“LATHAN!”
Patakbong sinugod ng yakap ni Scylla si Lathan na naroroon lang sa isang bahagi ng rooftop ng ospital. Kaaakyat niya lang roon. Balak niya sanang doon mamalagi at mapag-isa habang pinag-iisipan ang mga sinabi ni Lori. Pero hindi niya akalain na gagawa agad ng paraan si Lori para magkausap sila ni Lathan. Ang akala pa nga niya ay hindi siya tutulungan ng babaeng bampira.
Ano man ang nangyari, ang mahalaga ay naririto na si Lathan sa kanyang harapan. Nagulat pa siya nang gumanti ng yakap ang lalaki sa kanya.
At hayun na naman ang napakasarap na pakiramdam na hatid ng mga bisig ni Lathan.
“Ang tagal mong hindi nagpakita. Na-miss kita.” Aniya rito matapos kumawala sa yakap ni Lathan. “Kagabi na magpakita ka naman, nakipaglaban ka pa.”
Tipid na ngumiti si Lathan. Atleast, may improvement na. Ngumingiti na ito ng maayos sa kanya. Hindi tulad ng dati na tila wala itong pakiramdam.
“Kumusta ka? May naging pinsala ka ba?”
“I’m fine.”
Pinakatitigan niya si Lathan. Malungkot ang napakagwapong mukha nito. Ang nakakatakot na asul na mga mata ng bampira ay tila naging malamlam at malungkot rin. Sa hitsura nito, tila ba may nais itong sabihin pero di naman magawang ilabas o hindi nito alam kung paano sisimulan.
Marahang hinaplos niya ang gwapong mukha ni Lathan. Hindi niya rin alam kung bakit niya ginagawa iyon. Basta may pakiramdam siya na iyon ang tamang gawin. It would atleast gave him comfort. Kung anuman ang bagay na nagpapalungkot rito, baka sakaling mabawasan iyon ng mga haplos niya.
“Your hand felt so soft. Maski nasa astral form ka.” Komento nito habang pinakatititigan siya at hinahayaan sa kanyang ginagawa.
“Duty ka nga palang mag-abang ng soul sucker, ano? Makikipaglaban ka na naman ba? Sana nakapag-hunt ka ng maayos para hindi ka natatalo sa mga laban mo.”
Dagling umigting ang mga bagang ni Lathan. Tila nainsulto niya ito.
“Ooops! Sorry.” Biglang paumanhin niya. “I mean, dapat di mo pinapabayaan ang sarili mo para di ka nauubusan ng energy.”
“Nagkwento ba sayo si Lori?” Nawalan ng emosyon ang tinig ni Lathan. Palagay niya, pilit lang nitong itinatago ang pagngingitngit. “Ang sabi ko sa kanya, silipin ka lang. Hindi ko siya sinabihang makipagkwentuhan sayo. Tapos ngayon…” Pumalatak ito kasabay ng mariing pagtikom ng kamao. “Anong mga sinabi niya sayo?”
Umiling siya. Ayaw niyang ipagkanulo si Lori sa kapatid nito. Isa pa, concern lang naman ang babaeng bampira sa kapatid kaya siya hinihimok na umalis na sa kabilang dimensyon ng daigdig. Ipinapahamak nga naman niya si Lathan. Sa pagbabantay nito sa source of food nito, napapabayaan nito ang sarili.
Source of food.
Iyon ang ipinipilit ni Lathan na tingin nito sa kanya subalit hindi ganoon ang nararamdaman niya. Aminin man nito o hindi, alam niyang kahit paano ay binibigyan din siya nito ng halaga. Siguro, bilang isang kaibigang mortal.
“Nakita kitang bitbit ng isa mo pang kapatid. Hahanapin sana kita dahil nag-aalala ako sayo pero pinigilan ako ni Lori. Sabi niya, magiging okay ka.”
Unti-unti nang bumubuka ang kamao ni Lathan. Palagay niya ay kumakalma na ito.
