“Hmmm… Mukhang malalim na naman ang iniisip ng dalaga ko,” sabi ni Mimosa at niyakap si Aricka mula sa likuran. Nakaupo siya sa verandah noon habang hinihintay itong dumating. Gabi na itong dumating buhat sa art gallery.
“I am just watching the moon,” aniyang hindi inaalis ang tingin sa langit.
“At kailan ka pa naging fascinated sa buwan? Halos ayaw mo nang titingin sa labas ng bintana kapag dumilim. Then it must be something else.”
“Mom, naalala ba ninyo noong isang araw. I woke up from a bad dream.”
“At ang sabi mo hindi mo siya natatandaan.”
“Hindi ako nagsabi ng totoo. Natatandaan ko siya.”
“Ngayon ka lang yata naglihim sa akin,” nakakunot ang noo nitong sabi. Lahat kasi ng nangyayari sa kanya, ultimo iniisip niya ay sinasabi niya dito.
“Hindi ko siya pinansin noon. What’s the use of telling you? It was only a weird dream. And I thought it has nothing to do with me.”
“And it is bothering you now?”
“Sa panaginip ko, nakita ko na dalawa ang buwan sa langit. At kulay pula ang isa. Akala ko noong una panaginip lang iyon. Pero kanina, napanood ko sa news na magkakaroon nga ng dalawang buwan dalawang buwan mula ngayon.”
“Really?” fascinated na usal ni Mimosa.
“Yes. The planet Mars will the Earth’s second moon. It occurs every two hundred eighty two years. I know it is a phenomenon. Walang sinuman sa lifetime na ito ang maaring maka-witness niyon. Pero ano ang mangyayari sa araw na iyon? Ano ang kinalaman niyon sa akin?”
“Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa mundo ng mga tao sa pagsikat ng pulang buwan. Dahil natutulog ang lahat ng nilalang na tulad namin sa araw na iyon. Ang mga diwata, engkanto ay nahihimbing sa loob ng isang araw. Paggising namin, mas malakas na ang kapangyarihan namin. Nangyayari lang ito tuwing kulang-kulang tatlong daang taon. May kinalaman ang pulang planeta ng Mars sa paglakas ng mga kapangyarihan namin.”
“Kung may significance ito sa inyo, paano naman sa akin?” Maaring may importanteng mensahe o pangyayari sa araw na iyon kaya nakita niya sa panaginip.
“Hindi ko alam kung ano ang maaring epekto nito sa mga tao. Tatanungin ko ang Ninang Tina mo,” tukoy nito sa kaibigang astrologer. “Mas bihasa siya sa mga bagay na may kinalaman sa kapalaran ng mga tao.”
Niyakap niya ito. “Natatakot ako, Mommy.”
“Don’t be afraid. Hindi dapat katakutan ang mga bagay na hindi mo alam.”
“Sana wala ngang masamang mangyayari.”
Dahil kung totoo ang pulang buwam, maaring totoo rin sina Yvanna at Victor. Paano naman ang lumubog na isla? Totoo rin kaya ang mga pangyayaring nakita niya sa panaginip niya. At paano ang boses na narinig niyang tumatawag sa kanya? May kinalaman ba ang lahat ng ito sa pagkatao niya? Pagsikat kaya ng pulang buwan ay masasagot na niya kung sino talaga siya?
“HEY, Aricka! Get out of your shell. Ilang araw ka nang nagkukulong dito sa kuwarto mo at nabuburo sa kare-review. Sumama ka naman sa aking lumabas,” sabi ni Faith at pilit siyang hinila patayo.
Bumalik siya paupo at ipinagpatuloy ang pagbabasa kahit hindi niya maintindihan dahil sa panggulo nito. “Sa October na ang exam ko. I don’t have time to relax.” Kinabukasan niya ang nakasalalay sa exam na iyon.
“Matagal pa naman iyon. Hindi mo ba ako pwedeng pagbigyan?” tanong nito at pinagsalikop ang mga kamay. “Malapit na ang birthday ko.”
