Last Night's Fantasy (Compilation of Gothic Romance) Chapter 46

NAGULAT si Fleure nang may biglang humila sa braso niya habang nasa akto nang pagbubukas ng gate. Nadaklot pa niya ang dibdib sa kabiglaan nang makilala kung sino ang walang pakundangang lalaki.

“You…”

“Yes, me.” Hindi niya naituloy ang sasabihin nang bigla itong sumingit sa pagsasalita niya. “Tell me how to use this damn thing.” At iniharap nito sa kanya ang smartphone nito.

Hindi nakikiusap ang tono ng lalaki. Nag-uutos ito. Sino ba ito sa akala nito para utusan siya? Hindi rin naman sila close. Like fucking hell!? At teka… sinusundan ba siya nito?

“Ikaw ‘yong sa café? Ikaw din ‘yong nasa Rizal? At ikaw din ‘yong no’ng isang gabi na nasiraan ako?” halos hindi pa din makapaniwalang pag-confirm ni Fleure.

Parang bored na tumango ang lalaki. “Now, teach me how to use this crazy thing. Nakikita kong ito ang ginagamit ng mga tao para malaman ang sagot sa lahat ng mga tanong nila.”

Napakurap-kurap si Fleure.

Mga… tao?

Ano bang tingin nito sa sarili, hindi tao? Tinitigan niya itong mabuti. Mula ulo hanggang paa, taong-tao ito. Lalaki. At hindi lang basta lalaki. Gwapong-gwapong lalaki. Kaya ano bang pinagsasasabi nito?

Pero bigla niya ding naalala ang dalawang pagkakataon na kakaiba ang arrive nito. Mabilis kumilos. Palaging may kaaway. At higit sa lahat, alam nito ang bahay niya.

“You must be a stalker!” bigla siyang kinabahan sa kaisipang iyon.

Creepy na may stalker siya. Pero kung ganito naman kagwapo, siguro kailangan niyang sabihin sa sarili na hindi siya dapat matakot.

“Stalker? Ako? Akala mo ba ganoon ka kaakit-akit para maging stalker mo ako?”

Kasabay ng pagkapahiya ang pagpanting ng kanyang tainga.

“Anong sinabi mo?” Pinaningkitan niya ito ng mga mata.

“You are not that attractive so cut that thought.” Deretsahang sambit nito at saka inipaypay ulit sa harapan niya ang smartphone. “Now, teach me how to use this damn thing.”

“Huh!”

Hindi siya makapaniwala. Matapos siyang insultuhin ng walanghiya, ang kapal naman ng mukha nitong magpaturo sa kanya na gumamit ng cellphone.

“Saang lupalop ng daigdig ka ba galing at smartphone lang, hindi ka pa marunong gumamit?”

At ang mas nakakainis, bakit gusto niya itong turuan kahit ininsulto siya nito? Medyo nasundot kasi ang “naaawa side” niya nang maalala kung paanong frustrate na frustrate ito sa bagong biling smartphone kanina sa café.

“May ganito ang mga kapatid ko. Minsan lang akong nakisilip at nawalan din ng interes since they told me, one time na ito ang isa sa mga ginagamit ng mga tao para alamin ang mga bagay-bagay.” Pumalatak ito. “Right from that moment, I knew I wouldn’t need something like this damn thing. I know everything. Kaya hindi ko na pinag-aksayahan pang alamin ang patungkol dito.” Confident na sagot ng lalaki.

“Tapos? Ngayon? May bagay ka nang hindi alam at gustong malaman kaya kokonsulta ka na kay resident genius?”

Mukhang nage-gets na niya. Dahil may pagkaarogante itong sabihin na hindi nito kakailanganin ang cellphone, hindi na ito makapagpaturo sa mga kapatid nito o kaibigan. Kaya naghanap nalang ng stranger na magtuturo? Nah! The male pride and ego, ACTIVATED.

Nakita niyang nag-igkasan ang makakapal na kilay ng lalaki. Bigla ay gusto niyang mapangiti. She finds it so sexy.

What?!

Anong sexy na nalalaman niya? Umiigkas at nag-aarkuhan lang ang mga kilay, naseseksihan na siya?

Get a hold of yourself, Fleure?!

