“WHAT in the world is that man? Ni hindi man lang nagpasalamat? Huh! Ayos din ah?”
Yamot na umakyat na sa kanyang silid si Fleure. Hanggang ngayon, hindi niya mapaniwalaan ang sarili at nagpaka-gullible na papasukin ang estrangherong iyon na Helios pala ang pangalan. Well, his name sounds his personality. A person from hell. Walang ka-manners-manners. Ni hindi man lang nakuhang magpasalamat matapos ang nagawa niyang tulong para rito?
Wait.
The more she thinks of him, the more she gets curious. Sino nga ba ang lalaking iyon at ganoon ito ka-weird?
Ah! Damn it! Why the hell did she still thinks of him, anyway? Sa susunod na lumapit ito at humingi na naman ng pabor, hinding-hindi na niya ito tutulungan.
Kahit pa nga iniligtas siya nito noong nasa Rizal siya at inihatid siya nito pauwi no’ng masira ang kotse niya.
Ah! Those things… iyon ang sumusundot sa konsensiya niya at nagtutulak sa kanya para tulungan ang lalaki sa simpleng pabor. Well, from now on, bayad na siya sa magandang bagay na iyon na ginawa ng lalaki para sa kanya. Quits na sila.
Hmp!
Sinimulan niyang kalkalin ang cellphone. Nang maalala ang phone number ni Helios. Kaninang madaanan niya ang info ng gadget at sim card, mabilis na sumalpak ulit sa utak niya ang cellphone number nito. Ini-save ni Fleure ang contact number ni Helios saka ini-check sa phone number locator kung nasaan na ito. Napabalikwas ng bangon ang doktora. Nanlalaki ang mga mata.
“What the heck is going on?”
Napakabilis ng pagta-travel nito. Segundo lang at nakakalipat na ito ng barangay. Kahit pa yata sumakay ito ng taxi at maluwag ang kalsada, hindi ito makakalipat mula sa isang barangay, papunta sa isa pa sa loob lang ng ilang segundo.
O baka naman ang phone locator niya ang problema? Minsan talaga ay hindi reliable ang mga computer gadgets. Katulad nalang ngayon.
NAALIPUNGATAN sa pagkakatulog si Fleure. May pakiramdam kasi siya na parang may humahaplos sa pisngi niya. Madilim ang silid dahil patay ang ilaw kaya kinapa niya ang remote control at agad kumalat ang liwanag. Wala. Walang kahit anong kakaiba sa silid. Wala ding intruder na inaasahan at nararamdaman niyang kasama niya.
Naki-creepy-han na siya sa sarili. Ilang araw nang ganoon. Kapag natutulog siya, pakiramdam niya, may kasama siya sa silid niya. May nagbabantay sa kanya. May nakatitig sa kanya. Humahaplos sa pisngi niya. Dumadama sa mga labi niya. Pero sa tuwing magmumulat naman siya ng mga mata, walang ibang tao sa harapan o sa paligid niya. Ano ba kasi itong nararamdaman niya? Bakit may ganitong weird na nara-radiate ang mga senses niya?
Bumangon si Fleure at bumaba sa kitchen para uminom ng tubig. Baka aftershock lang ng panaginip. Errr, maski ang mga panaginip niya, hindi niya maalala. Normal nalang ‘yong mga panaginip na hindi maintindihan. Pero ‘yong mga hindi maalala? Bakit? Alam niya sa sarili niya na nanaginip siya. Alam niyang importante ang panaginip na iyon. Pero bakit hindi niya maalala?
Damn!
Napapitlig si Fleure nang may maramdamang kumaluskos sa labas ng bintana sa mismong tapat niya. May nakita din siyang anino na dumaan. Agad rumagasa ang matinding kaba sa dibdib ng dalaga. Tiningnan niya din kung anong oras na. Ala-una palang ng madaling araw. Sino ang pwedeng nasa paligid ng bahay niya? Ang Mommy ba niya na inaabot na ng umaga sa pag-uwi? Pero kung iyon nga ang gumawa ng kaluskos, bakit nasa likod ng bahay ang ginang?
Errr. Malamang na lasing na naman iyon at naligaw sa pagpasok sa loob ng bahay.
