KAILANGANG maghanap nina Theron at Lori ng lugar na secluded sa nakakarami pero malapit sa mataong lugar. At siyempre, kailangan niya ng approval ng bampira bago bumili ng property. Best place nga pala ang nabubulok na mansyon na pag-aari ni Jerome Carriedo. Iyon nga lang, mahirap kausap ang lalaki. Hindi naman sa hindi niya kaya ang mas pinataas na presyo nito pero isang katangahan na kasi kung kakagat siya sa pain nito. Kaya kahit anong pagwawala ni Lori habang bumubulong sa kanya ang astral form nito ay hindi siya nakipag-deal. Ngayon, nasa mataas na bahagi sila ng Rizal. Malapit nang gumabi at wala pa ring silang nahahanap.
“It’s your fault! Kung pumayag ka na lang sa gusto ni Jerome, eh, di wala na tayong problema.” mayamaya ay talak ni Lori.
Kasalukuyan nang tumatakbo ang sasakyan sa malinis na kalsada. Nagbuntong-hininga si Theron.
“You know? Kaya ka ginagago ng walanghiyang iyon, kasi kitang-kita sa `yo kung gaano mo kagusto ang property niya.”
Totoo naman. Kung hindi nito kinulit nang sobra si Jerome, eh, di sana, nakuha nito ang property sa mas mababang halaga. Wala na itong problema. Too bad, tuso ang Jerome Carriedo na iyon. At papataasin nito ang presyo ng maraming beses dahil alam ng lalaki na kahit gaano kamahal ay bibilhin pa rin.
“One thing you must know, humans were clever, too. Hindi lang kayong mga bampira,” dagdag pa ng binata na palagay niya, ipinagkibit-balikat lang ni Lori dahil wala siyang narinig na sagot mula rito.
Ipinarada ni Theron ang sasakyan sa harap ng malaki pero medyo luma na ring bahay. Iyon ang ancestral house ng pamilya De Juego. At dahil wala sa bansa ang mga magulang ng binata, ang isang kapatid naman niya ay may sarili nang pamilya, wala tuloy tumitira doon. Once a week na lang iyon dalawin ng caretaker at mukhang mapuputol na rin ang pagpunta roon kapag pumayag si Lori sa plano niya.
“Baba na,” sabi niya maski hindi nakikita ang kausap.
Kung may makakakita sa kanya, iisiping nababaliw na siya. Bumaba si Theron ng sasakyan. Sinalubong agad siya ng caretaker na mukhang kasalukuyang naglilinis sa loob. O kung hindi man ay tapos na.
“Ano’ng ginagawa natin dito?”
Hindi niya pinansin ang boses ni Lori sa halip ay dumeretso sa caretaker na ngiting-ngiti sa kanya habang nagsasara ng gate.
“Napadalaw kayo, Sir? Maigi at kakatapos ko lang maglinis sa loob.”
“Salamat, Mang Ernest.” Tango niya sa matanda na nasa katanghaliang edad na. Medyo kuba na ito, siguro dahil sa kakabuhat nang mabibigat. “Sisilip lang po ako at baka magtampo na si Lolo sa akin.”
“Kuh! Bata ka! Patahimikin mo na nga ang Lolo Haji mo!”
Tinawanan lang ni Theron ang pananaway ng matanda. Doon siya lumaki. Doon sa bahay na iyon matagal na tumira ang lolo niya. At hanggang sa huling buhay nito, walang ibang bukambibig kundi ang fiancée na maagang namatay.
“May kailangan ka ba? Bago ako umalis at nang maihanda ko na.”
Umiling si Theron. “Wala na po. Salamat.”
“O siya. At ika’y maiwan ko na diyan?”
“Sige po.”
Nang iwan na siya roon ng matandang katiwala ay dumeretso na rin siya sa loob ng malaking bahay. Ramdam niya ang kasama na sumusunod lang sa kanya.
Halos walang ipinagbago ang lumang bahay maliban sa madilim sa loob. Sarado kasi ang mga blinds at kurtina ng mga panel windows. Halos walang hanging pumapasok.
Binuksan niya ang isang ilaw sa may sala. Kung nasaan ang mga muwebles nang huling tumira sila roon ay nanatili pa rin doon. Pati mga paintings at mga lumang gamit. Siguradong pati ang mga gamit ng Lolo Haji niya ay nasa kwarto pa rin ng nasirang abwelo.
“Ano bang ginagawa natin dito? Kaninong bahay ito?” Narinig niyang tanong ni Lori.
Nakaramdam siya ng eeirie effect dahil bukod sa madilim ang ibang bahagi ng bahay, tahimik na tahimik. Pagkatapos ay biglang may magsasalita sa kanyang tabi na hindi naman niya nakikita.
Ah! The place was really perfect for Lori’s family. Madilim at tahimik.
“Okay na ba sa `yo ito? Palagay mo, papayag na ang pamilya mo na dito muna kayo habang hindi pa isinusuko ni Jerome ang property niya? Kasi alam ko, sooner or later, kapag wala nang nangulit sa kanya para bilhin ang property, ibebenta rin niya iyon. Sa mas mababang halaga.”
