Last Night's Fantasy (Compilation of Gothic Romance) Chapter 9

three years ago…

HUMIHINGAL na bumangon si Scylla mula sa pagkakahiga sa kanyang kama. Alas tres pa lang ng madaling araw ng sipatin niya ang orasan sa ibabaw ng sidetable.

Pakiramdam niya ay uhaw na uhaw siya at pagod na pagod habang nanliligo sa sariling pawis. Hindi niya rin maintindihan kung bakit,samantalang galing lang naman siya sa pagtulog. Dapat ay sanay na siya. Isang buwan magmula nang magising siya mula sa pagka-coma sanhi ng isang malagim na aksidente, parati na niyang nararanasan iyon. Parati siyang nananaginip ng kakaiba.

Iyong tipong hindi siya makakilos pero aware naman siya sa nangyayari sa paligid niya. Parang nakikita niya ang kabuuan ng kinaroroonan niya pero alam naman niyang tulog siya.

Pero nitong nakaraan, may nararamdaman siyang nilalang na lumalapit sa kanya. Sa mga unang panaginip, tila natural lang ang pakiramdam na nilalapitan siya nito. Subalit sa mga sumunod at hindi niya makita ang mukha ng nilalang na palagay niya ay lalaki dahil sa pigura nito, nagsimula siyang matakot at kilabutan. May mga pagkakataon pa na anyong demonyo ang nararamdaman niyang lumalapit sa kanya sa panaginip na lalong nagbibigay sa kanya ng kilabot at pagkataranta. Minsan ay ayaw na niyang matulog kung mararanasan niya rin lang iyon. Subalit, bigla rin naman niyang maaalala ang lalaking walang mukha na nagpapakita sa kanya sa panaginip.

It felt like she was really looking for him. That she finally found the puzzle piece she was looking for such a long time.

Pero bakit naman kaya? Bakit niya gugustuhing makita ang lalaking ni hindi niya kilala? Bakit may pakiramdam siya na gusto niya na dinadalaw siya ng estranghero samantalang kapag nangyayari iyon ay nagaganap rin ang nakakatakot na pangyayari sa kanyang pagtulog? Hindi siya makakilos maski gustuhin niya. Kahit sumigaw siya, pakiwari niya ay di naman iyon umaalpas sa kanyang bibig. Inaabot siya ng mahabang sandali bago magising at talagang natatakot na siya dahil ayaw na niyang manatili sa dilim muli.

Nang mga panahong comatose siya, buhay ngunit tila patay dahil nabubuhay siya sa madilim na parte ng mundo, laking pasalamat niya sa panginoon na muli niyang nahanap ang liwanag. Ayaw na niyang maulit ang masamang kabanata na iyon ng buhay kaya nang sabihin niya sa kanyang kuya ang tungkol sa mga dinadanas niya ay agad silang nagpatingin sa doktor. Natatakot siya na muling matali sa kama.

At ayun sa doktor, since nanggaling siya sa pagka-coma, asahan na ang ganoong bagay. Maski naman raw ordinaryong tao na full of stress ay nakakaranas ng ganoon.

Hindi naman siya stressed out. Sa totoo lang, maski naka-graduate na siya sa college ay di agad siya pinagtrabaho.Gusto nito na magrelax siya ng mahabang panahon at ienjoy ang second life niya.

Mas naging maalwan ang buhay niya dahil mas dumoble ang pag-aaruga sa kanya ng kapatid magmula nang maka-recover siya sa aksidente. Kulang nalang ay subuan siya ng pagkain ng kapatid sa sobrang pag-iintindi nito sa kanya. Maigi nalang at may dumating na ring babae sa buhay nito, babaeng magpapatibok ng puso nito, si Pitch. Nabawas-bawasan ang atensyon nito sa kanya. At sa wakas ay nagawa na rin niya itong himukin na i-train siya sa kompanya na iniwan ng kanilang mga magulang.

Hindi naman sa suffocated na siya sa atensyong ibinibigay ng kapatid, pero kasi, may sariling buhay rin ito na dapat hinaharap. Buhay na kinalimutan na yata nito para sa kanya sa takot na maiwan itong mag-isa sa mundo.

Now, she was happy that her brother was planning to settle down. Magkasama pa din sila sa bahay at balak na sa bahay nila titira sina Pitch at ang kapatid maski matapos magpakasal. Mas gusto niya iyon. Ayaw niyang mag-isa. Lalo pa kung ganitong hindi na nawala sa kanya ang sleeping paralysis na may kahalong lucid dreaming. Iyon ang paliwanag ng psychologist niya sa dinadanas niya sa tuwing matutulog. Akala niya, masasanay rin siya dahil tatlong taon na rin naman niyang nararanasan iyon. Minsan, once or twice in a month.

Pero nakakatakot na ngayon dahil halos gabi-gabi ay may dumadalaw na lalaki sa kanyang panaginip. Akala niya ay totoo dahil aware naman siya sa mga nangyayari sa paligid, subalit alam naman niyang tulog siya.