Papalabas na si Fleure para hanapin ang inaakala niyang ang ina nang matigilan. Malayo pa siya sa living room pero nakikita na niya ang silhouette ng ina na nakahiga sa Cleopatra couch.
Then, sino ang nasa likod ng bahay nila? Hindi niya tuloy malaman kung lalabas ba siya para silipin kung ano iyon o hahayaan nalang. Mahirap din kasing hayaan nalang ang kakaibang nakita o naramdamang umaaligid sa bahay. Paano kung may nagbabalak palang pumasok sa bahay nila at magnakaw. Mabuti nang alerto. Bumalik si Fleure sa kusina para silipin sa sliding window ang mga kaganapan sa labas pero may malamig na hanging parang dumampi sa leeg niya.
Hangin… saan manggagaling ang malamig na hanging iyon samantalang saradong-sarado ang kusina. Hindi makakapasok ang hangin kung mula sa labas. At bakit sa bandang leeg lang niya na parang may humihinga doon. Agad nanulay ang takot sa mga himaymay ni Fleure. Lalo na nang parang may marinig na boses.
“Huwag mong bubuksan ang bintana. Don’t you ever do such stupid thing!”
Nandidilat ang mga mata na nagpalingon-lingon siya sa paligid. Nababaliw na ba siya? Ano ba ‘yong naririnig niya? Bakit may naririnig siyang mga bulong mula sa hangin? At bakit parang kilala niya ang boses?
“Oh my God! Anong nangyayari sa akin? Nababaliw na nga ako! Nababaliw na ako!”
NAHILOT ni Helios ang sariling sintido habang pinapanood ang OA na reaksyon ni Fleure, nasa sahig ng tiled floor at humahagulhol na. Nakasama pa yata na winarningan niya itong huwag bubuksan ang bintana. May nakita siyang soul sucker na aali-aligid sa bahay ng dalaga. Hindi niya lang maintindihan kung bakit sa bahay na iyon umaaligid ang soul sucker samantalang alam naman noon na hindi ito makakapasok sa bahay ng babae. He or she was not invited. Vampires cannot come inside someone else house if they weren’t invited.
As for him, ini-invite na siya ni Fleure papasok kaya makakapasok siya, astral body man o hindi. As for now, nasa astral form siya. Dapat ay sasampa na siya sa astral plane para kumain pero ewan ba at nang makita niya ang bubong ng malaking bahay ni Fleure, biglang ginusto niyang silipin ang dalaga. At ganoon na ang nangyayari, gabi-gabi. Nakikita nalang niya ang sarili na pinapanood ito sa pagtulog. Kung minsan pa ay lalapitan ito sa pagkakahimbing at hahaplusin ang mukha at maging ang mamula-mulang mga labi.
Hell! He couldn’t fight the need of touching and feeling her. Even her skin brings shiver down his core. Nakapagtatakang makita niya lang ang mukha nito ay nagkakagulo na ang laman sa loob ng kanyang dibdib. He couldn’t even fight the feeling of protecting her from harm. Pilit niyang sinasabi sa sarili na curious lang siya sa abilidad ng babae kaya parati siyang umaaligid maski nasa astral form siya. O maski ang kinaroroonan nito ay hindi naman ang designated place niya. Hindi niya lang talaga mapigilan ang sarili na ilayo ito sa kapahamakan. Lalo na kung ang kapahamakan na nagbabanta ay ang soul sucker. He couldn’t let unfortunate happens to her. Pinagsabihan na nga niya ang sarili na sa human gadgets nalang siya maghahanap ng sagot sa mga tanong niya pero heto, hindi niya mapigilan ang sarili na umaligid sa babae.
At ngayon naman, dahil sa mga pinaggagagawa niya, iniisip nitong nababaliw na ito dahil naririnig siya. Gusto niya tuloy maawa kay Fleure. Gusto niyang i-reveal ang sarili para hindi na ito mag-alala sa estado ng isip nito.
Fuck! That was not the right thing to do. Pinilit ni Helios ang sarili na lumabas na nang bahay ni Fleure. Dapat ay nagpapakabusog nalang siya sa mga astral planes ngayon at hindi inaaksaya ang oras sa pag-aalala sa babae.
Teka… nag-aalala siya para kay Fleure? Why the heck? Hindi siya dapat na nag-iinvest ng mga ganoong damdamin sa source of food nila.