“Resident genius?”

Kinolekta niya ang sarili para maibalik ang katinuan. Para kasing gustong mamasyal ng kanyang isip sa kung saan-saan.

“Oo, si Google. ‘Di ba siya ang tanungan ng mga tao? Eh hindi naman lahat ng sagot niya, tama.”

“Taga saan si Google?” seryoso at walang kakurap-kurap na tanong nito.

Nandilat naman ang mga mata ni Fleure. Anong klaseng tanong ‘yon? Tama ba ang narinig niya? Hindi nito alam maski ang tungkol kay Google?

“What?” nangungunot ang noong untag pa nito sa kanya.

“Seriously? Hindi mo siya kilala? Nandiyan lang siya sa loob ng phone mo.”

Ibinali-baligtad ng lalaki ang phone nito. “Wala naman. At saka paano magkakasya ang isang nilalang sa loob ng maliit na bagay na ito?” Itinaktak pa nito ang gadget at lahat na.

Naiiling na pinigilan ni Fleure ang lalaki sa ginagawa. Gusto niyang mapakamot sa sariling batok. Ano bang klaseng nilalang ito? Wala ba itong ibang alam gawin kundi makipag-away lang? Bakit ultimo cellphone, wala itong kaide-ideya?

“Crazy.” Pabuntong-hininga na inagaw niya dito ang smartphone. Saka iwinagayway sa harapan ng nalilitong lalaki. “This thing is bigger than you think it is. Hindi mo alam ang mga capabilities ng tinatawag mong damn thing. Millenials and even oldies, love phones. Kasi sa panahong ito na computer generation na, nandito na lahat ng kailangan mo. Lot of people say they can’t live without a phone.”

Hindi niya alam kung alin sa mga sinabi niya ang maganda sa pandinig ng lalaki dahil bigla itong ngumiti. At hindi din naman niya maintindihan kung bakit biglang nagbago ang ritmo ng kanyang heartbeat nang makita ang gwapong ngiti na iyon na napunit sa mga labi ng lalaki.

“So, isa ka ba sa mga iyon?”

“Huh?” Pumipitlig ang dibdib na tanong niya.

Para siyang tanga! Bakit ba bigla-bigla nalang siyang nawawala sa sarili?

“‘Yong mga taong nagsasabi na hindi kayang mabuhay ng walang cellphone.”

“Well… of course.” Wala namang dahilan para magsinungaling. “My phone is my virtual wallet. Tsaka, nandito ang social life ko. Mga researches ko. Mga back up datas. Tsaka sobrang useful ng gadget na ito.”

“Then you know well how to use that?”

“Yes.”

“Then… turuan mo na ako at nasasayang ang oras ko!” Mataas na ang boses na utos nito sa kanya. Mukhang inip na inip na dahil kung saan-saan na napupunta ang usapan nila.

Isang pagkalalim na buntong-hininga. Tuturuan ba niya ito o… tuturuan niya ito? Well, tuturuan nalang nga niya ito. Dahil kitang-kita naman sa gwapong mukha ng lalaki na determined itong matuto. At hindi siya tatantanan kung hindi niya tuturuan. Para tuloy gusto niyang magsisi na pinakialaman pa niya ito kanina sa café. Naghanap lang siya ng ikaka-stress.

“Okay, follow me inside.”

Huh! At kung hindi ba naman siya isang tanga at kalahati, talagang naisipan pa niyang patuluyin ang estranghero sa loob ng bahay niya. To think na wala siyang alam pagdating sa background nito. Pero sa isang bahagi din kasi niya, nandoon ang pakiramdam na harmless ang lalaki. Oo, nakakapanindig balahibo ang gothic aurae nito lalo na kung ganitong gabi. But preposterously, wala siyang maramdamang panganib sa lalaki. Isa pa, kung talagang may masama itong tangka sa kanya o masamang nilalang ito, sa ilang beses na nagkaharap sila at dalawa doon ay sa isang madilim at secluded na lugar, pwedeng-pwede siya nitong gawan ng masama. Pero wala itong ginawa. Pakiramdam pa nga niya ay parang sine-secure nito ang safety niya, lalo na no’ng ihatid siya pauwi.

