answer to every question I had. Dahil pagod na pagod na akong manghula.”
Hindi niya ugaling makiusap. Usually ay wala siyang emosyon kapag nakikipag-usap sa pamilya. Pero sa pagkakataong ito, gusto niyang iparamdam sa kapatid na nahihirapan na siya sa sitwasyon niya. Napakahirap mamuhay na hindi mo alam kung sino ka. Na alam mong pinapangatawanan mo lang ang isang identity na hindi naman ikaw, pero sarili mong identity, hindi mo kilala.