NAGLALAKAD sa madilim na kawalan si Fleure. Hindi niya din alam kung bakit. Nagpalinga-linga siya, wala siyang kahit anong makita kundi kadiliman. Walang hanggang kadiliman. Ano nga ba ang nangyari? Hindi niya maalala.
Bakit hindi niya maalala?
“Fleure Garnett?”
Napalingon si Fleure sa boses na nagsalita. Mula sa kawalan, sumulpot ang isang nilalang na naka-itim na cloak na hanggang paa ang haba. Nakasuot din ang hood nito at kalahati lang ng mukha ang makikita. But despite of that, alam niyang babae ito base sa timbre ng boses at sa makurbang mapupulang labi. She seems to have a pale complexion. Halata dahil sa balat ng kakalahating mukhang nakikita niya. From her nose to her chin. May bitbit itong lantern na pa-rectangle pero ang apoy sa loob, parang walang pinanggagalingan. Parang basta lang nakapatong sa lalagyan. Walang mitsa o anuman na magiging cause ng pagkakaroon ng apoy. Medyo nagtaka siya. Pero ang mas ipinagtataka niya ay bakit siya nilapitan ng babaeng hindi naman niya kilala.
Naglabas ito ng black card na sa paningin niya, binabasa nito sa harapan niya.
“Twenty-six years old. Still taking up your residency in San Victorio Medical Center as a dermatologist.”
Napatango siya. What the hell is going on? Bakit kilala siya nito?
“Cause of death: Severe internal hemorrhage.”
Napasinghap siya sa narinig kasabay ng pagbabago ng anyo ng black card na hawak niya. Naging mahabang death scythe iyon o ‘yong katulad ng mga dala-dala ng mga taga-sundo ng mga namatay na. May bungo sa pinakaibabaw at kalansay na katawan ng tao na mula leeg—na siyang nagsilbing talim ng karit—hanggang upper waist ang hilt ng karit nito. Sa papadulo ay parang silver cane na siyang nakatukod sa lupa.
And she said I died in severe internal bleeding? Anong nangyari sa akin? Bakit ako namatay?
Bakit?
Paano?
“S-Soul reaper ka?”
Kahit alam niya naman na ang sagot, nakuha pa din niyang magtanong. Isang malaking palatandaan ang death scythe niya na isa siyang soul reaper. Death scythe is a powerful demon weapon who is able to wielded by death. Hindi nasisirao kayang putulin ng kahit sino, for having it consumed ninety nine evil human souls and one witch soul.
Teka, paano niyang nalaman? Saan niya nalaman ang detalye na iyon?
“Hindi pa ba obvious?” Parang sarcastic na tanong ng soul reaper at gumuhit ang mapanganib na ngiti sa mga labi.
Bigla siyang kinabahan. Teka lang, hindi niya naiintindihan ang nangyayari. Hindi pa niya nalalaman kung paano siya namatay at bakit siya namatay.
Bakit hindi niya alam? Bakit hindi niya maalala?
“Let’s go. Hinihintay ka na sa judgement hall.” Sabi nitong kinalawit siya sa leeg.
Nakapagtatakang hindi natagpas ang leeg niya sa halip ay nahila lamang siya. Well, of course, ano pang makakasakit sa kanya ganitong patay na nga daw siya?
Nang magsimulang humakbang ang soul reaper, nagsimula na ding magbago ang anyo ng paligid. Nagkaroon ng wala yatang hanggang daanan papunta sa kung saan. May mga nakikita din siyang naglalakad ng ahead sa kanila sa dadaanan. Malamang na mga namatay din at inihahatid ng mga soul reapers na sumundo sa kanila. Pero sandali! Gusto muna niyang malinawan. Gusto niyang malaman ang dahilan ng kamatayan niya. Bakit at paano?
“A-ahh… Ms. Soul reaper?” baling niya sa babaeng kasabay na naglalakad.
“Magi.” Matipid na sabi nito. “My name is Magi.”
Hindi niya alam kung tatango o ano.
“We are on the way to afterlife. But we must stopped at the hall of judgement. Doon mo malalaman kung saan ka pupulutin. You can be a traveller back to a new life in human world. Pero pwede din namang ipatapon ka sa dagat ng walang katapusang paghihirap at paulit-ulit na kamatayan.”
Nangilabot si Fleure. Mukhang naiintindihan na niya kung ano ang ibigsabihin nito sa huling sinabi. Impyerno ang tinutukoy ni Magi. At gusto niyang kabahan. Hindi niya alam kung bakit. At bakit ba kasi wala siyang maalala?
“Ano bang nangyari? Bakit ba ako namatay?” Frustrated na naitanong niya.
Ganito ba talaga ang mga namamatay at naglalakbay na papuntang afterlife? Walang maalala sa nakaraan? Gusto niyang maalala. Naging mabuti ba siyang tao habang nabubuhay? O naging masama siya? Para naman maihanda na niya ang sarili at malaman kung ano ang ieexpect kapag dumating sila sa judgement hall.
Huminto si Magi sa paglalakad. Napahinto din siya. Kinilabutan na naman si Fleure nang tumingin siya rito. Her lips were pressed firmly. Parang nagsasabi ng hindi magandang bagay. Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito, kahit ilong at mga labi lang ang nakikita niya, parang nararamdaman niya ang mga gustong sabihin ng soul reaper.
“You committed suicide.” Sabi ni Magi sa tono na walang kaemo-emosyon.
Napasinghap na naman ang dalaga. Sa pagtataka. Sa pagkagulo. Sa lahat na ng emosyong pwede niyang maramdaman.
Ewan lang kung bakit pero napakatinding kalungkutan at regrets ang biglang pumuno sa dibdib ni Fleure? Bakit ba niya nararamdaman ang mga ito? Bakit? Anong nangyari?!
“B-Bakit ko ginawa iyon? Sinabi mong nagte-take ako ng residency? I wanted to be a professional dermatologist, right? My life went well, right?”
Tumango ang soul reaper na lalong nagpagulo sa isip ni Fleure.
“Then, bakit ako nag-suicide?” Gusto na niyang maghurumentado.
Tumakas ang balde-baldeng luha sa mga mata niya. Ayaw niya ng mga nararamdaman. Bakit sobrang lungkot niya? Bakit sobra-sobra ang pagsisisi niya? Ano bang ginawa niya habang nabubuhay pa siya?
“The memory left but the feelings remain… I see.” Isang buntong-hininga. “Gusto mong malaman?”
Sunod-sunod ang pagtango ng dalaga habang pilit pinapatigil ang sarili sa pagluha. Pero hindi maubos ang mga luha. Hindi maubos ang lungkot at pagsisisi.
Iniangat ni Magi ang isang kamay at hinawakan ang kanang kamay niya. Parang naghabol ng hininga si Fleure kasabay ng naging magaan ang pakiramdam ng katawan niya. Parang inililipad siya ng hangin, papunta sa kung saan. Papunta sa nakaraan. Papunta sa nagdaang buhay niya.