“Wala akong naaamoy na maski isa sa mga lahi ng mga Avergoungayon. Nagkaroon ng malakihang labanan sa pagitan namin at ng mga Avergou kagabi. Galit na galit sila sa amin dahil napatay ko ang bunso sa kanilang angkan. At dahil malalakas sina Ailister, Helios, Axyl at Azriel kagabi, halos naubos nila ang mga Avergou. Halos lang, dahil hindi natugis ng mga magulang ko ang patriyarka nila. Malamang nagpapadami pa sila sa kanilang lungga ngayon kaya walang nakakakalat maski isa.Ibigsahin, libre akong tumambay ngayon.” Bumaling ito sa kanya na malambot na ang ekspresyon ng mukha. Aminado itong mahina ito kagabi pero hindi niya ito makitaan ng pagsisisi na napinsala ito sa laban dahil lang sa pagbabantay sa kanya. Para roon, hindi niya alam kung matutuwa o magagalit rito. Tama si Lori, ipinapahamak niya lang si Lathan.
“Anong gusto mong gawin?”
Hindi makapaniwalang itinuro niya ang sarili. “A-Ako?”
Umigkas ang kilay ni Lathan. “May iba pa ba tayong kasama rito?”
Pabirong inirapan nga niya si Lathan. “Nakakagulat ka kasing magtanong. I mean, hello? Kelan mo pa ako tinanong ng gusto kong gawin?”
“Ngayon.” Sarkastikong tugon nito.
“As if naman na tutulungan mo akong gawin ang gusto ko?”
“Tutulungan kita. Maski ano pa iyan.”
Palagay niya ay biglang lumiwanag ang tingin niya sa paligid. “Talaga?”
“Oo.” Sinabayan nito iyon ng ngiti at tango.
“Gusto kong lumipad. Yung mataas na mataas. Kaya mo ba akong ilipad?”
“Nah! Maski ikaw, kaya mong gawin iyon. I-imagine mo lang na lumilipad ka, magagawa mo na. Kaluluwa ka ngayon.”
“Mabagal mag-process ang imagination ko. Ilipad mo nalang ako. Mamasyal tayo sa buong Quezon City na lumilipad.”
“Okay.” Umayos ito ng tayo. “Hintayin mo ako dito. Mabilis lang ako.”
“Ha? Bakit? Saan ka pupunta? Kukuha ka ng chopper?”
Natawa si Lathan sa bulalas niya. “Funny, ha? Really funny, Scylla.” He patted her head. “Wait me here. I won’t take long.”
Sa isang sandali ay nawala na ito. Napakabilis ng pagkilos nito. Patalon-talon ito sa mga puno at bubungan ng mga nadadaanan nito hanggang sa tuluyan na itong nawala sa mga paningin niya.
Saan naman kaya pupunta ang gwapong bampira na iyon? Sabi niya lang naman na gusto niyang lumipad sila. Pwede naman siya nitong ilipad nalang, bakit kailangan pa nitong umalis?
Hindi nga nagtagal ay naroroon na ulit si Lathan sa rooftop. Nasa astral form na ito na ipinagtaka niya.
“I need to do an OBE para mapagbigyan ang gusto mo. Kung nasa pisikal akong katawan, hindi tayo makakalipad. Hanggang sa pagtalon ng mataas at mabilis lang ang magagawa ko.”
Lihim na napasinghap si Scylla habang minamasdan ang napakagwapong nakangiting bampira. Kumikinang sa tama ng liwanag ng buwan ang asul nitongmga mata. Napakasarap nitong pagmasdan. Maski yata habambuhay nalang niyang gawin iyon ay di niya pagsasawaan.
“Let’s go?”
Hindi na hinintay ni Lathan ang sagot niya. Basta nalang siya nitong kinabig palapit at walang sabi-sabing inilipad sa himpapawid. Nagulat man siya subalit saglit lang iyon. Pumalit na ang masarap na pakiramdam ng pagkakalapit ng kanilang mga astral bodies.
