MAGDADALAWANG buwan na magmula ng mangyari iyon. Noong magpakita kay Theron ang babaeng walang mukha. At magdadalawang buwan na rin na hinahanap niya si Lori. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta at ang pamilya nito. Nang balikan niya sa itaas ang bawat silid matapos halughugin ang buong ground floor kasama na ang bakuran, na kahit imposibleng puntahan ng babaeng bampira ay hinalughog niya. Pero wala. Nang balikan niya ang silid ni Lolo Haji ay wala na roon si Lori.
At bakit nga ba niya naisip na si Lori iyon? Hindi ang tipo ni Lori ang magtatanong ng mga bagay-bagay patungkol sa buhay ng mga tao malibang may kaugnayan dito. At imposibleng may kaugnayan si Lori kay Lolo Haji. Normal na tao ang lolo niya na nagbago lang dahil sa nangyari sa dating fianceé. Parang siya.
Pero bakit hawak ng babaeng `yon ang picture nina Lolo Haji at Selena, na sa totoo lang ay luma na? Kulay-dilaw na nga at malutong na ang papel. Ni hindi niya iyon napansin sa album. Kunsabagay, hindi naman siya mahilig magbuklat ng album at mga gamit ni Lolo Haji.
Pero sino ang babae? Bakit wala itong mukha? O bakit nakopya nito ang mukha ni Lori? Mga soul sucker lang ang kilala niyang marunong mangopya ng mukha. At ni hindi niya naramdaman ang panganib habang kasama ang babae. Akala niya talaga, si Lori iyon dahil ganoon kabilis ang pintig ng puso niya kapag nasa malapit ang bampira.
Gusto tuloy niyang malito. Ano ba ang nangyayari?
Ngayon, nasa harap na naman siya ng ancestral house. Wala na roon ang mga bampira pero hindi pa rin niya regular na pinapupunta ang caretaker. Iniisip kasi niya na baka bumalik ang mga Monfort at matakot ang tagapangalaga ng bahay.
Nagbuntong-hininga si Theron at pumasok sa loob. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang umasa kahit alam niyang wala na roon sina Lori. Hindi niya ito mahanap sa kahit saang astral planes tuwing mag-a-astral travel siya. Nawala na rin ang pakiramdam na may nagmamasid sa kanya sa gabi o habang natutulog. Kung kalian nagsimulang mawala, ni hindi niya namalayan. At mas ikinatatakot niyang nawala ang presensiyang iyon. Dahil sigurado na siyang si Lori ang bisita niya sa bawat gabing iyon. Mas nakakatakot na hindi na niya maramdaman ang presensiya ni Lori. Ngayon niya napatunayan sa sarili na kontento na siyang maramdaman si Lori, kahit hindi niya ito makita. `Yong maramdaman at masiguro lang niyang nakakasama niya ito ay masaya na siya. Kaya lang, ngayon, hindi na nga niya ito nakikita, hindi pa niya ito maramdaman. Ang hirap-hirap pala.
Sobra.
Umakyat si Theron sa ikalawang palapag ng malaking bahay. Bahagyang nakaawang ang pinto ng silid ni Lolo Theron. Hindi niya siguro naisara nang maayos. Pumasok siya roon. At kung ano ang hitsura ng kwarto noong huli siyang pumasok ay ganoon pa rin hanggang ngayon.
He sighed, once again. He felt so exhausted. Hindi lang sa biyahe kundi maging sa dalawang buwang paghahanap. Kahit ilang beses niyang sinabi na titigilan na iyon, natatagpuan na lang niya ang sarili na hinahanap pa rin si Lori. Hindi magsalita si Scylla. Alam niyang may koneksyon ito at si Lathan. Pero malakas ang bampira. Nagagawa nitong itago sa kanya ang presensiya kaya hindi niya ito maramdaman kapag lumalapit kay Scylla.
“I told you not to indulge yourself to her, Theron,” sabi ni Scylla na parang naninisi pa.
“Ano’ng alam mo na hindi ko alam? Bakit sila umalis sa bahay ko?” nalilitong tanong niya, hindi inintindi ang sinabi ni Scylla. Gusto na niyang mataranta dahil parang nasa losing point na siya ng paghahanap.
“Lori had a lot of personal issues. Just let her be.”
“Let her be? Hindi ko kaya!” asar na sambit ni Theron. He felt hopeless. “Kung hindi sana siya nagpakita sa akin, kung hindi sana siya nagpakilala sa akin, hindi sana ako magkakaganito!” Bakas ang hinanakit sa boses ni Theron.
