“THAT’S crazy, Lori!”
Halos isigaw ni Helios ang mga salitang iyon. Kung nagkataong may mga katabi silang bahay ay baka nabulabog na nila.
Galit na galit ito matapos niyang sabihin ang gusto niyang mangyari. Pero kung gustong magwala ni Helios sa pagtutol, kabaligtaran naman ang katahimikan ng mag-asawang Monfort na nasa couch rin doon sa loob ng lumang study ng lumang mansyon. Tinipon ni Lori ang pamilya sa gabing iyon para ianunsyo ang kanyang plano sa buhay.
Pumayag na si Lori na magpakasal nang sabihin ni Theron na hindi naman sila sa simbahan haharap. At gusto lang nitong magkaroon ng basbas ang kung anong relasyon na meron sila, kung relasyon na nga bang matatawag iyon matapos nilang magkaaminan ng mga damdamin. Besides, she loves him. Gusto niya ang ideya na maging asawa nito at makasama ito habambuhay. Kahit gaano pa kaikli ang buhay ng mortal. Hindi niya gustong palagpasin ang napakagandang pagkakataong nakahain na sa kanya. Gusto niyang yakapin ng buo ang kaligayahang iniaalok na sa kanya ng mundo.
“I can’t bear with the thought that you will leave me again whenever you pleased. Dahil sabi mo nga ay mabilis magpalit ang mood mo. At ayokong maubusan ako ng dahilan na pigilin ka sa tabi ko. Worst, you will end up telling me I had no hold on you. But if I made you my wife, kahit pagbantaan mo ang buhay ko, I swear, I am not going to let you go. I will hold you tight because you are mine to keep. You are made just for me and not for anyone else.”
She smiled with the thought. May kakayahan talaga si Theron na apawan ang puso niya maski sa mga simpleng salita lamang. And even it sounds territorial, she still finds it sweet. Dahil sa pagiging territorial nito, nandoon ang assurance na mahal na mahal siya nito at siya lang ang mamahalin ng ganoon kasobra. Na hindi siya nito sasaktan. Na baka nga siya pa ang makapanakit dito kapag iniwan niya na naman ang mortal.
Ang pagmamahal na tulad ng kay Theron ang pag-ibig na hindi nakakasakal kundi nakakapagpatibay pa ng tiwala.
And technically, hindi naman nila kailangang maging legal sa paningin ng mga mortal o ng kahit na sino. But still, may pagpapahalagang moral si Theron. At malakas ang kapit nito roon. Somehow, she felt so proud of him. Kahit hindi siya kabilang sa mundo nito, gusto ni Theron na ibigay sa kanya ang respeto na ibinibigay sa mga mortal na kauri nito. Dahil doon, mas tumaas ang tingin niya kay Theron. At mas lalo niya itong minamahal.
“What’s crazy with that? He loves me. I love him. And he respects me. He shows it by marrying me. Anong mali doon, Helios?!” Hindi napigil ni Lori ang angilan ang kapatid, na hindi pa niya ginawa kahit minsan.
“Anong mali? You are marrying a mortal! Iyon ang mali!”
“Hindi sa canon law, kung `yon ang inaalala mo. Alam ko naman na may mga limitasyon ako kahit may mga pagkakaiba ako sa inyo in my own advantage. Alam kong hindi ako makakapasok sa banal na lugar nila.”
“Hindi lang iyon Lori. Mortal ang minamahal mo at pakakasalan mo pa. Naiintindihan mo ba ang gusto mo?”
“And Lathan did loves a mortal too. Anong pagkakaiba namin? Natanggap n’yo sila ni Scylla. Bakit kami ni Theron ay hindi?” Hindi napigil ni Lori na ilabas ang kinikimkim na sama ng loob. Ano bang problema ni Helios?
“Ako ba ang pinagkumparahan mo sa desisyon mong magpakasal kay Theron?” Tila hindi nakatiis na singit ni Lathan.
Lori knew somehow, she hits something painful in him. Nadale niya ang ego nito.
Hindi naman niya sinasabing hindi nito nirerespeto si Scylla nang pakialam nito iyon nang walang basbas mula sa mundo ng mortal. Alam niya kung gaano kamahal ni Lathan si Scylla. They are an out of this world creature. Wala silang mga seremonyas o kung anupaman na nagpapatibay ng relasyon. When they love, they just love and live together.