Wala siyang narinig. Napabuntong-hininga tuloy si Theron. Iyon ang mahirap sa kausap niya, hindi niya nakikita. Hindi niya tuloy alam kung ano ang reaksyon nito.
“Kanino bang bahay ito?” mayamaya ay tanong nito.
“Sa pamilya ko.”
Hinablot ang puting tela na nakatalukbong sa couch at naupo roon.
“Nasaan ang pamilya mo?”
Mababa na ang tono ni Lori sa kanyang pandinig. At ikinaigkas iyon ng kilay niya. May pakiramdam siya na vulnerable ang bampira pagdating sa usaping pamilya.
“Abroad. Nag-migrate. Don’t worry, hindi pa sila babalik. Baka maraming taon pa. Or kapag naisipang magbakasyon. Siguro naman, sa mga panahong iyon, nasa kamay mo na ang property ni Jerome. At bakit ba kasi gustong-gusto n’yo ro’n? Marami namang pwedeng lipatan.”
“Kung alam mo lang kung gaano kahirap magpalipat-lipat ng mapagtataguan.”
Hindi napigil ni Theron ang mapakunot-noo. Dinig niya kasi ang lungkot sa boses ng hindi nakikitang nilalang.
“Halos isang dekada kaming palipat-lipat ng lugar. Nag-a-adjust sa bawat pagkutaan namin. Hindi ganoon kadali. Lalo pa at nagkalat ang mga soul sucker. Ang pakikipagkompetensiya sa kanila para makakain, nakakaubos na ng lakas, paano pa `yong paghahanap ng pagkain? Noong lumipat na kami sa bulok na mansyon na iyon, naging mas madali ang lahat. Bihirang mga soul suckers ang nagagawi sa lugar na iyon. At bukod doon, mas maraming source of food. Madali rin kaming nakapag-adjust doon. Isa pa, settled na settled na ang pamilya ko roon. Ang hirap kung lilipat na naman kami.”
“Pero madali lang naman para sa inyo ang sumampa sa mga astral planes, `di ba?”
“Oo nga. Pero ikaw ba, kapag na-attach na sa `yo ang isang lugar, madali ba `yong iwan para sa `yo?”
Natigilan si Theron. Hindi rin naman nga madaling umalis sa lugar na napamahal na sa kanya.
“Don’t worry. This is temporary.” At hindi napigilang lagyan ng concern ang sariling boses, which was new. Concern ba talaga siya sa bampira at ngayon ay patitirahin niya roon ang angkan nito? Sa tahanang punong-puno ng masasayang alaala noong kabataan niya?
“Pwede na ba kaming lumipat mamayang gabi?” Mayamaya ay nadinig niyang tanong ni Lori.
“Kahit ngayon, pwede na.”
“Idiot. May araw pa, eh, di nasunog sila.”
Natawa na lang si Theron. Ni hindi niya napansin ang ginamit nitong pantukoy.
KAHIT gusto pang tumutol ni Lathan sa plano, napapayag din ito. Dahil na rin sa pang-eengganyo ni Scylla. Mabuti at nandoon ang girlfriend ng kapatid niya. Kung hindi, hindi sila mase-settle sa paglipat sa gabing iyon. Kailangan na nilang lumipat. Lalo pa at kanina ay dumalaw na naman doon ang broker ni Jerome at may dalang kliyente. Kapag palaging ganoon, nanganganib na talaga na ma-expose sila sa mga tao.
Pwede namang bilhin iyon ni Scylla. Pwedeng ang babae na ang gumawa ng ginagawa ni Lori. But Lathan wouldn’t allow that. Hindi nito matatanggap na ang girlfriend ang magpo-provide ng tutuluyan nila. So, she didn’t have any choice but to do it herself. Besides, sa kanilang lahat, siya lang ay may kakayahang pumasok sa katawan ng mortal.
Hanggang sa paglilipat nila sa Rizal ay kasa-kasama si Scylla. Na medyo ikinabahala ni Lathan dahil alam nilang lahat na masusundan at masusundan sila roon ng mga Avergou, ang mahigpit nilang kaagaw sa pagkain.
Ah, kahit naman saan ay nandoon ang mga ito. Talagang binubuwisit lang sila na kung sino ang malalakas ay doon pumupuwesto sa kung nasasaan sila.
“What makes you accept Theron’s offer? The last time we talked, I thought you wanted to ditch him, already?”
Nalingunan ni Lori si Scylla. Nasa pinto sa paglabas sa second floor veranda, nakahilig ang likod sa may hamba habang magkakrus ang mga braso sa tapat ng dibdib.
Ang mga Monfort, naglilibot sa bago nilang lungga sa palibot ng lugar. Mukhang pinag-aaralan kung saan ang panibagong ruta at puwesto nila para makapag-hunt. Sigurado kasing may mga Avergou sa paligid. Ibinilin sa kanya ng mga ito si Scylla. Pero nasa ibaba naman si Axyl at nakikiramdam sa paligid ng malaking bahay.