Mula nang makilala niya si Lori, parang hindi na niya kilala ang sarili. Ginagawa niya ang mga bagay na ni sa panaginip, hindi niya naisip na gagawin niya—ang bumuntot parati sa babaeng bampira. At masaya niyang ginagawa iyon kahit na mapahamak pa siya.
“You don’t understand, Theron.”
“Ano ba ang hindi ko naiintindihan?!”
Tuluyan nang nanahimik si Scylla at wala na siyang mapalang impormasyon dito. He was puzzled, yet desperate.
Sa kadesperaduhan, minsan, gusto niyang akitin si Scylla para magalit si Lathan at magpakita sa kanya.
But his charm won’t work in her. Was he loosing his touch? O talagang kahit minsan ay hindi naakit sa angking kakisigan niya ang dalaga.
Nasaan ka na ba, Lori? Gusto kitang makita. Makasama. Maramdaman. I really missed you, love...
Isa na namang buntong-hininga at dumausdos siya sa ibabaw ng kama. May makirot na bahagi sa loob ni Theron. At hindi alam ng binata kung paano ba gagamutin iyon.
Inabot niya ang picture frame ni Lolo Haji sa ibabaw ng chest of drawers, saka tuluyang nahiga sa kama.
“What am I going to do now, Lolo?” pagkausap niya sa picture. “Gusto ko nang mapagod. Honestly, pagod na ako sa pagtawid sa kabila. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Gusto ko pa ring umasa. Mahal ko na siya, Lolo. Alam ko, sa unang pagkikita namin, minahal ko na si Lori. There was something in her aurae that made my heart leaps with joy. Kahit hindi siya magsalita, kahit magtitigan lang kami, kontento na ako.” Malungkot na napangiti si Theron habang inaalala ang ilang pagkakataon na nagkasama at nagkaharap sila ng bampira. Mabibilang sa daliri ang mga eksenang iyon. Pero hindi niya kayang ipaliwanag ang pakiramdam sa bawat sandaling iyon ng kanyang buhay. That was the greatest moment he had in his entire life. O baka nga hindi sapat ang salitang greatest para i-describe ang nararamdaman niya sa mga pagkakataon na iyon.
“Hindi ko ito naramdaman sa iba kaya sigurado akong iba siya. If the feeling I had felt for Scylla was considered as love, then I am sure, this love I had for Lori was miles greater than I felt for Scylla. This feeling was infinite, no any boundaries. I am sure of it, Lolo. I can trade anything I had, even my life, just to be with her again. So, please help me. I need to find her. I want to find her...”
Bumuntong-hininga siya kasabay ng pag-agos ng mga luhang hindi niya namalayang namuo na pala sa gilid ng kanyang mga mata. Why, he felt miserable while waiting for the time that he will see Lori again. Kung nabubuhay siguro si Lolo Haji, mas magiging madali ang pag-intindi niya sa sarili. Hirap na hirap na siyang makipag-deal sa sarili. He tried to command himself to be fine. But he can’t. Paano siya magiging okay kung ang nag-iisang dahilan para maging maayos na siya ay nawawala pa rin?
“`Lo, have you ever felt this kind of feeling towards a woman, despite of your differences?”
Darn! Ano ba’ng ginagawa niya? Hindi naman na sasagot ang lolo niya. Hindi na nga ito nagpapakita sa mga panaginip niya. Baka nakatawid na ito. Hindi na kasi siya kinukulit ng matanda. Pero kahit hindi na siya ginugulo ni Lolo Haji, hindi na naging normal ang buhay niya. Hindi na niya magawang makabalik sa normal na pamumuhay dahil hindi na niya gustong iwan at kalimutan ang kabilang mundo. Dahil nandoon ang babaeng mahal niya.
Ibinaba ni Theron ang picture frame, saka nakipagtitigan sa kisame hanggang sa hilahin siya ng antok. Maging sa pagtulog, si Lori at kung paano niya ito hahanapin ang nasa isip niya.
“THERON... Theron...”
Naalipungatan si Theron mula sa pagkakatulog. Ah, nakatulog pala siya habang pinag-iisipan ang maraming bagay tungkol sa kanyang buhay. Ni hindi na niya namalayan. Babangon sana siya pero hindi niya magawang kumilos. And it was as if he felt someone was coming near him.
Theron... Hijo. At naririnig niya ito. Kanina pa niyang naririnig ang boses na iyon na tumatawag sa kanya.
Naramdaman niya ang presensiya ng kung sino na malapit na sa kanya. Aware si Theron na tulog siya pero alam niya ang nangyayari sa paligid. He can even feel his Lolo Haji beside him. Nakatayo ito sa harap niya at pinapanood siya.