Pero iba naman kasi ang sitwasyon nila ni Theron. Lori can walk by day and Lathan cannot. Patago ang pagkakasama nito at ni Scylla at madalas ay sa mga astral planes lang. Habang sila ni Theron ay pwedeng lumabas na magkasama kahit kasikatan ng araw. They can do some remedy with her sparkling skin.
“No.” Matigas na tugon ni Lori kay Lathan. “Nang mahalin ko si Theron, ni hindi ko inisip at ikinonsider ang karanasan mo Lathan. O maski ang sa `yo, Helios.” Baling niya sa panganay na kapatid. “Nang mahalin ko siya, walang meron kundi ang kagustuhan kong hayaang maranasan ko ang kakaibang kaligayahan. With him, I can be weak na hindi nagseself-pity. I can be just me without thinking how should I act. I have my own character when he was around. Unlike when I am with you na kailangan ko laging timbangin kung ganito ba si Lori kung nabubuhay siya. Na tama ba ang kinikilos ko. Because for a long time, nakakulong ako sa character ni Lori. I want to have my own!”
Katahimikan ang naging sagot ng lahat. Nakita ni Lori ang iba’t ibang klase ng gulat sa mukha ng mga Monfort. Siguro, dahil hindi inaasahan ng mga ito na maririnig sa kanya ang mga salitang iyon.
“But we never ask you to act how Lori acts... Binigay namin sa `yo ang katauhan ng anak namin dahil —”
Mapait na ngumiti si Lori sa natigilang si Gertrude. Hindi nito maituloy ang sasabihin.
“Dahil gusto n’yong mabuhay si Lori sa pamamagitan ko.” pagsusundo niya sa sinabi nito. “Hindi n’yo iniutos, pero sa tuwing sasabihin n’yong: Lori will do this and that if she was still alive... Lori will react like this to that situation and blah... blah... Kulang na lang sabihin n’yong pati paraan ng paghinga ni Lori, gayahin ko.” Napahikbi siya sa sama ng loob.
Matagal niya iyong kinimkim sa kanyang sarili dahil pakiramdam niya, wala naman siyang karapatang magreklamo. Binigyan siya ng pagkakakilanlan at bagong buhay ng pamilyang ito. Bagay na ipinagkait sa kanya ng sariling ina. Sa isip niya, dapat na utanging loob niya sa mga ito kung sino siya ngayon. Besides, they show her they love her. They love Lori but not the entity inside.
At iyon kasi ang higit na masakit. Pero hindi ba at ganoon din si Theron? Si Lori din ang mahal nito at hindi ang nasa loob.
Ah, no. Hindi nahahati ang pag-ibig ni Theron sa kanya. Dahil hindi nito alam na dalawa siya sa loob ng katawang iyon. And she had no intentions of telling him that. She had Lori’s name and identity but she decided not to be caged with Lori’s character. She will going to act who she really is. No more cloning. At naniniwala siyang ang karakter niya ang minahal ni Theron at hindi ang identity niya. Alam niya iyon. Napatunayan niya iyon nang makilala pa rin siya ni Theron maski nasa katawan siya ni Marjayrie.
Tuluyang nalaglag ang luha ni Lori nang tumayo si Gertrude at yakapin siya. Puno ito ng pagsisisi habang tinatapik siya sa likod. Mas lalong lumakas ang hikbi ni Lori.
“Love... We’re sorry. Hindi namin napansin na sobra ka na pala naming dinidiktahan.” masuyo nitong bulong sa kanya. “Ngayon ko naintindihan kung bakit hindi mo buong mayakap at matanggap ang pagiging si Lori. Because deep inside you, nagrerebelde ka sa pagkontrol at pagkukulong namin sa `yo sa katauhan ng anak namin. Nakalimutan naming ibigay sa `yo ang layang maging sino ka talaga sa loob ng katawan ni Lori.”
Hindi nagsalita si Lori. Patuloy siya sa tahimik na paghikbi. Tumayo na rin si Jultio na lumapit sa kanila ni Gertrude. Marahan siyang tinapik sa balikat, hinaplos ang kanyang buhok at hinagkan sa sintido saka bumulong ng sorry. Mayamaya ay tumalikod na.
Jultio was a prideful person. Pero nagawa nitong sambitin ang salitang iyon na ni hindi nito ginawa noong si Lathan ang pinahihirapan ng mga ito habang inilalayo kay Scylla.
