Last Night's Fantasy (Compilation of Gothic Romance) Chapter 48

“DAMN IT!”

Pasalyang inihagis ni Helios ang smartphone sa kung saang bahagi nalang ng kanilang mansyon. Bwisit na bwisit siya dahil wala siyang mapala kay Google. Bukod pa sa sobrang daming lumalabas sa search engine na wala namang kaugnayan sa gusto niyang malaman. Walang pakinabang ang lintik na gadget pero para sa mga tao ay napaka-reliable no’n? What a fucking fuck?!

“Hey? Bakit mo itinapon? Sayang naman.” Pinulot ni Lori ang smartphone na itinapon niya at nagtataka na nilapitan siya. Pero muli ding ibinalik ang tingin sa hawak na smartphone. “Aba, ang tibay ah? Nabubuhay pa din. ‘Buti nalang hindi nalasog.”

“Keep that crazy thing away from me!” Gigil na sambit niya at dumeretso sa may bintana.

Sandali siyang sumilip kung may liwanag pa at napadaing nang tamaan ng pang-hapong liwanag.

“Shit! Fuck shit!” gigil na mura niya at inayos ang kurtina.

“Ano bang problema mo, Helios? Bakit ang init ng ulo mo?” nagtatakang nilapitan siya ni Lori at iniabot ang smartphone.

Tiningnan niya iyon ng mga ilang as aa saka inabot mula sa kapatid at isinuksok sa bulsa ng black hoody jacket. Magsasalita as aa siya nang biglang sumulpot si Ailister mula sa kung saan.

“That’s mine, Helios! Bakit suot mo ang jacket ko?” Takang tanong ni Ailister at pinasadahan siya ng tingin. “Kay Azriel ‘yang shades. Na sa’yo pala ‘yan. Ilang araw ko na ‘yan hinahanap.”

“Darn!” bwisit na hinarap niya ang kapatid. “Ang dami-dami niyong jacket at shades. Ito lang tig-isa ang hiniram ko, hinahanap niyo pa.”

Kunot-noong lumapit si Ailister kay Lori. “Ano’ng problema ni Helios? Bakit mainit ang ulo?”

“Ewan ko. Nasaan si Lathan?” sa halip ay tanong ni Lori na hinahanap ang isa pang kapatid. “Magpapalit kami ng pwesto.”

“Bakit?”

“Wala. Gusto ko lang ng bagong environment.”

Kung anu-ano pa ang pinag-uusapan ng mga kapatid niya at nabwisit na si Helios. Wala siyang mapaglabasan ng frustration na hindi niya mahanapan ng sagot ang mga tanong patungkol kay Fleure. Hinding-hindi niya rin naman sasabihin sa mga kapatid na pinoproblema niya ang babae. Baka pagtawanan at asarin lang siya ng mga ito. Siya. Ang panganay ng mga Monfort, ang bampirang walang problemang hindi nai-solve, namomoroblema ngayon dahil sa isang mortal.

Kung tutuusin ay hindi naman niya dapat problemahin si Fleure kasi binibigyan ng babae ng scientific explanation ang mga nakita patungkol sa kanya. Ganoon ang mga taong naka-rely sa science. Still, hindi siya dapat makampante. Paano kung biglang lumiko ang utak at analization nito? Kaya nga medyo lumayo muna siya kay Fleure. Maski gustong-gusto niya itong lapitan, hindi niya ginagawa. Mas mabuting mag-lielow muna siya kaysa naman ma-trigger na naman ang curiousity ng babae patungkol sa kanya.