Having him near hers was an awesome feeling. Wala siyang mahagilap na tamang salita para ipaliwanag ang pakiramdam kaya’t sa ganoong simpleng pangungusap nalang niya ilalarawan ang damdamin niya ng mga sandaling iyon. Gusto niya ang pakiramdam na magkasama silang lumulutang sa himpapawid. Gusto niya ang pakiramdam na magkalapat ang kanilang mga astral bodies. Ni hindi na nga niya magawang masdan ang paligid sa ibaba dahil abala siya sa pakiramdam na dulot ni Lathan sa kanya.
Gusto niya, gustong-gusto niya. Kung maaari ngang hilingin na sana ay wala nang katapusan ang sandaling iyon.
Sana…
“The town looks great at night. See that?” sabi ni Lathan.
Noon lang niya naisipang masdan ang view sa ibaba. At hindi nagsisinungaling si Lathan. Napakaganda nga ng view sa ibaba. Nagkikislapan ang iba’t-ibang kulay ng mga ilaw sa mga tahanan at establisyimento. Hindi mo aakalain na sa pagsikat ng araw kinaumagahan ay hindi ang nakikitang kagandahan sa gabi ang makikita kundi angpolusyon at maduming paligid.
“Oo nga. Ang ganda!” namamanghang sang-ayon niya.
Lumipad pa sila sa ibang lupalop ng Quezon City at patuloy na pinagmasdan ang magandang view sa ibaba. Minsan talaga, mas maganda ang isang bagay o lugar kapag gabi. Mas maganda rin ang isang karanasan kapag gabi.
Pero higit sa lahat, mas masarap kasama si Lathan sa ilalim ng liwanag ng buwan…
BUMALIK sina Lathan at Scylla sa rooftop matapos magsawa sa pamamasyal sa himpapawid. He had a great time with Scylla. Huli na iyon. At gusto niyang maski sa huling sandali ay may iiwan itong masayang alaala sa kanya. Nakapagdesisyon na siya. Hindi siya maaaring maging makasarili. Alam niya kung paanong nangungulila ang kapatid nito rito. Alam niya rin na hinahanap-hanap na ni Scylla ang dating buhay nito. Hindi ito pwedeng manatiling kaluluwa habambuhay. Hindi niya pwedeng nakawin ang buhay nito, ang magandang buhay na dapat ay ini-enjoy nito.
Isa pa, mapanganib ang mundong iyon para kay Scylla. Ayos lang naman sa kanya na itaya ang sarili sa pagprotekta sa dalaga, subalit hanggang kailan? Hindi niya hawak ang kapalaran. Isang katibayan na ng katotohanang iyon ang huling engkwentro niya kay Lach. Palakas ng palakas ang mga Avergou samantalang siya naman ay nagpapabaya sa kanyang sarili. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay suswertehin siya. At natunugan na rin ng mga Avergou ang matinding pagpapahalaga niya kay Scylla. Nag-aalala siyang sa tindi ng galit sa kanya ng angkan na iyon ay si Scylla ang pagbalingan ng mga ito. Mas nakakapangamba kung nasa dimensyong iyon ng mundo si Scylla, mas malapit ito sa panganib. Kailangan na niyang tanggapin na sa panaginip lang sila pwede ni Scylla. Sa panaginip niya lang ito pwedeng makasama.
Humilig si Scylla sa balikat ni Lathan. Nakaupo sila pareho sa railings ng rooftop habang tahimik na pinapanood ang magandang buwan. Hinayaan niya lang si Scylla. Masarap sa pakiramdam na nasa tabi niya lang ito, magkasama sila. And he wants to treasure that feelings as long as she was there, near him.
“L-Lathan?”
“Hmm?”
Bumaling ang napakaganda at napakaamong mukha ni Scylla sa kanya. And he couldn’t help but held his breath. Masyado itong maganda na para bang wala na siyang ibang nais gawin kundi ang haplusin ang kagandahang iyon o di kaya ay ibabad ito sa kanyang mga bisig.
