Last Night's Fantasy (Compilation of Gothic Romance) Chapter 42

FEW blocks away at nagsimulang umangal ang makina ng sasakyan ni Fleure. Nahampas niya ang manibela at tuluyang nagdilim ang paligid dahil maski head lights ay namatay na din. Napakadaming beses na siyang itinirik ng sasakyan. Gustong-gusto na nga niyang idispatsa ang lumang kotse na ginagamit na niya since college days. Siyam taon na din pala. Pero hindi niya magawa…

Hindi dahil sa hindi niya kayang bumili ng bago. Malaki ang iniwang trust fund ng kanyang Daddy sa kanya nang mamatay ito. Siya din ang nakinabang ng pagkalaking pera sa insurance company na forty years na hinulugan ng butihing ginoo. Kayang-kaya niyang bumili ng sariling bahay at magsarili kung gugustuhin niya. Pero hindi niya din magawa. Ang bahay, ang sasakyan… hindi niya kayang idispatsa iyon paalis sa buhay niya.

Dahil, ang mga iyon nalang ang mga bagay na nagpaparamdam sa kanya na kasama niya ang kanyang Daddy. Iniregalo ng kanyang ama ang sasakyan no’ng tumuntong siya sa college sa kursong MedTech. At ang bahay… paano siyang aalis ng bahay at iiwan ang kinasusuklamang ina? Kung ganitong isa lang ang naging bilin ng kanyang Daddy sa huling sandali ng buhay nito.

“Alagaan mo ang Mommy mo. Give a little more patience to her. Magiging okay din kayo. At kahit anong mangyari, ‘wag mo siyang iiwan. ‘Wag mo siyang pababayaan. At mas lalong ‘wag na ‘wag mo siyang susukuan.”

It was as if she heard her father’s word just a few seconds ago. Palagi nalang ganito. Palagi niyang kasunod ang last wish ng ama. It’s not that she hates him. She hates it that her father loves her mother so much. Na sa palagay naman niya, hindi deserve ng Mommy niya ang walang kapantay na pagmamahal at walang ubos na pagpapasensiya ng kanyang ama rito.

Why did she say so?

Alam niyang ilang beses na nahuli ng Daddy niya ang ina na kasama ang ex-boyfriend. Hindi niya maintindihan kung bakit nagtatanga-tanga-han ang ama sa mga nakita at sa lantarang pang-gago ng kanyang ina rito. Ibinigay ng Daddy niya ang lahat ng luho ng kanyang Mommy, thinking na mare-realize nito how lucky the woman was to have her Dad. Pero wala. Mas naging gaga ang kanyang ina. At mas lumala nang maaksidente ang mga ito kasama ng ex-boyfriend at namatay ang huli.

Nakita ni Fleure na halos lumuha ng dagat ang kanyang ina sa pagkamatay ng kakalantari nito. That woman must really love the asshole. Kulang nalang, magpakamatay na din sa gutom at alak ang kanyang ina matapos mamatay ang lalaki nito. And her father? Nilunok at tinanggap lang nito ang lahat ng kahihiyang dala ng napabalitang aksidente ng asawa kasama ang lalaki nito. Her father was such a great doctor. Isa itong heart surgeon. Pero sarili nitong puso, hindi nito napagaling. Maski siya, hindi nalaman na may sakit ang ama. Ni wala siyang kaalam-alam na nagkaroon na ito ng dalawang atake. At ang huli at major attack ang ikinamatay ng ama, a year before she graduated from Medicine School.

Galit na galit siya sa ina noon na ni walang kaemo-emosyon nang mamatay ang kanyang ama. To think na sa huling sandali ng buhay ng ginoo, ito pa din ang inaalala ng kanyang ama. Ilang beses na ipinagbilin pa sa kanya.

Masama na siguro siyang anak for thinking na sana, ang Mommy nalang niya ang namatay. Tutal, wala naman itong kwenta.

Nang basahin ang last will ng kanyang ama na walang iniwan rito at lahat ng naipundar ay sa kanya maiiwan, nakita niya ang galit ng ina pero hindi na nagsalita. Ayon din kasi sa testament, mapapasakanya ang mga iniwan ng ama kung mananatili silang magkasama na mag-ina. Atleast until she got married. At napakalayo pa ng panahon na magpapakasal siya. Mas inuuna niya ang career. Gusto niyang maging isang mahusay na dermatologist. Katulad ng ipinangako niya sa ama. Hindi man siya maging katulad nitong ang specialty ay sa internal organs, atleast she will walk at the same path. Ang pagiging doktor.