But hell! It was so damn hard that he can just see her from afar. Gusto niyang gumawa ng paraan at dahilan para malapitan ang babae. Kaya lang, kinukwestyon din naman niya ang sarili kung bakit gusto niyang gawin iyon at para saan. Madalas din, kapag may soul sucker sa lugar na dadaanan ni Fleure, hindi pa man iyon umaatake ay inuunahan na niyang tapusin ang soul sucker. He wants her safe always. At pinaniniwala niya ang sarili na ginagawa niya lang na protektahan si Fleure dahil source of food niya ito. But he never branded her as his. Ganoon man, alam niyang alam ng mga kapatid na si Fleure ay kanya dahil nakikita ng mga itong madalas siyang umaligid sa dalaga. Kaya nga hindi pinakikialaman ng mga ito ang babae. Hindi pinapasok ng mga ito ang panaginip ng babae maski may mga gabi na kakaunti ang mga nasa astral planes na traveller. Ganoon kasi ang rule. Kapag kakaunti ang source of food sa astral planes, pwede silang pumasok sa panaginip ng mga tao para kumain ng blood energy ng mga ito. They will serve also as human nightmares na hindi na maaalala ng mga ito sa paggising.

“Ailister…” pabuntong-hiningang tawag niya sa kapatid.

Tumigil naman iyon sa pakikipag-discuss ng kung ano kay Lori.

“Saan ka bumili ng ganito?” Tukoy niya sa suot na hoody jacket. “Gusto ko ng madaming ganito.”

“Wow! Did I hear it right? Gagamitin mo na ang funds mo to buy human stuffs? Akala ko ba, sa amin nalang ang kayamanan mo kasi hindi mo naman iyon kailangan?” Tila nagugulat na tanong sa kanya ni Ailister.

Of course he will get surprised. May funds ang pamilya nila na nakukuha din lang naman nila sa mga tao. Sa itinagal-tagal na nila sa mundo, marami na silang pera. Si Lori ang taga-invest ng perang naipon nila since kaya nitong mag-possess ng mortal at ipinapangalan nalang sa bawat isa sa kanila. May kanya-kanya silang account. Kung ang mga ito ay matuwa at magalit na sa lagay ng stock market ng bansa at ng iba pang bansa kung saan naka-invest ang lumalagong pera ng mga ito, siya naman ay walang pakialam. Actually, ni hindi niya nasilip ang bank account magmula nang i-invest ni Lori ang pera niya. Ni wala din siyang idea patungkol sa investments.

Sinabi niya noon na hindi niya kailangan ng pera ng mga tao. Just his necessities like clothes, shoes, etcetera… etcetera. Sinabihan niya ang mga kapatid na gamitin ang funds niya kung kailangan ng mga ito. Pero mapa-pride ang mga iyon kaya hindi pinakikialaman. Ang sabi pa, dadating ang panahon na kakailanganin niya ang pera ng mga tao. At dadating din daw ang panahon na gugustuhin niyang lumabas sa ilalim ng araw.

That was insane for him.

Before…

Before that night he had an eye to eye contact with that human he can’t read. Dahil ngayon, gusto niyang makalabas, in day light time. Gusto niyang makisalamuha sa mga tao at makasama si Fleure na hindi nito iisiping nababaliw na ito. Kung bakit ba naman kasi malakas ang pakiramdam ng babae at nararamdaman siya kapag nasa paligid siya nito maski nasa astral form pa siya.

“He already did. Bumili nga siya ng phone eh.” Narinig niyang sabi ni Lori saka siya binigyan ng nang-aasar na ngiti.

“Really? He did? Akala ko ba hindi niya kailangan ng phone? Teka pala… Anong brand? Baka apple ‘yan, madamot sa apps. At marunong na ba siyang gumamit? Sinong nagturo—”

“Cut it, Ailister!” Gigil na singhal niya sa kapatid na ang dami-daming sinasabi. Saka binigyan ng masamang tingin si Lori. Naiinis na siya sa mga ito dahil halata namang hindi lang siya isinasali sa usapan para lalong asarin. “Kung ayaw niyong sabihin, huwag! Ako ang hahanap ng mabibilhan.”

Isinuot niya ang hood ng jacket at ibinaba hanggang ibabaw ng ilong. Kinuha niya din sa bulsa ang mask para matakpan ang bibig.Nagmamadali na siyang lumabas nang marinig si Lori.