Matiim na tumitig sa kanya ang nangungusap na mga mata ni Scylla. He could see love in her eyes. Alam niya, maski paano ay alam niyang may nabubuo na din itong damdamin para sa kanya. Mortals were easy to read. Kaya nga nang mapansin niya iyon kay Scylla, lumakas ang loob niyang hilingin rito na manatili ito sa tabi niya. He knew their feelings were mutual. Kaya lang…
Kaya lang, hindi pwede.
Hindi sila pwede…
“I think… I like you.” Walang pagdadalawang isip na sambit ni Scylla.
Iyon na nga ba ang kinatatakutan niyang marinig. He haven’t had a gut to break her heart. Mas maigi pang hindi na ito nagtapat para mas maging madali sa kanya ang pamamaalam rito.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lathan.
“I know…”
“You know?” gulat na tanong ni Scylla. Umalis ito sa pagkakahilig sa balikat niya at pinakatitigan siya. Pagkuway tila nahihiyang bawiin ang mga mata. “You already knew, and you didn’t want to do anything?” Dama niya ang lungkot sa tinig ng dalaga.
It was about time…
“Because I have nothing to do with that.”
“What?” gilalas nito sa kanya. “I thought… we felt the same?”
Nagbawi siya ng paningin. “You thought it wrong.” Walang awang tugon niya rito.
Mas maigi nang saktan niya ang damdamin nito. Mas mabuti iyon para mas madali niya itong maitaboy pabalik sa katawan nito. Mas madali nitong tatanggapin ang magiging alok niya.
“Pero tinutulungan mo ako. Pinoprotektahan mo ako…”
Ngumiti siya ng mapait. “Nakalimutan mo yata na minarkahan kita bilang consistent sorce of food ko. Ginagawa ko iyon para rin sa aking sarili.”
“Hindi…” Sunod-sunod na umiling si Scylla. “Sa mga sinabi sa akin ni Lori at sa mga nakikita ko, nararamdaman ko na hindi lang iyon ganoon.”
“Wala akong pakialam sa nararamdaman mo. We, Dreamscapes lives by eating from you humans. Pagkain kayo para sa mga katulad namin. Kung binibigyan mo ng ibang kahulugan ang mga ginawa ko, wala na akong magagawa roon. Basta pagkain kita, at hindi mo matatakasan ang bagay na iyon.”
“Hindi! Hindi totoo iyan!”
Dagli itong umalis sa pagkakaupo sa tabi niya.
“Alam mo, medyo napapagod na din kasi akong parati kang bantayan. Mas maigi pa siguro kung bumalik ka nalang sa katawan mo. Pakiramdam ko, nagsasayang lang ako ng panahon sayo samantalang ano lang ba ang makakain ko mula sayo? Hindi ganoon kalaki ang katawan mo para mabusog ako. Hindi naman kita maaaring patayin sa pagkuha ng lahat ng blood energy mo. Isang kasalanan iyon para sa amin. Nah!” Marahas na pumalatak siya. “Ngayon ko lang na-realize, bakit ba ako naawa sayo at tinutulungan at pinoprotektahan pa kita samantalang malulugi pa yata ako sayo.”
“Awa? Naaawa ka lang?”
Tila ayaw pa din nitong tanggapin ang narinig.
Umagos ang luha ni Scylla at parang nais nalang niyang bigwasan ang sarili. It tear him apart seeing her crying in pain he had given her. What an asshole he is?!
But he had to do that. He had to save her. Kung ang saktan ang damdamin nito ang tanging paraan para maligtas ito, wala siyang ibang pagpipilian kundi gawin iyon. Hindi ito safe sa dimensyon ng mundo na ginagalawan niya. Hindi niya alam kung hanggang saan niya ito mapoprotektahan. Isa pa, may sarili itong buhay na dapat nitong hinaharap ngayon.
“Oo. Awa. Naaawa ako sayo kaya kita tinulungan. It made me feel bad seeing a human crying. Kapag ganoon kasi, hindi magandang blood energy ang nakakain namin sa tao―”
“Tama na!” sigaw nito sa kanya. “Puro ka nalang pagkain! Blood energy! Iyon nalang ba talaga ang mahalaga sayo? Ang pagkain ng blood energy naming mga tao?”