At ngayon, kakaiba talaga ang gabing ito. Dahil nagkaroon na ng mukha ang lalaki sa kanyang panaginip. At hindi lang ito basta lalaki kundi isang napakagwapong lalaki na may asul na mga mata, matangos na ilong at mamula-mulang labi. Makinis at maputla ang kutis. At nang ngumiti ito sa kanya ay tila ba napakapamilyar ng damdamin na hatid ng napakagwapong ngiti na iyon.

Subalit sino ito? Wala siyang matandaan na may nakilala siyang ganoon kaperpekto ang kagwapuhan.

When he touched her face, everything seems familiar, every single feelings was familiar. She tried to move and tried to talk but she couldn’t. Nataranta na siya nang tuluyan at pinilit na magising. Para kasing totoong-totoo na nasa tabi niya ito, na nakaupo ito sa kanyang kama. Ngunit hindi niya talaga magawang makakilos kahit anong pilit niya. Until she heard him say: “I miss you…”

Matapos iyon ay nagawa rin niyang magising at makabalik sa reyalidad. At heto nga siya, pawis na pawis, pagod na pagod at uhaw na uhaw. Pakiwari niya ay naroroon pa rin sa tabi niya sa kama ang lalaki sa kanyang panaginip. Pero wala naman siyang nakikita. Parang totoong-totoo, subalit wala naman.

Umahon si Scylla sa kama at bumaba para kumuha ng tubig. Kailangan niya iyon para kumalma. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit niya nararanasan iyon? At sino ang gwapong lalaki sa kanyang panaginip?

Bumalik si Scylla sa silid niya matapos makainom ng tubig. Nagdala na din siya ng isang basong tubig para kung sakaling mauhaw ulit siya. Hihiga nalang sana siya muli sa kanyang kama nang mahagip ng kanyang mga paningin ang panel window sa kanyang silid. Hindi pala maayos na nakatabing ang blinds kaya’t kitang-kita niya ang view sa labas. Bumaba siya muli sa kama at binuksan ang bintana. Napakaganda ng buwan ng mga sandaling iyon. Parang kumikinang ang bilog na bilog na buwan at di pagsasawaan ng sinuman na tunghayan iyon.

Weird, but it felt like she was doing it many times before. Samantalang wala siyang matandaan na pagkakataong tumutunganga siya para panoodin at i-appreciate ang magandang buwan. May pahina ba ng buhay niya na nakalimutan niya?

She was getting confused even more. Para kasing may malaking bahagi ng buhay niya ang nakalimutan niya at kahit anong pagpupursige niyang alalahanin ay di niya maalala.

“What is really going on me?” confused na tanong niya sa sarili.

Muli sana siyang babaling sa magandang buwan nang makaramdam siya ng kakaiba sa kanyang tabi. It felt like someone was there near hers. Gusto niyang kilabutan sa naiisip. Pero alam niyang hindi lang iyon nagmumula sa kanyang isip dahil nararamdaman niya. Nararamdaman niyang may kasama siya. She even felt something cold from her behind. May kasama siya!

May kasama siya at hindi niya iyon nakikita!

Bigla siyang kinilabutan sa kaalamang hindi siya nag-iisa. Pinigilan niya ang sariling mapatili. Ayaw naman niyang mabulahaw ang kapatid at mga kasambahay. Habang nagtatayuan ang mga balahibo ay naglakas-loob na siyang kabigin pasara ang bintana. Ngunit bago iyon ay isang lalaki ang natanaw niya sa ibaba sa tapat ng kanyang silid. Lalo siyang kinilabutan nang mamukhaan ang lalaki.

Iyon ang gwapong lalaki sa kanyang panaginip. Subalit bakit ganoon ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Nag-aapoy na pula sa halip na asul na mga mata. At bakit lalong tumitindi ang kilabot na hatid ng mga titig nito sa kanya? Sa isang sandali ay parang nais niyang maparalisa hanggang sa putulin iyon ng maawtoridad na tinig mula sa kung saan.

“Close that window and don’t dare invite him in! You’re putting yourself into trouble.”

Impulsive na isinara nga niya ang slide window at saka nagpalinga-linga sa paligid. Sino ang nagsalita? Nasaan ito? Bakit tila pamilyar ang tinig nito? At bakit may bahagi ng puso niya ang tila nananabik na marinig ulit iyon? Tila biglang sumaya ang puso niya na marinig ang gwapong tinig na iyon?

“Sino ka?”

Lakas-loob na tanong niya. Kumpara sa damdaming dulot ng nilalang na may nag-aapoy na pulang mga mata sa ibaba, security and comfort ang hatid ng tinig. Na hindi niya sigurado kung narinig ba talaga niya.

Or was it just her mind? Her instinct? Her fright that invented the voice? The very handsome voice…

Kung isip man nga niya ang kumatha ng tinig dahil sa kanyang survival instinct, sobra naman yata kung nagawa pa niyang gawing tunog gwapong nilalang ang tinig na iyon.

“Am I crazy? Bakit ko ba naiisip ang mga ito?”

Nagugulumihan at natatakot man sa mga nakita at nararanasan ay pinili niyang isara na ang blinds at bumalik sa kama. Kailangan niyang matulog. Baka kulang lang siya sa pahinga. Bukas ay panibagong araw na naman ang gugugulin niya sa opisina. At magiging abala siya lalo’t ang kuya niya ay kailangang magpokus sa wedding preparation nito at ni Pitch.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.