“I knew it was because of that woman, Helios. But I am warning you, the woman was smart. Kung mapansin niyang may mali sa ‘yo, alam kong hahanapan niya ng sagot iyon. And you wouldn’t want to blow our cover to that human, right?”

Napalingon siya kay Lori. Masyadong seryoso ang kanilang bunso. Kapag ganoon ito, alam niyang nag-aalala ang dalaga. And he understands. Nag-aalala itong mai-uncover nila ang sekreto ng pamilya sa babae kung hindi siya mag-iingat at patuloy na lalapit kay Fleure. But hey! Ano bang akala ni Lori sa kanya? Lousy?

“Tss! I know what I am doing, Lori.” Sabi niyang naaasar na.

“Oooohhhh!” parang nakakaasar namang komento ni Ailister. “Alam ba ito nina Mom at Dad? Na may kinikitang babae si Helios, Lori?”

Nakita niyang bumaling si Lori sa kapatid. “Sure they did. Katulad ng alam nilang tumatakas kayo ni Azriel kahit may liwanag pa. At sumasanib naman ako sa mahihinang mortal para makapagliwaliw sa mundo sa ilalim ng araw.”

Ailister just shrugged her off. Alam niyang kinabahan ang kapatid pero hindi nagpahalata. Siguradong, one if this nights ay kakausapin sila ng mga magulang. Tanging ang pinsang si Axyl at ang kapatid na si Lathan lamang ang kontento na sa dilim at hindi nagtatangkang lumabas sa liwanag. Ang dalawang iyon lang ang hindi masasabon ng matatandang Monfort. But what the hell would he care?

Saka na niya iisipin ang magiging katwiran sa mga magulang kapag kinausap na sila ng mga iyon. Sa ngayon, he will mind his own business. Matapos kapain ang lilibuhing pera sa bulsa ng maong ay tumalon na siya palabas ng bintana ng mansyon.

It’s time for shopping. Kailangan niyang unahin ang mga pananggalang sa liwanag bago lumapit ulit kay Fleure.

PABIGLANG natapakan ni Fleure ang break ng kotse nang may sumulpot na kung sino sa dadaanan niya. Nakabunggo pa yata siya dahil parang may tumilapon. Kinabahan tuloy siya. Madilim ang daan. Walang mga streetlights sa malubak na daan. Malabo din ang front light ng sasakyan niya at kaliwang bahagi lang ang gumagana. Hindi pa din niya naipapaayos ang mga iyon dahil nitong nakaraang dalawang linggo ay naging busy na siya sa mga schedules sa ospital.

Galing si Fleure sa isang medical mission sa Baguio at dumeretso sa isa niyang Auntie na sa Baguio nakatira kasama ng pamilya nito. Alas sinko natapos ang medical mission pero pinauna na niya ang iba pang kasamahang doctor. Nasa Baguio na din siya, kinuha na niya ang pagkakataon na madalaw ang panganay at nag-iisang kapatid ng ama. Pwede namang doon na siya matulog at ayaw na ding paalisin ni Aunt Mariz since alas nueve na ng gabi at mahirap nang bumiyahe. Pero may schedule pa din siya kinabukasan kaya pinilit niyang makauwi. May nakapagturo sa kanya na may shortcut papuntang national highway at nang makaiwas din sa mga lubak sa dinaanan niya kaninang papunta palang sa barangay na iyon. Pero parang mas napapalayo yata siya sa direksyon na ibinigay ng lalaki kanina. Parang sa pagmamadali niyang makauwi ay lalo yata siyang gagabihin. Marami ding lubak ang dinaanan niya kanina. May mga patag pero mas madami ang malubak. Hindi din malaki ang trail na halatang maliliit na sasakyan lang ang dumadaan doon sa kung saang bahagi man ng Baguio papunta ang daan na iyon.