Ah, that thing. Inihatid siya nito sa bahay niya at hindi niya alam kung paano nito nalaman kung saan ang bahay niya. That was one of so many questions running inside her brain. At siguro, kung kikilalanin niya itong mabuti, malalaman niya ang sagot sa mga tanong.

“TAPOS ka na bang panoodin ang bahay ko? Pwede ka nang maupo kung tapos ka na.”

Napalingon si Helios sa nagsalitang babae. Hindi niya alam kung sadyang mabait lang ito o may pagka-gullible. Sa panahon ngayon, sinong tao ang basta-basta magpapapasok sa isang estranghero sa pamamahay nito? Delikado iyon. Pero ‘di bale na. Kailangan niyang matutunan kung paano gamitin ang smartphone na nabili.

Dati, wala naman talaga siyang pakialam sa consistent na ginagawa ng mga tao. Ang dumutdot at pumahid ng pumahid sa mga cellphones ng mga ito. Pero dahil wala na siyang mapagkaisipan na pwedeng mapagtanungan ng mga alalahanin, sumubok siyang bumili ng isa. Hindi niya magawang humiram sa alinman kina Ailister at Azrael. Mas lalong hindi kay Lori. Bukod sa mag-uusisa ang mga ito, mauungkat ang bago niyang tuklas patungkol sa babaeng ito. Malamang na kakantyawan siya na kinakalawang na pala ang abilidad. Hindi ba at ang yabang pa niyang sabihin na lahat ng bagay ay alam niya? Lahat ng nilalang ay naririnig o nababasa niya.

Kaya sige na. Sosolohin nalang niya ang pagtuklas ng lahat ng kailangan malaman.

Narinig niya sa grupo ng mga estudyante na kapag may kailangan ang mga itong malaman, cellphones at internet lang ang ginagamit. Libre naman daw ang internet sa mga cafés. Oo, mapanganib na palagi siyang tumambay sa mga cafés pero wala siyang choice. Kailangan niyang bigyan ng sagot ang patungkol sa babaeng ito. Kung bakit hindi niya naririnig ang mga iniisip nito.

Katulad ngayong tinititigan niya ito. Alam niyang madami nang bagay na tumatakbo sa isip nito pero wala siyang kaide-ideya. At kung bakit ba naman niya naisipang maghanap ng sagot sa internet, isa lang ang dahilan. Narinig niya din na pinag-uusapan ng grupo ng mga estudyante ang patungkol sa mga vampire. Alam ng mga iyon ang patungkol sa iba’t-ibang uri ng bampira. Maski ang patungkol sa lahi niya na astral vampires. Kung sinuman ang gunggong na nag-leak ng mga informations patungkol sa lahi niya, uubusin niya ang enerhiya. Alam naman niyang kasama na sa tradisyon ng mga mortal ang paniniwala patungkol sa mga bampira pero hindi niya akalaing may article palang naka-post patungkol sa mga kauri niya. At kailangan niya din iyong makita. Para malaman niya kung hanggang saan lang ang alam ng mga tao patungkol sa mga katulad niya.

Naupo na si Helios sa itinurong sofa ng babae. Titig na titig pa din siya dito at parang gusto na niyang magduda. Baka naman may plano ito laban sa kanya kaya ganoon nalang siya kadaling pinatuloy.

Err! Whatever. Wala pa din itong match sa kanya. Isa lang itong mortal. Kung may special dito, ‘yon ay may blocker ang thoughts nito. At iyon ang aalamin niya kung bakit..

“Your name?” naitanong niya.

Bigla itong ngumiti. Na dahilan kung bakit parang may mainit na kamay na humahaplos sa kanyang kaloob-looban. What is this woman, really?

“Oo nga, ano? Hindi mo pa nga pala ako kilala, pinatuloy na kita. You should be grateful, ikaw lang ang stranger na pinatuloy ko sa bahay ko.” Sagot nito na ngumiti na naman.

Tss. Bakit nga ba? Bakit nga ba siya nito pinatuloy?

“I’m Fleure.” Sabi nitong ini-extend ang kamay sa harapan niya.

