Last Night's Fantasy (Compilation of Gothic Romance) Chapter 43

“W-WHO are you?”

Sa kabila ng kilabot at takot ni Fleure, hindi niya maramdaman ang panganib habang kasama ang lalaki. His eyes, they’re blue. Flaming rounded blue. Ang tangkad din nito na halos umabot lang ang taas niya sa malalapad na mga balikat nito. To think that she was already five-feet six inches. And beneath the light from the lamppost, Fleure was able to see how gorgeous the man is. Unang-una niyang napansin ang aristocratic pointed nose nito. Ang makakapal na kilay, magagandang asul na bilugang mga mata na tinernohan ng mahahabang pilik. His red lips na parang natural na natural sa pagkapula. Ang maputla pero makinis na kutis ng mukha nito na kung hindi mapula ang mga labi, iisipin niyang bangkay ang kaharap sa kaputlaan. His whiskers had made him absolutely manly. He looks like a rough yet a fine man. At ang mas matinding makalalaki ay ang square jaw nito. He was like a Greek god turns to life!

Turns to life kung hindi nga lang labis ang kaputlaan.

Hindi ito nagsalita, sa halip ay titig na titig lang sa kanya. Sa paraan ng pagkunot-noo nito, para bang may hinahanap sa mukha niya at hirap na hirap itong makita. At bakit ba kahit natatakot siya, hindi niya magawang kumaripas ng takbo at lumayo sa estranghero? She must be inside her dreams. Bakit kasi mali ang pakiramdam niya? Dapat ay naghuhurumentado na siya ngayon sa pagkalito at takot.

But then, she didn’t. Nagawa pa din niyang ipunin at i-maintain ang composure. Maybe because she is a doctor. Kaya nilang maging composed sa kabila ng nakaka-panic na sitwasyon. Yet, this situation is really preposterous. Sinong nilalang ang kayang kumilos ng ganoon kabilis at tumalon ng ganoon kataas? Anong klaseng nilalang ito? Isa ba ito sa mga result ng human expirementations sa Amazon rainforest sa South America? At bakit nandito sa Pilipinas? Ah… ano bang iniisip niya? Bakit nauwi siya sa ganoong pag-iisip? But still, paano nga niya ia-analyze ang naranasan?

“What’s wrong? Why can’t you answer me?” muli ay giit niya sa estranghero na parang wala namang balak magsalita.

“Helios.” Sa wakas ay sabi nito matapos ang mahabang sandali.

And his voice… why do his voice was as if telling contradictions? It sounds solemn yet dangerous. His voice was quiet dangerous.

“Huh?”

“I’m Helios.” Sabi ulit nito.

“I’m not asking your name. What I mean is, sino ka? Bakit kilala mo ako? Bakit alam mong dito ako nakatira?” Nalilitong tanong niya.

The man sighed and as if she heard him whispering… Human… tss!

“Have you asked me the precise question, I would have answered you rightfully.” Parang nayayamot na sambit nito.

Tumaas lang naman ang kilay niya. Hindi naman alam ng dalaga na mahina palang pumick-up ang lalaki. Gwapo lang ito pero slow pala.

“I always saw you passing by. At dito ka dumederetso.” Parang paliwanag nito. Tumigil na sa pagsasalita, that means… iyon lang ang paliwanag nito sa lahat.

“And?” Naiinip na tanong pa niya.

“I assume na dito ka nakatira.”

“Tapos?” Nakukulangang tanong pa din ni Fleure. “Bakit mo ako inihatid? Bakit ganoon ka kabilis kumilos? Sino ang nilalang na kalaban mo kanina at nasaan na siya?”

“Argh!” Napatingala ang lalaki sa madilim na kalangitan. “There’s no sense in answering your questions, I’m going to compel you to forget all of it, anyway.”

Sa isang sandali ay nahaklit siya ng lalaki sa baywang saka mariing tinitigan. She could feel something eerie from his gaze. Yet, something warm and delicious just curled inside her senses. Para bang ang sarap sa pakiramdam na tinititigan siya ng estranghero.

“Hindi mo ako nakita ngayong gabi. Iniwan mo ang sasakyan mong nasira at naglakad papauwi. Ngayon, pumasok ka na sa loob at magpahinga.” Sa mahina pero nagmamadaling salita ay sabi ng lalaki sa kanya, deretso pa din ang pagkakatitig ng mga mata kay Fleure.