God! He was in a lucid dreaming state! Dapat na siya ang kokontrol sa panaginip niya. Kaya niyang gawin iyon. Pero hindi niya ginawa. He wanted to know what Lolo Haji was going to do next. O kung may sasabihin ba ito. Gusto niyang marinig. Nararamdaman kasi niyang may kailangan siyang malaman. At may kailangan din siyang itanong.
“What is it, Lolo?” tanong niya gamit ang isip. Inunahan na niya si Lolo Haji. Hindi ito magpapakita sa kanya kung wala itong pakay.
“Sobrang nalilito na ako, Lolo, pabuntong-hiningang dagdag niya nang wala siyang makuhang sagot mula rito. “May gusto akong itanong sa `yo pero hindi ko alam kung ano.”
Nakakalito nga siguro siya. Dahil maski siya hindi niya maintindihan ang sarili. May gusto siyang malaman tungkol kay Lori, pero hindi niya eksaktong alam kung ano ba ‘yon.
“I know, hijo,” sabi nitong bahagyang tinapik ang balikat niya. “Gusto mong malaman kung ano ba ang meron kay Lori. Sa mga nasaksihan mo, hindi mo na alam kung sino o ano ba si Lori.”
“So, you know her.”
I did.” He sighed and gently smiled at him. “I know everything about her, hijo.”
Hindi na siya nabigla sa bagay na iyon. Ano ba ang hindi pwedeng malaman ng isang kaluluwa?
“Sabihin mo sa akin kung ano ba ang mga alam mo, Lolo.”
Umiling si Lolo Haji. May ngiti sa mga labi pero magkahalong lungkot at saya ang meron sa mga mata nito. At hindi niya akalaing pwede palang sabay na makita ang magkaibang pakiramdam sa iisang pagkakataon.
“You should know it by yourself, Theron. Pero isang bagay ang napakahalaga at gusto kong sabihin sa `yo. Huwag mong susukuan ang paghahanap sa kanya. And if you found her, marry her... make her your wife to save her. And to save Selena.” Puno ng pag-asam at pakiusap ang boses ni Lolo Haji.
“What do you mean, Lolo?” Napupuno ng kalituhan si Theron. Parang hindi naman nabawasan ang mga alalahanin niya. Mas nadagdagan pa nga.
At kung alam ni Lolo Haji ang lahat patungkol kay Lori, alam na rin nito na magkaibang nilalang sila. Kaya imposible ang sinasabi nito.
But of course he was just a dream. Hindi totoo at tama ang naririnig niya.
At sino’ng niloko mo, Theron? usig ng isang bahagi ng kanyang pagkatao. Alam ni Theron na totoong narinig niya ang lahat ng iyon.
“Please, hijo... Alam kong napakalaki na ng naisakripisyo mo para tulungan kami ni Selena. Pati normal na takbo sana ng buhay mo, nagulo ko na. But please... sagarin mo na. Help us reunite once again.”
“But how?”
Ano ba’ng sinasabi ni Lolo Haji?
“Make Lori the real Lori and make her your wife.”
“Lolo, I don’t understand you...”
Ang gulo. Hindi kaya sa sobrang dami ng alalahanin niya ay hindi na kinaya ng kanyang utak at ang lahat ay naghalo-halo na? Baka tuluyan nang gumuho ang pader na naghahati sa realidad at imahinasyon niya. Baka tuluyan nang bumigay ang isip niya...
Nababaliw na yata siya!
“Find her and save her, Theron. That’s the only way para makatawid na rin kami ni Selena. And besides, alam kong mahal mo si Lori, apo...”
Magsasalita pa sana si Theron pero nawala na ang aura ni Lolo Haji. Tuluyan na ring lumiwanag ang kamalayan niya.
Pabiglang bumangon si Theron. He was just dreaming. Muli na namang nagpakita si Lolo Haji. Hindi pa pala ito nakakatawid hanggang ngayon. Ganoon din si Selena. Pero nasaan si Selena? Nalibot na niya ang lahat ng astral planes sa kabilang dimensyon ng daigdig. Nakaharap at nakasagupa na rin niya ang iba’t ibang uri ng nilalang doon. Marami ding lagalag na kaluluwa siyang nakaharap. Pero hindi niya nakita si Selena.
Nasaan ito?
O baka sadyang hindi nito gustong magpakita. Mahirap maghanap ng ayaw magpahanap. Kaya lang, ano ang posibleng dahilan at ayaw nitong magpakita?
At ang pinakamalaking tanong at palaisipan sa kanya ay ang sinabi ni Lolo Haji.
