Last Night's Fantasy (Compilation of Gothic Romance) Chapter 35

“SSHH. Tapos na. Binabangungot ka. Pero tapos na `yon...” Masuyong bulong ni Theron habang hinahagod ang kanyang likod. “God, Lori! I don’t know what to do anymore. Akala ko, hindi na kita mahahanap. Tinakot mo ako nang sobra noong umalis na kayo sa bahay nang walang paalam. At napaglaruan pa ako ng kung anong nilalang na ginaya ang mukha mo.” Bahagyang napatawa si Theron habang umiiling. “I am a fool to believe it was really you. Kuhang-kuha naman kasi ang karakter at aura mo. Ni hindi ko nagawang magduda na iba ang kaharap ko.”

Biglang pinanlamigan si Lori sa narinig. So, he really believed that the faceless entity was a different creature. At paano niya ipapaliwanag na siya rin iyon? Paano kung matakot na naman ito sa kanya?

Gumuhit ang magkahalong sakit at pangungulila sa puso ni Lori. Nang magdesisyon siyang umalis na sa poder ni Theron, wala pa silang lugar na malilipatan ng pamilya niya. Pero pinili niyang makalayo at makapag-isip nang hindi nito naaapektuhan ang desisyon niya. Gusto niyang kung gagawa siya ng desisyon para sa sarili ay dahil gusto niya iyon nang buong-buo, hindi dahil may mga paliligayahin siya. Gusto niya para sa kanyang sariling kaligayahan at hindi sa kapakinabangan ng iba.

Pero ang dalawang buwan na paglayo niya kay Theron at hindi pag-contact dito ay kasingkahulugan ng buong buhay niyang nakakulong sa impiyerno. Sa mga panahong iyon niya naunawaan ang mga paghihirap na pinagdaanan ni Lathan noong nasa magulo pa ang sitwasyon nito at ni Scylla.

Pero kinailangan niyang gawin iyon. Para sa kanyang sarili at para sa ikatatahimik nilang pareho ni Theron. And she was glad to find out that Marjayrie finally bought Jerome’s property. Hindi niya alam kung paano at ano ang nangyari. Pero lately, nakikita na niya sina Ailister at Marjayrie na magkasamang sumasampa sa astral planes.

She didn’t know why Marjayrie decided to enter their world and how she did that. Pero isa lang ang sigurado niya, masaya si Ailister na kasama ang mortal. Kaya lang, hindi niya sigurado kung makakaya ni Ailister kapag umalis na sa daigdig si Marjayrie. Her end was drawing near.

Pero hindi na niya nagawang malungkot para sa dalawa dahil may sarili din siyang pinagdadaanan. Ni hindi nga niya namalayan kung paano siyang naka-survive sa loob ng dalawang buwan. At nito ngang nakaraan lang, ginusto na niyang maging si Lori. Tinanggap na niya nang buo sa sarili na wala naman siyang ibang pupuntahan at hahanaping sarili dahil heto na nga siya. Nasa kanya na ang pagkakakilanlan na hinahanap niya. She was Lori. An adopted daughter of Monforts. An element turned into a dreamscape. She was now a crossbred astral vampire, hindi man siya pure blood, but at least she knew how to classify herself. At meron na siyang sarili na pwedeng ihandog sa lalaking minamahal.

She admits it finally. She loves Theron more than anyone could ever imagine. Ni hindi nga niya alam kung paano ilalarawan ang damdamin niya para sa mortal. Basta ang alam niya, nang una niya itong makita, tila ba nabuo na siya. Masyado siyang nilamon ng insecurities kaya ginusto niyang hanapin ang sarili. Because, it is so hard to love someone and she can’t offer anything. Not even herself. Sarili na lang nga ang mayroon siya ay nawawala pa.

Sa pag-inom niya ng formula galing kay Alma, agad niyang naramdaman ang koneksyon niya sa katawan ni Lori. She had finally claimed her new life and character. And this time, hindi na siya malilito sa sarili dahil konektado na ang silver cord niya sa physical body. She was finally a legal Monfort. Mas malakas at mas maabilidad. Pero kasabay ng lahat ng transformation ay damang-dama niya ang panganib na parang parating nakapalibot sa kanya. She could sense someone was always waiting a chance to devour her. At natuklasan niyang ang pagtulog ang paraan ng kung sino para makuha siya.

And now, she was afraid to sleep. Pero hindi rin naman siya pwedeng hindi matulog dahil hindi siya makakain.

“Lori? Did you hear me? I am asking you kung sino ang iniwan n’yo sa bahay na siyang humarap sa akin? At ginaya ka pa talaga. Soul sucker ba iyon o ano?”

Natigilan na naman si Lori sa tanong na iyon ni Theron. Paano niya sasabihin dito ang lahat? Paano kung iwan na siya nito nang tuluyan?

Kung noon, iyon talaga ang gusto niya, ngayon ay hindi na. Ayaw na ulit niyang mawala ito sa kanya. Ayaw na ulit niyang mabuhay ng miserable at parating may hinahanap. Gusto na ulit niyang maramdaman ang pagiging buo at panatag. Katulad ngayon...