“What the heck?” yamot na sita niya rito. “Inuutusan mo ba akong lokohin ang sarili ko? Naglakad ako pauwi, huh?” Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Hindi ako naglakad! Itinalon-talon mo ako sa ibabaw ng mga puno at bubong ng mga bahay na nadaanan natin. Oh my! I really sound ridiculous. Ano nga bang mga pinagsasasabi ko? Nakakabaliw, ‘di ba? It was really crazy that right before my eyes, I saw the scene from above while I am jumping from one tree to another, from one roof to another.”

Tumawa ng malakas at pahurumentado si Fleure. Parang ngayon niya lang tuluyang naa-absorb ang mga kakaibang pangyayari. May pagka-late reaction din naman nga talaga siya. Lalo na kung masyadong mabigat at mahirap intindihin. At ang sitwasyong ito ay hindi talaga madaling i-absorb ng kahit sino pang pinakamatalinong tao sa buong bansa. Pero ipinipilit niyang isalpak sa isip na may scientific basis ang mga nakita at naranasan niya. Hindi palang siguro napapag-aralan. Iyon ang ipinipilit niyang isipin para ma-maintain ang composure. Hindi siya pwedeng mag-breakdown lalo pa at madilim at walang witness sa mga pwedeng mangyari.

Alam at nararamdaman ni Fleure na hindi mapanganib ang lalaking ang pangalan daw ay Helios. Yet, it was better be safe than sorry. She learned the law of life. Fear is a sign of weakness. Kung magpapakita siyang natatakot, pwedeng gamitin iyon ng lalaki laban sa kanya. Ano bang malay niya kung anong uri ng nilalang ito?

“What the… bakit hindi umepekto sa ‘yo?” parang nalilitong napahakbang patalikod si Helios.

Nangunot naman ang noo ni Fleure. “What do you mean?” Biglang nanlaki ang mga mata ng dalaga ng may maisip. “Ginamitan mo ba ako ng drugs? Kaya kung anu-anong naiisip ko? Kung anu-anong nakikita ko? Damn you! Sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin?”

Nang magtangka siyang daluhungin ang lalaki, humakbang ulit ito patalikod. At sa isang kisapmata, nawala na ito sa harapan niya. Nagpalinga-linga si Fleure sa buong paligid. Madilim at walang kahit anong kaluskos o kahit anong sign na may ibang tao pa sa paligid maliban sa kanya. Lalong nangilabot si Fleure.

“What must it be? Am I hallucinating?”

Bakit parang matino naman ang pag-iisip niya kung talagang nagha-hallucinate na nga siya? May kung sino bang nangialam sa inumin niya sa bar kanina at hinaluan ng kung anong drugs kaya ganitong kung anu-anong nakikita niya? O talagang bibigay na ang isip niya dahil sa matinding lungkot at stress na dala ng buhay sa kanya?

Mabilis na pumasok sa gate ng bahay si Fleure at kinuha ang susi sa ilalim ng paso kung saan niya iniiwan ang susi sa front door. Dali-dali din niyang ini-lock ang pintuan at sinuguradong walang basta-basta makakapasok sa loob. Gusto na din niyang bumigay sa paranoia. Ano bang nangyayari sa kanya?!

“THE fuck! Fucking fuck!” galit na sita ni Helios sa sarili.

Magpahanggang ngayon ay nag-iisip pa din si Helios. Kahit kailan, sa loob ng maraming dekada na nabuhay siya sa mukha ng mundo, hindi pa niya naranasang mataranta. Ngayon lang. Kanina lang. Nang malaman niyang hindi gumana ang compulsion sa babae. Isa pang nakapagtataka ay bakit hindi niya marinig ang iniisip nito? He can hear the thoughts of all humans. Lalo na kung nasa malapit lang ang mga ito. Pero ang babaeng iyon, kahit nakatitigan na niya, hindi pa din niya marinig ang iniisip.

And what more hilarious was the truth that he can’t compel her even how hard he did. Sa pamilya Monfort, pamilya ng mga astral vampires o ‘yong mga bampira na kumakain ng blood energy sa panaginip ng mga mortal, siya ang may pinakamalakas at pinakamagagandang kakayahan. Even his parents were impressed with the gift of their first born. Malaki ang participation ng kakayahan niya kaya sila madalas na nakaka-survive sa mga problemang kinakaharap ng pamilya. He was always sure of everything lalo pa nga at naririnig niya ang iniisip ng kausap at nagagawang i-compel ang mga mortal na makakita o makaalam ng patungkol sa kanya.

Kaya itong malaman niya na may isang mortal na hindi tinatalaban ng kakayahan niya, talagang nakakapag-alala. And why after all those decades ay ngayon lang may lumabas na ganoong uri ng mortal?