Hindi dapat!
Tss!
“CALM down, Fleure. You’re not a lunatic or whatever.” Natatawang sabi ni Doc. Denise, ang kaibigan niyang psychologist.
Ahead ito sa kanya ng apat na taon at madalas ay palipad-lipad ng ibang bansa dahil sa trabaho. Si Doc. Denise din ang instructor ng isa pa niyang kaibigan na si Margaux at kaklase na kasabay niyang nag-OJT noon sa San Victorio Medical Center. Pero mas naging close siya kay Doc. Denise. Napapansin kasi nito ang madalas na pagiging sobrang tahimik daw niya at parang palaging malalim ang iniisip kapag may mga sandali na dinadalaw ng ina si Margaux sa ospital at dinadalahan ng pagkain. Curious ang doktora sa kanya at dinadaan siya sa kwento para madulas siya rito at sabihin ang mga gumugulo sa isip o damdamin niya. Minsan siyang nadulas at sinabi na hindi sila okay ng Mommy niya kahit hanggang noong mamatay na ang Daddy niya. From then, madalas na siyang kausapin ng doktora. Hoping na madudulas na naman siya rito at maglalabas ng sama ng loob o alalahanin sa buhay. Pinigilan niya ang sarili na mangyari iyon maski gustong-gusto na niyang may mapaglabasan ng hinaing sa mundo. Wala siyang kayang pagtiwalaan ng mga alalahanin sa buhay o maski ang kwento ng kanyang buhay maliban sa kanyang daddy.
Wala sana siyang balak na gawin pa iyon at babaunin nalang hanggang kamatayan ang sama ng loob sa ina at sa tadhana ng kanyang buhay, pero dahil sa mga nangyayari sa kanya lately, nagbago ang isip niya. Madami siyang colleagues at masasabing kaibigan. But those were not the people she could consider as her close friends, that she could tell everything about her. Pero since psychologist si Doc Denise, ito ang unang-una niyang naisip na pagkonsultahan She was so lucky to see her inside SVMC again. Nakabalik na ito from France. At halos hysterical siya sa pag-iyak nang pumasok sa opisina nito. Sinabi niya lahat-lahat ng nararanasan nitong nakaraan. Sinabi niya ding natatakot siya sa sariling conclusion. Na baka nababaliw na nga siya.
“It’s an outcome of too much stress. At ang pagsasarili mo sa mga problema. Hindi din kasi nakakabuti iyon sa tao. Alam mo iyan dahil doktora ka na din.”
She agreed with her. Pero gusto niyang salungatin ang sinasabi nitong stress lang siya kaya nagkakaganoon. Hindi na normal na may kung anu-ano siyang naririnig.
“You know what’s wrong with you, Fleure?” Inabutan siya ni Doc. Denise ng tissue. Agad naman niyang pinunasan ang mga luha. “You’re hiding yourself. You make those people around you to believe you were fine and there was nothing wrong with you. But the truth is, takot ka lang sa kung ano ang maririnig na masakit na opinion nila patungkol sa Mommy mo at sa set up ninyong mag-ina, hindi ba?”
Napamaang siya sa sinabi ng doktora. Wala siyang natatandaan na nag-open up siya ng patungkol sa set up nilang mag-ina. Ang sinabi niya lang ay para silang invisible sa isa’t-isa. Simple as that.
“Don’t get me wrong. Hindi sa naniniwala ako sa mga gossips but some of the senior doctors here in SVMC knows your father’s history. Lalo na ‘yong mga colleagues ng Daddy mo. I know you know them. And I must say na concern sila sa iyo. No’ng unang beses kang mag-OJT dito as a MedTech at nakikita nilang madalas kitang kausap, they would always ask me if you were doing fine. At no’ng nasa MedSchool ka na hanggang ngayon na nagte-take ka na ng residency. See? Kahit patay na ang Dad mo, his friends remains as his friends na nag-aalala sa anak ng kaibigan nila.”
Nagbuntong-hininga ang doktora. Natatandaan nga niya na noon, madalas na may lumapit sa kanyang doctor sa ospital. Asking if she was fine or she needed anything. Hindi naman iyon nakapagtataka. Madaming kaibigan ang Dad niya dahil isa itong mabuting tao.