Pero hanggang kailan ko ba maitatago ang totoo?

MARAHANG kumawala si Lori kay Theron habang unti-unting binubuo muli ang sarili.

“Paano mo nalaman na nandito na ulit kami? At paano ka nakapasok?” pagbabagong paksa niya. Ayaw niyang ientertain ang takot at pagkalito na bumabaha sa kanyang puso.

“Wild guess.” pabuntong-hiningang tugon ng mortal. “Hinanap na kita sa kahit saan, pwera rito. Nagbakasakali lang ako. At hindi naman mahirap pasukin itong mansyon. Nabubulok na ang mga locks at mga pinto. Pagpasok ko palang, narinig ko na may umuungol. Sinundan ko hanggang nakita kita sa ibabaw ng kama. sa `yo nanggagaling ang natatakot na uri ng ungol.” Magkahalong relief at bahagya pa ding pag-aalala ang nahihimigan ni Lori sa boses ng binata.

Sa isang sandali, parang gusto na namang magpakulong ni Lori sa maiinit at malalakas na mga bisig ni Theron. Gusto niyang maramdaman na protektado siya. Na kahit anong mangyari, nandito si Theron at tutulungan siya. Poprotektahan siya...

Sa mahabang panahon, nasanay si Lori sa pakiramdam na malakas siya. Pero magmula nang dumating si Theron sa buhay niya, hindi na niya maiwasang maramdaman na mahina siya. Na babae siyang may kahinaan, kailangan ng taga-protekta. At na hindi masamang maramdaman ang kahinaan na iyon. Hindi masamang maramdaman na may ibang nilalang na pwedeng maging malakas para sa kanya habang mahina pa siya.

For the first time in her entire life, ginusto niyang maramdaman na maging mahina at protektahan. Dahil sa totoo lang, pagod na pagod na siyang magpanggap na malakas siya at kaya niyang sagupain ang lahat ng bagyo na kanyang kakaharapin. Pero ang totoo naman, mag-isa niyang iniinda ang pagiging mahina. Self-pity kasi ang nararamdaman niya sa tuwing pagbibigyan ng mga kapatid. She felt they just pitied her when they show care for her. Dahil higit kanino, alam ng mga itong mahina siya.

But it was different when it came from Theron. Hindi niya alam kung paanong naipaparamdam ni Theron ang sarap ng pakiramdam ng pag-aalaga at pagprotekta kapag ganitong mahina siya. That he used to warm her heart whenever he protected her. At parang gustong sumabog ng puso niya sa matinding saya sa tuwing ipaparamdam ni Theron ang napakasarap na pakiramdam.

Either it’s for Lori or for the entity who control the body, wala na siyang pakialam. Isang bagay na natutunan niya nang tanggapin ang damdamin para kay Theron ay ang iisantabi ang kanyang pride and ego. Because it won’t do anything good to her. She is Lori and she claimed it already. Ang kailangan na lang niya ay magtiwala sa pag-ibig ng mortal at tigilan na ang pagdududa kung para kanino ang pag-ibig na iyon.

Na madali na rin niyang nagagawa ngayon. Maybe, two months of staying away from him do better. Dahil sa mga panahong iyon, na-realize ni Lori kung ano ang napakaimportanteng bagay na pinapakawalan niya noong iwan niya si Theron... Ang kanyang kaligayahan.

He is the main reason why she decided to take over with Lori’s body and identity, permanently. Hindi para paluguran ang binata but because she wanted to exist. She wanted to have a self to offer. At paano niya iooffer ang sarili kung malabo naman ang kanyang existence? She will remain no one if she wouldn’t get a permanent identity. Dahil habang hindi niya inaangkin ang katauhan ni Lori, mananatiling isa lang siyang nilalang na walang pagkakakilanlan.

At ngayon, wala siyang pinagsisisihan sa naging desisyon. Pero inaamin din niyang natatakot siya sa magiging kapalit noon.

“I am glad you were finally here, Theron.” Matamis ang ngiti niya sa binata habang pilit na isinasalya sa isip ang mga alalahanin.

Napansin niya ang pagkunot ng noo ni Theron. “You seems different, Lori. Is that really you? O pinaglalaruan ako ng kagustuhan kong makita ka na?”

Bahagyang natawa si Lori doon. “Why, yes. This is me.”

Nandilat ang mga mata nito. “Anong nangyayari? Bakit biglang marunong ka nang tumawa?”

She smiled at him again. She felt so light, so free. Siguro dahil hinayaan na niyang pakawalan ang sarili.

“At ngumingiti ka na rin ng totoo.”

She can imagine her eyes sparkling in happiness.

“I was just happy you are here again. Finally. And please, please Theron.” Inabot niya ang kamay nito. “Don’t let me go again. Kahit itaboy kita. Kahit maging malamig ulit ako sa `yo, please stay beside me. I am not aware that I often switch moods. Mare-realize ko na lang `yon kapag humupa na ang moodswings ko. I hope you can still deal with me...despite of that.” Nakaramdam si Lori ng bahagyang takot na baka, hindi ang gusto niya ang marinig na sagot nito. Dahil napakamakasarili ng gusto niya. Alam naman niyang mahirap siyang pakitunguhan minsan.