At bakit kung kailan kalaliman ng gabi, saka naman may sumusulpot na kung sino? Doon pa sa madilim at medyo gubat na bahagi. Bakit nga ba gubatan ang lugar na napasok niya? Ang sabi ng lalaki, mga kalahating kilometro lang ang tatakbuhin niya sa direksyon na pinasok at national highway na. Bakit parang halos dalawang oras na siyang nagda-drive sa madilim at medyo gubat na lugar na iyon. Though may trace naman ng daan na hindi nga lang concrete, still, sa magkabilang bahagi, kung hindi damuhan ay mga nagtataasang mga puno. Kanina pa niya ichinecheck sa locator kung nasaan na siya pero error ang lumalabas.

Nagdadalawang-isip si Fleure na bumaba. Bukod sa madilim ay liblib ang lugar. Baka may bigla nalang lumusob na ligaw na hayop o mapanganib na tao sa lugar na iyon. Pero bilang isang doctor at isang motorista na responsible sa kung sinong nabundol niya, hindi siya pwedeng manatili lang sa loob. Paano kung malala ang nagawa niyang pinsala sa kung sino? Pigil ang hininga at pilit pinalalakas ang loob na bumaba siya ng sasakyan. Hindi na niya pinapatay ang makina para kahit paano ay may liwanag pa din na mula sa kotseng naghihingalo na ang front light. Kailangan niyang i-check kung may nabunggo nga ba siya at kung ano na ang nangyari. Lalo at wala pa ding dumadaing o humihingi ng tulong.

Diyos ko! Baka napuruhan ko? ‘Wag naman sana. Hindi ko pa naman alam kung nasaang lupalop na ba ako ng daigdig. Hindi ko nga matulungan ang sarili ko na makaalis, may napurwisyo pa yata ako.

Nakita niya kasing parang may babaeng tumawid. Mahaba ang buhok na nakatabing sa mukha. Nakamaong jeans at T-shirt. Ni hindi nga niya napansin kung saan iyon nanggaling. Basta ang alam niya lang, may nabundol siya at tumilapon iyon.

Pero pagdating naman niya sa unahan ng kotse, wala namang kahit ano doon. Sinilip niya ang ilalim, wala din. Pero imposible. Alam niyang may nabunggo siya. Kaya lang ay nasaan na?

“Hi, Ms? Any problem?”

Bigla ang pagbundol ng matinding kaba sa dibdib ni Fleure nang marinig ang malalim at malamig na boses na iyon. Nang lingunin niya ang nagsalita, nakailang kurap ang dalaga. Pamilyar ang mukha ng lalaki. Kilala niya ito. Saan nga ba niya ito nakita?

“Hi! Ikaw ‘yong babae sa Rizal, right?”

Napapitik ito sa hangin. “What a coincidence? Bakit nandito ka? Ang layo ng Rizal sa Baguio.” Masigla at parang natutuwang tanong nito.

Pinilit niyang hanapin sa isip ang pangalan ng lalaki. Ito ‘yong lalaki na lumapit sa kanya at pinagtangkaan siyang halikan. Na sa hindi niya maintindihang dahilan ay hindi niya ma-resist. Parang may enerhiya na pumipigil sa kanyang i-resist ang pagtatangka nito.

“Z-Zeke?” Sa malamlam na liwanag mula sa buwan, nakita niyang ngumiti ito.

“I’m glad you still remember me.”

Nang humakbang palapit sa kanya ang lalaki ay nakaramdam na naman siya ng kilabot at matinding kaba. What’s with this man at parang ang eerie ng aura nito? Or maybe it’s the place and time. Sa pangalawang pagkakataon na nakita niya ang lalaki ay madilim at secluded ang lugar. Nakakatakot talagang mapag-isa sa madilim at liblib na lugar na kung may magtatangka sa kanya ay walang ibang makakarinig.

“Anong… bakit…?” Hindi mahanap ng dila niya ang mga salita at dapat itanong.

Lalo na nang magtama ang mga mata nila. Kahit anong pilit niyang ilayo ang tingin sa lalaki, hindi niya magawa. Kahit anong gawin niyang pag-uutos sa sarili na kumilos para lumayo rito habang patuloy ito sa paghakbang palapit sa kanya, hindi niya magawa. As if she was glued into the place where she stands.