Alam ni Helios na isa sa mga nakasanayan ng mga tao na makipagkamay kapag nakikipagkilala. At gustong-gusto niyang abutin ang kamay na iyon, ang makinis at maputing kamay na iyon. Pero hindi niya din alam kung bakit may nagke-creep in na kaba habang nakatitig siya sa kamay ng babaeng Fleure daw ang pangalan. And when he was about to claim her hand, ibinaba na iyon ng babae at tumikhim. Parang napahiya na ewan.

“Alright.” Napakamot ito sa sariling batok gamit ang kamay na ini-extend sa kanya kanina. “Mukhang hindi uso sa inyo ang shake hands kapag nakikipagkilala.” Sabi pa nito.

Gusto niyang salungatin iyon pero pinili niyang huwag nang mag-comment. Inilabas niya ulit ang cellphone at pabastang ibinagsak sacenter table.

“Teach me how.”

The woman rolled her eyes, upward. Parang naiirita na sa kanya. Masyado yata siyang rude. Wala siyang paki. Kailangan na niyang matutunan kung paano gamitin ang gadget na iyon.

“Fine.”

Kinuha ng babae ang gadget at naupo sa tabi niya. Inutusan din siya nitong lumapit pa sa tabi nito para mas makita niya ang kung ano mang kakaibang mangyayari sa hawak nito.

“First, you have to long press the power button.”

May weird na tunog na ginawa ang gadget na nagpapitlig na naman sa kanya katulad nang unang beses niyang marinig iyon. Napalingon sa kanya si Fleure pero matapos mag-arkuhan ang mga kilay ay hindi na nag-comment pa sa reaksyon niya.

“Then kapag ganyan na nag-loading na ang home screen, mag-start ka nang mag-navigate. Since wala pang app itong unit mo kasi bagong bili nga, pumunta muna tayo sa play store.”

“Play store? Hindi ko kailangan ng kahit na anong lintik na mga games na ‘yan! Ang kailangan ko, ‘yong mga mapagtatanungan ko ng mga informations. ‘Yong makakasagot ng mga tanong ko patungkol sa inyong mga tao.” Asar na si Helios.

Kung anu-anong walang importansya ang itinuturo sa kanya ng babaeng ito. At ano bang akala nito sa kanya, bored na nilalang at kailangan ng libangan? Huh!

Nakita niyang napakurap-kurap ang babae habang nakatitig sa kanya. Nakipaglabanan din siya ng titig dito. Pero wrong move yata iyon. Dahil habang tumatagal na nakatitig siya sa tila kumikislap na mga mata ng babae, nag-iiba din ang ritmo at pintig ng maingay na laman sa loob ng kanyang dibdib.

What the hell is this?!

Biglang humagalpak ng tawa si Fleure na ipinagtaka naman niya. Kung siya ay parang gustong malunod sa magaganda at makikinang na mga mata nito, ito naman ay parang aliw na aliw pa sa pagkayamot niya.

“You are… a crazy, crazy man, do you know that?” Tumatawa pa ding sambit nito. “I’m talking about the play store app inside this unit. Saan bang bundok ka naglulungga at hindi mo alam ang tungkol sa mga cellphones?”

“Brookside Heights Subdivision.” Seryosong sagot naman niya na hindi nag-iisip.

Huli na para ma-realize niyang nasabi niya pala rito kung saang subdivision naroroon ang nabubulok na mansyon na pinaglulunggaan ng pamilya niya.

Bigla din ang pagbaling ng babae sa kanya. “Sa Quezon City?” Manghang tanong nito.

Hindi na siya nag-abalang sumagot. Too much information if he did.

“Taga siyudad ka naman pala, eh anong nangyari sa ‘yo at nahuhuli ka sa kalakaran ng mundo?”

“Would you please just teach me how to use the damn thing? Hindi ko tinanggap ang imbitasyon mong pumasok sa loob ng bahay mo para makipag-meet and greet sa ‘yo. I just wanted to know how to use that damn thing!” Naiirita nang sambit niya.

Ano bang babae naman ito? Newscaster? Media personnel? Bakit ang daming tanong?

Bigla ding dumilim ang mukha ng babae na para bang hindi nagustuhan ang sinabi niya. Well, again, wala siyang pakialam. He just need to know how to use the crazy things made by mortals.