“At ano pa bang mas hahalaga sa bagay na iyon ha?”
Hindi ito nakapagsalita. Puno ng hinanakit ang mga mata nitong patuloy sa pagluha.
Damn it, Lathan! Damn you!
“Much better if you would get some of my energy para makabalik ka na sa katawan mo. Nahihirapan na din kasi ako na protektahan ka.”
“What..? Hindi ko naman hiniling sayo na gawin mo iyon.” Masamang-masama ang loob nito sa kanya.
“Yeah, pero obligasyon ko iyon sa mga source of food namin. Obligasyon naming protekatahan kayong mga pagkain namin.” Pinagkadiin-diinan niya ang salitang pagkain.
Maybe he was really getting harsh to her. Pero iyon ang naiisip niyang pinakatamang gawin sa pagkakataong ito.
“Really huh? Utang na loob ko pa ba sayo iyon? Hindi ba dapat lang na ibigay mo sa akin ang enerhiya na kakailanganin ko para makabalik sa katawan ko para makakain ka na sa pamamagitan ko?” sarkastiko at puno ng pait na hayag naman ni Scylla.
Sa pagkakataong iyon ay bumaba na din siya sa pagkakaupo sa railings at nilapitan ito.
“Right… it’s about time.”
Sa isang mabilis at siguradong kilos ay nahaklit niya sa bewang ang nabiglang si Scylla. Dagli niyang inilapat ang mga labi sa mga labi ng dalaga. He felt her froze on her tracks. Hindi marahil nito inaasahan ang gagawin niya.
Ang pagsasalin ng enerhiya ay sa pamamagitan ng bibig. But it wasn’t an ordinary transferring of his energy but also an intimate part of it. He intentionally kissed her. It would be their last moment together. Mali na kung mali, at sabihin na ring nagte-take advantage siya pero gusto niya na kahit sa huling sandali, magawa niya ang isang bagay na labis niyang pinananabikang gawin, ang halikan ito. Maramdaman at maiparamdam niya rito ang totoong damdamin na mayroon siya para rito. Makakalimutan man siya nito sa pagbabalik nito sa dati nitong buhay pero wala na siyang pakialam.
Ang mahalaga, nagawa niyang iparamdam rito ang damdamin niya maski sa huling sandali.
Wala siyang pagsisisihan…
Mali man sa batas ng daigdig, pero sa pagkakaunawa niya, walang mali pagdating sa pag-ibig. Walang mali… Ang mali lang ay katotohanang hindi sila mabibigyan ng kalayaan na ipagpatuloy ang pag-ibig nila.
“Lathan…” sambit ni Scylla sa pangalan niya matapos itong unti-unting pakawalan. “Nagsisinungaling ka… bakit nagsisinungaling ka?” Lumuluhang tanong nito.
Lumilinaw ang silver cord nito sa kanyang paningin, senyales na dumadaloy na kay Scylla ang sapat na enerhiya na kailangan nito para makabalik.
“You love me… I can feel that. But why? Why did you lie?” nalilitong tanong nito.
Bago pa man siya makasagot ay tuluyan na itong hinila ng silver cord nito. Nakabalik na ito. Nararamdaman niyang nakabalik na ito. Dapat ay maging masaya na siya dahil alam niyang babalik na sa normal ang buhay nito. Mae-enjoy na nito ang totoong buhay na dapat ay ini-enjoy nito. Ang buhay na dapat lang para rito, buhay na hindi niya maibibigay rito kung ikukulong niya ito sa mundong ginagalawan niya. Subalit bakit hindi siya masaya? Bakit parang pinupunit siya? Parang nadudurog siya.
“Because I love you, Scylla. And loving means, letting go…”
Bumaba si Lathan mula sa rooftop para panoorin ang magiging eksena sa silid kung nasaan ang katawan ni Scylla. Nagtatakbuhan ang mga nurse at maging ang mga doctor on duty patungo roon. And he knew why…
“Welcome back to your life, sweety… and good bye…”