Ngumisi na naman ang lalaki habang titig na titig sa kanya. Marahan pa nitong hinaplos ang pisngi niya. His hand, it was so damn cold… and hard. Cold and hard as steel. And his effect was so chilly. What was he?

Bakit may ganito siyang pakiramdam kapag kaharap ang lalaki? Hindi naman siya lasing o nakainom man lang para bigyan ng justification ang nararamdaman, ‘di katulad noong unang beses niya itong makita? And why she couldn’t make a move even she felt the frightening aura. Maski ang sumigaw ay hindi niya magawa ganitong nakakakilabot ang mga mata nitong titig na titig sa kanya.

“What do you have that a great Helios Monfort was so drawn into you?” sabi nitong bumaba ang mga kamay sa kanyang leeg. Humahaplos doon na lalong nagbigay sa kanya ng matinding kaba at kilabot.

Sino ba ito? At ano ‘yong pangalan na binanggit nito? Helios?

Helios!

That was the name of that arrogant man. Posible bang magkakilala ang dalawa.?

Oh yes! Nang gabing iyon sa liblib na bahagi ng Rizal, kitang-kita niya kung paanong nagpambuno ang dalawa. At bakit nga ba siya nadawit sa kung anumang away ng dalawang ito? Hindi naman niya personal na kilala ang alinman sa mga ito.

“Ano kayang mararamdaman ni Helios kung pakialaman kita, ha? Fleure Garnett?”

Shit! Bakit kilala niya ako?!

Wala akong maintidihan. Ano bang sinasabi niya?

Gusto niyang magtanong. Ang dami niyang gustong itanong. Pero hindi niya mahanap ang boses. Naramdaman nalang niyang umangat ang kamay nito sa kanyang baba at iniaangat iyon. At hayun na naman ito. Mukhang nagtatangka na naman siyang halikan. At sino ba ito sa akala nito para halikan siya ng ganoon nalang?

Kung sa normal circumstances, dapat na sinasampal na niya ang lalaki sa pagtatangka palang nito. Pero para siyang naging estatwa. Hindi siya makakilos.

And when he was about to claim her lips, naramdaman niyang may humila sa kanya papunta sa kung saan. Noon niya naramdaman na gumagana na ulit ang kanyang mga nerves. Nagagawa na niyang kumilos at magsalita.

“What the…”

Napasinghap si Fleure nang maramdamang sumalya siya sa gilid ng sasakyan. The next thing she knew ay may nagpapambuno na sa harapan ng sasakyan niya. At hindi siya maaaring magkamali. Ang bagong dating na lalaki at malamang na humila sa kanya palayo kay Zeke ay walang iba kundi ang aroganteng si Helios. Naka-hood pa din ito pero sa bilis ng mga galaw at sa pakikipagpambuno kay Zeke ay naalis na ang hood. Kitang-kita na niya kung gaano kagwapo ang seryosong mukha ng lalaki.

At talagang naisip pa niya ang compliment na iyon sa ganito ka-intense na sitwasyon…

“Get inside your damn car and lock it!” gigil na sigaw sa kanya ni Helios habang ibinabalya nito sa lupa si Zeke.

Pigil ng isang kamay nito ang braso ng huli habang ang isa pang kamay ay nakasakal sa leeg ni Zeke. Nagpumilit tumayo si Zeke at sa isang sandali, magkapalit na ang posisyon ng dalawa. Nakapailalim na si Helios habang sakal pa din ni Helios si Zeke. Pisil ni Zeke ang panga ni Helios at pilit pinapabuka ang bunganga. Bumuka din ang bunganga ni Zeke at may kung anong parang puting usok na lumalabas sa bibig ni Helios. Tumira pa ng isa sa sikmura ni Helios si Zeke at napadaing ang una habang patuloy na nakabuka ang bibig. Hindi niya maintidihan pero may pakiramdam siya na dapat niyang pigilan ang dalawa sa kung anumang nangyayari sa pagitan ng mga ito.