“So?” aniya at tinaasan ito ng kilay.
“Parang birthday gift mo na rin sa akin kung sasamahan mo akong lumabas. Sige na. Hindi papayag si Kuya na makipag-date ako kay Rico kung walang kasamang chaperone. Baka mag-insist siyang maging chaperone ko. Killjoy iyon. He would only ruin my date.”
“May birthday gift na ako sa iyo. Hindi na kita kailangang samahan. Ibang kaibigan mo na lang ang yayain mo.”
“Killjoy!” anito at nagdabog. Umaandar na naman ang pagiging brat nito. “Minsan lang naman ito. saka hindi ka naman mabo-bore sa date namin kasi isasama naman ni Rico si Richard.”
“Sino namang Richard iyon?” walang kainte-interes niyang tanong.
“Richard Amante! Sabi ni Rico magkaklase daw kayo noong elementary. I’m sure marami kayong mapag-uusapan.”
Tumalim ang mga mata niya. “Iyon ba ang makaka-date ko? Do you know that Richard is a first rate jerk? Ayoko siyang makita!”
Si Richard ang pinaka-antipatikong nilalang na nakilala niya. Hari ito ng kayabangan. At ito rin ang nuno ng mga alaskador. Richard used to taunt her as the devil’s daughter. Walang araw na hindi siya nito tinutukso. Kaya masama tuloy ang tingin sa kanya ng iba niyang schoolmate.
“You were still kids then. Malay mo nagbago na siya.”
“Or maybe not.” She was pretty sure that Richard would be worse. “Kaya humanap ka na lang ng ibang makaka-appraciete sa kaguwapuhan ni Richard.” Dahil hindi niya makakalimutan ang mga kalokohang ginawa nito noon.
“Bakit si Kuya Kraven okay lang sa iyo na inisin ka?”
“Your brother is far different from Richard. Your brother is a gentleman. Iniinis nga niya ako pero hindi niya sinisira ang pagkatao ko.”
“Mas okay siguro kung si Kuya Kraven na lang ang I-date mo.”
“Kahit sino pa iyan, ayoko pa ring sumama sa date mo!” mariin niyang sabi.
Umirap ito. “Hmp! Malabo kang kausap.”
Nakahinga siya nang maluwag nang lumabas ito sa kuwarto niya. Sa wakas ay sinukuan na rin nito ang pangungulit sa kanya. Marami pa siyang iniisip. At hindi niya sasayangin ang panahon niya para sa kapritso nito.
Nagulat siya nang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at nakita ang Mommy niya sa pinto at kasunod ang nakangising si Faith. “Aricka, pinapayagan na kitang sumama sa date ni Faith.”
“Bakit ako sasama sa kanya?” tanong niya.
“You heard her!” sabi ni Faith. “So you will come with me.”
“No way!” reklamo niya. “Mommy…”
“Pumayag na ako. Wala nang problema,” sabi ni Mimosa.
HINalikan ni Faith sa pisngi ang mommy niya. “Thanks, Tita. I love you!” Nginisihan naman siya ni Faith. “Ako ang nagwagi!”
“Mommy! How could you do this?” angal niya nang makaalis na si Faith. Pakiramdam kasi niya ay pinagkaisahan siya ng mga ito.
“What’s wrong?” inosenteng tanong ni Mimosa at pumunta sa sala. “Sabi ni Faith, nagwo-worry ka daw kasi na baka hindi kita payagan.”
“Oh, you know it was only an alibi. Pero pumayag pa rin kayo. I don’t want to go out on a date. I have more important things to do with my life!”
“What’s wrong with dating? Hindi ko naman sinabing mag-asawa ka.”
“Hindi talaga ako mag-aasawa. At ayokong paasahin kayo na magiging normal ang buhay ko. Because I don’t have a normal life to start with. That’s why I don’t want to date. Do you hear me, Mom?”
She stared at her intently. “What are you afraid of, Aricka?”
Ibinaba niya ang tingin. “I am afraid of who I am.”