Natatawang hinaplos ni Theron ang pisngi ng babaeng bampira.

“Most women did,” sabi nito sa amused na tono. “But don’t’worry, wala naman talaga akong balak na pakawalan ka pa. Kung pwede lang kitang itali sa bewang ko, gagawin ko. God, Lori!” He heaved a sigh. Magkahalong relief at frustration na hindi niya alam kung maaawa rito o matutuwa. “Kung alam mo lang kung paanong halos mabaliw na ako sa kakahanap sa `yo at nawawalan na ng pag-asang makikita ka pa. Pero hindi ko magawang sumuko. I have died everyday finding and waiting for you. And live again with the hope that I will see you again, Lori. I can’t imagine this life without...” Huminto ito sa pagsasalita nang bumaba ang mga mata sa mamasa-masa niyang mga labi. She could see his adam’s apple was moving up and down, as if he was in much thirst.

At hindi itinatanggi ni Lori na nasasabik at nauuhaw rin siyang matikman ang mga labi nito. There’s always a time that she can enjoy his lips, that she can devour him. Pero sobra-sobra ang pagpipigil niya sa sarili dahil alam niyang ang pangangailangan na iyon ay ugaling minana niya sa pinagmulan.

Hindi niya gusto na ang animalistic desire ang magiging dahilan kung bakit niya ito hahalikan. She wanted something pure... Pure reason. Like love, like what she was feeling right now.

“...without you, Lori. I so damn love you.”

“Don’t you want to kiss me instead of talking?” Halos pabulong na sabi niya. Nakakailang na sa kanya pa nagmula ang mga salitang iyon. “I-I have this f-feeling na iyon na lang ang kulang.” dagdag niya para maisalba ang pride na sa totoo lang ay kakarampot na.

Natawa ang binata saka napailing. “Naughty.” Palatak nito. “You got me in there, huh. But no, love. Meron pang kulang, bukod doon.”

“What is it?”

Hindi mapigil ni Lori ang mapanguso. It felt so childish pero nagawa na niya bago pa niya mapigilan. Humalakhak si Theron sa bahaging iyon. Gusto niya itong kurutin dahil nakakaramdam siya ng pagkapahiya.

This is really not so like her. Pero nagagawa ni Theron na palabasin ang ganoong side ng karakter niya, na maski siya ay hindi alam na taglay pala niya.

This man was so amazing!

“Naudlot `yong pagdadrama ko coz you are so...so alluring.” Nakakalokong sabi nitong pinaraanan ng likod ng dalawang daliri ang pisngi niya, pababa sa kanyang mga labi. Little did he know that it was so frustrating for her not to kiss him, right now?

And the brute was making things really hard for her. Gusto niya tuloy itong sakmalin.

“Ano ba talaga `yong kulang?” Impatient na tanong niya. Hindi na yata niya kayang magpigil pa.

Nangingislap ang mga mata ni Theron na sinalubong siya ng titig. Bahagya pa nitong pinisil ang isang kamay niyang kanina ay nakahawak sa kamay nito. Pero ngayon ay nagkapalit na ng puwesto. Ito na ang nakahawak sa kanya. Mahigpit. Na parang sinasabi na hindi siya nito pakakawalan maski anong mangyari.

“Spoken words were already said. But I still wanted to hear it clearly. Dahil ayokong umasa at baka ako lang pala ang nag-iisip ng ganito.”

“Ng ano?”

“Did you love me, Lori?”

She rolled her eyes up the ceiling. ”Silly question from a smart man.”

At walang babalang kinabig sa batok si Theron saka ito sinibasib ng maalab at mapusok na halik. Sandali lang ang pagkagulat ni Theron dahil segundo lang at tumutugon na rin ito sa halik niya. With the same hunger and passion. With the same intensity and need. This time, hindi niya pwedeng ipagkamali sa animalistic desire ang ginawa, because inside her, she had a pure reason why she kissed him. She loves him, so much that she will die without touching him and feeling him againts her skin.

Ilang lalaki na ba ang nakalapat-labi niya dahil hindi niya makontrol ang sarili sa sumpa ng pamanang asal? Pero wala sa mga iyon ang makapagpadama sa kanya ng ganito kahiwagang damdamin. That she was in bliss. And it was true that the fruit was sweeter when you patiently wait for it to ripen on its natural way. Hindi hinog sa pilit at kailangan lang. Kundi kusa at nasa tamang panahon.

Halos ayaw na niya itong pakawalan ng mga sandaling iyon kung hindi lang sila parehong kakapusin na sa hininga.

“That was a flaming yes, love!” pilyong sambit nito nang pakawalan nila ang isa’t isa. “Let’s get married. I want you to be my wife.”

Natigilan si Lori. Hindi niya talaga inaasahan ang narinig.

At nababaliw na ba si Theron? Hindi sila pwedeng ikasal sa seremonyang meron ang mga mortal. Alam niyang alam nito iyon!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.