Sa halip na pumasok sa loob ng kotse, nagpalinga-linga siya at naghanap ng kahit na anong bagay na pwedeng ipanghambalos kay Zeke. Nakakita siya ng medyo malaking tipak ng bato. Kinuha niya iyong at ipinukpok sa balikat ni Zeke. Sa pagtataka niya ay hindi iyon ininda ng lalaki samantalang pagkalakas na ng ginawa niyang paghampas. Inulit-ulit ni Fleure ang paghambalos ng bato sa balikat. Nang hindi pa din matinag, wala na siyang choice kundi ulo naman ang puntiryahin dito. Pumili siya ng parte na alam niyang magpapawalang malay lang sa lalaki pero wala pa din iyong epekto. Nilakasan na niya ang paghampas at noon palang bumaling sa kanya ang lalaki. May galos pero walang dugo ang noo nitong hinampas niya ng bato.

Bakit? Anong…

“Damn you, silly woman!” galit na singhal nito sa kanya.

At sinakal siya ng lalaki.

“Open your mouth and give me your soul.”

Hintakot si Fleure at napaigik. Parang mauubusan siya hangin sa higpit ng pagsakal nito sa kanya. Kahit sinasabi ng isip na huwag ibuka ang bibig, ibinuka pa din niya. Kundi ay tuluyan siyang mawawalan ng oxygen sa katawan.

“Good then.”

Nawala na ang atensyon nito kay Helios at siya naman ang pinuntirya. Ilang sandali pa at pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng ulirat nang muli siyang sumalya. This time ay sa harapan na ng sasakyan. Napahampas din ang ulo niya doon at nanlabo ang mga paningin. Nawalan na din siya ng kakayahang kumilos. At tanging nakikita nalang ay ang pagpapambuno ng dalawang lalaki sa harapan niya. Hindi niya alam kung dala ba iyon ng pagkahilo at para bang sa paningin niya, lumulutang ang dalawa habang naglalaban. Naroong ilang beses na ibinagsak ni Helios si Zeke at parang papel na isinasalya sa hangin saka sasaluhin at ibabagsak ulit sa lupa. Ramdam niya ang mga pagyanig sa tuwing may babagsak alinman sa dalawa mula sa ere. Hanggang sa tuluyan nang bumigay ang mga mata niya at nag-shut down ang sistema ni Fleure.

“DAMN this idiot of a woman!” pagalit na sambit ni Helios habang kinakarga si Fleure.

Nakahandusay na ito sa unahan ng sasakyan at walang malay. Sinabihan na niya itong pumasok sa kotse pero anong ginawa? Sa akala ba nito ay isang tipak lang ng bato ang magpapatumba sa soul sucker na si Zeke.

And she was really, really crazy for entering the damn imaginary lane made by the soul sucker! Malamang na kagagawan din ni Zeke ang pagkapasok ni Fleure sa imaginary lane na iyon. Soul suckers can do an image transformation. Kaya ng mga itong gayahin ang itsura ng kahit na sinong mortal na gusto nitong gayahin. Kahit ang anyo nilang mga astral vampires ay magagaya ng mga soul suckers kung gugustuhin. Pero hindi sila maloloko ng mga soul suckers. They knew the difference.Soul suckers had red eyes. While, theirs were blue.

Gustong-gusto talaga ng soul sucker na makuha ang kaluluwa ni Fleure. Malamang na kinuha nito ang pagkakataon para magawa iyon habang nakikipagpambuno pa siya sa mga mahihinang soul sucker mula sa kampo ng mga Avergou. Malayo-layo din ang Baguio mula sa kinaroroonan niya kanina. At para malaman ni Zeke ang mga activities ni Fleure, malamang na sinusubaybayan nito ang dalaga.