“Woman, what do you have that you can repulse my abilities?”

Matapos masigurado na ligtas na ang babae ay bumalik na ulit siya sa kanyang pwesto. Lahat silang magkakapatid ay may kanya-kanyang lugar na pinupwestuhan sa tuwing sasapit ang dilim. Para magbantay sa mga mortal na source of food nila. Ang mga Avergou o ang lahi ng mga soul suckers kasi ay patuloy sa paghigop sa kaluluwa ng mga tao.

Once a soul sucker made an eye contact to a human he will going to victimized, there’s no way he or she could escape. Mahihigop ng soul sucker ang kaluluwa ng mortal once his/her mouth landed with human’s lips. Kissing was a way of sucking their soul… their lives. At iyon ang nagpapalakas at bumubuhay sa mga soul sucker. Palaki ng palaki at palakas ng palakas ang mga Avergou. At hindi siya papayag na magpatuloy pa sa pang-uubos sa source of foods nila ang mga ito.

Hindi naman sila kaaway ng mga tao dahil nakikihati lang naman sila sa lakas ng mga ito. It’s true that they were the one who gave them nightmares. Pero hindi nila kahit minsan man iniintensyon na pumatay o patayin ang kanilang source of food. Hindi din nila kasalanan kung mahina ang loob ng taong natiyempuhan nilang pagkunan ng blood energy. And sometimes, just to be sure, ang mga astral travellers’ nalang ang pinupuntirya nila. Sumasampa sila sa mga astral planes o ang safe place ng mga astral travellers at doon kumakain. Astral travellers are those human who can travel from their dreams. Lumalabas ang mga astrals or kaluluwa ng mga ito sa katawan at nagpupunta sa astral plane or mga imaginative place sa loob ng panaginip. Ang goal ay depende na sa mortal na nag-astral travel. May Astral Society din na nangangalaga sa safety ng mga astral planes na pinupuntahan ng mga travellers. Hindi iyon kayang pasukin ng mga masasamang element.

But any world can’t be called a world if it was not balanced. At para mabalanse ang isang mundo, palaging may masama at mabuti. Palaging may dark entity na makakapasok. At ang mga astral vampires na katulad nila lang ang natatanging dark entity na nakakasampa sa safe place ng mga astral travellers. Good for them dahil hindi sila nagkakaroon ng kahati sa paghigop ng blood energies ng mga astral travellers.

Yet, after so many years of indulging from lots of human blood energies inside the astral planes, dumating naman ang mga Avergou sa kalupaan ng Pilipinas kung saan nagustuhan na ng pamilya niya na manirahan. Inuubos ng mga Avergou ang source of food nila. At para hindi magkaroon ng shortage, kailangan nilang pangalagaan ang mga tao. The Monfort family decided to divide each other into different places, inside the community where they lived. It was to protect the safety of their source of food.

Madalas nang makita ni Helios ang babae sa community kung saan siya nakatoka. Kadalasan ay hatinggabi na ito nakakauwi at madalas itirik ng sasakyan. Wala sana siyang pakialam sa problema nito bilang tao kahit pa panay ang pag-iyak nito sa loob ng kotseng tumirik, kung hindi niya nakitang sasalakayin ito ng isang soul sucker. And it was his duty to protect the human. Hindi pa man nakakalapit ang soul sucker sa kotse ng babae ay dinaluhong na niya iyon. Nagpambuno sila at umabot sa point na pati ang bubong ng sasakyan ng babae ay nakalabog nila. Na-curious siguro ang babae kaya lumabas. Mas nagtumindi ang kagustuhan ng soul sucker na makain ang kaluluwa ng babae. He had done everything to stop and kill the soul sucker. Saka siya nag-decide na iuwi ang babae.

Hindi niya naisip na katangahang ipakita o ipaalam sa babae ang kakayahan niya dahil sa isip niya, magagamitan naman niya ito ng compulsion na kalimutan ang mga kakaibang nangyari ng gabi iyon. But what happened just shocked him. What would he do now? Hindi pwedeng magtagal sa isip ng babae ang patungkol sa kanya.

“Ah! I’m going to deal with the woman, later. I need to eat.”

Bumalik si Helios sa kanilang mansyon para mag-astral travel. Sumampa na din siya sa astral plane na may madaming travellers para kumain. He badly needed that. Lalo at malaking enerhiya ang nawala sa kanya sa pakikipagsagupaan sa soul sucker.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.