“Huh! How ungrateful of this brute? Utang na loob ko pang pumasok siya sa bahay ko? Aba naman! Eh kung sipain ko na kaya ito palabas ng bahay ko?” Bubulong-bulong na sambit nito.

Pero kahit gaano kahina iyon, dinig na dinig pa din niya. Dahil sampong beses na mas malakas ang pandinig niya kumpara sa mga tao. But then, he opted not to react again. Naiinip na siya sa isang ito.

“Fine.” Sikmat ni Fleure na parang naubos na ang pasensiya. Yamot na nagtitipa ito sa cellphone na hawak. Ni hindi itinuro sa kanya kung alin ang pinagdudutdot nito. Matapos ang ilang minuto, iniabot nito sa kanya ang cellphone. “Ini-install ko na ang mga apps na alam kong kakailanganin mo. Pinag-wifi na din kita para ma-install ang mga iyan. Bahala ka nang mag-sign up at gumawa ng mga accounts mo. Kung may mga kailangan ka pa, mag-self study ka na. Nandiyan naman si Google, pwede kang magtanong sa kanya.” At itinuro nito ang google app. Iyon pala ang sinasabi nitong “google”. Akala pa naman niya ay maliit na nilalang na nagsasalita at nakatira sa loob ng gadget. “Kapag naliligaw ka, gumamit ka nalang din ng google map para makarating sa pupuntahan mo.” Madami pa itong pinagsasabi na halos hindi niya maintindihan.Ang bilis-bilis kasi. Parang hindi na makahintay na matapos na ang tutorial session nila. “Siguro naman, okay na. Pwede ka nang umalis.” Walang pasintabi na pagtataboy nito sa kanya.

Siya naman itong napatanga sa babae. Nagpakamaldita na din ito.

“Paano magkaroon ng wi-fi?” hirit pa niya. Base kasi sa narinig niya rito, hindi gagana ang mga internet app kung walang internet connections.

“Aba, eh ‘di bumili ka. Magpakabit ka sa bahay niyo. Mukhang mayaman ka naman eh. Afford mo ‘yon.” At lumipad ang tingin nito sa label ng suot niyang jacket. “Kung wala ka nang sasabihin at wala ka ding balak magpasalamat, lumayas ka na sa bahay ko. Sobra-sobra na ang abalang ginawa mo sa akin.”

Napaka-straight forward at rude nito. Mukhang tinapatan din lang ang ugaling pinakita niya. Anyway, tutal nakuha na niya ang kailangan, tumayo na din siya at nagtangkang umalis.

“Wait.” Nahinto sa tangkang pag-alis si Helios. “May isa pala akong tanong sa ‘yo.”

Lumingon siya sa babae na titig na titig sa kanya. “No’ng unang beses na magkaharap tayo, alam kong iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita kita.”

“And?” Naiinip na tanong niya.

“Then… bakit alam mo kaagad kung saan ako nakatira?”

Isang buntong-hininga. “Simple as I’ve always seen you passing by and entering this house.”

“H-How? I mean, taga Quezon City ka at Makati ito.”

Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Isang tanong lang ‘di ba? Nasagot ko na. Hindi ko na sasagutin ang pangalawang tanong mo.”

“What?!” Hindi makapaniwalang bulalas nito.

Nilayasan naman niya ang babae at lumabas na ng front door. Naririnig pa niya ang pasigaw na pagtawag nito.

“You, ungrateful brute, come back here! Hey!”

Nangingiting mabilis na umalis siya sa bahay ni Fleure, pagkalabas na pagkalabas ng gate nito. Bakit ba parang naaaliw pa siyang makita na naaasar ang babae? Namumula kasi ang mga pisngi nito kapag nayayamot. She looks more adorable and charming and…her name. It means flower. She’s like a beautiful flower…

“What the hell? Get into your senses Helios!? Ano’t naiisip mong adorable at charming at magandang bulaklak ang mortal na iyon? You should be wary of her. She is different. And maybe, she’s a threat into your privacy!” parang tangang sita niya sa sarili.

Asar na bumalik siya sa kanilang mansyon para iuwi ang bagong cellphone. Duty first. Baka may napahamak nang source of food nila dahil sa pagtambay niya sa bahay ni Fleure.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.