“Find her and save her, Theron. Iyon lang ang tanging paraan para makatawid kami ni Selena.”
Save her?
Bigla ang pagragasa ng matinding pag-aalala sa dibdib ni Theron nang tuluyang mag-sink in sa utak niya ang mga sinabi ng yumaong abuwelo. Nasa panganib si Lori!
Pabigla siyang umahon mula sa kama. Kailangan niyang mahanap si Lori kaagad. Pero paano at saan? Paano ba maghanap ng nilalang na sadyang ayaw magpakita?
Dali-daling lumabas ng bahay si Theron at sumakay sa kanyang kotse. Binabagyo ang dibdib at utak niya ng magkakahalong takot, pag-aalala at pagtataka. Pero mas nangingibabaw sa lahat ng iyon ang pag-aalala. Paano kung sa loob ng dalawang buwan na lumipas ay may masama nang nangyari dito? At napakawalang kwenta niya dahil heto siya at wala pa ring magawa!
Isa na lang ang lugar na hindi pa niya napupuntahan dahil inisip niyang imposibleng nandoon ang mga Monfort. Pero gusto niyang magbakasali. Kailangan niyang kumapit sa katiting na pag-asa. Iyon na lang ang pag-asang pwede niyang panghawakan para hindi sumuko sa paghahanap sa bampirang minamahal niya.
“GET OFF me! You, demon! You may rot in hell!”
Sa isip ay nagmumura na si Lori. Napahaba ang tulog niya. Dapat ay lumalabas na siya para pumuwesto sa lugar na nakalaan sa kanya pero hindi niya magawang gumising. Hanggang maramdaman niyang may dumagan sa kanya at lalo na siyang nahirapang gumising.
Pangalawang araw na iyon mula nang inumin ni Lori ang formula na ibinigay ni Alma. At pangalawang araw na rin na sinasalakay siya ng incubus yata iyon. She had won her fight last time. Pero ngayon, hindi niya alam kung magagawa pa niyang gumising.
Napakalakas ng incubus na nakadagan sa kanya. Nakakapangilabot ang pakiramdam na hatid ng mga palad nitong dumadama sa buong katawan niya. She was a dimensional creature. Hindi siya kailanman natakot sa kahit na sinong alagad ng dilim. Pero ang nangyayari sa kanya matapos ang isang malaking pasya—ang tuluyang angkinin ang katauhan ni Lori—ang mga pangyayaring iyon ang nagdadala sa kanya nang walang kapares na sindak.
“Hindi ka makakatakas sa akin... Akin ka... Akin ka lang. Sa sandaling makuha kita, sasama ka na sa akin at wala ka nang magagawa!”
Isang malakas na halakhak ang agad na nagpahilakbot sa buong kamalayan ni Lori. The incubus was really up to getting her. At ano ang sinasabi nito? Bakit siya pinag-iinteresan?
“No! Hindi mo ako makukuha! Hinding-hindi ako sasama sa `yo!” Gimbal at sindak na tili ng isip ni Lori.
Inubos niya ang lakas sa pagpiglas pero sadyang napakalakas ng incubus. Halos mawalan na siya ng pag-asa nang may maramdamang yumuyugyog sa kanya kasabay ng pagtawag sa kanyang pangalan. At kilala niya ang boses na iyon. Ang boses na kinababaliwan at kinasasabikan niyang marinig uli.
“Theron...”
“Hindi! Akin ka, Lori! Akin ka!”
“Theron, help me! Wake me up!” tili ng kanyang isip na para bang maririnig siya ng binata.
“Babalik ako! Babalikan kita at hindi ka makakatakas sa akin!”
Pabalikwas na bumangon si Lori nang maramdamang nawala ang mabigat at malakas na pwersang nakadagan sa kanya. Ganoon na lang ang pasasalamat niya na nagising siya sa nakakatakot na sleeping paralysis na iyon.
“Lori...”
Habol ang hininga ni Lori na napadaklot sa bedsheet niya habang nanlalaki ang mga mata sa hilakbot. Muntik na siyang mapagsamantalahan. Nararamdaman na niya ang kamay ng incubus sa maselang parte ng katawan niya nang marinig niya si Theron.
Sa magkakahalong sindak, depression at relief ay napabulalas ng iyak si Lori. Agad naman niyang naramdaman ang mga brasong biglang humapit sa kanya at ipinaloob siya sa isang mainit na yakap.
Hindi niya alam kung paanong sa mga sandaling iyon, malaki ang ikinapanatag ng loob ni Lori. Somehow, she felt protected. That no one can ever harm her again. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan siya mapoprotektahan ng maiinit na mga braso ni Theron.