Nagsigurado talaga ang ama niya. Sinecure nito na magiging maayos pa din ang asawa kahit mawala na ito sa mundo. Naiiyak na hinaplos ni Fleure ang manibela… Pasado siya sa medical board exam at ngayon ang araw ng oathtaking niya. Dahil palagi naman siyang mag-isa, sa bar nalang siya nag-celebrate. Nagpakalunod siya sa alak. Inaaya siya ng mga kaibigan mula sa Medicine School na sumama sa celebration sa bahay ng mga ito pero tumanggi siya. Lalo lang kasi niyang mararamdaman at makikita kung ano ang napakalaking bagay na wala sa kanya… pamilya. Isang masayang pamilya.

“Dad… dad naman eh! Napakadaya mo talaga…” Hindi niya napigilan ang pagkabasag ng boses. Ang pananakit ng lalamunan dahil sa pagpipigil na maiyak.

“Isang taon nalang eh. Isang taon nalang at ga-graduate na ako sa medicine, hindi mo pa nahintay. Mag-isa lang akong nag-celebrate noon. At ngayon, mag-isa na naman akong magce-celebrate sa bahay. Sa bahay mong ang laki-laki nga pero aalog-alog naman ako. Palaging wala si Mommy. Uuwi siyang lasing. Hindi na siya umuwi na hindi lasing at hindi mainit ang ulo…”

Humagulhol na si Fleure. Para siyang bata na nagsusumbong sa ama na alam naman niyang kung naririnig man siya, wala na ding magagawa.

“Sabi mo sa akin, kapit pa. Konti pa. Magiging okay din ang lahat. Ilang konti pa ba, Dad? Gaano kadaming kaunti pa ang ipagtitiis ko para magbago na si Mommy? Gaano pa ako katagal na maghihintay sa kanya na ma-realize kung ano ang sinasayang niya? Dad! Daddy! Sana nandito ka. Sana naririnig mo ako. Sana—”

Natigilan sa paghihimutok si Fleure nang maramdamang may kumalabog sa bubong ng kotse niya. Napapitlig siya at kinabahan. Ano naman kaya ang pwedeng mahulog doon ganitong wala naman siyang katapat na puno o ano pa man? Nasa tapat siya ng abandonadong lote. Dating park iyon sa subdivision nila pero inilipat ang park sa malapit sa club house. At ngayon ay mga kinakalawang na play things nalang ang naroroon. Ewan nga ba niya at hindi pa iyon ipa-dispatsa ng developer ng subdivision. Isa na namang lagabog sa itaas.

Bumaba si Fleure para i-check kung ano ang nangyari. Kahit naman parati siyang itinitirik ng sasakyan, mahal na mahal pa din niya iyon. Regalo iyon ng Daddy niya eh.

Pero kabababa palang niya nang sumalya na naman siya pabalik sa sasakyan. Bumagsak pasarado ang cardoor kasabay ng pagsingasing ng kung sino sa kanya.

“Stay there and cut the dramas. This is not a drama movie. It’s action.” Angil sa kanya ng kung sinong lalaki at bigla na itong nawala sa kanyang harapan. Kasunod na noon ang pakikipagbuno nito sa kung sino sa madilim na abandonadong parke.

And what chill it is that creeping inside her system? Hindi siya takot sa dilim. Mas kinatatakutan pa niya ang future nilang mag-ina. Kaya anong kilabot itong nararamdaman niya ngayon? The voice of the man was as if lingering inside her ears.

Halos hindi niya ito napigurahan dahil madilim na nga. Hindi niya eksaktong alam kung anong oras na ba. Oo, at nakainom nga siya, pero hindi sapat ang nainom para masabing niloloko siya ng mga mata. Sobrang bibilis kumilos ng dalawang nilalang na nagpapambuno sa dilim. Kung saan-saang bahagi ang mga ito sumasalya. At kung bakit nag-aaway ay wala siyang idea. But wait…

Ano ulit ang sinabi ng lalaki?

Cut the dramas?

Namilog ang mga mata ni Fleure. He must hear her mourning inside her car. Nakabukas nga pala ang car window niya at walang pakialam kung malalakas ang mga hikbi at hagulhol na pinakawalan niya kanina. Nawala na ng tuluyan ang mga nagpapambuno. Hindi naman niya alam kung lalabas na ba siya ng sasakyan o ano. Hindi siya pwedeng doon matulog. Pwede naman niyang lakadin ang pauwi lalo at nasa loob na siya ng subdivision.

She started to get off again when someone just grabbed her and… and…

…flew her?

What the heck? They’re not really flying. Tumatalon sila at sobrang bilis. Sa mga bubong at mga puno na nadadaanan nila. At ang mas lalo niyang ikinagimbal, ibinaba siya ng estranghero sa mismong tapat ng bahay niya.

Nanlalaki ang mga mata ni Fleure na nakatitig sa lalaki habang napupuno ang isip ng mga tanong na paano, ano at bakit?

Paano sila nakarating doon ng mabilis?

Paano nitong nagawa ang lahat ng iyon?

Bakit siya inihatid nito?

Anong klaseng nilalang ito at may mga ganoong kakayahan?

At higit sa lahat…

Paano nito nalaman na doon siya nakatira?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.