Malawak din ang solar niyon at medyo malayo sa kapitbahay. Kaya hindi na rin nakakaalarma ang security nila. Ang problema na lang ay ang caretaker na weekly kung maglinis doon.
“Well,” kibit-balikat ni Lori. “Mabait naman ang kaibigan mo. And since, kaibigan mo nga siya, walang masama kung magtiwala kami sa kanya, hindi ba?”
“But he hates your kind. Alam mo `yan. Paano kung may ibang pakay sa inyo si Theron? Lately, nagtatanong na siya ng kung anu-ano patungkol sa `yo.”
“He is a spell-wizard and was curious in our world. Siguro gusto lang niya pag-aralan kung paano kami mamuhay.”
“At okay lang sa `yo? Sa inyo?”
“Tinutulungan niya kami.” Gusto niyang mainis kay Scylla. Ano ba ang gusto nitong palabasin? Bakit pakiramdam niya gusto siya nitong palayuin kay Theron? Hindi kaya, may damdamin ito sa dating manliligaw?
Pasimpleng ipinilig ni Lori ang ulo. Imposible iyon. Ang kapatid niya ang pinili nito, kasukdulang ipahamak nito ang sariling buhay. Pero bakit ganito ito mag-react ngayon?
Scylla sighed gently. Ibinaba ang mga brasong magkakrus at tahimik na naglakad palapit sa kanya. Concern laced in her eyes. Kung para kanino ang concern, hindi niya alam. Pero may pakiramdam siya na may alam na si Scylla patungkol sa kanya. Siguro, sinabi ni Lathan.
Damn that brother of her!
“Theron was a nice guy. Pero hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Lalo pa, marami siyang alam na spells and chants, that can harm all of you.”
Hinarap ni Lori si Scylla. “So, what are you trying to say?”
Napasinghap si Scylla sa pagmamaldita niya. Napaurong pa ito nang dalawang hakbang. She knew Scylla was just trying to reach on her, she was trying to befriend her. Pero hindi na niya gustong dagdagan pa ang mga nakakapasok sa buhay niya. Tama na ang mga Monfort. The rest should stay out of the line.
“I-I just w-wanted to warn you.” May halong takot na sambit ni Scylla. “Pwedeng may motibo si Theron sa ginagawa niya. I know, ang sama kong mag-isip sa kaibigan ko. But, why all of a sudden bigla niyang inilalapit ang sarili niya sa mga nilalang na kinasusuklaman niya?”
Scylla has a point. Bakit nga ba ginagawa ni Theron ang lahat ng iyon? Bakit siya nito tinutulungan? May masama ba itong plano para ubusin ang angkan niya?
“I-I was just trying to warn you. Hindi iisang beses na napahamak si Lathan sa mga spells at kaalaman ni Theron. Pwede kang... mapahamak din, kahit hindi sinasadya ni Theron na gawin.”
She had to be so wary.
Dati naman siyang maingat. Dati siyang hindi basta nagtitiwala. But with Theron, she felt there was nothing to worry about… lalo pa pagdating sa security nila.
Ano ba talagang gusto mo, Theron?
“I am just worried. To both parties. To your family and to Theron. He likes you, so much. I can see it. There’s this passion and longing and need mirrored in his eyes the way he looks at you. There was gentleness in him when it comes to you. Pero paano kung malaman niya ang tungkol sa `yo? At hindi niya matanggap. Pagkatapos ay makagawa siya ng bagay na ikapapahamak n’yo dahil nasaktan siyang malaman kung ano ka talaga, Lori?”
Napatiim-bagang si Lori. So, Scylla knew her already. Pero mas nag-focus siya sa sinabi nito. Paano kung tama si Scylla? Hindi naman siya ganoon ka-dense para hindi maintindihan ang ibig sabihin ng mga ikinikilos ni Theron. The man must be attracted to her. Madali lang basahin ang mga tao, at `yon ang nakikita niya sa binata ngayon. Pero hindi tama ang lahat ng iyon. He can’t like her when she didn’t even know how to like herself, either. At sinong sarili ba ang tinutukoy niya? Ang Lori na ginagamit niyang identity o ang kumokontrol ng identity na iyon?
And now, she was back in confusion.
Kung minsan, gusto niyang magsisi na ini-expose niya ang sarili sa lalaki. But it was his fault, too. Kung hindi ito nagpakalat-kalat sa harap niya, at hindi ito naging ganoon kaakit-akit, hindi siya lalapit dito.
At hindi sana siya darating sa punto na gustuhing hanapin ang sarili. Hindi sana siya maliligalig at maghahangad na i-separate ang ginagamit na katauhan sa kung sino ba talaga siya.
Dahil paano niya magagawang hayaan ang sarili na magmahal at mahalin kung hindi naman niya kilala ang sarili? Kaninong katauhan ang ii-involve niya kay Theron?