“It’s been a year. And they knew it was hard for you when you lost your father. Hindi din naman nila gets ang Mommy mo but they kept their mouth shut. It’s a family matters kasi. Alam ko din naman na hindi ako dapat nanghihimasok kaya hindi ako makapagbigay ng counselling. Lalo na at masyado kang sarado sa usaping iyan. But now that you were opening yourself to me, maybe it’s about time to tell you my opinion upon my observation…”
Pinakatitigan siya ng doktora. “Minsan, mas masarap pa ding lumabas kahit gaano kapangit ang mundo. Mas masarap pa ding ipakita ang totoong ikaw despite sa kung anuman ang sasabihin ng ibang tao. Gossips? So what? Normal na iyan sa takbo ng mundo ngayon. Oo, dinudungisan ng iyong Mommy ang pangalan ng Daddy mo. At kahit hanggang kamatayan, pakiramdam mo, walang pagsisisi ang Mommy mo sa ginawa niya habang nabubuhay pa ang Dad mo. But isn’t it’s unfair if you wouldn’t want to hear her out? Maybe she had reasons for doing such cruel things.”
Hindi na napigilan ni Fleure ang magreact. Mapaklang napaismid siya.
“At anong valid reason ang pwedeng ibigay niya sa mga ginawa niyang hantarang pangangaliwa? Isa lang ang nakikita ko, masyado siyang malandi. Masyado din siyang makasarili at—”
“Come on, Fleure.” She cutted her off at pinisil ang isang kamay na nasa ibabaw ng table nito. “I know you were mad at her but she was still your mother. You were not supposed to call her names.”
Natigilan si Fleure. Tama kasi ang doktora. Parang napahiya din siya sa sarili dahil sa mga pinagsasabi niya.
“It’s normal you felt that anger towards your Mom. Still, you need to respect her because she was your mother. Ano man ang gawin natin, kahit baligtarin natin ang mundo, hindi na magbabago na siya ang Mommy mo.” Nginitian siya ni Doc. Denise. “I am happy that you finally decided to open up yourself. Alam mo kasi, pwedeng kaya ka nakakarinig ng mga boses kasi, deep inside you, you need and you want someone to talk about your misery. And there was nothing wrong with that. Normal lang iyon. Mas normal kaysa choice mong sarilinin. Kasi, kung mag-isa mo lang dadalahin ang lahat ng sama ng loob mo, pwede kang lunurin ng sakit at galit. And you know it will lead to something worst.”
Muli ay hindi nakapagsalita si Doc. Denise. She knew it. Tama ang doktora. Maaaring nauuhaw din siya sa kausap kaya kung anu-ano ang naririnig at nararamdaman. Maybe she was craving for someone to be with him. Pagod na din kasi siyang mag-isa. Noon kasi, okay lang na wala siyang maituturing na very bestfriend kasi nandiyan naman ang Daddy niya. He was someone she always rely on. Kaya nga nang mawala ito, para na din siyang naliligaw at hindi alam kung saan dapat magpunta. At wala siyang ibang pwedeng asahan kundi ang sarili lamang.
Nginitian ni Fleure ang kaibigang doktora. Maski paano ay kalmado na siya. Maluwag na din ang loob niya at nahihimasmasan sa alalahanin na nagkakaproblema siya sa utak.
“Thanks, Doc Denise.” Totoo na ang ngiting ibinigay niya sa doktora.
“Always.” Sabi naman nito. “You should visit me more often.”
Tumango siya at tumayo na. “I agree. Wala naman akong ibang kayang hingian ng consultation kundi ikaw.”
Tumayo din ang doktora at iniabot ang kamay sa kanya. “I am glad to hear that.” Anito. “Basta ‘wag kang masyadong paranoid. Ang kailangan mo lang ay kausap, hindi doctor sa utak. Believe me, there was nothing wrong with you. You were just stressed and… a bit depressed. We can work that out.”
Kaunti pang paalaman at lumabas na siya ng opisina ng doktora. Maluwag at malaya na ang pakiramdam niya matapos makausap si Doc Denise. Iba nga yata talaga ang pakiramdam kapag may nakakausap at napaghihingahan ng mga saloobin. And yeah. She would visit her more often.