Somehow, she felt light with that. At least he knew how to admit his mistake. Their mistake, to be precise.
But still, nandoon ang guilt na kumakatok sa kanyang puso nang magsimulang magsialisan ang mga kapatid niya. Even Axyl, decided to leave the room. Si Helios ay nanatili sa kinatatayuan sa harap ng panel window at tiim-bagang na nakatitig sa bilog na buwan.
They had done her good despite of the truth that she was nothing but a stranger. Tama ba na saktan niya ang damdamin ng mga ito para lang makuha ang kalayaan ng kanyang karakter?
Pero mas hindi naman yata tama na manatili siyang nakakulong sa karakter ni Lori. She had Lori’s identity but she wanted to free her own character too.
“Am I selfish to crave for my character’s freedom, Mama?” pahikbing tanong niya kay Gertrude.
Pinakawalan siya nito. Saka marahang pinahid ang kanyang mga luha. So, this is how it feels when someone is crying. Masakit at masikip sa dibdib. Sa sobrang sikip, parang gusto niyang sumabog.
“No.” Nakangiting sabi nito. “I am actually giving you your freedom to be who you really are, Lori. Masakit mang tanggapin na wala na ang totoong Lori, but we can always love her by your means, right? You are the new Lori, in your own special character.”
Nakangiting tumango siya. “Is that mean you will let me marry, Theron? Because honestly, I am who I am when I am with him. I feel free. Siya ang bumuhay sa kagustuhan kong lumaya. At utang ko sa kanya ang lahat ng kaligayahang ito —”
“No!”
Napabaling sila ni Gertrude sa madiing nagsalita na si Helios.
“Helios!” Agad na saway ng kanilang ina.
Sila na lang tatlo ang nasa loob ng study. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ng iba pa patungkol sa kanya. Pero hindi niya masisisi ang mga ito kung sumama rin ang loob sa kanya. Na palagi niyang ginagawa sa tuwing ipipilit niyang hindi siya si Lori.
They had love her. Kaya lang, hindi niya lubos na matanggap. Dahil alam naman niyang hindi siya ang minamahal ng mga ito kundi ang tunay na kapatid.
But still she should at least thanked them for protecting her. Siguro ay sa ibang araw...
“That Theron was clever! Alam mo ba kung anong dahilan at gusto ka niyang pakasalan? She wanted to own you!” Halos magkiskisan ang mga ngipin ni Helios sa galit. Ni hindi pinansin ang ina na sumasaway rito.
Bahagyang namula si Lori sa sinabi ng kapatid. Of course it was part of being Theron’s wife. Ang magpasakop at magpaangkin sa kanyang magiging asawa ay magiging tungkulin at prebilehiyo na niya. At hindi ba dapat pa siyang matuwa dahil ito basta nakikialam ng hindi pa ganap na pag-aari na nito?
“That’s none of your business, Helios.” paiwas na sagot ni Lori.
Gusto na niyang tapusin ang usapang iyon dahil nauuwi na sila sa isang private discussion.
“Maybe.” Malamig na wika nito. “Pero hindi ako makakapayag na magpagamit ka lang sa kanya. You may not be my real sister but the love and care we are giving you are real. We were just protecting you.”
“A-Ano bang sinasabi mo?” Nalilitong tanong niya. Bumaling siya kay Gertrude na mukhang nalilito na din.
Tumiim ang mukha ni Helios sa pinipigil na galit. Mayamaya ay pinakawalan ang pinakamalalim na yatang buntong-hininga na narinig niya.
“He wanted to own you to free his grandfather’s fiancée which happens to be your real mother, Lori.”
Nanlaki ang mga mata ni Lori sa dalawang magkaibang bagay na sabay nitong pinasabog sa pandinig niya. Paano nito nalamang ang ina niya ang dating fiancée ng Lolo Haji ni Theron? At paanong makakalaya ang kanyang ina sa gagawing pag-angkin sa kanya ni Theron?
Pero mabilis na gumana ang nawiwindang na isip ni Lori.
“Nagsisinungaling ka!” pagalit na sigaw niya kay Helios. Nilusob niya ito at hinaklit sa kuwelyo saka pabalyang inihagis sa may shelves. Nagsipagtumbahan ang mga iyon nang bumalandra si Helios. Pero hindi siya ganoon kalakas para mapatumba si Helios dahil nanatili itong nakatayo sa kabila ng pagtama ng katawan nito sa mga shelves.