Matapos maipasok sa passenger seat ay pumuwesto siya sa driver seat para imaneho ang sasakyan palabas ng imaginary lane. Pero bigla din siyang napaisip. Hinang-hina pa ang katawan niya at malamang na hindi pa sila nakakarating sa dulo ng lane ay bumigay na ang katawan niya. Pinakatitigan niya ang walang malay na dalaga. Hindi naman siguro ito magigising kung sandali siyang mag-astral travel para kumain. Nasa loob din ito ng kotse at imposible ding may dumating na soul sucker since si Zeke ang may matinding frustration na makuha ang dalaga. Hindi ito pagtatangkaang pakialaman ng iba pang soul sucker dahil hindi babanggain ng mga iyon si Zeke. And as for Zeke, he can’t go back in here.

Matindi ang pinsala ng soul sucker matapos ang halos kalahating oras na pagsasagupaan nila. Kaya nga halos ma-drain din ang lakas niya. Kailangan niyang kumain or else, they were doomed. They, dahil hindi makakalabas si Fleure sa imaginary lane na iyon.

Pinakatitigan niya si Fleure. At nandoon na naman, pumapaligo sa kanya ang matinding urge na haplusin ang makinis na pisngi ng dalaga. Napabuntong-hininga siya pagkatapos.

“What was really gotten into me and I am feeling this way towards you? Ikaw na alam kong banta sa katauhan ko.” Naitanong ni Helios sa walang malay na dalaga.

Halos araw-araw, nasa paligid siya ni Fleure, nagmamasid mula sa malayo. Sinisiguradong safe and secure ito. Hindi niya magawang lumapit dahil wala siyang maisip na dahilan para lapitan ito. At para saan? Bukod pa nga sa hindi siya pwedeng ma-expose sa liwanag.

Hindi pa gaaanong malinaw ang dahilan kung bakit hindi niya marinig ang iniisip ni Fleure. Pero ang isang naiisip niyang dahilan ay malakas ang will power nito at may malalim na pang-unawa sa science. Hindi mababaluktot ang paniniwala nito ng mga superistiscious beliefs at kung anu-ano pang pinaniniwalaan ng mga mahihinang mortal. Lahat ng bagay ay hinahanapan nito ng paliwanag. Isa kasing nagpapahina sa utak at pananalig ng mortal ay ang kawalan ng sariling disposisyon at opinion. ‘Yong mga nagbabase ang isip sa opinyon at pananalig ng iba. Walang sariling theory at concrete basis sa sariling theory. Mas madaling nai-invade ang private thoughts ng mga iyon.

Kaya, siguro sarado ang port sa kaisipan ng dalaga dahil bukod sa matalino ito, may sariling lakas ang isip. Malaking bagay iyon para kay Fleure. Sheild nito iyon para sa mga katulad niyang may telepathic abilities. At ang compulsion niya… malamang na kaya hindi niya din ito mapasunod dahil konektado sa isip ang hypnosis. Hindi ma-invade ng hypnotic energy and ability niya ang isip ni Fleure kaya hindi nare-reprogram ang isip nito, hindi niya napapasunod at napapalitan ng plot ang nasa loob na at naka-play na sa utak nito. Malaking bagay kasi na buo, determinado at malakas ang pananalig sa sariling kaisipan para mas mapatibay ang shield ng utak ng isang mortal.

Isa ulit buntong-hininga. Saka niya pinakatitigan ang magandang mukha ni Fleure. Nandoon na naman ang intense na pakiramdam niyang haplusin ang mukha nito. Damhin ang mga labi ng kanya. Tikman iyon at pagpasasaan. But he hold himself. Kahit maraming paraan para mag-take advantage, hindi niya gagawin.

It’s not so him. He was a vampire. Opportunist and clever. Every chance that would benefit them, hindi nila pinapalagpas. But there’s always an exemption. At sa pagkakataong ito, si Fleure ang kanyang exemption.

Pinilit ni Helios na makapag-drive palabas ng imaginary lane na ginawa ni Zeke hanggang sa maramdaman niyang kaunti nalang at made-drain na siya. Ilang metro pa at bumigay na ang lakas niya. Wala nang ibang choice kundi ang mag-astral travel at kumain. Babalikan niya si Fleure at ilalabas sa danger zone. For now, kailangan muna niyang lumabas ng katawan at magpalakas.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.