Akma siyang susugod ulit sa kapatid nang awatin na siya ni Gertrude.
“Sinungaling ka! Mahal ako ni Theron! Alam kong mahal niya ako. Sinasabi mo lang iyan para magalit ako sa kanya!” galit na galit na siya sa pagkakataong iyon. Kailanman ay hindi pa siya nagalit ng ganito.
Bakit ba ito ginagawa ni Helios sa kanya?
Hindi lubos maisip ng bampira kung bakit kailangang umabot sa ganoon ang kapatid. Na gagawa ito ng kuwento para pigilan siya sa plano niya.
“I am sorry Lori. Kahit pilit kong ignorahin ang boses ng isip mo, naririnig ko pa din. Napakalakas noon. Siguro dahil masyado mong dinamdam ang natuklasan mong ugnayan ninyo ni Theron. At nahirapan ka nang husto na tanggapin ang lahat. Lalo pa at mahal mo ang lalaking iyon pero nalaman mong bunga ka nga ng panghahalay. Na ikaw rin ang bunga ng nasirang buhay nina Selena at Haji. At ang pagkagulo ng normal sanang buhay ni Theron. Iniisip mo na ikaw ang ugat ng lahat. You were blaming yourself and your existence when you should not. Hindi na ako nakatiis at binalak kong kausapin na si Theron pero nang puntahan ko siya habang nasa astral form ako ay nasa state of lucid dreaming siya. Kausap si Haji. At narinig ko ang kahilingan ng huli, na angkinin ka para makalaya na si Selena sa kuko ng elemento. Para sabay silang makatawid. Kaya nang sabihin mong gusto mong magpakasal kay Theron ay ganoon na lang ang galit ko. Hindi ka niya mahal, Lori. Gagamitin ka lang niya!”
Sunod-sunod ang pag-iling ni Lori habang masaganang umaagos ang mga luha. Hindi niya gustong paniwalaan ang mga sinabi ni Helios. Pero kailanman ay hindi pa ito nagsinungaling sa kanila. At ano ba ang mapapala nito kung sakaling magsisinungaling patungkol sa bagay na iyon? Nang maging maayos na si Lathan at Scylla, natanggap na nito na may tsansa ang tao at mga tulad nila. Kaya nga ipinagtaka niya na ganoon na lang ang pagtutol ni Helios sa desisyon niya.
“He loves me. I know he loves me...” Gustong mawala sa sarili ni Lori habang nararamdaman ang matinding sakit sa loob ng kanyang pusong, tila niluray-luray ng katotohanang narinig mula kay Helios. Ayaw niyang maniwala roon. Hindi siya dapat na maniwala.
“He just wanted you for his own good. Nang marinig ko ang pag-uusap nila ng kanyang Lolo, noon ko naunawaan kung bakit ganoon ka-eager si Theron na makalapit sa `yo. Besides, Scylla told me that Theron confessed he just wanted to befriend you because you might help him to do his task from our world. At ito na pala iyon. And I hate myself I let him follow you in Zamboanga. Malamang na doon palang, nalaman na niyang isa kang elemento at hindi pure-blooded astral vampire.”
“No. No. No...” pilit na isinasalya ni Lori ang posibilidad na tama si Helios. Hindi nga alam ni Theron na siya rin ang babaeng walang mukha.
“Paano pala kung umaarte lang si Theron noong mga sandaling iyon?” sagot ni Helios sa laman ng kanyang isip.
Tuluyang sumalampak si Lori sa sahig habang walang tigil sa pag-iyak. Mabilis siyang dinaluhan ni Gertrude at niyakap nang mahigpit.
“Tama na... Tama na Lori.” pag-alo nito sa kanya.
“Bakit ganoon? Bakit lahat nalang, gusto lang akong gamitin?” puno ng paghihimutok na nguyngoy niya.
Ang kanyang pinagmulan, gusto siyang gamitin para makapagparami. Ang mga Monfort para buhayin ang katauhan ng bunso ng mga ito. At ngayon, si Theron, para matapos na ang misyon nito sa mundo niya. Pinakamasakit ang kay Theron dahil mahal niya ito. Sobrang mahal niya ang mortal na ito.
Wala bang pwedeng maghangad sa kanya na hindi lang dahil sa kapakinabangan niya?
“That’s the reality of life. Cruel. And you have no choice but to accept it and deal with it.”